Tamang tao, tamang oras

"Tamang tao, tamang oras"
-Tula-
Ika-labing dalawa, #12

Alam ko,
tayo'y para sa isa't-isa.
Tamang tyempo,
pinagkaloob sa ating dalawa.

Sigurado ako,

ikaw ang tamang tao—
na sa akin pinakaloob ng langit,
pinasasalamat ito nang paulit-ulit.

Ngunit, agad natikman ang dahas.
Ang tadhana ay naging marahas.
Sa'yo ako ay inilayo.
Ang puso, ngayo'y hinahapo.

Hindi mawari ang dahilan.
Upang lahat ng ito'y tuluyang maramdaman.

Sa tamang oras ay minahal lang naman—
ang tamang tao, sa maling paraan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top