Mananatili
"Mananatili"
-Tula-
Una, #1
Malalim na ang gabi,
hindi mawari ang nangyayari.
Magkahawak ang mga kamay
Ngunit bakit 'di mapalagay?
Sinabing ika'y mananatili
Tunay na nararamdama'y nakakubli
Iba ang sinasabi ng mga mata,
Sa'yong mga salita na hindi mahinuha
Sinabing ika'y mananatili
Oo, iyon ay iyong ginawa-sa kanyang tabi
Ikaw ay aking nakita
Habang ako'y patuloy na lumuluha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top