Iyong salita
"Iyong salita"
-Tula-
Ika-dalawampu't isa, #21
pakiusap,
tama na
sa iyong mga salitang
minsan ay nagpabilis
ng tibok nitong puso,
na naging dahilan
nang pag-alpas ng bawat
pinipigil na hininga,
nang pagtigil
sa pag-inog ng mundo
at paglipas
ng bawat segundo
ng buhay ko,
na minsan ika'y kumatok
sa pinto,
na walang pagtutol
kong binuksan.
at sa kabila ng lahat,
aaminin na masyado
akong nagmadali
na ani mo
mauubusan ng
pagkakataong matagpuan
ang bagay na hinahanap.
Kasiyahan
na inakalang
sa'yo matatagpuan.
ngunit, alam na
sa simula pa lang.
masasaktan kung
ang lahat ng salitang
iyong binitiwan,
ipinangako,
at itinuran
ay buong pusong
paniniwalaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top