Ilaw

"Ilaw"
-Tula-
Ikadalawampu’t dalawa, #22

heto't nakatulala ulit
palagi na lang
hindi magawang mahinuha
kung ano'ng dahilan
ng nararamdamang
bigat sa dibdib.

hindi magawang isa-boses
ang lahat ng nararamdaman
bakit. paano. ano'ng nangyari?
ngunit hindi mabigyan ng masagot
ang mga iyon
kaya ngayon ay mananahimik
kahit na naguguluhan
at nangangapa sa dilim
sinisikap na mahagilap
ang ilaw na nais lamang
na matagpuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top