Bitag ng Pagkakamali
"Bitag ng Pagkakamali"
-Tula-
Ikalabing-lima, #15
Ikaw at ako,
Sa gitna natin ay siya
Malimit lang na pinagbibigyan
Ang puso na sabihin ang nararamdaman
Dahil sa mga mata ng iba,
Siya ang mahal ko
Ngunit hindi nila alam na may ikaw - sa aming kuwento
Hindi maiwaksi sa isipan
Kung paano nagsimula ang usapan
Nagkalapit sa isa't-isa
Tila pinagbigkis ang paniniwala
na noon ay magkaiba
Hindi inaasahan,
Sasabihin mo ang hinagpis na iyong pinagdaraanan
Hindi ko rin mawari
Kung bakit maski ako ay nasasaktan
Sa bawat salitang iyong binibitiwan
Napapapikit, napapakuyom ang kamao
Kung sana ay magagawa kong saktan rin ang taong nanakit sa'yo.
Susubukang kalimutan
Nararamdaman na hindi pinahintulutan
-na masabi,
dahil alam na; sa simula pa lang
Napagtanto ko na.
Walang patutunguhan
Kung ipagpapatuloy ang hindi pa nasisimulan
Dahil magkaiba ang gustong gawin... sa dapat na gawin.
Kailangang piliin ang tama
Nang hindi magsisi sa huli,
Ititigil na ang kahibangang ito
Dahil isang kasalanan
ang hayaan ang sariling mahulog
- sa bitag ng isang pagkakamali.
-requested by a friend. Sana naisulat ko nang tama itong piece na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top