Akala

"Akala"
-Tula-
Ikalawa, #2

Akala ko ay ikaw na,
Lahat ng pinagdaanan-
Akala ko'y sapat na,
upang maging matatag tayo.

Umasa't naniwala
Na tayo'y hanggang dulo
Ngunit kagaya sa simula
Sa akala ako'y naniwala
Akala ko ay ikaw na
Akala ko ako'y sapat na
Ito ay mali, maling-mali
Nagpaloko lamang ako sa isang;
akala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top