Moment of Dream
Moment of Dream
'Ito lang kaya mo?'
'Hindi ka magiging successful niyan kung hanggang diyan ka lang'
'Such a shame to have a daughter like you'
'Hindi ko alam kung bakit naging anak pa kita kung gan'yan ka lang pala'
Mga salitang naririnig ko sa tuwing nakikita nila ako. Ang akala nila'y mahina ang utak ko. Ang akala nila'y hanggang doon lang ako.
Ngayon papatunayan kong kaya kong higitan ang ako noon.
Sa araw nito nakaakyat ako sa entablado. Nakasuot ng itim na toga at nakaharap sa mikropono. Handa ng ibahagi ang mensahe sa lahat ng tao.
Pinakita ko ang magandang ngiti ko.
"Good day Guests, Teachers, Parents and especially the Students," panimula ko.
Mula dito sa pwesto ko, kita ko ang gulat na nakaukit sa mukha ng magulang ko.
Hindi nila akalain na ako ang nagkamit ng pinakamalaking parangal sa araw na ito.
Hindi ko sinabi sakanila. Dahil gusto kong patunayan sakanila na kaya ko. Kinaya ko.
"Hindi ko akalain na sa araw na ito, nakatayo ako sa harap niyong lahat para magbigay ng mensahe. Hindi ko alam kung paano ako humatong sa ganitong sitwasyon kung saan haharap ako sainyo at magsasalita, pero ang alam ko lang kasi ay may gusto akong patunayan na dumating sa ganitong punto," nilibot ko ang paningin ko.
Nakita ko ang kaibigan kong proud na nakangiti sa'kin.
Pumalakpak siya saakin at nag shed ng imaginary tears.
Napatawa ako ng lihim.
"Pangarap ko noon na magkamit ng parangal para maipakita ko sa magulang ko na kaya ko. Na kaya kong higitan iyong parangal na ikinukumpara nila sa harap ko na nakamit ng ibang tao. Totoo na naiinggit ako sakanila kasi nakaya nila yon samantalang ako na nakulong na sa kung ano ako noon. Ginamit ko iyong inspirasyon para makarating dito sa kinatatayuan ko. I strive harder to become who am I right now. Sinabi ko sa sarili ko, magkakaroon din ako niyan, hihigitan ko pa sila. Kaya ngayon nandito ako sa harap niyong lahat," naramdaman kong may luhang pumatak sa mata ko nang mabalikan ko kung ako noon.
Yung mga salitang natanggap ko noon, nahigitan ko na ngayon.
"Hindi ko hinayaang manatili ako sa kinaroroonan ko noon. Hindi ko hinayaang lamunin ako ng mga salitang binitiwan nila saakin. Kaya ginamit ko iyon para mas magpursige pa. Don't let words of others bring you down. Let that words brought you up. Ma' Pa' nakikita niyo ba itong medalyang nakasabit saakin? Siguro naman mapagmamalaki niyo na ako? Hindi niyo na ako maikukumpara sa iba diba? I strive harder because of you two. It's all for you. That's how I love you both," I said those words while staring at them with tears in my eyes.
I smiled brightly at them and they're just crying their heart out while smiling.
"Ayoko ng magsalita kasi iiyak na talaga ako ng sobra. Hanggang dito nalang masasabi ko. Pasensya na at impromptu speech lang nagawa ko. Hindi ako prepared eh. That's all and thank you for listening. Good day again Guests, Teachers, Parents and especially the Students! Congratulations!" I said and bow a little bit.
Bumalik ako sa pwesto ko and say thank you to those people who congratulated me.
Ngayon niyo sabihing mahina ako, ngayon na may napatunayan na ako.
I guess those hardships of mine has finally paid off.
I smiled at that thought and gaze my parents who's crying because of what I have said.
Sana hindi na ako maikumpara pa.
°°°°°
→open for criticism
→typo and grammatical errors ahead
→plagiarism is a crime
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top