Darkest Night

DARKEST NIGHT
By: unhaaappywriter

Maulan.

Madilim

At isang nilalang na tumatakbo palayo sa isang nilalang na may pulang mata at dalawang matulis na pangil.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong sumulpot sakaniyang harapan at pilit siyang hinahabol. Ang mga mata nito'y may bahid ng galit na siyang kaniyang ipinagtatakha.

Bigla na lamang siyang nagulat ng bigla itong bumulaga sakaniyang harapan. May galit ang mata nito ay bahid ng ngisi sa kaniyang labi na nakatingin sakaniya.

Natulos na lamang siya sakaniyang kinatatayuan.

Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Alam mo namang mahal kita kaya bakit mo pa hinayaang mahawakan ka niya?" may bahid ng galit na sambit nito.

Ang pulang mga mata nito'y nagliwanag. Tanda na galit ito dahil sa pagpapakasal niya sakaniyang minamahal.

Bigla na lamang nitong hinawakan ang kaniyang panga ng mahigpit at inilapit ang mukha nito sa kaniyang mukha.

"Ang pag aari ko ay pag aari ko lamang! Ayoko ng may kahati lalo na pagdating saiyo, Anica! Saakin ka lamang! Saakin!" may pang-gigil na saad nito sakaniya.

Mas lalo siyang tinubuan ng labis labis na takot sa kaniyang dibdib.

Nanginginig ang kaniyang basang katawan. Ang kaniyang mata'y mababakasan ng takot at sumasabay sa patak ng ulan ang kaniyang luha.

"S-sino ka ba? H-hindi naman kita kilala," takot at mahinang aniya.

May ngising pumuslit sa labi ng nilalang.

"Ako ang nakatadhana saiyo. Ako dapat ang mapapangasawa mo. Ako ang tumatanaw saiyo sa kalayuan. Ako ang umiibig saiyo. At ako lang ang nararapat para saiyo," saad nito atsaka dinilaan ang kaniyang labi.

Ang tanging naiisip na lamang ni Anica sa mga oras na ito ay nababaliw na ang kaniyang kaharap.

Kaya pala pakiramdam ni Anica ay may nanonood sakaniya mula sa kalayuan, iyon pala ay dahil ito sakaniyang kaharap.

Hindi maisip ni Anica kung paanong nagkagusto sakaniya ang nilalang, hindi naman siya kagandahan. Isa lamang siyang dalagang may pangarap.

"H-hindi ikaw ang dapat saakin. M-may mahal na ako. M-may asawa na ako. B-baliw ka na! H-halimaw!" natatakot na sambit niya.

Muli ay umusbong na naman ang labis na galit sa mata ng kaharap.

Sinakal siya nito sa leeg. Hinawakan niya ang kamay nito at pilit na tinatanggal ang pagkakasakal sa leeg niya.

"Kung hindi rin lamang mapapasaakin ay mabuti pang mamatay ka nalang kasama ng asawa mong isang hangal at mang aagaw," saad nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sakaniya.

May ngising umusbong sa labi nito.

May kumirot sa puso ni Anica dahil sa sinambit nito.

"Hindi ko pa ba nasasabi saiyo? Wala na ang asawa mo hahaha! Pinatay ko siya bago pa ako magpakita saiyo. Kasi naman inagaw ka niya saakin eh akin ka lang. Masarap din pala ang dugo ng asawa mo. Matamis at malinamnam," aniya ng kaharap.

Sumabay sa paglandas ng ulan ang kaniyang luha na tanda ng pighati.

Hindi niya labis akalain na pinatay din pala ng kaharap ang kaniyang asawa.

"Ngayon, magsasama na kayong dalawa," saad nito.

Mabilis na bumaon sakaniyang leeg ang pangil nito.

"D-dencio," sambit bago nalagutan ng hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top