☀|ⓗⓘⓛⓘⓝⓖ|☀

Dati~

Hiling ko lang naman ay ang mapansin mo ako.

Kahit ba isang tawa lang...

***

"Hi!" Bati ko sa babaeng umiiyak na nasa ilalim ng puno.

Napasinghot siya, "Bakit ka nandito? Ano, para ipamukha mo sa'kin na ang pangit ko ng umiyak na napakamalas kong tao? Na sasabihin mo na ang tanga tanga ko sa pag-ibig?! Na nagpakatanga ako sa isang lalaki ha?!" Umiiyak pa ren siya kaya napailing-iling ako. Umupo ako katabi niya at walang pagaalinlangan na binigay ko ang aking panyo. Tinanggap naman niya agad ito.

"Hindi ka naman pangit ee." Napatingin siya ng deretso sa akin kaya ako'y namula. Di ko alam kung anung move ang sunod kong gagawin. Para akong naging yelo dahil sa tingin niya.

Napalunok ako, "Lalo ka lang pumanget!" Shit! Sarap putulin tuloy 'yun dila ko! Sinamaan niya ako ng tingin at tumawa siya na ikinabigla ko.

Seriously?!

Baliw ba ito?

Pinunasan niya ang mukha niya ng panyong binigay ko, sinipunan pa nga niya iyon ee.

Walang kaarte arteng babae...

"My name is Jacquelyn Haikie pala, short for Jackie hihi." Sabay lahad niya ng kamay.

"O-oy may uhog pa at sipon pa yan kamay mo ah." Sabi ko bigla.

"Arte mo!" Siya na ang umakmang makipagshake hands. Nadidiri akong tumingin sa kanya.

Kanina umiiyak lang ito, tapos pangiti-ngiti na?!

"Labhan mo yan panyo ko ah! Bagong bili lang yan." Bigla kong sabi.

"Haha!" Pero tinawanan lang nya ako.

*****

Noon~

Hiling ko lang naman ay sana maging friends tayo.

Kahit ba nasa kataas taasan ka...

***

Lumipas ang 1 month~

"Hi!" Sabay tabi ko sa kanya ng upuan.

"Uy, long time no see. Ikaw yun nandun sa park na-" Habang inaalala niya.

"Na nagbigay sayo ng panyo, na sininghotan mo pa ng sipon mo?" Ako na ang nagtuloy.

"Ai oo nga, hehe sorry hindi ko dala ee. Kinabukasan kase nagpunta ako dun, wala ka naman dun ee. And-- dito ka ren pala nagaaral hmmm."

"Syempre wala ka naman pinapansin na tao kundi ang boyfriend mo..." bulong ko.

"Uh? May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Ah sabi ko siguro tamad ako 'nun time na yun."

"Di ko pa pala alam pangalan mo, bigla ka kase umalis ee!" Namula ako dahil, 1st time ito!

"Ja-jake"

"Wow nice name ah! Sige bye muna. May meeting pa pala ako with teachers and principal, kung alam mo lang naman president ng student council ito hehe." Sabay nagtatakbo na siya.

Akala ko, nung tinanong na nya name ko ay...

"Wait! By The Way! Jake! Friends na tayo ah, Bukas sabay tayo lunch ah! Bye! Kaylangan ko na talaga magmadale!" Napangiti ako ng lapad...

*****

Nung Mga Panahon Na Iyon~

Hiling ko lang ay maging kaibigan ka.

Pero bakit may biglang kirot sa puso ko...

***

"Jackie, may tatlong joke ako." Tanong ko sa kanya. Nasa open field kami ngayon.

"Ano naman iyon?" Tanong niya.

"Joke Joke Joke!" Medyo hindi niya nagets.

Ouch!

"Hahahaha!" Ayun tumawa ng pilit, 'nun nakita niya kumunot yun mukha ko.

"Gets ko na nga, uy alam mo ba nagsorry sakin si Dave! Kilala mo na yun ee. Yun kinwento ko sayo dati." Yung Ex mo?

Bakit parang ang sakit na parang may kumurot sa puso ko?!

"Oh ano nangyare?" Tanong ko.

"Yun na nga nagsorry siya, gusto niya daw makipagbalikan! Ano payag ba ako?" Tanong niya sabay akbay sa akin.

"Mahal mo pa ren ba?" Mapait kong saad.

"O-oo mahal ko pa ren hanggang ngayon! Siya at siya pa rin." Sabay tanggal niya ng akbay sa akin at tumungo.

Hay.

"Kung mahal mo edi ipaglaban mo... Siya at siya paren pala ee. Second Chance tawag dun." Sabay ngiti ko ng pilit.

Nung mga sunod na nangyare, may sinabe ka sa akin na sobrang pinadurog ng aking puso...

---

Isang linggo na nung naging kayo uli...

Bakit kung kelan mahal na kita, bigla ka nalang nawala?

Bakit kung kelan mahal na kita, bigla mo nalang ako nilayuan?

Bakit kung kelan mahal na kita, bigla mo nalang ako ipinakilala siya sa akin ng personal?

Kung kelan mahal na kita, saka mo sinabing:

"Waah! Salamat talaga Jake! Masarap ka pala talagang maging KAIBIGAN!"

*****

Sa Espesyal Na Araw Ko~

Hiling ko lang naman ay masasayang araw.

Pero bakit iba ang nangyare...

Bakit Ngayon Pa!

***

"No! Hindi pwede ito!" Sigaw ko.

"Pero may taning na ang buhay mo! May Lung Cancer ka at nasa stage 4 cancer na siya!" Sabi ng doktor. Kasama ko ang mommy ko ngayon na umiiyak na.

Sinuot ko ang bonet ko, naglalagas na kasi...

Tumakbo ako, tumakbo kung saan lagi nagpapagaan na aking loob.

Sa ilalim ng puno.

"Hi!" Kilala ko yun boses na yun.

Tumingala ako. Umupo naman siya agad.

Bigla ko siya niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

Yakap siguro ang kaylangan ko...

"Nagbreak na kami.." Sa sobrang tahimik ng atmospera ay nagsalita ako...

"Anong ginawa sa iyo!" Sabay bitaw niya.

Sabay bitaw ni Jake...

Napailing na lang ako.

Bumuntong ng mahabang hininga si Jake.

Ng biglang may inilabas si Jake ng isang maliit na box. box na...

"Talikod ka." Utos niyang sabi, sinunod ko naman.

May naramdaman ako isang maliit na bato sa leeg ko, napagtanto kong isang diamond na kwintas iyon.

"Happy Birthday..." Biglang bulong niya sa taenga ko.

"Mahal kita Jackie, mahal kita higit pa sa kaibigan."

"A-ako ren." Utal kong sabi na ikinabigla niya pero...

No! Hindi Pwede!!!

Hindi Pwede Ito! Bakit Ngayon Pa!

*****

Pagtapos Ng Araw Na Iyon~

Hiling ko lang na mahalin mo ako pabalik.

Dream Come True yun pero bakit ganun...

Bakit Ganun Kasama Naman Ata Ng TADHANA?!

***

Jake's POV(Again)

Kami na! Kami na ng kinaibigan ko na...

Na minahal ko!

Kami Na Ng Mahal Ko!

1 month na ren nakalipas ng sabihin niyang mahal niya ako~

Date namin ngayon dahil ise-celebrate namin ang 1st monthsary.

Nasa restaurant kami.

Pumunta ng CR Ang Girlfriend Ko...

Ng biglang tumunog ang cellphone niya, iniwan niya kase ang bag niya sa akin.

Mama niya pala.

Hanggang ngayon pala hindi pa niya ako ipinakikilala sa mama niya, hahanap lang daw siya ng tyempo.

Naiintindihan ko naman siya...

Siguro sabihin ko na lang kaibigan niya ako, nasa cr si Jackie.

Sinagot ko ang tawag, sasagot sana ako ng palusot ko na bigla kaagad siya nag salita.

"Jackie anak, sabing magpahinga ka nalang sa bahay ee. Tumakas ka na naman. Gusto mo na ba mamatay ha?! Kung papagudin mo yan sarili mo! Nag-aalala lang ako sayo Jackie anak. Ayoko na ikaw ren mawala katulad ng pagkamatay ng daddy mo. Kahit may taning na yan buhay mo at stage 4 cancer na yan. Sana naman sa nalalabi mo pang buhay makasama mo ako kahit nasa bahay lang tayo. Dyusko anak umuwi ka na! Nag-aalala na si mommy mo. Hindi ko nga natanggap na mama-"

Nabitawan ko nalang ang cellphone, at dali dali ako nagpunta sa cr ng mga babae, kahit ba na inaawat ako ng mga security guard dahil nagwawala na ako dun plus nakalock ang pinto ng c.r sa girls.

Sa tagal buksan ng guard yun c.r gamit ang susi. Sa sobrang kaba ko at ang pagkainis ay bigla kong hinablot ang susing hawak niya at ako na ang umakmang magbukas.

"Jackie!" Sigaw ko.

Nakahandusay na siya sa sahig ng cr ng mga babae ng matapos kong buksan ang bwisit na pinto!

Lumapit ako sa kanya.

"Gising gising Jackie!!! Gising tulong!!! Tulungan 'nyu kami!" Kaya ba na lagi siya nagbo-bonet?

Bakit hindi niya sinabe?!! Sakin!

"Tuloooong! ANO BA! BAKIT TUTUNGANGA TUNGANGA LANG KAYO?! WALANG SILBI!!" Nakatayo lang kase ang mga security guard.

Binuhat ko na si Jackie at lumabas, kasabay ng security guard...

*****

Nung Araw Na Iyon~

Hiniling ko na sana hindi mo na lang ako PINANSEN!

Para hindi ko yan makita yan magaganda mong NGITI!

Hiniling ko na sana hindi nalang kita KINAIBIGAN!

Kahit ba nasa KATAAS-TAASAN ka! Dapat mas ginusto ko na lang pala na TINGALAIN ka!

Hiniling ko na lang sana na dapat hindi nalang tayo naging CLOSE! Pa!

Para naman mapigilan ko pa ang NARARAMDAMAN ko sa iyo!

Nasa Kung Alam Ko Lang Ganito Mangyayare, Sana Lumayo Na Lang Ako Sayo!

Kase Iniwan Mo Ang Puso Kong May Sugat Jackie Ee... Iniwan Mo Na Walang Painform Inform!

Tadhana nga naman iyon... Diba?

Ang Gumagawa?

---

Sa Ngayon?~

Hiling ko na sana masaya ka na jan sa langit ah, na sana wag mo ako ipagpapalit jan sa langit.

Dahil nga sabi ko sa iyo 'TADHANA nga naman iyon' ang gumawa nito sa atin...

Ngumiti Ako...

"Jackie! 1 week na lang! Magsasama na daw tayo jan sa langit!"

- T H E E N D -


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top