Kabanata 3 - Ang Mahiwagang Batang May Gintong Buhok
Nagbunyi ang kalooban ni A.C. nang tuluyan na siyang makalapit sa gate. Akmang hahawakan na niya ang bukasan nito nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.
"Ma'am, E.C.!"
Nanlamig ang dalagita sa narinig. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang isa sa tatlo nilang babaeng katulong na tumatakbong papalapit sa kanya.
"No!!! I got caught!" kinakabahang sigaw ni A.C. sa kanyang isipan nang makita na nakatingin sa kanya ang kanilang mga kasambahay.
Nakita niyang bumalik sa paglilinis ang dalawang babae nang tuluyang makalapit sa kanya ang kasambahay nilang tumawag sa kanyang pangalan.
"Saan po ang punta n'yo Ma'am E.C.? Bakit hindi n'yo po kasama si Nanay Puring at kuya Robert?" nakangiti subalit nagtatakang tanong ng kasama nila sa bahay.
"Actually, ate, it's A.C. not E.C.," sabi ng dalagita sa kanyang isipan.
Hindi niya ito isinatinig dahil alam naman niyang sadyang ganoon ang pronounciation nito sa kanyang pangalan dahil bisaya ito na mula sa Leyte. Baka masabihan siyang maldita at maisumbong pa sa kanyang mga magulang.
Siguradong mapapagalitan siya dahil ang bilin ng mga ito ay maging mabait siya sa lahat lalo na sa mga taong nagsisilbi sa kanila. Hindi nila dapat na ituring ang mga ito na ibang mga tao kundi parte ng kanilang pamilya.
"Ah...ano ate..." Pilit inalala ng dalagita kung anong pangalan nito subalit hindi niya matandaan, "Ano nga po ulit ang pangalan mo?" tanong ni A.C. na ngumiti ng alanganin sa kaharap.
"Soledad, Ma'am," nakangiti ring sagot nito.
"Ate, Sol. Ahmm...hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong niya upang ibahin ang paksa ng kanilang usapan. Pero curious talaga siya sa uri ng pananamit at sa itsura ng kaharap na walang halong panlalait.
Nakapusod ang buhok ni Sol. Nakasalamin na itim ang frame at malalaki ang bilog na lens. Ang damit nito ay turtle neck at mahaba ang mga manggas, kulay dark brown na may disenyong mga bulaklak na kulay pink at violet. Mahabang palda naman na gray ang pang ibaba nito at nakasuot ng doll shoes na black bilang panyapak.
"Hindi naman po. Sanay po akong ganito ang damit simula bata pa ako. Kahit nasa bahay lang ako, kumportable po ako na ganito ang ayos at suot ko," nakangiti pa ring sagot ni Sol.
"Sayang naman ate. Tinatago mo lang ang ganda mo," walang pambobolang pahayag ng dalagita. Tingin niya kasi may itinatago ngang ganda ang kanyang kaharap kung maayusan lang ito ng tama.
Ayon kay nay Puring pare-parehong nasa mid-20's ang edad ng mga bago nilang tatlong babaeng kasambahay at pare-pareho ng pinanggalingang probinsya. Normal naman ang ayos at pananamit ng dalawang kasamahan ni Sol, parehong nakasuot ng kumportableng pambahay. Ito lang ang naiiba sa tatlo. Wala silang uniform sa mga maid since pamilya na nga ang turing nila sa mga ito. Pwedeng magsuot ang mga ito ng kahit na ano basta't disente at hindi malaswa.
"She's weird!" sigaw ni A.C. sa isipan, "I mean...unique! She's unique!" pagtatama ng dalagita sa naisip nang maalala ang bilin ng kanyang mga magulang.
"Kung gusto mo, bibigyan kita ng ilang mga damit ko para may magamit ka. Pwede rin namang sabihan ko sila mommy na bilhan ka ng mga bagong damit," masayang sabi niya sa kaharap.
"Naku Ma'am E.C. 'wag na po. Sobrang nakakahiya sa inyo...Mabalik po tayo sa tanong ko kanina, saan po ang punta n'yo? Sigurado po kasing hahanapin kayo ni nanay Puring sa amin eh."
"Omg! Not effective! Isip A.C.! Think fast! Kailangang malusutan mo ito!" natatarantang sigaw ng dalagita sa kanyang isipan.
"Ahhh...may...may itatapon lang ako sa labas," sagot niya na muling nginitian ang kaharap.
"Ay Ma'am bakit po sa labas pa? May basurahan naman po tayo rito sa loob. Dito na lang po. Asan na po 'yung itatapon n'yo? Ako na po magtatapon."
"I'm sorry but I can't give it to you. Too personal kasi eh. Kaya nga nakalagay dito sa loob ng bag ko para walang ibang makakita kundi ako lang."
"Ano po ba 'yan at bawal makita ng iba?" curious na tanong ni Sol sa kanya.
"Again, I'm sorry ate Sol, hindi ko talaga pwedeng sabihin dahil too personal nga ito. Confidential na bagay talaga," sagot ni A.C. na hinawakan pa ang mga kamay ng kaharap.
Natahimik ang kanilang kasambahay dahil sa kanyang mga sinabi na tila ba nag-iisip.
Bumitiw siya sa pagkakahawak sa kamay nito bago muling nagsalita.
"Mabilis lang ako ate Sol. I promise! Babalik agad ako," nakangiti niyang pagbibigay ng assurance sa babae.
"Sige po, Ma'am...Balik na po ako sa paglilinis," nakangiti pa ring sabi nito sa kanya.
"Okay. Sige, Thank you."
Tumalikod na si A.C. nang makita na tumalikod na ang kaharap at naglakad pabalik sa pinanggalingan nito. Kaagad niyang binuksan ang gate upang makalabas. Isinara niya ito nang nasa labas na siya at mabilis na naglakad palapit sa natanaw niyang sasakyang nakaparada nang hindi kalayuan sa gate nila. Ibinilin niya sa Grab taxi driver na huwag mismong sa tapat ng gate nila maghintay.
"Mang Oscar?" tanong niya sa lalaking nakasandal sa gray Honda Jazz habang kinakalikot ang hawak na cellphone.
"Ako nga po, Ma'am A.C." sagot ng lalaki na humarap at tumingin sa kanya.
Sa tantiya niya ay kasing edad ni Mang Julio ang kanyang kaharap. Nasa 50's na siguro ang edad nito. Kayumanggi ang kulay ng balat. Salt & pepper ang buhok na mas lamang ang salt. Clean cut ang gupit. May mga gitla na sa mukha. Maamo naman ang mukha nito at maganda ang mga ngipin na kita niya dahil nakangiti ito sa kanya. Nakasuot ng plain blue polo shirt, black denim pants at white rubbershoes.
"Tara na po. Sakay na kayo," sabi ni Mang Oscar na pinagbukas pa siya ng pinto.
"Thank you po," nakangiting saad ng dalagita.
Natuwa si A.C. pagkaupo sa loob ng sasakyan dahil malakas at malamig ang aircon nito. Mabango rin ang scent na naaamoy niya sa loob ng sasakyan maging ang cologne na gamit ni Mang Oscar na naamoy rin niya nang sumakay na ito sa driver's seat.
"Mabilis lang naman po tayong makakarating sa White Plains Subdivision no?"
"Yes, Ma'am. Wala naman pong traffic kaya mabilis lang din akong nakarating dito sa inyo," sagot ng matanda sa kalmado nitong tinig. Pagkatapos ay sinumulan na nitong paandarin ang sasakyan hanggang sa tuluyan nang tumakbo paalis ang kanilang kotse.
"Mabuti naman po," masayang sabi ng dalagita.
In-unlock ni A.C. ang kanyang cellphone at pinindot ang messages. Nag-type ng message sa kaibigan :
'I'm on my way, Dannie. Please tell Ah-mah that I'm excited to see her! :)'
Pagkatapos ma-compose ang mensahe ay pinindot niya ang send.
"Bakit nga po pala kayo nag-Grab. Obvious naman pong mayaman kayo at maraming sasakyan?"
Napatingin ang dalagita sa driver ng sinasakyan niyang kotse dahil sa tanong nito.
"Ah kasi po...ginamit ng parents ko sa importante nilang lakad 'yung sasakyan namin. 'Yung isa naman po, may problema kaya nasa gawaan pa."
"Kaya naman pala...Nasa highway na po tayo, Ma'am," saad ng matandang lalaki.
Napatingin nga sa labas ang dalagita at nakitang totoo nga ang sinasabi ng driver. Muli niyang binalingan ang hawak na cellphone at tiningnan kung may reply na si Dannie subalit wala siyang nakita.
"Baka 'di pa nakikita. Baka busy pa sa pag-aayos ng gamit," pangangatwiran ni A.C. sa kanyang isipan.
Napagpasyahan na lang niyang tingnan ang kanyang mga social media application habang hinihintay ang reply ng kaibigan.
Maya-maya'y nagulantang siya sa nakabibinging sigaw ni Mang Oscar na punung-puno ng gulat at takot.
Bigla nitong kinabig pakaliwa ang sasakyan kaya napunta sila sa kabilang lane. Muntik na silang mabangga sa makakasalubong nilang sasakyan kaya siya naman ang napatili nang malakas sa sobrang takot. Napakapit din siya nang mahigpit sa mga pwede niyang makapitan sa loob ng sasakyan.
Muling kinabig ng driver pakanan naman ang sasakyan kaya napabalik sila sa lane nila kanina subalit may muntik na naman silang mabanggang sasakyan kaya kinabig ulit pakaliwa ni Mang Oscar ang kotse.
"May! May nakita akong! May nakita akong—" hilakbot na sigaw ng matandang lalaki na nanginginig pang lumingon sa kanya.
"May ano po?! Ano pong nakita n'yo?!" sigaw ng dalagita na napaiyak na sa takot. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa driver.
Hindi na nahintay ni A.C. ang sagot ng matanda dahil napatingin na siya sa harapan ng kanilang sasakyan at nakita ang papalapit na isang malaking truck sa kanila na tila nagpalaki ng kanyang ulo dahil sa sobrang takot sa maaaring mangyayari sa kanila.
"Mang Oscar!!! May paparating pong truck!!! Mababangga tayo!!!!"
"Aaaaahhhhh!!!!"
"Aaaaahhhhh!!!!"
Sabay na sigaw ng matandang lalaki at ng dalagita.
Tanging ang malakas at sunud-sunod na busina ng paparating na truck ang naririnig ni A.C. kasabay ng malakas na sigawan nila ng kanyang kasama. Napabitaw ang dalagita sa pagkakapit at itinakip na lang ang mga kamay sa kanyang mga mata at hinintay ang kakila-kilabot nilang kapalaran.
Naramdaman ng dalagita ang sobrang lakas niyang pagkakaumpog nang tila mag-preno nang malakas ang kanilang sinasakyan. Pinilit niyang dumilat at nakitang nakayukayok na ang driver sa steering wheel. Napansin niyang may batang nakaupo sa tabi nito na tila kulay ginto ang maiksi at kulot na buhok. Nakita niyang tila lilingon ito sa kanya subalit hindi na niya nakita ang mukha nito dahil tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
Unti-unting iminulat ni A.C. ang kanyang mga mata. Maliwanag na kalangitan ang sumalubong sa kanya. Kulay puti, maging ang mga ulap. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay.
"Wait!" sigaw ng dalagita sa kanyang isipan, "Bakit andito ako sa kalsada? Ang alam ko nasa loob ako ng sasakyan nang mawalan ako ng malay."
Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga at umupo sa kalsada. Magaan ang kanyang pakiramdam.
"Something's wrong. I just can't figure it out," sabi niya sa kanyang isipan.
Maya-maya'y napansin niya ang ingay nang mga tao na nagkukumpulan sa kanyang kaliwa.
"Bakit hindi man lang ako pinansin ng mga taong ito? Ano bang nangyayari?"
Narinig niya ang paparating na sasakyan kaya napatingin siya rito. Nakilala niya ang kotse niya. Huminto ang sasakyan malapit sa maraming tao at nakita niyang bumaba si Nay Puring at kuya Robert. Napansin niya ang nag-aalalang mukha ng dalawa.
"Parang may naiba rin sa kanila," sabi ng dalagita sa kanyang isipan.
Mabilis na tumayo si A.C. mula sa pagkakaupo at patakbong sinalubong si Nay Puring.
"Nay, ligtas ako! Sorry po! Huwag na kayong mag-aalala!" sigaw ng dalagita habang patakbong lumalapit sa matandang babae.
Ikinagimbal ng buo niyang pagkatao nang lumagpas lang siya at tumagos sa matanda nang yayakapin na sana niya ito nang tuluyan na siyang makalapit.
Patuloy sa paglalakad si Nay Puring at kuya Robert patungo sa nagkukumpulang mga tao. Ni hindi siya pinansin ng dalawa.
"Anong nangyayari sa akin?!" naiiyak nang saad ng dalagita.
"A.C.!!! Apo!!! Hindi!!!"
Napalingon si A.C. sa histerikal na sigaw ni Nay Puring na nakita niyang humahagulgol na sa gilid ng gray Honda Jazz na nakabukas ang pinto.
"Nay, bakit po kayo umiiyak diyan?! Andito po ako! Hindi n'yo po ba ako nakikita?!"
Hindi siya tinapunan ng tingin ng matanda. Napaluhod na ito sa gilid ng sasakyan habang inaalu-alo ni Robert.
Bagama't malakas na ang kutob ni A.C. sa nangyayari. Pilit niya pa ring itinatanggi sa kanyang sarili ang kanyang hinala.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa sasakyan at sinilip ang tinatawag at iniiyakan ng kanyang Nay Puring. Muling ikinagimbal ng buo niyang pagkatao na makita ang sarili sa loob ng kotse na nakasandal sa upuan na walang malay. May itim na likido na patuloy na tumutulo mula sa ulo niya patungo sa mukha at katawan niya.
Then it hit her!
Tiningnan niya ang paligid niya. Maging si Nay Puring, kuya Robert at mga nagkukumpulang tao.
Black & white lang ang nakikita niyang kulay!
'Yun ang naiba pagkakita niya sa dalawa kanina na bumaba ng sasakyan. Itim at puti na lang ang kulay ng damit ng dalawa sa kanyang paningin kumpara nang makita niya ang mga ito sa kanilang mansyon.
Wala nang kulay ang lahat ng bagay sa kanyang paningin!
"At kung itim at puti lang ang nakikita ko. Ibig sabihin dugo ang dumadaloy mula sa katawan kong walang malay, nagkulay itim lang sa aking paningin!" kinikilabutang realisasyon ng dalagita, "At kung hindi rin nila ako nakikita ngayon, ibig sabihin kaluluwa na lang ako! Humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko!" napahagulgol nang pahayag ng dalagita.
"Am I dead?!" tanong ni A.C. na muling tumingin sa walang malay niyang katawan.
"No! This can't be! No!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top