Kabanata 2 - Paboritong Apo Ni Ah-mah

"Hello, Dannie?" halos pabulong na tanong ni A.C. sa matalik niyang kaibigan na nasa kabilang linya matapos niyang marinig ang boses pagkasagot nito ng tawag niya.

"Yes? A.C. what's wrong? Bakit ka bumubulong diyan?" nagtatakang tanong ni Dannie sa kaibigan.

"Nay Puring might hear me kasi eh...but anyway...nasa bahay pa kayo?" pabulong pa ring sagot ng dalagita sa kaibigan.

Tumingin si A.C. sa nakasaradong pinto ng kanyang kwarto habang hawak ang cellphone sa kanyang kanang kamay na idinikit niya sa kanyang kanang tenga dahil sa ginagawang pagtawag sa matalik na kaibigan. Wala naman siyang narinig na mga yabag na papalapit sa kanyang pinto o anumang komosyon sa labas kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Actually, yes! And it was my fault. Tinanghali kasi ako nang gising. Nagagalit na nga si Ah-mah kasi 'di ba dapat madaling araw pa lang nakaalis na kami. Nagmamadali na nga ako sa pagbibihis ngayon buti napansing kong tumatawag ka," mahaba at mabilis na paliwanag ni Dannie.

Rinig ni A.C. ang pagmamadali ng kaibigan sa kabilang linya. Rinig niya rin na kumikilos nga ito habang kausap siya.

"That is good to know!" napasigaw ang dalaga sa nalaman. Napatalon pa siya sa kinatatayuan, namilog ang mga mata sa tuwa at napangiti ng abot tenga. Maya-maya'y napagtanto niya ang ginawa niya kaya naitakip niya ang kaliwang kamay sa bibig at napatingin sa pinto.

"Grabe ka naman A.C. napagalitan na nga ako, masaya ka pa!" inis na sita ni Dannie sa matalik na kaibigan.

"No! No! Hindi ako masaya dahil napagalitan ka ni Ah-mah. I'm sorry for that. What I mean is good to know na nasa bahay pa kayo ngayon. Ibig sabihin, makakasama pa ako sa inyo."

"What???!...wait!...Tama ba 'yung narinig ko? Sasama ka sa amin sa pag-akyat sa Mount Banahaw?" gulat na tanong ni Dannica.

"Yes, Dannie! You heard me right!"
Excited na sagot ni A.C.

"But why? No offense ha! Siyempre masaya akong makasama ka sa lakad namin pero 'di ba may plans kayo ng family this holy week? Anong nangyari? Hindi na tuloy?"

Hindi napagilan ng dalagita na muling malungkot dahil sa narinig na tanong ng kanyang kanyang kaibigan. Napalitan ng bitterness ang excitement sa kanyang tinig nang muling sumagot kay Dannie.

"Ganoon na nga Dannie. Hindi na tuloy ang lahat ng plano namin this holy week. Again, dahil na naman sa businesses ng parents ko. Well, what's new 'di ba? I should have know better."

"I'm so sorry to hear that, A.C. Alam ko pa namang January pa lang nilu-look forward mo na itong family bonding n'yo ngayong holy week," sinserong pahayag ni Dannie sa hindi na nagmamadaling tinig. Sa tingin din ni A.C. hindi na ito kilos ng kilos habang kausap siya. Tila nakapirmi na ito sa kinatatayuan o 'di kaya'y umupo na sa kama.

"Kaya nga 'di ba? Excited pa naman ako to be with them. But anyway, papayag pa kaya si Ah-mah na hintayin n'yo ako riyan para makasama ako sa inyo?" tanong ni A.C. na masigla na ulit ang tinig.

"Of course, I'm sure she wouldn't mind! Ikaw pa ba? Alam mo namang gustung-gusto ka ni Ah-mah. Feeling ko nga mas paborito ka pa niya kesa sa akin na talagang apo niya."

"That's why I love her too," sinserong pahayag ni A.C. "pero you're exaggerating naman sa mas paborito niya ako. Remember sabi niya, dalawa tayong apo niya, so pantay lang tayo sa paningin niya. Haha!" pagtatapos ng dalaga na napahalakhak pa ng mahina.

Dannica Tan, her bestfriend & classmate in Ateneo De Manila Senior High School, came from a wealthy Chinese family kaya naman "ah-mah" ang tawag nito sa abuela which means grandmother or lola. Well, hindi siguro totally pure dahil Filipina ang ina ng kanyang kaibigan.

Pure Chinese ang grandparents at father nito na nag-settle dito sa Pilipinas maraming taon na ang nakararaan. Nagtayo ng mga negosyo tulad ng manufacturing of food & beverage companies at textile companies na napalago naman ng mga ito bago pumanaw ang lolo ng kanyang kaibigan. Ang father na ni Dannie ang tuluyang namahala sa mga negosyo ng mga magulang nito para bawasan na ang stress ng lola ng kanyang kaibigan upang humaba pa ang buhay nito at hindi agad sumunod sa namayapang asawa.

Nakilala ng father ni Dannie ang asawa nitong pure Filipina sa isa sa mga dinaluhan nitong business expo labinwalong taon na ang nakakaraan. Agad na nagkagustuhan ang dalawa na agad nagpakasal makalipas ang isang taon na hindi naman tinutulan ni Ah-mah dahil mula rin sa mayamang pamilya ang ina ng kanyang kaibigan kahit hindi ito Chinese o may dugong intsik.

Bagama't wala rin siyang lahing Chinese, malapit ang loob ng lola ni Dannie sa kanya. Sa katunayan ito pa ang humiling na Ah-mah na rin ang itawag niya rito nang unang pumunta siya sa mansyon ng mga Tan. Malapit din ang loob niya sa matanda dahil wala na siyang lolo at lola sa side ng kanyang daddy samantalang matagal nang naka-based sa Spain ang parents na kanyang mommy kaya madalang niyang makita at makasama ang mga ito.

"Sige na nga since bestfriend kita at malakas ka rin sa akin. Willing na akong mag-give way! Hmmp!" pabirong ismid ni Dannie sa kabilang linya. Naiimagine ni A.C. na nakasimagot ito kaya napatawa siya ng mahina.

"Thank you so much, Dannie! Promise, I'll be quick! Ilang minuto lang nandiyan na ako sa bahay n'yo."

"Okay! See yah!"

Matapos na marinig ang pagkawala ng kaibigan sa kabilang linya, kaagad niyang hinagilap ang Grab application sa kanyang cellphone at nag-book ng masasakyan. Hindi siya pwedeng magpahatid kay kuya Robert niya dahil siguradong hindi siya papayagan ni nay Puring sa gagawin niyang pagsama kina Dannie.

Matapos ang successful booking ng masasakyan kaagad niyang inilapag ang cellphone sa kama. Mabilis siyang pumasok sa banyo upang ayusin ang sarili. Hindi na siya maliligo kundi maghihilamos lang ng mukha, magwisisik ng tubig sa buhok, magpupunas ng katawan at magtu-toothbrush.

Mabilis din siyang lumabas ng banyo matapos na gawin ang mga dapat niyang gawin sa loob. Kaagad siyang nagsuot ng plain pink shirt na hapit sa hubog ng kanyang katawan. Bagama't 17 years old pa lang siya, kita na ang magandang hubog ng kanyang katawan. Maikling short na itim naman ang isinuot niya bilang pang ibaba. Maikli subalit hindi naman sobrang iksi na bastos na ang dating kundi sapat lang upang ipakita ang makinis at maputi niyang legs. Pagkatapos ay nagmedyas na siya at nagsuot ng hiking shoes.

Simple yet classy ang kanyang dating.

Mabilis niya ring hinagilap ang Hermes Pink Backpack niya at kinuha ang hiking clothes niya upang ilagay sa loob ng bag. Nilagay niya rin ang iba pa niyang kailangang personal na gamit at panghuli ang perfume niya matapos na halos ipaligo niya sa buhok at katawan. Galing pang France ang paborito niyang perfume na ito. Balak sana niyang magpagawa ng perfume na sa kanya nakapangalan subalit hindi pumayag ang kanyang ama dahil masyado raw mahal ang gusto niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ubod ito ng kuripot kahit marami naman silang pera.

Napangiti siya pagkadampot niya ng cellphone sa kama pagkatapos na maisukbit ang backpack sa kanyang balikat. Nakita niyang nag-text na ang driver ng na-book niyang grab taxi. Nasa labas na raw ito ng kanilang bahay.

Mabilis siyang nagtungo sa pinto subalit dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Dahan-dahan niya ring binuksan ang pinto at marahan din na sumilip sa labas. Wala naman siyang nakitang taong paparating kaya mabilis siyang lumabas at marahan na isinara ang pinto. Dahan-dahan din siyang naglakad patungo sa grandstaircase at sinilip ang kanilang sala. Napangiti siya nang makitang walang katao-tao sa baba kaya dali-dali subalit maingat na bumaba siya sa hagdan upang hindi makalikha ng malakas na ingay.

Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang makalabas ng bahay na walang aberya. Subalit natigilan siya nang makita ang tatlo nilang kasambahay na naglilinis sa malawak nilang bakuran.

"Oh no! Huwag sana nila akong mapansin!" sigaw ni A.C. sa kanyang isipan.

Inalis ng dalaga ang backpack sa kanyang balikat at kinuha ang white Gucci bucket hat niya at isinuot. Matapos na maisara at maisukbit muli sa kanyang balikat ang bag, mabilis siyang naglakad patungo sa malaki nilang itim na gate na hindi sumusulyap sa mga dinaraanan niya. Nakatingin lang siya ng diretso sa gate.

Nagbunyi ang kalooban ni A.C. nang tuluyan na siyang makalapit sa gate. Akmang hahawakan na niya ito upang buksan nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Ma'am, E.C.!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top