Kabanata 1 - Ang Marangyang Buhay Ni A.C.
Naalimpungatan si A.C. sa narinig niyang mahinang pagsara ng pinto. Bagama't antok na antok pa, pinilit niyang imulat nang tuluyan ang mga mata. Sigurado siyang hindi siya nananaginip. Siya pa naman 'yung tipo ng taong madaling magising sa kaunting kaluskos o ingay lang sa paligid.
Ang mainit na sinag nang araw na tumatagos sa bintana niyang natatakpan ng manipis na kurtinang kulay pink ang sumalubong sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang manipis na mga labi nang malanghap niya ang sweet cherry scent na ibinibuga ng humidifier na inorder niya pa sa USA.
Inabot niya ang iphone 14 pro max niya na may transparent pink case na nasa kanang bahagi ng kanyang kama at pinindot ang home button nito upang makita ang oras.
"6:08am," ang basa ni A.C sa kanyang isipan, "summer na nga pala kaya maaraw na kahit maaga pa," sa loob-loob niya na muling tumingin sa bintana.
"Wait!" Sigaw niya sa kanyang isipan na napabalikwas ng bangon nang maalala ang narinig niyang pagsara ng pinto kanina, "sino kaya ang nagbukas at nagsara ng pinto ko kanina? Si nanay puring kaya? Si mommy? O si daddy?" mga tanong niya sa sarili.
Mabilis na itinabi ni A.C. ang dalawang maliliit na unan na ulo ni hello kitty ang style sa kanyang unan para sa ulo na nababalutan ng pink na pillow case. Tuluyan niyang tinanggal ang pink na comforter sa kanyang katawan at tuluyang bumaba sa kanang bahagi ng kanyang malaki at malambot na kama.
"What could she or he need at this time? Saka bakit hindi ako ginising?" patuloy na tanong ng dalagita sa kanyang isipan habang nakatayo sa pink rectangular floor rag niya na may print na flowers & butterflies. Nakita niya ang pink bedroom slippers niya at dali-daling isinuot ito. Hindi na siya nag-abalang palitan ang suot niyang short sleeve silk pajama na kulay pink. Inayos na lang niya gamit ang kanyang mga kamay ang nagulo niyang buhok dahil sa pagtulog.
Ikinagulat ni A.C. ang nangyari kanina na naging dahilan kaya naalimpungatan siya dahil Holy Thursday ngayon kaya wala silang pasok. Ang totoo, lunes pa palang wala na silang pasok. Nagdeklara na ng holiday ang Ateneo De Manila Senior High School mula nakaraang lunes bilang simula ng mahal na araw hanggang sa lunes para sa araw ng kagitingan. Kaya naman, nagawa niyang makapag-swimming kagabi sa pool sa likod ng mediterranean mansion nila. May lakad sila ng kanyang mga magulang sa araw na ito pero hapon pa ang alis nila ayon sa kanilang napagkasunduan.
Patakbong tinungo ng dalagita ang pinto ng kanyang kwarto upang maabutan pa niya ang kung sino mang sumilip sa kanya habang siya ay natutulog. Pipihitin na niya ang doorknob nang pinto nang maalala niya ang bilin ng kanyang daddy na magtipid sa kuryente kaya mabilis niya inabot ang switch ng ilaw maging ng aircon at pinatay ito bago lumabas. Bagama't nagtataka sa bilin na ito ng kanyang ama dahil mayaman naman sila, mas pinili na lang niyang sundin ito at huwag nang magtanong pa.
Naabutan ni A.C. ang kanyang mommy pababa sa grandstaircase nila na naka-pwesto sa kaliwang bahagi ng kanilang mansion. Dalawa ang ang grandstaircase ng kanilang bahay na magkasalubong ang hagdan pababa patungo sa living room. Kung ang kanyang kwarto ay nakapwesto sa taas ng enggrandeng hagdan sa kaliwa, sa taas ng enggrandeng hagdan naman sa kanan ang kwarto ng kanyang mga magulang.
"Mommy?!" pigil ng dalagita sa ina, "What's wrong? Bakit po kayo nagpunta sa kwarto ko ng ganito kaaga?"
Isang alanganing ngiti ang nakita ng dalagita na sumilay sa mga labi ng kanyang mommy. Sa kabila ng pagtataka, hindi napigilan ng dalagita na humanga sa kanyang ina dahil sa kabila ng edad nitong apatnapu't isang taon napakaganda pa rin nito. May mga nagsasabi na parang nakatatandang kapatid niya ito at parang nasa late 20's lang.
Napangiti siya at tila napatingin sa kawalan dahil nakikita na niya ang sarili niya kapag nagka-edad na siya, magiging maganda pa rin siya dahil magkamukha sila ng kanyang mommy. Pareho silang may heart-shaped face magkaiba lang sila hairstyle dahil sleek & layered black hair ang sa mommy niya samantalang Half Updo With Wispy Bangs naman sa kanya na kulay itim din. Pareho rin silang may round brown eyes, pointed nose & pinkish thin lips. Maganda pa rin ang pangangatawan ng kanyang ina at maganda pa rin ang kutis nito. Namana niya ang pagiging mestiza ng kanyang mommy.
Nangangarap siya na tulad nito noon magiging ramp model din siya someday aside sa pagiging tagapagmana ng kanilang mga negosyo, tulad din nito noon. Her mom used to be a model & a businesswoman. Tumigil na lang ito sa pagmomodelo noong ikasal na ito sa kanyang ama at nag-focus na lang sa pagma-manage ng business na ipinama rito ng mga magulang nito.
"Allison, baby, gising ka na!" ang tila gulat na tugon ng kanyang mommy ang nagpabalik ng huwisyo kay A.C. mula sa pangangarap nang gising.
"Omg! Mommy, It's A.C.! Not Allison at lalo na baby! A.C. mom! A.C!" sabi ng dalagita na lalong kumunot ang noo at tila umuusok pa ang ilong.
"Chill, anak. Galit ka na naman. Sige ka, mabilis kang tatanda niyan. Baka tuluyang maging wrinkles yang kunot mo sa noo," panunuksong sagot sa kanya ng ina.
"Wait! Are you going somewhere mommy? Bakit po bihis na bihis ka?" tanong ng dalagita nang makita ang suot na dress ng ina na may autum-inspired print at ang haba ay umaabot sa taas ng mga tuhod nito. Nakita niya rin na nakasuot ito ng formal shoes na kulay puti at mataas ang takong. Nakatiklop ang white blazer nito sa kanang braso samantalang may hawak na maliit na brown leather bag sa kaliwa.
"I thought hapon pa tayo aalis nila daddy at nanay puring para mag-Visita Iglesia? Aagahan po natin or may iba tayong pupuntahan? Sandali lang po maliligo muna ako at magbibihis," sabi ni A.C. kahit masama ang kutob niyang iba ang pupuntahan ng kanyang mga magulang base sa suot ng kanyang mommy. Mabilis siyang tumalikod at akmang hahakbang pabalik sa kwarto nang marinig niya ang pagtawag ng ina.
"Wait, anak! Huwag ka munang umalis. Come with me downstairs, your dad will explain everything."
Laglag ang balikat na dahan-dahang humarap ang dalagita sa kanyang mommy. Hindi niya magawang maitago ang kalungkutang nadama dahil mukhang tama ang kanyang hinala lalo na't hindi siya hinayaang maligo at makapagbihis na nangangahulugan na hindi siya kasama sa lakad ng mga ito.
Walang kagana-gana niyang sinundan ang kanyang mommy na nauna nang bumaba sa magara nilang hagdan mula sa second floor patungo sa ground floor ng kanilang mansion. Naabutan niyang nakaupo sa elegante nilang sofa si nanay puring niya at pamangkin nitong si Robert. Si nanay puring ang yaya niya, na yaya rin noon ng kanyang mommy. Si Robert naman ay ang trenta anyos na pamangkin nito na kinuha nito mula sa probinsyang pinanggalingan nito upang magsilbi sa kanila bilang driver. Napansin niyang tila kagigising lang ng dalawa dahil naghihikab at nag-iinat pa si Robert.
"Hon, gising na pala ang anak natin. Heto na siya," sabi ng kanyang mommy na umagaw ng kanyang atensyon.
Napatingin siya sa kanyang daddy na tila may matatawagan sana sa hawak na cellphone subalit hindi natuloy dahil sa pagtawag dito ng kanyang mommy.
"Gising na pala ang baby ko!" nangiting sabi ng kanyang ama. Kung mestiza ang kanyang ina, pinoy na pinoy naman ang kulay ng kanyang ama. Moreno with classic taper haircut, thick eyebrows, matangos din ang ilong at medyo makapal ang mga labi. Matipuno ito at matangkad. Nakasalamin na lalong nagbigay dito ng aura na formal at maraming nalalaman.
"Again, it's A.C. dad & please stop calling me baby...I'm 17 years old, turning 18 this August," naiiritang sagot ng dalagita.
"But you'll forever be my baby kahit ikasal at magka-anak ka na," nakangiti pa ring saad ng kanyang daddy.
Ang cringe para sa kanya ng sinabi ng kanyang ama subalit pinagkibi't balikat na lang niya ito para hindi na humaba pa. Umupo siya sa sofa na katapat ng inuupuan nina nanay puring at Robert saka muling tinanong ang ama, "Saan po ba ang punta n'yo dad? Bakit hindi n'yo po ako isasama?"
Lumapit ang kanyang mommy sa kaliwang bahagi kanyang daddy at hinawakan ito sa kaliwang braso, "Please tell her, hon."
Tumango ang kanyang ama sa kanyang ina pagkatapos ay tumingin sa kanya, "I'm sorry, anak but we have to cancel our plans this holy week," malungkot na pahayag ng kanyang daddy.
Napabuntunghininga si A.C. "You mean that...hindi na tuloy ang plano nating pagbi-visita iglesia today & tomorrow?"
"Yes, baby...I mean A.C." malungkot din na sabi ng kanyang mommy.
"How about our vacation in Balesin on Saturday & Sunday?" pagpapatuloy ng dalagita. Parehong member ng Balesin Island Club ang kanyang mga magulang.
"That one also could no longer push through," sagot ng kanyang daddy.
"Pero bakit po? Saan po ba ang punta n'yo?" muling tanong ni A.C. kahit may ideya na siya dahil sa suot ng kanyang mommy at dahil sa suot ng kanyang daddy na light blue longsleeves, slacks na black at formal black shoes. May nakasampay ding black coat sa kanang braso nito.
"Our Thai business partners called last night, gusto nilang ngayon na simulan ang meetings for our partnership to establish Lagdameo Opticals in different parts of Thailand. So need naming pumunta ng mommy mo roon ngayon para ma-seal ang deal na ito. This is a big step for our business, hindi na lang magiging kilala locally ang Lagdameo Opticals but possibly worldwide," masaya at nagmamalaking pahayag ng kanyang daddy.
Business ng kanyang ama ang nasabing optical shop na ngayon ay marami nang branches sa mga malls sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Samantalang restaurant business naman ang ipinama sa kanyang ina ng mga magulang nito na hanggang ngayon ay nag-o-operate pa rin at may mga branches na rin all over the Philippines, ang "Villavicencio's."
Kaya naman, nakaplano nang HRM ang kukunin niyang course sa college na gusto rin naman niya para siya na ang mamahala sa Spanish & Filipino foods resto nila pagdating ng araw. Samantalang ang magiging kapatid naman niyang lalaki ang magiging tagapagmana ng optical shop ng kanyang daddy. Hindi pa nga lang siya nasusundan dahil masyadong abala ang kanyang mga magulang sa pagpapalawak ng kanilang dalawang negosyo.
"Hanggang kailan po kayo doon at bakit kasama ka mommy? Hindi pwedeng si daddy lang?"
"Until Sunday kami doon anak ng mommy mo. Need na kasama siya since kasama rin ng mga Thai investors ang kanilang mga asawa. Meetings with vacation ang mangyayari kaya aabutin ng ilang araw," mahabang paliwanag ng kanyang daddy.
"And hindi ka namin maisasama since baka mainip ka lang at ma-out of place, anak. Wala kasing kasamang mga anak ang mga Thai investors," segunda ng kanyang ina.
Naisip naman ni A.C. na may punto ang kanyang mga magulang kaya natahimik na lang siya at wala nang nasabi pa.
"So paano anak, we'll go ahead na at baka ma-miss pa namin ang flight namin," nilapitan siya ng kanyang daddy at hinalikan sa noo.
"If you want, baby, pwede ka namang magpasama kay nanay puring at kuya Robert mo para mag-Visita Iglesia then pwede rin kayong mag-beach on Saturday & Sunday," suhestyon ng kanyang mommy na tumingin pa sa mga babanggit bago lumapit sa kanya at humalik sa kanyang kanang pisngi.
"Hindi mo ba kami ihahatid kahit sa labas lang anak?" may ngiti sa labing tanong sa kanya ng kanyang ama. Nasa tabi na rin nito ang kanyang ina na nakangiti rin sa kanya.
Masama ang loob na sumandal ang dalagita sa sofang kinauupuan at pumikit. Akala pa naman niya na talagang babawi ang kanyang mga magulang ngayong mahal na araw upang makapagsimba sila at makapag-bonding dahil matagal na nila itong hindi nagagawa. Matagal na rin itong walang panahon sa kanya. Subalit mas inuna pa rin ng mga ito ang kanilang mga negosyo.
"Kaya n'yo na po yan...malalaki na po kayo," walang ganang sagot ni A.C.
"Sige anak, see you on Monday," narinig niyang sabi ng kanyang daddy.
"Nay, kayo na pong bahala kay A.C." bilin ng kanyang mommy kay Nanay Puring.
"Aba'y, oo naman, Isabella, anak. Ako nang bahala sa batang ito."
Narinig ni A.C. ang mga yabag papalabas ng kanyang mga magulang maging ang pagbitbit palabas ng dalawang naglalakihang luggages ni mang Julio na kanilang driver at ang pagtulong dito ng tatlo nilang babaeng katulong. Maya-maya pa'y narinig na niya ang isa sa sasakyan nila na umaandar palabas ng kanilang malawak na bakuran.
"Matutulog ka pa ba A.C. or gusto mong ipagluto na kita ng almusal?"
Ang tanong sa malambing na tinig ni nanay puring ang nagpadilat sa mga mata ng dalagita. Sasagot na sana siya nang may maalala na naging dahilan upang magliwanag ang kanyang mukha.
"Nay, since hindi kami tuloy nila mommy ngayong holy week, sasama na lang ako kina Dannie sa pag-akyat sa Mount Banahaw!" excited na sabi ng dalagita na napatayo pa mula sa pagkakaupo sa sofa. Panata ng lola ni Dannica Tan na kanyang bestfriend & classmate sa school ang pag-akyat sa banal na bundok tuwing mahal na araw. Naniniwala itong ang debosyon nito at patuloy na nakapagbibigay dito ng kalakasan at magandang kalusugan.
"Naku, apo. Hindi maaari. Hindi ka nakapagpaalam sa mommy at daddy mo baka mapahamak ka. Bakit hindi na lang natin sundin ang sinabi niya kanina."
Muling napaupo si A.C. dahil sa sinabi ng matanda. Nakikita niyang desidido na ito sa desisyon nito at wala nang makakapagpabago pa ng isip nito. Maya-maya'y napangiti siya nang may maisip na ideya.
"Sige na nga po nay....hmmm...nay, nagugutom na po pala ako. Pwede pong pakiluto n'yo ako ng pancakes then pakibalatan & pakihiwaan po ako ng apple & mangoes. Pakitimpla na rin po ako ng orange juice please," nakangiting pakiusap ng dalagita sa matanda.
"Sige apo," tumingin si nay puring kay Robert at pinakiusapan ito, "halika, Robert at tulungan mo ako sa kusina."
Tumayo ang matanda mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa kusina. Tumayo rin si Robert at sumunod sa tiyahin. Nang tuluyang mawala ang dalawa sa paningin ni A.C. sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Dali-dali siyang tumayo at mabilis na umakyat sa hagdan upang magtungo sa kanyang kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top