Hiling
AN:
Hello readers! Sa mga nakabasa na po ng Nine Stars, alam kong magiging familiar kayo sa characters dito sa short story na ito. Bali ito na ang sequel ng story ni Claire :)
Sa mga hindi pa nakakabasa ng Nine Stars, okay lang, maiintindihan niyo pa rin naman ang flow ng story. Pero mas okay kung nabasa niyo.
Ayun, salamat po. Enjoy! :)
***
Hiling
by Alyloony
May mga hiling tayo na hindi natutupad. Kahit gaano natin kagusto ang bagay na ‘yun at kahit gaano tayo magsumikap para makuha natin ito, wala pa ring nang yayari.
Minsan maiisip natin, bakit ang unfair? Bakit ‘yung iba, nakukuha nila lahat ng gusto nila? Bakit ako hindi? Bakit ‘yung iba, nagkakagusto sa kanila ang taong gusto rin nila? Samantalang ako, nag bilang na ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi, ilang beses ng nag hulog ng barya sa wishing well, at gabi-gabing nag aantay sa pag-patak ng 11:11, pero wala eh. Hindi ako magawang magustuhan ng gusto ko. Kahit anong hiling ko, walang nangyayari.
Minsan na rin akong nawalan ng tiwala. Siguro panget nga talaga ako dahil lahat na lang ng nagugustuhan ko eh ayaw sa akin. Kung hindi best friend, tulay naman ang role ko. Nakakainis! Napa-tanong tuloy ako kay God kung pagiging single blessedness ba talaga ang nakatadhana para sa akin.
Tatanggapin ko naman kung ganoon ang magiging kapalaran ko eh. Gusto ko lang talaga maranasan na mahalin ako ng taong mahal ko. Gusto kong maranasan na kahit ilang babae pa ang dumaan sa harapan niya, saakin lang siya nakatingin. Gusto kong malaman kung gaano kasarap ang may humawak sa kamay mo, o ang may mag punas sa luha mo, o ang halikan.
Gusto kong marinig ang “I love you” na manggaling sa taong gusto ko.
Ayun lang ang tanging hiling ko.
Minsan nang natupad ito. Minsan nang may lalaking dumating sa buhay ko para iparanas sa akin ang mga bagay na ito. Natupad ang hiling ko.
Pero pakshet. Hindi ko inakala na ganito pala ka-sakit ang magiging consequence ng wish ko.
“We love you Lewis!!”
Nakakabinging hiyawan at sigawan. Kaliwa’t kanan na tilian mula sa mga kababaihan. Nakatayo pa lang si Lewis at inaayos ang kanyang gitara, halos gumuho na ang stage area ng aming paaralan dahil sa mga nagwawalang fans.
Nakatayo ako sa may gilid ng stage at kasalukuyan kong vini-video-han ang event. Battle of the bands kasi ngayon. Hindi kasali si Lewis pero isa siya sa mga guest performers.
Napa-ngiti ako habang nakikita ko kung gaano kasaya ang mga estudyante ngayon na makita siya. Alam ko ngayon, tuwang tuwa rin siya.
Sa totoo lang, ang hirap isipin na ang Lewis na nasa stage ngayon ay isang malapit kong kaibigan at kapitbahay.
Naalala ko pa nung unang beses ko siyang nakilala. Umiiyak ako nun dahil sa isang lalaki. Akala ko kasi may gusto ang lalaking ‘yun sa akin, assumera lang pala ako. Ang nakakainis pa, naging tulay pa ako sa kanila ng babaeng gusto niya. Nasa park ako nun at nakatingin sa langit. Umaasa na baka mabago ng mga bituin ang kapalaran ng love life ko. Dumating si Lewis mula sa likod ko dala-dala ang libro kong nahulog sa hallway ng condo unit na tinutuluyan namin. Bigla niyang inilahad ang kamay niya at nagpa-kilala sa akin. Doon ko lang nalaman na sila pala ‘yung bagong lipat sa katapat naming unit.
Nung mga panahon na ‘yun, wala akong idea na sikat pala itong si Lewis. Yung kaklase ko pa ang nag sabi sa akin nang makita niya ito nung pumunta sila sa amin para gawin ang group project namin. Isang singer pala itong si Lewis at sikat na sikat sa internet. Nag simula siya sa pag p-post ng mga song covers niya sa YouTube at Soundcloud hanggang sa ayun, dumami na ng dumami ang nakikinig sa musika niya. Naging maingay ang pangalan niya sa internet kaya inimbitahan na rin siya sa iba’t ibang mga programs.
Swerte na rin ako dahil kapit-bahay ko itong si Lewis. Madalas akong makarinig ng free concert sa kanya. Palagi kasi siyang tambay sa may veranda ng condominium na tinutuluyan namin. Ako naman, madalas na nakikinig sa kanya. Ang ganda ng boses ng lalaking ito. ‘Yung tipong pag kumanta siya, gugustuhin mo na lang pumikit at mag concentrate sa pag awit niyang punong-puno ng emosyon.
“Hello, good evening!” masayang bati ni Lewis sa mga estudyanteng nanunuod sa kanya. Tanging ayan pa lang ang sinasabi niya, halos mabaliw na ang mga tao.
“Ako nga po pala si Lewis Alcantara. Gusto ko pong magpasalamat sa pag imbita niyo sa akin dito. Ayun, sana mag-enjoy kayo sa kakantahin ko.”
Sinimulan nang patugtugin ni Lewis ang gitara. Lahat ng tao natahimik at nakikinig sa kanya.
♪ “Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti, inaabot hanggang sa langit…” ♪
Napangiti ako bigla. Nakakainis naman ang boses nang isang ‘to. Lakas makapagpa-kilig eh. Kahit ano’ng kantahin niya, mapa pang in-love man o pang broken, damang-dama mo. Para bang kada kakanta siya, ibinubuhos niya lahat ng emosyon na meron siya. Idagdag mo pa na ang gwapo niya kaya naman ang mga kababaihan, halos maihi na sa sobrang kilig nang dahil sa kanya.
♪ “Wag ka lang titingin sa ‘kin at baka matunaw ang puso kong sabik…” ♪
Lumipat ako nang pwesto at nag tungo ako sa may ibaba ng stage sa gitna para mas makuhanan ko siya nang video. Buti na lang at dakilang alalay niya ako ngayon kaya libreng libre akong pumwesto kahit saan ko gusto.
♪ “Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay daraan ang mundo ko’y tumitigil. Ang pangalan mo, ang sinisigaw ng puso…” ♪
Pinapanuod kong kumanta si Lewis mula sa screen ng camera kong kasalukuyang nakatutok sa kanya at ini-re-record ang performance niya. Napansin ko naman na tumingin siya sa kinalulugaran ko kaya napa-tingin din ako sa kanya.
Nag-tama ang mga mata namin. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
♪ “Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pag-tingin…” ♪
Napa-hinga ako ng malalim. Ito na naman ang pakiramdam na ‘to eh, ‘yung parang nag kakarera ang puso ko sa sobrang bilis sa pag tibok. Nahihirapan akong huminga at para bang halu-halo na lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Ano ba ‘to? Kinikilig ba ako? Pinanlalambutan sa kanya? Naapektuhan sa boses niya? O baka naman sa ngiti at mga tingin niya?
Ito yung tinatawag kong nakaka pakshet na pakiramdam. Ang hirap mawari. Halu-halo eh. Hindi mo alam kung masaya ka o nasasaktan ka. Hindi mo rin malaman kung bakit mo nararamdaman ito.
Pero sa kabila ng napaka-gulo at halu-halong emosyon na nararamdaman mo, isa lang ang tanging malinaw sa puso mo---mahal mo siya.
Nakakainis.
~*~
“Naku, halata ata nung nagkamali ako nang pag strum ng gitara doon sa isang stanza,” sabi ni Lewis habang busy siyang pinapanuod ang performance niya kanina sa camera ko.
Nandito na kami ngayon sa condominium at kasalukuyang nakatambay sa may fountain sa tapat ng condominium building.
“Hindi naman,” sabi ko sa kanya. “Ang galing mo nga eh! Grabe ang dami mong fans! Wala atang hindi nakakakilala sa ‘yo sa school namin eh! Kita mo ‘yung tilian sa ‘yo?” tinapik ko siya sa braso, “ibang klase ka talaga!”
Napangiti si Lewis, “ikaw talaga ang dakilang taga-bola ko eh ‘no? Hindi naman kita binabayaran pero bakit lagi mo na lang akong binobola?”
“Eh kasi I’m also your fan at baka sakaling kumanta ka ulit ngayong gabi para sa akin!” natatawa-tawa kong sabi.
“Ouch! Sabi na, boses ko lang talaga ang habol mo!” sagot naman niya sa akin habang hinihimas-himas ang dibdib niya at nagkukunyaring nasasaktan.
Hinampas ko nga sa braso, “arte mo! Kantahan mo na lang ako.”
Kinuha niya ang gitara niya nasa gilid lang at ngumiti sa akin, “ano gusto mong kanta?”
“Kahit ano, basta ‘yung nakaka-relax!”
“Hmm, alam ko na. Alam ko magugustuhan mo ‘to.”
Umayos ng upo si Lewis at sinimulan ang pag tugtog ng gitara.
♪ “The weight of a simple human emotion weighs me down, more than the tank ever did..” ♪
First stanza pa lang ng kanta, hindi ko na maiwasang mapa-ngiti. Kinakanta niya kasi ang theme song ng paborito kong libro. Isa rin ‘to sa mga paborito ko talagang kanta.
♪ “The pain, it's determined and demanding to ache, but I'm okay...” ♪
Hindi ko maiwasang mapasabay ng kanta doon sa chorus. Kahiya-hiya man kasi hindi kagandahan ang boses ko, sadyang nakakadala talaga ‘yung kanta.
♪ “And I don't want to let this go. I don't want to lose control. I just want to see the stars with you…” ♪
At hindi lang ang kanta ‘yung nakakadala. Nakakainis kasi nakatingin sa akin si Lewis habang kumakanta siya. Nakatingin din ako sa mga mata niya. Pero hindi ko alam kung bakit, hindi ako naiilang. Para pa ngang ang komportable sa pakiramdam eh.
♪ “And I don't want to say goodbye, someone tell me why. I just want to see the stars with you…” ♪
Huminto sa pag tugtog si Lewis. “Hanggang diyan pa lang ang naaral ko eh, pero okay lang ba?”
I gave him a thumbs up, “okay na okay! Ang ganda!”
“Plano ko gawan ng cover ‘to. Favorite mo kasi eh.”
“Wow! Na-touch naman ako! Talagang gagawan mo ‘to ng cover para sa akin?!”
“Oo naman. Special ka sa akin, eh!”
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Dapat ba akong magpasalamat o dapat ko bang tanungin ano ang dahilan kung bakit ako special sa kanya? Nakakainis ang nag ri-rigodon kong puso, halos humiwalay na sa katawan ko.
Biglang luamakas ang ihip ng hangin. Napa-ngiti ulit si Lewis at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko.
Mas lalong nag wala ang puso ko.
“Tara na sa loob. Mukhang uulan eh,” yaya niya sa akin. Tumayo na kami at pumasok sa condominium.
“Good night, Claire!” sabi niya bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ng unit niya.
“G-good night, Lewis!” nag wave lang ako at dali-dali akong pumasok sa loob. Dumiretso agad ako sa kwarto ko and the moment na maisara ko ang pintuan, napaupo na lang ako dahil sa sobrang panlalambot.
Naguguluhan ako.
Aware ako sa nararamdaman ko kay Lewis pero hindi ko alam kung ano ako sa kanya. Nakakainis kasi sobrang caring niya sa akin, sobrang sweet at napaka bait niya. Madalas kaming mag usap dalawa. Lagi niya tinatanong kung nakakain na ba ako. Nung time na may sakit ako, alalang-alala siya. Nag dala pa nga siya ng lugaw sa unit namin eh. Madalas din ako kanatahan ni Lewis. Gustong gusto niyang inaalam ang mga paborito kong kanta at ginagawan niya ng cover ang mga ‘to. Pero bago niya ipost ang cover niya sa YouTube at SoundCloud niya, kinakanta muna niya ito personally sa harapan ko para raw ako ang unang makakarinig.
At ayan, lately, madalas niya akong sabihan na special ako sa kanya. Madalas din akong ma-speechless kada sasabihin niya ‘yun. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa special.
Special in a way na kaibigan niya ako? O special in a way na meron na akong pwesto sa puso niya?
Ang hirap intindihin. Hindi ko malaman kung bakit siya ganito sa akin. Dala lang ba ito ng pagiging close namin? Bunga lang ba ‘to ng halos araw araw kami magkasama kaya naman komportable na siya sa akin at ganoon na ang ipinapakita niya?
O baka may gusto siya sa akin?
Napa-iling ako bigla. Nakakatakot mag assume. Minsan ko nang naranasan ‘yan. Nag assume ako na mahal ako ng taong ‘yun pero hindi pala. Sadyang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Nasaktan ako nun ng sobra. Ilang araw din akong umiyak dahil sa lalaking ‘yun. At nakakatawa kasi si Lewis pa ang madalas mag cheer up sa akin nung mga panahon na ‘yun.
Pero ngayon, balik na naman ako sa umpisa. This time, kay Lewis ko na naman nararamdaman ito. ‘Yung taong mismong tumulong sa akin na makapag move on sa past ko, siya naman ngayon ang nag paparamdam sa akin ngayon.
~*~
“Bakit kasi ganyan kayong mga lalaki eh! Ang ge-gentleman niyo masyado, ang c-caring, ang lalambing. Hindi namin malaman kung meron na ba talaga kayong gusto sa amin o wala!” pag rereklamo ko sa kaibigan kong si Chim habang nandito kami sa coffee shop at umiinom ng kape.
“Kasi kayong mga babae, bawat sweet gestures namin, binibigyan niyo ng meaning,” sagot naman niya sa akin.
Hindi na ako umimik. Tama naman siya eh. Proven and tested ko na ang ganoong scenario, at kay Chim ko pa naranasan ‘yon. Minsan na rin kasi akong nagkagusto sa kanya at na-misunderstood ang mga friendly gesture niya sa akin.
Napa-buntong hininga na lang ako.
“Ba’t ka ba down na down? Dahil ‘yan kay Lewis ‘no?”
“Eh kasi naman eh….”
“Nagpaparamdam ba?”
Umiling ako, “ayoko mag assume. Mamaya masaktan lang ako.”
“Alam mo Claire, normal na bagay lang ‘yang pag a-assume eh. Mahal mo na ‘di ba? Pilitin mo mang wag umasa, aasa at aasa ka pa rin. In the end masasaktan at masasaktan ka pa rin kahit ano’ng gawin mo. Parte ‘yan ng pag mamahal eh. Pero sa ngayon, hayaan mo na lang ang sarili mo na kiligin sa mga ginagawa niya. Masaktan ka man sa huli, at least masaya ka sa umpisa.”
“Mahirap kaya mag move on!”
“Parang cycle naman ang pag-ibig eh. Ma-f-fall ka, kikiligin, magiging masaya, masasaktan, iiyak, mag m-move on tapos balik sa umpisa ulit. Minsan doon sa taong yun ulit o sa iba namang bagong dumating sa buhay mo. Pero kahit anong gawin mo, pag nag mahal ka, mararanasan at mararanasan mo ‘yan. And the point is, wag kang matakot masaktan. Go with the flow. Darating ang araw na ikaw na mismo ang makakakita kung ano ang dapat mong gawin.”
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Chim. Siguro nga masyado akong natatakot kaya hindi ko mai-open ang sarili ko kay Lewis. Mahal ko siya pero siguro masyado akong natatakot na mag assume na naman kaya hindi ako mapakali sa mga ginagawa niya ngayon.
Edi sweet siya. Edi caring siya. Special ako sa kanya. Kung ano man ang ibig sabihin nun, mahal ko siya at bahala na si batman kung saan ako dalhin ng nararamdaman ko.
“Uy! 11:11 na oh? Make a wish!” sabi ni Chim sa akin habang pinapakita ang oras sa phone niya.
“Eeeh hindi na ako masyadong nagpapaniwala sa mga ganyan eh.”
“Sus! Wala naman masama kung i-t-try ‘di ba?”
“Kungsabagay.” Oo nga, walang masama. Minsan na akong humiling sa mga bituin, at dinala ng mga bituin na ‘to sa akin si Lewis.
Baka sakaling matupad ulit ang hiling ko.
Sana…mahal din niya ako.
~*~
“Grabe kinakabahan ako. Mamaya magkamali ako. Mamaya batuhin ako ng kamatis ng mga tao,” sabi ni Lewis habang palakad-lakad siya sa dressing room.
Araw ng mga Puso ngayon at may Valentines Day Concert sa isang mall ang isang sikat na banda. Naimbitahan si Lewis na maging guest performer nila. At dahil first time niya sa ganitong kalaking crowd, kabadong kabado siya. Idagdag mo pa na kakanta siya kasama ang isang banda.
“Ano ka ba. Basta gawin mo lang ang dapat mong gawin. Isipin mo na lang, wala ‘yung crowd. Basta tumutugtog ka lang.”
Nagulat ako nang biglang kunin ni Lewis ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.
“Thank you, Claire.”
“O-okay lang yun, ano ka ba!”
“Siguro mas doble ang kabang mararamdaman ko kung wala ka. Salamat talaga.”
Bago pa ako makasagot ulit kay Lewis, tinawag na siya sa stage at ipinakilala nung banda sa crowd. Pagka-akyat pa lang niya, nagkaroon ng nakakabinging sigawan mula sa audience.
“Wow, ang lakas ng tiliian ng girls sa ‘yo bro!” pag bibiro sa kanya nung isang band member. “May ka-valentines ka ba ngayon?”
“Hmm, wala eh..” sagot nito at mas dumoble pa ang tilian ng audience. Napangiti ako.
“Wala! Naku pare hindi naman natin pwedeng palagpasin ang Valentines Day ng wala kang ka-Valentines! Tumingin ka sa harapan mo,” itinuro nung isang band member ang mga audience, “kita mo ‘yang mga nag gagandahang dilag na nanunuod sa atin ngayon? For sure marami ang gustong maging valentine mo. Kaya go na, mamili ka sa kanila ng gusto mong haranahin ngayong gabi.”
Napa-ngiti si Lewis at mas lalong nag-wala ang audience. Napuno ng sigawan at tilian ang stage area ng bumaba ito sa stage. Tumingin siya sa audience: naghahanap ng babaeng pakikiligin niya ngayong gabi.
Ang swerte naman ng kung sino man ang mahahatak niya.
Tumigil siya sa may gitna, mukhang nag hahanap pa rin siya. Walang mapili? Ang daming nag o-offer ng kamay sa kanya pero lahat nilalagpasan niya.
“Naku, mukhang nahihirapan si Lewis sa pag hahanap ng haharanahin ngayong gabi, ah!” pag bibiro nung isang member.
“May hinahanap kasi ako. Isang espesyal na babae,” naka-ngiting sagot naman ni Lewis mula sa baba na siyang nag pakilig lalo sa mga audience.
Umalis siya sa gitna at nag tungo sa may side ng stage kung saan ako naka-tayo. Biglang nag tama ang mga tingin namin. Nginitian niya ako. I smiled back at him. Akala ko ang ngiting yun ay signal lang para ipaalam sa akin na nag eenjoy na siya. Ganoon naman madalas ang ginagawa niya kada kakanta siya sa mga events. Hahanapin ako sa crowd at ngingitian. Pero nagulat ako nang lumapit siya sa pwesto ko at huminto sa harapan ko.
“May I?” naka-ngiting tanong niya sa akin habang naka-lahad ang kanyang kamay.
Siguro kulang na lang ay pasukan ako ng langgaw sa bunganga dahil hindi ko magawang isara ito sa sobrang pagka bigla. Una pa lang alam ko naman na hindi ako ang hahatakin ni Lewis pa akyat ng stage. Syempre pipiliin na niyang kantahan ang fans niya kesa sa akin na araw araw naman siyang naririnig kumanta.
Pero bakit ako?
Halos hindi ko marinig ang nakakabinging sigawan ng mga tao nang kunin ni Lewis ang kamay ko at hilahin ako pa-akyat ng stage. Mas nangingibabaw pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Ni-hindi ko na nga naintindihan ang sinasabi nung isang band member nila eh. The next thing I know, nag sisimula na silang tumugtog.
♪ “What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive..” ♪
Katulad ng kadalasan niyang ginagawa kada kakantahan niya ako, naka-tingin siya sa mga mata ko. Ito na naman yung boses niya na punong puno ng emosyon na para bang dinadala na naman niya ako sa mundo ng musikang kanyang nililikha.
Pero ‘di tulad ng dati, parang iba ‘yung ngayon. Mas doble ang bilis ng pintig ng puso ko. Para akong na su-suffocate. ‘Yung mga tingin niya, para akong nalulunod.
♪ “I can't keep up and I can't back down, I've been losing so much time…” ♪
Mahigpit na hinawakan ni Lewis ang kamay ko at nagulat ako nang bigla niya itong ipatong sa dibdib niya. Sa parte kung saan ramdam na ramdam ko ang pag-tibok ng puso niya.
Nakakapag-taka, ang bilis din ng pintig na ‘to. Katulad nung akin.
♪ “'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose. And it's you and me and all of the people. And I don't know why I can't keep my eyes off of you… ” ♪
That very moment, damang dama ko kung paano natunaw ang puso ko dahil sa lalaking ‘to. Siya ang unang gumawa ng ganito sa akin. Siya rin ang unang gumulo sa isipan ko ng husto.
Ano na ba talaga ang nangyayari? Ito na ba talaga ‘yun? Hindi na ba ako nag a-assume? Tunay na ba talaga ‘to Lord? Natupad na po ba ang hiling ko n asana mahalin din ako ng taong mahal ko. Siya na ba ‘yung ibinigay niyo sa akin nang minsan kong hilingin na sana makilala ko na talaga ang para sa akin?
Please Lord. Sana si Lewis na po talaga. Sana, tama na ito ngayon. Sana hindi na ako nag aassume ngayon.
Sana…
~*~
“Thank you talaga, Claire! As in thank you! This is, by far, one of the greatest moments in my life! Ang sarap sa feeling!”
Nginitian ko si Lewis, “okay lang yun! You did a great job! Kahit yung banda napahanga mo eh!”
“Salamat talaga!” Lumapit sa akin si Lewis at bigla akong niyakap. “Hindi ko ‘to magagawa kung wala ka, Claire. Ikaw talaga ang lucky charm ko.”
“W-walang anuman.”
Humiwalay si Lewis sa pagakaka-yakap sa akin. “Let’s eat dinner! My treat!”
“Talaga? I-li-libre mo ako?” ngingiti-ngiti kong tanong sa kanya.
“Oo naman! Atsaka isa pa, ‘di ba..” kinuha niya ang kamay ko at hinawakan, “ikaw ang ka-Valentines ko ngayon? Hindi naman pwedeng matapos ang araw na ‘to ng hindi man lang tayo nag di-dinner date.”
Siguro kung ikukumpara sa kamatis ang mukha ko, masasabi niyong mas mapula pa ako sa kamatis. Kaasar naman kasi itong bumanat eh! Ayan pa lang ang sinasabi niya, kinikilig na ako, bad trip!
Paano pa kaya pag nag I love you na siya sa akin? Edi nangisay na ako? What more kung halikan niya ako? Edi ikinamatay ko ‘yon?
B’at ba may mga lalaking tulad niya na alam na alam na alam kung paano pakikiligin ang isang babae? Ang sarap nila ipatapon sa Pluto kainis!
Dinala ako ni Lewis sa isang restaurant na hindi kalayuan doon sa mall kung saan naganap yung mall show. Masarap ang pagkain, pero hindi ganoon ka-mahal. Wala masyadong tao, relaxing ang ambiance, napaka-romantic ng lugar. Kulang na lang ay mag tanong si Lewis sa akin kung pwede na ba siyang manligaw. Pagka talagang tinanong niya ako nun, sasabihin ko, sinasagot ko na siya. Wala na atang ikaka-sing-perfect pa ang gabi ko pag nagkataon!
Pero habang kumakain kami, kung anu-ano lang ang pinag ku-kwentuhan namin. Karamihan pa nga puro kalokohan eh. Matapos namin kumain at mag daldalan, naisipan namin tumambay sa likod ng restaurant. Meron kasi silang mini garden doon at may wishing well sa gitna.
“Uy tara mag hulog tayo ng barya!” sabi ko kay Lewis. “Let’s make a wish!”
“Tunay ba ‘yan?”
“Ang alin?”
“Ang pag wi-wish sa wishing well?”
Nginitian ko si Lewis. “Hindi ko alam. Pwedeng totoo, pwedeng joke time lang. But either way, wala naman masama kung susubukan natin ‘di ba? Wala naman mawawala eh.”
“Kung sabagay.”
Kumuha si Lewis ng barya sa bulsa niya at pumikit. Pagka-tapos nun, inihulog niya ang barya sa wishing well.
“Ano hiniling mo?” tanong ko sa kanya.
“Secret. Hindi pwedeng sabihin eh baka hindi magka-totoo.”
“Ang daya mo talaga!”
Tumawa siya, “ang chismosa mo talaga. Pero kung ano man ‘yun, nararamdaman ko mag kakatotoo ‘yun. Ako na ang gagawa ng paraan.”
“Paano? Ano’ng paraan?”
Tumingin sa akin si Lewis at nginitian ako. “Basta.”
Nag pout ako sa kanya, “ayaw talagang sabihin.”
“Wag ka nga ngumuso diyan! Baka mamaya niyan…” he trailed off.
Napa-kunot naman ang noo ko, “baka mamaya ano?”
“Baka mamaya niyan…” inagat ni Lewis ang kanyang kamay at hinawakan ang mukha ko.
“L-lewis--?”
“..baka ‘di ko na mapigilan ang sarili ko. Ikaw kasi…”
He lean forward at para bang biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ako makakilos. Ayaw mag function maigi ng utak ko. Ramdam ko lang na unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa nararamdaman ko na ang hininga niya. Bawat segundo, parang nauubusan ako ng hininga. Parang nag wawala ang puso ko. May kung anong gumagalaw sa sikmura ko. Parang naka-bara sa lalamunan ko.
At para bang may nag fireworks sa dibdib ko nang lumapat na ang labi niya sa labi ko.
Isang segundong halik pero pakiramdam ko lifetime ang inabot bago maglapat ang mga labi namin.
Humiwalay si Lewis sa akin at tinignan niya ako sa mata. Bakas sa mukha niya na nagulat din siya sa ginawa niya. Pero agad itong napalitan ng isang nakakatunaw na ngiti.
Ang dami kong gustong sabihin at tanungin sa kanya. Gusto ko mag-wala, tumili at tumambling dahil sa kakiligan. Pero dahil ang bagal ng utak ko mag function dahil sa nangyari, tanging isang ngiti na lang din ang na-i-sagot ko sa kanya.
~*~
“Owmaygawd! Totoo ‘to! This time alam ko hindi na ako nag aassume! ‘Yung nangyari kagabi, totoong-totoo! Malinaw pa sa sinag ng araw at kinang ng pinaka maliwanag nag bituin sa langit! Nakakaloka!”
“May nangyari sa inyo?!” tanong ni Chim sa akin.
Nandito kami ngayon sa school at kasalukuyan kong ikinukwento kay Chim ang lahat ng nangyari kagabi. Nakakatawa lang isipin na yung lalaking minsang minahal at iniyakan ko, siya pa ngayon ang lalaking pinagsasabihan ko ng lahat.
“Walang nangyari katulad ng iniisip mo, ano ba! B’at kayong mga lalaki ang dudumi mag isip ‘no?!”
“Grabe ka naman maka-dumi! Pwedeng advance lang ako mag-isip?!”
“Okay fine! Advance ka na mag-isip! Pero ayun nga! Doon sa wishing well, matapos siyang mag hulog ng barya at mag wish, hinalikan niya ako! Nakakaloka! Hinalikan niya ako! Alam mo ‘yung feeling na i-w-wish ko pa lang, pero dumating na agad? Ganun!”
“Hindi ka naman lasing o nag ha-hallucinate nung mga panahon na ‘yun?”
“Hindi nga! Totoong-totoo ‘yun! Sigurado ako!”
“Weh?”
“Ano’ng weh ka diyan! Gusto mo ba sabihin ko sa nililigawan mo na madalas kang nag w-wet dreams?!”
“Huy! Grabe ‘to! Mapag-imbento ka ng kwento!”
“Eh kasi nga kausapin mo ako ng matino! ‘Di ba pag hinalikan na ibig sabihin ‘yun na ‘yon?”
Napa-buntong hininga si Chim, “pero sigurado ka ba talaga na hindi ilusyon ito?”
“Anooo baaa! Ramdam ko nga na hinalikan niya ako---“
“No,” pagpuputol niya sa sasabihin ko. “Oo maaring totoo na hinalikan ka niya, pero nakakasiguro ka bang hindi lang ‘yun basta halik?”
“W-what do you mean?”
“Siguro ang pinaka the best na magagawa mo eh ang antayin mo siyang sabihan ka na mahal ka niya.”
Sa totoo lang, naguluhan ako sa sinabi ni Chim. Hindi pa ba sapat na proof ito para sabihing gusto niya ako? ‘Yung halos araw-araw na pag harana niya sa akin, yung mga tingin niya, yung pag hawak niya ng kamay ko nung araw na ‘yun, yung bilis ng pintig ng puso niya, at ‘yung pag sasabi niya sa akin na special ako sa kanya. Hindi pa ba sapat na katibayan ‘yun?
Yung halik na yun, isang segundo lang pero yung pakiramdam tagos hanggang buto. Right that very moment, alam kong hindi na ako nag a-assume sa mga bagay bagay. Ramdam kong pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa.
Uy Claire what time ka makakauwi? I need to tell you something! :)
The moment na na-receive ko ang text message na ‘yan galing kay Lewis, halos hindi na ako mapakali sa loob ng classroom. Gusto ko na lumabas at kumaripas ng takbo pa-uwi. Kaso waley, stuck ako sa classroom habang nag le-lecture ang history teacher namin. Ang bagal pa niya mag salita! Gusto ko nan gang sumigaw dito na tama na! Past is past! Juskoo!
Nang mag ring ang bell, dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at kumaripas ng takbo palabas ng classroom kahit na ‘di ko pa naririnig ang “class dismiss” ng professor namin. Bahala na mapagalitan basta kailangan ko nang makita si Lewis!
Alam ko ito na ‘yun! Hindi na ako nag kakamali!
Nadatnan ko si Lewis sa may fountain sa harap ng condominium building namin. Palakad lakad siya at parang may malalim na iniisip. Napangiti ako.
“Uy Lewis!”
Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nakita ko kung paanong ang naguguluhan niyang expression ay napalitan ng isang matingkad na ngiti.
“Claire.”
Lumapit ako sa kanya, “ano ‘yung sasabihin mo sa akin?”
Hinawakan ni Lewis ang kamay ko and he lead me near the fountain. Naupo kami pareho sa gilid nito.
“Claire,” huminga siya ng malalim. “I don’t know where to start. Kasi ano eh…”
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya sa kamay ko. “Just tell me Lewis. Wag ka matakot.”
“Okay. Claire, we’re moving out.”
“H-huh?”
“Sa States na kami titira ng family ko.”
Parang biglang na-blangko ang utak ko. Wait. Parang hindi ito ang ine-expect kong sasabihin niya ah? Teka, ayaw mag sink in sa akin. Parang nangyari na ‘to dati sa akin ah? Parang naranasan ko na ‘to noon.
“I’m very happy na nakilala kita at nakasama kita kahit sa maikling panahon lang. Sobrang tine-treasure ko ang pagkakaibigan nating dalawa. I’ll try na makipag communicate pa rin sa ‘yo. Claire, thank you for everything ha?”
Napa-iling ako bigla. “Wait. I don’t understand. Please, please paki-explain sa akin. Ano’ng kaibigan?”
“Huh? What do you mean?”
“Hindi ba, ikaw at ako--?”
“Claire, anong iniisip mo?”
“Kagabi, b’at ako ang hinarana mo sa harap ng maraming tao? Among all your fans, bakit ako ang pinili mo?”
“Kasi hindi ako komportable sa ganoong bagay at sa lahat ng taong nandoon nung gabing ‘yun, sa ‘yo lang ako komportable. Please don’t tell me na binigyan mo na ng ibang meaning ‘yun?”
It’s my turn para mapahinga ng malalim. Naramdaman ko ang pag init ng mata ko na nag babadyang may lalabas ng mga luha dito.
“’Yung pag hawak mo ng kamay ko? Yung pag sasabi mo sa akin ng special?”
“You are special to me, Claire! Best friend kita ‘di ba?”
“N-nung hinalikan mo ako?”
Natahimik si Lewis at tinignan ako sa mata. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng tingin na ‘yun. Guilt? Awa? Inis?
“It’s just a kiss, Claire and I’m so sorry kung nagawa ko sa ‘yo yun. I’m so sorry…”
At ayun na nga, bumagsak na ang luha sa mata ko na kanina pa gustong kumawala.
“Just,” pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo. “Okay then. At least nagkalinawan na tayo. Salamat ah? Mag iingat ka sa States. Bye.”
Dali-dali akong tumalikod kay Lewis at nag lakad papasok sa unit namin habang hindi ko na mapigilan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Nakakainis, kasi isang parte sa akin, umaasa na hahabulin niya ako at hahatakin at sasabihin na hindi totoo lahat ng mga sinabi niya sa akin dahil natakot lang siya. Na ang totoo ay mahal niya talaga ako.
Kaso walang dumating.
Buong gabi akong umiyak. Ayokong kumausap ng kahit na sino. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts sa akin ni Chim. Pero pakshet eh! Iniwan ko pa ring naka bukas ang phone ko kasi iniintay ko na si Lewis ang mag text sa akin. Pero wala akong na-receive.
Ilang araw akong nag kulong sa bahay. Hindi ko rin alam na umalis na pala sina Lewis papuntang States. Nabalitaan ko na lang sa fan page niya sa Facebook nang minsan akong mag online. Ni-hindi man lang niya ako pinuntahan hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon.
Ang sakit sakit.
Nag assume na naman ako, tae. Hindi na ako nadala. Kada may mamahalin na lang ako, palagi na lang ganito ang scenario. Bakit ba palagi na lang akong nasasaktan? Ganito ba talaga ang role ko sa buhay? Ang saluhin lahat ng klase ng heart break? After nito, ano na naman ang susunod?
Ayoko na mag mahal.
Dumaan ang mga buwan. Inayos ko ang sarili ko. Napagod na kasi ako sa kakaiyak eh. Na-realize ko na wala ring patutunguhan ang ginagawa ko sa buhay ko.
Sinubukan kong mag move on at maka-bangon ulit. Naalala ko kasi ang sinabi sa akin dati ni Chim. Na ang love, isa ‘yang cycle. Oo alam ko may makikilala ulit akong bago na mag papasaya, mag papakilig at mag papaasa sa akin. Kahit ayoko na, alam ko kung gaano ka-pasaway ang puso ng tao. Kahit gawin kong bato ito, meron at meron pa ring makakapagpalambot dito.
Sa ngayon, mag m-move on muna ako. Pagagalingin ko muna ulit ang puso ko para ready na ulit siyang tumibok, mag mahal at masaktan.
Isang taon ang nakalipas. Masaya na ulit ako. Okay na ulit ang puso ko. Siguro nakapag move on na talaga ako.
Or so I thought.
Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at binisita ko ulit ang YouTube account ni Lewi. May bago siyang song cover. Pinanuod ko ‘yung video.
“Itong kanta na ‘to, sobrang mahalaga ito sa akin. Nandito na kasi talaga lahat ng bagay na gusto kong sabihin sa isang taong grabe kong nasaktan…” sabi niya doon sa video.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Medyo nangayayat ata siya? Parang namutla? Pero ganun pa rin ang mga mata niyang punong puno ng emosyon.
“Para kay….special.”
Biglang napako ang tingin ko sa mata niya. Agad naman niyang ibinaba ito at tumingin sa kanyang gitara na sinimulan na niyang patugtugin.
♪ “Minsan di ko maiwasang isipin ka. Lalo na sa t'wing nag iisa. Ano na kayang balita sa ‘yo? Naiisip mo rin kaya ako?” ♪
Napa-pikit ako bigla at pinakinggan lang ang boses ni Lewis. Limang buwan ko hindi na rinig ang boses na ‘to. Itong pag kanta niya na para bang dinadala niya ako sa ibang mundo.
♪ “Simula nang ikaw ay mawala, wala nang dahilan para lumuha. Damdamin pilit ko nang tinatago. Hinahanap ka pa rin ng aking puso. Parang kulang nga kapag ika'y wala.” ♪
Parang bigla na naman bumalik sa akin lahat. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla na naman nabuhay itong nararamdaman ko sa kanya na pilit ko nang pinapatay sa loob ng isang taon.
Akala ko naka-move on na ako. Pero anak ng tokwa naman, boses pa lang niya, parang bibigay na naman ulit ako.
♪ “At hihiling sa mga bituin, na minsan pa sana ako'y iyong mahalin. Hihiling kahit dumilim, ang aking daan na tatahakin...Patungo...” ♪
Sinubukan ko i-search si Lewis sa internet. Agad ko namang nakita ang private account na Facebook niya. Sinubukan ko mag send ng friend request kaso masyado ng puno ang friend requests niya. Nag message na lang ako sa kanya.
“Naalala mo pa ba ako?”
Alam ko na sa others folder lang malalagay ang message ko na ‘to. Pero umaasa ako na sana mabasa niya ito. Nakakainis naman kasi, pinag sisishan ko ang panahon na dinelete ko siya sa friends list ko. Ang bitter ko kasi nun eh.
Napahiga ako sa kama at napaisip. B’at ko nga ba ginagawa ‘to? Bakit hinahanap ko ulit siya? Umaasa na naman ba ako na ako yung tinutukoy niya doon sa kanta? Na para sa akin ang mensahe na ‘yun?
Nag a-assume na naman ba ako?
Ilang araw ang lumipas pero wala akong nakuhang reply galing sa kanya. Sinubukan ko pa ulit humanap ng paraan.
Pero hindi ko ine-expect ang makikita ko.
“Lewis Alcanta, you will always be forever in our hearts.”
“Nakakalungkot. Nakakaiyak. Your music is my way to escape reality. Bakit mo kami iniwan lahat?”
“This is not true. This is not true. Lewis Alcantara? No. This can’t be happening.”
“RIP, Lewis Alcantara.”
Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ano ‘tong nababasa ko?
Ayokong maniwala. Umaasa akong chismis lang lahat ng ‘to. Na joke time lang lahat ng ‘to.
Hindi ako naniniwala sa balitang ‘to.
Pero parang isinampal sa akin ang katotohanan. Pag bukas ni Mama ng T.V. ito agad ang balitang bumungad sa akin.
“Matapos ang ilang taong pakikipag sapalaran sa sakit na leukemia, Lewis Alcantara, pumanaw na…”
Ilang taong pakikipag sapalaran… And all this time na magkasama kami, may sakit na siya? B’at hindi niya sinabi sa akin? Bakit niya tinago?! Sabi niya best friend niya ako pero bakit niya nilihim sa akin ‘to?!
Pumunta ako sa lamay ni Lewis. Medyo nahirapan pa ako makapasok dahil sa dami ng tao. Buti na lang nakita ako ng Mama ni Lewis.
“My son is waiting for you,” maluha-luha nitong sabi.
Habang hawak-hawak niya ang braso ko, she lead me to Lewis’ coffin. At habang nag lalakad ako papalapit dito, parang pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko. Gusto kong umurong at tumakbo na lang papalabas. Ayokong makita si Lewis sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko kaya. Hindi ako naniniwala sa mga nangyayari.
When we reached Lewis’s coffin, napahagulgol na lang ako ng iyak. He’s smiling. Lewis is smiling at me. Yung matingkad na ngiti na ‘yun.
“Nakakainis ka,” pabulong kong sabi. “Nakakainis ka. Isang taon kitang iniyakan, ngayon magpaparadam ka sa akin para iyakan kita ulit? I hate you! Bakit ka ganyan? Why are you always making me cry?! I hate you!”
“Hija,” niyakap hinimas-himas ng mommy ni Lewis ang likuran ko. “Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko ‘to. Alam kong ayaw ni Lewis, pero may karapatan kang malaman.”
“H-ha? A-ano pong ibig niyong sabihin?”
May iniabot siya sa akin na isang sulat at tinapik niya ako sa braso.
“Maiwan muna kita.”
Kahit gulong-gulo, naupo ako at binuksan ko ang sulat. Hand writing pa lang, alam ko na agad na si Lewis ang sumulat nito.
Dear Claire,
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit pa kita sinusulatan. Wala rin naman akong balak ibigay sa ‘yo to. Ayoko rin naman na mabasa at malaman mo ang lahat ng ‘to kasi alam kong mahihirapan ka lang. Pero ito, sumusulat pa rin ako para mailabas ko lang lahat ng nasa dibdib ko. Ang bigat-bigat na kasi eh.
Naalala ko nung una kitang nakita sa Park na umiiyak dahil sa isang lalaki. Hindi ko masasabing tinamaan agad ako sa ‘yo nun, pero nung panahon na ‘yun, gusto kitang makilala. Nakakatuwa na ikaw pa pala ang may ari nung librong napulot ko dati. Salamat pala doon ah? Hiniram ko muna siya saglit sa ‘yo at binasa. Ang ganda nung kwento eh, nakaka inspire.
Hindi ko alam kung paano nag simula o kung saan, pero simula nang makilala kita at mapalapit sa akin, para bang nakakakita ulit ako ng liwanag sa madilim kong buhay. Yung mga kanta kong pang sarili ko lang dati, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ng dahil sa ‘yo. Masarap palang kumanta kapag ang mensahe ng kinakanta mo ay para sa ibang tao. Maraming salamat sa pagpaparanas sa akin ng ganung pakiramdam.
Nung panahong hinatak kita pa-akyat sa stage, patawad nag sinungaling ako sa ‘yo sa dahilan ko. Pero ang totoo talaga nun, ikaw kasi ang gusto kong kantahan. Yung kamay moa ng gusto kong hawakan. Oo, sa ‘yo ako kumportable, pero bukod pa doon, ikaw lang kasi ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Nung hinalikan kita, it is not just a kiss, Claire. It is a kiss I always wanted. And I’m sorry kasi nagawa ko yun, at sorry dahil nag sinungaling ako. Ayokong masaktan ka.
A year bago kami lumipat sa unit na katabi ng inyo, sinabihan na ako ng doktor na may taning na ang buhay ko. Maikli na lang ang itatagal ko sa mundong ito. And then you came. You made it harder for me. Ayoko pang mawala. Gusto pa kitang makasama eh. Gusto kong umamin sa ‘yo na mahal na mahal kita. Araw-gabi, nag darasal ako at humihiling sa Diyos na sana, patagalin niya ang buhay ko. Lagi akong nag tatanong na bakit nangyayari ito sa akin? Ang sakit. Ayoko umalis.
Pero wala. Ganito talaga ang kapalaran ko.
Naisip ko na lang, i-enjoy ko na lang ang bawat sandali na kasama ka. Hindi ko naman ine-expect na magkakagusto ka rin sa akin. Nung gabi na hinalikan kita, para akong natauhan. Mali na ang ginagawa ko. I know kung mas papalalimin ko pa ang nararamdaman nating dalawa, pareho tayong masasaktan---lalo ka na. I don’t want to ruin you, Claire. Kaya lumayo ako, kaya sinabi ko ang mga bagay na ‘yun.
Alam mo ba ang hiling ko sa wishing well? Sana maging masaya ka.
You are special to me. No. Scratch that. You are not just special to me. Mahal kita at masaya ako na ikaw ang huling babaeng minahal ko sa mundong ito.
Hindi mo man malaman ito, at alam ko sa mga oras na ‘to galit na galit ka sa akin, okay lang.
Basta mahal kita, at okay na sa akin na ako na lang ang nakaka-alam nang bagay na ‘yun.
Lewis.
***
Songs used in this story:
1. Ngiti by Ronnie Liang
2. The Fault in Our Stars by Troye Sivan
3. You and Me by Lifehouse
4. Hiling by Silent Sanctuary
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top