CHAPTER 4: SAVE ME, XAVIEN
"Do you want strawberry or chocolate?" tanong ni Xavien sa'kin habang nakatingin kami sa malaking menu sa counter.
Nakahawak pa ako sa aking baba habang tinitingnan ang mga masasarap na flavors ng ice cream. Hindi ko tuloy maiwasang matakam at parang mapaparami yata ang pagkain ko ngayon.
It's okay to treat ourselves sometimes, especially if we deserve it. All of us have been stressed lately, and eating ice cream can somehow relieve our stress, lalo na't kakatapos lang namin ng pagresolba sa kaso.
Napansin ko pa nga na mas maraming pilipino ang mga naririto ngayon. Kahit saan naman talaga ay hindi mawawala ang mga pilipino kaya normal na sa amin ito.
"Masarap naman ang strawberry, but I want a twist na hindi ko pa natitikman sa pilipinas. I want to try mint chocolate with sprinkles and tidbits marshmallows para maiba naman," I suggested to him.
His lips quivered. "I also want to try that, mukhang masarap 'yon," he replied.
My lips formed a smile. I know that you'll love that, because ice cream has always been your therapy when you're too hot headed and pressured in our academics. Para naman malamigan ang utak niya.
"Can I take your order, Sir?" The woman in front of us said, smiling from ear to ear. I glanced at her nameplate; it read 'Aliana'."
"Two mint choco please," Xavien replied. "And please add sprinkles and mallows for the topping, thank you!" The woman smiled back at him while tapping on the machine.
"Paano naman kami?" Humalukipkip sa harapan namin si Athena and she even pouted like a kid. Gumaya pa sa kanya si Larken. Kami naman ni Xavien ay pinipigilang matawa sa kanilang dalawa.
Kung pagdidikitin silang dalawa ay mapagkakamalan talaga silang magkapatid ng mga makakakita sa amin.
"Hindi ba kayo marunong magsalita, the crew is just in front of you," sungit na sagot ni Xavien.
Sinamaan naman siya ng tingin nang dalawa.
"Just ordered chocolate or anything pwede na sa'kin," Singit ni Ciandrei. "By the way, we need to discuss my admission in Amethy High since the case has already been solved. Deal is a deal, remember?" May pagtaas-baba pa ng kanyang kilay ng tumingin ito kay Xavien.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking ito para gamitin niya iyon bilang deal kay Ciandrei kapag naresolba ang kaso. And by the way, Morris didn't know about this kaya tiyak akong magkakagulo pa nga ang dalawang lalaki kapag nakarating ito sa kanya ng walang pasabi man lang.
"You have my word, Ciandrei," Xavien retorted.
Nginitian lang siya ni Ciandrei bago inilahad ang kamay nito papunta sa upuan namin malapit sa counter.
Umupo na kaming tatlo sa isang bakanteng upuan. Mahaba naman ito at ang mesa kaya napapagitnaan ako nina Ciandrei at Athena habang katabi naman niya si Larken. Si Xavien ay nakatayo lang sa tabi ng counter habang hinihintay ang order namin. I even signal him to sit with us pero parang walang pakialam ang lalaki.
Napatingin ako kay Ciandrei na abala sa kanyang pagtitipa sa cellphone niya. He's doing something like a programming dahil napansin kong puro numbers at letters ang tinitipa nito.
Is he some kind of a tech guy slash detective? Mukha namang magaling din siya sa ganyang bagay, kaya kung makapasok man siya sa Amethy ay tiyak akong malaki ang kanyang maitutulong sa amin sa mga kaso.
Bukod sa kanya, malaki rin ang naitulong namin para malutas ang kaso kanina. It's obvious to see that Robert statement is too good to be true, lalo na't wala naman siyang ebidensya na nanggaling siya sa office nung mga oras na iyon.
I already doubt that everything he said was full of lies at pinapaikot niya lamang kami sa mga salita niya, pero hindi niya ako nakumbinsi sa paliwanag niyang iyon;
Gano’n din sina Xavien, Athena at Ciandrei kaya madali naming nahalata sa kanila kung sino ang hindi nagsasabi ng totoo.
Habang hinihintay ang order naming ice cream ay tila walang may gustong magsalita sa amin. Ang malalakas lang na pagbuntong-hininga nila ang naririnig ko, habang si Larken ay abalang pasulyap-sulyap sa paligid na nagniningning pa ang mga mata nito.
The ambience here is nice tapos may mga quotes pa na nakalagay sa mga pader kasama ng mga iba't-ibang design ng ice cream. It's like an ice cream shop with a twist of aesthetic vintage surroundings.
"So, is it true?" pagbasag ni Athena sa nakabibinging katahimikan namin. May pilyong ngiti ba na sumilay sa kanyang labi.
I deeply sighed. Here we go again. Ayoko na nga na pag-usapan ito pero makulit talaga silang tatlo.
"It was just an accident. Isa pa... h-hindi ko naman masyadong nakita dahil mabilis akong tumalikod-Wait? Why am I the topic here? Hindi ba't nandito tayo para kumain?" Pagkaklaro ko sa kanila.
Agad kong iniba ang usapan dahil nararamdaman ko na ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Napatakip pa nga ako sa aking mukha dahil sa kahihiyan.
Xavien was not far from us at alam kong naririnig niya kami ngayon dahil panay ang sulyap nito sa amin habang hinihintay ang order.
Mabilis din naman nitong nakuha ang tray na may lamang cup ng ice cream at inilapag na ito sa table pagkaupo niya.
Kakalapag pa lang ito ay agad na sinunggaban ni Larken ang sa kanya at sinubo agad ang ice cream sa bibig na parang batang gutom na gutom.
Lahat kami ay napatingin sa kanya kaya napatigil ito sa pagkain. "What? I just wanted to taste if mint chocolate was good," he muttered. May bahid pa nga ng ice cream sa gilid ng kanyang labi.
Akala mo talaga first time makakain ng ice cream. Hindi na lang namin siya binigyang pansin at kumain na rin kami. After my first taste, I must say that I like mint chocolate more than strawberry. Ang sarap niya kasi!
"Do you have a visa now? Bukas na ang flight namin pabalik ng pilipinas, gusto mo bang sumabay na sa ‘min?" suhestiyon sa kanya ni Xavien.
"Yup, I already got my visa at mukhang kailangan ko na ulit masanay sa init ng panahon sa pilipinas, hindi gaya rito sa London na paiba-iba ang panahon," aniya ni Ciandrei habang kumakain ng chocolate ice cream.
Naalala ko nga pala na kailangan naming bumalik ng mas maaga sa Pilipinas dahil na-adjust ng kaunti ang pagbalik namin sa Amethy High. Nakabili na rin kami ng ticket pabalik sa pilipinas dahil si Morris na ang nag-ayos ng lahat ng ito.
"Nasaan nga pala si Mr. Morris?" tanong ni Athena.
Magsasalita na sana ako ng pangunahan ako ni Xavien. "He's busy right now dahil may urgent meeting sila ng mga clients niya rito sa London, pero pabalik na rin 'yon mayamaya," sagot niya.
Nag-ring ang phone nito at agad niya ring kinuha sa bulsa niya. "Oh, I guess he already heard us as we speak. He's calling right now, excuse me." Tumayo ito pagkatapos niyang sagutin ang tawag.
Habang kumakain ay napatigil si Ciandrei at iginawi ang tingin sa akin.
"What do you know about Morris?" he asked. "It's weird na sinama niya kayo rito for some cases to solved, usually kasi may mga detectives siyang naka-assigned para sa mga ganitong kaso."
"Morris is a principal and professor in Amethy High, siya rin ang nagpasok sa'kin para maging isang ganap na estudyante, which by the way, with the help of Xavien," paliwanag ko. "May mga iba pa bang highschool detectives na katulad namin na nakilala na noon ni Morris?"
Napatingin kaming tatlo kay Ciandrei. He was making a serious face na parang big deal sa kanya ang pagkilala namin kay Morris.
"May mga naka-assigned? Wala naman siyang binabanggit sa amin tungkol sa ganyan. Besides, we are here because this is the reward that Xavien and Amie got from solving a case, pero naririto rin kami para magresolba ng ibinigay niyang isang mahalagang kaso," saad ni Athena.
"Which is the case of Don Vistacho, may iba pa bang hindi nasasabi si Morris sa amin?" Sunod na tanong ni Larken.
"Actually, there was a group that Morris assigned five years ago, pero wala na akong balita sa kanila after I left the Philippines and stayed here in London for good. Xenon was one of the members of the group called Pentumvirate." Lumapit pa siya sa amin na parang may gusto siyang ibulong. "Please don't mention it to Xavien, it's a private matter."
Xenon? Parang narinig kona ang pangalan na ito pero hindi ko matandaan-I have short term memory problem that's why it's hard for me to retain such names and information. Hindi gaya nina Chase at Larken na matatalas ang isip, lalo na't parati nilang ginagamit ito kapag nag-deduction kami ng mga kaso.
Tumango naman ang dalawa sa kanya, samantalang ako ay nakakunot-noo pa rin.
Bakit kailangan niyang itago kay Xavien ang tungkol dito?
What was his reason to hide it?
All of a sudden something strikes into my mind and I can vividly remember the day that me and Athena got kidnapped and Chase aka Venom helps us to get out of that place. Nakita ko ang mukha ni Morris no'ng araw na 'yun at hindi ako pwedeng magkamali.
He's part of that organization... and his secretary as well.
There's something unsettling about it, especially after I heard his secretary's full conversation with him. At alam ni Rivon ang lahat ng plano niya sa una pa lang.
The quandary behind all the turmoil I experienced as a student at Amethy High started to fit together and connected after I accepted his invitation-from his secretary to the blue orchid, Rivon, and now the origin of all these events. Kasama na ang sinasabi ni Ciandrei na dating grupong itinatag ni Morris.
One this is I'm sure about... he's planning to do something to take the Quadrumvirate down. And that will never happen.
"Pentumvirate?" Three of us said in unison with a frowning face.
Ciandrei nodded and quickly lowered his voice. "They're five detective highschool students that eventually vanished for some reason. A group that Morris built for years pero hindi na sila muling nagpakita pang lima, after one of their members died," he explained. "Sorry, that's all that I've got since wala ng iba pang sinabi si Morris tungkol diyan."
"About what?"
Napaigtad ako nang makabalik si Xavien sa kanyang upuan at inilagay sa bulsa ang phone niya. None of us wanted to speak for a second, pero ako na ang bumasag ng katahimikan na iyon.
"A-About mint chocolate." I smiled and laugh awkwardly. "Mag-take-out sana kami para ibigay kay Morris, maybe he will also likes it," pagdadahilan ko.
"He wouldn't like it; he preferred cookies and cream rather than chocolate with mint," Xavien muttered.
"Weh, pa'no mo naman nalaman?" May pagdududang tanong ni Larken.
"He told me, jerk!!" He rolled his eyes and crossed his arms. "Hindi pa rin ba kayo tapos kumain? We need to get back to Morris house as soon as possible, he called me earlier at tayo na lang ang hinihintay niya."
I know that my voice was kinda awkward pero mabilis din akong nakahinga ng maluwag ng hindi siya maghinala.
"I'm done!" sabay na sabi nina Larken at Ciandrei. Paubos na rin naman ang akin, ganun din kay Athena. After we ate, we immediately headed back to Morris' house.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
Pagpasok namin ay agad na sumalubong sa amin si Morris habang may hawak itong mga dokumento. It's another case that he was trying to analyze dahil nakasuot pa siya ng salamin. Parang unang beses ko yata siyang nakitang nakasuot nito dahil para talaga siyang isang propesor kung titingnan.
"My meeting is done with the clients at mukhang hindi na rin kayo magtatagal. Kailangan n'yo nang makabalik sa Pilipinas," sambit niya. "Xavien and I talk about Ciandrei's admission in Amethy High. And as a reward of helping to solve the case, his admission was already accepted by the chancellor. You need to come with them for your first day as Amethy Students."
"Really?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ciandrei. Parang abot-langit na ang ngiting ito dahil sa balitang kanyang natanggap. "I'm grateful to be part of Amethy High."
"Well, pack your things now dahil bukas na agad ang flight nyo." He quickly glared at his golden vintage watch. "And you only have eight hours to enjoy your day here in London."
"Aren't you coming with us?" Xavien asked. "Hindi ba't tapos na ang kasong pinahawak mo sa'min?"
Tama si Xavien. Ano pa nga ba ang rason niya para manatili pa rito?
"That's not the case here, Xavien. I'm here to fix all the things that I've messed up. Marami pa akong kailangan na asikasuhin, and I would be glad if you brought me some good news about your solved cases dahil baka matagalan pa ang pananatili ko rito," pahayag niya.
Fix all the things that he messed up? It means something is happening at the Valmoris mansion right now, and I'm sure about it.
"What does he mean by fixing it?" bulong sa akin ni Athena. I don't have a clue about it pero masama ang kutob ko.
Kumibit-balikat lang ako sa kanyang tanong at dumeretso na kami papunta sa sarili naming mga kuwarto. Bago pa man makapasok si Athena ay hinila ko na ang kanyang braso papasok sa kuwarto ko.
"Why did you drag me here? May sasabihin ka ba?" she asked.
I gulped before I opened my mouth. "Do you think he's part of the Valmoris Organization? I saw him the day we got kidnapped and save by Venom. And I saw him in that house, it means konektado ang Valmoris sa kanya at isa sa mga kalaban nila ang Fier."
"Wait, did you just dig his past? Sa tingin mo kaya siya rin ang nasa likod ng mga bulaklak na ikinukwento mo sa'kin?"
She was also curious about it. "Hindi ako naniniwalang si Rivon-este si Valerie ang may gawa no'n. Someone behind the organization is sending it to us and it could be a threat, a signal, or code that needs to be decrypted," I stated. "Maaring isa lang si Valerie sa mga pinaglalaruan niya hanggang sa magtagumpay siya sa kanyang plano."
Rivon never mentioned anything about this. She confessed everything to us, and even if it's hard to believe I know that Rivon was remorseful for what she had done.
"Digging into someone else's past is like searching for treasure in someone else's story-you might find pieces, but the real value lies in creating its own chapter together." Mula sa likuran ko ay nakarinig kami ng baritong boses ng lalaki-it was Ciandrei and he was in my room the whole time?!
What the fuck? Is he some kind of a spy?
"Kanina ka paba rito?" I asked
"No, I'm just checking the room until you've come here with Athena," he replied.
A mischievous smile appeared on his face at tumayo siya sa kanyang kinauupuan.
Did he heard everything I've said?
"Morrris could also be a threat or the key to find the quandary of what you call that kind of flower or whatsoever. But one thing is for sure, once you are in danger in his own trap, you can't utter a single word because that's how he plays his own game," wika niya.
Narinig niya nga ang lahat ng ito. Shit! I was about to say something when Athena responded to him.
"And that's why you wanted to be an Amethy student?" Athena asked. "To know everything about him?" Ramdam ko ang pagkapit niya sa aking kamay. She was firmly holding me dahil baka may kung anong gawin si Ciandrei.
"I think we are in the same boat here. The truth is in your hands, you just need to grip it tightly or else lies will slip through your fingers," he quoted. Lumapit siya at itinapat ang kanyang mukha sa aking tainga. "So don't let someone's lies veil the truth."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humakbang na siya palabas ng kuwarto. He knows about Morris identity, yet he didn't even mentioned anything about it. Maliban sa sinabi niyang binuong detective group nito noon.
"I think we need a long rest for now, saka na natin ulit pag-usapan ito kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas," sambit ko.
She nodded at me and caressed my shoulder before leaving my room. Marami pa rin akong mga tanong na hindi pa nasasagot, pero alam kong hindi rin magtatagal na malalaman ko rin iyon.
I need to face the truth, in order for me to move forward. At kung ano man 'yon ay handa akong harapin lahat-kahit na ito pa ang maging ugat ng pagsira ng pinagsamahan namin.
Napahawak na lang ako bigla sa ibinigay na kuwintas sa akin ni Xavien. Simula ng ibigay niya ito ay lagi kona itong suot-suot, kahit na hindi naman ako aalis ng bahay.
Wearing this necklace gives me a constant sense of protection from him, like I'm always safe, and he's by my side whenever I'm in danger.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
Nag-ayos na ako ng gamit ko dahil babalik na kami bukas. And I'm not ready yet. Masyado kasing mabilis lumipas ang araw na halos hindi ko man lang namalayan kaya hindi ko nasulit ang pagpunta rito. Still, I enjoy the view here in London pati na ang mga shops na napuntahan namin.
Habang nag-aayos ako ay may kumatok sa pintuan. Mabilis naman akong tumayo at nang buksan ko ito ay bumungad sa akin si Xavien. I immediately notice his hair style dahil nag-iba ito.
A messy brown hair? A new look, huh?
He's also wearing a casual clothes, pero iba naman ito sa kanyang mga nakasanayang suotin. A white polo shirt and brown trousers. As I stared at him he looks like my suitor. Sana nagdala na rin siya ng bulaklak para nagmukha na talaga siyang nanliligaw.
"D-Did you like my outfit?" he asked. Napakamot pa sa batok ang huli na parang nahihiya siya na sinuot niya ito.
I softly chuckled. "Para ka namang manliligaw sa'kin," aniya ko.
"I am courting you, Amie," he confessed.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. My eyes suddenly widened as he stared directly in my eyes with a serious face. What the-tama ba ang narinig ko?
"Hindi ka ba sasama sa ‘kin?" he asked.
"S-saan?" I uttered, still processing what he just said.
"Just wait until we get there, but first, you should change into nice clothes. I will wait for you in the living area," Sambit niya.
Tumango ako sa kanya at nang makaalis ka siya ay halos mapunit kona ang labi ko dahil sa madiin kong pagkagat.
Did he just ask me for a date?!
Or maybe I'm just overreacting at hindi talaga ito isang date? Ginulo ko ang aking buhok at malakas na ipinadyak ang paa. Pagkatapos kong makapili ng damit na susuotin ay agad din naman akong lumabas at hinanap siya sa living area.
"Bes, sa'n punta mo?" Nakasabay ko pa sa kusina si Athena habang may hawak itn sandwich na mukhag kinuha niya sa food storage rito.
"Lalabas lang muna ako," saad ko.
"Pero wala kang kasama, baka maligaw ka lang. Sigurado ka ba? Or kung gusto mo samahan na kita?"
I chuckled. "Don't worry, kasama ko naman si Xavien."
Ang kaninang nag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng pilyong ngiti.
"Okay... enjoy on your date," sabi niya na nang-aasar pa sa ‘kin, bago ito tumakbo pabalik sa kuwarto niya.
Gustuhin ko man siyang kurutin ay naunahan na nitong tumakbo. It's not a date, okay? Mamamasyal lang naman kami sa labas, ‘yun lang.
Nang makita ko ang pigura ng lalaking papalapit sa akin ay agad ko itong namukhaan. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang ito papalapit. I felt his fingertips as he caressed my hair at the back of my ear.
"You always look beautiful and elegant in my eyes," he complimented me. Naramdaman ko na lang ang pamamula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
I used to believe he was a jerk, nonchalant, and cold-hearted person, or showing no concern even if the world were to end. However, now that I'm witnessing another side of him, I realize how fortunate I am to have him as a detective and partner in crime.
"S-saan ba kasi tayo pupunta?" Nauutal kong tanong ko sa kanya. Napalunok na lang ako ng madiin nang ilapit niya pa ang kanyang katawan sa akin.
Sobrang lapit niya kasi na kailangan ko pang tumingala. Kung tutuusin ay parang langgam lang ako kumpara sa kanya.
"Somewhere here in London where I can waste my time with you until our flight back to the Philippines," Mahinang sambit niya.
Before I could even utter a word, I was taken by surprise, and my eyes widened quickly as he grabbed my waist and pulled me closer to him, causing me to lean my hands against his chest.
Why does he have to do that?!
"X-Xavien..." I uttered his name. Masyado niyang pinapabilis ang tibok ng puso ko, kasabay pa nito ang paglalaro ng mga paro-paro sa aking tiyan.
I'm not sure whether this is the real Xavien in front of me; he appears different and acts like his mischievous side at the moment.
"W-what are you doing?" I uttered.
"Stealing my property," he replied. Marahan pang tumawa ang loko.
"Property ka diyan!" bulyaw ko. "Mukha ba akong lupa sa ‘yo?" Natawa na lang ako sa itinuran niya.
"Medyo-Aray! I'm just joking, fuck!" At talagang itinuloy niya pa! Kaya ayan nasikmuraan ko tuloy siya nang wala sa oras.
"Joke mo mukha mo!" anas ko pa habang nagsasalubong ang dalawang kilay ko.
Hindi ko naman sinasadyang mapasandal sa kanyang dibdib, pero mas lalo akong napalunok ng madiin nang maramdam ko ang mabukol na parte ng kanyang dibdib.
Ilang beses akong napakurap bago napatingin sa kanya at kitang-kita ko ang pilyong ngiti na kumawala sa kanyang labi.
Shit! What a pervert! Agad kong inalis ang kamay ko sa kanya. My heart is still racing and pumping faster. Hindi ko tuloy maitago ang pamumula ng pisngi ko.
"You're blushing. Did you put on heavy make up again?" he asked and chuckled. Alam kong nang-aasar lang siya, but I couldn't resist in his smile. Marahan ko siyang hinampas sa balikat.
Naningkit na lang ang mga mata ko sa ginawa niya kanina. "Did you just seduce me, Xavien?" I asked and smirked at him.
"Well, you did a great job and succeeded on your plan."
"Of course my plan will work on you, and you already failed even if it is just a test. And my hypothesis about you is finally clear; you also like me, don't you?" pagkompronta niya na may kasama pang walang katapusang pagngisi.
Muli ay napalunok ako ng madiin sa kanyang sinabi. So it was a test-a fucking test if I was gonna fall into him. What a jerk!
"Ewan ko sayo!" inis kong sabi at humalukipkip. "Matutulog na lang ulit-" Bago ko pa matapos ang gusto kong sabihin ay bigla niyang hinila ang kamay ko palabas ng bahay ni Morris.
"We're heading to the museum. You told me you wanted to visit that place someday, right? So I'm making your wishes come true," wika niya at tumataas-baba pa ang kanyang kilay.
Did I really tell him that? Hindi kona maalala pa. Inayos ko ang aking suot na orange dress pati na ang nagulong hair pin ko dahul sa paghila niya sa'kin.
Huminga na lang ako ng malalim bago humakbang papalapit sa kotse at nang buksan niya ang pinto ay agad din naman akong pumasok. Wala akong ideya kung kanino ang gamit naming kotse, pero pinagwalang-bahala ko na lang ito.
Nang makarating kami sa isang Museum ay makikita rito ang mahahaba at malalaking structure na bumubuo sa buong museum. The British Museum is home to some eight million works of history, art and culture. From Egyptian mummies to Ancient Greek sculpture.
At kung hindi ako nagkakamali ay malapit lang din ito ang Russell Square, it's a large garden here in Bloomsbury, London. And based on it's history, it was developed for the Duke of Bedford, whose family name is Russell.
"Let's go, I know you wanted to know what's inside in this museum," Xavien stated. Hindi na nga kami nagsayang pa ng oras at nilibot ang iba't-ibang exhibition ng Museum at halos malaglag ang panga ko sa aking mga nasasaksihan dito.
It was my first time seeing a old tomb of a mummy. Nakita rin namin ang iba't-ibang nakakamanghang Parthenon sculptures. Napukaw ang atensyon naming dalawa ni Xavien at nagpatiuna pa siyang makita ang isa sa mga famous na stone na makikita dito sa Museum. It was The Rosetta Stone. Based on how his eyes fixated on the stone, it was our first time to see an Egyptian hieroglyphic writing.
Kung titingnan kasi nang maigi ang bawat simbolo ng Egyptian hieroglyphic, ang paraan ng kanilang pagsulat ay parang isang cipher code sa henerasyon natin ngayon at sa kung paano nila gawing alpabeto ang iba't-ibang uri ng hayop at bagay noon.
Bukod sa magagandang mga bagay na nakita namin ay hindi ko inaasahan na may bilihan din pala ng pagkain dito kaya naman kumain na muna kami dahil mahigit dalawang oras na kaming naglalakad para tingnan ang iba't-ibang bagay dito sa Museum.
"Did you enjoy our friendly museum date?" tanong ni Xavien.
I slowly nodded at him.
"So, is this just a friendly date? Kaya ba hindi mo sila sinama ngayon?"
"I also want them to enjoy this day at the museum and—" Bago pa man niya maituloy ang kanyang sasabihin ay nakarinig na lang kami ng isang malakas na sigaw na pumikaw sa mga turista.
Bigla na lang bumagsak sa sahig at nagsimulang mangisay ang lalaki, habang ang kanyang mga kamay ay nasa leeg.
"Help!" sigaw ng babaeng kasama nito.
Napatigil na lang siya ng makita niyang hindi na gumagalaw ang lalaki. The other tourist were also screaming for help. Hindi lang isa, kung hindi tatlo ang taong tuluyang bumagsak at bumula ang kanilang mga bibig bago tuluyang nawalan ng malay.
Xavien immediately stood up and checked the man's pulse pero napalaglag balikat na lang ito pagkatapos.
"H-he's... dead," he announced.
Napatakip na lang ng bibig ang babae at nagsimulang umagos ang luha sa kanyang mga mata. "Do not touch the victim's body. This is a poisoning murder case!" Nabalot naman ng ingay ang buong museum dahil sa nangyari.
"Are you sure na murder ito?" tanong ko.
"It wasn't a coincidence that the three victims died in a single moment at sabay-sabay silang namatay. Baka nasa paligid lang ang pumatay sa kanila at sa sobrang dami ng tao dito ngayon, mahihirapan tayong matukoy ito," paliwanag niya.
"What a coincidence that both of you are also here." Tila parehas kaming nahimigan sa pinanggagalingan ng boses na iyon at sabay pa kaming napalingon.
“What an unexpected situation to also see you here, Vior,” saad ko. Binawian lang ako nito ng pagngisi at hindi ko rin inaasahan na may kasama pala siyang isang may kalakihang pulis na mukhang pilipino rin.
"Call the team and an ambulance, we have another case to solve here," utos ni Vior sa lalaki at tumango naman ito.
Mahigit fifteen minutes ang itinagal bago nakarating at nakapasok sa loob ang ilang pulid at ilang mga crime operatives. Naramdaman ko naman ang pagkapit ng kamay ni Xavien sa akin.
"I think you should go home first. Mas mabuting huwag mo ng problemahin ang tungkol sa kasong ito. I will try to solve this case to unmask the real murderer."
"But... Xavien I can-"
"Hindi ka pwedeng makialam sa kasong ito, lalo pa't hindi mo alam ang proseso nila rito. It's safer if you don't intervene in this case," he muttered, his voice was calm.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumago at sundin siya.
Marami pa ring mga tao ang nakikiusyoso sa nangyari, may ilan pang halos hindi masikmura ang kanilang nakita kanina kaya nag-alisan din ang mga ito.
After a few minutes a car stopped in front of me at ibinaba nito ang bintana ng sasakyan niya. Mabilis ko namang namukhaan kung sino ito. Si Ciandrei ang sumundo sa akin pabalik sa bahay ni Morris.
"Xavien already told me what happened and it's better na hindi kana makialam pa sa ganong kaso rito sa London," aniya ni Ciandrei. His eyes were fixated on the road while talking to me.
"Bakit naman?" tanong ko. Ugali kona rin siguro ang maging palatanong sa lahat ng bagay.
"We have reasons. Kung sa tingin mo na ganun ang proseso rito gaya sa pilipinas, nagkakamali ka," sagot niya. "Ilang oras na lang bago ang flight natin pabalik ng Pilipinas, sana lang ay umabot si Xavien."
Nang makabalik kami sa bahay ni Morris ay sumalubong agad sa akin si Athena. Tumayo naman sa sofa si Larken at lumapit sa amin.
"Where the hell did the two of you go?" may pag-aalalang sambit ni Larken.
"Pumunta lang kami saglit sa Museum, pero hindi namin inaasahan na may malalason," Sabi ko.
"Nalason? Ibig-sabihin ay nandun pa rin si Xavien?" tanong ni Larken.
"Yes, but-wait, I sense something," Ciandrei said, lowering his baritone voice at sumusulyapan ang bawat paligid namin. He's like searching for someone.
"A-ano yun?" I mumbled.
"Someone followed us earlier, shit!" Bulyaw ni Ciandrei.
Following us? Hindi kaya isa sila sa mga tauhan na pinadala ni Morris dito? Napalingon ako kung nasaan ang nakatingin ngayon si Ciandrei at kumabog nang malakas ang dibdib ko ng makita ang isa sa mga armadong lalaking nagpaputok sa'min ng baril noon sa kotse ni Larken.
"Heads down!" Larken shouted.
Sabay-sabay kaming napayukong apat nang magpaulan ng putok ng baril sa loob ng bahay ni Morris. Narinig ko pa ang ilang mga nabasag na mga salamin. I almost flinched a few times dahil sa sunod-sunod na putok ng baril.
What the hell? Hanggang dito ba naman sinusundan pa rin nila kami?
"Fuck! They hack our phones without us knowing it. Mukhang nakuha na nila ang location natin bago pa tayo makalapag dito sa London," saad ni Larken.
"They track us nang ganun lang kadali?" hindi ko makapaniwalang sambit.
"Call Xavien immediately!" sigaw niya pa.
Ciandrei immediately called him pero hindi sumasagot ang huli sa kanya. We need him right now.
Save me, Xavien. Save us!
"Lumabas na agad kayo, ako na ang bahala rito," Saad ni Larken. Nakita kong naglabas siya ng baril.
"Hindi ka namin iiwan dito," Ani Athena.
"Mas mabuti pang umalis na kayong dalawa. Tatawagan na lang namin si Morris—fuck!"Napatigil siya sa pagsasalita at ako naman ay halos manginig na ang kamay dahil muntik ma kaming matamaan mg bala ng baril.
"Leave now!" sigaw ni Larken.
Wala na kaming nagawa pa lung hindi ang gumapang palabas ng bahay kahit ma sunod-sunod pa rin ang pagpapaulan nila ng bala sa amin. Athena grabbed my arm as we slowly ran outside the house. Nakayuko lang kami at nang makalabas na ay tumakbo kami sa pinakamalapit na police station dito.
"Hey, calm down. We will help you, tell us first what happened?" The man wearing a navy-blue stab vest and black trousers asked us.
"We need to call our friend," I muttered. "Please, we need to call him right away."
"You can use our telephone," saad ng babaeng pulis sa amin at ibinigay ang telepono sa amin pero bago pa man ako makapindot sa dial ay narinig kona ang boses ng lalaki.
"Amie!"
Napalingon kaming dalawa at nakita ko ang pigura ng isang lalaki—thank god it was Xavien at kasama niya si Vior.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
The case has already been solved since they quickly identified the culprit, who promptly confessed to her crime. The woman beside Vior, whom I believe to be in her mid-30s and is currently in handcuffs, is the perpetrator behind the poison murder case.
On the other hand, Xavien has already filed a case against the four men who fired their guns at Morris's house, at nakarating din naman agad iyon kay Morris.
Napagpasyahan nila na kailangan na naming makabalik agad sa Pilipinas dahil tiyak silang mapanganib na rito kung magtatagal pa kami. And as for the location device that they used to track us, kailangan naming i-delete lahat ng data na mayroon sa phone namin at ipa-check kay Larken kung made-detect pa nila ulit ang location namin.
"Everything is set. They can't track us now, at sisiguraduhin kong hindi na ulit ito mangyayari," paninigurado ni Larken. "Those fucking men, talagang wala silang tinirang gamit at sinira lahat ng nasa loob."
"If Valmoris is behind all of this, I will never forgive Zander for what he has done to us," Xavien affirmed.
Sana lang ay walang kinalamaan ang kanyag ama tungkol sa nangyari ngayon dahil tiyak akong magkakaron ng world war three.
"Who is Zander by the way?" Ciandrei whispered to me. Walang ka-alam-alam ang huli kung sino ang tinutukoy ni Xavien.
"It's Xavien's father," I replied, lowering my voice. Kahit alam ko naman na naririnig din nila ito.
"Morris already called me at kailangan na nating makaalis ngayon," sabi ni Xavien.
"Teka..." I halt and walk closer to Larken. Nadaplisan siya kanina ng bala nung paalis na kaming dalawa ni Athena. It was my fault dahil hindi kami nakinig kanina sa kanya.
"Are you sure na okay kana?" Tanong ko kay Larken. Tiningnan niya lang ang may bendang sugat niya at nagawa pa talaga nitong ngumisi.
"It's fine. Malayo sa bituka ito. At isa pa, masamang damo ako kaya—"
"Ikaw kasi! Hindi mo man lang kami sinabihan na may.mga lalaki na pala na sumunod sa amin. You didn't gave us a signal kaya nagulat kaming lahat sa ginawa mo," anas ko.
He scoffed. "So, it's my fault now?"
"Stop with your chit-chat, if we don't move quickly ay baka maabutan pa tayo ng mga taong umaaligid sa inyo kanina," saad ni Xavien.
Nagpaalam na kaming lahat kina Vior at nagpasalamat naman si Xavien sa huli, niyakap pa namin ito bago kami umalis at malaki ang naging tulong nito sa kaso nila kanina. He just gave us a poker face habang paalis kami sa headquarters nila.
There's something odd about his smile, and the way he stared at me seemed like he wanted to convey something but couldn't quite manage to do so.
Nang makarating kami sa Heathrow Airport, ay nagpatiuna na kaming dalawa ni Athena. Sabik na kaming malamghap muli ang simoy ng hangin sa Pilipinas. Our flight is 7:00 o'clock and it's almost quarter to seven. Buti na lang ay nakaabot pa kami.
On the other hand, Larken tried to double-check everything lalo na ang location namin at nakahinga naman kami mg maluwag nang malamang wala namang problema o mga taong sumusunod sa amin ngayon.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
After a long journey-almost a whole day of traveling back to our country-we finally landed in the Philippines, Asia's Pearl of the Orient. Pagbaba pa lang namin ng eroplano, ramdam ko na ang pagod sa katawan ko kahit pa nakapagpahinga kami. At syempre may isa pa kaming biyahe pabalik sa Amethy High.
Ugh. I feel like I'm already tired and exhausted. Pumipikit-pikit na nga mga mata ko sa antok dahil sa biyahe namin pabalik dito ay hindi man lang ako nakatulog ng maayos.
"Akala ko wala na kayong balak bumalik," biro sa amin ni Quade pagbaba niya nang sasakyan. "Wait! Akala ko apat lang kayong nagbakasyon? Eh bakit may kasama kayong isa?"
"Oh, I forgot to introduce him," Xavien replied.
"What? Hindi nyo naman sinabing may kasama pala kayo?" I nearly leaped and failed to realize that Zeiro was inside the van.
I instinctively grabbed my chest as my heart nearly leapt out. Another jerk is here to destroy my day!
Masyado kasing tinted ang sasakyan at hindi namin napansin lahat.
"The jerk is also here," Xavien remarked.
"Of course, ako pa ba?" pilyong sabi ni Zeiro at binuksan ang pintuan ng van. "Hindi naman ako sumama para makita ka, I'm here because I wanted to see Amie."
I don't want to see him today dahil baka nasikmuraan ko lang siya.
"Ayokong makita 'yang mukha mo!" pabirong saad ko sa kanya. "Nakakasawa na kasi."
Magaling akong mang-inis, lalo na kapag si Zeiro lang ang target ko-kung si Xavien ang nasa posisyon niya ngayon, malamang ay masamang tingin na ang ipinukol nito sa akin. Pero si Zeiro, tawang-tawa lang sa sinabi ko.
Narinig ko na lang din ang malakas na tawa ng mga lalaki, pati na rin si Athena.
"I'm Jake Ciandrei Hermion, but you can call me Cian or Ciandrei for short," pagpapakilala niya at kinamayan ag dalawang lalaki.
"I'm glad to see all of you again. Also to our new detective friend, Ciandrei. Mukha may bago na naman silang mapapagtripan niyan," wika ni Quade and helet out a playful smile to him.
"Laban ng mga magagaling at matatalino. Well, I'm in for another deduction battle," panghahamon ni Zeiro.
He didn't even won for once tapos siya pa talaga ang may lakas na maghamon.
"As if you ever won," pang-iinis sa kanya ni Xavien at ngumisi.
"I would be glad to join," singit ni Ciandrei.
"Nice, g!" bulyaw ni Zeiro na tuwang-tuwa pa. "Mukhang magugustuhan na rin yata kita na maging kaibigan ko."
Hinakbayan niya ang huli at pumapasok sa Van. Binuksan na rin ni Quade ang likurang bahagi ng sasakyan at tinulungan kaming ilagay ang mga gamit namin. Nauna na nga kaming sumakay ni Athena sa kotse, saka sinundan naman ito ng mga lalaking kasama ko.
May mga binili rin pala kaming ilang mga damit, pagkain, at souvenirs para sa kanila dahil alam kong maghihimutok sila kapag wala akong dalang pasalubong. Hindi kasi nila tatanggapin kapag galing ito kay Xavien.
Nang makapasok kaming lahat ay nagawi ang tingin ko sa paligid. My brows suddenly furrowed as I stared at the man not far from my sight. Hindi ako pwedeng magkamali. I know him! Siya 'yong lalaking kasama namin sa crime scene sa hotel na nakasuot ng kulay asul na uniporme.
"Khiero Vior Sanchez. That's him, right?" Xavien mentioned at nagkatinginan kaming dalawa.
"Siya nga, pero hindi ko inaasahan na makikita natin siya ngayon."
"You appeared to be surprised upon seeing him," he remarked. "Your pupils dilated rapidly as a response of the autonomic sympathetic nervous system, causing a simple dilation in your eyes. Hindi mo nga inaasahan ang kanyang pagdating."
He's right. I'm surprised, but he shouldn't presume to read someone's mind like that! It's so odd to see him at the airport pero dahil sa pagod ng mga mata ko ay wala na akong pakialam pa. Quade started driving us back to Amethy High.
At simula na ulit ng bagong klase namin sa taong ito... and I'm not ready yet to face another year solving crimes, cases and never ending codes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top