CHAPTER 3: VACATION GONE WRONG

For the record, not everyone has the opportunity to gain privileged access to Amethy High as I did. Rivon revealed to all of us that Xavien was the reason I received a perfect score, even though I was the only one capable of deciphering Mr. Morris' code.

On the other hand, Xavien recognized me the day he yelled at me while honking his car horn. I will never forget that day. Iyon ang araw na nasilayan ko ang masungit niyang mukha na gusto kong lamutakin sa inis.

I know he has his reasons why he didn't tell me what he already knew in the first place at ipinaliwanag niya naman ‘yon sa akin—to protect me from his father's organization.

Sa hindi inaasahan pagkakataon, nasabit din pala ako ng makilala ko si Valerie aka Rivon. She was the main trap in our friendship at pinaniwala niya kami na mapagkakatiwalaan siyang tao. I even shared some of my secrets with her, ayoko na lang balikan ang mga alaalang iyon.

My purpose in Amethy High is not just to study and learn from different subjects, but also to hone my deduction ang critical thinking when solving a crime. It was hard to accept at first, dahil sa unang pagpasok ko pa lamang dito ay hindi na naging madali. And few months later, I was able to adapt to their environment at kung paano ang routine sa eskwelahan.

"So deal?" pag-aalok ni Xavien.

Napahawak sa baba si Ciandrei and I can see the doubtful expression on his face.

Nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ang alok ni Xavien.

"You're still good at negotiating, Xavien. And I'm totally impressed by your offer," may paghanga na sambit ni Ciandrei.

Well, kahit ako ay hindi inaasahan na sasabihin niya 'yon.

"Then it's a yes," Xavien stood up at humakbang papalapit sa lalaki. "You can tag along with us to discuss the case. Just make sure that your deduction would be interesting to solve it, I have high hopes to your own wits and prowess, Hermion."

Tinawanan lang siya nito saka tinapik ang kanyang balikat. Nagpatiuna na akong lumabas ng pintuan. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang isang pigura ng lalaki na nasa loob ng kotse, habang nakabukas ang bintana nito.

I guess he's waiting for us too long. Kanina pa kasi kami nasa loob, and we're still processing what happened. Gayon pa man ay nakatuon na ang atensyon namin sa isa pang kaso.

Nang makapasok kaming apat sa sasakyan ay lumingon sa amin si Mr. Morris, while Ciandrei is sitting on the front passenger seat.

"Here's the other details, Amie. Pwede mong I-check diyan ang mga nakuhang ebidensya sa crime scene." May inabot naman sa akin si Mr. Morris na isang blue documents at tiningnan ko ang nilalaman nito. "As for Xavien-"

Xavien quickly interrupted him. "I already scanned the files last night, kaya alam ko na ang ibang detalye tungkol diyan. We just need to get ahead at the crime scene."

Nagkatinginan pa sila ng ilang segundo saka tumango si Morris at itinuon ang atensyon sa manibela.

"If you say so," Morris retorted.

Pinaandar na niya ang makina at nagsimulang magmaneho. We're heading to the crime scene, and based on the victim's profile, mahigit isang buwan na pala mula nang mangyari ang pagpatay sa 23-year-old na babae.

She's Anaia Raquel Maddison, half Filipino-American model na galing sa mayamang pamilya. The news about her spread like wildfire here in London-she's popular, by the way. The news about her went on for weeks, at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang kaso niya.

The investigation about her death is still unknown because there's no single trace of the killer-from footprints to fingerprints o kahit na anong ebidensya tungkol sa taong ito. That's why we're heading to her house right now para makakuha ng iba pang detalye tungkol sa pagkamatay niya.

"Hey, we're here!" Malakas akong tinapik ni Ciandrei ng napagtanto ko na nasa tapat na pala kami ng bahay kung saan nangyari ang krimen.

Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan pero tanaw kona mula sa pintuan ng bahay ang "Do not cross" sign. Alam naman namin kung anong ibig-sabihin nito pero pinagwalang-bahala ko na lang.

"I think we should go home," suhestiyon ni Larken. "I don't like this place. Masyadong malamig at hindi ko gusto ang mga nakikita ko rito."

Eh? Why does he sound so scared?

"Huh?" kunot-noong sabi ko.

"You're just scared, aren't you?" Xavien asked and chuckled.

"Hindi kaya!" Larken denied. "Ayoko ko lang sa bahay na'to dahil masyado ng luma at parang sampung henerasyon na ata ng pamilya nila ang tumira sa bahay na'to."

"Silly, Larken. Ghost don't exist, and if they do, baka mas matakot pa sila sa'yo," Pangaasar ni Xavien.

Hindi ko naman maiwasang matawa sa sinabi niya at binigyan naman kami ni Larken ng masamang tingin. I just hidw my face so that he wouldn't notice that I laughed, even Ciandrei softly chuckled.

Nagsimula na kaming maglibot-libot sa ibang parte ng bahay. Nagismula akong dumako sa kusina kasama si Athena at Ciandrei, samantalang ang dalawa naman ay sa living area ng bahay. Medyo malaki rin ito at kapansin-pansin ang mga nauong mga alikabok at sapot ng gagamba.

Isang buwan pa lang ang nakakaraan pero bakit parang ang tagal ng naabandona ang bahay na ito?

Napaigtad ako ng biglang bumahing sa harapan namin si Ciandrei.

"Excuse me," he muttered. "Sobrang kapal naman ng mga alikabok dito, at may mga napagiwanan pang gamit dito."

"Mga gamit?"

"Yeah, like a pack of cigarettes on the cabinet shelf, a set of dusty knife, and other kitchenware na kadalasan nating nakikita sa loob ng kusina at may ilang pang mga lighter akong nakita," paliwanag ni Ciandrei.

Nang tingnan ko ito ay tama nga ang mga binanggit niyang mga naiwang gamit.

"Is it possible that this is a suicide case? Kahit na walang iniwan na suicide note si Raquel?" Athena asked.

"Based on the picture that Morris provided, makikitang duguan ang likod na bahagi ng ulo niya. It means someone hit her from behind. Thus, we know how she ended up lying dead or sa kung paano siya nadatnan," Ciandrei explained.

I was a bit impressed by his deduction, pero sa kung paano siya tingnan ngayon ni Xavien ay parang may kulang sa detalyeng inilahad nito.

"She's facing the floor, and as I scanned the pictures, there's a sign of bruises on her hand. It might be possible that it's murder, but we should not let our sight outmatch our deduction and other perspective of the crime," Xavien added.

"Exactly as I thought. Masyadong malabo na naging suicide case ito," saad pa ni Ciandrei.

Bigla naman kaming nakarinig ng malakas na kalabog kaya hindi ko naiwang mapaigtad sa gulat. Mabilis na napagawi ang tingin namin sa pintuan at nakahinga rin naman ako ng maluwag nang makita ko kung sino ito. Si Mr. Morris lang pala.

"Nagkaroon na ba sila ng kahit isang lead suspect sa pagkamatay ni Raquel?" tanong ni Xavien kay Morris na kakarating lang.

"Base sa ginawang imbistigasyon ng forensic science rito sa London, nahirapan silang tukuyin ang salarin dahil wala itong iniwan na kahit anong bakas. Kaya kailangan na nilang humingi ng tulong sa atin," sagot ng huli sa amin.

"Wala ba siyang kamag-anak o pamilya na nakatira rito sa London?" tanong ko.

Imposibleng wala siyang kahit isang kamag-anak na naririto ngayon kasama niya.

"Sa pagkakaalam ko, dito na rin nakatira sa bansang ito ang ilang kamag-anak niya, pero madalang lang siya kung bumisita dahil nga abala palagi si Raquel sa mga fashion show niya at wala na siyang oras na pumunta sa mga kamag-anak niya," Mahabang paliwanag ni Morris.

"Then we should talk to them, I'm pretty sure that we will get the answers we're looking for," Xavien stated.

"I'll call the other team to guide as there. Alam nila kung saan nakatira ang ibag kamag-anak niya," sagot ni Morris.

Iinilabas ang kanyang phone para tawagan ang mga kilala niyang detectives. Tumango naman kami sa kanya at nauna ng lumabas ng bahay. The other crime operatives ensure that no one is allowed to get inside except from us.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa sinasabing lokasyon ni Morris at mukhang ito na nga ang bahay ng kamag-anak ni Raquel dahil sa pintuan pa lang ng bahay ay may nakaukit na-na pangalan nilang Maddison. Nang makababa kaming lahat ay pinangunahan ni Xavien ang pag-ring sa doorbell.

The house was painted with white plain palette at mas gumanda pa ito dahil sa magagandang bintana nila at tanaw ko pa sa salamin ang nakabukas nilang chandelier. Plus, their elegant metal gate with spikes and edges on the top. And their garden that blooms with different flowers.

Ilang segundo ang lumipas ay may isang babaeng lumabas na nakasuot ng puting apron at hairnet. Sigurado kaming isa ito sa mga kasambahay nila. Lumapit ito sa amin pero hindi niya binuksan ang pintuan at. tiningnan pa kami mula ulo hanggang paa.

Do we look like thieves? Hindi ba niya nahahalata sa suot namin na mga detectives kami?

"How can I help you, Sir?" The maid asked. Medyo may pagkasungit ang tono ng boses niya.

"We're detective at gusto naming makausap ang mga kamag-anak ni Raquel. Nandiyan ba si Mrs. Maddison ngayon?" Morris said.

"Nandito po. Pasok po kayo," paanyaya niya sa'min.

Nagpatiuna itong pumasok at sumunod naman kami. Nadatnan nga namin ang isang babaeng nakasuot ng isang mamahaling damit, habang hawak-hawak niya ang handbag.

"Ma'am may bisita po kayo," saad ng kasambahay.

Seryosong nakaupo ang babae sa malambot na sofa habang hawak nito ang kanyang tasa. Tiningnan niya lang kami habang sumisimsim ng kanyang iniinom.

"What brings you here, detective?" A woman said, who I assumed she's in her 30's.

"We are here to investigate Raquel's death. At napag-alaman naming nandito ang mga kamag-anak niya," seryosong sabi ni Morris.

Ibinaba naman ng babae ang hawak niyang tsaa. "Yes, ako nga ang isa sa mga kamag-anak niya. I'm Bethina Ann Maddison. Do we have a problem, detective?" she replied with a bit of an intimidating tone.

"Kayo lang po ba ang kamag-anak niyang nandito ngayon?" Xavien asked.

Tila ang kaninang seryosong mukha niya ay nabahiran ng pagkunot-noo at napalunok pa ng madiin.

"Uhm...no, actually nandito rin ang kanyang tito at mga pinsan," sagot niya. "Do you need my statement on her death?"

Magsasalita na sana si Xavien pero pinangunahan ito ni Morris. "Yes, it's our duty to do that."

Ilang saglit lang ay may narinig kaming yabag ng paa, kaya napagawi ang tingin ko sa pinanggagalingan ng yabag na ‘yon. Isang lalaki na nakasuot ng isang office attire ang bumungad sa'min, kasama nito ang isang babae na sa tingin ko ay ang isa sa mga pinsan ni Raquel.

"Sinong magpahintulot sa inyong pumasok dito?" May pagtaas ng boses ang lalaki nang lumapit ito sa amin. "At sino naman ang mga batang ito?"

"Tito huminahon ka nga po muna," pagsuway sa kanya ng babaeng kasama niya.

"We're detective sir," aniya ko at sinubukan pang ngumiti sa harapan niya. "Your maid assist us to come inside para makausap ang ilan sa mga kamag-anak ni Raquel."

"Sorry, but I don't have time for my statement here or such. I'm in a hurry to meet with her attorney," nagmamadaling sagot ng lalaki.

"Her attorney?" Mahinang sambit ni Athena. "It sounds a bit weird, hindi ba?" Nagkatinginan kaming apat sa sinabi niya.

Lalabas na sana ang lalaki ng biglang harangan ni Xavien ang pintuan. Tinapunan naman siya ng masamang tingin nito.

"Raquel's attorney? Why are you in a hurry to meet her lawyer at this hour?"

"What? Did I say her attorney-I mean my attorney," may pagaaligaga niyang sagot. "Can you get out of my way!"

"Tito, can you please calm down!" pagsuway muli sa kanya ng babae pero parang wala naman itong pakialam sa kanya.

"Agatha pwede ba!" Piniglas ng lalaki ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Hindi kayo maaaring lumabas ngayon, Mr. Robert Maddison. Dahil isa kayo sa mga suspect sa pagkamatay ni Raquel," paliwanag ni Ciandrei kaya napalingon ang lalaki sa kanya.

"What Suspect?!" May pagkabiglang sabi ni Bethina at napatayo na sa sofa ng wala sa oras. "This can't be true."

"Suspect sa pagkamatay ni Ate Raquel?" Nagtatakang tanong ng isa sa mga pinsan ni Raquel. She's a bit older to us I guess, siguro ay nasa mid-20's na siya.

"If we all of you can prove that your alibi is verifiable, and the statement that all of you are innocent at wala kayong kinalaman sa pagkamatay niya, then we will leave this house immediately," Xavien stated.

"Does that change everything? Patay na si Raquel, nagpakamatay siya dahil na-pressure siya sa kanyang trabaho," Robert affirmed.

"It was not a suicide case, Mr. Robert," paglilinaw ni Morris sa kanya. "Someone killed her at her own house between 3:17 to 4:34 in the afternoon."

"Tita Bethina, hindi ba't sabi n'yo na nagpakamatay si Ate Raquel?" naguguluhang sabi ni Agatha.

"There was no traces of suicide note or sign that the victim killed herself. Thus, we found bruises and wounds in some part of her body," Ciandrei stated.

Nanlaki naman ang mata ni Agatha at napatakip pa siya sa kanyang bibig. She's not expecting hearing that from him, pero gayunpaman ang pinunta namin dito ay para malaman kung sino sa kanila ang pumatay kay Raquel.

Bukod sa kanilang tatlo ay may lumitaw pa na dalawang lalaki na kararating lang. Nagpakilala sila bila si Mathias Andrew Maddison at Dwayne Sean Maddison. Both are twenty-five years old, isang journalist si Mathias habang isang sikat naman na basketball player si Dwayne.

They're Raquel's close relatives, may dugong pilipino rin kaya nagkakaintindihan naman kami kahit papaano. They all gathered in the living area, habang tumawag naman si Morris ng iba pang mga pulis at crime operatives para suruin ang bahay.

"Is it necessary to look into our house?" Bethina asked. Halatang may bahid ng galit ang tono ng boses niya.

"Yes, Mrs. Maddison, and we have a letter of inspection from the London Police Headquarters," sagot ni Morris.

"Let's get over with this things nang makaalis na'ko," saad ni Robert. "What do you want from us?"

Bakit ba parang nagmamadali ang lalaking ito? Kanina ko pa kasi napapansin ang pagiging aligaga niya na parang may hinahabol siyang oras.

Minutes later, Xavien started to asked them. "Nasaan kayong noong ika-lima ng mayo bago nangyari ang pagpatay kay Raquel. Do you still remember it?"

Unang nagsalita ay ang pinsan ni Raquel. She can't remember it clearly pero ang sabi niya ay may sakit ang kanyang alagang pusa kaya kailangan niyang bantayan ang ito ng ilang araw. Nagpakita rin siya sa amin ng ebidensya na totoo ang kanyang sinasabi at nang makita namin ang time stamp ng mga litratong ay kinumpirma namin na totoo ito.

Sumunod nama na sumagot ay si Dwayne.

"Nasa basketball league ako nang mga oras na iyon at tumawag pa nga sa akin si Ate Raquel to cheer me na maipanalo ang laro bago magsimula ito. She can't make it to watch because of her schedule, but she left me a note to cheer me everytime I have a league," paliwanag ni Dwayne.

Pinakita niya pa sa amin ang huling tawag nilang dalawa noong araw na iyon. And his statement is verifiable, gano'n din kay Mathias dahil nanood siya ng laro ng kanyang kapatid at kitang-kita pa sa litrato kung gaano siya kasaya habang pinapanood ito.

"How about you Mrs. Bethina, anong ginagawa mo noong araw na iyon?" Ciandrei asked her.

"I was busy shopping at the mall that day. Sinubukan ko pa nga na yayain si Agatha na sumama sa ‘kin, pero nagkulong lang siya sa kuwarto kasama ang pusa niya. After that, umuwi rin ako at nagluto ng mga pagkain na kakainin namin para sa hapunan," mahabang litanya niya.

Binigyan lamang ni Xavien ng makahulugang tingin ang babae. And just like that, his mischievous smile suddenly appeared on his lips. Isa na lang ang hindi namin naitatanong at iyon ay si Mr. Robert Maddison.

"Can you tell us why you are in a hurry to meet your attorney?" Xavien asked.

"Is this related to my nephew's case? If not, then I'm not obligated to answer your question. That is my personal matter," he confidently said.

"Or is it a personal interest?" aniya ko.

Mukhang nakuha ko rin ang timpla ng kanyang sagot na kanina ko pa hinihintay. Pagkatapos kong sabihin ito ay tila namuo ang pawis sa kanyang noo at umalon ang bukol sa kanyang lalamunan. Got him!

Nakita ko pa ang pagngiti ni Xavien sa gilid na parang parehas lang kami ng iniisip ngayon.

"Personal interest? I don't know what are you talking about, Ms. Detective-or so what. Hindi na mahalaga na malaman ko pa ang pangalan mo," he replied.

Hindi ko maiwasang magsalubong ang dalawa kong kilay pero agad din itong nawala nang hawakan ni Ciandrei ang kamay ko at marahang tumango. And I think that he's giving me a signal to focus on the case first, before I reach my anger.

Huminga ako ng maluwag at direktang tumingin sa mabibilog niyang mga mata.

"I'm sure you won't forget my name after this, Mr. Robert," I said.

A smirk appeared on his lips for a second.

"Her death is perfectly executed na tila ba gustong palabasin na isa itong suicide, but little did they know that there is nothing more deceptive than an obvious fact."

I know that I shouldn't be like Sherlock holmes; who knows every act of the killer or how they did the crime. But now, our vacation here in London seems to have gone wrong.

"What do you mean by that?" Bethina asked.

"I'm sure that the killer behind Raquel's death is in this living area right now," I confirmed.

Hindi sila makapaniwala apat sa tinuran ko, habang wala namang reaksyon si Robert. He doesn't seem surprised at all.

"We want to hear your statement Mr. Robert Maddison. Anong ginagawa mo noong araw na iyon?" Xavien asked him.

Tumingin siya ng diretso kay Xavien bago sumagot. "Sa pagkakatanda ko, I'm busy doing paperwork dahil may mga kailangan kaming ipasa no'ng araw na 'yun. I also told Bethina about that, kaya pwede ko siyang maging alibi," paliwanag niya.

"Is it true Mrs Bethina Maddison that Robert told you about it?" Si Athena naman ang sunod na nagtanong.

Now she's also interested to know who's behind it. Mabuti na lang ay nagsalita rin siya. Pagkatapos niyang magtanong ay marahang tumangon ang babae sa kanya.

"After that, I helped her cooking kahit kakauwi ko lang galing opisina. Tumawag pa nga sa akin si Raquel and she told me that she'll come by to see Agatha," dagdag pa niya.

"And after that you killed her right?" Xavien asked.

"Yes and-" He stop for a moment and looked at. "No, I mean I didn't kill her after that."

"Got you!" Xavien replied and smirked at him.

"Yes you didn't, because you killed her just before she entered the door, right?" My lips began to form a smile, just like how Xavien gave him a smirk right now.

Mukhang nadulas na siya sa kanyang sinabi nang hindi namamalayan. And my trick finally worked to reveal how he gave us his statement, at lahat ng kanyang sinabi ay pawang kasinungalingan.

He froze in surprise ngunit ilang saglit lang ay nakabawi rin. "N-No! I didn't kill her, nagkakamali kayo!" sigaw niya sa amin at tila ay pang umamin sa kanyang kasalanan.

"Kaya ka nagmamadali kanina dahil tumawag ang abogado ni Raquel para mapag-usapan n'yo kung paano mo hahatiin ang lahat ng ari-arian at mayroon si Raquel, you killed her because of your self-interest," I stated.

"Pinapunta mo si Raquel sa inyo hindi para kausapin siya. You already planted on your mind on how you will kill her using chemicals that you bought at pwede naming kumpirmahin iyon sa lahat ng pinagbilhan mo nito," dagdag ni Ciandrei.

"I was also impressed on how you did the crime perfectly nang walang kahit na sinong nakakita ng bakas ng ebidensya mo. No footprints or any fingerprints sa katawan ni Raquel," saad pa ni Xavien.

"Kahit sabihin n'yong ako ang pumatay sa kanya, wala kayong ebidensya laban sa'kin!" he shouted at us.

"Actually... I already found the evidence you hide from the basement, masyado ka kasing nakatutok sa kanina na hindi nyo namamalayan na wala na pala ako kanina pa. I managed to sneak into your room, and guess what I found?"

"N-no... h-hindi pwede..." He was left open-mouthed nang ipakita ni Athena ang baseball bat na ginamit nito na ipinanghampas niya sa ulo ni Raquel.

"She was about to ring the doorbell, but you but you sure quickly hit her in the head that caused an impact to bleed and fall on the ground. Hindi ito narinig ni Bethina dahil abala siyang nagluluto sa kusina, tama ba?" Athena said and smirked at him.

Napaigtad ako nang biglang sampalin ni Agatha si Robert.

"I can't believe you can kill her! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kanya!"

She screamed in pain after that. Halos nanginginig din ang mga kamay niya, gano'n din ang naging reaksyon ni Bethina na hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang asawa.

"I did that to save our family from debt! Wala na akong ibang paraan para bayaran ang lahat ng iyon. We're not that rich, Agatha. Alam nating lahat na si Raquel lang ang tanging solusyon para—"

Bethina also slapped him. "Pero hindi mo kailangan patayin si Raquel! How dare you use that word just to justify what you did?! Mabubulok kana sa kulungan!"

"Hindi mangyayari 'yon!" giit ni Robert.

Sinubukan pang tumakas ng huli nang sirain nito ang kanilang bintana at nahulog ang mga bibig sa sahig pero walang pakialam ang lalaki at agad na tumakas. Hahabulin kona sana nang bigla hawakan ni Xavien ang kamay ko para pigilan.

"We can't just let him escape," saad ko.

"Who told you that I will let him? Even if he tried to escape the authority-" Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya, narinig namin ang malakas na putok ng baril.

I flinched for a second dahil sobrang lakas nito. Agad kaming sumilip sa bintana at nakita namin na umaagos ang dugo sa balikat ni Robert habang sinusubukan pang tumakas. Nahuli rin naman agad ng mga bagong dating na pulis ang huli at pinosasan siya. He was screaming in pain due to the bullet that struck his shoulder.

Sa huli, nagpasalamat sa amin sina Bethina at Agatha dahil naisara na ang kaso ni Raquel matapos ang isang buwan. Hindi namin inaasahan na bigla-bigla na lang dadagsa ang media.

I know Xavien hates attention like this kaya kitang-kita sa ekspresyon ng kanyang mukha kung paano ito magsungit habang kinukuhaan kami ng mga retrato. At ang ilang mga news reporter pa ay sinubukan kaming tanungin, pero wala kaming sinagot kahit isa sa kanila.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Hours later, we finally returned to the hotel alive. No reporter followed us when we left earlier, and I only breathed a sigh of relief when we entered the room.

"I didn't expect that turn in our case, lalo na't sa isang celebrity pala ang hawak nating kaso," sabi ni Athena habang umiinom ng tubig. "Buti na lang at nakaalis tayo agad, at tiyak akong tayo ang magiging headline sa dyaryo at balita rito bukas."

She was right. At isa sa mga bagay na kinaaayawan ni Xavien ay ang atensyon. He didn't become a detective because he wants fame or money; he's just doing it to satisfy himself by solving many crimes dahil iyon naman talaga ang layunin niya sa simula pa lang-to close all the cases that he solved."

"Want some ice cream date to cool off?" Xavien suggested.

Napaiwas naman kami ng tingin sa kanya nang makita itong walang pang-itaas na damit at nakatapis pa ng tuwalya ang pang-ibaba niya.

"Magbihis ka nga muna!" inis kong sabi.

"What? As if you haven't seen it all already," pilyong sagot nito.

Nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niya at ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

That fucking jerk! Why does he need to mention that?!

"What the-Amie, totoo ba?" hindi makapaniwalang sabi ni Athena.

"Oh so you saw it all," pang-aasar pa ni Ciandrei sa akin at ngumisi ito.

I really hate him! It was just an accident to see his-whatever! Sa huli ay nanatili na lang akon tikhim pero padabog naman akong lumabas mg kuwarto habang magkasalubong ang kilay ko sa inis dahil sa ginawa niya.

That little jerk! Ang sarap mo talagang sakalin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top