CHAPTER 2: DEDUCTION SHOW

“We are meeting someone in a sweet mansion.” He looked at Larken, and a sweet smirk formed on his lips. “And you'll definitely want to meet him," he added.

Sandaling sumilay ang ngiti sa labi ni Larken. “Edi, ano pang hinihintay natin? Let's go!” magiliw na sambit niya at nagpatiunang lumabas sa amin.

A sweet mansion? Saan naman kaya niya kami dadalhin? Napakamot na lang ako sa aking ulo at sinundan silang dalawa palabas.

Hindi pa man ako nakakapasok sa kotse ay pinagbuksan agad ako ni Xavien, and he gave me a sweet smile.

Ngumiti lang ako sa kanya at nang makapasok ako ay hindi ko mapigilan ang naglalarong mga paro-paro sa aking tiyan. Si Xavien ang magmamaneho ng sasakyan at agad niya rin na binuhay ang makina nito.

Wala talaga akong ideya kung saang mansyon kami pupunta, hindi rin kasi nagbigay ng iba pang detalye si Mr. Morris tungkol sa mangyayari sa kaso, maliban sa mga files and documents na mayroon kami.

“Do you think na connected ang nangyari kay Larken sa hawak nating kaso ngayon?” I asked.

Napagawi ang tingin nila sa akin ng sabihin ko iyon at ilang saglit lang ay pinangunahan na ito ni Xavien.

“Based on the code that we found in his room, there's a probability na may kinalaman ang taong nasa likod ng iyon at konektado ito sa isa pang tao,” Xavien remarked.

“What do you mean na isa pang tao?” Nagtatakang tanong ni Larken at napatigil tuloy siya sa pagnguya niya ng dala niyang chichirya.

“You'll meet him soon once we get there so hold your clues firmly because this is going to be a deduction show.” Then, a simple smile formed on his lips.

He's already interested in this case at kitang-kita naman iyon sa kanyang mukha.

Nang makarating kami sa tapat ng mansion ay may mga kotseng nakaparada. Mukhang nauna pa sila kaysa sa amin. Nang ihinto ni Xavien ang sasakyan ay sabay-sabay rin naman kaming lumabas.

“Grabe ang laki pala nitong bahay, sino kaya ang magmamana nito?” pabulong na sabi ni Athena.

“I don't know, pero ang masasabi ko lang ay maswerte ang pamilya nila dahil nakapagpatayo sila ng ganitong mansyon,” aniya ko.

Kung titingnan ang mansyon na ito ay para kaming naglakbay sa sinaunang panahon. Ang disenyo kasi nito sa labas ay nag-iisang kulay lang na nagpapamutawi sa buong paligid. Isa pa, parang isang malaking palasyo ito na isa kami sa mga prinsesa na naririto ngayon.

Sinalubong naman kami ng dalawang guard na nasa labas. Kahit taga-bantay lang sila ay elegante pa rin ang kanilang kasuotan na may halong pula at itim ang kanilang uniporme at may ranggo pa na nakadikit sa kanilang mga balikat.

Yes, they're acquired military personnel base sa sinabi ng isang lalaki habang kausap ito ni Xavien. Itininalaga sila upang maiwasan ang mga taong magtatangka sa buhay ng may-ari ng palasyong ito—yon ang pagkakarinig ko sa mga sinasabi nung dalawang lalaki.

“Kaya hindi ako nakikipag-usap sa foreigner eh, feeling ko tuloy durugo ang ilong ko kapag kausap sila, sinamahan pa ng may pagka-british accent nila,” Usal ni Athena.

Natawa naman ako sa kanyang tinuran dahil kahit ako ay sumang-ayon sa sinasabi niya. Mas maigi na si Xavien at Larken na lang ang makipag-usap sa kanila dahil tiyak akong hindi kami nito magkakaintindihan kapag ako ang nagpatiunang makausap ang mga taong nasa harapan namin ngayon.

Ilang saglit pa ng pag-uusap nila ay tumango ang lalaki na nakausot ng isang military hat at pinagbuksan naman kami ng pinto.

As we walked gazing around the mansion, the sunlight almost rushed through large windows, throwing a golden glow on the lavish carpets that adorn the walls, representing scenes of royal triumph. A Plush velvet curtains hang from towering windows, enclosing expansive vistas of groomed gardens around this palace.

Masasabi kong hindi ordinaryong mansyon o palasyo ito sa lawak nito at namumutawi pa ang kagandahan ng mga antique na mayroon dito. A stately staircase rises gracefully in the middle of their mansion, leading to richly furnished and embellished with gilded mirrors and exquisite furniture.

Plus, the murmur of fountains and the distant strains of unknown artists fill the air, creating an environment that hints of eternal elegance and majestically lineage.

“Welcome to El Vistacho mansion.” A man in his 30’s suddenly greeted us. “What brings you here little detective?”

Kilala niya si Xavien?

“Is Ciandrei already here?” Xavien asked.

“He's busy drinking his tea, would you like to follow me para maihatid ko kayo sa kanya?” A hint of playful smile appeared again on his face.

Tumango naman kaming apat sa kanya.

“Then follow me,” he muttered.

A perfect smile formed on his lips for the nth time. Parang sanay na sanay na siya sa ganitong bagay base sa behavior na pinapakita niya sa'min.

Like he's living with it at nasanay na lang siya sa ganyang behavior.

Truth be told, I don't like his joyful attitude. Medyo creepy para sa akin makakita ng ganitong klaseng tao, tapos hindi pa nawawala ang pinapakita niyang ngiti sa amin. He's like a creepy clown—like Pennywise to be exact. Kulang na lang ay kolorete sa mukha at isang pulang lobo.

“He's kinda creepy, but I like his joyful personality,” Larken mumbled.

“Ayoko sa kanya,” I retorted.

“Masyadong pilit ang ngiti niya. It's like he’s forcing himself to smile to us na parang bawal sumimangot dito,” dugtong pa ni Athena at pabulong na sinabi ito.

Alam kong naririnig kami ni Xavien pero wala namang pakialam ang huli sa'min.

“Napansin kong mga pilipino rin pala kayo, what a small world isn't it?”
Still, a playful smile plastered across his face. Sinundan lang namin ang mga yabag ng kanyang paa patungo sa isang malaking salas.

Dito ay nagniningning ang mga chandelier sa itaas nang tumingala ako. Seeing how elegance their mansion, masasabi kong masuwete nga ang taong magmamana nito.

“I already told Lucas about it. Hindi na magbabago ang desisyon namin!” Bulyaw ng isang babae. Tila napahinto sila sa paglalakad ng makita kamin tatlo. Sabay pa silang napakunot-noo.

“Why the hell are these little creatures here?! Hindi ba bawal ang bisita rito?” Sigaw pa ng babae.

“Can you please come down, Liana,” mahinahon na sabi ng lalaking kasama niya, at hinawakan ang kanyang braso.

“Mr. Tanner and Ms. Liana, sila po ang makakasama ninyo rito sa mansyon ngayong araw. Ipinautos po ito ni Don Vistacho,” pagpapakikala ng lalaking kasama namin.

Wait…Don Vistacho? Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na iyon? Tila nahimigan ko ang pangalan na binanggit niya dahil parang naalala ko kung saan ko ito narinig.

“I don't care. Basta't siguraduhin mo na hindi magiging malikot ang mga mata at kamay nila rito,” anas niya at naglakad paalis kasama ang lalaki.

“Ang sungit naman nun,” Larken murmured.

“Isa siya sa mga anak sa labas ni Don Vistacho, and she wanted to inherit all of his father's wealth. Kahit buhay pa ito sy parang pinapatay na rin nila,” Aniya ni Xavien.

“Vistacho? Hindi ba't iyon ang…”

“Yes, the conversation you've tried to eavesdrop on, is the son and daughter of Don Vistacho,” Xavien stated.

Ah, kaya pala naging pamilyar ito sa akin dahil narinig ko ang pangalan na ‘yon noong nakasakay kami sa eroplano.

“So what brings you here, little detective?” Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki.

Mas mataas lang siya ng ilang pulgada kay Xavien, magulo ang kanyang buhok, he has a sharp jawline with an elegant look like a real detective dahil nakasuot pa ito ng isang brown coat at mas napukaw ako sa kulay asul niyang mga mata.

His deep set of striking blue eyes looked like the calm depths of the ocean. His smooth, pale skin, which hadn't been touched by the sun's warmth, gave off an airy glow like porcelain that had been lit by the moon. A definition of a perfect man, pero hindi naman ako nagpapasilaw sa pa-guwapo niyang mga ngiti.

“I’m glad to finally meet you, Jake Ciandrei Hermion.”

He chuckled at lumapit sa amin. “I'm also glad you remembered my name, Xavien.”

“Dude!” Bigla namang sinungaban ni Larken si Ciandrei nang mahigpit na yakap. “It's good to see you again. We are all busy kaya hindi ka namin nabisita sa Fier Mansion.”

Natawa ako ng ilayo ng lalaki ang kanyang mukha dahil gusto pa ni Larken na halikan ito sa pisngi.

“Sino pala siya?” tanong ko.

“He's my cousin on my mother's side of the family,” paliwanag niya.

Magaganda talaga ang lahi nila kahit sa mother side nila. I also wanted to meet his other cousins, kaso hindi naman siya nagkukwento sa akin tungkol sa pamilya niya. But I know I will get to know him deeper, so that I can understand him from the inside.

“Enough with the kiss jerk or I'll punch you in the face!” Ciandrei remarked.

“Sure, basta ikaw nanginginig pa. Kiss muna,” biro pa ni Larken. Inaambahan pa ng Ciandrei nang sapak si Larken kaya agad itong lumayo. “Fine, I'll do it next time.” He then pouted like a child.

“There will be no next time, dahil ililibing talaga kita ng buhay,” bulyaw pa niya.

“Mr. Duke Vistacho, napaaga po yata ang pagdating ninyo,” gulat na saad ng lalaking kasama namin at lumapit siya upang kunin ang coat ng lalaki.

Tama nga ako. Siya yung matandang lalaki na kasabay namin sa eroplano and I heard about their father's will. Mukhang nandito nga sila ngayon upang magprotesta ulit dahil hindi sila papayag na wala silang mana na makukuha.

“Just get me some coffee Ruben—Oh, by the way sino nga pala ang mga batang ito?” Lumapit siya sa amin at ngumiti.

“We are detectives at pinatawag kami rito ni Don Vistacho, and you must be his first son, tama po ba?” may paggalang na tanong ni Xavien.

“Ako nga. Gusto nyo ba siyang makausap ngayon?” Tanong niya.

“Are you really sure you want them to see our father? Isa pa, sino ba ang mga batang iyan at bakit sila naririto?” May pagtaas sa tono ng boses ni Emily.

Naalala ko siya dahil may kalakasan ang boses niya noong sinasabi niya ang tungkol sa will ng kanyang ama. I know I'm eavesdropping but I'm also interested in how this journey with them would go. Isa pa, gusto ko rin mabisita ang ilang mga lugar dito sa London at mamasyal o hindi kaya kumain ng iba't-ibang pagkain na mayroon sila rito.

Mula sa ikalawang palapag ay bigla na lamang nagsalita ang isang babae.

“Why the hell are you here?!” Sigaw ng babae. “May lakas pa talaga kayo ng loob na pumasok at bumalik dito pagkatapos ng nangyari?”

“Is this how they greeted each other? Lagi silang pasigaw kung magsalita,” Bulong sa akin ni Athena.

She's right. Hindi ko naman sila masisisi dahil ang tanging iniisip ko lang ngayon ay kung bakit sila nagsama-samang lahat ngayon dito sa mansyon ni Don Vistacho.

Mamatay na ba siya kaya pinaghahandaan na nila ang will nito? Is it something else that they want from their father beside his heir?

“Look, Victoria. We just want to fix things here and regarding Don Vistacho’s will,” Duke said. “Baka nakakalimutan mo na anak ka sa labas Victoria, so if you want our fathers’ heir you should be careful with your words as it can affect his will after he dies.

“You son of a bitch!” she cursed. Wala namang naging reaksyon ang dalawa sa kanila habang kami ay nakikinig lang.

“Sorry if you need to see that, I'm apologizing on behalf of her attitude,” Duke stated.

“There's no need, Sir Duke. We just want to settle things for your father's will and—”

Bigla na lamang napatigil sa pagsasalita si Xavien at lahat kami ay nagulat ng bigla na lamang dumilim ang buong paligid.

Teka, anong nangyayari?! Bakit bigla na lang namatay ang lahat ng ilaw?

Napakapit na lang ako bigla kay Athena. Halos wala akong maaninag at sinubukan kong kunin ang cellphone ko at binuksan ang ilaw nito. Nagsimulang manginig ang kamay ko ng walang dahilan.

I can't explain the feeling but…I know I'm afraid of the dark.

“Are you okay?” Tanong ni Xavien. Hinaplos niya ang aking mukha at mahigpit itong napakapit sa aking kamay. “Stay calm, okay?”

Kahit na hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko ngayon ay alam niyang madali akong natatakot ako kaya agad niya hinawakan ang kamay ko.

“I'll find the fuse, stay here,” sambit ni Duke.

“Sasama ako," pahabol na banggit nina Xavien at ni Ciandrei.

“Ako rin,” dugtong pa ni Larken.

“Sasama na rin kami,” dagdag pa naming tatlo na parang takot na takot kami maiwan sa dilim.

Duke heaved a deep sigh. “Fine, follow me to the next room there,” sagot ni Duke at itinapat ang kanyang ilaw sa isang kuwarto na tinutukoy niya.

Nang gumawi kami ay agad na nagpatiunang bumaba si Duke at sumunod naman si Xavien. Nanatili lang kaming tatlo rito sa taas at ilang saglit nga lang ay mabilis din na bumalik ang ilaw sa buong bahay. Nakahinga naman kaming tatlo pero napukaw ang atensyon naming lahat ng may sumigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay.

“AHHHHHHHHHH” We heard a loud scream at boses babae iyon. It was coming from the second floor of the mansion.

“S-si Victoria!” bulalas ni Duke.

Tumakbo kami at umakyat nang mabilis patungo sa ikalawang palapag at pagbukas ko mg ia sa mga kuwarto ay napatakip na lang kaming dalawa ni Athena ng bibig habang bumagsak naman sa sahig si Emily at nahimatay pa ng makitang wala ng buhay ang kanyang ama.

“N-no! H-Hindi ko siya pinatay!”

Victoria’s voice was shaking as she shouted at us. Nababahiran ng dugo ang kanyang kamay at suot nitong damit. Napaupo na lang habang nanginginig ang mga kamay sa takot.

“V-Victoria!” gulat na sabi nina Alexander at Liana, ang dalawang kapatid nito na kakarating lang.

Sabay pa silang napatakip ng bibig at napaatras nang makitang wala ng buhay ang kanilang ama.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Nasa unang palapag kami ngayon ng bahay at nakaupo sa dining area. Mabilis rin na nakaresponde ang mga pulis, ngunit si Xavien at Larken lang ang tanging kausap nila dahil hindi naman ako fluent pagdating sa english at baka hindi pa kami magkaintindihan ng mga Crime operatives.

Nakarating na rin kay Mr. Morris ang nangyari at paparating na rin ito ngayon s mansyon.

“H-hindi ako ang pumatay kay Don Vistacho,” Paulit-ulit na paliwanag ni Victoria sa kanyang mga kapatid.

“Then who could do this to our father?!” sigaw ni Duke at napatayo siya sa kinauupan nang ibagsak nito ang hawak niyang tasa na tuluyang natapon.

“I may not be a good or perfect daughter of Vistacho, p-pero hindi ko kayang patayin ang ama ko,” pagdidiin pa ni Victoria.

“Calm down, hindi ito mareresolba kung dinadaan n'yong lahat sa galit at pagsisi,” Sambit ni Mang Ruben.

Lahat sila ay posibleng maging suspect sa krimen. At isa sa kanila ang nagplanong patayin ang kanilang ama. Hindi na kami nasorpresa dahil alam namin na ang motibo ng salarin ay ang mana mula sa kanilang ama.

Based on Don Emmanuel Herando Vistacho’s profile may anim siyang anak at ang tatlo rito ay anak niya sa labas. Ito ay sina Alexander Vane Tanner-Vistacho, Liana Harrison-Vistacho, at Victoria Salazar-Vistacho. Samantalang ang kanyang mga tunay na anak ay sina, Duke Vistacho, Lucas Rhein Vistacho at Emily Jane Vistacho.

“Alam kong kaya mong pumatay Lucas. Did you think na sa ‘yo mapupunta lahat ng mana ni Don Vistacho?

“What the fuck are you saying?! Ganyan na ba kakitid ang utak mo, Duke?” Bulyaw ni Lucas. “I’m not the one who killed our father and I can prove my alibi.”

“Then where are you between 2:37 to 3:10 PM?” Ciandrei asked. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

“I was buying a coffee, halata naman siguro sa hawak ko?” he muttered. Ipinakita niya pa at itinaas sa'min ang kanyang mga binili. “ Also, pwede nyo rin I-check ang cctv footage ng coffee shop to prove my alibi. Natagalan ako dahil masyadong mahaba ang pila kanina and I also brought some breads na hawak ko kanina pagpasok.”

“That’s verifiable, but we need more evidence to prove your claim,” Xavien stated. Iginawi naman niya ang tingin kay Alexander. “How about you, nasaan ka no'ng mga oras na iyon?”

“I was drinking alcohol, at ano ba ang papel mo rito bata? Hindi ba dapat ang mga awtoridad ang humahawak ng kasong ito.

“Technically, we are also detectives. I have solved many crimes that are related to this case, and I already know who's behind this murder scheme,” Ciandrei stated.

“Then who killed our father?” Victoria asked.

“I can say it right now, we need more clues to prove such things especially when the killer is caught in his or her act,” Ciandrei added.

Ang sunod na tinanong ni Ciandrei ay si Victoria. Base sa statement niya ay nang mawala ang ilaw ay agad siyang dumeretso sa kuwarto niya, pero hindi niya napansin na kuwarto pala ito ng kanyang ama dahil sa pagmamadali niyang pumasok.

Sa pagpasok niya sa kuwarto ay bigla na lamang siyang natisod na ikinalaki nang kanyang mga mata dahil naramdaman niya na nakahandusay na pala sa sahig ang kanyang ama na walang malay at hindi na humihinga. Nang bumalik ang ilaw ay duon na siya sumigaw, habang may bakas ng dugo ng kanyang ama sa kanyang damit.

Kasama namin si Duke nung mga oras na nangyari ang krimen kaya imposibleng siya ang gumawa nito, pero posible rin naman na si Liana ang gumawa nito at may kasabwat siya dahil kasabay niyang lumabas ng bahay si Lucas, pero wala siyang konkretong alibi na makakapagpatunay na hindi siya sangkot sa krimen.

Hindi rin naman nalalayo ang posibilidad na si Mang Ruben ang gumawa nito ang kanyang salaysay sa amin ay nagtitimpla raw siya ng kape ng biglang mawala ang ilaw sa buong bahay, agad naman siyang naghanap ng flashlight pero wala raw siyang nahanap kaya pumunta siya sa sala kahit na madilim ang paligid ay gamay naman daw niya kung saan ang daan at sulok ng mansyon dahil matagal na siyang nagtatrabaho rito.

Tila nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Xavien. Tumayo ito at pumunta sa pinangyarihan kung saan nakitang wala ng buhay si Don Vistacho. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa pag-akyat namin sa hagdan.

“Do you have a deduction based on their alibis?” I asked. Agad din naman siyang napatingin sa akin.

“I don’t have yet, dahil hindi pa matibay ang mga ebidensya nakuha ko,” aniya. “Their alibis could be altered at pinasisinungalingan lang nila, and it's up to us if we believe them, or if it is verifiable enough to prove that they’re innocent.”

Nang magtungo kami sa kuwarto ay makikita pa rin ang bakas ng dugo ni Don Vistacho. Ang nakakapagtaka lang ay bakit wala kaming narinig no'ng mga oras na nangyayari ang krimen.

“Look!” Xavien said. “Puti ang lahat ng punda ni Don Vistacho, if there’s no sign of force, marahil ay isa itong pillow murder. We can run some test para makita natin kung may mga bakas ng dugo ang mga ito, and we can detect their fingerprints.”

Tinawag ni Xavien ang isa sa mga crime operatives at kinausap ito. Likewise, I was standing three feet afar from him at nang tumango ang isa sa mga crime operatives ay lumabas na rin ito kasama ang nakuhang mga ebidensya.

Pagbaba namin ni Xavien ay nakita namin na muling magtatalo ang dalawang magkapatid.

“Can you please shut the fuck up! Sa tingin mo nakakatulong ka sa pagresolba ng kaso?” bulyaw pa ni Lucas nang madatnan namin silang nagaaway ni Victoria.

“I already know who killed your father.”

“This detective already said that. Pwede bang sabihin n’yo na lang sa'min ng diretso? You're just making us overthink kung sino talaga ang pumatay kay Don Vistacho," galit na saad ni Lucas

“Then let the deduction show begin.” A mischievous grin appeared on both of their faces.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

“The fuse suddenly cut off and all of us panicked for a second. Si Victoria ang nasa taas kung saan malapit sa kuwarto ni Don Vistacho, she thought she was inside her room only to find out that it's her father room. Nang bumalik ang ilaw ng itaas ni Duke ang fuse ay tumambad sa kanya ang duguan na katawan ng kanyang ama and the blood stains from her clothes. Tama ba, Victoria?” Ciandrei asked.

“Y-yes…” Nanginginig pa ang boses ni Victoria nang sumagot ito.

“Other than that, I found evidence that can prove that no one in Don Vistacho’s son and daughter killed him,” Xavien added.

Halos napatayo silang lahat sa gulat nang sabihin ito ni Xavien. He flashed his mischievous smile at iginawi ang tingin sa lalaki nakatayo malapit sa amin.

“It was you who killed him, Mang Ruben.”

“Prove it,” he said with a playful smile on his lips. “Ako? Papatayin si Don Vistacho? I've been working here for many years, I have gained his trust more than his son and daughters.”

“Exactly. You're working here as his personal nurse and caretaker for so long, kaya alam mo na ang bawat sikot ng bahay. Kahit pa madilim ang paligid kabisado mo kung saan ka dadaan at ang bawat hakbang na gagawin mo matapos mong sirain ang fuse, tama ba? Did I already catch you, Mr. Arnold Vistacho?”.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat, kahit ako ay hindi makapaniwala sa kanyang isiniwalat.

“He's the lost and oldest son of Don Vistacho. Matagal na siyang hinahanap ng kanyang ama. He erased all of his information and data, but to my surprise, he forgot that he has a DNA that can prove that he's ninety-nine percent a Vistacho, and guess what…” Tumingin si Ciandrei kay Xavien at tumango ito na para bang nagkakaintindihan sila sa kanilang pagtango sa isa’t-isa.

Humakbang papalapit si Xavien at may inilabas sa kanyang bulsa.

“Sinubukan mong hampasin gamit ang isang matigas na bagay si Don Vistacho, pero hindi ka nagtagumpay. Buhay pa rin siya at duguan ang ulo, kaya hinila mo siya sa kanyang kama at ginamit mo unan para patayin siya, pero hindi mo napansin ang kanyang ginawa dahil nasa kanya ang atensyon mo at ang ilang hibla sa mga buhok mo ay nahulog sa kanyang kama. Isa pa, alam kong may bakas ng sugat sa mga braso mo ngayon, am I right?” Xavien smirked.

Napapikit ako nang bitawan ni Ruben ang hawak niyang babasagin. The hot coffee spilled over the floor.

Naramdaman ko ang kamay ni Xavien nang marahan ako nitong ilayo sa lalaki.

“I didn’t expect the turns of your deduction that would lead to my true identity. Yes, I'm the oldest real son of Don Vistacho, but I don't regret what I did.”

“What?!” sigaw ni Victoria. “B-bakit mo pinatay si Don Vistacho?!"

“Hindi ko siya pinatay dahil gusto kong makuha ang mana niya. I don't care about how rich he is, pero hindi ko hahayaan na mapunta sa inyo ang mana. I already talked to the lawyer about his will at hindi na magbabago kung ano ang nakasaad do’n."

“N-no… you did not…” Napatakip ng bibig si Lucas at halos hindi makapaniwala, habang ako ay pinoproseso pa ang gustong sabihin ni Mang Ruben.

“Walang magmamana ng kanyang kayamanan kung mamamatay ang panganay na anak ni Don Vistacho,” saad ni Mang Ruben.

“No!” sigaw ni Duke.

My heart almost skipped a beat nang kinuha niya ang malaking bubog mula sa nabasag na jar at ginilit ang kanyang leeg. His blood spilled on the floor at bumagsak na lamang ito dahilan para mapasigaw ang ilan sa amin, kabilang na si Athena na hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaki.

Agad na rumesponde ang ilang mga crime operatives para tumawag ng ambulansya pero dead on arrival na ito dahil naubusan na siya ng dugo at nag-flat-line ang monitor habang isinusugod siya.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

It's been four hours since the incident happened, pero wala pa rin kahit isa sa aming apat ang umiimik. All of us were taken aback by the way Xavien and Ciandrei's deductions became warped, causing us to remain speechless. The revelation of his identity and crime was useless because he's already dead now at isa pang ikinagulat namin ay kung paano napapayag ni Arnold Vistacho ang abogad para baguhin ang huling habilin at testament ng kanilang ama.

“The case is already solved, yet it left us astonished for hours.” Binasag naman ni Larken ang malalim na katahimikan sa aming apat. “Hindi ako makapaniwala na anak siya ni Don Vistacho, and at his age mukhang maigi niya itong pinagplanuhan at alam niyang mangyayari ang araw na ito. That's why he killed himself para walang makinabang sa kanilang lahat at mapupunta ito sa isang charity.”

Napalingon kami nang marinig ang baritonong boses ng lalaki. He's wearing a simple white-t-shirt and brown pants, paired with his clear glasses.

“Four-hundred thousand euro is a big money for the charity, malamang ay gagawa ng paraan ang pamilya nila para mabawi ang manang ito.”

“Then it's not part of our business anymore, Ciandrei. Besides, hindi naman ‘yan ang ipinunta namin dito. We need your help to solve this case that Morris gave us,” paglilinaw ni Xavien.

“What would be the benefits if I help you to solve that case?” kunot-noong tanong ni Ciandrei.

Xavien grinned. “You're admission to Amethy High would finally be accepted.”

Parehas na sumilay ang mga ngiti sa labi nilang dalawa na parang sila lang ang nakakaintindihan.

“It's a win-win situation,” Xavien remarked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top