CHAPTER 1: THE PERILOUS TRIUMVIRATE

A/N: Again, this is raw and unedited version from chapter 1 to 50. Kapag natapos kona ito saka ko lamang po i-edit at i-proofread. Thank you for reading ang voting po!

Also, this chapter has very detailed scene, kaya umabot ng 6.4K ang wordcounts nito. There's no such fillers in my story, at kung mayroon man puro landian at jokes lang ito.

Happy reading!!

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Lumabas kami at hinanap siya. Sinundan lang namin kung saan papunta si Xavien. Wala kaming alam sa nakalagay na code sa papel na hawak ko. Hindi ko ito maintindihan dahil parang halo-halo ito ng mga letra at numero.

If Larken is missing, sino ang dumukot sa kanya?! Who the hell is ZV?!

Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanya. I bit my lower lip, trying to calm myself from the gravity of this situation. Pati ako ay lumilikot ang isip dahil sa nabasa naming sulat.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin ang isang malaking bahay. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Xavien, na tila siya ang nakakaalam kung nasaan ngayon si Larken.

"Teka, alam mo ba kung nasaan siya?" hingal kong tanong kay Xavien.

Halos tumulo na rin sa kanyang damit ang mga pawis nito. Saglit itong huminga nang malalim bago nagtama ang tingin naming dalawa.

"Someone took him while we're fixing our things. Ang papel na hawak mo ngayon ay may tatlong cipher, and I know who wrote that," he muttered.

Kumunot ang noo ko. "Three... ciphers?"

He quickly nodded. "Yes. Three ciphers, and those are Monographic, where each letter is replaced by another letter or symbol consistently throughout the message. It's a basic form of encryption, but in our case, they're all mixed with spiral and roman numerals ciphers," he explained.

"You can't easily decipher it because once the cipher is mixed with others, it could lead to a wrong message that the sender is trying to convey," he added.

Tila namangha ako dahil isang tingin pa lang niya kanina sa papel ay alam na niya ang nakalagay dito. I was impressed to his prowess when it comes to deciphering code, mukhang kailangan ko pa nga na magbasa ng maraming libro ni Sherlock holmes at iba pang mga deciphering books para mapantayan ko ang kanyang galing.

"Then... what's the message behind it?" I asked.

Lumapit siya sa amin at kinuha ang papel na hawak ko sabay balik ng kanyang tingin sa papel na puno ng ngisi sa kanyang labi.

"The first four letters, he used a monographic cipher which if we decipher this letter we can get C-O-M-E, then the numbers next to it were spiral which is where numbers are aligned to the letter which is A-N-D, then monographic ulit na ang word na lumabas ay G-E-T," mahabang litanya niya.

"Ang sumunod ay roman numerals. Kaya naging madali lang ito if we convert it into letters we will get the word H-I-M, but the last letter that followed is mixed up of the two ciphers, where the letter I on the second letter is used by monographs. And in the third of the last letter, he used a spiral cipher."

Medyo naguguluhan ako sa sinasabi niya, pero kalaunan ay naintindihan ko rin. At kung mapapansin nga ay halo-halo ito at mas lalong nakakalito sa mga nauna kong na-decipher na code. I have knowledge when it comes to roman numerals, pero itong dalawang ciphers ay hindi ko pa masyadong gamay.

"If I didn't carefully notice the difference between those two letters that are manipulated by cipher, baka ibang salita ang lumabas—and my hunch was right! Pero nang maitama ko na ito... pangalan ko ang lumabas. X-A-V-I-E-N," dagdag niya.

J-O-T-L 1-14-4 N-L-A
C-O-M-E A-N-D G-E-T
VIII IX XII EI22ILO
H-I-M X-A-V-I-E-N

-ZV

"Teka, paano mo nalaman kung sino ang taong nagsulat nito?" nagtatakang tanong ni Athena, kahit ako ay napakunot-noo sa sinabi ng lalaki.

"Easy. Because we have the same penmanship at kahit ibahin niya pa ang paraan ng pagsulat niya, I can definitely know who he is," he replied, a smirk appeared on his face.

My eyes squinted. "Then... who is ZV?"

That's the question that I wanted to ask, pero hindi ko naman inaasahan ang naging sagot ni Xavien.

"ZV is my father," diretsa niyang sagot. "He's the founder of Valmoris Organization."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, kahit si Athena ay hindi makapaniwala sa narinig nang magtama ang tingin naming dalawa.

If ZV is his father... bakit niya naman kukunin si Larken? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pamamawis ng palad ko.

"My phone detected his location, kaya agad akong nagtungo sa bahay na 'to," sambit niya. Agad na napukaw ang tingin namin sa malaking bahay. "We need to get Inside now, I'm sure Larken is there."

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at saktong nakabukas ang bahay. Nang makapasok kami sa loob ay sinalubong lang kami ng nakabibinging katahimikan, mabilis kong sinuri ang unang palapag ng bahay pero hindi ko nakita si Larken.

Where the hell is he?!

Nauna akong umakyat sa ikalawang palapag at pagbukas ko nang pintuan ay bumungad sa harapan namin ang isang lalaking walang malay ay nakagapos. Wala siyang saplot na pang itaas at halos puro sugat ang kanyang katawan.

"Larken!" I exclaimed when I saw him unconscious. Napukaw ang atensyon ko sa isang papel na nakadikit sa kanya, agad ko itong pinilas.


Bago pa man ito makita ni Xavien ay agad ko na itong tinago sa bulsa. Agad kong hinaplos ang mukha ni Larken. Puro galos at sugat din ito, kaya naman kinalas ni Xavien ang kamay nito sa mahigpit na tali at halos mamula ang mga kamay nito na nag-iwan ng bakas.

Tatlong oras na ang nakalipas nang buhatin siya ni Xavien at dalhin sa clinic ng Amethy, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.

Why would Xavien's dad do this to him? Na parang may isang mabigat na kasalanang nakapasan sa kanya. Nasa bulsa ko pa rin ang papel na nakita ko kanina. Masyadong magulo ang isip ko sa mga nangyayari.

"Sorry, but we have to go. Mahuhuli na tayo sa flight," mahinang sambit ni Xavien.

"P-Paano siya? Iiwan na lang ba natin siya rito?" naguguluhang tanong ko sa kanya at ibinaling ulit ang tingin sa lalaking nakahiga.

Bago pa man makapagsalita ang lalaki para sagutin ako ay may humawi ng malaking kurtina at isang pigura ng lalaki ang bumungad sa amin.

"Z-Zeiro?" I uttered.

"I'll take care of him, so you don't have to worry. Susunod pa rin naman siya sa inyo, but for the meantime he needs to rest," he stated. "Also, I need to talk to him about what happened, pati kami ay nabigla ng sabihin sa amin ni Xavien ang nangyari."

Somehow, I felt relieved. Parang nawala ang mabigat na kumakabog sa dibdib ko kanina. Huminga ako nang malalim bago muling igawi ang tingin kay Xavien.

"Let's go," I said.

For the past few months, I was lucky that I'm able to have them-solving crimes and unraveling mysteries together. Marami akong nakilala at nakasalamuha na kagaya ni Xavien, tulad na lang ni Qurie, Chase at ni Zeiro. I know they're all hard-headed and a little bit of a jerk, pero nagagamay ko naman ang mga ugali nila kapag kasama ko sila sa isang kaso.

They're all serious when it comes to solving cases. Hindi nila hahayaan na kahit isang hibla ng buhok ay makatakas sa pagiging detective nila at kung paano nila idetalye ang mga nangyari.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Xavien tungkol sa ibinunyag ni Rivon—I mean Valerie. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa Amethy High. He already knows me before I even met him, pero bakit mainit ang ulo niya sa'kin no'ng una naming pagkikita?

Nakasakay na kami ngayon sa eroplano at mahaba ang biyahe namin na mahigit labing-pitong oras. Katabi ko ngayon si Xavien habang nasa harapan ko naman na nakaupo si Athena at mahimbing na natutulog.

"What should we do about it?" I heard a man talking not far from my seat. Hindi ko ito pinansin kahit naririnig ko.

"Stop that nonsense thing, Duke. Wala ka nang magagawa pa," a woman said sitting next to the man who talked earlier.

"We are the real siblings, hindi natin pwedeng ipakita sa kanila na sila ang dapat magmana ng ari-arian ni Don Vistacho," Giit ng matandang lalaki.

I think he's in mid-40's pero base sa features ng mukha niya ay hindi ito halata, may makapal itong bigote at ang ayos ng kanyang buhok ay parang dinilaan ng isang baka sa sobrang linis at ayos nito.

Samantalang ang babae naman ay parang nasa 30's na at gaya ng lalaki ay hindi ito halata sa kanya. I can't even see their fine lines on their forehead na para bang araw-araw silang pumupunta sa dermatologist.

"But, Duke. We already talked about this! Wala na tayong magagawa. He already settled everything in his will. He's the one who will decide whether he gives it to us or not," pakikipagtalo ng babae kasama nito.

"No, Emily, we have the rights to settle our inheritance from our father!" he dictated, lowering his voice.

Nang igawi ko ang tingin sa kanya ay nagtama ang tingin naming dalawa at ngumiti siya sa 'kin. Mahaba ang kanyang buhok, maputi, and she's wearing a white dress while holding her brown mini bag. I know I shouldn't stick my nose in their business, pero hindi ko naman maiwasan na marinig ang buong pinag-uusapan nila.
Lalo na't dinig ko ito kahit naka-headset na ako at malakas ang volume.

"You're obviously eavesdropping on their conversation." A soft breeze of words gently caressed my ears. Marahan akong napaigtad sa kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Xavien.

Magkalapit ang mukha naming dalawa ngayon and I hissed when I saw how he chuckled. Is he staring at me the whole time? Akala ko ay tulog siya dahil kanina pa siya nakapikit.

"No, I'm not," I denied, crossing my arms and squint angrily at him.

Iniwas ko siya ng tingin sa kanya at itinuon ang atensyon sa brochure na nakalagay sa harapan namin.

I heard his soft chuckle again. "I already heard everything, sa lakas ng boses nila ay tiyak akong hindi lang tayo ang nakarinig no 'n," wika niya.

He's definitely right. Napaayos tuloy ako ng pag-upo ko and I cleared my throat.

"They're just talking about some family stuff," I mumbled.

"Yes, I heard it. Mukhang pinagaawayan nila kung kanina dapat mapunta ang mana ng kanilang ama," he mumbled. "But that's not our business right now, marami pa tayong aasikasuhin na kaso paglapag natin sa London."

Sinimangutan ko siya. "I'm sleeping. Matulog ka na lang ulit," walang gana kong sabi.

I yawned a few times and it's a sign that I need to rest for a long time. Mahaba ang biyahe kaya dapat sulit ang tulog ko para hindi ako ma-jetlag after our long flight papuntang London. Sakto naman na kabibigay lang sa'min ng kumot, kaya naman itinalukbong ko ito sa aking sarili hanggang sa naging malalim na ang aking pagtulog.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

AFTER A LONG SLEEP we finally arrived in our destination. Hindi ko inakala na sa murang edad ko pa lang ay makakarating na ako sa lugar kung saan ay hinihiling ko lang noong bata pa ako. Hindi naman kasi kami mayaman tulad ni Xavien para makapunta sa ibang panig ng bansa, kaya tanging paghiling lang ang magagawa ko. At ngayon, nakatapak na ako sa Heathrow Airport na malawak ang ngiti sa labi.

"Ladies and gentlemen, we are pleased to announce the arrival of Philippines Airlines from Manila, Philippines, to London Heathrow. Please remain seated until the aircraft comes to a complete stop, and the seatbelt sign is turned off. Thank you for choosing to fly with us. Welcome to London!" the cabin crew announced.

Nag-unat muna ako ng katawan bago tuluyang tumayo. Halos kalahating araw rin ang itinagal ng aming flight pero sulit naman iyon lalo na sa mga pagkaing inihanda nila sa amin.

"We're finally here!" Xavien exclaimed in excitement.

Hindi naman matawaran ang ngiti ni Athena nang makababa kami sa eroplano at hinihintay ang shuttle bus.

"First time ko lang din makapunta rito at sobrang lamig pa ng simoy ng hangin," nakangiting saad ni Athena habang bitbit ang kanyang gamit. "Buti na lang ay hindi natin nakalimutan magdala ng jacket!"

I smiled. "Oo, pero mamaya na natin suotin bago tayo sumakay sa kotseng susundo sa 'tin papuntang Marylebone Hotel," aniya ko.

Bakas din sa labi ko ang saya at hinding-hindi ko talaga ito maitatago. It's my first time visiting here kaya susulitin ko na pagkatapos namin ayusin ang mga kasong nakahanda.

"Don't be too much excited, hindi mo pa nakikita ang magandang tanawin na Big Ben," saad ni Xavien. "I'll be your personal tour guide today kaya mag-e-enjoy kayo."

My mouth curved into a smile. His words never fail to make me smile, even though I'm aware that he can be carefree or nonchalant at times.

Hindi na siguro mawawala sa pagkatao niya iyon, eh nasa dugo na ata ng pamilya nila ang ganoong ugali.

"Ano pang hinihintay natin, tara na!" I exclaimed with a delightful excitement on my face.

The city of London, which is the capital of England and the UK, has a past that goes back to the Roman Empire. The impressive Houses of Parliament, the famous "Big Ben" clock tower, and Westminster Abbey, where British monarchs are crowned, are in the middle of the city. The London Eye viewing wheel, which is across the Thames River, gives you a wide view of the South Bank culture complex and the whole city.

Gusto kong puntahan ang lahat ng 'yon para naman kahit papaano ay may maikuwento ako kila nanay pag-uwi ko, siguradong matutuwa sila sa balita ko.

Nang makarating kami sa hotel ay napukaw ang atensyon ko dahil sa ganda nito. The sounds that I'm hearing right now are so calming at parang nasa medieval era kami kung titingnan.

The rooms provide breathtaking views of the metropolitan skyline, and the lobby is majestic with crystal chandeliers and shining marble flooring.

"Sobrang ganda dito! Tanaw na tanaw natin ang mga buildings!" Halos mapatili na sa tuwa si Athena at hindi malaman ang kanyang reaksyon sa mukha.

It's already giving us an indulgence in world-class cuisine at its gourmet restaurant, relaxing in the spa's calm setting, and getting outstanding care from a dedicated staff who anticipate all our needs. This is more than just lodging; it's an immersive journey into a world of exquisite excess.

"Paparating na raw si Mr. Morris, we can sit in the lounge area on the first floor while we're waiting," Xavien stated after he opened the door.

"Sige pababa na kami," wika ko.

Inayos na namin ang mga gamit na dala at nagpalit na rin ng damit bago kami bumaba. Binilisan na nga lang namin ang pagligo dahil inaasahan namin ang pagpunta ngayon ni Mr. Morris kaya kailangan ay maayos kaming tingnan.

"Maayos ba ang makeup ko?" tanong ni Athena nang lumingon ito sa'kin.

"Sakto naman na yan," aniya ko. Inayos ko lang muli ang floral dress na suot ko.

Hindi na ako gaanong naglagay ng kolorete sa mukha, sakto na ang face powder at konting foundation para hindi halata na stress ang mukha ko. Lately kasi ay hindi ako makatulog ng maayos, kaya litaw na litaw ang eyebags ko.

Muli akong tumingin sa malaking salamin na kita ang buong katawan ko at ngumiti.

"Tara na baka naiinip na si Xavien sa baba," sambit ko.

Isinarado naman niya ang face powder na hawak niya at inilagay sa sling bag nito. Lumabas na kami at isinara ang pinto.

"Bilisan natin baka nasa lounge na si Mr. Morris, mainipin pa naman din iyon." saad ni Athena.

Binilisan na namin ang takbo kahit nakasuot kami ng stiletto pareho. Nang mapindot ni Athena ang elevator button ay napasandal ako sa isang salamin. Akmang aayusin ko na sana ang suot kong stiletto nang bumukas ang elevator, pero imbis na pumasok kami ay nanlaki ang mata naming dalawa at napahawak sa bibig ng makita namin ang isang lalaki na wala nang buhay. May saksa ito sa kanyang leeg at umaagos ang dugo niya papalapit sa'min.

Pero ang may ikinatayo ng balahibo naming dalawa ay wala itong... puso?!
Kinuha ko ang cellphone ko aty agad na tinawagan si Xavien, mabilis naman itong sumagot.

"I'm still here waiting for the both-"

"X-Xavien... someone died in the elevator," I uttered, my lips are trembling in fear.

"What?!"

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

DALAWANG ORAS na ang nakalipas at hindi ko pa rin masikmura ang nakita ko kanina. I don't think I would be able to join him to solve this crime. Halos hindi ko nga matingnan ngayon ang lalaking bangkay kahit na nakatakip na ito ng isang puting tela.

"This isn't a typical case that you've seen in our country, sigurado ka ba na kaya mo, Xavien?" tanong ni Mr. Morris.

"Based on his body and facial features, he's also a traveler like us-a filipino died in the elevator and took his heart out," Xavien started. "On his records, hindi siya mag-isa dahil lima silang magkakasama nang mag-book sila rito," Xavien replied.

He seemed intent on finding out who murdered the person who died, as if he were about to make a decisive move.

They already called the police and crime investigators. Dahil kilala ni Mr. Morris ang mga pulis ay agad na nitong ipinaubaya sa kanya ang nangyari at tutulong na lamang sila sa paglutas ng kaso. A typical case can be solved within several months or it can take up to years, but for Xavien's deduction prowess and skills, he can solve it just like a piece of pie.

Nang makarating ang manager sa pinangyarihan ay nanghina rin ang tuhod nito gaya naming dalawa. Hindi makapaniwala ang manager ng hotel na may nangyaring ganito at ngayon lang namin nalaman ni Athena na ito ang unang kaso ng pagpatay rito. Mas nagtayuan tuloy ang balahibo sa aming katawan habang nakatingin sa isa't-isa.

"Are you sure that this is one of your detectives, Mourris?" sal ng lalaki.

Tila hindi nagustuhan ni Xavien ang tono ng boses ng lalaki at matalim itong napatingin sa matanda.

He's in the mid-40's, I guess? Makapal ang kanyang kilay at bigote. My eyes suddenly piqued on a wooden tobacco pipe in his mouth. Sinabayan pa ng malaking coat na suot niya kaya mas nagmukha siyang si Sherlock holmes.

What's with his act?

"And who are you?" Xavien asked, mariin ang pagkakasabi nito sa matandang lalaki. Tinapunan niya pa ito nang masamang tingin na lalong nagpangisi sa huli.

"I'm Detective Warren Armand," Pagpapakilala niya. "If you're as good of a detective as you claim to be, I might as well put you to the test by having you piece together the murderer's plot."

He is really mocking Xavien! And declaring a war with him. Alam kong hindi aatras si Xavien dahil masyadong mataas ang pride niya para sumuko sa ibinabato sa kanya.

"Hindi na ata maganda 'toh," bulong sa akin ni Athena.

"Just breathe and be calm." Yan lang ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Someone died at the elevator, mga alas-nuebe-trese y medya nitong umaga," saad ni Mr. Morris. "Can you help him put the pieces together and solve this?"

Tumingin sa kanya ang matandang lalaki.

"Kami na ang bahala rito, Morris. And by the way, kasama ko rin pala ang isang magaling na detective gaya ng alaga mo," wika nito na nakangisi pa.

Kitang-kita ko kung paano magkuyom nang kamay si Xavien pero agad din naman itong huminahon ng magtama ang tingin namin. He gave me a reassuring smile. Hindi ko alam kung para saan ang ngiti niyang iyon, pero hindi maganda ang kutob ko sa gagawin niya.

Napakunot-noo naman kami kung sino ang magaling na detective na tinutukoy ng matandang lalaki. Ilang saglit lang ay may biglang lumitaw sa kanyang likuran na isang matangkad na lalaki at nakasuot ng isang asul na uniporme, habang nakapamulsa pa itong lumapit sa amin.

Hindi ko alam na marami rin palang mga pilipino dito. Kahit sa front desk ay may mga babaeng pilipino rin na nag-a-accomodate. Mukhang hindi na ako mabibigla kung may makasalubong o makausap pa kaming ibang pilipino rito.

"It's been a pleasure to meet you, Xavien." Pagbati niya. His voice was gentle as a whispering breeze in this hotel, caressing the air with a velvety warmth.

He's just wearing a decent blue uniform with a dragon logo of the school on the left side. Mukhang sa mamahaling school ito nag-aaral.

"We're here to solve crimes not to entertain each other." Xavien said, giving him a cold stare. Kahit kanino talaga ay masungit siya kaya hindi na bago sa akin ito.

It means that he doesn't like that person-even when he sees his silhouette or shadow around him. Madali siyang magalit at mairita sa mga nakikilala niya, kasalungat naman iyon sa'kin.

"Then let's deduce this crime together," he replied with a grin. "And if you don't mind, I'm Khiero Vior Sanchez."

Matapos nitong magpakilala ay napasulyap ako kay Athena. Nakangiti ito at parang gusto ring magpakilala sa lalaki.

"Ay teh, bet ko siya." Mahinang sambit sa akin ni Athena.

"Ang landi mo talaga!" Mahinang usal ko st umirap sa kanya.

She just gave me a peace sign while smiling. Imbis na matakot sa nangyari ay parang tuwang-tuwa pa ito dahil lang may guwapong lalaki sa harap niya.

I heave a deep sigh. Mukhang hindi siya interesado sa amin dahil hindi manlang kami nito tinapunan ng tingin at dumeretso sa bangkay ng lalaki.

Ilang saglit lang ay pinatawag ang apat na kasamahan ng biktima. At hindi mawari ang mga reaksyon nila ng makitang wala nang buhay ang lalaki.

I wasn't convinced on how they reacted, na parang pinepeke lang nila ito. Agad namang nagpakilala ang apat sa harapan ni Detectives Armand.

Unang nagpakilala ay si Danica Jane Ramos, she was a 34-years-old writer and traveler. Sumunod naman ay si Arden Miguel Sebastian, he was a photographer and a traveler as well kagaya ng kasama niyang babae. The third one is Paul Lucio Zerate, a 30-years-old choreographer and traveler. Ang panghuli ay si Vivoree Gail Abalos, ang pinakabata sa kanilang lahat. She's a 20-years-old tourism student at sinama lang raw siya sa isang vacation trip ni Gio Morales for her documentary project.

One thing is common about them, they are all travelers, and one is a tourism student. Something doesn't add up here. Based on Xavien's micro expression it seems like he's trying to deduce all the possibilities of the murderer and how the crime did.

"S-Sino...ang gumawa nito sa kanya," wika ni Lucio. Nanginginig itong lumapit kina Xavien at Vior. "S-Sino ang pumatay kay Gio?"

"That's why we brought you four here-to help us identify the killer," Xavien stated.

"Or one of you killed him and took his heart out," Dugtong ni Vior.

They're all caught of guard, kahit ako ay nabigla rin sa kanyang sinabi.

"Teka, pinagbibintangan nyo ba na kami ang pumatay sa kanya?!" Galit na sabi ni Shaina. "Wala kaming kasalanan sa nangyari."

"We don't-"

"Wait, I don't understand what they're saying?" The manager confusingly said. Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha nito.

Napasapo na lang ako sa aking noo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Kung matatakot, mahihiya o kakabahan ba sa mga nangyayari ngayon.

This trip was totally messed up!

Pinaalis na muna nila sa crime scene ang amerikanong manager at sinabihan ito na wala munang mga guest ang tutungo sa lugar habang umaandar ang imbestigasyon. Ipinaliwanag iyon ni Detective Armand at mabilis na umalis ang huli.

"The victim died at 9:13 A.M and his body was found inside the elevator with a sustained stab wound on the left side of his body, while his heart is missing," Xavien started his deduction. Napatingin siya sa apat na kasamahan ng biktima at humakbang papalapit sa kanila.

"Nasaan kayo nang mga oras na namatay si Gio?"

May bahid ng kaba sa kanilang mga mukha ng magtanong ang lalaki. Unang sumagot si Paul. "Nagpunta ako sa Lounge area dahil may tumawag sa telephone na babae mula sa front desk kaya agad akong bumaba. I was there the whole time dahil akala ko ay may naghahanap sa amin, pero hindi raw ito makakapunta dahil may meeting na pupuntahan," Paliwanag niya. "You can check the CCTV footage para malaman nyo na nandun ako nung mga oras na 'yun."

His statement is lacking something. Hindi ako nakumbinsi sa kanyang sinabi kahit pa may ebidensya na naroon siya sa Lounge, the CCTV can easily manipulate and cut out it's time frame para magmukhang naroon nga siya.

"How about you Ms. Danica?" Vior asked.

Nakahawak pa ito sa kanyang baba nang magtanong kay Danica. "Where are you when Mr. Morales killed?"

Sa paraan ng pagtingin nito sa babaeng kaibigan ng biktima ay parang sinusuri niya ito mula ulo hanggang paa.

"N-Nasa kuwarto ako nang mga oras na iyon at nagpapahinga lang. Pagkatapos kong magbasa ay natulog ako at nagulat na lang ako ng may kumatok na isang Detective sa kuwarto namin," wika niya.
"Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Gio, h-hindi ko alam na mangyayari ito sa kanya."

Tila napapaluha na ang babae matapos siyang makausap ni Vior.

"We already reviewed the CCTV footage at nakita namin na bumaba ang isang babae bandang 7:40 A.M at may dalang itim na bag. Can you explain to us what's inside that bag, Ms. Vivoree?" tanong ni Detective Armand.

Tila mariin na napalunok ang babae at unti-unting bumabagsak ang butil ng pawis sa kanyang noo. "I-I was carrying my bag that time at dala ko ang mga equipment ko." Pinakita niya sa amin ang itim na bag at binuksan iyon. Punong-puno nga ito ng mga gamit para sa documetary niya.

"Magsisimula na sana ako ng documentary para sa project namin kanina. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na akong umalis para magsulat at kumuha ng mga retrato at video na gagamitin ko," she added.

"Based on the CCTV footage, kasama mong bumaba si Mr. Morales. So, you're the prime suspect here, Ms. Abalos." Detective Armand stated.

"W-What?! So ikaw ang pumatay kay G-Gio?" gulat na sabi ni Danica.

Napatakip siya sa kanyang bibig at halos hindi makapaniwala.

"N-No! Don't jump to your conclusion, Danica!" she exclaimed. "Magkasama kaming dalawa na pumasok, pero kahit tinignan nyo pa sa footage ay nauna akong lumabas nang elevator. Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag kay Paul na wala na si Gio kaya agad akong bumalik at nakita ko nalang na ipinatawag kami ng isa sa mga pulis."

"She's right! Walang kasalanan si Vivoree sa pagkamatay niya nor do we. Hindi kami ang pumatay sa kaibigan namin!" giit na sabi ni Arden.

"Are you sure?" Detective Armand asked. "Nasaan ka no'ng mga oras na nangyari ang pagpatay kay Gio?"

"Kasama ko si Danica, we're in the same room pero tulog pa ako nang kumatok ang pulis," sambit niya.

Gusto ko sanang magbigay ng sarili kong pahayag tungkol sa nangyari. Kung susuriin ang bangkay ay makikitang nasa kaliwang bahagi ang saksak nito, which also means we can find a latent print of the murderer on the weapon he or she used to kill the victim. Isa lang rin ang naiisip kong paraan para malaman kung sino ang pumatay sa biktima at kumuha ng kanyang puso-by using something that a forensic expert has, a chemiluminescence.

Nagkatinginan sina Vior at Xavien na parang tama ang nasa isip nilang dalawa. Their mischievous smile appeared on their faces at agad na lumapit si Xavien sa lalaki.

"You already hit the jackpot, Arden." Xavien firmly said with a different smile on his lips. Kinuha nito sa kanyang bulsa ang cellphone at akita kong nakabukas ito

"Turn off the lights, Manager." utos niya.

Bigla na lamang dumilim ang buong paligid dahilan para mag-panick ang ilan sa amin, pero ilang sigundo lang ang itinagal nito nang biglang lumiwanag at napansin kong may footprints na kulay asul.

"T-teka anong ginagawa nyo?" Danica asked.

Tama ang hula ko!

It's chemiluminescence at bakas ang dugo sa kanilang mga sapatos. Pero imbis na mamangha ako ay mas lalo akong nagulat sa natuklasan namin. Mabilis namang bumalik ang ilaw at agad na bumakod sa magkabilang banda ang mga pulis upang hindi sila makatakas.

"Can you explain to us how all of you killed him?" Vior asked. "Lahat ng footprints na nakita n'yong umilaw ay galing sa inyo. Hindi nyo napansin na sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakalimutan n'yong linisin ang dugo na dumikit sa mga sapatos nyo."

They already know who killed Gio-it was all of them! Dahil lahat nang footprints nila ay may bakas ng dugo.

"Luminol is an organic compound which, when oxidized, emits light-a phenomenon known as chemiluminescence, and I used it to purposely find a person who tried to follow us, but I think it's the other way around," Paliwanag ni Xavien. "It immediately reacts after we turned off the lights and the traces of blood from all of your shoes is now part of the evidence I found."

A mischievous smile appeared on his face.

"You can't easily escape from what you all did. Kahit gaano pa kalinis ang plano niyo, there's always a piece of evidence that will still remain," Vior stated. "tama ba Arden?"

Nanlaki ang mata ng lalaki ng marinig niya ang kanyang pangalan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! And who the hell are you? You're just a student, at hindi mo alam ang mga sinasabi mo!" Arden muttered.

"You're right, I'm just a student. But also, a detective who can easily find evidence of your crime," he said and gave him a cold stare. "You forgot to tie your shoes, at nang makita mong may bahid ito ng dugo niya ay agad mo itong isinuksok sa loob ng sapatos mo, so no one can suspect you kapag nag-imbestiga na. I can definitely tell that your socks also have traces of blood."

"All of you already planned on how you will kill him, tama ba?" Vior added. Malawak ang ngiti sa labi nito, and his eyes are fixated on Arden the whole time.

"Fuck! We're doomed," Paul exclaimed.

"Oo, kami ang pumatay sa kanya!" Pag-amin ni Danica. "Ginawa lang namin iyom dahil makakasagabal siya sa lahat ng bagay na ginagawa namin! Parati niya kaming minamaliit at hindi tinatrato ng tama, kaya naisipan naming patayin siya at itapon sa dagat ang puso niya. He deserves it, at hindi kami magsisisi na pinatay siya!"

They say, a killer is someone who kills, whether by intent or not. A murderer is someone who kills with a motive in mind, at kung titingnan ang senaryo na nangyayari ngayon, they're all murderers because they have a motive and planned to kill Gio. Sa una pa lang ay ayaw na nila sa kanya kaya gumawa sila ng paraan upang mawala na siya.

"N-no! Hindi ako makukulong, sila lang ang mag-plano ng lahat ng ito. H-hindi ako ang pumatay kay Gio," pagmamakaawa ni Vivoree sa mga pulis at nagsimulang humagulgol sa harapan namin.

"I wasn't convinced by your statement, Vivoree. Hindi ka sumama kay Gio para sa proyekto mo because he was your own documentary subject in the first place, alam mong gagawin nila sa kanya ito kaya nagpumilit kang sumama," litanya ni Xavien. "The video in your phone is the final evidence I've been looking for. At gagamitin ito bilang ebidensya laban sa'yo."

"Papatayin din kita!" she shouted at him.

Ang kaninang maamong mukha ng babae at napalitan ng desperadang ekspresyon at halos gulong-gulo na ang kanyang buhok. Bago pa man nito mahawakan si Xavien ay agad kong kinuha ang hawak ng isang pulis na Tasers. Agad kong tinutok iyon sa kanya at pinakawalan, tasers use an electrical current to temporarily incapacitate a person kaya mabilis itong nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Ang ibang suspect ay hindi na nanlaban at sumuko sa mga pulis. "You're all under arrest."

Pinosasan na sila at isa-isang binaba gamit ang hagdan sa fire exit door. Ilang minuto lang ay may nakarating sa kanilang balita na may nakakita raw na isang turista na lumulutang at kinumpirma nga nila na ito ang puso ni Gio. Hindi ko alam kung bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon at alam kong may mabigat pa silang dahilan kung bakit nila ito ginawa. It was a friendship that turned into something worse than I expected to see.

Kalaunan ay umamin rin naman sila isa-isa sa ginawa nila. Napag-alaman namin na sa ilalim ng sofa na inupuan ni Paul, ibig-sabihin ay nagawa na nila ang krimen bago pa siya bumaba at pumunta sa Lounge. Kung susuriin pa namin ng buo ang footage makikitang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at panay kaliwa't-kanan ang tingin, pero bago pa nila mapatay si Gio ay sinigurado ni Vivoree na maayos nilang magagawa ang plano at kaya niyang manipulahin ang CCTV footahe sa loob ng elevator na pagpaapsukan ni Gio, dahil hindi pala siya tunay na tourism student kung hindi ay isang IT college student, base sa totoong I'd na ipinakita nito.

Sa oras na iyon ay duon na kumilos ang dalawa at siniguradong walang kahit anokg bakas ng dugo sa katawan nila, pero nakalimutan nila na may konting bakas na dumikit sa mga sapatos nila.

Isa pa sa mga kahina-hinala ay ang mga pulis na kumatok sa kuwarto kung nasaan si Arden at Danica ay hindi nagpakilala sa kanila, but their statements say otherwise, kaya mabilis silang nabuking dahil paano nila nalaman na pulis ang kakatok sa kanilang kuwarto at hindi isang housekeeper, and that's how their statements became questionable.

Ito ang unang kaso na nakita kong grabe ang ginawa sa biktima. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito ng mahimbing mamayang gabi.

I breathed deeply. And when I turn my head, Xavien is walking towards me.

"T-thank you, Amie," Xavien uttered. "Muntik na akong saktan ng babaeng iyon, buti na lang ay napigilan mo agad siya."

"Maliit na bagay," saad ko. "I was fully aware to their behavior kaya alam ko na pwede nila kayong saktan dalawa."

"As long as we're doing our job to identify the culprit or murderer, we are totally safe," Vior added.

Sa ekspresyon pa lang ni Xavien ay parang hindi siya sang-ayon sa itinuran ng huli kaya natawa kaming tatlo. Pagkatapos ng nangyari ay nagpasalamat si Detective Armamd kay Mr. Morris dahil malaki ang naitulong ni Xavien sa kaso.

Truth be told, I didn't expect that twist. Sa una ay akala ko si Danica ang may plano sa pagpatay kay Gio, pero agad din akong naliwanagan nang makita ko ang footprints nilang lahat.

Kinuha na namin ang gamit at aalis na kami sa hotel, masyadong maganda rito para iwanan agad pero kailangan na talaga naming umalis dahil kanina pa naghihintay sa amin si Mr. Morris. Mananatili muna kami sa kanyang bahay ng isang linggo habang hawak namin ang isang kaso na kanyang ibinigay.

He was impressed by Xavien and Vior's deduction skills. Pati na rin ang observation nilang dalawa sa lahat ng anggulo ng krimen at kung paano nila naresolba agad ang lahat ng walang kahirap-hirap.

Matapos naming makalabas sa hotel at makasakay sa kotse ni Morris ay hindi na namin nakitang muli si Vior. I wanted to meet him again and introduce ourselves. Hindi kasi maganda ang sitwasyon ng magpakilala siya sa amin and I'm sure that he's a soft-hearted person.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

NANG makarating kami sa malaking bahay ay agad na bumungad sa amin ang isang high-tech na gate at bumungad sa amin ang isang magandang hardin at mabangong simoy ng hangin.

Malamig sa lugar na ito kaya nakahanda na ang jacket namin. Pagpasok namin sa loob ay parang nasa isang bahay bakasyunan lang kami. The mistletoe adorned with flames flickers like enchanted embers, duon kami nagtungo at inilapat ang kamay namin para mapainit ito, mas lumalamig na kasi ngayon kahit naka-jacket pa kami.

Even though they seem out of control, the flames dance with a graceful grace that makes them enticing. Under the flaming mistletoe, the celebratory atmosphere takes on an ethereal quality, and the hearts of those around it are touched by a glimmer of enchantment.

Also, the song that played using a gramophone. It is a playback device that uses a rotating disc to reproduce sound. It typically consists of a turntable, a tonearm with a stylus, and a horn-shaped speaker.

"Napaka-aesthetic namam tingnan ng mga gamit ni Sir Morris," aniya ni Athena.

Sumang-ayon naman ako sa kanya at tumango. "Sana lang ay ma-enjoy natin ang isang linggo rito at wala sanang maging problema," wika ko.

"Huwag kang mag-alala, lagi naman nariyan si Xavien sa tabi mo para iligtas ka," pagbibiro niya sabay halakhak.

"Ewan ko sa'yo!" bulyaw ko.

Itinago ko tuloy ang mukha ko sa kanya dahil hindi ko maiwasang mamula ang pisngi ko. Hindi naman siya nagkamali sa tinuran niya, Xavien promised me that he'll protect me at all cost kaya buo ang tiwala ko sa kanya.

"Are you ready?" nakangiting sambit ni Xavien.

Napakunot-noo tuloy kaming dalawa ni Athena. "Ready saan?"

"Before we take the case, we should enjoy the place here in London and after that we just have to meet someone," paliwanag niya. "By the way, someone will come along the way."

"S-sino?" nauutal kong tanong.

"You'll find out in 3... 2... 1." Xavien stopped his countdown and turned around. "And the other devilish child is here."

Nang bumukas ang malaking pintuan ay bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaki at agad namin itong namukhaan ng sumilay ang kanyang ngisi.

"Of course I'll be here, silly Xavien. You already forgot that we're part of being a perilous detective," Larken replied.

"Larken!" bulyaw naming dalawa ni Athena. Nang makalapit kami sa kanya ay binigyan agad namin siya ng mahigpit na yakap.

"Buti nakaabot ka," nakangiting wika ko.

"Hindi na ako nagpatagal pa, kaya sumunod na agad ako. I called Morris to pick me up in the airport, pero hindi niya ginawa dahil ihahatid muna raw niya kayo sa bahay niya," kwento niya.

We're happy to see that he's okay and alive.

"Naalala mo ba ang nangyari sa 'yo?" tanong ko.

He's eyes furrowed and shook his head. "I don't remember anything aside from seeing a tall silhouette from behind, until I already lost consciousness. Pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang nangyari at nagising na lang ako sa clinic," pahayag niya.

"Sigurado ka ba na wala kang naaalala?" Si Athena naman ang sumunod na nagtanong kaya napagawi ang tingin nito sa kanya.

He shook his head. "Wala talaga."

"It's fine, I can handle your situation. But for now, we need to do something, are you in?" Xavien asked.

"You silly, detective," nakangising saad ni Larken at marahang hinaplos ang mukha ni Xavien.

Tinapunan naman siya nito ng masamang tingin. "Go to your room and change your clothes that suit you," utos niya.

"Aalis agad tayo?" nagtatakang tanong ni Larken.

"We are meeting someone in a sweet mansion. And you'll definitely want to meet him." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top