CHAPTER 9: DEDUCTION GONE WRONG

Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa isang pulis at dali-dali itong lumapit sa amin. Napahawak siya sa balikat ni Detective Mori na hingal na hingal pa.

"P-Patay na ang security guard," wika niya. Hindi na nakakapagtaka kung kasama sa mga mapapatay ang security guard at tiyak kami na hindi pa nga nakakaalis ang salarin dito sa mansyon.

Iniwan na muna namin si Larken at Mori upang tingnan ito. Nagtungo na kami ni Xavien kung nasaan ang security guard.

Nakita na lang namin na may saksak siya ng kutsilyo sa dibdib at hawak niya pa ang baton na may bakas na ng dugo niya na tumutulo pa.

"There's a note," Xavien said. Lumapit ako at tiningnan ang hawak niyang maliit na papel. "A Morse Code?"

Hindi nga kami namamalik-mata isa itong morse code!

Hindi malawak ang kaalaman ko patungkol dito, but what I know is Morse Code is an alphabet or code in which letters are represented by combinations of long and short signals of light or sound. It is used to allow the simple transmission of complex messages across telegraph lines.

Ang katabi ng papel ay isang bulaklak. Pamilyar ito dahil nakatanggap ako mula sa isang impluwensiyadong tao sa party noong araw na 'yun. It was a deadly nightmare to me, lalo na ang mga narinig ko no'ng gabi na 'yun.

"Natatandaan mo'to?" tanong ko kay Xavien. Tumango siya habang nakatuon ang mga mata sa papel.

Ang hawak ko ay isang Vanda Coerulea or blue orchid. Isa nga ito sa pinaka-rare na bulaklak sa buong mundo dahil sa kulay nito. Ang problema namin ngayon ay kanino ito galing at bakit siya nag iwan nito?

"He or she is sending us a signal, and not a threat based on the code." Hindi kami sigurado kung babae o lalaki ang nagpadala nito. "It says here, 'HELP US, AMORES', ako at si Larken ang tinutukoy sa morse code na ito," aniya.

"Ano naman ang kailangan nila?" tanong ko. Tila kunot-noo lang at kibit-balikat ang ibinalik sa akin ni Xavien.

Hindi niya rin alam kung bakit may nagpadala nito pero alam kong may konklusyon siya. It may be his father or one of Valmoris pawns.

Hindi pa kami tiyak kaya kailangan pa namin maghanap ng clues, bukod sa isang code at bulaklak. Paglabas namin ay napansin ko ang isang pala mula sa likuran ng bahay nila. It piqued my curiosity kung ano ang nakita ko.

"Xavien, Look!" Tinuro ko sa kanya ang nakita ko at lumapit kami. Napakunot-noo kami pareho at nanlaki ang mata. Someone is trying to hide a secret behind the murder.

"I think we got a wrong deduction about this case," sagot ni Xavien.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" It also piqued his curiosity, but he got another deduction in this case.

"The killer is already dead," he said with a cold voice. Mas lalong kumunot ang noo namin kakaisip kung paano nangyari ang mga ito.

"This is not a kind of case that I wanted to solve, may kinalaman ang Valmoris mafia rito."

Hindi ko pa rin mahinuha ang sinasabi niya. Napansin ko rin na naging kulay pula ang pala dahil may bakas ito ng dugo. Sa gilid naman nito ay may isang malalim na hukay na marahil ay maiging pinagplanuhan ito. Bumalik na kami ni Xavien sa mansyon para sabihin ang natuklasan namin.

"She's the killer!" sabi ni Larken pagpasok namin ni Xavien. Ginamit niya ang hintuturo para ituro ang salarin na si Erica.

"Hindi ako ang pumatay. I didn't kill them! N-Nakita ko na lang na wala na silang buhay." Nanginginig ang boses niya habang palapit si Larken.

Xavien and I listened to Larken's deduction, nagkasulyapan pa nga kami ni Xavien habang nagsasalita si Larken sa harapan.

"You're the one who set this up to kill all of them because you know that your boyfriend has lost the game," paliwanag ni Larken.

"That's not true, don't believe him!" Tila hindi pa siya umaamin ang babae sa ginawa niya. I saw something in her hands parang isang dumi ito na hindi ko maintindihan.

"You want me to explain how you killed them, while being a cheater to your boyfriend?" Larken grinned.

Kahit si Detective Mori ay hindi makapaniwala sa mabilis niyang pagtuklas, pero parang may mali...

"Kung gayon, gusto naming marinig ang paliwanag mo kung paano mo nasabi na siya nga ang pumatay sa mga kaibigan niya," saad ni Detective Mori.

"W-What makes you think that I'm the killer? You're just a student, and not a detective." Nanlilisik ang mga mata ni Erica habang sinabi ito ngunit pagngisi lang ang ibinalik ni Larken.

"Then explain the dirt on your hand?" I said. Ipinakita niya naman ito at mabilis ring ibinaba.

"This is just a dirt from outside earlier, dahil namimitas ako kanina ng mga halaman sa labas kaya nadumihan ang kamay ko," paliwanag niya. Hindi nakumbinsi si Xavien sa sinabi niya.

"Tama si Erica. Walang kinalaman ang dumi sa kamay niya sa pagkamatay ng mga kaibigan ko," pagtatanggol ni Patrick.

"Hindi ako naniniwala." I disagree with what Patrick said. "Base sa dumi ng kamay niya, matapos niyang patayin si Mr. Serano ay agad niyang itinago ang cellphone niya na may bakas ng dugo ng biktima, at natatakot siya na gamitin ito." Halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan si Erica.

I know this would be her reaction.

"We can investigate if her fingerprint will be matched at kapag nagtugma nga ito, siya nga ang salarin sa pagpatay sa tatlo." I was sure of my deduction based on the clues and evidence we found.

"I wanted to elaborate more of her deduction." Napairap tuloy sa tabi ko si Xavien ng pangunahan ito ni Larken.

"Go on, Amores," Detective Mori said.

"Kung titingnan natin ang mga nakalap na ebidensya, matapos niyang patayin si Calvin ay nagtungo siya sa kuwarto at nakita ni Leonardo ang mga dugo. Dahil sa takot niya ay napatay niya rin si Leonardo. Gumamit siya ng baseball bat at nang marinig ito ni Jenna ay sumigaw siya, pero walang nakarinig dahil masyadong malakas ang tugtog sa unang palapag." Seryoso akong nakikinig sa kanya.

Nang tingnan ko si Xavien ay may isinusulat siya sa maliit na papel.

Ipinagpatuloy na ni Larken ang pagsasalita niya. "Hinabol niya ito at nang mapunta sila sa CR ay walang nagawa si Jenna at humanap ng bagay para ipagtanggol ang sarili gamit ang nahanap niyang isang kutsilyo, ngunit mukhang naagaw ito dahil na rin sa takot ni Jenna–" Xavien cut him off. Ang haba ng paliwanag niya pero parang ang layo nito sa totoong nangyari.

Is he really a detective?

"I'll stop you on that," sabi ni Xavien. "Your deduction is impressive, but you accused someone without thinking out of the box, Larken." Nagsalubong ang kilay ni Larken at umabante ito.

"What is he talking about?" bulong sa akin ni Larken. I just shrugged my shoulders in response to him, and Xavien proceeded with his own deduction.

"The guard killed them and not Erica, pinalabas niya lang na si Erica ang pumatay dahil alam ng guwardiya na kapag wala na ang tatlo, siya lang ang pupuntiryahin dahil nakasalamuha niya ang tatlo bago pa naganap ang pagpatay," paliwanag ni Xavien.

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. May punto si Xavien. Ibig sabihin ba niyon ay mali ang deduction na ibinigay namin?

Lumapit si Xavien kay Erica. "There's a missing piece behind this framed murder, and that is the lights."

Ano naman ang kinalaman ng ilaw?

"Do you notice anything nang lumabas ka ng mansyon?" Xavien asked Erica.

"Y-Yes, I've noticed something. The lights had turned off for about five seconds and after that I heard something kaya pumasok ako agad at bumungad na lang ang nakabulgtang katawan ni Calvin," sagot ni Erica.

"Then my deduction is right. The killer framed her, patay na sina Leonardo at Jenna bago pa pumasok si Erica. They didn't hear that Leonardo was being killed using a baseball bat because the song in the speaker is too loud."

Detective Mori was suddenly amused in his deduction skills, pati ako ay napahanga.

"As for Jenna, the guard gripped her hair and pulled it papuntang CR. She doesn't have anything to protect herself, kaya nang mahawakan niya ang nakita niyang kutsilyo ay sinubukan niyang saksakin ang guard, but she didn't succeed. Nakuha ito ng killer at isinaksak sa dibdib niya hanggang sa nawalan na ito ng buhay."

Nakita ko ang paisa-isang pagtapak ni Xavien paakyat sa ikalawang palapag. "We can test this using luminol to see if there's a chemiluminescence," paliwanag niya pa.

"L-Luminol?" I asked in confusion.

Ngayon ko lang kasi narinig ang salitang ito kaya hindi ako pamilyar pati na ang isa niya pang binanggit na chemi—ano raw? Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko.

"Luminol test is a forensic blood detection that forensic used to trace the amount of blood in some crime scene. We'll just need to spray the mixture wherever we think blood might be," he explained.

Sumingit naman si Larken. "As for Chemiluminescence, it is the emission of light during a chemical reaction which does not produce significant quantities of heat, and it emits a blue light when we use it in luminol."

Hindi na pinahaba pa nina Xavien at Larken ang pagsasalaysay sa nangyari, nagpasalamat naman si Erica sa'min nang malinis ang pangalan niya. Ang akala talaga namin no'ng una ay siya, pero pinanindigan ni Xavien and bawat salita niya para mapatunayan na ang security guard ang pumatay sa tatlo.

"He killed himself after para magmukha talaga itong framed-up, pero mukhang hindi siya nagtagumpay sa plano niya." Kausap niya pa rin si Detective Mori.

Ang mga naging suspect naman ay pinaanyayahan pa nila para sa ibang impormasyon tungkol sa nangyari.

"I was amazed in your deduction skills, Xavien. Hindi na nakapagtataka kung bakit nagmana ka kay—" Hindi naman niya naituloy ito ng pangunahan agad ni Xavien.

"I don't want to talk about him, Detective Mori. We're tired, kailangan na naming bumalik sa dorm. ASAP."

Detective Mori offered us a ride, but Xavien refused. Kaya naman ginamit namin ang kotse ni Larken pabalik sa Amethy.

"Case is now closed," Larken said.

Nakarating na kami sa school ng ligtas, hindi na rin namin sinabi kina Quade at Athena ang mga nangyari at pinalipas na lang ito.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

THERE will be a major change in your dorm this week," anunsyo ni Ms. Velasquez, our homeroom teacher. "You will have your own roommates for two weeks because we will have an inspection."

Lahat ay nagbulungan na dahil sa magiging pagbabago, kahit ako ay nababahala kung sino ang magiging roommate ko.

"Two weeks?" hindi ko makapaniwalang sabi. I can't have a roommate. Masyado nang masikip at magulo ang kuwarto ko tapos may daragdag pang isa?

"We will post the announcement of who will be your roommate in the hall and take note, hindi pwedeng magsama ang lalaki at babae sa isang kuwarto. Boys' dorm is for boys only as well as for girls."

Nagpaalam na si Ms. Velasquez at nanatili lang kami sa room ng kalahating oras, matapos niyon ay break na namin. Nagdumugan ang mga estudyante sa hall na para bang may pista ng nazareno, kulang na lang ay ang poon.

"Ang sikip!" reklamo ko habang nakikihalo sa iba't-ibang estudyante. Nang kaunti na lang ang mga tao ay saka lang ako naglakas loob na lumapit para tingnan ang listahan.

"Roommates tayo!" Bakas ngiti sa labi ni Athena. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi ako magkakaroon ng problema pagdating sa pakikisalamuha.

"We're roommates, damn!" saad ni Larken kay Xavien.

"You can't do anything about it. It's the board's decision kaya sa ayaw at gusto mo, you must stick with me for two more weeks," pang-aasar ni Xavien.

Larken keeps blabbering, while Xavien is talking. Sinamaan niya pa ito ng tingin at humalukipkip.

Xavien and Larken are both roommates, habang si Quade naman ay isang transferred student daw ang makakasama niya na darating sa susunod na araw.

"Another transferee student?" kunot-noong tanong ni Athena.

"Yes, he's one of the best students at Amores High pero hindi ko alam kung bakit siya biglaan nilipat dito. Ang sabi pa nga ay nasangkot daw siya sa kaso, 'yun ang nabalitaan ko mula sa mga estudyante ro'n," bulong ni Quade.

Nagulat ako sa biglaang pag-ring ng bell hudyat na umpisa na sa susunod na klase namin. Pumasok na kami sa silid at nagsimula ng magturo ang Biology teacher namin.

Natapos naman ang klase namin at pagtingin ko sa wall clock saktong break-time na, kaya sabay-sabay na kaming nagtungo sa cafeteria para kumain. Habang naglalakad ay may lumapit na isang SSG officer, base sa suot nitong kulay asul na uniporme at nakatatak sa gilid ang kanyang pangalan at posisyon.

"Ikaw ba si Celeste Amie Mendoza?" Tumingin muna ang babae sa hawak niyang papel at nagbalik ng tingin sa'kin. Balingkinitan ang katawan nito, mahaba ang buhok at may dalang mga dokumento.

Tumango naman ako. "Ako nga po."

"Anong kailangan niyo sa kanya, Naomi?" Xavien asked her.

Sinungitan siya nito at inirapan pa.

"It's none of your business, okay? Ikaw ba si Amie?" pabalang na sagot niya.

"Even if it's not my business, Amie is my friend." Tumingin siya sa 'kin, "And if there is something you need to her, we should know that. Besides, you forgot that I'm the SSG president of this school."

"Fine! Cut the crap, pinapatawag lang siya ng punong-guro dahil isa siya sa mga nakalutas ng kaso rito, they have some favor for her," sabi niya. "Okay naba?"

"F-Favor?" I asked. She didn't respond and changed the subject immediately.

"You should see for yourself. I don't want to get involved in this." 'Yan lang ang sinabi niya bago siya umalis.

Bago kami pumunta ni Xavien sa dean's office ay pinauna na namin sina Athena, Quade at Larken.

Nagtungo na kami ni Xavien sa office ni Mr. Cleo Morris. Walang tao sa loob at madilim ngunit napukaw ang atensyon namin sa sinag ng araw na tumama sa table niya, mayroong isang note na iniwan do'n. We look at it and found a mixed of words.

"TLLA

TL

HA AOL

YVVMAYW"

Another hellish code? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top