CHAPTER 8: VALMORIS MAFIA

"Y-Your father?" I asked. The V sign represents his father's name. Ilang saglit lang ay narinig ko ang sigaw ni Larken.

"Buhay siya!" sigaw niya. Lahat kami ay lumapit sa kinaroroonan niya habang tinitingnan niya ang paghinga ng isang estudyante.

"Buhay si Deib," aniya pa ni Larken.

Agad na tumawag si Detective Mori ng first aid at mabilis naman silang rumesponde. Nilabas na ang katawan ni Deib at may tiyansa kaming makausap siya tungkol sa nangyari.

"This is not just an accident. Walang natamo na sugat ang dalawa, pero si Casper lang ang namatay. It's an attempted murder!" Xavien clarified.

"Ha? Attempted murder?" tanong ko.

Si Larken naman ay muling tiningnan ang dalawang malamig na bangkay. Patay na talaga sila at marahil ay isa sa mga kaibigan nila ang nagplano upang gawin ito.

"Yes, this is an attempted murder. Palapitin niyo sila," utos ni Larken sa mga pulis. Mabilis naman silang lumapit kasama ang tatlong babae.

"Hindi ba't kaibigan niyo sila?" sunod na tanong niya. Tumango naman sila sa itinuran ng huli. "Isa sa inyo ang nagtangka na patayin silang tatlo."

Nanlaki ang mga mata nila at itinatanggi ang paratang.

"H-Hindi kami ang pumatay sa kanila. Aksidente ang nangyari. Nandoon kami noong nangyari iyon," pahayag ni Nicole, isa siya sa mga kaibigan nina Casper at Zoey.

"That's impossible," singit ni Xavien. Umayos ito ng pagtayo niya at lumapit pa sa babae. "Kung talagang nandoon kayo no'ng mga oras na sumabog ang chemical na pinaghalo nilang dalawa, bakit wala kayong natamo na kahit anong sugat sa katawan?" A mischievous smile appeared in his face.

Hindi nakapagsalita ang tatlo.

"We found another clue," sambit ni Detective Mori at agad na iniabot ito kay Xavien.

Isang papel ito na listahan ng mga chemical compound, pero ang nakakapagtaka lang ay nakuha ito mula sa isa sa mga bag nila.

"This is a fake formula. Kung titingnan ay may pagkakapareho sila, pero sa listahan ng H2O2 sa katabi nito ang CH3COOH. It leads to heat that can cause fire," Xavien stated.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ano ba 'yung sinasabi ni Xavien na H2O2 and CH3?" bulong ko kay Larken. Ngumisi lang siya at nanguna na para ipaliwanag ito.

"Xavien is right. Hydrogen peroxide is a chemical compound with the formula H2O2. In its pure form, it is a very pale blue liquid that is slightly more viscous than water, and if it mixed with Acetic acid, which is a colorless liquid and organic compound, it could lead to explosion and not as peracetic acid," paliwanag niya.

"Sa madaling salita, pinlano ng isa sa kanila na palitan ang papel na ito, nang sa gayon ay ang lahat ng estudyanteng gagamit ng ganitong formula ng chemical compound ay mapapahamak. Tama ba ako, Nicole?" Iginawi niya ang tingin sa nakayukong si Nicole.

"H-Hindi ko sila pinatay," she denied. Lumapit si Xavien sa kanya at kinuha ang kamay niya saka ito inamoy.

Inalis naman agad ni Nicole ang kamay niya. "Ano bang ginagawa mo?!" galit na tanong nito.

Nakatuon lang ang atensyon naming lahat sa kanya. Takot na takot at naguguluhan ang nasa likod niyang babae. Mukhang kaibigan niya rin ito pero mula sa STEM-6.

"Acetic acid is colorless, yet odorous which stays on your skin. Kaya marahil ay hindi ka nagkasugat sa nangyari kanina," aniya. Pumunta siya sa mismong mesa ng pinag-upuan nina Zoey at Casper.

"Marahil ay dito ka nakaupo na katabi ni Casper, kung titingnan mula sa posisyon na ito ay malayo na matamaan ka kapag sumabog. Isa lang ang nakatitiyak ako, sinabi mo kay Deib na paghaluhin nila ang dalang chemical compound at nang mapagtanto niya ito ay agad niyang pinigilan sina Casper at Zoey, pero huli na pala." Huminga muna siya nang malalim bago ito ipagpatuloy. "Nagkaroon nang reaction ang beaker na naging sanhi para sumabog ito," paliwanag niya.

Tama nga ang kanina ko pang hinala, baka nga may nag-utos kay Casper na gawin ito kaya't hindi agad napigilan ang pagsabog.

"Oo na! Ginawa ko 'yun para mawala na si Zoey." Napaluhod siya at humagulgol. "Ayoko siyang laging nakikita na kasama si Casper at Deib. Lagi na lang siya ang matalino, maganda at kaakit-akit sa mga mata nila. Samantalang akong kaibigan niya ay parang basura lang. Ni hindi man lang din ako napansin ni Deib kahit na minsan," sabi niya habang umaagos ang mga luha.

"Alam mong hindi 'yan totoo, ikaw ang mahal ni Deib! Sinabi sa'kin ni Zoey ang lahat kahapon. Balak ka pa sana ligawan ni Deib sa mismong kaarawan mo at sosorpresahin ka sana namin," sambit ng kaibigan niya. Mas lalo pa siyang napahagulgol nang malaman ito. "I can't believe you can easily kill your friend."

"S-Sorry," huling sambitla niya.

Dinala na siya ni Detective Mori at ng ibang mga pulis, habang si Deib naman ay ligtas na. Buti na lang ay konti lang ang natamong sugat nito at hindi gaanong nakaapekto sa kanya dahil sa pagsabog.

"Maraming salamat muli sa inyong tatlo. Malaki ang naitulong niyo para malutas ang kaso na ito." Kinamayan niya kami isa-isa habang nagpapasalamat.

"The pleasure is all mine," sabi ni Xavien at ngumiti sa detective.

"Hindi rin namin ito malulutas kung hindi kami nagtulungan para maisa-isa ang mga clues at mabigyan ito ng deductions," dagdag naman ni Larken. Nagpaalam na si Detective Mori sa amin, at pagkatapos ng nangyari ay bumalik na rin kami sa dorm.

"The saddest thing about betrayal is, it doesn't come from your enemies," Larken quoted. He has a point because you'll never know when they'll betray you.

Kaya pili at bilang lang sa mga daliri ko ang gusto kong makasalamuha, at dalawang taon pa kaming magsasama kaya maraming pagbabago ang magaganap sa daraan na buwan.

Ang ikinatataka ko lang ngayon ay ang V sign na na nakalagay sa palad ni Deib. Isa ba siya sa mga tauhan ni Velmoris? Bago pa kami makabalik sa dorm namin ay nauna na kami dahil may biglang tumawag kay Xavien.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

LUMIPAS na naman ang isang linggo na puro tambak ang mga gawain namin. Halos lahat yata ng subject ay may mga proyektong pinapagawa. Nakakapagod!

"I hate Math!" reklamo ko. Isa sa pinaka ayaw ko ay ang maging unang subject namin ang Statistics and Probability, nakakahilo kasi ang mga formula at ang hirap din intindihin.

"Me, too," walang ganang sabi ni Athena. Si Quade naman ay tulog sa tabi niya. Malamang ay hindi rin siya interesado sa asignaturang ito.

Natapos naman ng matiwasay ang klase namin ngunit nabahala ako dahil wala sina Xavien and Larken. Kanina pa kasi tanong nang tanong ang guro namin kung bakit wala ang dalawa, baka kasi magkasama sila ngayon.

"Nakita mo ba si Xavien?" tanong ko kay Athena. She just shook her head at nagtungo sa dorm niya upang magpalit.

Lumabas na muna ako saglit upang magpahangin at mapag-isa. Kalahating oras pa naman ang natitira bago ang huling klase namin sa asignaturang pagbasa at pagsusuri.

Nakaupo ako sa bench at kumakain nang mapansin ko sa hindi kalayuan ang guwardiya na tinatawag ako. Natigilan tuloy ako sa pagkain at lumapit.

"B-Bakit po?" tanong ko.

"Miss, pinapatawag po kayo ng nakasakay sa itim na kotse." Itinuro niya ang itim na kotse. Nagulat ako dahil isang Ferrari 488 GTB ito.

Nagdalawang-isip pa akong lapitan ito, pero nakita ko na lang ang sarili ko na nilalapitan ang kotse. Nang bumukas ito ay hindi ako namamalikmata sa nakita ko.

"L-Larken?" I was surprised to see him. He's wearing a black suite with a black sunglass, marahan niya itong tinanggal at ngumiti.

"Don't be surprised. Sumakay ka na, mamaya ko na ipaliliwanag sa'yo," sabi niya. Nagniningning pa rin ang mata ko dahil unang beses ko pa lang makasakay sa ganitong mamahaling kotse.

"Where's Xavien? Bakit hindi mo siya kasama?" I asked.

"I told you; I'll explain later. We'll be there soon," sagot niya. Anong bang lugar ang tinutukoy niya at kailangan kasama pa ako?

Mayamaya lang ay huminto ang kotse niya. "We're here," he muttered.

Napatingala ako sa laki ng gate kulay ginto ito at may nakalagay na "Valmoris property" sa gilid nito.

Valmoris property? Sa Dad ni Xavien?! My eyes quickly widened.

"Anong ginagawa natin dito, Larken?" I asked. Base sa eskpresyon niya ay nairita yata siya dahil panay ang tanong ko.

Pagbaba namin ng kotse ay may sumalubong na sampung mga lalaki. Nakasaludo sila na para bang isa kami sa pinaka-importanteng tao sa pilipinas.

Nang idako ko ang tingin sa paligid ay napakalawak nito. Sa kaliwang bahagi ay may sarili silang golf course habang sa kanang bahagi naman ay ang isang malaking fountain na dumadaloy ang tubig sa malaking letrang V nito. Ito siguro ang palatandaan sa organisasyon nila at bilang respeto sa pinuno.

"Supremo, nandito na po sila," pagtawag ng isang matipunong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang lalaki na tinutukoy niyang supremo.

"Amie? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Xavien. Nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Larken ay simaan niya ito ng tingin.

"Why did you bring her here? Alam mong delikadong pumasok sa ganitong mansyon. Are you out of your mind, Larken?!" he exclaimed.

"T-Teka nga, tinawag ka niya na Supremo?" kunot-noo kong tanong. "So, bahay mo 'to?" Hindi sila naka imik agad sa tanong ko. Basta na lang hinila ni Xavien ang kamay ko.

"You shouldn't be here. It's not safe, iuuwi na kita," sambit niya. Hinigpitan niya ang kapit at pumagitna sa'min si Larken.

"She's not going anywhere. You need to explain her why Mr. Amethy—" Tinakpan ni Xavien ang bibig niya at hinila ito kung saan. Naiwan tuloy akong mag-isa.

"Ano raw?" Napakamot ako ng ulo.

They're both weird. Ano bang mayroon?

Mayamaya lang ay bumalik din silang dalawa. "Detective Mori called, are you free today?" Nakita ko ang pagsiko niya kay Larken habang seryosong nagtatanong.

"Wait! Why am I here? Bakit mo ako dinala rito, Larken? At saka bakit supremo ang tinawag sa'yo no'ng lalaki, Xavien?" Idinuro ko pa mismo ang lalaking nagsabi sa kanya.

"Because he owned this house. You know how—ouch! What the fuck!" Siniko muli siya ni Xavien na ikinadaing nito.

"This is your house?" gulat kong sabi.

"Nasaan ang dad mo? I want to meet him, personally."

I want to smile genuinely to him, but I guess this is a wrong timing.

"Don't talk about him. Besides, he's not here and it's none of your business to know him, okay? Halika na." Sumakay na siya nang kotse habang hila-hila niya ang kurbatang suot ni Larken.

Ang sungit talaga, gusto ko lang naman makita ang dad niya. Tiyak ako na kasing guwapo niya rin ang ama niya dahil nagmana ito sa kanya.

"Yes, Detective Mori. We are on our way," he said. Kausap niya ngayon si detective at ibinaba naman agad ang tawag.

Una sa lahat, bakit kasama na naman ako? Ano ba ang alam ko sa pagiging isang detective?

"I shouldn't ditch again for such a mess like this, ihatid niyo na lang ako sa—" Tinakpan ni Larken ang bibig ko. Mabilis ko naman itong tinanggal.

"Can you please shut your mouth and just cooperate? I didn't bring you here to complain," inis na sabi ni Larken.

Bring me, what? 'Eh, hindi ko nga alam na ang pupuntahan pala namin ay ang mismong bahay ni Xavien. Tapos may aasikasuhin pang kaso mula kay Detective Mori.

"Can you please also learn how to wash your hand, ang baho ng kamay mo!" anas ko.

Narinig ko pa mahinang pagtawa ni Xavien, habang inis na inis naman ang lalaki kaya iniwas niya ang tingin sa akin.

Ilang saglit lang ay nakarating din kami sa isang bahay—este mansyon pala, dahil ang garbo nitong tingnan at parang isang sikat na celebrity lang ang kayang bumili ng ganito.

Sinalubong kami ng ilang mga pulis at ang isa pang nakita namin na nangliit sa kakayahan ni Xavien no'ng isang linggo.

Based on the police report, the murder happened around 3:25 AM. They were having a victory party dahil sa pagkapanalo nila sa isang laro. Tatlo ang pinatay kanina habang nagaganap ang selebrasyon.

Sinimulan na namin ang pag-iimbestiga matapos kunin ang malalamig nilang bangkay. Napansin ko na walang bakas ng dugo sa isa sa mga namatay, habang ang dalawa naman mula sa second floor ay duguan.

"May lead suspect na ba sa pagpatay?" tanong ni Xavien kay Detective Mori.

"Si Jenna Agusitin and Leonardo Del Valle ang dalawang kaibigan nito na namatay. The boy died in the master's bedroom while the other girl died in the bathroom, and Calvin Serano, the celebrity I was talking about to you the phone. We saw him lying on the ground. There were no traces of blood," paliwanag niya.

"How about the suspect? Nakausap niyo na ba?" Nakisingit naman si Larken sa usapan nila.

"As of now, mayroong tatlong suspect. Sina Patrick Delo Santos, Gabriel Anderson, and Erica Manubat."

The owner of the house died. The basketball player, Calvin Serano. Walang bakas sa kahit na anong sugat sa katawan nito kaya marahil ay nilason siya. Another one was Leonardo Del Valle. Calvin's best friend, there were traces of bruises in his hands kaya marahil ay nanlaban siya at nakita namin ang laslas sa leeg niya.

I think he tried to suicide, but he didn't succeed because the killer took the chance to do it. Last is Jenna Agustin, nakita na lang ang katawan niya na duguan sa CR at may hawak na kutsilyo, pero sa bandang ulo niya ay tila parang may hinampas na matigas na bagay.

We need a further investigation on this case dahil hindi malabo na nandito lang sa crime scene ang pumatay sa kanila.

Nakita ko na patango-tango si Xavien at nakahawak pa sa kanyang baba na para bang siya si Sherlock holmes. He examined all the information of the three suspects. Parang hindi siya kumbinsido sa mga sinasabi nila.

Neither do we. Masyado kasing suspicious.

"Sino ang kasama mo noong nangyari ang pagpatay sa kanilang tatlo?" Xavien asked the first suspect.

"I was drinking with Patrick nang bigla na lang sumigaw si Erica. We were shocked to see Jenna in the bathroom full of blood in her body," Gabriel explained.

"There is no witness in this crime since this is a private property and the owner instructed the guard 11:30 AM before the party started. And that only those on the list will be included, and can enter at the party," sabi ni Larken. Nakita ko ang paglunok ng madiin ni Gabriel. "You are not on the list."

"Yes, I'm not on the list, but I'm sure that I'm not the one who killed them," pagtatanggol niya sa sarili.

I can say that he's not the killer, dahil wala namang kahina-hinalang kilos sa kanya, maliban kay Erica.

"How about you, Erica? Where were you around 1 to 3 AM?" Xavien continued to ask.

"I'm outside of the house because someone is calling me. I heard a scream from the second floor. Sumigaw na rin ako dahil sa gulat ng makita kong duguan si Jenna at may hawak na kutsilyo," aniya.

Hindi pa rin kami sigurado sa kung sino ang pumatay at baka matagalan kami sa pag-iimbestiga.

"Do you find some evidence?" Xavien asked.

Tumango ako. "Yes, I found a trophy under Calvin's bed, puro dugo ang gilid ng gintong tropeyo."

"I also found a phone. Nakatago ito sa halaman malapit sa banyo kung saan namatay si Jenna," dagdag ni Larken.

"I think the culprit is...."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top