CHAPTER 7: THE V'S THREAT
"She's a Mafia?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya." Then why are you following her?" Tila para kaming mga pugante na nagtatago sa mga halamanan na nasa harap namin.
Ugh! I growned in frustration. What's worst is ang baho pa rito. Bakit pa kasi ako sumunod?
Nakita namin na seryosong nakikipag-usap ang babae sa kasamang lalaki na nakasalamin at kung susumain ay nasa edad kuwarenta na ito. Habang ang babae ay nakasuot ng isang pulang bestida. Sayang ay nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha.
"I need more evidence to prove that she's really part of a mafia," bulong ni Larken.
What? I thought she's a mafia pero ngayon ay nagdadalawang isip siya? Ako tuloy ang naguguluhan sa sinabi nito.
"What do you mean? You're not sure that she's a mafia, and yet you tried to follow her?" I said with an irritated tone.
He just rolled his eyes and sighed.
"Just help me with this, okay? Nandito ka na rin naman. You're now involved in my case about Valerie." Parang napantig ako sa sinabi niya, pamilyar kasi ang pangalan na Valerie.
Quade's older sister to be exact!
First of all, I don't want to stick my nose in his business with this kind of case. Paano na lang kung may mangyari sa'min na masama? Baka mamaya niyan ay makita ko na lang ang sarili ko na binabaril at hinahabol ng mga tauhan no'ng babae. I hope my instincts were wrong and she's not the woman that Larken is referring to.
Gosh! Tumakas na nga lang, mapapahamak pa!
Nasa labas ng restaurant ang apat na lalaki na tiyak ko ay tauhan ng babaeng sinundan ni Larken. Nagmamasid sila at buti na lang ay may kalayuan ang aming pwesto kung hindi ay nalintikan na talaga.
"She's leaving," bulong ni Larken. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Dahan-dahan lang kaming naglalakad at sinusundan sila, habang pasakay na ng kotse kasunod ang mga alipores nito.
"I need to follow her. Ihahatid na muna kita—" Hinawakan ko ang ulo niya at agad kaming yumuko dahil parang nakita kami ng tauhan ng babae. Fuck! Mapapahamak pa talaga kami.
"No! Hindi kita iiwan, paano kung may mangyari sa'yo?" pag-aalala ko sa kanya.
I can't just leave him. So, I don't have a choice but to help him resolved this damn case.
Narinig namin ang pag-uusap no'ng dalawa. Nasa likod kami ngayon ng isang kotse at pinagmamasdan pa rin sila. "We need to find that bastard as soon as possible. Bago pa ito malaman ni boss," aniya. Napatingin sa ibang dako ang lalaki at nakita kami.
"Shit! They saw us," Larken mumbled.
"Larken!" sigaw ng isa sa mga lalaki at bumunot ng baril.
Bago pa man manlaki ang mata ko ay hindi na akO makahinga sa takot.
"Run!" sigaw ni Larken at hinila ako papalapit sa sasakyan. Nakarinig pa ako ng tama ng baril na halos kaunti na lang ay dadaplis na sa balat ng tainga ko.
"Go! Drive!" Natataranta na ako at hindi na alam ang gagawin.
"Shit! Ayaw mag-start ng kotse!" bulyaw niya.
Sunod-sunod na ang narinig kong pagputok ng baril, kaya napayuko ako at narinig ko ang pagbuhay ng makina.
Tumama pa ang mga bala sa side mirror. Hindi ko magawang tingnan kung malapit na ang mga tauhan no'ng babae, buti na lang ay umandar na ang sasakyan, pero sa kamalas-malasan ay sinundan pa kami ng mga kalalakihan na may hawak na mga baril.
Sabi ko na nga ba. Dapat talaga hindi na'ko sumunod sa kanya!
"They know you?!" taranta kong tanong. Hindi niya ako sinagot at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.
Napasigaw ako nang tumama ang bala sa windshield ng sasakyan.
"Larken, do something!" Nakayuko lang ako at halos walang humpay ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Get the gun, Amie!" bulyaw niya.
Hindi ko naman mapiglang mataranta dahil sa sinabi niya.
"Puta! You want me to hold a gun?" saad ko. "Hindi ko gagawin 'yun!"
Kahit na pinauulanan na kami ng bala ay hindi ko pa rin siya sinusunod. Shit! Ayoko pang mamatay na kasama ang lalaking 'to!
"Amie! Just get the gun at the compartment kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw niya pa. I have no choice kaya dali-dali ko itong kinuha mula sa compartment at hinablot niya agad sa kamay ko.
"Hawakan mo ang manibela," aniya. Mas nanlaki pa ang mata ko sa sinabi niya.
Gago ba siya?! Hindi nga ako marunong gumamit ng baril, magmaneho pa kaya? Mabilis pa ang pagpapatakbo niya, buti na lang ay walang kotse na dumaraan kundi madidisgrasya kami.
"Shit! Amie, just do it!" bulalas niya.
Sinunod ko naman agad kahit na nanginginig ang dalawa kong kamay at pinanatili kong kalmado ang sarili ko. Fuck! Hindi ko naman ito magawa dahil pana'y pa rin ang pagpapaputok ng baril mula sa likuran namin.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse at nagpaputok sa mga sumusunod sa'min. Sinara niya naman ito agad at ibinaba ang hawak niyang baril. Sinubukan kong lumingon at nakita kong hindi na sila sumusunod. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari kapag sinundan ko siya, hindi na sana ako nag-cutting class!
"Are you okay? You're crying, Amie." tanong ni Larken.
How the heck would I be fine? Pinaulanan ba naman kami ng bala sa kotse niya! Hindi ko na napansin ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa nangyari.
"You, asshole! Hindi na sana kita sinundan kung ganito lang ang mangyayari!" Hinampas ko siya sa dibdib nang paulit-ulit, he didn't dodge and let me hurt him multiple times.
Pagkatapos ay pinunasan ko agad ang mga tumulong luha sa mga mata ko.
"I-I'm sorry for dragging you into this case. Mas mabuti pa nga na ihatid na kita mismo sa dorm—" Lintik hindi pa pala 'to tapos. Lumingon kami pareho at napahinto siya sa pagmamaneho nang may humarang na itim na kotse.
Bumaba ang isang babae habang pinalilibutan naman kami ng mga kalalakihan na nakatutok pa ang baril sa amin.
"Get out!" utos ng lalaki at hinila kami palabas ng kotse. Lord, kung huling araw ko na ito, please lang, ayokong mamatay nang dilat ang mata kasama ang gagong lalaking 'to.
Nang lumapit sa amin ang babae ay tinanggal nito ang suot niyang pulang sombrero. Halos manlaki ang mga mata ko ng magtama ang tingin namin sa isa't-isa.
"V-Valerie?" utal kong pagtawag sa pangalan niya.
"A-Amie?"
"You know her?" hindi makapaniwalang tanong ni Larken. Ibinaba naman agad ng mga tauhan niya ang mga baril na nakatutok sa amin.
"What are you doing here? At bakit hindi mo kasama si Quade?" aniya. Hindi ako makapagsalita agad dahil sa nangyari.
I am so relieved. Akala ko talaga matutuluyan na kami.
"I ditch and followed him," sagot ko at idinuro ang lalaki.
I didn't notice that my vision become blurry. Napayuko ako at napahawak na lang sa sintido, hanggang sa bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay.
NANG maimulat ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga. Naaninag ko ang mukha ng loko na si Larken at nang makita niya akong gising na ay lumapit siya.
"You passed out," Larken said.
"Bes, are you okay?" Nagulat ako nang kaunti sa biglaang paglapit ni Athena.
"Ano ba kasi ang nangyari, Larken? Bakit hindi mo masabi?" Tumingin siya kay Larken at iginawi muli sa'kin.
Marahan akong tumayo kahit may konting pagkahilo pa.
"N-Nasaan si Valerie? Anong nangyari?" tanong ko.
"Bes..." May gustong sabihin si Athena ngunit naudlot ito nang dumating si Xavien.
"What just fucking happened? Lahat kami nag-alala sa'yo. You just ditch your class, Amie!" mariing sambit ni Xavien.
"We met Valerie," wika ni Larken.
"Valerie? I told you not to pull that case. That was for your safety at tingnan mo ang nangyari, nadamay pa sa'yo si Amie." Nagsukatan sila ng tingin ang dalawa. I had to interrupt them before they can even start a fight in front of me.
"I-I'm fine." Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa gilid. Umalalay naman si Athena sa akin hanggang sa makabalik kami sa dormitory.
"Are you sure you don't want me to stay with you tonight?" tanong ni Athena. I just shook my head. Nakasunod pa rin ang dalawang ulupong sa likod.
"I just need a rest. Kita na lang tayo bukas," sabi ko. Pumasok na ako at marahang isinara ang pinto. Narinig ko pa ang yapak ng paa nila palabas ng dorm.
Kinabukasan ay nagising ako nang maaga. Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa kagagawan ng loko. Nag-ayos na ako at nagbihis ng uniporme. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na si Xavien.
"Good morning," bati niya. "Okay ka na ba?" Now, he's being politely concerned about me. Samantalang kahapon ay panay ang sermon niya sa'kin sa nangyari habang pauwi kami.
Tumango ako at sabay na kaming lumabas ng dorm. Pagpasok namin ay hindi ko inaasahan na makikita si Larken, na nauna pang pumasok at nakapangalumbaba sa lamesa.
Naupo na rin kaming dalawa ni Xavien.
"Good morning, Amie!" bati ni Athena na kakapasok lang. Sumunod naman sa likuran niya si Quade. Nilapag nila ang gamit at nagkumpulan sa pwesto namin ni Xavien.
Anong mayroon? May pagpupulong ba?
"I heard what happened yesterday, hindi agad kita nadalaw dahil may inaasikaso kami ni Xavien kahapon," aniya ni Quade.
Huh? Ano naman ang inaasikaso nilang dalawa?
"We went to Amores High to check if Valerie was there and to my surprise nalaman namin na hindi siya pumasok. That's when I got a call from Athena," dagdag niya.
"Amores High?" I asked in confusion. Ngayon ko pa lamang narinig ang ganyang eskwelahan.
Is it just like Amethy High? Kahit ang pangalan ay pamilyar sa akin.
"That school is owned by Xavien's father, and their organization called Valmoris Mafia." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inakala na may kakayahan pa lang magpatayo ng paaralan ang dad ni Xavien.
"And you're late to stop her," eksena ni Larken. Tumayo siya at lumapit. "Muntik pa kami mapatay ng mga tauhan niya."
"You should have listened to us, 'edi hindi sana kayo mapapahamak kung hindi mo sinama si Amie," sabi ni Quade.
"For the record, hindi ko siya sinama. I just found out that she's behind me and following me all the time," ani ni Larken. "You can ask her if you don't believe in me."
"Enough with the chit-chat," sambit ni Xavien. Napansin namin na nandiyan na pala ang guro kaya umayos na kami.
"Good morning, class," bati ni Ms. Perez, our biology teacher. "Hindi ko na papahabain pa ito. We have an emergency at the Laboratory room, dahil may sumabog daw na chemical. Mas mabuti pa na bumalik muna kayo sa dorm n'yo at hintayin na lang ang anunsyo ng nakatataas."
Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga kaklase namin dahil sa nangyari. Sabay-sabay kaming lumabas at gusto sana naming bumalik na sa dorm, pero sa ibang gawi dumeretso si Xavien at Larken. Nakita ko na lang ang sarili ko na sumusunod sa kanila.
"I think this is the Laboratory," sabi ni Larken. Nagkukumpol ang mga estudyante sa silid.
Wala pang pulis na dumarating pero sabi ng isang estudyante ay tumawag na raw sila. Hindi ko nasikmura ang nakita kong babae na duguan sa sahig, dalawang lalaki at isang babae. Halos mapaduwal ako nang makita ang mga bangkay nila.
Inalalayan ako ni Xavien. "We can handle this, mas mabuti pang bumalik na kayo sa dorm n'yo."
Hindi yata kami makakatulong dito, pero hindi ko naman hahayaan na gano'n na lang ang nangyari sa mga estudyante ng STEM-4.
"I-I'm fine. I can help you in this case," I said with a cold voice. "Kaysa naman wala akong gawin at matulog lang."
Pumayag naman sina Xavien at Larken kaya nagsimula na kaming magtanong sa nga estudyanteng nadamay sa nangyari.
"Anong nangyari?" tanong ko sa isang estudyante. Base sa hitsura niya ay isa yata siya sa mga estudyante na nadamay sa pagsabog. May mga bakas pa ng bubog at sugat sa mga kamay niya.
Kinuha ko muna ang pangalan niya bago siya tinanong ulit. She's Nicole Jane Riguela, a grade 11 STEM student.
"Can you tell us more about what happened to them?" Xavien asked.
"H-Habang nagkaklase kami ay nagtalo sina Casper Lopez at Zoey Pareño na pagsamahin ang dalawang chemical compound at nang lapitan ni Deib Lorenzo Suarez para pigilan sila ay huli na. Sumabog na ito," she explained. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha sa mata niya.
Xavien takes note of all she said that can be possibly a clue to deduce it. Habang kami naman ni Larken ay pinapanood lang sila.
"Don't worry we will investigate what happened," sabi ko. Dinamayan naman siya ng loob ng kanyang kaibigan na si Patricia Mae Dizon.
Nagtungo si Xavien sa loob ng Laboratory. Hindi pa nawawala ang mga usok at nagkalat ang mga bubog sa table, pati na sa lapag kung saan ito sumabog.
"I found something!" Xavien muttered. It was a piece of note that has different kinds of chemical compounds on it.
"Siguro ito ang listahan ng mga compound na kanilang pinagsama-sama para sana sa activity nila, buti na lang ay hindi Chemistry ang una nating subject," wika ko.
Dahil kung nagkataon ay baka isa sa'min ang magkamaling pagsamahin ang chemical compound na nasa listahan. Nang pagkumparahin ni Xavien ang isang papel na hawak niya ay napakunot-noo siya.
"This isn't just a piece of paper. Pinalitan ito, look at this," he confirmed.
Tiningnan ko ito at totoo nga na magkaiba sila, pero parang magkatulad lang dahil sa pagkakasunod-sunod ng compound chemical na nakalagay.
"Magkaiba ito sa ibinigay sa akin ng isang estudyante, 'yun daw ang listahan na ginamit nila, and not this one. I think there's a sabotage that happened here," aniya.
Agad na pinaalam ito ni Xavien kay Larken. Si Quade naman ay kausap ang ibang mga estudyante na nakasaksi at naghahanap din ng ibang impormasyon, gano'n din kami ni Athena.
Mayamaya pa ay dumating na rin ang mga pulis. As usual kasama na naman si Detective Mori dahil dito siya nakadestino ngayon. Nag-usap silang dalawa tungkol sa nangyari.
"What's your deduction, Xavien?" tanong ni Detective Mori sa kanya.
"Are you sure that they can help us?" bulong ng isang pulis. Nasa likod niya lang ako kaya naririnig ko ang sinasabi niya.
Masyado niya yatang minamaliit ang kakayahan ni Xavien bilang isang detective. I think my own deduction on this case could have been wrong, is it?
Xavien examined the body. Si Casper, na hawak ang test tube na ginamit nila, ay wala ring nakitang sugat sa katawan o kahit sa kamay. Habang si Zoey naman ay sugatan ang kamay at puro bubog ang ulo nito. Si Deib naman ay wala ring sugat pero may napansin kaming kakaiba sa kamay niya.
It's a V sign.
Nagkatinginan sila ni Larken na para bang parehas sila ng iniisip ngayon. Hanggang sa mapagtanto ko at mahinuha ko kung ano ito.
"S-Si Valmoris," Xavien uttered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top