CHAPTER 6: CODE RED
The victim was an Art teacher named Fey Evangelista. Matagal na siyang guro dito at ngayon ang huling araw niya sa pagtuturo, at huling araw niya na rin pala para mabuhay. They already called the police at hinihintay na lang ito.
Sigurado ako na nakaantabay na naman sa kaso si Detective Mori. I already have a deduction on this murder case, pero hindi pa ako sigurado. I need more clues and evidence to prove my deductions.
Nagiging mahusay na rin yata akong detective, malaking tulong talaga sa akin ang mga librong binigay ni Quade. May silbi rin pala ang mga ito.
"May naisip ba kayo kung sino ang pwedeng gumawa sa kanya nito?" tanong ni Xavien sa mga estudyante, ngunit pag-iling lang ang sinagot nila.
Pinaliwanag namin sa mga guro na handa kaming tumulong upang malutas ang kaso at hindi sila nag-alinlangan na tumango.
May lumapit na isang estudyante. Siya ang sumigaw kanina sa Cafeteria na may namatay sa Art room. "Hindi namin alam kung sino ang pumatay, pero may apat na estudyante na nanatili riyan sa silid bago namin nakitang patay na si Ms. Fey," pahayag niya.
Ilang saglit lang ay ipinatawag ang apat na suspect, kabilang ang isang bagong guro.
Nakapagtataka lang dahil paano naging suspect ang isang bagong guro? Dumating na sila at nagpakilala. Kasabay nito ang pagdating ni Detective Mori.
Halata naman na kapag may kaso si Xavien ay laging nandiyan si Mr. Mori para tulungan siya. Nakakayanan naman na lutasin ni Xavien ito ng mag-isa kahit na walang tulong ng iba.
Ganyan siya kagaling na Detective!
"Atbash," wika ni Xavien. Kumuha siya ng ballpen at papel, at inisa-isa ang mga letra. Huh? Anong atbash ang sinasabi nya? Bakit parang nabasa ko na ang tungkol dito?
"Anong atbash?" tanong ko. Hindi ko mahulaan ang sinasabi niya. Sa pagkatatanda ko ay parang may nabanggit akong ganyang salita.
"The Atbash cipher is a particular type of monoalphabetic cipher formed by taking the alphabet." Ipinakita niya sa'kin ang maliit na notebook para maunawaan ko.
"It maps each letter of an alphabet to its reverse, so the first letter is A becomes the last letter, which is Z. Then the second letter is B, that becomes the second to last letter, which is letter Y, and so on."
Mabuti na lang ay naintindihan ko agad ang sinabi niya.
"This is one of the easiest ciphers, bukod sa Morse code," dagdag niya pa.
Panay tango lang ako sa sinasabi niya. Kung titingnan ang mga letra ay madali lang talaga itong hulaan dahil pabaliktad lang ang mga ito.
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ
ZYXWVUTSRQPONMLKJIHGFEDCBA
"The letters are V-W-X-L-V-W-I." Inisa-isa namin habang nililibot ang buong silid. "That means the word has been jumbled, pero hindi ko pa rin ito mahulaan," aniya ni Xavien.
"It should be in this form of word using atbash, E-D-C-O-E-D-R?" Kung titingnan ay ibang letra ang nakalagay sa mga canvas pero nagawa kong baguhin ang mga letra nito dahil sa natutunan ko mula sa nabasa kong libro kanina.
He's right atbash nga ang nabasa kong cipher kanina lang. Tiningnan kong maigi ang mga letrang naghahalo hanggang sa mapagtanto ko ang nabuong salita sa isip ko.
"CODE RED!" sabay naming sambitla ni Xavien. Sino ang nagpadala ng ganitong code? Alam naming may konekta ito sa pagpatay sa guro at isang mensahe ito na ibig sabihin ay panganib.
Why does everything feel like connected? At parang ako ang missing piece para mabuo ang puzzle.
Isa-isang nagpaliwanag ang mga suspect. Una ay ang grade 11 student na si Kenneth Alonzo Hernandez, nagpatulong lang daw siya na ipatapos ang ipinipinta nilang Starry Night. Para sana ito sa gaganaping Artcon ngayong buwan, pero nabawian na raw ang guro ng buhay matapos niyang kunin ang biniling art material.
"How about you? The girl who's holding a fan," pagtawag sa kanya ni Xavien. Inirapan lang siya nito.
Feeling prinsesa ng campus? Pinalapit siya ni Mr. Mori at sumunod naman agad siya.
"I'm not the killer, okay?"
Defensive! Feeling ko nga ay may kinalaman siya sa pagpatay kay Ms. Fey.
"Then tell us about your last encounter with Ms. Fey," sabi ni Detective Mori.
Si Althea Dizon. Isa siya sa mga paboritong estudente ng buong Art Department at ang president din ng Art club. Pinakuha lang daw siya ng libro ng guro pero pagbalik niya ay nakita niya na lang na duguan ito at wala nang buhay.
Sumunod ay si Rhian Cassandra Lopez, isang Librarian at Grade 12 student from HUMSS department. Nasabi niya na galing nga raw si Althea at nang makita nito ang bangkay ay ipinaalam sa kanya. Kaya nagtungo sila sa Art room bago pa ipaalam at isigaw ng isang babae sa cafeteria ang nangyari.
"What do you think, Amie?" tanong sa'kin ni Xavien.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nabuong letra mula sa mga canvas. Halatang sinadya niya ito at parang may plano pa siya na kailangan naming malaman.
Sinuri namin ang bangkay at inusisa ang bawat detalye. There were traces of bruises in her right arm, mukhang nanlaban ang biktima pero nabigo rin siya dahil parang may humampas sa kanyang ulo na duguan din.
"Bukod do'n, wala naman po kaming napansin na kakaiba. Parang isang normal na araw lang ito para sa'min," dagdag ng librarian.
Ang huli naman ay ang grade 11 Art teacher na si Clarence David Castro. Bago lang siya rito at kanina lang daw siya dumating, ngunit nang kakausapin niya na ang biktima ay nakita na lang niya na wala na itong buhay.
Tinanong siya ni Quade kung nagkita ba raw sila ng guro bago pa mangyari ang pagpatay, pero tanging pag-iling lang ang isinagot niya.
Napansin ko na parang may bakas sa kamay niya na kulay pula. Isang...dugo?
"What's that thing on your hand?" I asked. Akmang hahawakan ko sana ang kamay niya nang agad niyang itinago ito sa suot niyang white sleeve.
"Are you the killer, Mr. Castro?" Diretsa kong tanong. Lumapit ako sa guro at nilaliman ang pagtingin. Umatras naman ito ng nakatago pa rin ang kanang kamay.
"Is that a blood on your hand?" I asked again.
"No! It's a painting. Are you suspecting that I'm the killer? Hindi ko magagawa 'yun kay Ms. Fey," pagtatangi niya.
Doon na kami nagsuspetsang lahat dahil sa sinabi niya. Nakita kong may ibinulong si Xavien kay Mr. Mori na tiyak akong ito ang huling deduction niya kung sino ang killer.
"Ms. Fey? We didn't mention any name, Mr. Castro," Quade said. Agad na napaatras ang guro sa sinabi niya. Nakita ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng pawis sa noo niya. "I think you're not really a teacher."
Mas nauna niya pang malaman kung sino ang killer. Kahit na nakatayo lang siya kasama si Athena ay alam kong sinusuri niya ang bawat sulok ng silid.
"You didn't notice at all, huh?" Xavien said.
"I-I didn't notice anything at all," he uttered.
"Yes. Because you are the killer and they never saw it because all of them are busy doing their work that Ms. Fey gave them," pagkumpirma ni Xavien.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
"I'M NOT THE KILLER!" sigaw ng guro. Nanatiling kalmado si Xavien, kahit si Quade ay napangisi na lang sa inasal niya.
"How did you know that he's the killer?" bulong ko kay Xavien. Umiling siya kay Mr. Mori na para bang may pinag-usapan sila.
"Simple. Bago pa makapasok si Ms. Fey sa Art room ay galing na siya ro'n. May mga bakas ng footprint sa paligid dahil marumi na ang silid na ito at kung ikukumpara sa kanilang apat, tanging ang sapatos lang ni Mr. Castro ang magtutugma." Huminga muna siya nang malalim dahil napahaba ang sinabi niya.
"Kadalasan ay mas malaki ang paa ng mga lalaki sa babae. It is found to differ significantly in two calf, five ankles, and four-foot shape variables. Classification by gender using absolute values was correct at least 93% of the time."
Dinugtungan naman ni Quade ang sinabi niya. "Also, I notice the codes that decipher from CODE RED. Kung susuriin ito at ng lahat ng naging suspect, si Mr. Castro lang ang natatanging may tugma mula sa naghalong mga letra. C-D-C."
"Sa simula pa lang ay planado na niyang pumasok sa paaralang ito, pero hindi ka nagtagumpay Mr. Castro. You just expose yourself as a handsome killer," saad ni Xavien.
Napakuyom ng kamay ang lalaki at akmang sasakalin siya, pero napigilan ito ni Detective Mori.
"Hayop siya!" sigaw niya habang nakadapa at hawak ni Mr. Mori ang dalawang kamay. Umalalay naman ang ilang mga estudyante para pigilan ito. "Siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako nagkaganito, I hate my wife! I hate her! She deserves to die." Napahagulgol na lang siya.
"What was the reason for you to kill such an innocent Art teacher?" Quade asked.
After a few seconds, he intently looks at him with remorse.
"She's a cheater and manipulator. Pinalabas niya na buntis siya para makuha lahat ng ari-arian ko. I saw her with his boyfriend enjoying together, that's when I planned to kill her. Wala akong nahingan na tulong noon, I almost ate trash just to survive. So, when I get the chance to kill her, I didn't hesitate to do it," paliwanag niya.
"W-Wife? Asawa niya si Ms. Fey?" gulat kong tanong kay Xavien. Tumango naman siya nang tumingin ito sa akin.
"Yes. Iyang singsing na nasa daliri niya ngayon ay mula kay Ms. Fey, kaya nakapagtataka kung paanong ang isang guro na katulad niyang bago pa lang dito ay kilala na agad si Ms. Fey. Where in fact, hindi sila nagkausap dahil pinlano niya ng patayin ito," aniya.
Ngayon ay may naging linaw na sa lahat. Dumating na rin ang pulis at dumumog sa corridor ang mga estudyante, hindi rin nila inasahan na ang isang guwapo at matipunong lalaki ay papatayin ang sarili niyang asawa.
"Always remember, Amie. Cheating is a choice, not a mistake." Sabay haplos ng buhok ko. "Your deduction is impressive; you've just solved another case again."
"Then the case is now closed," I replied.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
TATLONG araw na ang nakalipas pagkatapos ng nangyari sa Art room. Napapansin ko na napapadalas ang mga nangyayari rito sa Amethy High.
Ganito ba palagi rito?
Nandito lang naman kami ngayon sa Library at nag-group study. Katabi ko si Athena, habang ang dalawa naman ay busy sa pagtitipa.
"Akala ko ba group study 'to eh bakit—" Hindi ko naman naituloy ang sasabihin nang bigla na lamang mag-hissed ang dalawa —si Quade at Xavien.
"Huwag kang maingay," pabulong nilang sabi. Sabay pang ibinaba ang phone at binalik ang kanilang tuon sa pagsusulat.
Ano bang pinagkakaabalahan nila?
"Tayo lang ba ang kilalang detectives dito sa Amethy High?" tanong ko. Napatingin silang lahat sa akin. Napatigil din sa pagsusulat si Athena.
"You're good at deduction, Amie. However, you don't qualify to be a detective," sabi ni Xavien.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
Ang lakas talaga mang-asar ni Mr. Sungit. Ang sarap nilang pag-untugin dalawa. Nagtawanan pa nga sila kaya napagalitan tuloy kami ng isang matandang librarian.
Tumunog na ang bell na hudyat sa susunod naming asignatura. We packed our things and immediately left.
As usual, wala na naman si Larken. Nauna na silang pumasok sa susunod na klase at dumaan muna ako sa palikuran para makapag-ayos at makapag-retouch ng make-up ko.
Hindi rin naman ako nagtagal dahil baka mapagalitan pa ako pagpasok ko ng silid. Paglabas ko ng palikuran ay may napansin akong isang lalaki na nagtatago sa labas ng eskwelahan.
Nang mapagtanto ko kung sino ito, agad ko siyang sinundan palabas. Buti na lang ay busy ang guwardiya kaya madali lang rin akong nakatakas.
Saan naman kaya ang pagtungo ng lokong 'to? Hanggang sa napadpad na lang ako sa isang malapit na restaurant kasusunod sa kanya.
Nang lapitan ko siya at akmang kakalabitin ay halos mapatalon siya nang lumingon ito. Gulat na gulat ang kanyang reaksyon ng makita ako.
"What the fuck are you doing here?" gulat na sabi ni Larken. "You should be at Amethy High. Are you ditching classes now?"
Nahihimigan ko ang naiiritang tono sa boses niya. Eh, siya nga dapat itong tinatanong ko kung bakit hindi siya pumasok.
"I am the one who should be asking you that. Besides, I'm not ditching classes like you. Bakit ba nagtatago ka rito?" aniya ko.
His eyes were focused on the girl who was about to enter a fancy restaurant. "Get down! Mahuhuli tayo niyan, 'eh," irita niyang saad.
I couldn't help but to follow his command. Sino ba kasi ang pinagtataguan niya?
Tinitingnan namin ang babaeng pumasok na sa restaurant. May kasama pa itong isang lalaki.
"You're following me, Ms. Sungit?'' kunot-noong tanong niya.
What? Now, he's got a nickname for me. Ms. Sungit? What a trash. Hindi ba obvious sa kanya na sinusundan ko siya?
"Bakit ka ba kasi nandito?" Inayos ko ang pag-upo ko dahil nangangalay na ang mga paa ko.
"I'm following a mafia boss," seryosong wika niya.
ANOTHER MAFIA BOSS?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top