CHAPTER 49: MY FAIR LADY
Napakurap ako ng ilang beses.
This can't be true. Paano niya nagawang magbalat-kayo bilang si Rivon? Halos matuptop at napahawak ako sa aking bibig nang masilayan ang tunay na katauhan ni Rivon. Kahit sila ay halos mabigla at manlaki ang mata sa ginawa ng babae.
"Valerie?!" hindi makapaniwalang sabi ni Quade. "B-Bakit...bakit ikaw."
"Everything happens for a reason, right, Xavien?" Tumingin siya sa huli at ngumisi.
Matalim na nakatingin si Xavien sa kanya at balak na nitong saktan ang babae pero patuloy lang ako sa pagpigil sa kanya habang nakahawak sa braso ko.
"The way you manipulate everyone, especially Amie," she added.
"A-Anong ibig mong sabihin," pilit kong saad kahit na takot na takot na ako. Hindi pa rin naalis ang nakatutok na barl sa amin. Bahagya pa itong tumawa ng ubod nang lakas at muling naging seryoso matapos ng ilang segundong pagtawa.
"So, you don't know all along," she said, playing an innocent smile like how she plays the Rivon character.
"Stop it, Valerie!" sigaw ni Quade sa kanya pero hindi nito tinapunan ng tingin ang lalaki. "Pinapahamak mo lang lalo ang sarili mo!"
"You should be the one who is scared, Valerie. The first day that we met, I knew something was off. It's because eyes can tell everything; they don't lie, and I knew it!" Xavien exclaimed.
"Well done. Your deduction is right, but something is always missing," she said calmly as if there was no chaos around her.
I felt her fingertips touch my skin and play an innocent smile again. "There's another side that you don't know, Amie. Since you've stepped foot in that school," she mumbled.
"They know you, Amie. Since the very start, hindi mo ba naisip ang lahat kung bakit ka nakapasa sa entrance exam with a perfect score? Kung paano nila iniiwasan ang mga tanong na bumabagabag sa 'yo? At kung paano ka nila tratuhin na kaibigan habang ang malaking sikreto ay nasa harapan mo na pala," she said.
"Itigil mo na toh, Valerie. Hindi siya maniniwala sa 'yo!" sigaw ni Athena. "Kahit ano pang sabihin mo hindi makikinig sa 'yo si Amie!"
I looked her in the eyes. Kahit isa sa kanila ay walang bakas ng pagkabigla sa sinabi ni Rivon. They already know and they hid the truth since the beginning of our friendship.
What the damn hell?!
"H-Hindi ako naniniwala," I protested.
Kahit na sinabi ko ito parang ipinapahiwatig sa akin ng isip ko na maniwala ako sa sinasabi niya and if she's tell the damn truth, hindi ko na alam ang gagawin ko.
I thought all of them could be trusted, but I was wrong. I've been manipulated for so long that I didn't notice every detail of their lying in front of me, and how they laugh with me, knowing that the truth that I'm eager to know is correct in front of me—all of them straight in the face.
Gusto kong magwala, sumigaw at tumakbo pero putangina bakit hindi ko magawa?!
"If I'm lying to you, why don't you ask your fake friends?"Quade cut her off.
"I said stop, Valerie!" muling sigaw ni Quade ngunit hindi nakinig sa kanya ang babae.
"If you're siding with me, Quade you know it's better for her to know the truth-para magising na siya sa katotohanan dahil sa simula pa lang ay niloloko niyo na siya!" bulyaw ni Valerie.
Piniglas ko ang pagkapit ni Xavien sa aking kamay. Nakayuko ako at nagsisimulang magbagsakan ang mga luha sa mga mata ko.
"S-Sabihin mong hindi iyon totoo, Xavien. Please...sabihin mo," pagmamakaawa kong sambit sa kanya.
His lips curve and his eyes start to build up the tears. Lumunok ito ng madiin sabay tingin sa mga mata ko.
Napakagat ako nang ibabang labi habang hinihintay ang kanyang sagot at sa hindi malamang dahilan patuloy na nagbadya ang luha sa mga mata ko na parang alam na ang sagot sa tanong.
"I'm...sorry," he mumbled.
I get it now. Kaya pala biglang nag-iba ang ihip ng hangin, kung bakit sila naging mabait sa 'kin at ang pagtrato ni Chase na parang walang bangayan na nangyari.
They all know it. Fuck!
Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko at napahawak na lang ako ng madiin, itinulak ko siya papalayo. They're right; the truth is always painful and hard to swallow, but it always comes to light. I have never seen such lies in his eyes. I know there is a reason behind it, and it could be more painful to endure.
"Sorry, Amie for not saying it. Alam kong magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo. I tried to lie to you by being a hot headed when I'm around you. Para hindi mo mahalata na matagal na kitang kilala, I didn't mean to hurt you that way—"
"But you did, Xavien!" pagtataas ko ng boses sa kanya. Kinuyom ko ng madiin ang aking kamay at matalim na tumingin sa kanya. "You fucking did hurt me! And you succeed in hurting me deep in my soul. I thought you were a friend, but lies will always fall beneath you, and I regret trusting you...many times."
"I-I regret loving you, Xavien," I uttered.
Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa aking mga mata at nang subukak niya akong hawakan ay mas lalo ko lang siyang itinulak papalayo.
"I lied to you and they all know it," Xavien said. Mas lalo pang kumirot ang puso ko sa sinabi niya and I can't take it anymore.
Indeed, a lie is a lie. Hindi na maitatama pa ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali at kasinungalingan na ginawa niya, it's too much for me to endure-akala ko si Valerie lang...pero pare-parehas lang silang lahat.
"Now that you know the truth, what will you do?" Muling sumilay ang ngiti ni Valerie nang tanungin ako.
Nang magtama ang tingin ko sa kanya ay ibinaba niya ang hawak na baril. Aakmang ibibigay niya na ito sa akin ng biglang isang malakas na putok ang narinig namin at kitang-kita ko sa harapan kung paano sumigaw si Valerie dahil tumama sa kanyang kanang balikat ang baril.
Napasinghap ito at mahigpit na hinawakan ang baril saka lumingon at laking gulat ko ng makita ko sa hindi kalayuan ang isang pigura ng lalaki na may hawak na baril.
Theorem?!
Nang itapat ni Valerie sa lalaki ang kanyang baril at ipuputok na niya sans ito sy mabilis na hinigit ni Xavien sñang baril sa kanya upang hindi tamaan si Theorem at halos napapikit ako nang biglang pumutok ang baril na hawak ni Valerie sa pagdilat ko ay nakita kong nakahandusay na sa harapan ko si Xavien, duguan at may tama ng bala sa dibdib.
Fuck! No.
Agad akong lumapit at inalalayan ang kanyang ulo. Nagsisimulang bumulwak dugo sa kanyang bibig pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa akin. I immediately caressed his cheeks. I know he didn't tell me the truth but GOD! Please I don't want any of them die tonight at hindi ko kakayanin kung isa sa kanila ang masasaktan pa.
"Larken!" sigaw ni Athena, hindi kalayuan kung nasaan kami.
Litong-lito sila kung sino ang uunahin na tutulungan dahil bumagsak si Larken at duguan ang ulo nito.
Fuck! Bakit ngayon pa at dalawa pa sila?!
I cupped Xavien's face at marahang inalog dahil hindi na ito dumidilat na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. I felt hot liquids streaming down my cheeks, mabilis na nakalayo paalis si Valerie habang si Chase naman ay hinabol ito.
No! Shit, bakit niya pa hinabol ang babaeng iyon! She's literally a demonic psychopath and attention seeker. Mabilis na lumapit si Quade sa akin at tinulungan na buhatin si Xavien, ayaw ko man siyang iwanan pero kailangan kong pigilan si Chase dahil kung hindi tiyak akong madadamay pa siya.
Kahit na hinang-hina na ako sa nangyari ngayon ay pasuray-suray akong tumakbo hanggang sa maabutan ko si Chase. Bakit niya pa kasi kailanga sundan ang pesteng babaeng iyon. Ang tigas talaga ng bungo ng lalaking ito!
"Chase!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya ako naririnig. Hanggang sa magkalapit kami at hinigit ang kamay niya, mabilis ako nitong tinutukan ng hawak niyang baril pero agad din nitong ibinaba ng makita ako.
"Why'd you follow me, it's dangerous!" sambit niya sa akin. For the second time, bigla na lang akong nakarinig muli ng isang clicking sound at nang igawi ko ang tingin pakanan, nakatapat na pala kay Chase ang baril ni Valerie.
"Itigil mo na toh Valerie!" pagmamakaawa ko. "Please...we can talk about this, tutulungan ka namin." She seems unbothered by what I said and didn't even care to listen.
"I didn't take my revenge here for nothing, Amie. Wala ka nga talagang pinagkaiba sa ama mo, both of you are stubborn!" she exclaimed.
What?! How does she know my father?
Bago pa man mapaputok ni Valerie ang hawak na baril ay isang malakas na paghampas ng bakal ang narinig ko dahilan para ito'y humandusay sa sahig.
"That's what you deserve, bitch!" Athena exclaimed at hinawi nito ang kanyang buhok na nasa bibig na.
Mabilis na pinosasan ni Zeiro ang babae at ikinarga ito na parang isang bata. "Ako na ang bahala sa kanya, puntahan niyo na si Xavien, don't forget to call the police and an ambulance they need medical help!" sambit niya.
Pabalik na sana kami sa loob ng makaramdam ako ng hilo bigla akong napakapit sa braso ni Chase at napahinto sa paglalakad. Mukhang hindi na talaga kaya ng katawan ko at buti na lang ay nasalo ako ni Chase bago pa man ako tuluyang malaglag. I felt his fingertips trying to tap me many times. Naaninag ko pa ang kanyang mukha pero tuluyan na rin itong naglaho ng marahang bumaba ang talukap ng mga mata ko and eventually I lost consciousness.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
PAGMULAT ko nang aking mga mata ay nadatnan ko ang sarili na nakahiga sa kama. Malalim akong huminga bago igawi ang tingin sa paligid at nakita kong tumayo ang isang lalaki at lumapit ito sa akin.
"Okay ka na ba?" Zeiro asked.
"D-Do I look okay to you?" I sarcastically said. Sinamaan naman ako ng tingin nito.
"I'm serious, Amie. I was worried when we saw you unconscious while Chase holding your warm body," he mutted with a soft voice. He was really concerned about me.
Akala ko ay ipapakita niya pa rin ang pagiging masungit niya matapos ng nangyaring gulo.
"I'm okay but a little dizzy right now," I replied.
"Amie! I'm glad you're awake, dear." sambit ng Mommy ni Xavien at Chase. "How do you feel?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
I remember how my mom used to worried about me when I was younger, konting dapa ko lang at nagkakasugat ay grabe na ang pag-aalala niya. Kapag naman may sakit ako ay todo alaga siya hanggang sa mawala ang mataas na lagnat ko. Sa sobrang pagaalala niya, kulang na lang ay itakbo agad ako sa hospital kahit hindi naman gano'n kataas ang lagnat ko.
"O-Okay na po ako," I said and smiled.
"S-Si Xavien po pala, kailangan ko siyang puntahan."
Kahit nanghihina pa ako ay pinilit ko na tumayo at maglakad pero pinigilan ako ni Zeiro.
"It's better for you to rest. Xavien is okay, and he's alive, so you have nothing to worry about," he said and gave me a reassuring smile.
"Sila Quade at Athena nasaan?" I asked.
"Ano ba! Ako na nga sabi maghahawak ang kulit mo eh!" Nakarinig kami ng dalawang aso't pusang nag-aaway kaya napatingin ako sa direksyon ng dalawang loko.
"Ako na nga bida-bida ka eh-Amie gising ka na pala!" Parehas silang napatingin sa akin at mabilis na pumasok ng silid at niyakap ako.
"Binilhan ka namin ng prutas para magkaroon ka ng lakas, saka chicken curry na paborito mong kainin," sabi ni Quade at ngumiti sa akin.
"Bes, ayos ka na ba talaga? May masakit pa ba sa 'yo? Gusto mo ba imasahe ko ang ulo mo o hindi kaya ang kamay mo?" tanong ni Athena. Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses.
I shook my head. "Hindi na kailangan, malakas na ako," aniya ko. May konting pagsisinungaling sa sinabi ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko hanggang ngayon.
Bigla na lamang bumalik ang lahat ng nangyari kanina lang at nagsimula na nga silang magkwentong dalawa ni Quade, nag-away pa nga ang sila kung sino ang unang magsasalita kaya natawa ako. Kalaunan ay nalaman kong kamakailan lang nila nalaman ang patungkol sa akin.
Hindi dahil isinikreto nila ito sa akin, iyon ay para sa kaligtasan ko dahil kapag nalaman ni Rivon-este Valerie na kilala na ako ni Xavien noon pa ay baka maging advantage niya ito sa mga plano niya and she did, Xavien expected her to say it.
Napansin ko rin na ang V-A-L na nahanap sa mga biktima ay hindi Valmoris kung hindi isang secret code ni Valerie para patayin ako, pero hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano. Sa ngayon, nasa custody na siya at hawak na ni Detective Mori ang kanyang kaso. Kailangan pa naming tumestigo kapag gumaling na kami dahil kailangan nila ang buong detalyeas, kasama na ang naging plano ni Xavien.
Hindi nga lang ito nagtagumpay na pigilan at komprontahin si Valerie dahil nalaman na nilang siya ang pumatay sa limang biktima, at nalaman ko na rin ang totoo.
Halos magalit pa raw ng husto ang mga magulang ng mga estudyante nang lumabas sa media ang nangyari, pero hindi ito nakaapekto sa reputasyon ng eskwelahan at na-handle ng maayos ng sekretarya ang lahat ng naging gusot.
I must say that I didn't expect how everything would turn out, and it's the biggest plot twist in our lives.
Nang gumaling si Xavien ay paulit-ulit itong nagpaliwanag at nag-sorry, buti na lang ay nagpakumbaba ako at inintindi kung bakit niya ito ginawa. He's doing it for my safety and it's enough for me to trust him again.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
"HAPPY legality, Chase!" bati naming lahat sa kanya at binuksan ang wine bilang pagsisimula ng pagsasalo. Juice lang ang ininom ko dahil bawal pa ako sa mga alcoholic beverages.
Masaya naming sinalubong ang kaarawan ni Chase, kahit na medyo huli na ito dahil naging busy ang lahat. Pati kami ni Xavien sa isang kasong nahawakan namin.
Dalawang linggo na ang nakakaraan matapos ang insidenteng iyon at masaya naman kaming simple lang ang naging handaan ni Chase. Isang minion cake lang at party hat ay sapat na.
"Nasa legal age ka na, dude pwede ka nang makulong," sambit ni Larken at napahalakhak kami.
"Siraulo ka talaga!" asik ni Chase habang tumatawa pa. "By the way, how was the case last week? Did you find the killer?"
Napatingin kaming dalawa ni Xavien. "Yup, medyo nahirapan lang kami pero nagawa pa rin siyang hulihin. Thanks to Theorem at mabilis itong tumakbo para mahuli ang killer," Xavien stated.
"So, kasama niyo na pala si Theorem. I thought you didn't like him?" sagot ni Chase. Nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa habang hawak ang basong may orange juice.
"At first, but he really is a big help to us in this case," Xavien said and gazed at him. "Nasaktuhan lang na nandun siya sa crime scene dahil napadaan, but I bet he is there to help us."
"How about the girl, what happened to her?" muling tanong ni Chase kaya napatingin kami ni Xavien sa isa't-isa.
"Everything is clear. We don't need to worry about her," Larken said, chugging his orange juice. Inubos ko na rin ang akin.
Nang matapos ang lahat ay sumakay na ako sa kotse ni Xavien dahil siya ang maghahatid sa akin pabalik sa dormitory ng Amethy High. Para sa kaligtasan ko ay siya na ang maghahatid-sundo sa akin kung saan ko man nais pumunta.
"I have a gift for you," he said while driving. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.
"Gift? Hindi ko pa naman birthday ah," aniya ko.
"It's a personal gift and I know you will like it," wika niya. "Check the backseat nandiyan sa gilid ang regalo ko."
Mabilis naman akong lumingon at nakita ang isang box na may pulang laso na nakabalot dito, medyo may kalakihan din ito.
"Huwag mo munang buksan, you can open it once we get there at kapag naihatid na kita sa kuwarto mo."
Tumango naman ako sa kanya. Mabilis itong nagmaneho at buti na lang ay hindi ma-traffic sa dinaraan namin kaya mabilis kaming nakabalik sa Amethy High at pagkatapos niya akong ihatid sa dormitory sy dali-dali kong tinanggal ang pulang laso at tumambad sa akin ang isang papel?
Why'd he gave me a piece of paper? Hindi lang ito basta papel dahil mahaba ito at nang buksan ko pa ito ay nakita kong may iba't-ibang letra na nakasulat dito. Hindi na ako nagdalawang-isip na i-decode ito dahil madali lang. Alam ko na ang cipher na ginamit, plus may secret pa siyang iniwan na lalong nagpadali.
XAVIEN AMORES
Z-X-C
A-A-A
I-V-N
Q-I-I
G-E-C
B-N-O
U-A-U
D-M-R
H-O-T
P-R-Y
S-E-O
M-S-U
L-X-O
N-A-N
X-V-C
M-I-E
E-E-A
T-N-G
A-A-A
U-M-I
B-O-N
Awtomatikong umawang ang aking labi ng mabasa ang code na para sa akin. Halos hindi maitago ang kilig na nararamdaman at napadapa na lang sa aking kama habang gumugulong-gulong.
"Can I court you once again," I uttered.
Knowing how sweet his love languages, alam na alam niya talaga kung paano kunin ang puso ng isang babae na katulad ko, and I'm so lucky that I met him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top