CHAPTER 47: OPERATION: PROTECT AMIE

Xavien

Nakarating sa amin ang nangyari sa girls dormitory dahil naging usapan agad ito nang mga nasa kabilang kuwarto kaya't mabilis naming tinungo ni Larken at Quade ang pinangyarihan.

"May babae raw na namatay sa girls dormitory," sambit ng huli nang madatnan naming mabilis na naglalakad. Agad ko itong hinigit at tinanong.

"Do you know who it is?" I asked.

He shook his head. "Hindi 'eh pero may hinala ako na isa sa mga estudyante rito sa Crimson High, unang beses na may nangyari na ganitong insidente," aniya pa.

Nang maka-akyat kami sa ikatlong palapag makikitang sobrang dami ng tao at kumpol-kumpol sila sa isang kuwarto. Nakita ko ang tatlong pigura ng babae at nang magtama ang tingin namin ni Amie ay agad ako nitong hinila.

"A girl named Sally just suicide earlier at kararating lang ng kanyang kaibigan nang matagpuan niya itong wala nang buhay," paliwanag ni Amie. "Do you think suicide ang nangyari?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil wala pa namang kumpirmasyon kung isa nga ba itong suicide or murder.

"I'll call Detective Mori right away," I said. Kinuha ko ang cellphone saka i-di-nial ang phone number ni Mori agad din naman itong sumagot. "We need you here Detective."

Makaraan ang kalahating oras ay mabilis na rumesponde ang mga pulis, crime investigator at ambulansya. Sobrang dami pa ring tao ang nakikiusyoso sa nangyari, kaya't medyo nahirapang mailabas ang bangkay ni Sally. Hindi naman maiwaksi ang tingin ni Amie sa babae dahil sa sinapit nito.

Bago pa ito dalhin palabas ay mabilis kong sinuri ang kanyang katawan. Walang bakas ng marka ang kanyang kamay, pero may pasa ang kaliwang binti at paa. May sugat din na natamo sa kanyang ulo pero hindi ito gaanong halata.

"N-No! Hindi siya nagpakamatay!"

Biglang sigaw ng kung sino kaya't napalingon ako. Isang pigura ng lalaki ang lumapit sa akin, mas matangkad ako ng kaunti sa kanya, pero malaki naman ang katawan nito dahil halata sa kanyang braso.

"Paano ka nakakasiguro riyan?" I firmly asked.

"Ang sabi ni Sally sa akin ay may kukunin lang siyang gamit kaya siya bumalik sa dormitoryo," saad niya. Nagbabadyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Sana pala ay hindi na ako pumayag na umakyat siya sa kuwarto kung ganito pala ang sasapitin niya."

"Totoo ang sinasabi ni Rolly, kung nagpakamatay nga si Sally bakit wala siyang suicide note na iniwan?" aniya ng babae at nagpakilalang si Cecilia Macapagal, isa sa mga kaibigan ng namatay.

"Malaki ang posibilidad na murder ang nangyari," sambit ni Detective Mori.

Mabilis naming sinuri ang loob ng kuwarto, malinis ang buong silid pero ang nakapagpukaw sa atensyon ko ay ang isang basong may lamang tubig na naiwan sa mesa. Dali-dali kong tinawag si Cecilia para tanungin ito kahit na natatakot ay nagawa niya pa rin ma pumasok sa loob.

"Masasabi mo ba sa 'kin kung anong huling ginawa ni Sally?" tanong ko. It wouldn't make sense at first since wala siya no'ng bago pa mangyari ang pagkamatay ni Sally, it would be my advantage to know if they're telling the truth.

Napakunot-noo ang babae sa tinanong ko pero agad din naman siyang tumugon. "H-Hindi ko po alam, basta pagpasok ko sa silid niya ay nakasabit na ang katawan niya kaya nagulat ako at nagsisisigaw."

Mabilis itong kinuhaan ng retrato ng mga crime investigator, bago ko sinuri. Isa pang napansin ko ay walang markang naiwan sa leeg ni Sally, hindi kaya pakulo lang ang lahat ng ito at pinalabas na isang suicide?

Walang suicide note na iniwan ang biktima at isa ito sa unang ipinagtataka naming lahat.

Sigurado ang lalaki na hindi nagpakamatay si Sally. Inaasahan na ba niya na mangyayari ito kaya umeksena siya kanina? I only have one deduction and I'm not sure if I'm right, but I'll reveal it once I found a loophole in their alibi.

Some of my theories and deductions are always right at base sa angulong nakikita ko isang murder case nga ito, pero hindi pa r'yan natatapos ang lahat dahil kailangan ko ng isang matibay na ebidensya.

"Mga anong oras niyo narinig ang sigaw ni Melody?" tanong ko kay Amie. Napaangat naman ito ng tingin sa akin habang sinusuri ang iba pang pwedeng maging ebidensya sa loob ng silid.

"Kanina lang mga bandang 12:35," sagot niya. Nasa Room 310 sila at nasa 307 naman kami ngayon kung saan nangyari ang pagkamatay ni Sally.

"Teka? Isa nga ba itong murder case?" muling tanong ni Amie. Lumapit pa ito sa akin ay bahagyanh yumuko para walang makarinig.

"Sa ngayon ay hindi ko pa masisigurado ang lahat hanggat walang matibay na ebidensyang nagpapatunay na isang pagpatay nga ito," sambit ko at hininaan ang aking boses.

"There's one way to find out if this is a murder case," aniya ko. "In the monitoring room." Wala na kaming sinayang pa na oras at agad na nagtungo roon.

Pagdating namin ay sinalubong kami ng isang security guard na nasa edad 40's na at dahil sa tulong ni Detective Mori ay pinahintulutan kaming tingnan ang footage malapit sa kuwarto at ilang saglit nga ay makikita sa footage bandang 11:57 nang pumasok si Sally sa kanyang kuwarto hawak-hawak ang kanyang gamit, pero makalipas ang ilang minuto ay wala kaming nakitang tao na pumasok at lumabas.

Narinig namin ang malakas na sigaw ni Melody na hudyat na may nangyari na nga.

"There's no other people who entered her room, marahil nga ay isang suicide ito," wika ko. Even if I declared to them that it was suicide, I'm still not convinced.

"Why don't you check again the footage, may napansin ako," sabi ni Rolly na ikinapukaw ng atensyon naming lahat kahit na ag security guard ay napatingin.

"Kung titingnan bandang 12:03 ay biglang nag-jump ang timestamp into 12:12, hindi ba nakapagtataka ito?" dagdag pa ni Rolly. He's right masyado kaming naka-focus kanina kaya't hindi namin masyadong napansin ang oras dahil hindi naman ito gumagalaw at wala masyadong taong dumaraan no'ng mga oras na iyon, pero hindi mahahalatang

"Wala po bang pumasok dito kanina, manong bandang 12:05 PM?" I asked.

Napakamot sa ulo ang lalaki nang tumingin sa akin. "Galing kasi ako sa banyo kanina lang at saktong lunch break ng kasama ko kaya walang bantay kanina," sambit nito.

"He or she took advantage of it para galawin ang CCTV footage ng dormitory, hindi niya kayang mag-isang gawin ito kaya nakakatiyak akong may kasabwat siya," wika ni Amie.

"Kasabwat?!" hindi makapaniwalang bulyaw ni Rolly.

Lalong lumawak ang teorya at pagsusuri ko sa kasong ito. Sino naman kaya ang kasabwat nito sa pagpatay kay Sally?

Pinatawag lahat ni Detective Mori ang tatlong estudyante kanina na nagsalita, kasama na si Melody bilang prime suspect namin. Wala akong tiwala sa babae sa una pa lang dahil nang suriin ko ang screen ay napalinga-linga pa siya na parang may hinahanap, bago nito buksan ang pintuan at makitang wala nang buhay si Sally.

Learin Sally Agustin, 20 years old at isang athlete student. Sinabi kanina ni Rolly na may kukunin lang ang dalaga sa kanyang kuwarto at kinumpirma ng lalaki na gym bag ang kukunin nito dahil naiwan niya nang magsimula ang ikalawang laro na naganap kanina sa soccer field.

"Bakit ka pumunta sa kuwarto ni Sally no'ng mga oras na 'yun?" tanong ko kay Melody. Bakas ang kaba sa kanyang mukha pero nanatili na pa rin itong kalmado agad sa kabila ng tanong ko.

"Pinuntahan ko siya dahil siya na lang ang kulang sa amin. Magsisimula na ang laro kaya agad akong umakyat para tingnan siya pero hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko ng pinto ay makikita kong nakasabit na siya at wala nang buhay," paliwanag niya.

I already got the hint that I'm looking for and it's time to play their game. Kahit si Amie, Larken at Athena ay nagulat rin sa itinugon ng babae kaya't napaisip sila.

Lumapit ako kay Rolly at hinarap siya. "Ang sabi mo kanina kaya umakyat si Sally ay may kukunin siyang gamit hindi ba? Pero ang sabi naman ni Melody ay umakyat siya para tingnan si Sally dahil kanina pa ito hindi bumababa bago magsimula ang laro."

One of them is lying and telling the truth.

"Hindi! May tumawag kay Sally kanina kaya nag-excuse siya at sinabi nito may naiwan daw siyang gym bag sa loob kaya dali-dali itong nagpaalam sa amin na aakyat muna raw siya sa kuwarto," sambit ni Cecilia na pinagtaka naming lahat

Si Charles Rolly Aquino, Melody De Guzman at Cecilia Ameli Sandejas ang prime suspect namin at isa sa kanila ang hindi nagsasabi ng totoo.

Detective Mori immediately checked Sally's phones at tiningnan ang call history nito. May tatlong tao na tumawag sa kanya bandang 10:37, 11:02 at 11:55 kaya naman sinubukan naming tawagan ang huli nitong kausap at halos

nanlaki ang mga mata nila nang makitang nag-ring ang cellphone ni Melody.

"So, you're the killer," I said, and a mischievous smile appeared on my lips.

"H-Hindi ako, nagkakamali kayo! Tinawagan ko siya dahil kanina ko pa ito hinahanap, imposibleng ako ang pumatay kanya!" depensa ng babae. "Maniwala kayo!"

"Bago mo makita na nakasabit si Sally ay nakita ka sa CCTV footage na binuksan ang pintuan at tumambad sa 'yo ang kanyang katawan. Kung nasa baba ka ng mga oras na iyon, imposibleng makaakyat ka rito sa ikatlong palapag nang gano'n kabilis," I stated.

Bigla namutla at hindi makapagsalita ang babae sa itinuran ko sa kanya at humakbang naman si Larken papalapit sa akin.

"Isa sa mga napansin ko na makakapagpatunay na ikaw ang salarin ay ang doorknob sa loob," saad ni Larken.

Lumapit ito sa pintuan na para bang nagrerepresenta sa amin ng isang ebidensya.

"Dahil wala nang buhay na nadatnan mo si Sally hindi imposibleng wala kang ginawa at hindi lumabas ng mga oras na iyon at kapag nag-matched ang fingerprint mo sa doorknob tiyak na ikaw nga ang pumatay sa kanya," dagdag niya.

"Sa kuwartong ito, isa lang ang entrance at exit kaya kung may magtangka man na magnakaw o mangloob ay makikita agad ito sa CCTV at malalaman ang pagkakakilanlan nito," saad ni Amie.

May punto ang kanilang sinabi. Maliit ang bintana at sa mismong banyo lang mayroon at kapag tumakas siya ay wala siyang pupuntahan dahil mahuhulog lang siya rito. Tiniyak ko na tama nga ang sinasabi ni Amie kaya nagtungo kami sa banyo at nakitang maliit ang bintana, hindi rin kasya ang tao ro'n. Unless, may isang secret passage papunta sa kuwartong ito.

Bago pa ako lumabas ng silid ay may dumaang isang crime investigator. "Detective Mori may nakita po kami sa loob sa kabilang kuwarto ng magsuri kami," sambit ni Investigator Alex.

Nabasa ko ang pangalan sa itim niyang uniporme at mabilis naman namin siyang sinundan papunta sa kabilang kuwarto. Nagulat kaming lahat ng makita na nakabukas ang isang kabinet, pero sa loob nito ay isang maliit na pinto papasok sa kabilang kuwarto.

"Tama nga ang hinala ko! Si Melody nga ang pumatay kay Sally dahil siya ang taong nanunuluyan sa kuwartong ito," sambit ko.

Lahat sila ay napatingin sa babae at bakas ang galit sa mukha nito.

"Ikaw rin ang pumatay sa kanya Rolly, mas mabuti pang maglaglagan na lang tayong dalawa sa ginawa natin, kaysa magdusa akong mag-isa sa kulungan!" sigaw ni Melody. "Ikaw ang nag-tamper ng CCTV footage sa loob, habang wala kami kaya isa ka rin sa pumatay sa kanya!"

"Hayop ka! Akala ko ba magtutulungan tayong dalawa para makuha natin ang lahat ng mana ng magulang niya, pero isa ka rin pa lang ahas!" sigaw ni Rolly at tinutukan kaming lahat ng baril.

Bago pa man niya maiputok ang gatilyo ng baril ay bigla na lamang may lalaking sumunggab sa kanyang baril dahilan para mabitawan niya ito.

"Chase!" Amie exclaimed.

"I'm just watching his move from the start at hindi nga ako nagkamali na masamang tao ka. You dumbass bitch!" turan ni Chase at mabilis niyang hinigit sa pulis ang posas at siya na mismo ang gumawa nito.

Dahil sa nangyari ay pansamantalang hindi matutuloy ang palaro ngayon araw. Nakarating na rin sa Chancellor ng Crimson High ang nangyari, at nagpasalamat sa amin ito dahil malaki ang naging tulong namin sa maresolba agad ang kaso.

Two days have passed and our visiting is finally come to an end at Crimson High. Kahit na medyo hindi maganda ang kinalabasan noong unang araw namin, hindi naman matawaran ang ngiti sa mukha ng lima kong kasama. Habang nasa bus kami, puro kwentuhan at tsismis ang kanilang pinaguusapan. The joy was evident in their eyes when we got to Amethy High.

Bukang-bibig nila ang lahat ng nangyari do'n at kung paano kami nagwagi sa mga palaro, halos mainis na nga ang mga taga-Amores at Crimson High dahil hakot na hakot namin ang puntos sa buong visiting namin.

Maganda ang naging resulta kaya balak ngayon ng Chancellor na magpadala ng dalawang estudyante na magiging substitute dito upang mas ma-experience nila ang pagtuturo sa Crimson High at kung paano nga ba naging tanyag ang kanilang eskwelahan.

Weeks have passed and a week to go before the May ends, abala ang lahat sa magiging party ni Chase mamayang gabi. They are all thrilled about what will happen later at his party.

Biglang pumasok sa isip ko ang napag-usapang plano namin para mapa-amin si Rivon tungkol sa pagiging unknown student niya at isa lang ang paraan na naiisip ko ito ang komprontahin siya. She may look innocent on the outside, but a devil who wears a mask inside.

That's why it's hard for me to trust her and try to do a favor to Quade, so he can always assure that Amie is safe when Rivon is around her. Bawat galaw nito kasama ang babae ay bantay-sarado.

Unang tingin ko pa lang sa babae ay alam ko ng hindi siya mapagkakatiwalaan.

She has no records in this school, how was that even possible? A single information about her was like a bubble that pops in the air. Wala akong nahanap na impormasyon tungkol sa kanya kahit sa social media ay hindi nag-e-exist ang pangalan niya.

Who the hell is she?

"Nabalitaan mo na ba na ang tungkol sa limang estudyante na namatay sa Amethy kamakailan lang?" tanong ni Larken.

Nakabihis na rin ito dahil handa na kaming pumupunta sa party, parehas kaming nakasuot ng tuxedo. Kulay black nga lang ang akin, samantalang blue naman ang sa kanya dahil pinagpilitan niya na mas bagay daw ito. And I must say, he's lucky to have a handsome face. Dahil bumagay ang suot niya pati, na rin ang buhok nitong parang dinilaan ng baka.

I didn't put some gel on my hair dahil hindi bagay sa akin ang masyadong maayos na buhok. Baka mapagkamalan pa akong waiter sa party imbis na bisita.

"Dude, nabalitaan mo ba o hindi?" tanong muli ni Larken na mukhang nainis dahil hindi ko ito nasagot agad.

Tumango naman ako sa kanya. "I heard it and Theorem is in charge of that case, na-solve na ba nila ang kaso? I bet they didn't," sambit ko.

"Yep, hindi nga nila naresolba dahil hindi pa natutukoy ang taong gumawa nun," aniya at nagpatuloy sa pag-aayos habang nakatayo sa harap ng isang malaking salamin.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya, they didn't solve the case? If I could still remember, mas magaling si Theorem kaysa sa akin and his capacity of being a deductionist is beyond from what I expected.

Hindi lang siya basta matalinong estudyante. His critical thinking could identify the underlying assumptions, uncover biases, and assess the credibility and relevance of evidence in many cases.

Hindi lang siya tumingin sa kaso, pati na rin ang mga posibilidad nito sa iba't-ibang anggulo, at isa na r'yan ay kung paano mag-isip ang isang killer o kung ano ang magiging susunod na kilos nito matapos na mabunyag ang ginawang krimen.

"Kilala mo ba ang mga namatay na babae?" tanong ko muli.

Abala ito sa pagpapantay ng buhok niya kaya humalukipkip ako at hinintay siyang matapos muna. Wala na rin naman akong gagawin kung hindi ang hintayin siya.

"Oo kilala ko ang mga iyon dahil lagi ko silang nakakausap sa tuwing kailangan nila ng tulong ko sa mga project or presentation nila, sina Rhea Concepcion, Irish Domingo, Vanessa Jane Tan, Olivia Corazon, and Noemi Coleen Vargas," pagpapakilala niya sa limang babae.

"Lima silang namatay sa loob mismo ng kuwarto at ang nakapagtataka ay walang nakitang kahit na isang ebidensya o kung ano man ang ginamit ng salarin para patayin ang mga babae," aniya pa.

Sounds interesting.

Mukhang nakikipaglaro ang killer sa kanila at ayaw na malaman ang pagkakakilanlan nito. But something is not adding up to them, tila nahulog ako sa malalim na pag-iisip bago tanungin si Larken.

"Teka! Pakiulit nga ang mga pangalan na binanggit mo," sabi ko. Para kasing may nabuong salita sa isip ko ng marinig ko ang mga pangalan kaya sinigurado ko ulit na narinig ko ng buo ito.

"Sina Rhea, Irish, Vanessa, Olivia at Noemi. Tapos may nakita sila—" Napatigil siya sa pagsasalita.

"What the fuck?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko ng wala sa oras. "What time is it?"

"It's already seven o'clock, teka may problema ba?" he asked. Kumuha ako ng ballpen at papel saka isinulat ang nabuong salita halos matakpan ni Larken ang kanyang bibig ng makita ang isinulat ko

RHEA

IRISH

VANESSA

OLIVIA

NOEMI

"RIVON IS THE KILLER!" Larken exclaimed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top