CHAPTER 46: CRIMSON VS AMORES

Isang malakas na ingay ang bumungad sa buong dormitory. Halos mahulog ako sa kinahihigaan ko sa lakas ng ingay ng alarm ng campus.

Hindi ko alam kung para saan ito pero nakakainis!

Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas-sais pa lang ng umaga. Napayapos tuloy ako sa aking baywang ko sa lakas nang pagkakahulog ko.

Ang aga pa pero bakit ganito naman kalakas ang ingay? May sunog ba?

Kinusot ko ang aking mga mata bago tinungo ang pintuan at lahat ng estudyante ay napalabas din ng wala sa oras. Wala kaming ka alam-alam sa nangyayari ngayon hanggang sa bigla na lang itong tumigil at isang boses ng babae ang pumalit. Kilala ko ang boses na ito dahil siya ang nakita kong pumasok sa silid ni Mr.Morris at walang iba kung hindi si Secretary Keira.

"To all students, please proceed to Amethy High's Auditorium. We have an important announcement to make." Mas nakakatulig pa ang sinasabi ng babae sa speaker dahil paulit-ulit ito.

Lahat ng Amethy students ay ipinatawag sa auditorium para sa isang announcement. At ano naman kaya ang mahalagang sasabihin nila sa amin?

Sana lang ay magandang balita ito-Wait! Hindi kaya ang sasabihin nila sa amin ngayon ay nakalabas sa media ang mga nangyayaring pagpatay dito sa loob ng Amethy High? Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dsla ng kaba habang papalabas ako ng aking kuwarto.

"Good Morning, Amie!" bati sa akin ni Rivon nang magkasalubong kami sa unang palapag. Ngumiti ako at binati rin siya, sumunod na rin na nakita ko ang pigura ng tatlong lalaki nang magtungo kami sa gymnasium.

"What do we have here? An announcement to make?" Xavien muttered.

"Baka raw ipasasara na itong school, kurakot kasi ang mga Chancellor natin. Hindi kasi nila pinapaayos 'yung mga sirang electric fan at aircon," biro pa ni Larken.

"Omsim pare, wala pa rin ba silang balak na ayusin ang ilang sira ng room? Medyo nagkaroon ng bitak ang ilang silid dala ng lindol na tumama rito noong nakaraang taon," sabat ni Quade.

Agad naman kaming umakyat at humanap ng mauupuan, hanggang sa napuno na rin kalaunan ng mga estudyante ang buong auditorium namin at hindi na rin maiiwasan ang ingay.

"Sobrang aga naman ata nilang nagpatawag ng estudyante?" sabi ng isa kong kaklase na si Giselle.

"Kaya nga ano bang meron?"

"Hindi kaya tungkol ito sa issue natin?"

"OMG! Baka nakalabas na sa media!"

"Teka nga, titingin muna ako at makikichismis ng balita sa ibang section." Mula sa likod at harap, kaliwa't-kanan rin ang mga opinyon ng mga estudyante kung bakit kami biglang pinatawag ng Secretary ni Mr. Morris.

Napatingin ako sa aking relo habang humihikab pa. It's already past seven o'clock in the morning, and our chancellor is speaking in front of us while we are sitting.

"Good Morning everyone!" bati sa amin ng Chancellor. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

Matangkad ito at mukhang ngayon ko lang siyang nakita rito, nakasalamin pa habang nakasuot ng isang formal attire. Mukhang nasa 40's na rin ang kanyang edad tulad ni Mr. Morris. Ang akala ko nga ay si Secretary Keira ang magsasalita ngayon tungkol sa pagtawag sa amin ng ganito kaaga pero hindi pala.

"So, the announcement is there will be an early visit to Crimson High for upcoming events next school year," The Chancellor said. Parang mga bubuyog na naman ang mga estudyante dahil at puro bulungan ang bumalot dito.

May ilang natuwa at hindi sang-ayon sa sinabi ng Chancellor. Pero para sa akin ay maganda na rin na magkaroon kami ng early visiting sa ibat-ibang school.

Ganito rin ba kaya ang Crimson High? O mas maganda pa rito?

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang buong akala ko ay patungkol ito sa mga namatay na estudyante kamakailan lang, kung nagkataon nga na ito 'yun ay tiyak akong isa kami sa mga tatanungin ng mga reporter at baka makarating pa ang balitang ito kila Nova.

"The Chancellor is risking our lives in this school, ngayon pa lang ay sumasama na ang pakiramdam ko," saad ni Larken. "Parang ayoko ng pumunta."

"What? As in Crimson High?" hindi makapaniwalang sabi ni Quade.

"Crimson High is indeed a school of elites, mukhang mag-eenjoy ako sa magiging visiting trip natin," Xavien stated. Bumakas na naman sa kanyang labi ang malawak na ngiti at pagngisi nito.

As expected, wala na naman akong ka alam-alam sa mga sinasabi nila dahil ngayon ko lang narinig ang eskwelahan na ito.

Is it some kind of their rivalry school like Amores High? I hope it's not, because it would be a hell to us when we visit there.

"Everyone listen!" the chancellor said in his authoritative voice. "This visiting is mandatory, and if all of you do not follow the directions provided in the announcement wall, you will be expelled and will not be permitted to return to this school."

Lahat kami ay nagulat sa itinuran ng Chancellor at halo-halong opinyon na naman ang naririnig ko sa buong Auditorium, wala namang bakas ng pagkabahala sa mukha ni Xavien. Napatayo naman sa kinauupuan si Athena at hindi makapaniwala sa sinabi ng lalaki.

"The fuck? Gano'n na ba talaga sila kalala rito?" reklamo ni Athena. "Ugh, mukhang mapipilitan pa nga ako na sumama and I hope this trip will be worth it. Kung hindi ay isasako ko talaga ang Chancellor na yan." Napatawa na lang kami ni Rivon sa mga reklamo ni Athena.

"Alam mo hindi ka magsisisi kapag nakita mo na ang Crimson High students, sobrang daming gwapo at matatangkad pa!" wika ni Rivon at nagtilian naman ang dalawa sa harapan ko. Kapag usapang lalaki talaga ay hindi sila pahuhuling dalawa.

Lahat kami ay bumalik na rin sa campus pagkatapos ng announcement ng Chancellor. Naiwan kaming dalawa ni Xavien sa hallway at habang naglalakad ay bigla na lang nitong hinigit ang aking kamay kaya napalingon ako.

"M-May sasabihin ka ba?" I asked.

"I've been so busy lately that I'm handling some cases on my own and forgot to spend time with you," he said in a calm, soft voice.

"C-Can I date you for the second time?"

I was speechless. Although I knew him as a hot-headed jerk before, I could still see his character development throughout the school year. Being protective, caring, and concerned at the same time is his way of making me feel his love language.

I smiled at him. He looked into my eyes and waited for my response. I felt his soft fingertips touching my hands.

"If you say yes, then I would be glad, but it's okay if you reject it," he said.

"Yes-" I was stunned, and my eyes widened when he grasped his hand on my face, gently pulled my waist, and our lips suddenly touched.

It was a soft and delicate kiss that my eyes slowly closed and felt his warm breathe beneath his nostrils, he then parted his lips just to kiss me once again. Napahawak na lang ako sa kanyang mga balikat at ilang saglit lang nang maghiwalay ang basa naming mga labi ay unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.

This was the craziest moment of my life. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at para akong sasabog sa tuwa dahil sa halik na ginawa niya.

"Even if you rejected it, I would still kiss you, dummy," he said, being naughty again like he always does. He let out a genuine smile after that kiss, and so did I.

"Silly, Xavien." I chuckled.

"Amie..." he uttered my name, and I immediately looked into his eyes.

"Hmm?" I hummed and gently touched my lips. I could still taste his saliva after that kiss. Hinakawan niya ang kamay ko at huminga nang malalim bago magsalita.

"When I am with you, I always feel that I'm at peace. And no matter how I try not to think of you, your presence always comes around me, and that's when I realized that you're the person that I'm looking for, a person who can lend her shoulder when I'm in the midst of chaos," he mumbled.

My eyes couldn't take off him. Napalunok na lang ako ng madiin; I can't understand what I'm feeling right now, yet I continue looking at him.

"I now realize that I am at peace when I'm with you. It's always you, Amie. You are the peace I want and longed for." He then started gently hugging me as he pressed his soft body on me, and my heart couldn't stop beating faster.

If I'm dreaming right now, I don't want to ruin this beautiful scenery of my dream.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

GUMISING kami ni athena ng maaga para maghanda ng mga gamit namin.

My mind still focused on what happened yesterday, pagkatapos niya kasi akong halikan ay natulala lang ako sa harapan niya at napagpasyahan na bumalik agad sa dormitory.

Hindi ko sinabi kahit kanino ang nangyari-in short I'm not a kiss and tell person, pero ang naramdaman ko kahapon ng halikan niya ako ay nandito pa rin. I still giggle when the moment flash back in my mind.

I never thought about the feeling of kissing someone, especially the one who always gave me a headache the first day in the morning.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito kaya hindi na nga ako nagdalawang-isip sa kanya na pumayag na makipag-date siya ulit sa akin at mangyayari iyon pagkatapos ng pagpunta namin sa London. Ang sabi ko pa sa kanya ay bakit hindi na lang do'n, pero ipinaliwanag niya sa amin na hindi raw basta bakasyon ang ipinunta namin doon, kung hindi ay isang vacation investigation case kasama si Mr. Morris.

"Amie! May nakalimutan pa ba tayong gamit?" tanong ni Athena nang sulyapan ko ito ng tingin. "Kanina pa ako nagtatanong pero hindi ka sumasagot. Tulala ka na naman ba?"

Binigyan ako nito ng masamang tingin habang inaayos at isinasara na ang gamit namin.

"Oo na, wala naman na tayong nakalimutan," wika ko. "Tara na at baka mawalan pa tayo ng puwesto kapag dumating ang service bus natin."

Bumaba na kami dala ang mabibigat na mga gamit. Mas lamang pa ang make-up at skincare kits na dala namin, kaysa sa mga damit at ibat-ibang essential na kailangan namin sa trip na ito.

Hindi naman kasi ako ang nag-ayos nun, pero wala na rin naman akong nagawa dahil baka mahuli pa kami at ma-doble pa ang oras kakaayos ng gamit.

At dahil three days trip ito at bawal kaming tumanggi, napagpasyahan ng lahat na sumama na rin. Kaysa naman pare-parehas pang maapektuhan ang grade namin dahil lang sa hindi pagsama sa visiting trip sa Crimson High.

"Ang sarap talagang ilagay sa sako ng Chancellor, ginawa ba namang mandatory ang pagpunta roon!" inis na sambit ni Athena.

"Calm down, Athena. I hope this trip would be worth it, atsaka marami ding guwapo dun, 'di ba?" sabi ko para lang matanggal ang inis sa mukha niya at napalitan nga ito ng malawak na ngiti.

Landi talaga!

"Iyan, kapag guwapo ang usapan ang laki ng ngiti sa labi mo," asar ni Quade na kararating lang. Sobrang aga pa at halos hindi pa sumisilay ang malaking bola ng araw sa kalangitan pero iniinis na niya agad si Athena.

Napabuntong-hininga na lang talaga ako at ayoko nang dagdagan pa ang stress sa buhay ko kaya hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar ni Quade kay Athena.

Kagabi nga pala ay nag-search ako patungkol sa eskwelahan na ito at laking gulat ko nang mapansin na isa rin pala ito sa mga prehistiyosong eskwelahan na kilala sa buong bansa at pili lang din ang mga estudyante ang kanilang pinipili.

May mga estudyanteng anak ng mayayaman na politiko o hindi kaya ay mga anak ng tanyag na tao pagdating sa negosyo, mayroon din naman akong nakitang mga anak ng artista at marami pang iba. Laking gulat ko pa ng makita ang tution fee sa magarbong eskwelahan na ito, it's like all of the students there are class and well-known elites; the people who have the most wealth and status in a society. If I would compare Amethy to Crimson it was far from what I expected at ayoko ng pag-usapan pa iyon.

Nagkakahalaga lang naman ng fifty to one hundred million pesos ang bayad dito para makapag-aral ka ng isang buong taon. Katumbas na nito ang halaga ng nagastos ng pamilya ko sa pagpapa-aral sa akin at sobra-sobra pa nga ito.

"Did you sleep well?" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nang iniangat ko ang tingin sa matangkad na lalaki na nasa gilid ko ay binigyan ko ito ng matamis na ngiti.

"Yes, pero dahil maaga tayo kailangan ko pa ng konting oras para matulog," sambit ko at todo hikab pa sa kanyang harapan.

"Then put your head on my shoulders, I'll stay with you until we get to Crimson High," he said.

Bago pa ako makapagsalita ay kumawala na sa aking tiyan ang mga paru-paro. Pinipigilan ko ang kilig na nararamdaman ko para hindi niya mahalata. Binigyan ko lamang siya ng pahapyaw na ngiti.

Ilang saglit nga lang, dumating na ang ng service bus na kanina pa namin hinihintay. May oras pa naman kami para dumaan sa Canteen at saglit na kumain, pati ang ibang mga estudyante ay 'yun na rin ang inuna dahil naiinip na sila.

Nang dumating na ang limang malalaking pulang bus ay agad na namin inilagay sa malaking compartment ang dala naming gamit at ang natira ay ilalagay na lang namin sa loob kung saan mayroong compartment sa taas ng ulo namin.

Pagpasok pa lang namin ay dumampi na agad sa balat ko ang malamig na hangin na galing sa aircon. Naglakad kami at mas pinili ang upuan na malapit sa dulo.

Naupo ako sa window seat at katabi si Xavien. Sa harapan namin ay sina Rivon at Athena, sa likod naman ay ang dalawang loko na si Larken at Quade.

Zeiro wouldn't make it. Masaya sana kung nandito siya ngayon pero nag-iwan na lang ito ng isang excuse letter na agad ko rin namang inabot sa magiging proctor namin ngayon para sa buong visiting trip namin.

Habang umaandar ang bus ay inabutan ako ni Xavien ng jacket, dahil naka-sleeveless lang ako ay gininaw lang ako sa lamig ng aircon sa loob. Ibinalot nito ang kanyang jacket sa aking katawan, at marahan ko namang isinandal ang aking ulo para makatulog saglit dahil panay na ang hikab ko kanina pa. Pagpikit pa lang ng aking mga mata ay napalalim na ang pagtulog ko.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"NANDITO na tayo." I heard Xavien's calming voice at tinapik ako nito. Gising na ako pero tinatamad pa akong dumilat at parang kulang pa yata ang tulog ko.

Muli ako nitong tinapik at iminulat ko na nga ang aking mga mata at tinulungan naman ako nitong tumayo. Nang hawiin ko ang maliit na kurtina ay mukhang nasa destinasyon na nga kami.

Is this Crimson High?

Nalaki ang mga mata namin ng makita ang entrance ng eskwelahan, it was supported with technology that allows to automatically opened and it also has an I'd recognition for school's privacy matter.

Hindi ko aakalain na ganito pala kalawak at kaganda ang Crimson High, kung titingnan kasi sa mga litrato online ay masasabi kong magkasing-laki lang ang eskwelahan ng Amethy High. But people always change their thoughts or opinion when they see their own eyes the real or truth in front of them.

Isa-isa ng pumarada ang kasunod naming bus at naghahanda na kami para bumaba kaua hinatak ko na ang gamit namin sa itaas na compartment.

Number one ang bus namin kaya nauna kaming makarating at makababa rito. Pagbukas pa lang ng pintuan ng bus ay nagmamadali agad silang itapak ang mga paa sa lupa para masilayan ang ganda ng eskwelahan.

Ang ikinaganda pa rito ay bago ka pumasok sa campus nila ay mababa mo agad ang malaking bagay na nakalagay sa harapan ng campus, ito ay ang Crimson High School at nakaukit pa ng kulay pula sa bawat letra nito.

Malaki ito at kasing laki ng kalating katawan ng isang tao, at nakaukit rin sa itaas ng gate ang pangalan ng eskwelahan bago kami pumasok sa loob.

"I must say that this school is way better than Amethy High," sambit ni Athena. Sang-ayon naman ako sa kanyang sinabi dahil kahit sina Rivon, Larken at Xavien ay hindi maalis ang tingin sa bawat sulok ng paaralan.

Bukod sa magagandang library ay nagninigning rin ang mga mata namin sa loob ng malawak nilang Cafeteria na kasya ang mahigit isaang daang tao sa loob, at mga mga pagkain nito na mas sosyal pa kaysa sa mga restaurant na nakikita namin dahil marami silang kinuhang personal chef na siyang nangangasiwa sa lahat ng kakanin ng mga estudyante sa eskwelahang ito.

"Parang gusto kong mag-transfer dito," pabirong sabi ni Larken.

"Dude, 'wag! Iiwan mo na ba kami?" aniya ni Quade at iniyakap siya.

Inalis naman agad ni Larken ang nakapalupot na kamay ng huli dahil sa inis.

Sunod na nagtungo kami sa ibat-ibang silid at masasabi kong malaki nga ang kaibahan ng eskwelahan na ito kumapara sa Amethy High.

May sarili rin silang locker. Ang kanilang desk na kung titingnan ay pwede itong gawing storage o mga gamit mo sa school dahil malaki ang space sa loob nito, time-consuming din at convenient dahil hindi mo na kailangan dalhin lahat ng gamit mo. Pwede mo itong itabi sa loob ng desk mo na may personal nameplate pa sa loob.

Napagpasyahan na naming bumaba at pumunta sa malawak na soccer field kung saan ito ang likod ng Crimson High, at mukhang dito madalas ginagawa ang mga extra curricular activities tuwing may pasok.

"Unlucky you, the jerk is here," biro ni Larken nang hawakan nito ang aking balikat.

"What?!" I exclaimed. "Pati ang mga taga-Amores High nandito rin?"

"Yep, they're probably also invited to our mandatory early visiting in this school," Quade sarcastically said, emphasizing the word "Mandatory" in his voice.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Chase ay hindi ko maiwasang mailang at iwasan siya dahil naalala ko pa rin ang kanyang sinabi sa akin. He just confessed to me-and now Xavien is trying to make a move to me by kissing me.

Is this somehow related? I know there's a reason he kissed me yesterday. Is he jealous? Or has something happened to both of them that I don't know of?

Binalot ang utak ko ng puro tanong kaya medyo nahilo ako at napasandal sa balikat ni Xavien.

"Okay ka lang? Do you need some water?" he asked. Bakas naman ang pag-aalala sa mukha nito.

"I'm okay, medyo nahilo lang ng kaunti," aniya ko and gave him a reassuring smile that I'm really okay, pero dahil makulit ang lalaking ito ay binigyan niya pa rin ako ng tubig na maiinom.

"Keep yourself hydrated because later, your energy will eventually be lost after the activities we will be playing today," he said.

Natapon ko ng kaunti ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya. "Activities?!" I exclaimed.

Akala ko ba visiting lang ang gagawin namin dito? Bakit parang isang curricular activities ang ipapagawa sa amin?

"Most of them are mind-games activities, so you'll enjoy it anyway," Xavien replied.

Tama naman siya sa sinabi niya pero parang ibang usapan na kung maglalaro kami ngayon.

Wait! then we must compete to Amores High?! Kaya ba sila nandito ngayon dahil isa sila sa makakalaban namin?

Parang mauulit na naman ang nangyari noongnakaraang taon kung saan kalaban namin ang Amores High sa ibat-ibang activitiesat ang kaibahan lang ngayon ay may mga Crimson High students din kaming kalaban.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

MAMAYA pa naman ang simula nang laro eksaktong alas-diyes ng umaga kaya napagpasyahan ko na maglakad muna sa loob ng campus at tumingin sa ibat-ibang silid nito.

Marami nga akong nakasalubong na mga Crimison's students at gulat na gulat sila dahil nakasuot ako ng uniporme ng Amethy High, kaya hindi ko maiwasang mailang habang naglalakad.

Habang naglilibot ako mag-isa rito sa Crimson High ay napadpad ako sa silid na puro club. Papasok sana ako sa isang silid nang may mabangga akong babse na nagmamadaling lumabas at hawak ang mga papel na dala niya at dahil natapon ito sa sahig ay agad ko siyang tinulungan na pulutin ang mga ito.

"Sorry po, ate! Nagmamadali po kasi ako," aniya ng babae.

Maikli ang buhok nito na kulay kayumanggi pero namumutawi ang ganda ng kanyang buhok, matangos rin ang kanyang ilong at may magagandang bilugang mga mata. And I must say that her beauty is an eye-catching style to every students here.

Nabasa ko ang papel na pinupulot nito at mukhang naghahanap sila ngayon ng miyembro sa kanilang-detective club?

"Wait! May detective club pala dito?" I asked. Hindi ko aakalain na ang isang prestigious school na ito ay pinayagan na magkaroon ng isang ganitong club.

"Opo, Novera Club. Bagong club lang po kami," sagot ng babae at inabot ko sa kanya ang mga nahulog na papel. "Detective clubs are not that popular in this school, especially to elite ones, unless they need some sort of help and that's why my friend convinced me to join and build this club."

Ngumiti ako sa kanya at tiningnan siya sa magaganda nitong kulay tsokolateng mata. "Keep it up, eventually marami rin ang magnanais na sumali sa club niyo and you'll be busy somehow with a lot of cases on your plates," aniya ko.

"Sana nga po..." Her voice trailed off.

In Amethy High, we are popular because of how Xavien's keep his reputation and name in that school.

Kaya nga mas nakilala na ako ng maraming estudyante. I've been relevant to them this past few months, hindi lang sa school namin pati na rin sa rivalry nito na naging laman din kami ng usapan ni Xavien sa eskwelahan ni Chase.

Sinabi pa nga sa akin ni Chase na halos wala raw silang bukang bibig sa silid nila puro kami at naiirita na raw siya sa dami nilang tanong sa kanya kung may namamagitan ba raw sa aming dalawa.

"Ako nga po pala si Avriel," pagpapakilala niya at matamis na nguniti sa akin. "Mauna na ako. Nice meeting you po, bye!" She bid her goodbye at mabilis ring naglaho ang kanyang pigura sa harapan ko.

Napakunot-noo ako. "Her face reminds me of someone."

Hindi ko lang maalala sa isip ko pero alam kong may pagkakahawig angmukha niya sa isang babae na nakita ko na. Naglakad na ako pabalik sa soccerfield dahil baka hinahanap na nila ako.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

NANG makabalik ay sobrang dami nang estudyante ang nagpupulong pulomg ngayon. Nakapagpalit na rin ako ng batch shirt namin para mas makilala kami ng proctor, malamang sa dami ng estudyante kung magkakalituhan talaga.

Kulay asul ang batch shirt namin kung saan nakatatak ang pangalan ng school sa likod at sa gilid naman sa harapan ang pangalan. Kulay orange naman ang palatandaan sa Amores High, samantalang kulay pula nalan ang sa Crimson High.

"Okay everyone listen here!" sigaw ng proctor at nilakasan ang kanyang boses upang marinig ng lahat kaya sa kanya napukol ang atensyon namin. "The game will begin once you pick your own poison, ang bawat isa sa inyo ay malayang makapamili ng gusto ninyong laruin at nasa kamay niyo na ang kapalaran na manalo, so you better do your best to win."

Para na namang bubuyog na tumutulig sa tainga ko ang bawat ingay ng estudyante. Mukhang lahat naman sila ay excited nang maglaro para sa araw na ito, at para sa 'kin, sa tingin ko ay mauubos ang enerhiya ko sa mga larong ito.

"An elite is an elite, they will never win against us. Not a single chance," sambit ng lalaking naka-kulay pulang t-shirt. Kahit na medyo malayo ito ay naaninag ko ang kanyang pangalan.

Exodus is his name. Kasing tangkad ito ni Xavien at medyo payat, nakasuot ng salamin na parang isang nerd, he's just like me before but the way how he talks earlier is a sign that he's never let himself get lost in the game. If this is a matter of life and death, hindi ko sasayangin na matalo ako sa laro.

Nasa gitna ang row naming mga taga-Amethy High, sa kaliwa ang Amores at sa kanan ang Crimson.

Hindi pa nagsisimula ang laro pero parang dumadagundong na ang puso ko sa kaba. Alam kong laro lang ito pero sa puntong ito ang bawat panalo ay laging may kaakibat na kapalit.

"You can group yourself into seven to ten members, and once you have your own team, you can now pick your poison," the proctor announced. The points can be converted into foods that you want, and we don't limit their quantity, so you can pick unlimited foods that you want in our Cafeteria for free."

Mas lalong lumakas ang ungay ng mga estudyante kumapara kanina, kahit ako ay natuwa sa magandang inalok ng proctor. Well that's how rich their Schools are, unlimited foods isn't a big deal.

Kasama kong naging member ng group sina Xavien, Larken, Quade, Rivon at Athena. Anim na kami at apat na lang kulang sa team namin.

"Is your team available?" The man asked. Nang magtama ang tingin namin ay ginawaran ako nito ng pagngisiat hindi ko inaasahan na lalapit ang lalaking ito sa amin.

"I'm Exodus, the president of Crimson High," he said. Nagulat kaming lahat sa kanyang itinuran, I never expect seeing someone with a high position in this school pero ngayon ay ang president pa mismo ang lumapit sa amin.

"Pwede ba kaming sumali sa inyo?" magiliw na saad ng babaeng kasama niya.

Hindi ko alam na pwede pala ang kulay pulang buhok dito sa Crimson High? Sa ibang school kasi na napasukan ko ay mahigpit sa kanila pagdating sa buhok, lalo na ang pagpapakulay nito na hindi akma sa rules and regulations ng eskwelahan.

"Sure, everyone is always welcome and available, ako nga pala si Athena. At sila ang mga kaibigan ko," aniya.

"I also want to join here."

Napatingin kaming tatlong babae sa pinanggagalingan ng boses na iyon at lumapit ito sa amin.

I just sighed. Akala ko ay hindi siya magpaparamdam sa amin buong visiting trip, and now he's here.

"Buti naman at naisipan mong sumali, I thought your joining one of the elites there," Xavien stated.

"I joined them but I already changed my mind. Alam kong hindi magpapatalo ang grupo niyo, kaya naisipan ko na ring sumali," he replied.

"Isa na lang ang kulang sa grupo natin," aniya ko. Ilang saglit lang ay may babaeng lumapit sa amin na kasing tangkad ko lang pero parang mahiyain ito.

"H-Hi pwedeng magtanong kung available-" I cut her off.

"Yes, you can join us. Sakto at kulang kami ng isa," wika ko at ngumiti sa kanya.

Nagpakilala naman kaming lahat sa kanila at matapon nun ay isa-isa na kaming pumunta sa napili naming laro. Sinalubong kami ng isang guro na nasa edad-30's mukhang isa siya sa mga nagtuturo dito sa Crimson High.

"Welcome, and thank you for participating, but first, let me introduce myself. My name is Henry Zian Villafuerte," he said. Our first game today is "Guess the Murderer," and the team that wins this challenge will get a hundred points."

"I told you this was going to be exciting," Xavien mumbled and gave a mischievous smile.

I sighed. How was this going to be fun kung sila lang ang may gustong maglaro, I want other games, si Athena ay abalang naglalaro ng Volleyball, si Larken naman ay nasa loob at sumali sa isang chess activities, si Quade ay sumali sa Archery kaya kaming dalawa ni Xavien ang naiwan para maglaro sa dito. Ang dalaaa naman na mula sa Crimson ay sumali sa Archery.

"We just need your deduction, that's it! And if you manage to guess it right, the points will be credited to your team," the instructor stated. Hindi ko maipaliwanag ang ngiti sa labi nito at parang kakaiba na nakakailang kung tingnan.

"Then what are we waiting for? Let the deduction begin!" Xavien exclaimed.

Sinundan namin ang instructor kung saan ito patungo at habang naglalakad kami ay kasabay namin mula sa hindi kalayuan ang ibang team, mukhang sila ang makakalaban namin ngayon.

Ako, si Xavien, at si Exodus lang ang tanging pumunta rito para maglaro. Habang dalawang lalaki at dalawang babae naman ang makakalaban namin.

Ang isa ay mukhang matalino kagaya ni Xavien, mas matangkad lang ito ng kaunti sa kanya at mukhang hindi friendly dahil sa titig nito sa amin na parang kinamumuhiaan niya ang mga tao, kabaligtaran naman nito ang isang lalaking kasama niya.

"Hi! Miss beautiful, I'm Lexus Xantiel Cameron," Pagpapakilala ng lalaki sa akin at iginawad ko naman ang aking kamay sa kanya. Like I said, he's the opposite of the man beside him.

Ang buong akala ko ay masusungit ang mga estudyante rito pero ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay parang mas makulay pa ang buhay sa akin king ngumiti, maihahalintulad ko siya sa ugali ni Larken.

"Mga kaibigan ko nga pala, Si Agatha, Rio and Vlare." Kumaway sila sa amin pero itong si Rio ay halos walang ganang kinawayan kami.

"Ako nga pala si Amie, at itong mga kasama ko naman ay sina Xavien at Exodus," aniya ko.

Nang makapasok na kaming lahat sa silid ay bumungad sa amin ang isang malaking screen kung saan may limang mukha ang nakalagay.

"Are you ready to guess the murder?"

The instructor said with a wide smile. Tumango naman kaming lahat sa kanya. "So, let'shave fun in this game, good luck!"

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"THE game will now commence."

"All you need to do is find out who's the murderer and if your deduction is right, a hundred points will be credited to the winning team," muling sambit ng proctor namin sa isang malaking speaker na nasa magkabilang ding-ding ng silid.

Lumitaw sa isang malaking screen ang pigura ng limang tao na nakita namin sa profile kanina. Ito'y sina Chris, Leona, Patrick, Amerie at Steven.

Ang unang lalaki ay si Chris na nakasuot ng itim na sobrero at naka-jacket, kahina-hinala ang kilos nito pero nang kumatok ito ay pinagbuksan siya ng isang babae at ito namay ay si Leona.

Maikli ang buhok ng babae, maganda ang pangangatawan niya at kung titingnan sa profile niya na nasa edad 30's na. Hindi halata sa kanyang mukha.

Pinapasok nito ang lalaki at makikita sa screen na siya na lang ang taong hinihintay dahil kanina pa nasa loob sina Steven, Amerie at Patrick.

Mukhang may kaunting pagsasalo salo sila sa isang hapag-kainan. Mag-asawa ang dalawa na sina Steven at Amerie, samantalang kapatid naman ni Leona ang tatlong lalaking kasama niya sa hapag.

May mga dala silang pagkain, ang kay Cris ay dalawang tube ng ice cream, samantalang sina Steven at Amerie naman ay Palabok at Lechon, si Patrick ay ibat-ibang uri ng kape ang kanyang dala na galing pa mismo sa ibang bansa at isa ito sa mga gusto ni Leona kaya iyon ang una nitong kinuha.

Iniabot ni Patrick ang isang tasa ng kape sa kanyang kapatid na si Leona habang si Amerie naman ay abalang kumakain ng Palabok, si Chris naman ay umiinom lang din ng kape at hinihintay silang matapos, kahit kaunti ay hindi niya ginalaw ang pagkain na inihanda. Habang si Patrick ay nilalamutakan ang dalang ice cream ni Cris.

Mahigit sampung minuto na silang kumakain. Puro tungkol sa business ang kanilang pinag-uusapan at patuloy lang ang kanilang pagtatawanan at kwentuhan ng kanilang mga buhay sa isa't-isa.

Nang matapos sila ay bigla na lamang napag-usapan ang tungkol sa will and testament ng kanilang Papa.

Natahimik ang buong bahay habang hinintay ang sagot ng kanilang kapatid at nang ibunyag ni Leona na wala sa kanilang magkakapatid ang makakakuha ng kayamanan ng kanilang ama. Halos nanlaki ang mga mata ng tatlong lalaki sa gulat at napatayo pa.

Para tuloy kaming nanonood ng isang teleserye o movie at kailangan naming alamin kung sino ang pumatay sa kanilang ama.

"What the fuck, Leona?! Pinapunta mo kami ng ganitong oras para lang sabihin na hindi mapupunta sa amin ang mana ni Papa!" Steven exclaimed. Pinigilan naman siya ng kanyang asawa pero ipiniglas nito ang kanyang kamay.

"Steven calm down," aniya ni Cris.

"I need to go to the bathroom," Patrick said at ibinaba ang kubyertos na hawak niya.

Makikita sa mukha ni Steven ang pagkadismaya ng malaman ang sinabi ni Leona. Galit na galit itong tumingin sa babae at lalapitan niya na sana ang kanyang asawa na si Amerie para umalis na ng bahay nang bigla na lang nahulog ang tasa ng kape na iniinom ni Leona at bumagsak ito sa sahig.

Lahat sila ay nagulat sa nangyari at agad na tinulungan ang babae, pinipilit gisingin ni Cris si Leona pero hindi ito gumagalaw hanggang sa tiningnan nito ang palapulsuhan ng babae at bakas ang magkahalong takot at gulat sa kanyang mga mata.

"Leona is...dead." Cris declared.

Tumawag si Amerie ng ambulansya at pulis and they quickly arrived at the crime scene, isang matandang pulis ang nag inspeksyon sa namatay na biktima.

The next scene is shot in the interrogation room, and all of them are suspects and need to be questioned by the police. The inspector named Fabiel is the one who interrogates them.

"The victim died due to poisoning," Inspector Fabiel said. "That poison was discovered in all of the foods you brought and offered to her."

Kung pagbabasihan ang nasa video ay mas kahina-hinala si Patrick dahil umalis ito bago pa may nangyari kay Leona habang sina Cris, Steven at Amerie ay nasa hapag pa rin.

"What are your motives to kill the victim? Alam kong dahil iyon sa will ang testament, pero may mas malalim pa na dahil dun kung bakit isa sa inyo ang gumawa nun sa kanya," dagdag ni Inspector Fabiel.

"Hindi ako ang pumatay kay Leona, alam kong may tampuhan kaming dalawa noon pa pero hindi ito hahantong sa ganitong klaseng krimen!" Steven exclaimed. "Sakim kaming lahat pagdating sa pera pero alam ni Leona na hindi ki kayang gawin iyon sa kanya kahit na inahas ng asawa niya ang asawa ko.

Sumunod na ipinatawag ay si Amerie. Isa siya sa mga secretary ng kumapanyang pagmamay-ari ng ama mg kanyang asawa kaya't alam niya ang lahat patungkol sa kumpanya pati na rin ang will af testament na kayang nakita sa office ni ama ni Steven.

"W-Wala po kaming kasalanan sa pagkamatay niya, nasa hapag lang kami at kumakain nang matapos iyon ay nagkagulo na tungkol sa will and testament, noon pa ay gusto na ng papa niya na baguhin ang family constitution para mapunta kay steven ang kumpanya pero ang mga kapatid nito, lalo na si Leona ay hindi sang-ayon," sambit ni Amerie.

"Salamat sa iyong kooperasyon. Makakalabas ka na," aniya ng inspector.

Sunod na pinatawag ay si Cris.

"Wala akong motibo para patayin ang kapatid ko, mabait siya at mapagmahal sa amin pero nag-iba ang kanyang ugali ng malaman nito na may relasyon ang kanyang boyfriend na si Paul kay Amerie," wika ni Cris.

"Ilang buwan ang naging relasyon nilang dalawa?" tanong ni Inspector Fabiel.

"Mahigit dalawang taon rin kaya nagkasagutan si Papa at si Steven. Dahil walang siyang tiwala ay hindi nito pinaniwalaan ang sinabi ni Papa sa kanya, kaya napilitan itong umalis sa mansyon," sagot ni Cris. Ang huling kinausap ay walang iba kung hindi si Patrick.

Palinga-linga ito at halos hindi mapakali sa kinauupuan. "W-Wala akong alam sa sinasabi niyo," he uttered. "Hindi ako ang pumatay kay Leona, alam kong mahigpit isang taon rin kaming hindi nagkita pero wala akong rason para kasuklaman siya at patayin ng dahil lang sa will and testament nang Papa."

Pagkatapos ng paglilitis sa kanilang apat ay bigla na lamang nagkulay puti ang buong screen at lumabas ang mga profile ng biktima.

GUESS THE MURDERER

CRIS
SUSPECT 1

STEVEN
SUSPECT 2

AMERIE
SUSPECT 3

PATRICK
SUSPECT 4

PICK YOUR POISON

"I already know who's the killer."

Napatalon ako sa gulat ng magsalita sa likuran ko si Rio.

"I also know how the killer did the crime," Xavien stated.

"Isn't it obvious na si Patrick ang pumatay?" tanong ni Vlare. "Sa una pa lang ay suspicious na siya kahit nung tinatanong siya ng inspector."

"Actually, he's just an accomplice to the crime," sambit ni Xavien.

"Accomplice?" we said in unison.

Ang naiisip ko lang na salarin ay si Amerie, kung titingnan kasi sa bawat anggulo ng video ay siya lang ang naiiba sa lahat at sa huli pa pinakita na isa siya sa mga secretary ng kumapanya na hawak ng kanilang ama.

"Yep, a simple but suspicious accomplice of the suspect," Exodus said. I might think that behind all of that is Amerie."

"So, who do you think is the murderer? Pick your poison now..." sabi ng instructor mula sa speaker.

Kaming tatlong magkakampi ay pinili si Amerie, pati na rin si Xantiel. Samantalang sina Agatha, Vlare at Rio ay pinili si Patrick. Sabay-sabay naming pinindot ang screen at ilang saglit lang ay lumabas ang resulta at ang dalawang killer.

KILLER:
AMERIE SAN JOSE

ACCOMPLICE:
PATRICK LUIGI VERANO

Nagulat ako nang tama ang hula naming apat kung sino ang pumatay kay Leona, pero paano niya nagawang patayin ang babae kung nasa hapag lang siya kanina? 'Yan ang tanong na hindi ko masagot sa isip ko kanina pa.

If I were her, what would be my motive for killing Leona?

"What? But how we didn't notice that it was her?" Agatha asked in confusion.

She was indeed confidence in her answer earlier pero nag-iba rin ang ihip ng hangin matapos makita ang profile ng dalawang killer sa screen.

STATE YOUR DEDUCTION

"You only have ten minutes to state your deduction and your answer will start now," the instructor announced.

Iyon ang huling nakalagay sa screen at kailangan namin itong sagutin sa loob lamang ng sampung minuto upang manalo kami sa larong ito. Nauna nang magsalita si Xantiel bago pa maibuka ni Xavien ang kanyang bibig.

"Based in the autopsy report, isang poisoning ang nangyari at gumamit si Amerie ng tinatawag na Arsenic or the King of Poison, siya ang taong unang nakakaalam tungkol sa will and testament ng ama ni Steven, kaya sigurado siya na malaking pag-aari ang mapupunta sa kanyang asawa at sa kanya pero dahil sakim siya ay gumawa siya ng paraan para patayin si Leona ng hindi nito nalalaman."

Huminga ito nang malalim at itinuro ang video matapos nitong i-rewind, kung saan makikitang nagsasalo-salo ang magkakapatid.

"If we look at the video ay magkatabi lang ang mag-asawa at katapat nila si Leona at Patrick habang nasa gitna naman si Cris, alam ni Patrick ang balak na gawin ni Amerie dahil may namamagitan sa kanilang dalawa, isa pa ay dahil sa kaba niya ay nagmukha talaga siyang killer sa una pa lang," mahabang litanya ni Xantiel.

"Your theory about that may be correct somehow but if we look closely makikita natin na habang kumakain sila kanina pasimpleng nilagyan ni Amerie nang lason ang kape ni Leona bago pa man inabot ni Patrick sa kanyang kapatid ito," sambit ni Exodus.

Shit! Then that's the missing piece of evidence we're looking for kanina pa at siya lamang ang nakapansin nun dahil nang inulit niya ang video ay mapapansing may itinakip si Amerie na isang puting panyo sa maliit na tasa.

"At matapos sabihin ni Leona ang patungkol sa will and testament ay do'n na pumunta si Patrick sa banyo na nakapagtataka dahil alam na niyang mamamatay sa lason ang kanyang kapatid," dagdag ni Exodus.

"When we look at the other side of that story, we can vividly tell that Amerie took advantage of Leona. If she knows about the will and testament, marami siyang oras para planuhin ang kanyang gagawing krimen. But she showed up at their house with smiles and innocent faces." Dumako tingin nito sa aming kalaban. "Xantiel was right about how Amerie planned to mix the poison in her coffee, but he's lacking something," Xavien stated and stopped for a second when he closely looked at the rewind video.

"Kung titingnan ay sabay nga na pumasok ang mag-asawa at si Patrick, that's because Patrick tried to stop Amerie from her evil plan, but the girl manipulates him and tries to blackmail at do'n na niya ginawa ang plano by playing innocent and putting the poison on Leona's coffee," Xavien added.

I stepped forward when I heard what Xantiel had said earlier. "Parang pamilyar na sa akin ang Arsenic; if I can remember that this poisoning happens whenever large doses of Arsenic are ingested or consumed. It has similarities to other heavy metal poisonings, such as mercury and lead poisoning. If the poisoning is not treated quickly, it can lead to significant complications and even death," mahabang litanya ko.

"At kung ihahambing ito sa ginawa ni Amerie, Leona suddenly poison a minute after she drank the coffee, at hindi lang yan. Sa una pa lang ay bakit binigyan ni Patrick si Leona ng kape? Kahit na paborito niya ito ay mas pipiliin niya pa dapat na siya ang magtimpla nito, and one of the conclusion that I can think of is alam na ni Leona ang plano ni Amerie sa simula pa lang, since wala silang makukuhang mana, wala ring magiging silbi ang bahay na tinitirhan nila kung pati ito'y ibebenta nila," dagdag ko pa.

"Amie is right, sa simula pa lang ay kalmado na si Leona matapos na malaman nila ang tungkol sa will and testament, because she knows their move at kung ano pa ang mga balak nilang gawin sa kapatid. She knows what they're capable of," aniya ni Agatha.

"One last thing, isa-isa silang nagdala ng sarili nilang pagkain at marahil na isa itong babala na hindi nakita ni Leona, kahit alam niya ang plano ay sumakay pa rin ito na naging dahilan ng pagkamatay niya, in-short none of them deserved to inherit their father's property or wealth," wika ni Rio.

"Is that your final deduction?" tanong ng instructor at tumango naman kaming lahat.

Ilang saglit pa ay hinintay namin ang sagot ng instructor namin at sumilay agad ang ngiti sa mga labi naming lahat.

"Both of the teams won the game, congratulations!" the instructor announced. "The points will be credited as soon as you leave this room." Sa wakas at nakahinga na rin ako ng maluwag at tama nga kami ng hula na si Amerie ang pumatay.

"Easy as pie," Xavien uttered and formed a mischievous smile on her face.

Pagbukas pa lang namin ng pinto ay bumungad na sa amin sina Athena, Quade at Larken na mukhang inip na inip na kahihintay sa amin ni Xavien at Exodus.

"Bes, we won!" sambit ni Athena. I knew that she would won the game dahil magaling itong libero, I saw her always practicing her volleyball skills mukhang nag paid-off naman lahat ng ginawa niya.

"We also won the chess and Archery," wika ni Larken at nang iba pa naming ka-teammates.

Nang makabalik kaming sampu ay agad naming ibinigayang lahat ng puntos na nakuha namin, it's equivalent to 500 points atsobra-sobra pa nga ito dahil 100 points lang naman ang kailangan namin paramagkaroon kami ng unlimited foods ng tatlong araw.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"KAIN NA!" Larken said with a joyful smile as he bites the large chicken that he was holding. When they say unlimited foods, they are not joking dahil sa lawak at laki ng lamesa ay napuno na ito ng pagkain at pinagsaluhan din ito nang lahat.

Any foods that I can think of ay nandito na sa Canteen, kahit pa ang mga pang karinderya na pagkain ay available rito. Siyempre hindi naman mawawala ang paborito kong ulam sa tanghalian na adobo at chicken curry.

Hindi nga matanggal ang ngiti sa labi ko dahil alam kong hindi ako mauubusan ng pagkain at gano'n rin ang kanilang reaksyon, malalaking ngiti sa labi habang ngumunguya nang pagkain.

Matapos naming kumain ay nag-ayos na rin kami ng mga gamit at laking gulat ko ng makita kung gaano kalaki ang dormitory. Para na kaming nakatira sa isang five-star hotel. Ang kintab ng sahig, sobrang linis ng kuwarto at kumpleto na ang mga kailangan ko, simula sa make-up hanggang sa mga beauty and healthcare.

Sa loob ng banyo ay may isang nakalagay na emergency kit sa taas ng vanity at sa loob naman ng malaking vanity ay may ibat-ibang mga bagong gamit na pwede kong gamitin, tulad ng toothbrush, sabon at shampoo.

"Grabe sobrang ganda pala rito, kaya naman pala gano'n na lang kamahal ang school na ito," aniya ni Athena na kakapasok lang ng silid ko. Magkatabi lang ang kuwarto namin kaya hindi siya mahihirapan na hanapin ako.

Sa dami ba namang kuwarto rito ay mahihilo talaga ako. Wala pa kasing room number dahil bagong gawa lang itong dormitory, kaya medyo hirap ang mga estudyante rito. Syempre gumawa sila ng paraan at kanya-kanya silang lagay ng room number base sa bilang ng kuwarto mula sa baba hanggang sa ikalimang palapag ng dormitory.

"Grabe sobrang taas din pala nito kumpara sa atin," aniya pa ni Athena.

"Sinabi mo pa," sagot ko habang inaayos ang gamit ko.

"Ayoko nang umalis dito, pwede bang magpa-iwan na lang?" tanong ni Athena.

Binawian ko lang ito ng pagtawa dahil sa pamamaraan ng kanyang pagsabi, pero napalitan agad ito ng pagkagulat dahil sa narinig naming isang malakas na sigaw.

"Narinig mo ba 'yon?" Tila umalulong muli sa buong building ang malakas na sigaw na mas lalo pa naming ikinagulat ni Athena.

"HELP!"

Tuloy-tuloy ang sigaw nito kaya naman dali-dali kaming lumabas ng silid ni Athena at tiningnan kung ano ang nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top