CHAPTER 44: MYSTERY MURDERER

After that conversation with them, we headed back to Amethy High like nothing had happened. Nothing has changed, and they are still on the verge of doing it. I tried to intervene and stop their plan but to no avail. Even if I want to know the truth, I still feel guilty about how Rivon feels about it na parang siniraan namin siya.

I don't want her trust in us to ruin at gusto ko siyang kausapin patungkol sa plano namin, pero parang nag-iba ang ihip ng hangin kahapon habang nasa tapat ako ng kanyang kuwarto at kakatok na sana.

I stepped back and decided not to do it.

"Do you believe that she's lying to us all this time?" mahinang sambit ni Athena. "Paano kung hindi totoo ang hinala niyo sa kanya?"

Ibinaba ko ang librong hawak ko.

Nasa library kami ngayon at nagpapalipas oras lang and I'm currently reading a fiction novel of Conan Doyle's story called "The Boscombe Valley Mystery." Medyo naging interesting kasi sa akin ang istoryang ito at na-curious ako kaya hiniram ko kay Quade ang libro para basahin ngayon.

Matapos kong ibaba ang libro ay luminga-linga muna ako sa paligid ng silid. Buti na lang talaga ay kakaunti lang ang pumupunta rito sa Library kaya kampante ako na walang makakarinig sa mga sasabihin namin.

Isa pa, malayo ang pwesto ng librarian kaya hindi kami nito maririnig. Kahit na ang ibang estudyante ay malayo rin ang pagitan sa amin dahil kami lang ni Athena ang gumagamit ngayon nitong mahabang lamesa.

"Hindi ko pa naririnig ang side ni Rivon tungkol dito, but I'm planning to say it to her," I said.

"What?!" bulyaw nito na napalakas ang kanyang boses kaya ang ilang estudyante ay nagtinginan sa kanya.

"Lower your voice," I uttered.

"You're gonna tell her? Paano kung may masama siyang balak pagkatapos mo sabihin sa kanya? What if she's trying to interfere with your plan o hindi kaya ay alam niya ang lahat?"

She has a point, but I can't assure right now that all of her theory about it was right. Marami ng bumabagabag sa isip ko at kapag dumagdag pa iyan ay hindi ko na alam ang gagawin.

As of now, mas mabuting hindi ko pa sinasabi sa kanya and I know she would overreact if I say it.

"I don't have any idea how they're planning to bait her since she's the unknown student here. Wala rin siyang kahit anong records dito, kahit isang documents ay wala siyang ipinasa. I'm trying to think how she put on her mask to hide all of this," I said, lowering my voice.

"Mask? What mask are you guys talking about?" Muntikan na kaming mahulog sa kinauupuan naming dalawa ni Athena ng marinig namin ang boses ni Rivon.

"Uh...umm... It's a masquerade, Oo' yun nga!" pagdadahilan ni Athena.

Shit! Narinig niya ba ang pinag-uusapan naming dalawa kanina lang? Well I hope it's not, dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"Masquerade party?" kunot-noong tanong ni Rivon.

"Oo, may gaganapin ulit na masquerade party next school year, 'yun ang pinaguusapan namin ni Amie." Tumingin siya sa direksyon ko at pilit na ngumiti. 'di ba, Amie?"

Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa pagsisinungaling niya. Although it's kinda true that we will have a masquerade party again for our senior party next school year, pero pinag-isipan pa iyon at walang pang desisyon ang Chancellor tungkol dito.

"Well, sana makadalo ako sa party na gaganapin dahil sobrang busy ko lately at marami pa akong kailangan gawin kahit na bakasyon", aniya niya at umupo sa tabi ko.

"Bakit nga pala kayo nandito sa Library?" she curiously asked. Tila may bahid ng inis ang hitsura ngayon ni Athena at mukhang parehas lang din kami ng iniisip.

"Nagbabasa lang kami ng mga libro pero pabalik na rin kami sa dormitory kapag nandito na si Xavien," wika ko.

Habang inaayos ko ang aking pag-upo ay napatingin ako sa kanyang kamay dahil napansin kong may sugat siya. Maliit lang ito pero mukhang may galos siya, gano'n din sa kabilang kamay niya. At pinagwalang-bahala ko na lang ito.

"Why don't we head back to the girl's dormitory to change our clothes, gusto niyo bang mag-shopping ngayon?" she asked.

Lumawak naman ang ngiti sa labi ni Athena ng marinig ito. "Ano pang hinihintay niyo? Tara na," paanyaya ni Athena.

Tumayo ito at nanguna na sa pintuan na lumabas, sumunod na rin kami sa kanya. Kapag puro shopping at gala talaga ang usapan ay mas mabilis pa siya sa alas-kuwatro pero kapag tungkol sa ibang bagay ang pinag-uusapan ay para siyang pagong na laging pagod at yamot sa buhay.

Habang paakyat na kami ay isang lalaki ang bumangga sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil malakas iyon at napahawak ako sa balikat ko. Nang magtama ang tingin namin dalawa ay hinigpitaj niya ang kapit sa aking braso.

"Magdahan-dahan ka nga!" iritang sabi ni Athena.

Bumalik ito at muling umakyat sa hagdan at binigyan ako ng makahulugang tingin na parang may sasabihin ito.

"Y-You're Amie, right?" he asked.

Based on his facial expression parang may kung ano ang nangyari at isa pa ano ang ginagawa ng lalaking ito sa girls dormitory? Halos tumulo ang mga pawis nito sa kanyang damit na para bang may humabol sa kanya.

"Ako nga," wika ko. Tumango ako sa kanya saka lang nito binitawan ang kamay ko.

"My name is Dustin Veran, I'm the STEM counsil president," pagpapkilala niya. "Help us. May limang stem student na namatay sa loob ng kuwarto malapit sa kuwarto mo!" sagot niya.

Nagkatinginan kaming apat at nanlaki ang mga mata namin sa narinig. Dali-dali kaming umakyat para tingnan kung ano ang nangyari. Maraming mga babaeng estudyante ang nagkumpol-kumpol sa labas ng isang kuwarto.

Nakipagsiksikan pa kami para lang makita kung ano ang sinasabi ng lalaki at halos mapatakip ako nang bibig ng makita kong nalulunod sila sa sarili nilang dugo, kasabay ng bulong ng mga estudyante sa nangyari.

What the hell? Limang babae ang patay sa loob ng kuwarto at sa mismong dormitory pa?!

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

LIMANG babae ang nakitang walang buhay sa isangkuwarto. The first student was seen slumped at the desk with blood flowing downher face; the second student was seen dead in the bathroom; other students werealso seen lying in bed with blood, on the couch, and lastly, on the floor.

Isang oras ang lumipas bago nakarating ang mga pulis sa crime scene. Hindi na rin gaano marami ang estudyante na nakiki-usyoso dito, dahil pinagbawalan muna silang umakyat sa dorm. Kami naman ay pinayagan na tingnan ang kuwarto upang siyasatin ang nangyari.

Sinubukan kong tawagan si Xavien pero hindi nag-ring ang phone nito. Isang oras na rin ang lumipas, pero wala pa siya. This is the first time that I will try to solve a case without the help of Xavien, Larken or Quade-or even the two jerks.

I guess I'll be trying my own deduction based on this case. Katuwang ko naman ang dalawa sa kaso kaya hindi ako mahihirapan.

"Five murder, one killer? Sino naman kaya ang may lakas ng loob ang gumawa sa kanila nito?" hindi makapaniwalang sabi ni Athena.

"May pumasok raw na naka-cap at nakasuot na itim na jacket ang nakitang lumabas kanina bago namin nadatnang patay ang mga estudyante," wika ni Dustin.

"We should review the CCTV footage," I stated.

"We already reviewed the footage with the security guard's help." I heard a man's voice.

Malalim ito at medyo husky pero pamilyar sa akin ang tono ng boses niya na parang nagkita na kami noon. Nang magtama ang tingin namin ay hindi nga ako nagkamali kung sino ang nasa isip ko.

"Theorem?!" gulat kong sabi. Humakbang ito papalapit sa amin.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

I didn't expect to see him here and helping to solve the case.

"Yeah, that's my name. Detective Mori is busy with another case, so I'm the one who's in charge of this investigation," Theorem said.

"I'm also in charge by the way," Singit ni Inspector Alonzo na kadarating lang din.

"Inspector Alonzo, buti dumating po kayo. Busy po kasi si Xavien ngayon kaya wala siya para tulungan kami," I said.

"Ah, that little detective called me earlier dahil sa isang urgent case, pero ang sabi ko ay marami akong hawak na kaso ngayon," aniya.

"Nasaan na raw po siya?" I asked again. Dahil nga hindi pa ito bumabalik ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.

"Don't worry papunta na rin iyon, I know he can solve cases just by stating his deduction. Mukhang patapos na 'yun ngayon sa hawak niyang kaso," he answered. "Back to this case, may lead suspect na ba sa pagpatay sa limang estudyante?"

All of us shook our heads in response to his question. "We don't have a lead suspect yet because the killer is trying to hide his or her true identity," Theorem said.

Based on the case file na hawak ngayon ni Inspector Alonzo ay kinilala ang mga babaeng estudyante na si Rhea Concepcion, Irish Domingo, Vanessa Jane Tan, Olivia Corazon, and Noemi Coleen Vargas. All of them are from the STEM department. Pinatawag ni Inspector Alonzo ang lahat ng estudyanteng nandito kanina bago nangyari ang pagpatay para magbigay ng testimonya tungkol sa nangyari pero iilan lang ang pumunta.

Sina Liezel, Mayumi, Bernard at Rain lang ang tanging estudyante nakita sa CCTV footage kaya agad silang pinapunta para kausapin ni Inspector Alonzo. Unang nagsalita ay si Liezel na kaibigan ng isa sa mga pinatay.

"May group project po sila Rhea ngayon kaya pinatawag niya po ang lahat ng groupmates niya para tumulong sa paggawa ng project pero...hindi ko po inaasahan na may papatay sa kanila," sambit ng kaibigan ni Rhea at magsimula itong umiyak.

"Wala po kaming narinig na kahit na anong ingay o sigaw kaya nakapagtataka po ang pagpatay sa kanila," Sabat ni Bernard.

"May nakita po akong isang babae o lalaki kanina, hindi po ako sigurado dahil balot po ng itim ang kanyang suot. Nakita ko siyang palinga-linga at bigla na lamang po itong tumakbo pababa, at ilang minuto ay do'n napo namin nalaman na may pinatay po itong limang STEM student," mahabang lintanya ng babae.

"Wala naman pong kaaway o nakaalitan si Vanessa kaya mas nakapagtataka po kung bakit siya pinatay." Isa-isang kumawala sa mga mata niya ang luha.

"Salamat sa ko-operasyon niyong apat, makakabalik na kayo sa dorm niyo," sagot sa kanila ni Inspector Alonzo.

"Ano naman ang motibo ng killer para patayin ang mga inosenteng estudyante?" tanong ni Rivon.

"The killer doesn't have a motive because if we think out of the box, he or she wants our attention," Theorem said. Bakas ang pagkaseryoso sa kanyang boses.

Wala si Xavien ngayon pero parang siya naman ang pumalit sa kanya. I bet he's also good at deduction like the rest of the boys.

"Hindi siya basta-basta papatay ng limang estudyante, maybe he or she is plotting something?" aniya ni Rivon.

"Exactly!" Theorem replied. "We just have to find other evidence for now."

Agad kaming nagtungo sa loob ng kuwarto at sa hindi malamang dahilan, para akong nakakaramdam ng kakaiba. I can't explain it, pero pinagwalang-bahala ko lang ito.

Bakas sa buong pader at ibang sulok ng kuwarto ang mantsa ng dugo ng mga biktima. Rhea was found slumped on the desk, nang lumapit kami upang tingnan ang babasagin na mesa ay napansin kong may kaunting basag ito.

"Malakas ang pagkakahampas sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkamatay," I said. Bumaling naman ako sa ikalawang namatay na babae na si Irish domingo. Mukhang pagkalumod sa tubig ang kanyang ikinamatay dahil bukod sa dugo ay halos basa ang katawan nito.

"Imposibleng kayang gawin ng isang tao ito, lalo na kung hindi planado ang pagpatay," Athena said.

Pumasok ang STEM council president at lumapit sa amin. "Na-check ko na ang records ng student, there's no records of bullying or other stuff that students do. Sa tingin ko ay taga-labas ang gumawa nito at hindi nag-aaral dito," aniya.

"Did you double check all the files?" Theorem said. Parang hindi pa siya sigurado sa itinuran ng lalaki.

Tumango sa kanya ang huli. "I already double check it pero wala, kahit sa ibang strand ay walang records na na-guidance na estudyante sa taong ito. I'm pretty sure, he or she is not one of the students here," Dustin added.

"We can run some tests, and if the suspect's fingerprint matches one of the students in Amethy, we can track them. And might be the one who killed the five students."

"That's not going to be easy," Theorem said. "One of the detectives said there is no trace of hair or fingerprints. They already checked it earlier before we got in."

Tama siya wala ngang kahit anong bakas ng ebidensiya at malinis ang pagkakagawa ng krimen. Then, how can we solve this case if we don't have any lead suspect or evidence?

Mukhang mas naging mahirap pa sa akin ang kasong ito lalo na't wala so Xavien. Where the hell is he?

Tiningnan ko ang orasan, it's already past four. But he's still not here.

"Wait! Tingnan niyo 'to!" sambit sa amin ni Athena kaya napabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.

Nang tingnan namin ang kanyag ginagawa ay bigla na lamang siyang may dinukot sa bulsa ng isa sa mga namatay na estudyante at nang tingnan niya iyon ay napakunot-noo lang siya, saka ipinakita sa amin ang nahanap niyang isang lukot na papel.

"Letter V? Sounds interesting. The killer is trying to play a game on us," Theorem said.

"May nahanap rin ako!" Rivon exclaimed. Agad kaming lumapit sa kanya habang kinukuha ang isang papel na nakaipit mismo sa saradong kamay ni Noemi.

"Letter A?" kunot-noong sabi ko.

"This is a code," pagtitiyak ni Athena.

"I found the other letter," Theorem said and we all looked at him. Kung kanina ay nasa papel nakasulat ang mga letra ngayon ay halos manlaki ang mga mata namin dahil dugo ang pinanggamit nito.

"It's a letter...L" I uttered as my voice trailed off.

Could it be the-No! Sana mali ako ng iniisip...but the possibility behind this crime could be one of the Valmoris mafia?

Or someone is connected to this organization?

The worst part of solving a crime is when the killer doesn't want to kill but also wants to know how we solve it by playing on us. That's why a good detective needs to be conscious of their thinking, and that thinking needs to be an intentional process that leads us to forming reasonable grounds to identify and arrest the person responsible for the crime, but in our case, they are having fun. I know that person is just waiting to the right time. Ito na ata ang isa sa mga kasong nahawakan namin na hindi gano'n kadali.

No murder weapon, no fingerprint, no identity. Who are you, and why did you kill those innocent students?

If this is connected to other cases we have or the Valmoris mafia, it would be easy for us to identify the killer.

But now...the game and mystery are already starting.We need to find the killer as soon as possible.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

DAHIL sa nangyaring pagpatay sa limang estudyante kanina ay ipinagbabawal muna ang pagpunta sa ikatlong palapag ng building. Kaya wala akong choice kung hindi ang makitulog muna sa kuwarto ni Athena sa unang palapag ng dorm. Medyo naninindig pa rin ang balahibo ko hanggang ngayon dahil sa nakita kong mga patay na estudyante kanina.

It quickly flashed in my mind of what's the crime scene looks like earlier. Ang mas nakakatakot pa ay ang mga nakalap naming ebidensya na pwedeng maging tulay para matukoy kung sino ang salarin sa ginawang pagpatay nito sa limang estudyante.

Kinuha ko kay Larken ang cellphone number ni Chase at binigay rin naman agad ito ng huli. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit ko ito kinuha, kaya mabilis akong nakabalik sa dormitory habang dina-dial ang number ni Chase. Makaraan lang ang ilang segundo ay sinagot niya rin ang aking tawag.

"Why did you call? Miss me?" I heard his chuckle. Pasalamat siya at hindi ko siya kaharap ngayon dahil baka nasikmuraan ko na siya kung nagkataon.

"Meet me at the Cafeteria ASAP!" I remarked. Before he could talk on the other line, I immediately hung up.

I waited for him in the Cafeteria for almost half an hour. Naubos ko na nga ang in-order kong kape, pero hindi pa rin siya dumarating. Nang tumingin ako sa bintana ay naaninag ko ang isang pigurang papasok at sinamaan ko ang tingin sa kanya.

He smiled at me when our eyes met.

"Sorry for waiting." Agad nitong hinila ang upuan saka umupo. "I also have a business to do so make it quick."

Kakarating niya lang pero nagmamadali na siyang umalis?

"Parang mas importante pa yata ang pupuntahan mo, you can go now if you want." I replied. Sinungitan ko pa siya.

I don't want to be rude, but if that's how he perceives it based on the tone of my voice, then I don't care.

His business is always being a jerk to someone-especially the one he annoys the most and he knows who is that. Humalukipkip ako sa kanya pero binigay lang ako nito ng makahulugang tingin.

"Tell me, why did you change?" I asked. "Your actions lately are suspicious."

There's a hint of surprise in his microexpression pero agad din iyong nawala at napalitan ng pagkaseryoso.

Kahit sina Xavien, Larken, Athena at Quade ay nabigla sa naging pagiba ng kanyang ugali, dahil sanay kami na makita siyang masungit at laging mainit ang ulo sa tuwing magkikita kami. Kaya napapadalas din ang pagsikmura ko sa kanya because he's the worst enemy you can have.

"Amie, frankly, I really don't hate you. I just don't like your aura and presence when you're with me," Chase said. "Before, the old me could annoy you every day, but now..." Instead of a simple answer, he chuckled, and I waited for a few seconds.

Then why the hell did he act like we're close to each other? Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at wala namang bahid ng galit ito.

"Then explain me why-" Bago ko pa natuloy ang sasabihin ko ay nagulat ako sa lumabas sa kanyang bibig.

"I can't help but fall in love with you at the same time," he uttered. "I like you, and I know that there's no single chance that you'll like me back because someone already owns your heart-a man who is willing to fight and protect you no matter what."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. It's my first time seeing him being serious like this. And the way he fucking unexpectedly confessed to me, it made me blush somehow, pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

Napalunok na lang ako ng madiin at malalim na huminga.

I hope this is a dream, and I want to wake up right now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top