CHAPTER 42: AGREEMENT

Police arrived quickly after Larken called for help. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang papalapit na pigura ng isang lalaki. Detective Mori is back on his duty at sinilayan ako nito ng ngiti ng makita ako. Ilang saglit pa ay dumating na rin sa pinangyarihan si Xavien at Rivon.

Wait?! Sabay silang pumunta rito? At nasaan naman ang dalawang lokong sina Quade at Athena?

"What happened?" Xavien asked, his concerned voice dominated.

"S-Someone killed Elizabeth's boyfriend an hour ago at the boy's locker area. Wala pa kaming leading suspect kung sino ang gumawa nito, hindi rin makausap nang maayos si Elizabeth," I said.

Nang igawi ko ang tingin sa babae ay panay pa rin ang paghikbi nito habang kinakagat ang kanyang mga kuko. Inalalayan na rin siya ng mga pulis pababa dahil kailangan pa nitong magbigay ng statement tungkol sa nangyari.

"Natagpuang patay at duguan si Rowan Dave Ferolino, 18 years old HUMSS student dito sa locker area. We are already investigating and checking if there's any CCTV camera para makita ang footage," sambit ni Detective Mori.

Sa pagkakaalam ko ay sira ang ibang cctv footage rito at sa area kung saan namatay ang lalaki, at nakatitiyak akong walang CCTV camera. Palagi kasi kaming nagagawi rito kaya alam ko. Mayamaya ay lumapit sa kanya ang isang detective na kasamahan niya. I don't know his name at mukhang nasa mid-20's pa lang ang edad nito dahil batang-bata pa kung titingnan.

"Detective Mori, we didn't get any footage dahil walang CCTV sa area na ito kaya mahihirapan tayong tukuyin ang mga suspect," aniya ng kasama niyang detective.

See? I told you. No one would dare to kill someone if there's CCTV footage here dahil alam niyang mahahagip siya, and they have the confidence to commit the crime.

Makaraan ang kalahating minuto ay mukhang kalmado na si Elizabeth at base sa kanyang testimonya sa mga pulis ay pinapunta raw siya ni Rowan dahil nag-text daw ito sa kanya bandang alas-onse ng umaga at sinabing magkikita sila rito mismo sa locker area ng mga lalaki.

May mahalaga raw na sasabihin si Rowan sa kanya, ngunit pagdating niya ay natagpuan niyang wala nang buhay at duguan ang katawan ni Rowan, do'n na siya humingi ng tulong sa amin nang tumakbo kami papunta sa kinaroroonan niya.

"Miss, bukod do'n may naiisip ka bang tao na may motibo o pwedeng gumawa nito sa kanya?" tanong ni Detective Mori.

Tumango naman ang babae sa kanya. "O-Opo. Mayroon dahil palagi niyang kasama ang tatlong barkada niya at noong nakaraang linggo lang ay nagkaroon sila ng alitan dahil sa basketball na humantong sa away nilang tatlo," pahayag ni Elizabeth.

"Can you name those three guys? If you could tell us further details about it, it could help us solve this case," Xavien asked.

Mababakas talaga sa kanyang mukha na interesado siya sa ganitong kaso. Even if it's brutal, mas na-e-excite siyang malaman at matuklasan kung sino ang killer sa likod ng isang krimen o kasong hawak namin.

"S-Si Jeremy Valdemora, Oscar Elizardo at si Nico Salazar," banggit niya sa mga pangalan nila.

Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang mga varsity player ng Amethy High at balita ko'y may laban sila sa susunod na buwan sa ibang eskwelahan.

Agad na pinatawag ni Detective Mori ang tatlong suspect sa pagkamatay ni Rowan at nang dumating sila ay halos walang alam sa nangyari at gulat nilang nakita ang katawan ni Rowan, habang inilalagay ito sa isang itim na body bags.

Si Jeremy Valdemora, 20 years old. Matangkad, malaki ang kanyang katawan, mestizo at magulo ang kanyang buhok. Tumatagaktak pa nga ang pawis sa mga noo nila na mukhang kakagaling lang sa laro.

Siya ang nakaaway ni Rowan sa Basketball Court noong nakaraang linggo, matapos nun ay hindi na sila muling nagkitang dalawa, base sa naging testimonya ni Elizabeth.

"Kayo ba ang mga kaibigan ni Rowan?" tanong ni Detective Mori.

"O-Opo," sagot ni Nico at sabay-sabay silang tumango. Halos may pagkabigla pa rin sa kanilang mga mukha, samantalang si Jeremy ay walang bahid ng emosyon nang tingnan ko ito.

"H-Hindi ako ang pumatay sa kanya," depensa ni Jeremy. "Kaya ba kami nandito ngayon dahil isa sa amin ang pumatay sa kanya?"

"May ilang katanungan lang ako sa inyo na makakatulong sa kaso. Right now, we don't have a concrete evidence but based on your tone, you're obviously being defensive right now, Mr. Valdemora," wika ni Detective Mori.

"I'm just telling the truth, Detective." mariin niyang sagot.

Pumasok kami sa isang okupadong silid kung saan may mahabang mesa at may anim na upuan. Pinaupo ni Detective Mori ang tatlo para tanungin ang mga ito.

"May ilang katanungan lang kami sa inyo tungkol sa pagkamatay ni Mr. Rowan Dave Ferolino." Inilabas nito ang kanyang maliit na notebook at isang ballpen. "Nasaan kayo bandang ala-una nang hapon kanina?"

Tila nagkatitigan pa ang tatlong lalaki bago sumagot. Namuo ang pawis sa mga noo nila at nakita ko ang paglunok ng madiin ni Oscar bago naunang magsalita sa kanilang tatlo.

"Nasa gymnasium ako kanina bandang ala-una at kakatapos ko lang mag-basketball, tapos dumeretso ako sa locker para magpalit sana nang damit. Nakita ko pa nun na paakyat si Rowan dahil may hihintayin pa raw siya kaya nauna na ako," paliwanag niya. Sumunod naman ay si Nico.

"Kakagaling ko lang sa gymnasium kanina bandang ala-una para sana puntahan ang kaibigan namin ni Rowan na si Jacob Clemonte pero sabi ng isa niyang kasamahan nauna na raw itong umuwi, hindi rin ako pwedeng magtagal dahil may susunod na klase pa akong hinihintay, kaya dumeretso na ako pabalik sa silid," mahabang litanya niya.

"Can you prove your alibi?" tanong ni Xavien.

Mukhang hindi siya kumbinsido na naging testimonya ng lalaki.

Tumango ito at ibinigay niya ang kanyang cellphone at makaraan nga ang ilang minuto na paguusap ni Xavien at ni Jacob ay bumalik rin ito sa loob ng silid.

"I now have my deduction about this case, but I wonder if I'm on the right track. Something doesn't add up here," bulong ni Xavien sa akin.

"What do you mean?" I asked and lowered my voice. "Ano ba ang sabi ng lalaki sa 'yo?"

He leaned to me and whispered to my ears."I'll tell you everything once I confirm my deduction." Sinamaan ko naman siya nang tingin matapos sabihin ito.

Ang panghuli naman ay si Jeremy, gaya kanina ay wala pa ring ekspresyon ang kanyang mukha pero napapansin kong kinakabahan siya. I know that I'm not good at observing someone, especially their microexpression where they conceal their true feelings or emotions at isa na riyan si Jeremy. Bukod pa sa tatlong pulis na kasama ni Detective Mori, marami rin kaming nasa loob ng silid ngayon, kaya bakas talaga ang kaba at malamig nitong mga pawis sa noo.

"Do I have to tell you everything? I already said earlier that I'm not the killer," wika ni Jeremy. Napasapo na lang sa noo si Detective Mori at malakas na bumuntong-hininga sa harapan namin.

"Listen, If you want to get our job done easily, then learn to cooperate. Nasaan ka bandang ala-una nang hapon kanina? At ano ang ginagawa mo?" galit na tanong sa kanya ni Detective Mori at nagsukatan pa silang dalawa ng tingin.

"I'm also at the gymnasium dahil nag-e-ensayo kami para sa darating na laban, hindi pa ako umaalis dun simula ng tawagin ako ng isa sa mga pulis kanina," sagot ni Jeremy.

"Do you find anything else suspicious?" Detective Mori asked again. Sinimulan niya rin na magsulat sa hawak niyang maliit na notebook.

"Nakita ko kanina si Rowan na may kasamang lalaki. Hindi pamilyar sa akin ang lalaki pero kasama niyang umakyat ito dito sa second floor building," aniya.

"How can we know if you're telling the truth?" I asked. Napatingin siya sa akin at ngumisi ito.

"Why don't you ask Elizabeth? We all know that Rowan's girlfriend is a drug addict," sambit nito at nanlaki naman ang mata ko.

"H-Hindi, hindi totoo 'yan!" Bigla na lamang sumigaw sa harapan namin si Elizabeth at nanlilisik ang mga mata nito. "I-Ikaw ang pumatay sa kanya. You drug him to death!" sigaw pa ni Elizabeth.

"Drug him?!" Napatayo mula sa kinauupuan si Jeremy. "You don't have evidence, so stop accusing me that I killed him. Wala akong motibo na patayin siya kahit na nagkalamat ang pagkakaibigan namin no'ng isang linggo!" he shouted. Namuo ang ugat sa ulo nito at napakuyom ng kanyang kamao.

Humigpit naman nang kapit ang dalawa niyang kasamahan para pigilan siya, habang si Detective Mori ay nakaupo lang at pinapanood sila.

Why he isn't doing something kahit na nagkakagulo na?

"I know that he's just triggering their minds para umamin sa kasalanan nila." Narinig ko ang malakas na bulong ni Larken ngunit hindi ko lumingon sa kanya.

After what he said earlier, mas mabuti pang huwag na muna kaming magkausap dalawa. For my peace of mind.

"We can do a drug test, but before that, we want you to show something that might reveal the true killer," Xavien said, flashing his smile as if he had already deduced our case.

"W-What?" sabay nilang saad tatlo.

Hindi nila alam na may nakatagong malaking T.V screen na natatakpan lang ng malaking kurtina. Pwede itong i-konekta sa kahit na anong CCTV na mayroon sa Campus dahil dati itong control room, kung saan nakatago pa sa isang storage rito ang mga footage na ginamit. Typically, some footage imagery that can be stored for a mandated period, like for at least a month up to a year.

"All of you said that you were in the gymnasium around 1 P.M., but based on the footage we've been checking, one of you is not telling the truth," Larken said. Lumawak naman ang ngiti sa labi nito bago i-press ang play button sa malaking screen na nasa harapan namin ngayon.

"Alam niyo naman siguro na walang CCTV sa area rito, tama? Because it's the dead spot at hindi talaga abot dito kaya't may tiyansa ang killer na dito niya dalhin ang taong papatayin niya, pero dahil saktong nasa locker area si Rowan no'ng mga oras na 'yun, naging madali sa killer na gawin ang isang karumal-dumal na gawain," mahabang litanya ni Xavien.

Tumayo mula sa kinauupuan si Xavien at lumapit sa malaking screen. "Pero nakalimutan niyong maraming CCTV sa loob ng gymnasium and I secretly looked into the footage. Makikitang bandang ala-una ay nagpahinga si Nico at umupo sa bench. Habang si Jeremy naman ay abalang nag-eensayo sa kabilang side nang court. Ilang saglit lang ay may inakbayan ka na isang lalaki na hindi hagip ng CCTV footage, pero base sa suot nitong damit alam kong si Rowan iyon. Tama ba Rico?"

He already deduced what's on his mind at hindi siya nagdalawang-isip na sabihin ito agad.

"You offered him the drug that you took from your pocket, pero hindi siya pumayag. Pinilit mo siya hanggang sa makarating kayo sa locker area at ilang saglit lang ay saktong nag-text si Rowan kay Elizabeth dahil magkikita sila. We can hear your voice even though you are not captured by the footage. We can also confirm it since ang katabi ng silid na ito ay ang broadcasting room," Xavien stated.

"F-Fuck! H-How did you...know?" hindi makapaniwalang tanong ni Nico. "W-Wala kayong ebidensya! Hindi ako ang nasa footage nagkakamali kayo!" pagtanggi ni Nico.

"We already know from the very start. And why don't you look at your shoes right now? I bet there's a blood stain from there, and if we manage to do a luminol test, we can confirm that it has blood from someone who treats you as a friend, but you killed him because of your drug addiction." Xavien mockingly said.

Napatapak sa mesa si Nico at aakmang sasaktan niya si Xavien pero buti na lang ay may apat na pulis sa loob para pigilan siya. Halos nanlilisik ang mata nito sa galit at kung titingnan ay parang wala na siya sa kanyang sarili. Bigla namang umatake sa kanya si Elizabeth.

"Hayop ka! Mamamatay tao ka!" Sinubukang sunggabin ni Elizabeth ang damit ni Nico pero hindi siya nagtagumpay dahil naawat sila agad ng mga pulis.

Mabilis namang pinosasan ni Detective Mori ang lalaki kaya at hindi na ito nanlaban pa. Namg kumalma ito at saka niya lamang inamin ang kanyang kasalanan habang nakaluhod kay Elizabeth. Halos hindi matansa ng babae ang galit at tingin nito sa pumatay kay Rowan.

Nang igala ko ang tingin ay napansin kong wala sa tabi ni Larken si Rivon.

Saan naman kaya siya nagpunta?

"Nasaan nga pala si Rivon?" tanong ko dahil bigla na lang itong nawala na parang bula.

Kanina ko pa napapansin na hindi siya umiimik at panay ang hawak niya sa kanyang tiyan.

"She just went to the bathro—" Bago pa matapos ang sasabihin ni Larken ay bumalik na rin agad si Rivon na hingal na hingal at basa pa ang kanyang tuhod at kamay.

"Oh, saan ka galing?" tanong ko.

"Kanina pa kasi kumukulo ang tiyan ko, ewan ko ba kung anong nakain ko. Nakakainis kasi si 'tong Quade eh. Ang sabi niya okay lang daw na pagsabayin 'yung kinain ko," wika niya na nakahawak pa rin sa humihilab nitong tiyan.

Agad ko naman siyang inalalayan papunta sa Clinic, saktong available ito at bukas kahit na bakasyon ngayon. Binigyan lang siya ng gamot ng babaeng doctor at matapos nun ay naging maayos na rin siya.

Nagpasalamat na rin sa amin si Detective Mori at si Elizabeth nang makababa sila at palabas na rin nang gate. Kami namin ay kailangan na naming bumalik ng dormitory dahil baka mapagalitan pa kami ng ilang mga guro dito na pakalat-kalat sa hall at sa ibang silid.

Habang paalis na ang mga pulis ay narinig kong nagsasalita si Xavien.

"Tsk. That's why I only have a small circle of friends, and you'll never know the cost of friendship because betrayal can be the deepest wound that can be inflicted upon someone's heart and not knowing who to trust anymore. There are like snakes who are just waiting for their bait, and once the poison stings into someone's mind, they'll regret their actions like what Nico did," he stated.

Binuksan nito ang bottled water na hawak niya at uminom. He just walked towards the boys dormitory and didn't even bother to gaze or to ask us. Sumunod naman si Larken sa kanya at mabilis itong tumakbo.

Hinayaan ko na sila maunang dalawa ni Larken dahil hinihintay ko pang lumabas si Rivon sa clinic. Halos kalahating oras na siya nasa loob pero hindi pa ito lumalabas. Bakit ba ang tagal niyang lumabas?

Papasok na sana ako nang makita ko ang kanyang pigura. "Tara na, okay na 'ko," aniya ni Rivon.

"Are you sure? Wala na bang masakit sa 'yo?" I asked.

"Oo nga," sagot niya. Nakuha pang tumawa nito kahit halos manginig na ang tuhod sa sakit ng tiyan kanina.

Naisipan na naming bumalik sa dorm upang makapagpahinga.

We need a long rest.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

KINABUKASAN ay pagtapak ko pa lamang papalabas nang dormitory ay nakita ko na ang pigura at anino ng isang matangkad na lalaki na sumisilay sa mataas na sikat ng araw. Lumapit ito at bigla na lang akong hinila.

"Wait, b-bakit mo ako hinihila? Saan tayo pupunta, Xavien?" tanong ko sa kanya habang hinihila ako gamit ang isang kamay niya. "Bitawan mo muna ako at hindi ako makapaglakad ng maayos."

Huminto kami saglit at binitawan ang kamay ko saka lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob tumingin sa akin mg diretso.

"Pinapatawag tayo sa opisina ni Morris dahil may mahalagang sasabihin ang sexytary niya," saad niya. Emphasizing the word that I don't want to hear again.

Ang aga-aga pa pero dahil sa inis ko baka biglang kumulog ngayon.

Did he mean Secretary Kiera? Bakit kailangan niya pa kasing sabihin iyon ng gano'n at hindi ang pangalan nito?

Pagdating namin sa tapat ng opisina, si Xavien na ang nag-abalang kumatok nang pintuan.

"Come in." Nang marinig namin ang boses ng Sekretarya ay agad din kaming pumasok.

As usual naka-formal attire na naman ito kahit na wala naman siya gaanong ginagawa ngayon. Kung tutuusin ay iIang buwan pa bago magsisimula ang klase kasabay ng pagbalik ni Mr. Cleo Morris. Mukhang alam ko na ang ipinunta namin dito dahil narinig ko kamakailan na ipapatawag niya raw kami.

Buti na lang talaga ay hindi niya ako nahuli noong araw na 'yun dahil baka hindi na ako nakauwi ng buhay dahil sa nalaman ko. I looked at her face covered with heavy makeup and her favorite red lipstick na pang-akit niya sa mga professor na dumaraan dito.

And behind those facade and innocent look, is someone who's more daunting than I expected.

"So, what's the deal? Why are we here? Please tell us straight from your point. Para hindi na kami masyadong nag-aaksaya ng oras dito," Xavien said. He looked so irritated just by seeing her face.

Sabay kami na naupo ni Xavien sa bakanteng monoblock chair na magkatapat at kitang-kita sa mukha ng babae ang pagkainis dahil sa sinabi ni Xavien.

"There's an agreement, remember?" Kiara said. "I bet your wits brain can remember those, right?"

I think the tables have turned to Xavien. Tila nagsalubong ang kilay niya at mukhang balak niya pa itong pagtaasan nang kilay.

"Tell us exactly what you want to tell," Xavien said in his serious tone.

"The agreement that both of you held accountable." Napatingin kami ni Xavien sa isa't-isa na may bahid ng pag pagkunot-noo.

"Elaborate," I boringly said.

"This agreement is not just a reward for both of you. Mr. Morris said that you can bring only two extra people to join you on your London trip," she explained. "Again, this isn't a vacation. It's an agreement case na kayo lang ang nakakaalam, so don't share such confidential information with someone you don't trust."

Pagkatapos ng mahabang usapan ay ipinaalam namim ito sa mga kaibigan namin, syempre hindi na matatawaran ang ngiti nilang dalawa.

"Pass," pagtanggi ni Larken.

"Pass din ako," gatong ni Quade.

"Kami na lang kasi, Amie. Please," sabi ni Athena. Mukha naman itong aso na nanghihingi ng pagkain sa kanyang amo.

Malakas akong bumuntong-hininga at tumango sa kanya.

Sumigaw naman ito sa tuwa. "Sorry, excited lang," aniya. Parang hindi naman bakas ang tuwa sa mukha ni Rivon.

Is something happened while we're not around? I guess that's the least of my concerns.

Sa ngayon ay dapat nakatuon kami para sa paghahanda sa pagpunta namin sa London. We're not on a vacation trip, but a mystery case journey where we unfold the crimes and cases. Wala pa sa amin ang final na listahan ng mga suspect, at mas gusto ni Xavien na makita muna ang mga ito sa London bago gumawa ng kahit na anong susunod na hakbang para sa kaso.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

ALAS-KUWATRO na nang hapon at bored pa rin ako dito sa loob ng kuwarto, halos paulit-ulit lang ang ginagawa ko.

For the nth time I sighed. Ano pa bang gagawin ko? I already do what I want for today. Shopping, eating alone, at gumala sa ibat-ibang art museum na malapit lang dito. Nang may biglang kumatok sa pinto ay dali-dali akong bumalikwas sa aking kama at nakangiting binuksan ang pintuan and when I saw his face nabasa ko agad ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"I just came here to check you, kanina kapa kasi wala at hindi ko maiwasang magalala," he said. Based on his tone, I can clearly say that he's worried.

Bumaba kami ng girls dormitory. Buti na lang talaga ay sa gabi pumaparito ang matandang babae na nagbabantay, tiyak akong bubungangaan siya no'n kapag nahuli siyang nasa girls dormitory, and the worst part is baka matanggal pa siya sa pagiging president ng Amethy High.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa at nang magsasalita na sana ako ay inunahan niya ako.

"Did you find anything suspicious lately?" he asked.

"Suspicious?" I didn't get him at first, and my brows knotted for a second. "Tell me, is there something going on?"

"I need to confirm something. Can you wait for me here?"

"Wait! Saan ka ba pupunta?" tanong ko. I tried to grip his hands, but to no avail. Nakatakbo na siya palayo sa kinatatayuan ko.

"I'll be right back, mabilis lang ako," he said. Dali-dali itong tumakbo palabas nang gate at ilang segundo lang ay may kotseng pumarada sa harap niya. Kumaway pa ito sa akin bago pumasok sa sasakyan.

"Oh, saan pupunta 'yun?" tanong ni Quade na kadarating lang.

Kumikibit-balikat lang. "Hindi ko alam sa kanya. Ang sabi niya babalik daw siya agad, did something happen?" I asked.

"W-Wala naman," aniya. "Tara na nga at baka magalit pa 'yung dalawa dahil kanina pa naghihintay sa 'yo, pumunta ako sa dorm pero wala ka at saktong nakita kita dito." Hindi na ako nagsalita pa at dumeretso na kami papasok ng campus.

Magsasarado na ang gate ng Amethy High pero hindi pa bumabalik si Xavien at dahil sa sobrang inip ay naglakad na ako pabalik sa girl's dormitory. Baka kasi magalit na naman ang matandang babae na nagbabantay at sawa na ako sa mga tanong nito kung saan ako lagi galing.

Minsan ay hindi ko na siya sinasagot o hindi kaya ay kung anong maisip kong sabihin o dahilan ay sinasabi ko agad para makapasok na ako sa kuwarto ko. Wala pa akong ilang minutong nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame ng bigla na lamang may kumatok.

Ano ba yan! Kung kailan kakahiga ko lang saka naman may biglang kakatok. Nakakainis!

Agad akong tumayo at binuksan ako ang pinto at biglang bumungad ang isang lalaki. "Kanina pa kita hinihintay—" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang bigla niyang hinigit ang kamay ko at marahang lumabas ng girls dormitory.

"Ano kaba! Buti hindi tayo nahuli ng nagbabantay kung hindi ay baka ipatawag na ako sa guidance bukas dahil lagi na lang akong wala sa dormitor," bulyaw ko.

"I need to talk to you right now," he said, lowering his voice as if it were an essential matter to talk about.

"Shoot!" I said.

"We shouldn't trust her, Amie." Tila hingal na hingal niya itong sinabi. Halata naman na tumakbo siya papunta rito dahil basa ang damit niya at tumatagaktak ang pawis sa buong katawan, ang gulo rin ng kanyang buhok na pawisan

"W-What? Sino?" I asked.

"Rivon Cortez. Sa una pa lang ay hindi ko na gusto 'yang babaeng yan at tama nga ako ng hinala sa kanya," he added.

"Did you find something?" I asked.

Curious din ako at gusto kong malaman kung ano ba ang gusto niyang sabihin, baka kasi konektado ito sa pagiging unknown student na tinutukoy ko sa kanya sa file na nahanap ko sa office.

"Yes. I did find something, and when I requested one of my old friends in Amores High to do a background check on her, I didn't expect to see that she had no records of being a student here since last year," he said.

Mahina lang ang kanyang boses upang walang makarinig maliban sa aming dalawa.

My eyes widened. Shit! Ibig-sabihin siya ang estudyanteng dapat na nakalagay sa folder at hindi ako?!

"If there's been an error to their system, imposibleng coincidence lang na sa file ko napunta ang gano'ng folder at ang laman ng mga impormasyon na nakapaloob dun," Paliwanag ko.

"Someone might have done it on purpose." Humakbang pa siya papalapit sa akin, I felt his warm fingertips graze my arms. "As long as you're with us, you'll be safe, and no one will dare touch or hurt you. If they do, I might not be able to control myself but to fight or kill them," he murmured.

Ngayon ko lang nakita na gano'n ka seryoso si Xavien and hearing those words from him, somehow I felt relief and safe. Kahit paano ay alam kong ligtas ako at hindi niya pababayaan na mapahamak Buti na nga lang ay hindi na bumalik 'yung mga armadong tao na may dala-dalang malalaking baril.

I can still vividly remember how we escaped from them, pati na rin ang isang lalaki na muntik na kaming patayin.

Who is he again? Fier? I'm unsure because I can remember their faces, but I do not always remember their names.

Nang makabalik ako sa dormitory para magpahinga ay napansin kong bukas ang pintuan ng aking kuwarto. Saglit akong napakunot-noo habang papalapit sa pintuan. Sigurado akong sinarado ko ito mabuti kanina bago ako lumabas at pumunta sa Canteen.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at kaliwa't-kanan akong tumingin kung may tao ba. Nang makapasok ako sa loob ay nagulat ako ng bumungad sa harapan ko ang isang misteryosong kulay itim na kahon at nakabalot pa ang pulag laso sa gitna nito. Someone send me a luxurious black box? But who?

Isang maliit na sulat ang iniwan ng kung sino man ang nagbigay nito at mas lalo akong nabigla at napakunot-noo sa mismong laman ng sulat.

MOWORRTO
M M T A E E E H F R
E A E E I T T C T A
10 A.M

-X

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top