CHAPTER 38: KILLER BRIDE (PART 1)
Nang maimulat ko ang mata ko tanging malakas na sinag ng araw ang tumama sa akin, kaya't ginamit ko ang kamay ko para takpan ito. Nakarinig ako ng yabag nang paa na may taong papalapit sa akin. Napansin kong nakahiga ako sa isang malaking kama at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.
This isn't our dorm kaya marahil ay nasa bahay ako ni Chase and when I looked around the room, I was right. It's his room filled with a collection of toys and some paintings that I can't distinguish, because of the different kinds of art.
"Finally, you're awake." Nakilala ko ang boses na iyon at nang sulyapan ko kung sino ito ay gusto ko siyang saktan.
I want to beat him to death because he's a stubborn jerk who just put my life in danger. Buti na lang ay hindi kami sinaktan ng lalaking iyon. Kung hindi dumating sina Xavien, Quade at Larken ay marahil may tama na kami ng baril at nag-aagaw buhay.
"Nasaan si Xavien at Amethyst?" tanong ko nang makabangon sa higaan.
"Nasa baba sila at nag-uusap," sabi niya at inabutan ako ng isang basong tubig. "Drink first and you'll need to go downstairs in a minute."
Tila napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. Medyo masakit pa ang katawan ko siguro dahil ito sa pagbagsak ko kanina nang mawalan ako ng malay, and for a second something flash on my mind.
Naalala ko ang pagsalo sa akin ni Xavien bago pa ako tuluyang bumagsak. Tila namula ang magkabilang pisngi ko ng maalala ito. Narinig ko ang mahinang tawa ng loko ng tingnan ako nito.
"Miss Amie, you're blushing," Chase said and chuckled.
"N-No, I'm not," I denied. Umiwas ako ng tingin sa kanya para itago ang pamumula ng aking pisngi.
Malakas na bumukas ang pintuan at isang babae ang inuluwa nito at nagulat na lang ako ng mamukhaan ko siya.
Bakit pa siya narito?
Lumapit ito at marahang hinawakan ang kamay ko, bakas ang pag-aalala niya sa kayang mukha. Now she's concerned about me after I saw her kissing Xavien.
"Mabuti naman at gising ka na, okay ka na ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mainis dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari.
I slowly nodded at her.
"What are you doing here, Rivon?" tanong ko. "Sino ang kasama mong pumunta rito?"
She smiled before she answered me. "Xavien told me about what happened at nag-aalala kami sa'yo. Si Quade ang nag-locate kung nasaan kayo, sinubukan kong pinuntahan ito pero huli na ako at nakita kitang wala nang malay habang dala-dala ka ni Xavien."
After she said it my heart started to pound faster. Did he just do that?
"Siya mismo ang nagdala sa akin hanggang sa bahay ni Chase?" hindi ko makapaniwalang tanong at tumango naman ang huli sa akin.
"Yup, Xavien told me not to disturb you and give you some time to rest after what happened," Chase responded.
Agad akong lumabas ng kuwarto at mula sa ibabang palapag ay nakita kong nag-uusap sina Xavien at Amethyst. Nang makita ako ng babae ay ngumiti ito.
"Gising ka na pala," sambit ni Amethyst. Nagtama naman ang mata namin ni Xavien habang pababa ako nang hagdanan.
"Amber." Tumayo siya at lumapit sa akin, huli na ang naging reaksyon ko nang bigla na lang niya akong yakapin nang mahigpit and somehow, I felt relief like nothing happened earlier.
"I-I'm so worried. Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo. Please, Amie. Next time tell me if that jerk needs you so I can accompany you," Xavien said and I can't help but to hide my smile in front of him.
My heart fluttered because of his words. Nginisian lang siya ng lalaki dahil sa sinabi nito at sinamaan naman siya ng tingin ni Xavien.
"If this happens again you're doomed, Lawrence," pagbanta sa kanya ni Xavien.
Napagpasyahan na nga naming tatlo na bumalik sa Amethy High. At sa kasamaang palad ay binigyan kami ng matinding sermon dahil nakarating sa guro namin ang pagtakas ko at nina Xavien. Naisipan kong bumalik sa dorm at ngayon ay nakasunod pa rin sa akin si Rivon.
Bago pa ako makapasok sa dorm ay hinigit ni Rivon ang kamay ko. I stared at her hand and turned around. Nakayuko siya at sa pagkakataon na ito ay parang may gusto siyang sabihin. Bakas ang kaba sa kanyang mukha at ilang butil ng pawis ang namuo sa kanyang noo. I heard her deep sigh when she directly stared at my eyes.
"I-I'm sorry for what happened that day, Amie. I did it because I was so happy that Xavien could help me. I couldn't stop myself from kissing him," she sincerely apologized to me.
I guess that was enough for me to hardly accept it.
She held my hand. "Sorry if you misunderstood what happened, I didn't meant to kissed him and I know he likes you. He told me about you and how he's lucky to have you by his side," she added.
I didn't know that Xavien can really expressed her feelings and thought and after I heard it, I could help myself to like him...and I'm starting to fall for him. Kung paano niya palambutin ang puso ko sa kanyang mga salita.
"J-Just forget what happened, Rivon," I said and smiled. Nagpalitan lang kami ng ngiting dalawa at bahagyang napatawa.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
"As the school year ends, I want to congratulate all of you because you survived this year and you may well enjoy your long break," sambit ni Ms. Evangelista ang adviser namin.
Nabalot naman ng hiyawan at ingay sa buong classroom at ang ilang mga lalaki sa amin tulad ni Dave at Jared ay halos matuwa dahil bakasyon na. Bukod sa mga ibang requirements namin na dapat gawin, hindi na ako makapaghintay na makapunta sa London. Well, that is my dream place that I have wanted to go to, since I was a little girl.
They say a perfect city doesn't exist, but for me, London is a great place to have on your travel list. Because of its spectacular view at night, especially when you're seeing the Big Ben and The Tower of London. I also want to experience how beautiful and aesthetic their museums there.
"Since bakasyon na, bakit hindi nyo ako samahan sa probinsya namin?" Quade said. Napakunot-noo kaming anim sa kanyang sinabi.
"I'm on it!" Larken said at nag-apir naman ang dalawang loko.
"Ayaw mo bang sumama, Xavien?" tanong ni Quade sa kanya habang nakapamulsa ito. "I will bet my life that you will enjoy that place."
"Plus one!" anas ko.
"Uhm, pwede ba akong sumama?" Tanong ni Rivon at umupo ito sa aking armchair.
"Sure, the more the merrier naman 'diba?" Quade replied to her.
"I don't have a choice, so I will go just to make sure that all of you are not up to something," Xavien said.
"Then we're all good. Sa susunod na araw na ang alis natin." Hindi naman matawaran ang ngiti sa mga labi namin.
Nag-ring na ang bell at lunch break na kaya sabay-sabay na kaming lumabas at nauna na sila sa canteen, nakalimutan ko kasing kunin ang wallet ko sa bag. Lumabas ukit ako at pababa na sana ako nang hagdan nang may makabangga akong isang lalaki na nakasuot ng berdeng jacket.
"Sorry," mahinang saad niya. Malalim ang boses nito na para bang bagong gising ang lalaki, when he look into my eyes before he ran I felt a chills down my spine.
Nagmamadali itong umalis na para bang may tinataksan. Napakunot-noo ako dahil hindi siya nakasuot ng uniporme at naka-mask pa ito.
Hindi naman siya taga-rito pero paano siya nakapasok?
Pinagwalang-bahala ko na lang ito at dumeretso na sa Canteen dahil gutom na gutom na ako. As usual, spaghetti at isang coke lang ang in-order ko at parehas kami ni Rivon, samantalang sina Xavien at Quade naman ay napagpasyahan na hindi na muna kumain dahil nag-almusal naman sila. Si Larken naman ay nilalamutakan niya na agad ang isdang kinakain niya at halos malunod na ng toyo ang kanin nito.
"I have a question," Larken said. Puro kanin pa ang nasa bunganga niya tapos nagsasalita agad. Mabilis siyang lumunok at napatingin naman kami sa kanya.
"What is it?" Quade asked.
Nakita kong tinakpan ni Xavien ang kanyang tainga. What's with him? May hindi bang magandang sasabihin si Larken sa amin?
"Anong isda ang nakalutang sa tubig?"
"Huh? Nakalutang daw sa tubig, mayroon ba nun?" pagtatakang tanong ni Rivon.
"Hindi mo na naman ata nainom ang gamot mo," wika ko at bahagya kaming natawa ni Rivon.
"Wala namang isdang lumulutang sa tubig," saad ni Quade. I heard Xavien's loud groan na para bang ayaw niyang marinig ito.
"Hindi nga, mayroon nga kasi!" aniya niya.
"Larken, fish don't float except if they die because they become more buoyant over time as bacterial decomposition produces gases inside the body," Xavien said using his genius words.
"Spill it," I said.
"Eh 'di 'yung patay na isda!" Then he burst out laughing like a kid.
Samantalang ako ay hindi ma-proseso ang kanyang sinabi. Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante na naroon kaya't tinapakan ko ang kanyang sapatos.
"Is that his joke? Ang corny naman," pang-aasar ko at tumawa naman ang tatlo siya naman ay sinamaan ako ng tingin.
"Eto isa pa, Ano'ng tawag sa doctor ng mga fish?"
"Fish...?" Wala akong maisip. "I don't have any clue, mayroon ba nun?" I said. He pouted because I didn't even bother to think about his question.
"Me neither," sabi ni Rivon.
"Fine. Eh 'di... FISHician! HAHAHAHAHA." Sabay tawa ng malakas habang ako ay huli na nang maintindihan ang joke niya.
Sobrang corny talaga.
"Kumain kana nga lang diyan," aniya ko at isinalaksak sa bunganga niya ang malaking tinapay.
Mabilis naming inubos ang pagkain at nang lumabas na kami ng canteen ay isang babae ang nakabangga ko. Ang itsura niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil bukod sa magulo ang buhok nito ay mali pa ang pagkakalagay niya sa kanyang I'd.
"I-Ikaw si Xavien, 'diba?" tanong ng babae. Pawis na pawis ito at parang may masamang nangyari. Tumango naman si Xavien sa kanya.
"Yes, I'm Xavien Vince—" Bago niya pa mabuo ang sasabihin niya ay hinigit na nito ang kanyang kamay. Habang tumatakbo papunta sa Main Building ng school ay tanaw na namin na maraming tao ang nagkakagulo roon.
Pagdating namin sa isang silid ay nakita namin ang isang babaeng estudyante na nakalambitin at wala ng buhay. Ang ilan pang mga estudyante ay halos maiyak dahil sa sinapit ng lalaki.
Hindi ko maiwasang masuka dahil labas ang ilang parte ng katawan nito. Bukod duon ay may marka sa kanyang ulo na ikinabigla naming apat.
"There's a "V" sign on his head," Xavien said. "I bet one of Vaughan's members did it by getting revenge on us."
Bakit niya kailangang patayin ang lalaking ito? May nalalaman ba siya kaya't pinatahimik siya ng mga tauhan ni Vaughan?
"Can you tell us what happened?" Larken asked.
"K-Kakatapos lang ng lunch break at kanina ko pa hinahanap si Janine dahil ang sabi niya pupunta lang siya sa CR pero pagbalik ko sa...silid n-nakita kong wala na siyang buhay," paliwanag ng babae at nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata niya.
Nagpakilala itong si Rose Ann Cabrera, kaibigan ni Janine. Agad kaming tumawag ng pulis at ambulansya. Ang mga ibang estudyante roon ay gulat na gulat at hindi rin naman maiiwasan ang mga bulungan at teorya ng mga tao sa nangyari, kaya kailangan namin ng masusing pagsisiyasat sa kanilang mga alibi bago nangyari ang pagkitil ng buhay ni Janine.
"Hindi ako naniniwalang nagpakamatay si Janine, impossible yun." Isang babae ang lumapit sa amin. "A-Ako si Klara Chavez, dating kaibigan ni Janine Feliciano," pagpapakilala nito sa amin.
"Paano mo naman nasabi?" I asked.
"D-Dahil kilala ko siya at alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na ito, isa pa ay kakatapos lang ng kaarawan niya. Kahit na may konting alitan kami noon ay hindi kami nagtanim ng galit sa isa't-isa."
"Bukod dun, may napansin ka bang kakaiba bago nangyari ito kanina lamang?" tanong ni Xavien.
"Oo! M-May nakita ako pero hindi ako sigurado kung babae o lalaki dahil hindi ito naka-uniporme at kulay berdeng jacket ang suot nito," litanya niya.
Ibig-sabihin ang pumatay kay Janine ay hindi estudyante rito. Masyadong mahirap para makilala namin kung sino ito kaya't kailangan pa namin ng iba pang ebidensya o witness bago nangyari ang pagpatay kay Janine.
"Bakit hindi mo siya naisipan sundan?" tanong ko sa kanya.
"H-Hindi ko naman alam na mangyayari ito atsaka oras na para sa susunod na klase namin," sambit niya.
"Don't worry as soon as possible we will inform you who's behind in this murder case. Sa ngayon, hintayin na muna natin dumating ang mga pulis," sabi ni Xavien.
"I think I saw someone that she's referring to, hindi ako pwedeng magkamali dahil lalaki ito at nakasalubong ko siya kanina bago tayo pumasok sa Canteen," aniya ko.
"Y-you saw the person who killed Janine?" tanong ni Klara.
"Not clearly because he's wearing a mask and a green jacket pero pwede natin tingnan ang mga CCTV footage kung nahagip siya," saad ko.
Mabilis kaming nagtungo para I-review ang footage pero sa kasamaang palad ay mukhang planado na ng killer dahil wala kaming nakitang isang lalaki sa lahat ng CCTV na mayroon sa school.
Buti na lamang ay pinagbigyan kami ng guard na I-review lahat. Nang balikan ko ang footage mula sa kaliwang bahagi ay duon na namin siya na pumasok sa isang silid pero hindi malinaw ang kuha kaya mahihirapan kaming matukoy ito.
"Room 207 'yun!" Larken exclaimed.
Muli kaming lumabas at bago pa kami makapunta sa silid na iyon ay nakita namin na paparating si Inspector Alonzo.
"Inspector!" pagtawag ni Xavien sa lalaki. "I have a gut feeling that the killer is just around, mukhang ginamit niya lang ang jacket para itago ang kanyang pagkatao pero isa siya sa mga estudyante rito."
"We are heading to Annex Building, sumama na kayo sa'min para marinig nyo ang mga testimonya nila. It might help to solve the case," sabi ni Inspector Alonzo, tumango naman kaming apat at muling nagtungo pabalik sa silid.
Kinakausap ni Inspector ang tatlong babae. Si Larken at Quade ay gumawi sa ibabang silid kung saan nakita ang lalaking pumasok sa Room 207, habang kami naman ni Xavien at Rivon ay nagmasid sa paligid.
"Tingnan nyo may bakas ng dugo ang drawer," sabi ni Rivon. Lumapit kami sa kanya at sinuri ito.
"This isn't just a murder case, mukhang maiging pinagplanuhan ng salarin ang kanyang pagpatay. He just didn't master the way of his killing, hindi isang ordinaryong estudyante ang pumatay kay Janine."
"What do you mean?" tanong ng kaibigan ni Janine na si Rose.
"Is it connected to Valmoris?" mahinang sambit ko. Marahan siyang tumango pero sa paraan ng kanyang pagsagot ay parang hindi siya sigurado.
"W-we found the green jacket!" Larken shouted as he headed back into the room. "And I found a code inside the jacket that might help us to identify the killer."
Nang tingnan namin ang sulat na nasa loob ng papel ay duon kami nagkaroon ng ideya kung sino nga ba ang pumatay kay Janine.
"THEre's little joy in life for me,
And little terror in the grave;
I've lived the parting hour to seE
Of one I would have died to save.
Calmly to watch the failing breath,
Wishing each sigh might be the Last;
Longing to see the shade of deAth
OveR those belovèd features cast.
The cloud, the stiLLness that must part The darling of my life from me;
And thn to thank God from my heart,
To thank Him well and fervently;
Although I Knew that we had lost
The hope and glory of our life;
And now, benighted, tempest-tossed,
Must bear alone the weary Strife."
"I know this poem. Charlotte Brontë wrote that after her twenty nine years old sister, and close friend, Anne died because of tuberculosis," I explained. "The poem expresses not only the tragic feeling of loss after a loved one dies but also the speaker's experience of her own mortality in the face of death."
"P-paano napunta sa jacket na yan ang hawak ni Janine kanina na papel?" nauutal na tanong ni Klara.
"And how did you know that she had this paper in her hand, kung hindi naman kayo magkasama buong lunch break?" Xavien asked.
"Something doesn't add up here," I said.
"Yes, I knew something was wrong, when I saw her body and the marks on her hands and neck. It is unexplainable to think that this is a sucide case," he added.
"Which means...she was strangled before she was hung," dagdag pa ni Larken.
"Sinasabi nyo ba na isa sa amin ang pumatay sa kanya?" tanong ni Rose Ann.
"In that case, it was possible in every angle that one of you is the killer and tried to hide your true identity," Inspector Alonzo said.
Tila napalunok ng madiin si Klara at bakas ang kaba sa kanyang mukha. Nginisian naman siya ni Xavien, the message in the poem was so simple that we didn't even bother to think who it was. Dahil ang mismong sagot sa kung sino ang pumatay kay Janine ay nasa harapan na namin ngayon.
We thought it was a man who killed her but when the message began to make the pieces solved, it hints us to know the killer.
"We already know who's the killer," Larken said and smirked.
"Then who?" Inspector Alonzo asked.
Lahat kami ay napatingin sa taong tinutukoy namin at iyon ay si Klara Chavez, tila nagulat naman siya pati na ang kaibigan nitong si Rose.
"You're the one who killed her, right?" Xavien confronted her.
"Y-you don't have evidence!" she shouted. Matalim ang tingin niya kay Larken, while him? He always has a serious face in every situation we have.
"The poem proves it all. Janine left hidden messages that you forgot to bury. She uses big letters to imply who's the person that is trying to kill her."
"THE KILLER IS CLARA. That's the hidden message behind the poem that she left just before you kill her, " I stated.
"And you have nothing left to hide, Ms. Klara Chavez," Larken said to her at bahagyang lumapit ito sa babae.
"Are you sure about that? Mr know-it-all or should I introduce myself to you bago ka mamatay sa mga kamay ko?"
Nanlaki ang mata ko nang may bigla siyang hugutin na matalim na bagay sa kanyang likod at aakmang sasaksakin na niya si Larken, pero agad din itong nakailag sa babae.
Kahit na mabilis siyang nakaiwas ay nagtamo siya ng sugat sa kamay. Namuo ang ugat sa noo nito dahilan para mas lalo niyang tingnan ng masama ang babae at ngumisi laman ito sa kanya.
"You killed her because of your selfishness, ayaw mong nasasapawan ka sa lahat ng bagay kaya gumawa ka ng paraan para patayin siya. She didn't expect that you'd betrayed her in unexpected ways," Larken said.
"Sinubukan mong palabasin na suicide ang nangyari, but based on her marks around her neck, I know she fought before you even killed her," Xavien stated.
"Enough!" sigaw ni Klara. "You didn't know what I had to endure, I have many reasons to kill her and she deserved it."
"You're reasonable aren't valid to end someone's life, Klara!" I exclaimed.
"Manahimik kang babae ka! Wala kang alam!" Bago pa man siya makalapit sa amin ay biglang dumampi ang paa ni Rivon sa kanyang mukha na ikinabigla naman naming lahat.
I didn't expect her to do that in a blink of an eye. I was stoned for a second, and blink multiple times, samantalang wala namang naging reaksyon ang dalawang lalaking katabi ko.
Bumagsak na lang ito sa kanyang harapan, halos hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. I didn't know that she's good at karate or some sort of taekwondo skills.
"Don't worry she's not dead, I just put her to sleep and that's what she deserved," Rivon said. Agad na pinosasan ni Inspector Alonzo ang babae at lahat ng kaklase niya ay hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa mga mukha nila.
Magkahalong gulat, takot at galit ang naramdaman nila nang malaman na siya ang pumatay. That evidence we have is strong enough to prove that she's the killer and what's the worst of all? Her long time friend whom she trusts the most is the least she expects to do the unthinkable.
"We are trying to be somebody. When we don't know who we are yet," Rivon quoted and I strongly agreed with her on that.
"The bitter taste of betrayal is far worse than any physical pain, Rivon," Xavien added before he tried to pull me out of the room. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil muntik pa akong masubsob sa pintuan.
I just didn't expect that her friend would have the guts to kill her just for fame and everything that she tried to see in Janine. If she had been more aware of what she had on herself, she might as well be thankful for it, and this murder case would not have happened.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
Kinabukasan ay napagpasyahan ng Chancellor ng Amethy High na pansamantalang isasara ang Annex Building. Hindi matawaran ang ngiti sa mga labi namin dahil ngayon ang unang araw ng bakasyon namin at napagplanuhan nga na manunuluyan kami ng ilang araw sa probinsya ni Quade kung saan nakatira ang lola niya ngayon.
Inihanda ko na ang gamit at susuotin ko para sa buong linggo, hindi naman ito ganoon karami, hindi katulad ng dala ngayon nina Athena at Quade na sandamakmak na akala mo ay wala nang planong bumalik dito sa Amethy High.
"OMG! Sana lang maging worht it ang isang linggo nating bakasyon do'n," sabi ni Athena. Nabalitaan niya rin ang nangyari kahapon at hindi na siya nabigla ng marinig ito.
"Make sure that we wouldn't be strangled again with such cases," Xavien said. Pumasok na ito sa van at inalis ang suot niyang salamin. Nakasuot lang siya ng puting sando at hindi ko naman maiwasang mapatingin sa naglalakihang mga biceps niya.
Nang makita niya akong nakatingin ay iniwas ko agad ang mata ko at mabilis na pumasok sa van. Nasa unahan ako katabi si Manong Lucio, ang driver namin ngayong araw.
"This vacation would be worth it, I promise because you wouldn't believe what spooky stories they have that piqued your interest," Quade stated. Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanya ngayon dahil sa sinabi niya.
"I don't believe in ghosts, Quade. They don't exist," saad ni Xavien.
"I'm not just talking about ghost, it's more exciting when you unraveled behind those stories," Quade replied. "Isa pa hindi rin naman ako naniniwala sa multo."
"Ano ba kayo, let's just have fun today and make it worth remembering," sambit ni Rivon.
"May hinihintay paba tayo?" tanong ni Athena.
Nang tingnan ko siya ay abala itong nakatuon sa kanyang cellphone at nagtitipa lamang. A hint of smile formed on his face. Ano naman kaya ang nginingiti ng lokong ito?
Napakunot-noo ako at ibinalik na lang ang tingin kay Athena.
"Wait, I thought Zeiro was coming nasaan na ba siya?"
Masyado niya naman yatang tinodo ang pagliban sa klase.
I didn't see him these past few days at kapag tinatanong ko sila kung nasaan ito ay kumikibit-balikat lang sila o hindi kaya iniiba ang usapan. Napaigtad ako ng marinig ko ang isang baritong boses.
"Looking for me, Ms. Mendoza Sungit?" Zeiro suddenly pop-up in front of me and I frowned at him.
"Sumakay kana kung ayaw mong iwanan ka namin," aniya ko.
"Yes, Ma'am!" pang-aasar na sagot nito.
Kumpleto na kami kaya agad na sinara ni Zeiro ang pintuan ng van at nagsimula nang paandarin ni Manong Lucio ang sasakyan. Naisipan ko muna na umidlip dahil malayo ang biyahe namin, base sa layo ng lugar ay aabutin kami ng anim hanggang walong oras na biyahe.
Kaya't medyo gagabihin na nga kami kapag pumunta kami sa mismong tinitirhan ng lola ni Quade. He didn't mentioned to us about her grandmother at all at alam kong wala siyang balak na ikwento sa amin ang talambuhay niya.
"I heard about the rumors in your city," Zeiro said at napatingin naman si Quade sa kanya.
"We didn't know if the killer bride is real or if it's just a superstition in our town kaya mas maigi na alamin din natin ang katotohanan."
"I'm interested to know if that's true," sabay na sabi ni Zeiro at Rivon.
Natawa pa nga ang dalawa habang ako naman ay nakapikit at pinakikinggan lang sila.
"Almost all Las Magdalena's residents have stories of encountering the woman in the bloody wedding dress and veil," pagkwento niya pa.
"We'll see about that after we unraveled the mystery of that killer bride," Xavien muttered, and he seems interested in that kind of story.
Sana lang talaga ay hindi totoo ang killer bride na iyon. Namuo tuloy ang takot sa akin at makaraan nga ang ilang oras ay hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako. Napamulat na lang ako ng aking mata nang tapikin ako ni Rivon para gisiing, agad ko namang kinusot ang mata ko. Masyado nang madilim ang paligid.
Ganito ba talaga rito sa probinsya na sinasabi ni Quade. Lumabas na kami at tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagbibigau liwanag sa bumabalot ja dilim sa paligid, gaya ng ibang bahay dito ay malayo sila at ilajg kilometro pa ang lalakarin para lang makapunta sa kabitbahay.
"We're here now," Quade said.
Iginawi niya kami sa tapat ng malaking bahay. The house seems so old and haunted. Malamig na hangin ang dumapo sa aking balat dahilan para magtayuan ang balahibo ko mula ulo hanggang paa.
"Welcome to Las Casa Magdalena."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top