CHAPTER 37: AMETHYST IDENTITY
"He's not here," sambit sa amin ng Secretary niya nang pumasok kami sa office ni Mr. Morris.
"I need to talk to him. I know you have his number, so I can call him right away," I said.
"He's not here because he's in a private meeting in London," sagot ng sekretarya habang naglalagay ng makapal na lipstick na putok niyang labi.
"What?!" sabay naming sabi ni Xavien na halos hindi makapaniwala.
Mahigit ilang linggo na rin kasi simula nang magparamdam siya sa amin. I didn't get any news from him, dahil na rin busy ako sa school at sa mga nangyari.
"Huh? Hindi niya ba nasabi sa inyo na aalis siya ngayong linggo? I thought both of you and Zeiro got a notification from him, pero mukhang hindi niyo alam," aniya pa ni Keira. Mukhang wala rin siyang alam tungkol dito.
"In a private meeting?" Xavien asked.
"He didn't tell me much information, also he's in a hurry and went to London. Emergency meeting daw," she said at kinuha ang kanyang dala na makapal na mga dokumento. "hindi ba't magkikita rin naman kayo ro'n sa bakasyon?"
I already forgot about what he told us when we went on a trip after the incident happened last time because of the 'Where's the X' case he gave, and I don't want to remember every piece of memory from that day.
"Y-Yes, pero malayo pa iyon." wika ko.
"Then you have to wait. Marami pang inaasikaso si Mr. Morris ngayon, he's busy and the chancellor's take the full responsibility here at Amethy High," aniya niya pa.
Wala na rin naman kaming nagawa at napagpasyahan na pumunta sa Canteen pero bago pa ako makapasok ay hinila ni Xavien ang kamay ko dahilan para mapasandal ako sa kanyang dibdib.
Shit! Kailangan ba gano'n lagi kalakas ang paghatak sa kamay ko?! Parati na lang ako nasusubsob sa kanya sa tuwing hinihila niya ako para kausapin.
I felt his hand slowly caressed my head like a child, as my body leaned to him. Hindi ba siya nahihiya?
Sobrang dami ng tao na nakatingin sa amin ngayon dahil sa kanyang ginagawa.
Ginulo niya lang ang buhaghag kong buhok at nang igawi ko ang tingin sa mga mata niya ay sumilay ang ngiti sa labi nito na para bang walang bukas.
He's genuine smile made myself happy for a second because it's been a long time since I saw that smile of him. Parati kasi siyang nakangisi at nakabusangot ang mukha, lalo na kapag kasama sina Athena, Quade at Larken dagdag mo pa ang dalawang lokong makulit na panay ang takas sa Amores High na sina Chase at Zeiro.
"I'm sorry for being jealous...and I'm sorry for what happened earlier; I didn't have a chance to explain to you," he said in a soothing, manly voice. Para tuloy siyang maamong tupa sa expression ng kanyang mukha ngayon.
I didn't bother to let out a single word. Tanging mabilis na paglunok lang ang aking nagawa habang nakatingin sa bawat isa. I felt his sincerity deep inside, masyado akong nagpadalos sa aking emosyon at hindi man lang siya pinakikinggan kanina.
"I know what was on your mind the second you saw us kissing. Rivon isn't the person you shouldn't trust; I have a feeling that you might be in danger when you're around her," he muttered.
"W-What do you mean?"
Bago pa siya tuluyang magsalita ay bigla na lamang lumapit si Larken. "Halika na, kanina pa'ko nagugutom nakakapagod kaya 'yung kaso kanina," aniya. Hinila ako nang loko at sinamaan ko ito ng tingin.
Pagkatapos kumain ay nagpatiuna na silang bumalik dalawa at ako naman ay may kukunin pang libro sa Library ngayon. Sakto naman na may konting oras pa ako para gumawi roon bago mag-ring ang bell para da susunod na klase namin.
"What brings you here again, Ms. Mendoza?" tanong ng librarian sa akin. Hindi ko maiwasan na mailang dahil sa tingin niya na halos mula ulo hanggang paa.
Nakapusod ang buhok nito, may hawak na ballpen at isang libro. Inalis niya ang salamin sa kanyang mata matapos magsalita at ako naman ay nginitian siya.
"Ms. Herrera, may kukinin lang po sana akong libro," aniya ko.
"Okay, just make sure that you don't forget to return it tomorrow, dear. You know the rules," she said. Tumango ako at mabilis na kinuha ang isang libro na kailangan ko at agad ko rin namang inilista ang aking pangalan bago umalis.
Habang paakyat nang hagdan ay napansin ko ang isang pigura ng lalaki na nakatayo sa gate at may iilan pang babae na lumalapit sa kanya. Nang maaninag ko ang mukha nito ay napasimangot na lang ako.
"Ano na naman kaya ang kailangan niya?" I asked myself as I stepped downstairs and walked towards the gate.
Why he always come here kahit na malayo ito sa Amores High? Aside from being stubborn, he's really good at ditching classes. Nang magtama ang tingin namin ay hindi man lang ako nito nginitian.
There's no expression on his face. Nang makalapit ako ay saka lang niya tinanggal ang suot na itim na salamin. Like, duh? Hindi naman siya masyadong kilala rito sa Amethy High, pero bakit parating may mga babae na nakabuntot at nakaabang sa kanya?
Lalo na kapag sa main gate siya pumasok at hindi mismo sa likod ng eskwelahan.
"Why are you here, Jerk?" I asked.
"Can you be nice to me sometimes? Palagi kang nakasimangot kapag kasama mo ako and don't call me with that name, I don't like it in any way," he said at mukhang nairita sa sinabi ko.
"So, why are you HERE?" Emphasizing to him the last word I said dahil inuubos niya lang ang oras ko na dapat ngayon ay nagbabasa ng libro.
"I'm here to pick you up, dumbass."
What did I just hear, dumbass?! Nice choice of words.
Nagpunta lang ba talaga siya rito at bumiyahe ng sobrang haba para mang-asar? Well I'm already pissed off!
Bahagya siyang napatawa habang sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. After he said those words, he laughed. Nakakainis!
"What do you want? Kung wala kang magandang sasabihin ipapahila na kita kay kuya guard paalis dito," I said at aakmang tatalikod na sana para umalis pero hindi ko nagawa.
"You want answers. So, come with me. Hinihintay ka na ni Amethyst sa mansyon niya," he said, and I was too stunned to speak for a moment.
"Wait, what?! Why would Amethyst need me? Atsaka may klase pa ako. I don't want to ditch class again for the nth time," I affirmed.
"You always do that, remember? You won't get any answers until you come with me, and besides, it's your choice if you want to come," pang-aalaska niya pa.
"Really? Nice choice of words, jerk!" I exclaimed. Marahan naman siyang tumawa sa sinabi ko.
Kung wala lang ang mga babae ngayon na nasa gilid niya malamang ay nasapak ko na siya at nasikmuraan. I heave a sigh at naglalaglag balikat kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya ngayon.
"Bakit hindi mo na lang kasi aminin na ikaw si Venom and you're part of that mafia organization," bulalas ko at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse.
Siya naman ay naglakad paikot at isinandal ang kamay sa pulang kotse niya. "I told you for the last time. If you want answers, you'll get them once Amethyst meet you again," he replied.
Sabay kaming pumasok nang kotse at ilang sandali lang ay narinig ko na ang malakas na ingay ng kanyang engine.
"Do you want me to put your seatbelt on?" he asked at napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi.
Dahil sa pagkahulog ko sa malalim na pag-iisip ay hindi ko napansin na hindi ko pa pala nalalagay ang seatbelt ko. Agad kong inayos ang upo nang umandar na ang makina nang kotse niya.
Habang nasa biyahe kami papunta sa sinasabi niyang mansyon ni Amethyst ay nabalot lang ng katahimikan sa aming dalawa. His eyes are fixated on the road, habang ako ay hindi mapakali at kaliwat-kanan na tingin dahil sa mga naglalakihang establishmento. Ibang daanan ang tinahak namin at tiyak akong malayo ito sa dalawang eskwelahan.
"Why are you eagering to know who Venom is?" he muttered. Mabilis akong napatingin dahil sa kanyang tanong.
God! Buti naman nagsalita na siya.
Kalahating oras na kaming tahimik sa kotse at pana'y buntong-hininga pang ang naririnig ko mula sa kanya.
Napalunok ako ng madiin bago magsalita. "B-Because there's a lot of questions that keep bothering me, so I need to find answers," I stated. "I know that you're venom. The mask, the wounds that happened tht night it is all directly at you, kaya huwag mo nang ikaila na hindi ikaw si Venom."
There's a hint of appalledness on his face, butit quickly disappeared. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nakita ko ang sugat kung saan natamo niya noong nakikipaglaban siya sa mga armadong lalaki habang suot ang pulang maskara.
"See? I'm right; you are Venom," I confirmed.
Inalis niya agad ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko at ilang sandali lamang ay inihinto niya na ang kanyang kotse.
"We're here," he said. Nauna na siyang lumabas ng pintuan at bago pa ako makalabas ay nakita ko siyang nagmamadaling umikot at pinagbuksan ako ng pintuan.
I didn't know that can be a jerk and a gentleman at the same time. Tanaw ko ang napakalawag na hardin na mayrooon sa bahay ni Amethyst.
May iilan din na mga ibon ang dumadapo sa ibat-ibang halamanan niya. Hindi ko alam na mahilig rin pala siya mag-tanim at mag-alaga ng ibat-ibang uri ng halaman.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil unang beses ko na makakita ng isang lavander na bulaklak and As far as I know, it has 47 known species of flowering plan in it's mint family, I like how lavander represent purity, silence, and calmness.
"I can see that you like it. You can pick any flower you want here." Narinig ko ang isang boses ng babae at sumilay ang ngiti sa labi niya nang magtama ang mga mata namin.
Hindi gaya noong una naming pagkikitang dalawa ay mukha siyang gangster sa kanyang kasuotan at masasabi ko na parte siya ng isang mafia organization. Pero ngayon ay para siyang isang mahinhin na babae dahil sa suot niyang kulay rosas na sundress.
"Maiwan ko muna kayong dalawa," Chase said. "Just call me, Amie if something happened." Tumango naman ako sa kanya habang nagpapalitan kami ng ngiti.
Naramdaman ko ang paghawak ni Amethyst sa aking braso habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi niya.
"Follow me to my office," she said and smiled. Nakakatakot naman 'yung ngiti niya.
Nagpatiuna na siyang pumasok at sumunod naman ako. Just like Valmoris mansion her house is a bit gloomy because of the gray and dark palette of the wall. May iilan ang malalaking picture frame na nakasabit and I as we go upstairs I saw a picture-family picture to be exact at kung titingnan maigi ay napakaelegante nilang tingnan.
Just like how Xavien and Chase made a serious face in front of me. gano'n din ang nakita ko sa retrato. May lalaking nakatayo na katabi ng isang magandang babae. It must have been her parents and I saw a boy on the left side, while Amethy is on the right side wearing a simple but dashing red dress. Siya lang ang natatanging nakangiti sa kanilang apat at habang paakyat kami ay bahagyang napatigil si Amethyst.
"I know you're wondering why I sent you here at such an unexpected hour," she said. "You have a lot of questions in your mind, right?" Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at ako naman ay napakunot-noo.
Teka? Did she just read my mind?
How does she know about it, eh hindi naman halata sa mukha ko na marami akong iniisip ngayon-Shit! did Larken mentioned something to her? I don't trust that jerk.
"H-How did you know?" I asked.
"You'll find out sooner or later," she replied.
Nang makaakyat kami at makapasok sa isang kuwarto ay hindi ko maalis ang tingin sa ganda at lawak ng kuwartong napasukan ko. There's a table in the front with a lavander flower on the side of the table beside that is a swivel chair.
Nang igawi ko pa ang tingin sa paligid ay nakita ko ang isang glass cabinet, bahagya akong lumapit at nakita ko ang isang frame. A family picture where Chase is included in one of those picture.
Huminga ako nang malalim at naglakas-loob siyang tanungin patungkol kay Chase. I need to know everything that bothers in my mind and that only thing I got is her.
"You know anything about Venom, sigurado ako na siya si Chase," I affirmed.
She sat in her swivel chair, and I saw a hint of a grin on her lips. "They always say that curiosity killed a cat, and if I were you, you wouldn't want to know the whole truth," she said.
"I can't understand, ano pa ba ang mga tinatago niyo na ayaw niyong malaman ko?" Medyo napataas ang boses ko ng sabihin iyon sa kanya pero parang wala lang ito at nanatiling seryoso ang mukha niya.
"You won't understand, Amie."
"Then why am I here?" I said. "If you won't tell me about Chase or the organization that you keep hiding, I'd better leave," aniya ko. Tumalikod ako at sinimulang humakbang papalabas nang kanyang kuwarto, pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay narinig ko ang kanyang sinabi.
"Sa buhay, talo ang mahihina ang loob, Amie. Hindi mo alam ang pinasok mong gulo kaya huwag mo nang umpisahan na kilalanin ang Valmoris Mafia, dahil hindi mo magugustuhan ang mga taong nasa paligid mo, they will use you or betrayed you. So, don't get caught in the act when you know something."
Muli akong humarap sa kanya. "Then tell me everything you know. You're my only ace to find the mystery behind my questions," I said.
"Chase is Venom...the one who saved you the night you've been kidnapped," she affirmed.
My eyes widened. I was right!
My hunch was right about his identity, but if he's Venom then who is... Ortheus? Wait, sana mali ang iniisip ko ngayon na ang lalaking iyon ay si Xavien.
It's impossible to be him because Ortheus has a V sign on his neck, and Xavien doesn't have any of those kinds of tattoos or symbols.
Tumayo siya at lumapit sa akin. "You don't want to know who the real Ortheus is; his identity will always be unknown to you," she stated.
Bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay napaigtad ako nang makarinig ng isang malakas na katok sa pintuan at pagbukas ko ay bigla na lamang akong hinigit ni Chase. Based on his facial expression, ay tila galit ito at mukhang wala sa mood.
"We need to get out of here before they come," he said in a serious tone.
"Who?" I asked. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at sabay kaming pumasok sa loob.
"I'll come." Narinig ko na lang ang boses ng isang babae matapos nitong pumasok sa kotse ni Chase. "I know you need me this time," Amethy said.
Chase gave him a death glare. "No! I'm the one that they are chasing, so get out!" Chase exclaimed.
Sa lakas ng sigaw niya ay hindi man lang bumakas ang takot sa mukha ni Amethyst, bagkus ay tinapatan niya rin ito ng masamang tingin.
Napalunok na lang din ako ng madiin. That's how Valmoris rage their anger at hindi ko inaasahan iyon.
"What is happening, sino ang humahabol sa 'yo?" I asked.
Nang magtama ang tingin namin ay walang salita na lumabas sa kanya at isang malakas na buntong-hininga lang ang narinig ko.
"The Fier is after us because of the transaction that I tried to stop and now they know where I am," seryosong sabi niya.
Napaigtad ako muli ng isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at halos masira ang side mirror ng kotse ni Chase.
"Fuck! They're here," sabi niya.
"Just drive, idiot!" bulyaw ni Amethyst.
Mabilis naman na pinaandar ni Chase ang sasakyan at halos mapapikit ako dahil sunod-sunod na ang putok na baril at nang idilat ko ang mga mata ko nakita kong may hawak na baril si Amethyst.
"I'll distract them," Amethyst said. Nagpaulan siya ng bala sa mga taong humahabol sa amin at halos magpalitan ang putok.
May inilabas si Amethyst mula sa likod niya at halos manlaki ang mata ko ng ibigay niya sa akin ang isang baril.
"Sorry for the mess, Amie. I guess you need to help us," she stated.
"H-Hindi ko kayang humawak ng baril," aniya ko. Hindi ko pa nga nahahawakan ito ay napakalakas na nang pagkabog ng aking dibdib, kasabay ng pamamawis ng aking noo at palad.
Halos masaludsod na ako dahil kaliwat-kanan ang ginagawa ni Chase sa pagmamaneho para lang matakasan ang mga taong humahabol sa amin. Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw ko ang tatlong lalaki na humahabol sa amin.
"Fuck!" Chase exclaimed. "Hindi pa rin sila umalis." Agad niyang kinuha ang cellphone at nagulat na lang ako ng ibigay niya iyon sa akin.
"Call Zeiro, Xavien and Quade. Hindi natin sila matatakasan kaya kailangan ko ng mga tauhan sa Valmoris mafia," aniya. Dahil sa pagmamadali ay ang una kong natawagan sa kanyang telepono ay si Xavien, saglit pa itong nag-ring pero agad din niyang sinagot.
"Where the hell are you?" galit na sambit niya sa kabilang linya. "You just ditched our class today. I made a lot of excuses Amie, pero hindi ka pa rin bumabalik."
"Kasama ko si Chase. Kailangan namin ng tulong mo may humahabol ulit sa amin!" anas ko. Halos mapapikit ako ng kaunti at mabilis na inilayo ang cellphone dahil bigla na lamang itong sumigaw.
"What?!" Halos matulig ang tainga dahil sa lakas ng boses nito. "Bakit mo kasama si Chase ngayon?"
"Do you really want me to answer that damn question, Xavien?!" I exclaimed.
"Stay put, Amie. We are now tracking down your location." Narinig ko ang boses ni Quade mula sa kabilang linya. Bigla ko na lang napansin na parang hindi kami umaandar.
Natakasan na ba namin sila?
Pagtingin ko ay bigla na lamang binuksan ni Amethyst ang pintuan ng kotse.
"Amethyst!" sigaw ni Chase. Mabilis naman itong bumaba ng sasakyan, habang ako ay nagtatago pa rin.
Iniangat ko ang ulo ko at nanlaki ang mata ko dahil papalapit na ang kotseng kanina pa humahabol sa amin.
"Just fucking stay in the car, Chase. I can do this." Mula sa labas ay narinig ko ang sinabi ni Amethyst.
Halo-halong emosyon naman ang bumabalot sa mukha ni Chase ngayon habang may hawak na baril. Ilang saglit lang ay huminto ang itim na kotse na humahabol sa amin at may may taong bumaba roon. Nang sulyapan ko ito ay hindi ko maaninag kung sino siya dahil sa sikat ng araw, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at marahang lumabas.
When Chase met my eyes, he signaled me to get into the car, but I didn't obey him, so there was a trace of anger on his face. When I got close to Amethyst and Chase, I saw a man wearing a black mask-not the usual mask that I saw from Venom and Ortheus.
Nang tanggalin ng lalaki ang maskara sa kanyang mukha ay halos hindi maipinta ang ekspresyon ni Chase na animo'y nakakita ng multo. Halos manginig ang kamay niya at nabitawan ang hawak na baril, habang si Amethyst naman ay halos matalim ang tingin sa lalaki. Lumapit ang lalaki sa amin at hinarangan naman kami ni Amethyst.
"Move, I got this," Amethyst mumbled. Hinawakan naman ni Chase ang kanyang kamay at sinusubukan na pigilan ito.
Kasama ng mga tauhan niya ay nakatutok sa amin ang baril na hawak nila at sumenyas ang lalaki na nasa harapan na ibaba ang kanilang hawak.
"You mess with the wrong person, Chase" The man said in a baritone voice. "Especially you, Moly." Nginisian lang siya ni Amethyst at bahagya kaming umatras ni Chase.
Si Amethyst ba ang tinutukoy niya sa pangalan na iyon?
Tila hindi ko ma-proseso ang nangyayari ngayon. Sino naman ang lalaking ito? Is he also part of that freaking organization?!
"You're gonna die 'cause I will kill you first, Vaughan." Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko at napalingon kami sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
Xavien?!
Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon kasama sina Quade, Zeiro, at Larken. Tumakbo ako papunta sa kanila at halos manginig na ang tuhod ko sa sobrang kaba at takot dahil nakatutok sa amin ang baril ng lalaki.
Tumawa nang malakas ang lalaki and he gave Xavien a death stare na parang kahit anong oras ay kaya niyang patayin ang kahit na sino sa amin ngayon.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Xavien. You're always stubborn in my own game," The man with a black suit said. Binaba niya ang hawak niyang baril at ngumisi.
"We are not a toy that you can play with, Vaughan. And if you don't stop messing with them, I might kill your allies," seryosong sabi ni Xavien.
"If she messed with our transaction again, I wouldn't hesitate to kill her." Iginawi niya ang tingin kay Amethyst. "Come on, boys."
Umalis na lang ang mga armadong lalaki na parang walang nangyari.
"Fuck you, Jerk!" Bigla na lang dumapo ang kamao ni Xavien kay Chase. "You just put her life in danger, hindi ka ba nag-iisip?!" he shouted. Nanlilisik ang mga mata nitong tingnan si Chase.
Inawat naman agad sila ng tatlong lalaki, tumayo si Chase saka pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
"There's no need to fight! They're gone, and I'm sure they will never come back," Amethyst stated, which she has a point.
Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko at bago pa man ako makalapit kay Xavien ay nararamdaman ko na parang umiikot ang paligid ko.
Napasandal ako kay Chase at sa hindi inaasahan ay bigla na lang dumilim ang paligid, bago pa ako tuluyang bumagsak ay naramdaman ko ang pagkapit nang kamay ni Xavien at unti-unting sumara ang talukap ng aking mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top