CHAPTER 35.2 GREATEST DEDUCTION
Napalagok na lang ako ng tubig dahil sa aking nasaksihan, halos matapon na nga ito dahil sa panginginig ng aking kamay.
"Are you sure you want to help?" Xavien asked. "You don't look better, Amie." Napahawak ako sa kanyang braso at napatango.
I have Hemophobia and ever since I was little, I can't control myself whenever I see blood.
Minsan ay nasisikmura ko pa rin na tingnan ito, pero sa lagay ng kuya ni Rivon ay halos hindi maipinta ang pagkagulat sa aking mga mata.
I can still remember when I was nine years old when my father got killed. He didn't get the justice he deserved because the murderer behind his killing was still unknown to us. But one thing I'm sure about, I saw the blue orchid that my father was holding in his right arm while bathing in his own blood.
Ilang minuto ang lumipas at malakas na sirena ang narinig namin mula sa labas ng bahay ni Rivon at nang makapasok ang mga pulis at ilang crime operatives sa loob, agad nilang tinungo ang isang kuwarto kung saan natagpuang patay si Coleen.
Lumakad ang isang lalaki na pamilyar sa amin ni Xavien, walang iba kung hindi si Detective Mori. Seryoso ang mukha niya habang may hawak na maliit na notebook at isang ballpen.
"Mga bata, ano pang ginagawa niyo riyan? Halika na at tingnan natin ang nangyari sa taas," sabi ni Detective Mori. Tumango naman si Xavien sa kanya at tinulungan naman ako nito.
May kasama itong dalawang pulis na sa tingin ko pa lang ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Mga mukha kasing sindikato kaysa sa pulis.
Tinungo na nga namin ang pangatlong kuwarto kung saan nakahandusay ang isang babae, may sugat ang leeg nito at puro pasa ang kanyang katawan, habang duguan naman ang kaliwang tiyan nito na tiyak akong sinaksak siya.
"Ayos ka lang, Amie?" tanong ni Rivon. Tumango naman ako sa kanya at pilit na ngumiti.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa kanya? After what happened parang wala lang sa ekspresyon ng kanyang mukha ang nakita namin kanina.
Is it just me or may kakaiba talaga sa babaeng kaharap ko ngayon?
Naalala ko noong galing kami sa mall at may nadatnan na isang patay na lalaki sa isang coffee shop. I remembered how she deduced a crime and told exactly what happened, like she was at the crime scene when the man was killed using the cyanide poison.
She perfectly guessed what the killer used to kill the victim, kaya nakapagtataka kung paanong ang isang ordinaryong katulad niya ay may alam sa ganitong klaseng kaso o sadyang may tinatago lang siya na ayaw niyang malaman namin?
Sumunod naman sa ikalawang palapag ng bahay sina Quade, Larken, Zeiro at Athena. Sinamaan ko naman ng tingin si Chase dahil nandito rin siya, and Detective Mori also knows him.
May dapat pa ba akong malaman sa pagkatao ng babaeng ito?
"Ang lahat ng taong narito kanina sa ikalawang palapag ay pwedeng maging suspect sa pagpatay kay Coleen, kaya't isa sa kanila ang marahil na pumatay sa kanya," aniya ni Xavien.
"Tama ka riyan, bata. Pero kailangan muna natin kumalap ng ebidensya at testimonya ng mga taong naririto ngayon," sagot ni Detective Mori.
Kahit na natatakot at nanginginig ako ngayon ay nagawan ko pa ring lapitan ang babae ng nakahandusay sa sahig, habang ito'y naliligo sa kanyang dugo. Kung titingnan ay parang walang kakaiba, pero nang lapitan ko ito at masinsinang tiningnan ay napansin ko ang isang hibla ng buhok. Marahan akong lumapit at kinuha ito.
Buhok ng isang babae? Mahaba ito at hindi kulay itim, kung hindi ay may halo itong kulay ng ginto at kayumanggi. Agad akong lumabas ng biglang humarang sa daanan ko si Rivon.
"M-May nakita kabang ebidensya?" tanong niya.
"Oo, isang hibla ng buhok. Marahil ay isa sa kanila ang pumasok dito sa kuwarto at tinangkang gilitin ng leeg ni Coleen," wika ko. Ilang beses siyang napakurap at halos maibuka na niya ng sorbrang laki ang kanyang bibig sa pagkagulat.
"T-Tulungan mo kaming malutas ito, Amie. Alam kong magaling kayong dalawa ni Xavien sa mga ganitong kaso," pakiusap ni Rivon.
Lumunok ako ng madiin at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag kang mag-alala, malulutas din namin ito agad," aniya ko.
Napalingon kaming dalawa ni Rivon ng magsalita si Xavien. Lumapit ito sa amin at marahang hinawakan si Rivon.
"Don't worry about this case; I think I already know who the culprit behind it is," he said with confidence, and a little smirk came from his lips.
Agad din kaming lumabas ng kuwarto at may apat na taong nagkukumpulan roon habang kausap ang mga taong pwedeng maging suspect sa kasong ito. Ang unang babae na kanilang kinausap ay ang isa sa mga kamag-anak ni Rivon, nagpakilala ito at siya'y si Hannah Grace Magbanua, 27 years old.
"Nasaan po kayo noong mga oras na pinatay si Coleen Guevara?" tanong ni Detective Mori.
Maluha-luhang lumapit ang babae at bahagyang napatingin sa detective bago ito tuluyang sumagot. "N-Nasa kuwarto po ako at nagpapahinga nang may marinig akong isang sigaw ng kaya agad akong bumangon at lumabas, nakita kong balot ng dugo ang kamay at damit ni Kuya Ariel."
Lumapit naman at nagpakilala ang isang lalaki. "A-Ako si Ezikiel Cortez, asawa ko si Hannah."
"Tito, wala po ba talaga kayong nakitang umakyat dito, maliban sa akin kanina?" tanong ni Rivon na ikinakunot-noo ng lalaking nasa harapan namin ngayon.
"W-Wala, pagkapasok mo sa kuwarto ay dumeretso ako sa walking closet pero wala rin akong narinig na yabag ng mga paa," paliwanag ni Ezikiel.
May matandang lalaki na lumabas mula sa kuwarto at tila ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi naaayon sa mga nangyayari ngayon.
"Sino siya?" tanong ni Larken kay Rivon. Nag-angat naman ng tingin ang babae sa kanya.
"Ang lolo ko, si Don Ruelo Cortez. Ayaw niyang mapang-asawa ni Kuya Ariel si ate Coleen dahil mahirap lang ito," mahinang sambit ni Rivon.
Hindi kaya may kinalaman siya kung sino ang pumatay kay Coleen? Pero paano naman maipapaliwanag ang hibla ng buhok na nakita ko kanina lang?
"S-Sino ang pumatay sa magiging asawa ng aking kapatid, Sino?!" sigaw ng matandang lalaki at napaubo pa ito nang malakas.
"Don Ruelo, huminahon po muna kayo," sambit ni Ezikiel. "Nandito po ngayon ang isa sa magaling na detective na si Detective Mori at handa niya po tayong tulungan para malaman kung sino ang pumatay kay Coleen."
"At anong ginagawa ng mga batang iyan dito?! Hindi ba dapat ay wala sila rito sa ganitong sitwasyon-" Naputol ang sasabihin ng matanda ng pangunahan ni Detective Mori.
Hindi ko gusto ang pananalita at tono ng boses ng lolo ni Rivon, kahit si Athena ay napairap sa sinabi ng matandang lalaki.
"Paumanhin po, Don Ruelo pero malaki po ang maitutulong nila sa kasong ito, kaya't mas maiging pakinggan niyo sila at malalaman natin kung sino ang pumatay kay Coleen," sambit ni Detective Mori.
"Ganyan ba talaga ang lolo mo, Rivon? Napakasungit naman," litanya ni Zeiro at hininaaan ang kanyang boses.
"Oo, simula nang dumating si Ate Coleen ay nag-iba na ang kanyang ugali," Rivon mumbled, and I can hear their conversation, kahit na malayo na ako ng kaunti sa kanila.
Sunod na kinausap namin ay si Ariel Domingo Cortez, 30 years old at siya ngayon ang may hawak ngiilang malalaki at kilalang hotel sa buong bansa.
"Pwede mo bang ipaliwanag sa amin ang nangyari noong nakita mo bago nawala si Coleen?" tanong ni Xavien at lumapit sa lalaki. Halos nanginginig ang kamay nito at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"H-Hindi ako ang pumatay kay Coleen, inutusan ko lang siya na kuhain sa aming kuwarto ang kanyang kuwintas para sana ibigay kay Rivon, pero lumipas na ang kalahating oras ay hindi pa siya bumabalik," paliwanag ni Ariel. "Umakyat ako para tingnan kung nasaan siya pero nadatnan ko na lang na nakahandusay siya sa sahig kaya't tinulungan ko siya at dahil do'n ay kumalat ang dugo niya sa aking kamay at puting damit. Lumabas ako para humingi ng tulong at nakita ko ang isang babae na kaibigan ni Rivon na biglang sumigaw."
"Wala kang napansing kakaiba sa kuwarto kanina lang?" tanong muli ni Xavien.
"W-Wala, maliban sa kanyang kuwintas na nawawala," sagot ni Ariel at halos bumagsak ang luha sa kanyang mata matapos nitong magsalita.
"Detective Mori, kailangan po natin tingnan maigi ang kuwarto. Baka may mahanap pa tayong ibang ebidensya," sambit ni Larken at tinanguan naman siya ng detective.
Agad kaming pumasok sa kuwarto kung saan nangyari ang pagpatay sa babae. Kung tumakas ang salarin matapos nitong patayin ang biktima, dapat lumabas ito mula sa bintana at sinira ito, isa lang ang naiisip ko ngayon pero hindi pa ako sigurado.
"One of Rivon's relative might be the one who killed Coleen," mahinang sambit ni Xavien sa akin.
"'Yan din ang nasa isip ko ngayon," wika ko.
Tiningnan namin ang buong lugar para maghanap pa ng ibang ebidensya at napansin kong may nakausling bagay mula sa kama ng biktima at nag lapitan ko ito at bahagyang itinaas ay nagulat kami dahil nando'n ang ginamit ng salarin para patayin ang biktima.
"It's a boning knife with a sharp point and a narrow blade. It is used in food preparation to remove the bones of poultry, meat, and fish. Generally, 12 cm to 17 cm in length, it features a very narrow blade," wika ni Chase at marahang kinuha ito matapos magsuot ng gloves.
"Marahil 'yan na nga ang ginamit ng salarin dahil may bakas pa ng dugo ng biktima," sabi ni Detective Mori.
"Pero hindi sapat ito, lalo na kung wala tayong makikitang fingerprint ng salarin. Ibig-sabihin pinagplanuhan niyang maigi ang pagpatay kay Coleen at alam nitong makikita natin ang ginamit niya upang patayin ang babae," Paliwanag ko.
"Then the culprit is not a girl or a woman?" Quade asked.
"May nakita akong hibla ng buhok sa tabi ng biktima at isa sa kanila ang marahil na pumatay kay Coleen," dagdag ko.
Nagulat si Hannah ng lumapit ako sa kanya at bakas ang takot sa mukha nito. "Kung titingnan ay pareho ng kulay ang buhok niya sa buhok na nakita ko malapit sa bangkay ng biktima," aniya ko.
"Hindi ako ang pumatay kay Coleen, nagkakamali kayo!" sigaw ng babae sa amin.
"If she's not the one who killed Coleen, then we should find another witness or evidence," Xavien stated.
"Why don't we play a game for us to know who's the murderer behind it?" Chase said. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Wala kaming oras na makipaglaro sa inyo mga bata, hindi niyo ba nakikita ang sitwasyon ngayon?" galit na sabi ni Ezikiel.
"Are you afraid that it might reveal something that you don't want us to know?" nakangising tanong ni Chase sa kanya at halos umalon pataas-baba ang adams apple nito.
Really?! In this middle of this crime scene at nakuha niya pa talagang maglaro?
Nakita kong mahimigan nila ang sinabi ni Chase at napakunot-noo sa kanyang sinabi. Kahit ang ilang pulis at si Detective Mori ay nagtataka sa kanyang binigkas na salita.
"I'm interested; what kind of game, jerk?"
"Since we can share our deduction, why don't we play the greatest deduction? It's been a while since we played it together." Nakita ko ang bahid ng ngisi sa mukha nilang dalawa.
Greatest Deduction? What kind of game is that? Parang ngayon ko lang narinig ang ganyang laro, but it piqued my interest after he said it.
"It's a game where we share our deduction so we can deduce it quickly. The more people are involved, the faster we solve this quizzical case," Chase explained.
"How can we assure that the killer you're accusing is the one who killed Coleen?" tanong ni Don Ruelo at inayos ang suot niyang salamin.
"Watch and listen to how we deduce it," Chase said.
Nagsama-sama ang mga lalaki na sina Xavien, Quade, Zeiro, Larken at Chase para tuklasin kung sino ang salarin sa kasong pagpatay kay Coleen.
I don't want to meddle in this case because of my situation right now, pero pipilitin ko pa rin na makatulong sa kanila sa abot ng aking makakaya.
Nanatili naman kaming tatlo nina Athena at Detective Mori sa gilid habang pinagmamasdan ang kanilang gagawin at kung paano nila malalaman kung sino ang pumatay sa babae.
"Ang sabi mo natutulog ka noong nangyari ang pagpatay kay Coleen, tama ba?" tanong ni Xavien kay Hannah at marahang tumango ito. "Ibig-sabihin ay wala kang narinig na kahit anong ingay mula sa katapat na kuwarto mo, kung saan namatay si Coleen?"
Tumango siya. "Malalim ang tulog ko kaya't hindi ko maririnig ang ingay na iyon," sagot ni Hannah.
"Hindi ka nagsasabi ng totoo dahil bukod sa kutsilyo na nakita namin sa ilalim ng kama ay nakita rin namin ang ilang hibla ng buhok mo, ibig-sabihin ay may kasabwat ka sa pagpatay kay Coleen," mahabang litanya ni Xavien.
Nanlaki ang mata ni Hannah at bakas ang pagngisi sa labi ni Xavien dahil nalaman na niya na tama ang deduction niya. Napaatras ang babae at mabilis na lumunok.
"H-Hindi 'yan totoo, huwag kang mambintang ng dahil lang sa isang hibla ng buhok! Galing ako kanina sa kuwarto ni Coleen dahil hindi pa siya bumababa nang magsimula ang selebrasyon."
"'Yan nga ba ang nangyari? May mga pasa sa ibat-ibang parte ng katawan ng biktima, ibig-sabihin nanlaban ito bago siya mamatay," saad ni Xavien. "Your testimony is not even verifiable to tell, if you're telling the truth or not. So, we need more evidence to prove our claim."
Lumakad siya papunta sa kinaroroonan ni Larken habang si Quade naman ay pasimpleng naghahanap ng ebidensiya.
"Noong nakita mo na nakahandusay si Coleen, bakit hindi ka agad humingi ng tulong at sumigaw upag marinig ka ng mga bisita sa ibaba?" tanong ni Larken at lumapit kay Ariel.
"D-Dahil natakot ako...h-halos hindi ako makapagsalita kanina ng makita ko ang katawan niya," ani Ariel at hindi ito makatingin ng diretso.
He's lying, and I already know that.
"Hindi kaya plinano mo na ito sa simula pa lang-" Tila naputol saglit ang sinabi ni Larken ng bigla na lang lumakas ang boses ni Don Ruelo.
"Kahibangan yan! Hindi papatayin ng kapatid ko ang asawa niya dahil mahal na mahal niya si Coleen, ikakasal na sila sa susunod na buwan kaya impossible na siya ang pumatay!" litanya ng matandang lalaki.
Lumapit si Larken sa matandang lalaki at binigyan niya ito ng ngisi. "Hindi ba't kinamumuhian mo si Coleen, bakit ngayon ay sumasang-ayon ka na ikakasal na silang dalawa?" Halos napatikhim agad at nanlaki ang mata niya.
"S-Sinasabi mo ba na ako ang pumatay kay Coleen? Hindi ko magagawa iyon dahil matagal na akong hindi nakakalakad," paliwanag ni Don Ruelo.
May benda pa ang kanyang paa pero napansin ko na sa gilid nito ay may bahid ng dugo. Hindi kaya siya nga ang pumatay sa magiging asawa ni Ariel?
"Pwes, ipaliwanag mo ngayon ang dugo na kumapit sa benda mo ngayon?" tanong ni Larken na ikinabigla ng lahat.
"Bakit hindi natin siya hayaang ibulgar ang matagal na sikretong tinatago niya," Xavien said. Nagulat kami at halos mapapikit ako nang sandali dahil ang hawak ni Xavien na mamahaling vase ay ibinato niya sa direksyon kung saan nakaupo sa wheelchair si Don Ruelo.
Halos mapatakip sila ng bibig at hindi makapaniwala nang makailag siya at tuluyang tumayo sa kanyang kinauupuan matapos na tumama sa direksyon niya ang vase at nagkalat ito sa kinatatayuan ngayon ni Don Ruelo.
"Kuya! Nakakatayo ka na?" gulat na tanong ni Ezikiel sa kanya. Napatingin din siya sa amin nang may pagkagulat na ekspresyon sa kanyang mukha.
Halos hindi naman maipinta ang galit sa mukha ng matandang lalaki habang matalim itong tinitingnan si Xavien at Larken.
Hindi rin makapaniwala si Rivon sa kanyang nasaksihan at halos mapakapit sa akin, agad ko naman siyang inalalayan na maupo muna sa hagdanan. I can't also believe this grandfather would turn out like this, alam kong may rason siya kung bakit niya ito ginawa.
"He's lying all along, alam niyang hindi siya mapagbibintangan sa umpisa pa lang dahil ang akala natin ay hindi siya nakakalakad, but it turns out that the one who's have an innocent face is the person who most hides its own unexpected side," Zeiro quoted and smirked.
"K-Kuya, bakit? Bakit mo pinatay si Coleen?!" Ariel roared. Halos umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong bahay.
Malakas na pumalakpak ang matandang lalaki at tumawa pa ito bago tuluyang tinanggal ang benda sa kanyang paa.
Tinulak niya si Ariel at maluha itong hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan tungkol sa totoong pagkatao ng kanilang kapatid.
Napatingin ako sa mga bisitang gustong makiusyoso sa nangyayari, pero buti na lang ay maraming pulis ang nakabantay sa bawat paligid ng pintuan.
"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Ariel?! I just saved you! Ginawa ko 'yun dahil sa sakim mong asawa. Ninakaw niya ang mga alahas ko, pati na ang ilang mga gamit ni Hannah sa kanyang kuwarto, kaya wala akong choice kung hindi ang patayin siya." Paliwanag ni Don Ruelo.
"Nang pumasok si Hannah sa kuwarto ni Coleen ay nadatnan niyang nagaaway ang dalawa dahil alam ni Don Ruelo na kapag hindi niya pinatay si Coleen ay ibubulgar nito ang katotohanan na nakakalakad na siya. Palalabasin ni Coleen na masama si Don Ruelo." Saglit na napatigil si Xavien at tumingin kay Hannah at Don Ruelo.
"Kaya nag-away ang dalawang babae at nagkasabunutan, kung titingnan ay may sugat na natamo si Coleen dahil tumama ang kanyang ulo sa matulis na bagay at nang mawalan siya ng malay ay do'n na plinano ng dalawa ang pagpatay sa kanya at sinaksak ni Hannah si Coleen sa dibdib gamit ang boning knife na nakuha niya mula sa kabinet ni Coleen."
Nakita ko ang paglakad ni Quade mula sa harapan at mukhang may gusto itong sabihin. "Bukod sa kutsilyo at buhok, makikita rin ang ilang piraso ng mga alahas ni Hannah na sa tiyak ko ay sa kanya ito." Inilabas ni Quade ang nakita niyang kulay asul na diyamante na nagtutugma naman sa suot ngayon ni Hannah.
Hindi na maitatago ang sunod-sunod na pagkagulat nila sa mga rebelasyon ng kanilang ginawa sa biktima.
"Pinalitan niya ng bagong kuwintas pero pareho pa rin ito sa una niyang sinuot para hindi mahalata na isa siya sa mga pumatay kay Coleen. Ibig-sabihin dalawa silang pumatay sa biktima," dagdag ni Detective Mori.
"P-Pati ikaw...Hannah?" hindi makapaniwalang sabi ni Ezikiel at halos mapahagulhol ang babae at napatakip ng kanyang mukha.
"G-Gusto ni Don Ruelo na sa atin lang mapupunta ang kanyang ari-arian kung mawawala si Coleen-" Isang malakas na sampal ang kanyang inabot ng higitin ni Ariel ang kanyang kamay at dumapo ang palad nito sa kanyang mukha.
"Hindi kita mapapatawad! Hindi ko kayo mapapatawad dalawa sa ginawa niyo kay Coleen!" sigaw ni Ariel. "Ikulong n'yo na sila at magkikita kami na lang tayo sa korte!"
"Wala kang utang na loob sa 'kin, Ariel. Ginawa ko lamang iyon para sa kaligtasan mo, pero ito ang igaganti mo?!" saad ni Don Ruelo na may pagtaas ng boses.
"Ayoko ng marinig pa ang dahilan mo!" Ariel shouted at him. Agad naman na pinosasahan ang dalawa at halos dinumog sila ng ibat-ibang media na nasa labas ng bahay ngayon nina Rivon.
Tulala at hindi pa rin makausap ngayon si Rivon dahil sa mga nalaman niya, kahit ako ay hindi ko rin aakalain ang ganitong sitwasyon lalo na't kaarawan niya ang ipinagdiwang ngayon. Pero nauwi ito sa isang marahas na pagpatay at pagtuklas sa totoong pumatay sa biktima.
"Case is closed. Maraming salamat mga bata, sobrang laki ng naitulong ninyo sa kasong ito, kahit na dapat ay nagdiriwang kayo sa selebrasyon. Mauuna na kami at marami pa kaming kaso na aasikasuhin," sabi ni Detective Mori at kinamayan niya si Xavien, bago ito tuluyang umalis kasama ang mga pulis.
Nang makaalis na sila ay sinamahan na muna namin si Rivon at ang kanyang mga magulang ay dumeretso sa presinto dahil sa nangyari, hindi pa nila alam ang kabuuan ng storya dahil hindi sila pinahintulutan na pumasok kanina. Baka maging isa pa sa mga suspect sa pagpatay ang ama ni Rivon.
"Mauna na kayo, ayos lang ako," sambit ni Rivon at pilit itong ngumiti.
Wala naman kaming nagawa dahil gusto na niya talaga kaming pauwiin kahit na pinipilit ko pa siya. Sa huli ay binigyan ko na lang siya ng isang mahigpit na yakap at muling binati sa kaarawan niya.
Hating gabi na nang makauwi kami at halos walang kahit na sinong nagsalita sa aming lima. Nauna ng makaalis si Chase sa bahay nina Rivon dahil may tumawag sa kanya at pinapupunta ito sa Valmoris Mansion.
Nang makababa kami ng sasakyan ay nauna nang pumasok sa dorm sina Zeiro, Quade at Athena. Agad kong hinigit ang kamay ni Xavien at nang lingunin niya ako ay bakas ang pagod sa kanyang mukha, pero nakuha niya pang ngumiti.
"Xavien..." I uttered his name.
"Hmm...?" he hummed and looked into my eyes. Malakas akong bumuntong-hininga bago ko sabihin sa kanya ang napansin ko kanina.
"Y-You...also saw that, didn't you?" I asked.
"Yes, the blue orchid beside Coleen's cold body," he said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top