CHAPTER 35.1: MYSTIQUE MASQUERADE

Pagkatapos ng klase namin ay gumawi agad ako sa dorm. Sa totoo lang ay wala pa akong nabibiling damit para sa susuotin ko bukas, ayoko rin naman na gamitin 'yung ibinigay ni Xavien sa akin na isang magandang dress na sinuot ko sa isang party na pinuntahan namin.

Quota na talaga ako sa gulong pinasok ko dahil bukod sa natanggap kong code noong gabing iyon, natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumisilip sa isang kuwarto. Hindi ko na maalala kung sino ang dalawang lalaki na nag-uusap no'ng gabing iyon, pero masama ang kutob ko na baka magkita kami muli sa isang party.

I closed my eyes and crossed my fingers nang sa gayon ay hindi mangyari ito. Dahil kung magkataon ay baka manganib pa ang buhay ni Xavien ng dahil sa akin.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na may kumakatok na pala sa pinto at agad ko naman akong tumayo sa aking kama at iniligpit ang mga nagkalat na damit bago buksan ang pintuan.

"Amie, it's me!"

Nahimigan ko naman agad ang baritong boses ng lalaki at nang buksan ko ang pintuan ay bumungad ang nakangiting si Xavien.

"If this is another case, quota na ako, Xavien," I stated. He softly laughed at me after he leaned his hands on the wall.

"It's not. Yesterday, you told me to be your plus one, so I wondered if I could buy you some dress you like in the mall," he replied.

What a blessing in disguise! Saktong-sakto lang ang kanyang dating ngayon, habang naghahanap ako ng aking susuotin para bukas.

"A-are you sure?" nag-aalangan kong tanong.

Tumango naman ito sa akin at hinigit ang aking kamay palabas nang kuwarto. Nang makababa kami ay nakasalubong namin sina Athena at Larken, kumaway naman silang dalawa habang pababa kami ng hagdan.

"Oh, saan punta niyo?" tanong ni Larken.

"We're heading at the mall," Xavien replied. "Do you want to—" Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang umeksena ang dalawa.

"Sama kami!" sabay na sambit ng dalawa sa amin. Tumango naman si Xavien sa kanila. Dahil walang guard na nagbabantay ngayon ay mabilis lang kaming nakalabas ng Amethy High.

Medyo napapadalas na ang paglabas namin ng eskwelahan at buti na lang ay hindi kami mahuhuli, tiyak akong kapag nalaman ito ni Mr. Morris ay malaking kaparusahan ito para sa amin. Labag ito sa alituntunin ng paaralan at baka mapatalsik pa kami ng wala sa oras.

Nang makarating kami sa mall ay naramdaman ko agad ang pagkapit ng malamig na hangin ng aircon sa aking balat. Nakasuot lang ako ng plain white oversized t-shirt at isang maikling shorts, hindi naman din ako nakapagpalit dahil sa pagmamadali ni Xavien.

"So, kanino nga ulit 'yung birthday party na pupuntahan niyo?" tanong ni Larken habang sumisipsip ng kanyang milk tea na binili.

"It's Rivon Cortez birthday, bakit sasama ka ba?" I asked. Saglit na napatingin ito sa akin at nanlaki ang kanyang mata.

"What do you mean it's Rivon Cortez, isang grandeng selebrasyon ang pupuntahan niyo. Hindi mo ba kilala ang dad nya?" sambit ni Larken.

Tila napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. Grand celebration? Wait! So, galing sa mayamang pamilya si Rivon?

"The party will be held tomorrow at the Villa Cortez. I didn't expect that her family is kinda rich. Ang balita ko ay nagmamay-ari ang dad niya ng maraming hotels sa buong pilipinas, her mom is also a real estate owner," Xavien stated.

My eyes widened. I can't believe that Rivon comes from a wealthy family. Sa histura niya kasi ay hindi mo mahahalatang mayaman siya at palagi pang tahimik sa klase.

"Rivon also invited me to the party, ibig-sabihin magkakasama tayong pupunta ro'n," wika ni Athena at tuwang-tuwa naman siya.

Naglakad na kami at naghanap ng mabibilhan ng damit na susuotin ko para bukas. Nang makapasok kami sa isang clothing store, bumungad sa aking harapan ang magagandang damit.

"Pumili ka lang ng gusto mo at bibilhin ko lahat," saad ni Xavien.

Mukhang nagpapakitang gilas ang lalaki sa akin. Hindi porque mayaman siya ay madadaan na niya ang panliligaw sa paglibre sa akin.

Tumango naman ako ng marahan sa kanya at namili ng aking mga susuotin.

"Ito kaya?" suhestyon sa akin ni Athena ng ipakita niya sa akin ang isang casual blue dress.

I quickly shrugged my head. "Hindi bagay sa party yan, hanap pa tayo." aniya ko.

I know that all of it was stunning and beautiful kaya hindi ako makapili agad, hanggang sa nagawi ako sa isang dress na tila nakapagpukaw nang aking atensyon para kunin ito. It was a pink silk satin dress, bagay ito sa akin pero base sa ekspresyon ni Xavien ng matapos ko itong suotin ay hindi niya ito nagustuhan. Bagay naman 'eh, sayang!

"Ang tagal ko itong sinuot tapos hindi niya pala gusto!" bulalas ko. Tumawa pa ang loko sa akin bago ko isarado ang fitting room. I tried the second dress that I took earlier, and it was a long black sleeveless dress.

Nang makalabas ako ng fitting room ay naramdaman ko na parang hindi kasya sa akin at wala akong pambayad kung magkataon na masira ito, kaya agad akong bumalik at tinanggal ito.

It took me longer to remove the dress, buti na lang ay walang sira nang matapos ko itong tanggalin. Hanggang sa suotin ko ang huling dress na aking nagustuhan.

It's not just a normal dress, medyo may konting pagkakahalintulad ito sa isang red gown na binigay ni Xavien sa akin. Bukod kasi sa kulay nito, sigurado akong mamahalin din ito kaya maingat ko itong sinuot.

If I'm not mistaken, this is a high-slit dress, and it was so stunning to look at it. Owing its own fiery dark red color that is encrusted with red crystals, and the bareback design features a side cutout and a high slit, kaya't litaw na litaw ang mapusyaw kong balat sa likod.

Kung titingnan ay para tuloy akong sasali sa isang pageant dahil sa suot ko ngayon na binagayan ng mahaba kong buhok. Matapos ko itong suotin ay naalala kong may dala akong hikaw, kaya sinuot ko na rin baka sakali na mas bumagay pa ito sa aking bilugang mukha at hindi nga ako nagkamali.

Nang makalabas na ako ng fitting room ay nginitian ko si Xavien. Saglit silang natahimik at natulala na parang nakakita ng multo sa kanilang harapan, biglang sumilay sa labi ni Xavien ang isang ngiti.

"Y-You look elegant, Amie," he said, complimenting me.

Naramdaman ko na lang ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Buti naman ay nagustuhan na niya ang aking sinuot, siya talaga ang pinapili ko dahil hindi na ako makapag-desisyon sa kung ano ang susuotin ko sa sobrang daming dress at gown sa aking paligid.

"Well I must say that you look beautiful on that dress, Amie," aniya ni Larken at pinuri rin ako.

Nang tiningnan ko naman ang aking sarili sa salamin ay mas lalong tumaas ang confidence ko dahil bagay na bagay nga ito sa akin, para sa gaganapin na kaarawan ni Rivon. Parang nakakahiya tuloy pumunta sa kaarawan niya dahil baka magmukhang ako 'yung may birthday kaysa sa kanya.

Nahiya pa akong tingnan silang tatlo, hanggang sa marahang lumapit sa harapan ko si Xavien. Ilang saglit pa ay lumapit sa amin ang isang sales lady na kanyang tinawag.

"We will take this dress, Miss," Xavien said. Nilabas naman niya ang kanyang wallet at dinukot ang isang itim na credit card at mabilis itong binigay sa babae.

"Take your time to undress it, or else I'll undress that for you in the fitting room," he whispered. He even softly chuckled after saying it.

"Tsk! Pervert," ani ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin bago ipadyak ang aking paa papasok ng fitting room.

Mabilis ko naman na hinubad ang suot ko at lumabas na rin agad para bayaran ito.

"Okay, sir, that would be 1.5 Million Pesos."

What?! 1.5 Million Pesos?

Nanlaki ang mata namin ni Athena at halos mapatakip ako ng aking bibig dahil sa presyo.

Mas gugustuhin ko pa na bumili sa ukay-ukay ng susuotin kaysa naman makonsensya ako sa presyo nito habang suot papunta sa bahay ni Rivon.

"Don't worry, Amie. Millions are just a penny to a person like him, especially if you're part of Valmoris Family," Larken whispered.

Kung sa kanya ay barya lang ang milyones para sa akin malaking pera na ito, bukod sa marami kang matutulungan ay maiaahon mo pa ang sarili mo sa hirap. Tapos malalaman ko lang na barya sa kanya ang 1.5 Million?!

Hindi ko alam pero parang sa taas ng presyo ay tataas din ang aking dugo dahil parang wala lang sa lalaki ang kanyang ibinayad kanina. Nagtungo muna kami sa isanf fast food chain upang kumain dahil kanina pa kami namimili.

"Huwag mong pagurin ang sarili mo na dalhin lahat ng pinamilli natin at ako na ang bahalang magdala niyan sa dorm mo," saad ni Xavien. "Just eat first and I'll take care of everything."

Hindi naman ako tumututol sa sinabi niya at agad nanilamutak ang spaghetti, fillet at fries sa aming mesa dahil sa sobrang gutom.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

NAKITA ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa kotseng dala ni Quade at halos hindi niya rin maalis ang tingin sa akin, bakit ba gandang-ganda sila sa suot ko? Dahil ba mahal ito o sadyang bumagay lang ang pula sa akin?

I heard that if someone is wearing red clothes, it gives attraction to someone's eyes. Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Xavien noong um-attend kami sa isang selebrasyon.

"Red can symbolize many things like danger, anger, or even sacrifice. But It can also be a passion and desire in a positive way."

Hindi naman ako makakatanggi dahil totoo naman ang lahat ng iyon. Red can be a center of attraction, or so we call the red dress effect. This phenomenon in which the color red increases physical attraction, sexual desire, and romantic sentiments in comparison to other colors.

"Hindi ko alam na inimbitahan ka rin niya?" I asked. Malapit na kami ni Quade sa sinasabing Villa Cortez dahil natatanaw ko na ito.

"Yes, I didn't expect it because we just bumped into each other at muntik ko pa nga na masira' yung project na ginawa niya," he said and chuckled. "She's very friendly, though I highly doubt there's something off about her."

Something off about her? Kagaya ni Xavien ay hindi niya rin pinagkatiwalaan si Rivon?

"What do you mean? Mabait naman siya at inimbitahan niya pa nga tayo sa kaarawan niya," aniya ko.

"Let's see then, baka may tinatago 'yang babae na yan. I just have a gut feeling that something might bad happen," he said.

I don't see anything wrong about her. Kung ayaw nila kay Rivon, pwede naman nilang sabihin agad sa kanya.

Nang makarating kami sa Villa Cortez ay napansin naming marami nang tao na pumapasok. It's already 7 o'clock at sakto lang ang dating namin dahil hindi pa naman nagsisimula ang selebrasyon.

Ipinakita at ibinigay namin sa isang lalaki ang invitation na galing kay Rivon at pinapasok naman nila kami. Iginawi ko ang tingin sa paligid, ang ilang babae na bisita ay sobrang elegante tingnan dahil bukod sa magandang suot nila ay may mga suot din silang mamahaling alahas.

Napahanga ako sa sobrang ganda ng lugar na ito at masasabi ko talagang engrandeng selebrasyon ito. Kailan ko kaya mararanasan ang ganitong klaseng pagdiriwang sa kaarawan ko?

Ilang saglit lang ay natanaw ko ang pigura ng isang babae, nakasuot ito ng kulay asul na bistida, naka-bun ang kanyang buhok pero ang magkabila nito ay nakabagsak na lalong ikinaganda niya. Mukha siyang isang princesa sa kanyang suot ngayon.

"Amie, buti nakarating ka," aniya at marahan akong niyakap. Nagpalitan pa kami ng ngiti sa isa't-isa. "Hindi mo kasama si Xavien?"

"Happy Birthday!" bati namin pareho ni Quade. "Oh, parating na rin si Xavien maya-maya lang. Na-traffic siguro."

"Just enjoy the night, marami kayong makikilala rito at huwag kayong mahiyang lumapit sa kanila. They are all approachable and kind," sabi pa ni Rivon.

Tumango naman kami parehas sa kanya, bago siya umalis at kinausap ang iba pang bisita na dumalo.

Nanatili muna kami sa isang table habang hinihintay sina Xavien, Zeiro at Athena. Wala akong nakikitang kakilala namin mula sa Amethy High, kahit ang ilang kaklase namin ay wala, puro mga mayayamang tao ang narito ngayon.

"Sorry for being late, I just work into something," Xavien said, inayos nito ang suot niyang wristwatch bago umupo. Akala ko ay hindi na siya darating sa sobrang tagal nito.

Quade and Xavien are both wearing traditionally black and dark blue satin and black grosgrain fabric on their lapels, which looks a lot like a fine cord facing. They have silk stripes down the sides, a bow tie, and a cummerbund paired with their black shoes.

Mas guwapo at malinis siyang tingnan ngayon sa suot nitong tuxedo, ang ayos ng kanyang buhok na tila naka-wax pa. Nakita ko rin ang ilang butil ng pawis sa kayang noo.

Parang nagmamadali siyang dumating dito, may nangyari ba?

Minutes later, nagsimula na ang selebrasyon. Natulig ang tainga ko sa lakas ng sigaw at palakapak ng mga tao sa aking paligid. Isang lalaki ang may hawak ng mikropono ang umakyat sa maliit na stage, hindi alintana ang kaba at saya sa kanyang mukha. He the cleared his throat ang gently tap the microphone.

"I am glad that everyone joined us tonight in this celebration, and I would like to express how happy I am today," he said.

Hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ay nakita ko si Rivon. Mukhang kabado ito at kumaway pa sa 'kin ng magtama ang tingin namin. I smiled to her and face again to the person who was speaking in front again.

"Because tonight I would like to make an announcement, hindi ko na ito patatagalin pa. Please welcome my beloved daughter, Valrein Rivon Cortez, who will soon be the CEO of La Solarez Hotel.

Napuno nang palakapak ang buong paligid habang paakyat sa stage si Rivon nang nakangiti. I can see how happy she was, and she's the most beautiful person tonight.

Nagniningning ang kanyang kasuotan dahil nababalot ang kanyang suot ng maliliit na crystals na nagpamutawi sa ganda nito, samahan pa ng napakagandang ear cuff na kanyang suot sa kanang bahagi ng tainga niya.

Ilang saglit matapos ng mahabang speech ng kanyang dad ay niyakap ni Rivon ang kanyang ama, habang may butil ng luha sa kanyang mga mata. Nagpasalamat naman ang babae sa pagdalo naming lahat sa kanyang kaarawan.

Actually, hindi niya inaasahan na ganito karami ang taong dadalo ngayong gabi. Ang sabi niya kasi sa kanyang ama ay mga kaibigan at kakilala niya lang ang pupunta.

Hindi matawaran ang ngiti sa kanyang mukha ngayon habang naluluha pa. "She really is the daughter of Leonardo Cortez. Ngayon ko pa lang nasilayan ang kanyang mukha."

Tila nahimigan ako sa isang baritonong boses ng lalaki at pamilyar ito sa akin. Nang lumingon ako para tingnan siya ay nanlaki ang mata ko.

Yes, the jerk is invited to this party.

At paano naman siya nagkaroon ng koneksyon sa pamilya ng mga Cortez?

"W-wait, you're also invited?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Isn't it obvious?" sungit nitong sagot. "Hindi ko inakala na magkakilala pala kayo ng anak ni Leonardo?"

"I just met her a few days ago," I replied.

I looked at him and I must say that he looks like a gentleman today dahil sa ayos ng suot nito, sinamahan pa ng kimpy na style ng kanyang buhok. Nagmumukha itong alon at halos dumampi na nga sa kanyang labi ang ilang hibla ng buhok.

Napagpasyahan ko na lang na magpalagay sa waiter ng wine na hawak nito. I know I shouldn't drink alcohol, pero hindi naman masama kung isang beses lang 'di ba?

Besides, this is a grand party night. Halos wala nga akong makitang juice dito kaya wine na lang ang pinalagay ko. Habang marahan akong umiinom ay tila nagtama ang tingin naming dalawa ni Xavien. He simply held the wine glass that I was holding kaya napatigil ako sa pag-inom.

"Don't drink too much, it's bad for you." He then put away the wine glass. "At kailan kapa natutong uminom ng wine? You always drink juice; do you want me to get—" Naputol naman ang kanyang sinasabi ng marinig ko ang boses ni Chase sa katabing table.

"Tsk. overprotective," Chase blabbered while looking at us.

"Leave her alone, Chase," galit na anas ni Xavien at sinamaan siya ng tingin.

"Why are you acting like a protective boyfriend, kayo na ba?" Pilyong tanong ng lalaki. Naramdaman ko naman ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

"He's not my boyfriend!"

"She's not my girlfriend!" we both denied in unison.

Nagkaiwasan naman kami ng tingin sa isa't-isa. Narinig ko pa mula sa kaliwa ko ang mahinang pagtawa nina Quade at Athena. Nakita ko muli ang paglapit sa akin ni Rivon at marahan niyang hinigit ang aking kamay papasok ng kanilang bahay.

"M-may sasabihin ka ba?"

"No, just wait for me here. I'll go upstairs because I will give you something," she said and smiled.

Tumango naman ako sa kanya at mabilis itong pumanik sa mahabang hagdan. Hindi ko inakala na ganito pala kaganda ang bahay ni Rivon. Tumingala ako at nakita ko ang malaking chandelier na halos sumisilay sa ganda nito, samahan pa nang sobrang laking mga kurnina na kulay Beige, Khaki at Auburn.

Ilang minuto pa akong naghintay at dahil nakatayo lang ako ay napagpasyahan kong umakyat ng hagdan para tingnan kung nasaan si Rivon, masyadong maraming pinto kaya hindi ko alam ang uunahin, binuksan ko na lang kung ano ang unang pintuan na aking madaanan at nang buksan ko ay wala ang babae roon.

"Rivon," mahinang pagtawag ko.

Pagkatapos kong isara ang pintuan ay tiningnan ko naman sa kabila, pero wala siya sa kuwartong iyon.

Napukaw ang atensyon ko sa aking narinig dahil malakas na sumara ang pintuan na aking ikinagulat. Sobrang laki ng bahay ni Rivon kaya't puro kuwarto ang nadadaanan ko, pero hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin. Nang magawi ako pakaliwa ay halos napaatras ako at nanlaki ang mata ko, nakita kong papalapit ang isang lalaki na puro dugo ang kanyang kamay at nalaglag nito ang hawak niyang kutsilyo.

"H-hindi ako ang pumatay," mahinang sambit niya at halos nanginginig pa.

Napasigaw na lang ako ng malakas at halos hindi alam ang gagawin.

Nangangatog ang tuhod ko hanggang sa nakita kong may lumalabas na babae sa isa sa mga kuwarto at nang magtama ang tingin namin ni Rivon ay agad niya akong tinungo at halos magulat din siya sa kanyang nadatnan.

"Kuya Ariel!" sigaw ni Rivon.

Halos napaluhod ang lalaki at napaiyak na lang, habang balot ng dugo ang kanyang dalawang kamay at puting damit. Nanginginig pa rin ang tuhod ko at halos pagbagsak na rin ako nang may maramdaman akong umalalay sa akin.

"Xavien..." I uttered his name.

"I'll take you downstairs at ako na ang bahala rito," he said. Dumating din sina Larken, Athena at Quade. Pati na ang iba pang mga bisita na halos gulat na gulat sa kanilang nasaksihan.

Bago pa kami makababa ay nakarinig muli ako ng hikbi ng lalaki at ang mahinang sambit nito na paulit-ulit.

"H-hindi ko siya pinatay...hindi ako ang pumatay kay Coleen."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top