CHAPTER 34: PLUS ONE
Isang linggo ang lumipas matapos ng insidenteng iyon. Naging tikhim ang bibig ng tatlo dahil sa nangyari, habang ako ay gulong-gulo sa sitwasyong pinasok namin.
Ano bang kailangan kong malaman?
Bakit nga ba ako naging estudyante sa eskwelahan na ito sa simula pa lang?
Kailangan ko na ng kasagutan dahil masyado na akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw at ayokong mag-overthink gabi-gabi ng dahil sa mga iyon. Kakapasok ko lang sa aming silid at ngayon nga pala magsisimula ang huling semester namin. Nakita kong abala sa kanyang kinauupuan si Larken, buti naman ay maaga ulit siyang pumasok at hindi na masyadong lumiliban.
"Morning!" Mabilis niyang bati sabay ngiti sa akin. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang sugat na natamo nito.
"Loko ka! Akala ko patay ka na talaga, 'yun pala natutulog ka lang nung binuhat kita," aniya ko at mahinang tumawa ang loko sa akin.
"I'm just playing dead and you're way too serious and confused that day, masyado mong iniisip nitong mga nakaraang araw ang nangyari," he replied.
Who wouldn't?
Halos mapatay na nga sila nung lalaki dahil sa hawak nitong kutsilyo at kung hindi pa tinutukan ng baril ni Chase ay malamang nasaksak na si Xavien. Mababaliw talaga ako kapag nangyari iyon!
"Ikaw rin ba ang tumawag kay Detective Mori nung gabing iyon?" I asked and he nodded.
"Yup, as I expected. Hindi maganda ang kutob ko sa simula pa lang kaya minabuti ko nang tawagan si Detective Mori, and it turns out it was Xavien's greatest rivalry," he said and now I'm curious about this person and his identity.
Sino siya at ano ang koneksyon niya sa pagkatao ni Xavien? Is also he part of a mafia organization?
"I don't have much information about that Clove, pero hindi ko siya kayang pagkatiwalaan. Xavien knows nothing about him, but for Chase and me, I can't guarantee our safety if he's on our side," dagdag pa niya.
At some point, It piqued my interest.
Parang nakakaramdam ako na kailangan ko ng kasagutan sa maraming tanong na bumabagabag sa akin ngayon.
"Kumusta na si Athena, okay na ba siya?" tanong ni Quade nang makapasok ito ng silid. Kasama niya rin sa kanyang likuran si Nova.
I nodded. "Magaling na siya, nakausap ko lang siya kanina bago ako pumasok. Bukas na bukas ay papasok na siya ulit," wika ko. Mukhang natuwa naman ang tatlo sa aking balita kaya napangiti sila.
Maya-maya lang ay nakita kong papalapit na sa pintuan si Xavien. As usual, binati ako nito ng 'Good Morning' bago umupo sa kanyang armchair. Sinilayan ko naman ito ng maganda kong ngiti, pero parang hindi naman niya napansin.
"Magaling na ba 'yung sugat mo?" tanong ko sa kanya. Marahan kong hinawakan ang band aid sa kanyang noo.
"I'm okay, don't worry about me. Ikaw nga dapat ang inaalala ko dahil kung hindi ako tinulungan ni Chase, baka inatake ka ni Clove nang gabing iyon," sambit niya.
Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa habang nagsasalita siya dahil pareho silang dalawa na may band aid sa noo at sa braso dahil sa mga sugat.
"What so funny?" he asked.
"N-Nothing," I tipidly replied and simply directed my gaze at my other schoolmates. Napansin ko mula sa kanan ang pagiging tahimik ng isa naming kaklase na si Rivon.
She's just like a different version of me, pero mas tahimik nga lang kumapara sa akin at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ito, sinabayan ko lang din siya ng pagngiti hanggang sa ilang saglit ay pumasok na rin sa silid ang guro namin bitbit ang kanyang lesson plan.
"Good morning, Class," he greeted us at bilang pagbibigay galang ay tumayo kaming lahat at binati rin siya.
"Na 'ko ang dami na namang ipapagawa niyan ni Sir, konti na lang talaga babagsak na ako sa subject niya," reklamo ni Larken sa akin at hininaan ang kanyang boses.
"Huwag ka kasing mag-cut ng class, para hindi ka nahuhuli sa lesson natin," mahinang sermon ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pagsasalita ng aming guro sa harapan.
"Bakit anong lesson na ba natin?" he asked. "Patingin nga ng notes mo."
"Ayoko nga!" Hindi ko binigay sa kanya ang notebook ko. Napasapo na lang ako sa aking noo nang higitin ko ang kanyang notebook at tingnan kung may nasulat na ba siya.
As I expected, puro walanh kwentang drawing lang ang mga ito at kung ano-ano pang drawing na ayoko na lang titigan dahil puro kabastusan lang ang nasa loob nito.
"Gago ka! Cell division na tayo tapos wala ka pang nasusulat kahit isa?!" inis kong sabi sa kanya.
Mukhang napalakas ang boses ko ng biglang umubo nang malakas si Mr. Esteves sa amin ang Biology teacher namin sa huling semester na ito.
"Your language, Ms. Mendoza." Mr. Esteves said.
Napagawi ang tingin ko sa guro at mas lalo pa akong nainis dahil tinawanan lang ako ng loko. Napagpasyahan kong magsulat na kang ng aking notes.
Pagkatapos ng klase namin ay nagtungo agad ako pabalik sa dorm para tingnan ang kalagayan niya. Pagpasok ko ay tanaw ko na agad siya pero nakahiga pa rin ito at gising na.
"Oh! Amie, nandiyan ka pala," wika niya ng magtama ang tingin namin. Hindi pa masyadong magaling ang natamo niya sa kanyang paa kaya't hirap itong makalakad.
Kumuha ako ng isang upuan at itinapat ito sa kanyang kama at marahang umupo.
"M-May tanong ako, Athena. Do you remember what happened that night?" I asked. Napakunot-noo naman siya sa aking tanong.
"It's not clear. Masyadong mabilis ang pangyayari no'ng gabi na 'yun, pero...isang lalaki ang nakita ko na nakasuot ng maskara-A red mask to be exact," she explained.
What a red mask?! Is it Ortheus? I'm also unsure if that's him, so I must confirm it.
"S-Sige mauna na 'ko, pupuntahan ko pa kasi si Xavien," nagmamadaling sabi ko at mabilis na nagpaalam sa kanya.
Nang makalabas ako ng dorm ay tumakbo ako pabalik sa campus pero sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay napahinto ako nang makita ko si Chase na nasa gate namin at mukhang nagtatalo silang dalawa ng guard.
I heave a sigh before running towards him. Nang magtama ang tingin namin ay do'n lang siya natigilan sa pakikipag-away sa guard.
"Sorry, pero hindi ka talaga pwedeng pumasok," sambit ng guard.
"Amie!" Pagtawag niya sa 'kin habang papalapit ako sa kinaroroonan niya, pero sinamaan ko lang siya ng tingin at nakahalukipkip ng aking kamay.
"Okay lang po kuya guard, kilala ko po siya," wika ko. Hinayaan na rin ng guard na makapasok siya pero hindi kalayuan sa gate at natatanaw pa rin kaming dalawa.
"What are you doing here? Are you ditching classes at Amores High?" I asked. Medyo napataas ang boses ko pero agad din akong kumalma.
"I didn't barge here for nothing. Time is precious to me, so I have an important task to do," he said. Nananatili pa rin akong nakahalukipkip sa harapan niya.
"At ano naman iyon, Jerk?" I asked.
"I need to talk to Xavien about something-a crucial thing you don't want to know," he replied.
Anong ibig sabihin ng lokong 'to? Baka naman may kinalaman ito sa papel na natanggap namin no'ng galing kami sa Amusement Park? At halos barilin na kami ng mga alipores ng kanyang kalaban.
"Follow me," I mumbled. Gumawi kami sa dormitory ng mga lalaki at halos manlaki ang tingin ng iba habang dumaraan sila.
"Uy, chix!" anas ng isang lalaki na nadaanan namin at inirapan ko lang ito.
"Teka, 'di ba bawal ang babae rito?"
"Hoy! Bakit may dwendeng nakapasok sa dorm natin?" wika pa ni Xian at mabilis na nag-peace sign sa akin ng samaan ko ito ng tingin.
"Joke lang-Aray!" Mariin ko siyang kinurot sa kanyang braso. Roommate siya noon ni Xavien na lagi rin napapagawi sa kuwarto nito para maglaro ng mobile games.
Wala akong choice kung hindi ang samahan siya kahit maraming lalaki ngayon sa dormitory na pagala-gala. Hindi naman kasi pamilyar si Chase sa buong lugar at baka maligaw pa siya sa girls dormitory tiyak akong magsisigawan ang babae palapit sa kanya.
"I didn't know you're damn popular here, kaya pati ang ibang kasama ni Xavien ay kilala ka rin," aniya ni Chase.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahinuha na siya si Venom, masyado kasing impossible kahit na nakita ko ang kanyang mukha bago ako mawalan ng malay. I stop for a moment, ibig-sabihin kilala niya si Mr. Morris at alam niya ang lahat ng impormasyon patungkol sa Valmoris mafia.
Hinigit ko ang kanyang kamay pero napalakas yata ito kaya sumubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib, napatingala na lang ako sa nangyari at nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha.
I cleared my throat and fixed myself.
"I know you have many questions in your mind that keep bothering you every night, right?" he said.
'Eh kung alam niya naman pala bakit hindi niya na lang ako diretsahin!
"You and Venom is the same person, hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko ang mukha mo. I also saw you the night I was kidnapped, but you became silent and still played your dirty game," I replied.
He didn't expect that and was caught off guard. Halos ilang saglit pa kaming naging tahimik at parang agila ako kung tumingin sa kanya ngayon. Marahan akong lumapit at bakas ang kaba sa kanyang mukha.
"Who are you?" Seryosong nakapiska ang ekspresyon sa aking mukha habang nakatitig sa kanya.
"I already told you, Amie. I am Chase Lawrence Valmoris, the man you don't want to mess with," he said seriously while also looking intently into my eyes.
"Leave her alone, Chase!"
Nang mahimigan ko ang boses ay napalingon na lang ako at bumungad sa amin si Xavien.
Hinila ako nito papalapit sa kanya. "Don't ever come near him, kung ayaw mong mapalapit ulit sa gulo," mahinang sambit nito.
Nakita ko ang ngisi sa labi ni Chase at tinaasan siya nang kilay. "I can hear you, you know?" pilosopong sagot ng lalaki.
"What do you want?" Xavien asked.
Lumapit ang lalaki sa kanya at ngumisi ulit. Mukhang gawain na talaga nilang magkapatid na ngumisi sa tuwing nagtatama ang tingin nilang dalawa. Bukod sa mukhang kambal-tuko sila ay magka-ugali rin ang dalawa, hindi rin nagpapatalo sa isa't-isa.
"I want to talk to you, privately," mahinanong sabi ni Chase. Tiningnan nila akong dalawa at hudyat ito para umalis na muna ako at bigyan silang dalawa ng oras para makapag-usap.
Mabilis din naman akong nagpaalam kay Xavien na babalik na ako sa dormitory at habang pabalik ako ay nakasalubong ko si Rivon, nakangiti itong lumapit sa akin.
"You're Amie, right?" tanong niya. Marahan naman akong tumango sa kanya na nakakunot-noo.
"And you must be Rivon?"
Binigyan ulit ako nito ng isang matamis na ngiti. Nahiya ako sa ayos ng uniporme at histura ko na parang labandera, kumpara sa kanya na maayos ang buhok at nakasuot ito ng kulay biyoletang laso at malinis ang kanyang uniporme.
"Yes, I am Valrein Rivon Cortez," she introduced herself. "I heard you and Xavien have been solving cases here at Amethy High?"
Mukhang interesado siya sa akin at ngumiti ako sa kanya.
"Yup, do you need help?" I asked.
"I know I'm not good at solving cases, but that's not what I came for. Manghihiram sana ako ng notes sa 'yo sa Biology and Basic Calculus, can I?"
"S-Sure, pabalik na rin naman ako sa dorm kaya samahan mo na ako para kunin ang notes," wika ko.
Tumango naman ang babae at gumawi na kami papasok ng girls dormitory, pagpasok namin ay nagulat ako dahil nasa kuwarto ko si Athena.
"Bes, nakaka-bored sa kuwarto. Wala na akong magawa kung hindi ang tumitig sa kisame," reklamo niya. Natawa naman kaming pareho ni Rivon sa kanyang sinabi.
"Oh! By the way, sino 'yang kasama mo?"
"She's our classmates. Hindi mo ba siya namumukhaan?" I said. "Siya si Valrein Rivon Cortez."
"It's okay, hindi rin naman kasi ako masyadong active, especially sa recitation kaya hindi ako madalas napapansin. Besides, I don't have friends to be with kaya hindi talaga ako masyadong kilala," wika ni Rivon na ikinalungkot naming dalawa ni Athena.
"You can join us anytime, pero sana matagalan mo ang ugali ni Larken dahil laging nangiinis iyon," litanya ni Athena sa kanya. Mas natawa naman ako sa kanyang sinabi.
"Really? Hindi ba masyadong ma-out of place ako?" pag-aalalang tanong niya.
"Don't worry, all of us are friendly and talkative so hindi ka ma-op sa 'min. I'm Athena Jane Valeria." Inilahad naman niya ang kanyang kamay sa babae at nakipagkamay ito.
"So bakit ka nga narito?" I asked Athena and gazed at her quickly. Naibigay ko na rin ang notebook na hinihingi ni Rivon sa akin."
"Uhm...kung mag-shopping kaya tayong tatlo, what do you think?" suhestiyon ni Athena.
"Ang gastos naman!" anas ko. "Pero sige. Wala rin naman akong gagawin ngayon, maliban sa notes. Gusto mo bang sumama, Rivon?"
Lumingon ako at tumingin sa babae, napalunok naman ito ng madiin bago nakapagsalita.
"S-Sure, pwede ko naman isulat ang notes ko later, tara!"
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
NAPAGPASYAHAN nga namin na pumunta sa malapit na mall, hindi rin kalayuan ito mula sa Amethy High at sa minalas nga naman ayhabang paakyat kami palapag ay nakita ko ang isang pigura ng lalaki.
"Oh, sinong tinataguan mo?" mahinang sambit ni Athena. Nakita niya kasi akong nagtatakip ng aking mukha at nang igawi niya ang tingin sa paligid ay parehas na kaming napatakip.
"Huh? Anong mayroon?" tanong ni Rivon sa amin. Hinigit ko ang kanyang kamay nang makaakyat kami sa ikalawang palapag ng mall.
Shit! Bakit nandito ngayon si Zeiro-teka, sino 'yung kasama niyang babae?
Agad kaming nagtago sa tapat ng isang bilihan ng mga gamit. Nang mawala na sila ay pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Athena.
"Bakit niyo tinataguan si Zeiro?" Saglit kaming napatigil dalawa at sabay na napatingin kay Rivon.
"Kilala mo siya?!" hindi makapaniwalang sambit namin ni Athena. Tumango naman ang babae sa sinabi namin.
How did she know him, ibig-sabihin ay nagkita na sila noon? What a coincidence na kilala niya pala ang lokong iyon.
"I bump to him on Xavien's birthday, hindi lang ako makapaniwala na may gano'n talagang ka-gwapo na estudyante sa Amethy High. I never see a perfect person like him, he has a golden ratio of face."
The golden ratio face of a person can be used to evaluate the proportions of the human face through several measurements and calculations. What would I expect from Valmoris's bloodline? Bukod sa mayaman at perpekto, pare-parehas lang sila ng ugali. Even how they smirk at each other.
"So, you're also here, Ms. Sungit?"
Napaigtad kaming tatlo nang marinig ang isang pamilyar na boses at nang lumingon ako ay sinamaan ko siya ng tingin pero tunawa lang ang huli.
"I-Ikaw pala, Zeiro. Hindi ka namin nakita. Kanina ka pa ba riyan?" sagot ko.
Oh, crap! Now the playboy caught us being here. Ayoko talaga na nakikita ang kanyang mukha lalo na kapag wala ako sa Amethy High. Hindi sa naiinis ako sa perpektong mukha niya na medyo kahawig pa ni Xavien, but I can't explain the feeling when he's around me.
Could it be that he's the one behind the ortheus code name?
"Ako nga wala nang iba, by the way bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo ngayon?" tanong ni Zeiro.
Isa pang sabi niya ng boyfriend ay sisikmuraan ko talaga siya ng malala, 'yung halos mapapaluhod siya sa sakit.
"You mean, Xavien? I'm not his boyfriend, manliligaw ko lang siya," I corrected him. "Hindi ko pa naman siya sinasagot.
Ngumisi naman ito sa akin at marahang tumawa. Nakita ko ang kasama niyang babae na naglalakad papalapit sa amin.
She's wearing a tinted yellow off-shoulder pairing with her beige flat shoes. Base naman sa hitsura niya ay kasing edad lang din siya ni Zeiro and I think she's around 19 years old.
"Then...I also have a chance," he said, flashing his playful smile.
"Chance mo mukha mo! Nandito ka ba para mambwisit?!" sambit ko at humalukipkip.
"No, we're here to watch some movies. Naglibot-libot muna kami, until I saw you hiding like a detective," he said. "Bukod kay Athena, I didn't know you also have such a beautiful friend-Wait! I remember you, ikaw 'yung nakabangga ko sa party ni Xavien, 'di ba. Miss Rivon?"
Napahawak naman sa batok ang babae. "Ah, buti naman naalala mo pa ako. I bet you have a sharp memory," Rivon replied to him and smiled.
"Sino pala 'yang kasama mong babae?" I asked. Mukhang isa na naman siya sa mga pinaglalaruan na babae ni Zeiro.
"Hi, Amie! Ako nga pala si Veronica Reese Fier, kaibigan ni Zeiro at lagi ka rin niyang kinukwento sa akin lalo na 'yung nangyari sa two weeks' vacation niyo," aniya ng babae.
Crap! Sa lahat ba naman ng iku-kwento niya ay 'yung malala pa?
Nakalimutan ko na nga ang nangyari but it flashed through my mind all the things we did during that day. It was also traumatizing experience to me, lalo na't dapat bakasyon iyon pero nauwi sa pagresolba ng kaso ng lalaki na kinilalang Louie Alvaran.
"Gusto niyo bang sumama manood?" Zeiro asked. Hindi naman nakatanggi ang dalawa at tumango sila ng nakangiti.
Wala rin akong nagawa kung hindi ang sumama na lang tutal ay siya naman ang gagastos ng pang-sine namin. Buti na lang naka-libre ako dahil kulang pa naman 'yung pera ko.
Dahil lima kami ay napapagitnaan ako ni Athena at Zeiro at nang makaupo na kami ay do'n na nagsimula ang palabas.
"I know you will like this movie." Zeiro whispered to me. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at naka-focus lang ang mga mata ko sa aking pinanonood.
"Why did you say so?" I asked. I didn't take a glance at him and started to eat our popcorn.
"You said to me before that you like Sherlock Holmes. I always remember every detail you said, kaya movie date sana ang regalo ko sa birthday mo. But we did it unexpectedly," he mumbled. Mahina pang tumawa ang loko.
Halos bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, nalaglag oa niya ang ilang piraso ng popcorn. I bit my lower lip and tried to hide my smile. So, he always remembered what I said to him.
It may seem like a small thing to others, but remembering a small detail gives me butterflies in my stomach.
Halos hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil matagal ko nang gustong panoorin ang Enola Holmes. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na manood sa dami ng aking ginagawa simula nang maging isang estudyante ako sa Amethy High.
I love how Millie Bobby Brown portrays her character through the entire movie, until we reach the end credits. Walang patapon sa bawat eksena at mas nagustuhan pa namin 'yung lalaki na nakilala niya sa train na si Tewkesbury. Nang matapos ang palabas ay agad din kaming lumabas.
"Ang gwapo ni Tewkesbury, 'noh?" Halos hindi matawaran ang ngiti sa labi naming tatlo at tumango naman kami sa sinabi ni Rivon na mukhang nag-enjoy sa buong palabas.
"Meh, mas gwapo pa ako do'n-" Sa hindi inaasahan ay naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw at mukhang nanggaling iyon sa isang Cafe.
Tumakbo kami papunta roon para tingnan kung ano ang nangyayari dahil nagkukumpulan na ang mga tao sa loob. Ang iba ay napapasigaw na rin. Pagpasok ko ay nadatnan namin ang isang lalaki na naliligo na sa kanyang dugo.
I blinked multiple times. Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito ngayon, napaatras na lang ako dahil medyo nahilo ako sa aking nakita. Inalalayan ako ni Rivon dahil parang babagsak na ako anumang oras ngayon. Ang dugo ng biktima ay dumikit pa sa aking sapatos.
Hindi nagsayang ng oras si Zeiro at agad na isinara ang pintuan ng Cafe at tumawag ito ng pulis. Lahat ng nasa cafe ay pwedeng maging suspect sa pagpatay sa lalaki. Halos bakas ang takot ng mga tao at ang ilan ay gusto ng lumabas pero makaraan lang ang ilang minuto ay dumating na rin sa crime scene si Detective Mori.
Nailabas na rin agad ng ilang crime investigator ang bangkay ng lalaki at kinilala ito bilang si Giovanni Perez, 25 years old at apat na taon ng nagtatrabaho sa Gourmet's Cafe.
"Walang CCTV dito sa loob kaya mahirap tukuyin kung sino ang pumatay sa biktima," sabi ni Detective Mori sa amin.
Hindi gaano karami ang tao sa Cafe at tiyak akong wala pa sa sampung tao ang pumasok dito kanina bago pa mangyari ang pagpatay, kaya nakatitiyak ako na narito pa ang pumatay sa lalaking biktima.
"Wala ba kahit isa sa inyong nakakita kung sino ang huling kasama ng biktima?" tanong ni Zeiro.
Ang iba ay takot pa rin pero hindi naman sila pwedeng paalisin agad dahil baka nasa paligid lang ang pumatay sa biktima. Maya-maya ay may tatlong tao na nagtaas ng kamay.
Nakasuot ito ng uniporme pang-trabaho, parehas na may mga hairnet sa ulo at may nakapalupot sa katawan na apron.
"Kami ang huling kasama niya bago siya namatay," sabi ng isang lalaki.
"Pwede bang lumapit ka sa amin at ipakilala mo ang iyong sarili?" Kahit na natatakot ay nagpakilala ang lalaki.
"A-Ako si Raven Duke Fernandez," Pagpapakilala nito. "Bago lumabas si Giovanni dala ang mga order ng customer ay napansin kong nanginginig ang kamay niya at nang tanungin ko siya ay hindi ito sumagot at ngumiti lang sa 'kin."
"Wala ka na bang nakita na kahit na anong kahina-hinalang kilos sa mga pumasok dito kanina?" tanong ni Zeiro.
Matapos nun ay kinausap ni Detective Mori ang dalawang lalaki, habang si Zeiro ay abalang naghahanap siya ng pwedeng maging ebidensya.
"What do you think is the cause of his death?"
"I-I would like to also help in this case, kung pwede lang po Detective Mori," sabi ni Rivon.
Nanlaki naman ang mata namin ni Athena. What?!
Paano siya makakatulong kung wala naman siyang alam pagdating sa mga ganitong kaso? Hindi rin siya detective para magbigay ng deduction niya at baka mas lalo pang maging magulo ang kasong ito kapag mali ang kanyang deduction!
"Siguro ka ba, Rivon?" tanong ko sa kanya. Napalunok na lang siya ng madiin bago marahang tumango sa akin.
"We just need to think out of the box para malaman kung sino ang pumatay. Aside from the evidence, we can't immediately prove that it's cyanide poisoning," she added.
I gasped. Halos napatakip ako sa aking bibig. "What do you mean? Na nilason si Giovanni ng isa sa mga kasamahan niya?" I asked and she nodded, but with an unsure expression on her face.
"Then why don't we investigate further, para mapatunayan natin na nilason nga siya," aniya ni Athena.
Sinundan namin si Zeiro para suriin ang buong Cafe. Ang mga tao naman na nasa loob at ang limang nagtatrabaho ay kinakausap ngayon ng iba pang kasamang pulis ni Detective Mori.
Napukaw ang aking atensyon sa counter kaya agad ko itong tinungo, sinuri ko ang bawat paligid dahil sobrang gulo nito at napansin ko na parang may mali. Naglakad ako papunta kay Detective Mori at matapos magkakilala ng dalawa ay nagbigay sila ng kanilang testimonya.
Si Shaira Lorenzo, 23 years old, a psychology student at baguhan pa lang sa kanyang trabaho. Bago raw nawalan ng malay at bumagsak si Giovanni ng duguan ay naghahanda raw siya ng order ng mga customers, late na raw siya pumasok at halos wala pang tulog. Wala naman raw silang naging alitan ni Giovanni sa isa't-isa kaya imposible na siya ang pumatay.
Ang isa pa na nagtaas ng kamay kanina ay si Rhio Del Rosario, 25 years old. Nag-aayos daw siya nang gamit sa likod nang makarinig siya ng isang sigaw kaya dali-dali siyang lumabas at nakita niya nga na nakahandusay na si Giovanni.
Ang dalawang babae naman na si Ryiana Buenaventura at Lovie Janiah Salazar ay abala sa kanilang paglilinis ng mga table. Magkasama silang dalawa at Isa pa, masyado silang malayo sa pinangyarihan, pero hindi ibig-sabihin nito ay hindi na sila kabilang sa mga suspect at kailangan pa rin silang imbestigahan. Sa mga testimonya nila ay kulang pa ito para malaman kung sino ang pumatay kay Giovanni.
Nakakapagtaka kung paano nagawa ng salarin na patayin ang biktima ng gano'n kabilis, kahit na may mga taong labas-pasok sa Cafe kanina lang.
Nang makabalik si Zeiro ay bakas ang ngiti sa kanyang labi, pati na sina Athena at Quade. Could it be a cyanide poisoning case?
Nang tingnan ko ulit ang counter ay napansin ko ang isang baso sa gilid, tila nakatago ito at aakmang kukunin ko na nang may humigit ng aking kamay.
"Hindi mo na dapat hinahawakan ang iba pang bagay dito, akala ko ba mga detective kayo? Hindi ba't nakapagtataka na puro highschool student kayo?" sambit ni Rhio.
"Don't underestimate us, we are not just a detectives and a fucking highschool students," Zeiro said. Mukhang umiiral na naman ang pagiging mainitin ng ulo niya.
Handa na talaga akong takpan ang tainga ko sa aking maririnig dahil tiyak akong hindi maganda ang lalabas sa kanyang bibig.
"We already know who's the killer behind this coffee murder case," Zeiro stated. "But first, we need to ask them another question before we reveal the killer."
Napangisi ang lalaki na parang ginawang isang laro ang kasong ito.
"Go on, Zeiro." Detective Mori said.
Lumapit ang lalaki pati na si Rivon. Ngumiti pa ito sa akin bago humarap sa limang suspect ngayon.
"Hindi ba't ang sabi mo late ka nang pumasok? Tama ba, Shaira?" tanong ni Zeiro. Tumango naman ang babae sa kanya. "Bukod sa gamit mo kapag pumapasok ka, wala ka na bang ibang dala?"
"W-wala na." Nanginginig ang boses niya nang sagutin ang huli. "S-sinasabi mo ba na ako ang pumatay sa boyfriend ko?" Halos napatakip ng bibig ang babae matapos niyang magsalita.
Sinilayan naman siya ni Zeiro nang malaking ngisi sa kanyang labi.
"That's it. You already spilled it; I didn't ask you if he was your boyfriend," Chase muttered.
"I-I didn't kill him, wala kang ebidensya!" sigaw ni Shaira.
"Sigurado ba kayo na siya ang pumatay kay Giovanni? Alam kong hindi niya magagawa iyon," pagtatanggol ni Lovie
"I will bet my life that she can, nahuli siya nang pasok dahil galing siya sa isang grocery store. She had bought cyanide poisoning," Chase replied.
"Nilason ang biktima. I can confirm that this is cyanide poisoning," sambit ni Rivon.
Halos hindi makapaniwala ang limang ka-trabaho ni Giovanni, pati na ang ilang tao na halos takot pa rin sa nangyari.
"C-Cyanide poisoning?" tanong ni Rhio.
Malalim na huminga si Rivon bago igawi ang tingin kay Rhio. "Well, cyanide is a fast-acting poison that can be lethal. They were used as chemical weapons for the first time in World War I." Saglit na napatigil si Rivon at lumapit pa sa mga suspect. "But for this case, she used a Hydrogen cyanide which is colorless with a bitter almond odor. Kaya marahil ay mas naging malakas ang amoy ng kapeng kanyang ininom kanina lang that caused him to death," mahabang litanya ni Rivon.
"H-Hindi yan totoo!" sigaw pa ni Shaira. "Hindi ko pinatay si Giovanni!"
"Why don't you show us the cup that you used to kill your so-called boyfriend," I said to Shaira. Matalim akong tiningnan nito at mabilis akong pumunta sa counter para kuhain ang kulay tsokolate na baso.
"This is the cup she used. Usually kapag tayo'y nagkakape at matagal itong nakapatong sa isang mesa, lalo na kung ito'y basa, nag-iiwan ito ng bakas. At dahil natapon ang kape kanina, it immediately leave stain on the counter. Not once, but twice dahil inilipat agad ni Raven ito."
Nagulat silang lahat dahil may mga bakas pa nga sa mismong counter.
"Cyanide is a rapidly acting and potentially deadly chemical that interferes with the body's ability to use oxygen, and it absorbs quickly through the respiratory tract and mucous membranes as well as the gastrointestinal tract and skin," Zeiro said.
"We can determined manually the cyanide by Ion Selective Elextrode or ISE, and based on the victim's body sobrang bilis ng epekto sa kanya nito, bukod pa sa pagod na kanyang nararamdaman." Gamit ang isang gloves ay sinuot ito ni Zeiro at kinuha sa akin ang baso.
"Kanina sinabi ni Raven na nanginginig ang kamay nito habang hawak ang tray na may laman ng mga orders ng customer. It means hindi nakakain si Giovanni buong araw, kaya't mabilis na umepekto sa kanyang katawan ang cyanide na inilagay ni Shaira sa iniinom na kape ni Giovanni kanina lang," mahabang paliwanag ni Zeiro.
Halos mapaluhod ang babae sa kanyang ginawa atska inamin ang kanyang kasalanan, kasabwat nito si Raven sa pagpatay at ginawa lamang nila iyon dahil nalaman ni Giovanni na nakikipagtalik si Shaira kay Raven. Kaya ginusto na niyang tapusin ang buhay ng lalaki.
I realized that love can also bring us close to death lalo na kung tayo'y pinagtaksilan ng ating minamahal. I can't blame them for their actions dahil alam kong may rason sila kung bakit nila ito ginawa.
Matapos nun ay bumalik na kami sa Amethy High athalos hindi pa rin ako makapaniwala na malaki ang magiging tulong ni Rivon paramalutas ang kaso, she's the person I didn't expect and judge her easily.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok, nadatnan ko na rin na nakaupo sina Larken, Quade, at Athena pero wala pa si Xavien.
Mukhang magkasama na naman sila ngayon ni Zeiro at Chase dahil hindi ko naman siya nakita kahapon nang makabalik kami pagkatapos namin mag-mall.
In a minute, I flashed my smile when he walked towards our room. Saka ito pumasok and as usual, lagi naman niya akong binabati bago pa siya maupo sa kanyang upuan.
Nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa ng ilang minuto habang hinihintay ang aming guro.
"I saw you with someone yesterday, sino siya?" Xavien asked.
His question caught me off guard dahil akala ko ay kausap niya si Chase kahapon pagbaba ko nang boys dormitory.
"You also don't know her? Everyone didn't pay attention, even though she was our classmate. Her name is Valrein Rivon Cortez," bulalas ko.
Itinuro ko ang babaeng sinasabi ko sa kanya at nang lumingon ito ay nagtama ang tingin nila sabay silay sa kanya ng ngiti nito.
"I don't trust her. There's something about her smile, and it's annoying to see that she's always wearing a hideous mask."
What does he mean by wearing a mask? Katulad ni Venom at Ortheus?
Lumapit Si Rivon sa akin at may iniabot siyang isang envelope na kulay itim, mayroon itong pulang wax stamp seal na nakalagay. Kunot-noo ko itong tinanggap at nagkatinginan pa kaming dalawa ni Xavien.
Nang buksan ko ang envelope ay nakita namin na isa itong imbitasyon sa isang pagdiriwang na gaganapin mismo sa bahay ni Rivon.
"Sana makapunta ka sa kaarawan ko," wika ni Rivon. "You can bring your friend or plus one." Nakangiti itong bumalik sa kanyang upuan, at ako naman ay saglit na napatingin sa imbitasyon na natanggap.
In a second, I gaze at Xavien and softly clear my throat.
"Uhm...c-can you be my plus one, Xavien?" I uttered and turned my head to him. Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin.
"S-Sure...why not?" he hesitantly agreed. His smile was soft and gentle after he nodded, agreeing to be my plus one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top