CHAPTER 31: PSYCHO KILLER (PART 1)

Xavien

Pupunta sana ako sa palikuran ng biglang tumunog ang telepono ko. Nang kunin ko ito at tingnan ay napakunot-noo ako.

Isang unknown number? Sino naman kaya 'to?

Bukod sa mga kaibigan at kakilala ko, wala ng iba pang nakakaalam ng numero ko kaya nakapagtataka sa akin kung sino ang tumatawag ngayon. Bigla akong kinabahan, parang may panganib na paparating sa amin dahil ramdam ko ito.

Imbis na pumasok sa palikuran ay dumeretso ako sa likod ng gymnasium. Dito ay madilim at tahimik kaya walang makakarinig sa akin kapag sinagot ko ang tawag.

Huminga ako nang malalim bago sagutin ito. Nang I-slide ko ito at itinapat sa aking tainga, nakarinig ako nang isang matinis na boses ng isang babae, na agad ko rin nahinuha kung sino ang nasa kabilang linya.

"Happy birthday, Xavien! I hope you like my surprise," she said with a sexy tone.

Hindi ako pwedeng magkamali sa taong nasa kabilang linya ngayon!

"W-What? H-How...?" My voice trembled. Alam kong nakangisi na siya ngayon sa akin dahil muli kaming nagkausap na dalawa.

Sa mahabang panahon na hindi ko siya nakita ay hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.

"A-Amethyst?" I asked. My voice is still shaking.

"I thought you wouldn't remember my voice. It's been a while, Xavien," she muttered and laughed.

"If you want to find her, come and decipher me." It was her last word before she hung up our call.

What?! Anong ibig niyang sabihin sa mga salitang 'yon?

Napantig naman ang tainga ko nang makarinig ako ng isang malakas na putok. Agad kong inilagay sa bulsa ang cellphone ko at bumalik na sa loob ng gymnasium, pero nanlaki ang mata ko sa aking nadatnan.

Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ni Zeiro. Nakita ko ang bakas ng dugo sa kanyang balikat habang pinipigilan nito ang pag-agos ng dugo. Bumilis ang pintig ng puso ko matapos siyang hawakan.

"W-What happened?" I asked, nervously. Mabilis ko naman siyang inalalayan at isinandal ang kanyang likod sa malaking gate.

"S-Si Amie. She w-was...kidnapped," he uttered. Napailing siya sa sakit dahil sa tama ng bala sa kanyang balikat.

Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon matapos niyang sabihin ito. Hindi ko alam ang gagawin.

I need to save her...but how?

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nakita kong maraming missed calls si Amie sa akin. Sinubukan kong tawagan ito pero out of service. Alam kong may koneksyon si Amethyst sa pagdukot kay Amie ngayon.

"C-Can you fucking help me first," Zeiro said, wincing in pain. Binuhat ko siya at nanghingi agad ng tulong sa mga waiter na paalis na sana.

Ilang saglit pa ay may dumating ang isang itim na kotse at nang mapagtanto ko kungsino ito ay agad na umalalay ang kanyang mga alagad papasok ng kotse.

"Take him," I said. Nagtama muli ang paningin namin ni Zeiro. "Did the kidnapper leave a note to decipher? Baka iyon ang kasagutan para mahanap si Amie."

That's the only idea I have right now. Kung sakali nga na mayroon ay malaking tulong ito para mahanap si Amie. Mabilis niyang isinuksok ang kanyang kamay sa bulsa at may inilabas na lukot na papel.

"Decipher it immediately or else hindi mo na siya maabutan na buhay," Zeiro stated.

Tumango ako sa kanya at kinuha ang papel na hawak. Mabilis na pinaandar ng kanyang mga alagad ang kotse paalis. Tinawagan ko sina Quade, Athena, Chase at Larken para sabihin sa kanila ang nangyayari.

Makalipas ang kalahating oray ay nagkita kami sa unang palapag ng La Vena Hotel. Bakas sa kanilang apat ang pag-aalala matapos kong ipaliwanag ang nangyari.

"What the hell, Xavien?! Sino naman ang dumukot kay Amie? Gosh! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon," Athena said, worryingly and frustated.

Kahit sila ay ganoon din ang naging reaksyon matapos kong ipaliwanag ito.

"Is Zeiro okay?" Quade asked. "Someone from the organization shot him."

"Yes, he's okay. Nasa hospital na siya ngayon at nagpapagaling, but that's not our problem now. Someone left a message to Zeiro, and they want me to decipher it," I said.

Hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon dahil sa bawat pagpatak nang butil ng pawis sa aking noo ay oras ang nasasayang dahil nasa panganib ngayon si Amie.

"I will kill all of them if they touch or hurt her," I stated with a raging tone of voice. "I don't want to see her crying because of them."

I celebrated my birthday, yet someone I loved is in danger right now.

Suddenly, I remembered Amethyst's last words to me before she hung up. Isa siya sa may pakana nito at hindi ko siya mapapatawad kung may mangyaring masama kay Amie.

"Then...we must plan it immediately; it's already 1:47 A.M, we can save her kung magtutulungan tayo," Quade said.

Naupo na muna kami sa isang lounge area at inipalag sa gitna ang isang lukot na papel. Naglalaman ito ng isang kakaibang cipher, tiyak akong si Amie lang ang nakakaalam nito. Bago ito sa aking paningin kaya't mahihirapan akong I-decipher ito.

"We are running out of time. Kung hindi niyo malalaman ang sagot diyan sa sulat baka kung ano na ang nangyayari ngayon kay Amie," sambit ni Athena.

As the clock ticks, my heart pounds faster. Puro si Amie ang laman ng isip ko dahil sa nangyayari ngayon.

What if something happened to her? I couldn't focus on what's on our table right now. I only wanted to think about if she's in a safe place and how I would save her.

Agad namin sinuri ang cipher na binigay sa akin ni Zeiro. At first, we thought it was just a simple number and letters, but we were all wrong. I scanned the crumpled paper from its front and back, yet couldn't decipher it. The code was:

9 5 6 8 5 2 1 3 9 1 6 8 1

5 3 1 6

5 6 6 1 9

Mayroon pang nakabuklod na mga letra sa ibaba na sa palagay ko ay magkaibang cipher ito at mas lalo niya lang kaming pinapahirapan sa mga minutong nasasayang ngayon.

DA XA XA XG

DA

XA

VF DG FF DA AD VF CF GD

DA DG FA GD GF AD FA

"Do you know what this cipher is?" I asked them, but they all shook their heads.

So how do we decipher this if one of us doesn't have an idea? Pumintig ang mga ugat sa aking sintido dahil kahit anong isip ko kung anong cipher ito ay hindi ko mahulaan. Masyado itong mahirap lalo na't magkakahalo pa ang mga ito.

Ilang minuto pa ang lumipas at halos magkalat na nga ang mga papel sa buong mesa, kaya hindi namin maiwasan mahiya sa mga taong labas-pasok sa hotel at maraming tao ngayon dito sa lounge area.

Ang iba ay pinagtitinginan lang kami, habang ang mga receptionist na aming nakikita ay abala lang sa kanilang trabaho.

"Fuck! Why is this cipher so hard to solve?" riing sagot ni Quade. Halos mapunit na niya ang hawak na papel at nagtapos muli ng nilukot niyang may sulat na.

"I can't decipher, either," Athena commented.

Ilang minuto pa ang lumipas at parang may kung anong bagay ang pumasok sa isip ko, nararamdaman kong ang mga numero na nasa itaas. It's like a sequence in atomic numbers.

Until, for a moment, I was right!

"It's an atomic number!" paninigurado ko. "When we pair those numbers correctly based on their atomic numbers, we can decipher the message quickly."

Kumuha ako ng isang papel at agad na isinulat ang mga numero na nasa itaas at kapag pinagsama-sama ito ay makakabuo nga ako ng salita mula sa mga atomic numbers.

Ang una ay ang 95, which is Americium Actenide. It's a synthetic radioactive chemical element. Ang sumunod na numero naman ay 68 at ito ay Erbium Lanthanide.

Samantalang ang 52 kung titingnan sa periodic table ay Tellurium, pero ang unang letra lang ang kinuha. Habang ang 1 ay Hydrogen.

Hanggang sa unti-unti na naming nabuo ang nasa itaas na parte at nanlaki ang mata nila matapos itong ma-decipher.

95- 68-52-1-39-16-81

AM-E-T-H-Y-S-T

5 3 1 6

I-S

5 6 6 1 9

BA-C-K

"S-Si Amethyst?" hindi makapaniwala na tanong ni Larken. "S-She's...alive." Halos mamutla sila sa kanilang nabasa.

"W-Wait! Hindi ko maintindihan, sino si Amethyst?" tanong ni Athena.

"She's our cousin," walang emosyon na sagot ni Larken sa kanya. "She's part of the Zivaro Organization."

Tanging pagkunot-noo lang ang nagawa nina Quade at Athena dahil hindi nila alam ang ganitong organisasyon sa pagitan ng pamilya at kaaway ng aking ama na naging dahilan ng pagkamatay ng aking ina. Maya-maya lang ay malakas na tumunog ang telepono ko at nagrehistro ang pangalan ni Zeiro, agad ko naman itong sinagot.

"I'm driving now. We are running out of time. I already deciphered the last message," Zeiro said.

I can hear the loud noise of his vehicle. Mukhang mabilis ang pagpapatakbo niya kahit na may tama ng baril ang kanyang balikat. Agad kong inilapag ang phone sa table at pinindot ang loudspeaker nito.

"Then what does the message say?" I asked.

"She used a Biliteral Substitution Array Cipher, nahirapan ako pero nakuha ko rin naman agad ang mensahe. I'll send you the picture after I hang up the call," he replied. In a second, he had already hung up the phone and sent us a picture.

"Kung hindi ako nagkakamali, it's ADFGVX cipher, right?" Larken asked and I simply nodded to him.

In cryptography, the German Army used the ADFGVX Cipher as a field cipher during World War I. It was an extension of the earlier ADFGX Cipher, which worked in a very similar way. Colonel Fritz Nebel invented it, and it combines an adapted Polybius Square with Columnar Transposition.

Kaya mas nahirapan kami na alamin ang mensahe sa likod ng cipher na ito dahil alam kong magaling sa paghahalo-halo ng mga symbols, letters at numbers si Amethyst.

Ang kanyang husay bilang isang detective at cryptographer ay sobrang layo kumpara sa kakayahan ng aking pamilya. Si Zeiro lang ang tanging nakatalo sa kanya noon kaya't alam nito ang bawat galaw ni Amethyst pagdating sa pag-de-decipher.

Nang tingnan namin ang retrato na ipinasa sa amin ni Zeiro ay nakakuha na kami ng impormasyon kung nasaan si Amie, pero halos kumabog ng malakas ang aking dibdib ko nang mabasa ang mensahe.

DA XA XA XG

M-E-E-T

DA

M-E

XA

A-T

VF DG FF DA AD VF CF GD

V-A-L-M-O-R-I-S

DA DG FA GD GF AD FA

M-A-N-S-I-O-N

Mabilis kaming lumabas nang hotel at hindi na nagsayang pa ng oras. Agad kaming sumakay sa kotse na dala ni Larken at pinaadar nang mabilis ang sasakyan, upang makarating kami agad sa Valmoris Mansion.

Napahawak ako sa aking dibdib na halos ang bilis ng tibok ng aking puso, dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako tatapak sa mansyon ng aking ama na kinamumuhian ko.

Makaraan ang sampung minuto ay bumungad sa aming ang isang malaking kulay itim na gate. Pagbaba namin ay do'n lang namin naabutan si Zeiro.

"Dito bilis!" pagtawag ng lalaki sa amin. Nagtungo agad kami papasok ng mansyon, may dalawang bantay sa harap ng pintuan.

"Nasaan si Amie?" tanong ko sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Isa lang naman siya sa mga alagad ni Amethyst.

"It's been a while, Xavien," he said with his baritone voice. Tinutukan niya kami ng baril at sa hindi namin inaasahan ay may mga kampon pa pala siya na nakapaligid lang sa buong mansyon.

"Let us in!" sigaw ni Zeiro.

"Tsk. Easy dog, we'll let you in if you don't bark, but if you do, your head will explode."

What?! Did he label him as a dog?

Zeiro scoffed at him. "As if I'm afraid of a devil like you." Mula sa likuran ng kanyang bulsa ay hinigit niya ang baril at gano'n din ang ginawa ko.

"Open the fucking door," I commanded to him as my jaw clenched.

When I lose my temper, I will pull the trigger.

Ipinukol ko ang masamang tingin sa lalaki at ilang saglit pa ay ibinaba niya rin ang hawak niyang baril, saka nito inutusan ang isa pa niyang kasama na buksan ang pintuan para sa amin.

Sa pagtapak ko mansyong ito ay hindi ko aakalain na ganito ang mga naging kasama ng aking ina bago pa siya tuluyang nawala.

"Xavien!" Narinig ko ang isang matinis na boses ng isang babae at hindi ako pwedeng magkamali dahil si Amie ito.

"Amie!" sigaw ni Athena at mabilis na tumakbo papalapit kay Amie pero hinarangan siya at mahigpit na hinawakan ng mga armadong lalaki.

"Pakawalan niyo siya!" malakas na sigaw ni Zeiro na umalingawngaw sa buong mansyon.

We heard a loud clap in a second, and I gasped when she immediately appeared from my sight.

"I didn't expect all of you to decipher my message that quickly," Amethyst said.

Hindi ko inakala na malaki ang magiging pagbabago ni Amethyst sa muli naming pagkikitang dalawa. Ang dati niyang mahabang buhok ay ngayon hanggang balikat na lang. She's wearing a black sleeveless top that revealed her milk skin tone pairing her dark tone pants and she's holding her two guns.

Hindi siya 'yung tipong babae na inaakala ng lahat, she's unique and elegant looking pero sa likod nito ay isang tigreng kaya kang lamunin ng buo.

"Fuck you! Amethyst," Zeiro exclaimed.

"Fuck me?" she said and laughed. She then walks in my direction. Nagtama ang tingin naming dalawa at tinaasan ko siya nang kilay. "Learn to know your words, little boy."

I heave a sigh. "Cut the chase Amethyst, bakit ka nandito? What do you need from your cousin?" I asked.

Saglit pa kaming nagkatitigan dalawa at bahagya siyang ngumiti, lumingon ito at sinenyasan ang kanyang alipores.

"Bring her here," utos niya. Mabilis na pinakawalan ng lalaki si Amie at tumakbo ito papalapit sa akin.

Hinigit ko siya at mabilis na niyakap. May mga sugat pa siyang natamo dahil sa pagdala sa kanya dito.

"Ayos ka lang?" I asked. Naging mahinahon ang boses ko nang makita ko siyang umiiyak at tumango sa akin.

"She's fine, and by the way, your father also wants to see you," Amethyst said.

Pinauna ko na sina Quade at Athena para samahan si Amie pabalik sa dorm.

"I'll explain tomorrow," I mumbled to her and kissed her temple. Mabilis naman silang sumakay nang kotse hanggang sa hindi ko na sila natanaw pa.

Ilang sandali pa ay muli kong hinarap si Amethyst. "Why did you do that to her?" I asked. Kalmado pa rin ang boses ko at inilagay na sa bulsa ang aking hawak na baril.

"That was part-fuck! Ziero ang sakit nun 'ah!" Amethyst exclaimed, after Zeiro hit her arms. Napangiwi naman ang babae sa sakit na natamo niya.

"Gago ka! Pinutukan ako ng baril ng mga tauhan mo. Hindi talaga kita mapapatawad," Zeiro said and pouted.

Para tuloy siyang bata na nagtatampo sa kanyang magulang dahil hindi nabilhan ng laruan. Marahan akong napatawa dahil sa reaksyong ng mukha ni Zeiro.

"That was part of the plan," Amethyst said. Ginulo naman nito ang buhok ng lalaki kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Part of the plan? What a childish plan you have, Amethyst. Pinahamak mo ang buhay ni Amie," Larken said in disbelief.

"Plan that I almost believe," Zeiro commented and rolled his eyes. Muli namang ginulo ni Amethyst ang buhok ni Zeiro pero umiwas agad ito.

"No, I didn't. Before all of you arrived here, we talked to each other." She then glanced at me. "And I gasped when I discovered she was Xavien's girlfriend."

She let out a little smirk on her lips.

"She not officially my girlfriend, nililigawan ko pa lang siya. Can you stop bugging us and digging into our lives, Amethyst?" I said. I want to hold my anger at her at tinapunan lang siya ng masamang tingin.

"And for the nth time, how can you be alive right now?" I stated. Binato ko siya ng sunod-sunod na tanong.

Tumayo siya at humarap sa akin. "It's for you to find out; you're good at deduction. So, deduce it," she muttered and smirked again.

May inilapag siyang isang maliit na bagay sa table kulay pula ito.

"Give it to her. It's my birthday gift to you, but I know she would like it," she whispered and walked towards the door.

"What's that? Ano 'yung binigay niya?" tanong ni Larken. Kinuha ko ang pulang bagay na kanyang iniwan at binuksan ito.

It's a necklace with an initial of A and X na parang letra sa unang pangalan namin ni Amie. For a moment, I felt something different about her gift.

Why does she have to kidnap Amie just to give this necklace to me? Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo?!

"Wow! Sa halaga ng kuwintas na yan para sa buhay ni Amie, I bet it's more expensive than your life, dude." Zeiro stated.

"Fuck off!" I exclaimed.

Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay ni Amethyst sa akin at kung bakit siya nagbigay ng ganitong kuwintas. Sinuri ko ito mabuti dahil parang nakita ko na ito noon.

Does it have anything to do with my past?

Palagay ko ay wala at mas minabuti na lang na ipagwalang-bahala ito.

It's already past 5 o'clock at madilim pa ang paligid ng mansyon, hindi pa rin ako bumabalik sa dorm dahil sa nangyari kanina at puro tanong ang bumabagabag sa akin, kaya mahihirapan lang akong makatulog.

"She saw me." I heard someone's voice. When I turn around, I saw Chase-my brother of course, pero nabigla ako sa kanyang sinabi. What?!

"What do you mean, she saw you?" I asked. Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Lumapit ito sa 'kin at binigyan ako ng dismayadong ekspresyon.

It was my first time seeing him not in his mood. Seryoso ang tono ng boses nito. Isa pa, nakapagtataka na hindi ko siya nakita kanina nang pumunta kami rito.

Is he hiding something from us?

Malakas itong bumintong-hininga bago ako tingnan ulit, bakas din ang kaba sa kanya. "Cut it off, ano ba talang 'yon?" I asked.

"S-She knows that I'm venom."

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

HINDI AKO NAKATULOG nang mahimbing sa mansyon na ito dahil sa sobrang pag-iisip. Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si Amie. Hindi ko alam kung galit ba siya ngayon o nag-aalala sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila na umuwi.

Nasa kabilang kuwarto lang din si Larken at Zeiro dahil dito na rin sila nagpalipas. Napalunok ako ng madiin habang hinihintay na sagutin ang tawag ko.

She already knows behind venom's mask at alam kong kapag nagkita silang dalawa sa campus ulit ay baka masikmuraan niya si Chase. Baka matagalan pa iyon dahil sa Amores High nag-aaral si Chase at malayo ito sa Amethy High.

Kakatapos nga lang ng exam namin at alam ko ngayong araw iaanunsyo ng aming guro ang mga score namin, kaso lang hapon na at tirik ang araw sa labas.

It's almost 2 o'clock in the afternoon at patapos na ang klase ni Amie. Ilang saglit pang nag-ring ang phone ko bago niya ito sinagot, puro buntong-hininga lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Amie..." My voice trailed off.

"I'm fine, Xavien. Don't worry about me; they didn't harm or hurt me," she said calmly. "Bakit ka pala tumawag?"

"I'm just checking to see if you're okay. Na-miss ko lang din ang boses mo," I said and bit my lower lip.

Narinig ko ang tawa niya mula sa kabilang linya. "W-Why? Anong nakakatawa?" I asked and a small dimple formed in the upper part of my right cheek.

"You're not like that, Xavien," she replied. Naramdaman ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

"What happened last night was full of mystery; I'm sorry because they kidnapped you, and I'll take care of everything," I said.

"I'm fine. Also, you got a perfect score in our exam nasa akin ang papel mo, kunin mo na lang kapag nakabalik ka na," sambit niya. "Kakain muna kami sa canteen, bye!" Agad din naman niyang ibinaba ang tawag bago pa ako makapagsalita.

Ilang saglit lang ay malakas na katok ang narinig ko at mabilis naman akong bumangon sa kama para tingnan kung sino ito. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad si Chase.

"I talked to Ortheus last night, ang sabi niya baka namukhaan din daw siya ni Amie. If this happened again, you know how Zander rules his game," Chase warned me.

I looked at him, and there was no sign that he was worried because he knew how I handled everything smoothly.

"I know that. You don't need to remind me," I stated. Nag-ayos na ako at nagpalit ng damit dahil may kailangan pa akong puntahan.

"I'll take care of everything. As of now, I'm focusing on our case Detective Mori sent me," I replied. I'm on my way there before 4 o'clock."

Pagbaba ko nang hagdan ay nadatnan ko pa sa kitchen area si Amethyst na naghahanda ng pagkain.

"You should eat first before you leave," aniya.

I fake a smile. "Thanks, but no thanks."

Lumabas na akong nang mansyon at dumeretso sa address na ibinigay ni Detective Mori. Nang makarating ay agad kong nasilayan ang pigura ng isang lalaki, kumaway ito sa akin pagbaba ko nang kotse.

"Xavien, halika at tingnan mo ito." sabi ni Detective Mori. Dumaan muna ako sa may sign na "Police line do not cross." at pagpasok namin sa isang bahay ay may nadatnan kaming bangkay ng isang babae.

Hubo't-hubad ito at puro sugat ang buong parte ng kanyang katawan.

"May lead suspect na ba?" I glanced at Detective Mori, and he shrugged his head.

"Sa ngayon ay wala pa dahil wala kaming mahanap na matibay na ebidensya na isang murder ito. Kung susuriin kasi ay masasabi natin na nagpakamatay ang biktima, pero sa kabilang banda naman ay wala itong iniwan na suicide note o kahit na anong ebidensya maliban sa mga sugat nito sa katawan," mahabang litanya ni Detective Mori.

Sinimulan kong suriin ang paligid at wala akong ebidensyang makita. I know this is a murder case based on the victim's body, wala rin akong motibong makita para maging isang suicide case ito.

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng bahay ay nakita kong may tumutulo dahil naging maulan nitong mga nakaraan araw. Kaya't hindi maiiwasan na magkaroon ng butas sa bahay na ito, lalo na't luma na at sira-sira na rin ang ibang parte nito.

"I'll check on this case, Detective. I need to check every detail now, and I will give you my deduction immediately," saad ko.

Bago ako umalis ay binigyan ako ni Detective Mori ng isang file na naglalaman kung sino ang biktima at huling nakasama nito, pati na ang mga dating nakatira sa bahay na 'yon.

Nang makabalik ako sa Amethy High ay dumeretso ako sa dormitory ni Amie. Marahan akong kumatok sa pintuan at iniluwal naman nito ang isang anghel at napakagandang babae. I couldn't help but to smile wide when I saw her.

She smiled. "Nakabalik ka na, may kailangan ka ba?" tanong niya.

"I hope you like it," I said and give the red box to her, at nang buksan niya ito ay lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

Marahan ko naman itong isinuot sa kanya at kung titingnan ay mas lalo siyang gumanda. I know I'm not the type of person who express how I feel towards someone, but I'm trying to change after she became part of my life.

"It looks beautiful on you," I said, complimenting her looks.

"Thanks," she replied. "By the way, tumawag pala kanina si Detective Mori, he already gave you the victim's file, right?"

I nodded. "Yes, why?"

Tila napakunot-noo ako sa sinabi niya na parang interesado siya sa kaso namin ngayon.

"I think the culprit is just around us. The psycho killer is just roaming around for its next victim," she said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top