CHAPTER 30: DATE WITH ME (PART 2)

Hiwalay na ang mga upuan nang makarating kami sa loob ng classroom. Ngayong araw na kasi ang preliminary exam. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang kaba, I know I shouldn't be worried because I reviewed all our notes and other lectures.

I crossed my fingers. Sana lang talaga ay lumabas lahat iyon sa exam.

"Don't be nervous. Alam kong makakapasa ka," Xavien whispered.

Magkatabi lang kami ng upuan ngayon dahil kung saan namin gustong umupo ay pwede at walang seating arrangement kaya una-unahan lang sa upuan kapag maaga ka pumasok.

"Sana makapasa ako," sambit ni Larken habang paulit-ulit na nagdadasal nang nakapikit. Kung ano-ano kasi ang inaabala niya kaya ayan, kahit isa ay wala siyang na-review.

Samantalang sina Nova, Athena, at Quade ay pursigido na makapasa dahil malaking bagay ang exam na ito sa magiging grade namin at kung bumagsak man kami rito ay mahahatak pababa ang mga grades namin. We maintain enough of our grade until this current semester kahit na madalas ay puro kaso at pagtakas ang inaatupag ko.

Well, someone is confident that he will surely ace the exam. Wala namang iba kung hindi si Xavien. Kahit siguro hindi na ito mag-exam ay hindi naman bababa ang grado niya sa lahat ng subject namin, dahil ang pagsali niya sa mga clubs ay may malaking points sa Amethy. Natutulungan kasi nito ang mga estudyante-especially, the drama club.

Why did I even mention it after what happened in that poison case that was planned by Jeremy? Tapos may isang asungot pang dumating na mukhang prinsipe ang hitsura pero mala-demonyo rin ang ugali.

"I'll aced this exam for sure," Zeiro said with full confidence. Medyo maraming inasikaso si Zeiro dahil hindi ko siya nakita nitong nagdaang araw, nabalitaan ko na lang mismo kay Mr. Morris na umuwi pala siya sa pamilya niya for some family matters.

Well, I hope nothing bad happen.

Araw-araw naman siyang nangangamusta. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha ang number ko nang ganoong kabilis, dinahilan niya na lang na binigay sa kanya ni Xavien ang number ko. When I asked Xavien about it, I know they're both lying, kaya hinayaan ko na lang.

Wala siyang alam tungkol kay Chase o sa nagaganap na engkwentrong nangyari sa amin nitong nagdaang araw. He would be extremely worried at me like Xavien does when he finds out. Kaya nakiusap ako sa kanilang lahat na huwag banggitin ang tungkol sa nangyari and they all agreed.

Dumating na nga ang proctor na magbabantay sa'min. Sa hitsura niya ay halatang masungit ito at parang galit pa ang mga kilay nang tumingin sa amin. Natahimik naman kami.

"Goodluck on your exam," aniya. Nagsimula na nga ang preliminary exam namin at may isang oras kami kada asignaturang sasagutan.

Masasabi ko talagang bobo ako dahil halos dalampung minuto na ang lumilipas ay wala pa ako sa pang sampung tanong. Nang igawi ko ang tingin kay Xavien ay nagulat ako dahil tapos na agad siya. Napahikab pa nga ito at binigyan ako ng goodluck sign. Sayang lang pala 'yung nireview ko dahil hindi lumabas sa exam 'yung mga inaasahan kong tanong na lalabas. Nakakainis!

Tumunog na nga ang bell na hudyat na tapos na ang unang subject na sinagutan namin, sumunod naman ang General Math. Mas lalo akong naloka dahil 'yung mga tinandaan kong formula ay nakalimutan ko. Peste naman ngayon pa na mental block kung kailan kailangan kong 'yung mga formula!

Nakita ko ang ilan na nagkokopyahan pati nga ang mga hindi ka-close ni Xavien ay panay tingin sa papel niya at nanghihingi ng sagot, gano'n din kina Athena at Larken. Buti na lang ay hindi napapansin ng proctor dahil abala ito sa katitipa sa cellphone.

Ilang saglit pa ay bigla na lang may nagbato sa' kin ng maliit na papel, kinuha iyon at pagbukas ko ay lumaki ang ngiti sa labi ko. Agad ko itong itinago para hindi makita ng guro namin. Ang laman lang naman nito ay 'yung formula at hindi ang mismong sagot kaya mabilis ko rin na nasagutan lahat, hindi ko alam kung kanino galing 'yung papel pero magdilang-angel ka sana dahil tiyak na pasado na ako.

Pagkatapos ng ikalawang subject ay nagkaroon kami ng lunch break. It's already 11 o'clock, at napagpasyahan namin na kumain na muna sa canteen.

Hindi ko naman inakala na dudumugin ng mga estudyante ang buong canteen, para silang mga zombie na gustong-gusto nang makakain ng laman ng tao. Umupo na muna ako sa gilid at nagpasuyo na lang ng bibilhin na pagkain kay Zeiro.

"Isang juice at saka adobo with extra rice, thanks!" sambit ko sa kanya. Tumango naman siya. Alam niya na rin naman kung ano ang lagi kong kinakain sa Canteen, pero mas maigi na sinabi ko sa kanya dahil baka kung ano pang pagkain ang bilhin niya.

"Did you decode what I've sent to you?" Xavien asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang tumango.

"Yup. See you on our first date," I said. Hindi naman maitago ang ngiti sa kanya na halos lumabas na ang dimples nito.

"Hope to see you after, Mrs. Sungit," he mumbled. At bakit naman naging Mrs ang tawag niya sa'kin, aber? Hindi naman kami mag-asawa, 'ah?

Namula tuloy ang magkabilang pisngi ko.

"Loko ka!" usal ko.

He softly chuckled, his smile always melts me down. I just see myself smiling while Zeiro is handing me my food.

"You're in a good mood today, dahil ba kay Mr. Sungit 'yan?" Mas bakas ng pang-aasar sa tono ng boses niya. I didn't respond dahil gutom na gutom na talaga ako.

Ang iba ay nasa kabilang table at panay ang tawa. Ang lakas pa ng tawa niya na halos mapatingin ang ibang estudyante. What's so funny? Masyado yatang nagiging malapit ang dalawa sa isa't-isa, or because there is something that we didn't know?

I hope my idea about it was wrong.

Kumain na nga kami at natapos din agad. Kailangan pa namin bumalik sa silid para sa dalawa pang subject na kailangan namin i-take. Hindi naman ito mahirap tulad ng naunang dalawa, buti na lang ay may stock knowledge pa ako sa mga lumabas na questions.

Natapos nang matiwasay ang first-day examination namin at ilang araw na nga lang ay birthday na ni Xavien, kasabay pa nito ang huling semester namin hanggang sa susunod na taon.

It's already second day of September at hindi ko pa naiisip ang ireregalo ko sa kanya. I didn't have that much information about him from his favorite food to the things he likes the most and other stuff. Lagi kasi kaming busy sa mga unexpected case. Sa linggong ito ay wala naman masyadong nangyari bukod sa exam.

May malaking handaan na magaganap sa gymnasium at ang lahat ng estudyante sa Amethy High ay imbitado sa kaarawan ni Xavien. Ang mom niya ay galing pa sa ibang bansa at ngayong araw ang uwi nito kaya wala ngayon sa dorm si Xavien dahil susunduin niya sa airport ang ina at mag-stay sa isang hotel. Which is La Vena Hotel, isang five-star hotel na malapit dito.

When I glanced on my watch, It's already 8 o'clock. Nag-ring naman ang phone ko at kinuha ito. Nagrehistro ang pangalan ni Xavien kaya agad ko itong sinagot.

"We're on our way to Amethy, hintayin mo-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang may boses ng babae akong nakarinig sa kabilang linya.

"You're Amie, right?" a woman asked. I think she's older than me based on the tone of her voice.

"O-Opo," sagot ko. Tumango naman ako kahit alam kong hindi nila ako nakikita. Alam kong nakangisi na ngayon si Xavien dahil hawak ng mom niya ang phone.

"Alam mo ba palagi ka niyang kinukwento sa'kin and how good are you on solving a difficult deduction when you're with him? Gusto mo ba maging boyfriend na lang siya-"

"Mom, stop! Akin na nga 'yung phone ko," galit na sabi ni Xavien sa kabilang linya. "Sorry for that, Amie. Magkita na lang tayo mamaya." Agad naman nitong ibinaba ang tawag.

Namumula pa rin ako at hindi makasagot sa tanong ng mom niya. I was caught off guard by what she said. It's past 10 o'clock nang makarating sila sa Amethy High. Malugod namin silang sinalubong at nagkuwentuhan lang sa loob ng dorm ko. Kasama ko rin si Athena na nagpakilala rin sa mom ni Xavien.

Nang makita ko ang hitsura ng mom niya ay hindi maikakaila na mag-ina talaga sila dahil sa genes na namana rin ni Xavien sa kanya. She's already 38 years old pero ang hitsura niya ay parang dalaga pa na walang anak. Her flawless skintone and even her voice ay pang-20s ang tanda.

While Xavien was still pissed off because of what his mom said earlier on the phone. Nagmamasid lang ito sa buong kuwarto ko at nakatuon ang tingin sa mga librong nasa taas ng desk ko.

"Mom, I should drive you now at La Vena Hotel. Gabi na at maghahanda pa tayo bukas para sa kaarawan ko," wika ni Xavien. Hinihila niya na agad ang ina kahit ayaw pa nito hanggang sa tumayo na siya at kinuha ang bag.

"Girls, kita na lang tayo ulit bukas," sabi ni Mrs. Amores. Ngumiti ito at kumaway sa'min bilang paalam, saka naman sumunod si Xavien palabas nang dorm.

"OMG! Ang ganda ng mommy niya," turan ni Athena na may pagtili pa.

"Sinabi mo pa," wika ko.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

EVERYTHING went smoothly. The gymnasium is enough to handle Xavien's birthday party. May permiso rin ito ng mga chancellor bago pa ganapin. The tables and chairs were perfectly arranged, and each table has an assigned names to their designated seats.

Nakita ko rin ang mga paparating na malalaking cake na inilalapag ng mga waiter. There are 11 cakes to be exact at agaw pansin naman ang ganda ng isang malaking cake, iyon yata ang gagamitin ni Xavien mamaya para hipan ang kanyang kandila.

Marami ang mga bisita na dadalo sa kaarawan ni Xavien at sa tingin ko naman sa lawak nitong gymnasium magkakasya kaming lahat. Everyone was in their dazzling suits and gowns. Para kaming nasa isang evening ball at nagugustuhan ko naman ito.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasuot ng isang red dress na bigay ni Xavien. I should be the one who's sending him gift, pero hindi naman ako nakatanggi dahil last month niya pa raw ito napagawa at saktong kahapon lang natapos. Kinagabihan nga'y may pumunta sa dorm ko, nang pagbukasan ay may isang lalaki na nagbigay sa'kin ng isang malaking box.

Nagtaka pa ako noong una dahil baka maulit na naman ang nangyari no'ng um-attend kami ng isang party kung saan nakita ko ang dalawang kahina-hinalang lalaki at ang isang pamilyar na blue orchid. Hindi ko pa rin nalulutas ang misteryo na ito pero nakatitiyak ako na may kinalaman ito sa organisasyon ni Venom at ang mga kasamahan niya.

I don't want to remember that day, but a glimpse of memory just flashed in my eyes after seeing that box. Nakita ko ang pangalan ni Xavien kaya kinuha ko ito at nang buksan ay bumungad ang isang pulang bistida na nagniningning sa ganda. I researched about the dress at napatuptop na lang ako ng labi dahil nagkakahalaga rin ito ng seventeen thousand US dollars.

Hindi pa kasama diyan ang isang kuwintas na bigay ng mom niya sa akin na nagkakahalaga lang naman ng 267,998.25 US Dollar o mahigit 15 million pesos. Halos mapaupo pa ako sa gulat dahil masyadong mahal ang mga ito kaysa sa regalo ko kay Xavien. Kaya nang makapasok sa gymnasium kasama sina Athena, Quade at Larken ay maingat ko itong suot upang hindi madumihan, masira o matapunan ng kahit na anong dumi at pagkain.

Marami ng mga estudyante ang nagkalat sa loob at napapatingin na lang sila sa'kin dahil sa dress na suot ko, habang ako ay ingat na ingat dito. I should have worn the dress that Athena recommends to me, kaso hindi rin naman kasi ako makatatanggi sa binigay na dress. So, I have no choice but to wear it. Sayang kasi.

"You look stunning today," Xavien said and smiled. Hinampas ko siya dahil imbis na kami ang magregalo sa kanya ay kami ang niregaluhan niya ng mga mamahaling gamit at kung ano-ano pa. "I bet you like my gift; we should dance together later."

I nodded and agreed to dance with him later. Nakararamdam na ako na baka pagtinginan kami ng ibang estudyante at bukod pala sa Amethy ay may iilan ding estudyante silang inimbitahan mula sa Amores High.

Her mom disagreed with it, but she has no choice dahil mga dating kaibigan 'yun ni Xavien noong nag-aaral pa siya ro'n. I don't know the reason why he left that school, despite of its good reputation as Amethy does. Magandang mag-aral do'n, but he still chose here.

"Salamat sa gift, Xavien," sambit ni Athena. May iba pa siyang alahas na ibinigay sa'min pero hindi ko ito tinanggap.

"Lakas mo talaga, pare!" sambit ni Zeiro.

"Ang sabi ni tita pagsabayin na raw ang kaarawan natin pero hindi mo naman sinabi na pati buong Amethy ay imbitado rito," Larken added. I really need to get to know them dahil hindi ko alam na birthday rin pala ngayon ni Larken.

"Happy Birthday, Larken." I greeted him.

"Oh! I forgot to mention to you that we were born on the same time and day," Larken said. "It was 3:27 A.M when our mothers gave birth to us. I didn't expect that in the first place and felt surprised kaya si tita and mom na ang nagkasundo na iisang handa na lang ang gawin every year."

"Ako hindi mo ba babatiin?" Xavien asked and pouted. Natawa naman ako sa ekspresyon niya na parang isang bata.

"Happy Birthday, Mr. Sungit." I greeted him, ngumiti ito at inilahad ang kamay niya.

"Halika nga, pare, pakiss-Aray! Joke lang, ito talaga!" pang-aasar ni Larken kaya nasikmuraan tuloy siya.

Zeiro was quietly sitting in the table na para bang may hinihintay ito dahil kanina pa hindi mapakali at pana'y ang tingin sa paligid at sa entrance ng gymnasium.

"Waiting for someone?" I asked Zeiro. Nag-angat naman ang huli nang umupo ako sa tabi niya.

"A friend," he replied.

"Friend ka riyan! Baka girlfriend kamo," anas ko. Tinawanan niya lang ako at inilapag ang dalawang kamay sa mesa.

"Maybe in the future. For now, she's a friend," he said.

"Sino siya?" tanong ko.

"You'll meet her soon, parating na raw siya," aniya at tumayo dahil may tumatawag sa kanya. "Excuse me."

"This party is so lame. Why is alcohol not allowed?" sambit ni Chase. Hindi ko alam na imbitado pala siya rito matapos niya kaming ipahamak nitong mga nakaraang araw.

"There's no alcohol here. Go home. You're not invited here," sabi ni Xavien.

"I invited myself, dude. Ang KJ mo talaga," wika niya. Niyakap naman nito si Xavien nang biglaan. "By the way, happy birthday." It feels awkward to see them hugging kaya sinikmuraan nila ang isa't-isa.

I guess physical abuse is their only love language. Mga lalaki talaga!

Mrs. Maxine Carson Amores said that the things Xavien wears today cost almost 30 million pesos. Hindi pa kasama r'yan ang isang buong catering na pinahanda ng mom niya at mga regalo na ibinigay niya sa amin. I didn't know he was that rich. A millionaire at the age of 17? How I wish I'm as rich as him.

Dalawang semester na ang lumipas pero hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol sa mom or dad niya. I wouldn't be surprised if Zander were here after Xavien walked out in the cafeteria. I didn't ask him why he did that. Wala rin siya sa mood makipag-usap sa'min and everything went on until the end of examination.

Hindi na sila muling nagkausap pa, and I think he's also the one who send us the code to decipher when we are in Chase house. 'The Valmoris is at risk' The code still stressing me, but I just ignored it.

Kasayawan ngayon ni Xavien ang ibang babae na may bulaklak. Ano 'toh, 18 roses?

Everyone gave him roses, pakana siguro ito ng event organizer para sa party. Isa-isang sinayaw ni Xavien ang mga naggagandahang babae, hindi naman matawaran ang kilig nila kapag hawak ang kamay niya.

Tsk! Ginawa ba naman debut ang birthday niya.

Ilang minuto pa ay panay lang ang lamutak namin ni Larken sa pagkain na nasa mesa hanggang natapos na ang pang ikalabing-pitong babae na sinayaw ni Xavien. He's really enjoying being a debutant, huh? Hindi kasi mawaksi ang ngiti sa labi niya dahil alam niyang ako na ang susunod na tatawagin.

"For his last dance, may we call the attention of Celeste Amie Mendoza," Ms. Gena said, the event organizer. Nagulat pa ako nang tumama ang ilaw sa kinauupuan ko at nagpalakpakan ang mga tao. Everyone praised how beautiful I am today kahit na ang mom ni Xavien ay suportado pa sa amin.

"Gora na, bes," sambit ni Athena.

"Shall we dance?" Xavien asked as he smiles. He lends his hand infront of me at tinanggap ko naman iyon. Medyo nahihiya pa ako na makipagsayaw sa kanya sa harap ng lahat.

Nilagay niya ang kanang kamay ko sa baywang niya habang ang kaliwang kamay naman ay marahan niyang inilagay sa palad niya. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

The attention is on us now, but then Xavien touch my chin kaya napatingin ako sa mapupungay niyang mata. "Eyes on me, Ms. Sungit," he said. "Don't look at them, look at me instead. I know you will melt like an ice cream," biro niya pa habang mahinang tumawa.

"You really planned this in the fist place," I mumbled.

"Nakatakda talagang isayaw kita kahit hindi ko naman debut. Atleast, you've experienced it before you turned 18 years old," he said.

"I thought it's my debut kasi ang mahal pa nitong suot na binili mo." Hindi ko maiwasang mailang sa kanya dahil sa sinabi ko.

He smiled and gazed his eyes to me. "I'm smiling everytime we talk, I'm happy that we're talking. You made my day. You're the only person who made me feel like this, Amie," he said.

"X-Xavien..." I couldn't understand what he said. Is this kind of a word code?

"The more I smile, the more I fall for you. I-I like you, Amie," he confessed. Hindi naman narinig iyon ng lahat dahil ibinulong niya lang ito sa tainga ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, namumuo ang pawis sa noo ko at halos hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"I know you're surprised, and I'll give you more time to think about it. You don't need to answer it now," sabi niya.

I slowly nodded at him and took a deep breath. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya pero alam kong darating ang araw na sasabihin niya rin ito sa'kin.

Masasabi kong isa na nga ito sa pinakamasayang araw ko. I just dance with him and go with the flow, hanggang sa sumayaw na rin ang lahat. Everyone was enjoying the night birthday party hanggang sa magbigay na si Xavien ng ending speech niya para sa lahat. May natawa, naiyak at ilang tagos sa pusong salita. He even mentioned his father, but he's not so detailed about it.

Matapos nito ay mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina dahil ilang araw lang ang ilalagi nito dahil sa business trip.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

IT'S almost midnight when the party is over, hinatid ni Chase ang mom niya pabalik sa La Vena Hotel, sina Athena, Quade at Larken naman ay mauuna na raw umuwi sa dorm. Samantalang nanatili naman si Zeiro sa tabi ko at hinihintay si Xavien, na pumunta pa sa palikuran. Ang tagal naman niyang bumalik!

"Bakit hindi ka pa sumabay kay Athena?" tanong ni Zeiro. Inangatan ko naman siya ng tingin at pinatay ang phone ko.

"Hinihintay ko kasi si Xavien, sabay na raw kami," sagot ko.

"Are you sure? Nakita ko kasing naunang lumabas si Xavien 'eh," aniya.

"Huh? Ang sabi niya pupunta raw siya sa palikuran." Bigla naman akong kinutuban dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi pwedeng pasukin ang palikuran ng lalaki kaya tiningnan ko siya sa labas pero wala ito.

There's no sign of his presence, tinawagan ko ang cellphone niya pero mukhang nakapatay ito. I'm getting worried that there might something happened to him, nang may biglang lumapit sa akin na isang lalaki. I immediately noticed his tattoo on the neck, isang pahiwatig na isa siya sa mga Valmoris Mafia.

Si Ortheus?!

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at tinutukan ako ng baril. "Come with me or else Xavien will die," sabi nito. He's wearing a black panther mask kaya't hindi ko siya mamukhaan. Pinipilit niya akong hilahin at sinubukang buhatin pero hindi siya nagtagumpay.

"Back off!" sigaw ng isang lalaki.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang mukha ni Zeiro, habang nakatutok sa lalaking naka-maskara ang baril. I didn't know who's behind this mask pero malalagot talaga siya sa akin kapag natanggal ko ang maskara niya.

May itim na kotseng pumarada sa harap namin at bumaba ang tatlong lalaki, nagpaputok ito ng baril at nagulat ako nang tamaan ang kaliwang balikat ni Zeiro.

"Zeiro!" sigaw ko.

May isang lalaki na humawak sa kamay ko at bigla na lang tinakpan ang bibig ko hanggang sa nakaramdam ako ng hilo, and my vision went blurry. I didn't know what to do. May lalaking nakamaskara ang umalalay sa akin kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

I know him since he's the one who got us out in Ortheus trap.

Nang pilit ko pang idilat ang mga mata ko ay nakita ko ang buong mukha niya dahil wala na itong suot na maskara.

S-Siya si Venom?

"S-Sorry," he said. Unti-unti nang bumagsak angtalukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top