CHAPTER 28: KISS OR DATE?

Hindi ako nakapag-focus sa pagre-review ko para sa upcoming preliminary exam dahil sa sinabi niya. He invited me to have a date with him on his birthday?

"Don't take it seriously, it's a friendly date."

Really a friendly date na may konting harutan? Nagdadalawang-isip tuloy ako kung papayag ako. God! Bakit ba kasi sa tuwing nagkakatinginan kami ay parang nanlalambot ang puso ko.

His eyes can't even lie that he likes me, pero ayoko siyang paasahin. I take a deep breath and try to focus on my reviewer. Napasapo na lang akong sa aking mukha at hindi alam ang gagawin. Wala akong naisagot sa kanya matapos niyang sabihin ito. Kinakabahan tuloy ako bukas dahil tiyak akong naghihintay siya sa isasagot ko.

Halos hindi ako nakatulog buong magdamag dahil yata ito sa kakaisip ko sa nangyari kahapon. Pagtingin ko ng orasan ay 8:30 A.M na pala.

Shit! Anong oras na. "Late na 'ko!

Napabalikwas ako sa kinahihigaan at mabilis na kumaripas papasok ng banyo. Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko at hindi na rin ako masyadong nag-ayos, kinuha ko na ang bag at lumabas agad ng kuwarto.

Pagpasok ko sa silid ay wala pa ang guro namin kaya nakahinga naman ako nang maluwag, pero lahat sila ay nabaling ang atensyon sa'kin. Hinayaan ko na lang ito at pumasok agad.

"Ang ganda mo ngayon, Ms. Sungit," pang-aasar ni Larken at binigyan ako ng pilit na ngiti. What's with his compliment?

Naabutan kong papasok pa lang sina Athena, Quade, at Xavien habang tumawa pa pero nang makita nila ako ay natahimik sila. Naririnig ko rin ang pagtawa ng iba kong mga kaklase. May mali ba?

"Bes, hindi mo naman sinabi sa'kin na labandera pala ang sideline mo at may tuwalya pang nakapulupot sa ulo mo," sarkastikong sagot ni Athena.

Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ito at na halos ikamula ng magkabila kong pisngi dahil sa hiya. Hindi ko pala natanggal ang tuwalyang suot ko dahil lutang akong nagmamadaling umalis. Hinampas ko ang balikat ni Larken dahil sa lakas ng tawa niya.

"Ba't hindi mo agad sinabi sa'kin?!" inis kong sabi.

"Bagay nga sa'yo 'eh—Masakit 'yun ah!" Dahil sa pang-aasar niya ay sinikmuraan ko siya, pero hindi pa rin ito tumitigil katatawa.

Ang ilang mga kaklase ko rin ay halos magtawanan, para tuloy gusto ko nang magpakain sa lupa sa mga oras na ito dahil sa kahihiyan.

"I'll take that. Mag-ayos ka muna." Kinuha ni Xavien ang hawak kong maliit na tuwalya at umupo sa bakanteng upuan. "Wala naman tayong first subject dahil galing na kami sa faculty room. Ang sabi ni Mrs. Valdez sa'min ay marami raw silang ginagawa ngayon. Kasama na ang mga test paper para sa upcoming preliminary exam."

Dali-dali naman akong bumalik sa dorm para mag-ayos at naglagay na rin ako ng lightweight foundation. Hindi niya tinanong ang tungkol sa date namin. Papayag na ba ako sa sinabi niya? Lumabas na ako ng kuwarto at nakasalubong ko pa ang bagong gising na si Rizelle, ang vice president ng Amethy High.

"Good morning, Amie!" bati niya at ngumiti sa'kin, gano'n din ang ginawa ko. Akala ko ay papunta siya sa silid pero dumeretso ito sa faculty room. Pagbalik ko ay maingay pa rin sila at puro chismisan lang ang ganap.

"Ayan, mukha ka nang tao," pang-aasar ni Larken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Dahil wala namang ganap sa loob ng silid ay dumeretso na kami sa canteen para kumain. Nilibre pa kami ni Larken ng pagkain pero nilamutakan niya na lahat nang binili. Timawa talaga.

"Mabulunan ka sana!" anas ko sabay tawa nang malakas.

Sobrang dami pang pagkain ang nasa bibig niya pero panay pa ang dakot sa mga plato namin ng pagkain.

"Don't you want to cut class? Ang boring, 'eh?" tanong ni Athena.

Huh? Bakit niya naman naisip na mag-cutting class kami? Hindi naman kumikibo sa kinauupuan si Xavien at abala sa pagtitipa ng kanyag cellphone.

"Sounds good," sambit ni Xavien. So, now, he's agreeing to cut classes too. Tumango rin si Larken matapos lunukin lahat ng kinain gano'n din si Nova.

"Aba, gusto ko 'yan! Saan niyo ba gustong pumunta?" tanong ni Nova.

"Anywhere," Xavien tipidly said.

"Amusement Park would be nice," sagot ni Athena na tuwang-tuwa pa. Parang siyang bata na excited makapunta sa paborito nitong lugar. Wala naman akong choice kung hindi ang sumang-ayon na lang.

"Maraming security guard na nakabantay ngayon sa labas. Hindi nila tayo papayagan dahil may klase pa," aniya ko.

"May alam akong daan na tanging mga STEM student lang ang nakakaalam para hindi tayo mahuli," mahinang sambit ni Athena. She let out her evil smile like I used to see. Lalo na't kapag puro kalokohan ang nasa isip niya.

Matapos kumain ay dumeretso na kami sa kung saan man niya kami dadalhin at sa likod lang pala ng STEM department ito. Napansin kong may kahoy na hagdan doon na sakto lang ang laki para makatawid sa kabilang bakod.

"Dito tayo daraan," ani Athena at pinangunahan nang umakyat. Sanay na sanay yata siyang unakyat na para bang araw-araw niya itong ginagawa. I know I cut classes sometimes, pero hindi naman sa ganitong paraan 'noh.

Sumunod na lang kami hanggang sa makalabas kaming anim. Nang makababa ay biglang may isang pulang kotse na huminto sa harap namin. Nakita ko ang matalim na tingin ni Xavien at mukhang pamilyar ako kung kanino ang ganitong klaseng kotse.

Ibinaba nito ang bintana and he let out his smirked while wearing a black sunglass. "I guess your ditching class again," sabi ni Chase. "What naughty students."

"What are you doing here, jerk?" tanong ni Xavien. May bakas na inis sa tono ng boses niya. Now, he's also calling him names. It's even funnier when Xavien is gives him a nickname.

Paglabas niya nang kotse ay bumakas agad ang pagngisi sa labi nito. Is he here to tag along? Well, hell, no! Ayoko pang mamatay dahil nakatitiyak akong may kung sinong armadong lalaki na naman ang susunod sa'min. Quota na ako sa mga barilan na 'yan at mahal ko pa ang buhay ko!

"I'm here to visit you, cutiepie—Aw! Hindi pa nga magaling 'yung tama ng baril dinagdagan mo agad!" Sinikmuraan tuloy siya ni Xavien dahil sa sinabi nito.

"Stop calling me that or I'll punch you in the face," Xavien said.

Naalala ko nga pala na nadaplisan siya ng bala sa kanang bahagi ng balikat niya. Well, he totally deserves that for being a jerk at inilagay niya pa sa alanganin ang buhay ko. Mabuti nga ay wala akong tama. Tanging malilit na sugat lang ang natamo dahil sa mga bubog na mula sa windshield ng kotse niya.

"Ang ganda naman pala ng bago mong kotse, binyagan na 'yan!" sabi ni Nova. Pinangunahan niya naman ang pagsakay sa pulang kotse ni Chase

It is one of the most expensive cars here in the Philippines, the Ferrari F8 Tributo and it only cost 33 million pesos. Halos malaglag na nga ang panga ko sa presyo nang makita ito.

He's the only jerk I know who's hell of a rich.

"If you're here just to tease us, go home. Baka dagdagan ko pa 'yang sugat sa balikat mo," sambit ni Xavien.

"Are you sure you don't want to use my car for a free ride? I bet your car is not that expensive compared to mine." Now he's bragging his expensive car just to impressed us.

"Thanks, but no, thanks, dude. Mauuna na kami," sabi ni Xavien. Pinuntahan na namin ang nakaparadang kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan bago ako pumasok sa kotse niya.

It's much more comfortable here, hindi ako nakakaramdam ng kaba hindi tulad doon sa isang kotse ni Chase na parati na lang ako napapahamak. We went to amusement park, nakasunod pa rin ang lalaki. Nang makababa kami ay bumaba na rin siya.

"Where do you want to ride first?" tanong ni Xavien. Ang dalawang loko ay hindi mapigilan ang saya ng makarating kami. Maraming tao ngayon.

They gave us a puzzle look because we are wearing a school uniform, baka nagtataka sila bakit may mga estudyante ng ganitong oras. Oh, well. They are right, we are ditching class to have some fun.

Bumili na ng ticket sina Xavien at pumasok na kami sa loob. May ibat-ibang ride kaming nakita at ang paborito ko lang na sakyan ay ang Ferris wheel dahil sa magandang view na makikita mo lalo na kapag gabi.

"Frisbee is a great ride to start with," sabi ni Athena. Kahit hindi pa ako nakakasakay ay feeling ko nasusuka na ako sa hilo. The pendulum amusement ride is featuring a circular gondola that rotates as it swings back and forth. Parang hindi ko yata kakayanin.

"Halika na!" pagyaya ni Larken. Nanguna na nga ang dalawang loko na sumakay, nasa gilid ko lang sina Athena at Xavien habang kasunod naman sina Larken, Quade, Nova at Chase.

Xavien let out a chuckle habang nagdadasal ako. "Don't be scared, Ms. Sungit. Hindi ka pa mamamtay," Pang-aasar niya. Kahit hindi pa nagsisimula ay kinakabahan na ako.

"Mamatay ako sa nerbyos," usal ko.

Nang magsimula na nga ito ay medyo mahina pa pero nang tumagal ay halos manlaki ang mata ko. This ride isn't a good start because it's swing with full 360 degrees in the air. Napatakip na nga lang ako ng bibig dahil sa hilo. Feeling ko tuloy ay masusuka na ako.

Paghinto ng ride ay halos hindi agad ako makatayo. Lahat ata ng dugo ay umaykat baba sa katawan ko. Hindi na talaga ako uulit sa pesteng ride na 'to. Tawang-tawa naman ang dalawa dahil hilong-hilo ako kaya napakapit ako kay Xavien.

"Oh! Take it easy, Amie. Isang ride pa lang ang nasasakyan natin ay parang pagod ka na," sabi niya. Sinamaan ko naman ito ng tingin habang nakangiti pa siya.

"It was a very good start, uulit kami!" aniya ni Chase.

"Ako rin!" singit ni Nova. Para silang mga bata na ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar. Kahit mahaba ulit ang pila ay naghintay ang mga loko na makasakay. Binigyan naman ako ni Quade ng tubig dahil masusuka na talaga ako sa mga oras na ito.

I'll puke if I don't drink cold water.

"I'll buy some food, dito na lang muna kayo," sabi ni Quade. Naiwan kaming dalawa ni Xavien.

"Ayos ka na?" He asked with a worried expression on his face.

I nooded and smiled at him. "Medyo nahihilo lang," sagot ko.

"I'll stay here if you want."

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay. So, this is what they feel when someone is worried about you, like how they care for you all the time.

"Also, I don't want you overthink what I said yesterday. Hindi naman kita pinipilit." Nagkatitigan pa kaming dalawa at ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay mas lalo pang lumakas dahil sa paglapit ng mukha niya sa'kin.

I can feel his warm breath.

"I like being with you, Amie. I feel safe when I'm around you," he mumbled.

"X-Xavien..." Nang aakmang hahalikan na niya ako ay agad na nanlaki ang mata ko dahil pabalik na si Quade. Naitulak ko tuloy siya nang wala sa oras ang lalaki kaya natumba ito sa kinauupuan niya.

"Sorry," mahinang sambit ko

Nakangting bumalik si Quade at binigay sa amin ang binili niyang pagkain pero saglit na napakunot-noo siya.

"What's with the face? May nangyari ba habang wala ako?" tanong niya.

"Nothing!" we said in unison.

"Okay, sabi niyo 'eh," aniya at nilamutakan na rin ang pagkain. Ilang saglit lang ay bumalik na rin ang mga loko matapos maka tatlong ride.

"Mas mabuti pang sa ferris wheel na lang tayo—Oh! wait someone is calling." A phone call interrupts him.

So, he excuses himself before answering.

It might be an important call dahil seryoso na nakikipag-usap ito. Nauna na nga kami sa Ferris wheel. Ang sabi ng operator ay dala-dalawang tao lang daw ang sasakay kaya pinangunahan na ito nina Athena at Larken, sumunod naman si Quade at Nova.

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Xavien at bigla akong nitong hinila papasok sa loob at sinarado ang pinto, nakita ko ang inis sa mukha ni Chase dahil mag-isa lang siya. Nang nasa taas na kami ay tila tumigil ang pag-andar nito kaya nagtaka ako.

"It's okay," sabi ni Xavien. Nakita niya siguro ang kaba sa mukha ko dahil nasa mismong tuktok na kami ng ferris wheel.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa pagtitig ni Xavien. His gaze is melting me softly. Kaya hindi ko maiwasan ang kiligin, my heart would explode like a bomb because of it.

"First time mo 'noh?" tanong niya. He let out a soft chuckle. Tumango naman ako. Sa buong ride na ito ay nagkwentuhan lang kami at tinanaw ang magandang view, mula sa kabilang pods ay nakita namin ang nakangising mukha ni Chase at panay ang pag-selfie nito mag-isa.

Pagbaba namin ay hindi pa rin natatapos ang tawanan ng dalawa na ni Athena at Larken. Mukhang nagkakasundo sila sa mga kalokohan nila.

"Bes, sasakay muna kami. Isasama ko si Xavien para mas exciting," sabi ni Athena.

Hindi naman nakatanggi si Xavien kahit na extreme rides ang sasakyan nila. Ayokong sumakay sa roller coaster dahil tiyak akong susuka ako nang malala pagkatapos. Sina Larken, Quade at Nova ay sumama na rin. Pinilit pa ni Larken si Chase pero nasikmuraan lang siya.

"Una na kami," nakangiting sabi ni Xavien at pumunta na sasakyan nilang rides. Wala naman masyadong tao na nakapila kaya mabilis lang silang nakasakay.

Kumakaway pa nga si Athena bago ito magsimula habang ang isa namang katabi ko ay naka-poker face lang. Ang bored tuloy kasama nito dahil puro ngisi lang ang ginagawa. Bakit ba kasi siya sumama kung hindi rin naman siya mag-eenjoy?

Ilang saglit lang ay parang nagkakagulo sa loob at may narinig akong malakas na putok ng baril.

Na naman? Hindi pa ba matatapos ang putukan na 'yan?

Nawala rin sa paningin ko si Chase kaya hinanap ko ito. Lahat ng tao ay nagkakagulo sa loob at may ilan pang sumisigaw. Hindi ko na alam ang gagawin kung saang parte ng rides ba siya nagpunta. Lumipas ang ilang minuto at nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Baka sakaling makita nila ako agad kung saan kami nanatili bago sila umalis kanina.

"Amie!" Narinig ko ang boses ni Athena. "Nakababa na kami pero biglang tumakbo si Xavien may dala siyang baril. May nahanap siyang isang papel na binigay raw sa kanya," aniya.

"Stay here, Athena. Pupuntahan ko lang si Chase," sabi ko. "Puntahan mo muna si Larken, magkita na lang tayo sa labas." Tumakbo na ako palabas ng amusement park. Nakita ko si Chase na papasok ng kotse niya kaya agad ko itong nilapitan.

"Tsk! Come with me now, sakay!" sigaw niya. May hawak din siyang baril. All this time ay may dala-dala silang baril nang hindi man lang pinapaalam sa'min?

"What? Ano bang nangyayari?" tanong ko. Hinila niya na lang ako papasok nang kotse at mabilis siyang nagmaneho. Lintik na 'yan! Naiwan pa ang mga kaibigan ko sa loob, tapos bigla niya na lang akong pinasakay dito sa kotse niya?

"Don't do anything stupid," sambit niya.

"What the hell, jerk! Nasaan si Xavien?" tanong ko habang mabilis niyang pinapatakbo ang sasakyan at nang tingnan ko ang side mirror ay nanlaki ang mata ko.

May tatlo na namang kotse ang umaaligid sa'min, halo-halong emosyon ang bumalot sa'kin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa lalaking ito na puro pahamak na lang ang dala.

"Hindi ko siya nakitang lumabas ng amusement park, maybe he went somewhere that can be used to filled-in his deduction," he said.

"What?!" hindi ko makapaniwalang sabi.

"Someone sent us a code; can you decipher it now?" sabi niya habang nagmamaneho. Really? In the middle of this situation? Nababaliw na nga ang lalaking ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghalo-halo na ang kaba at pag-aalala sa utak ko.

May nakalagay na ibat-ibang code na ngayon ko lang nakita. Sa daming cipher na alam ko ay nakatitiyak akong hindi ko pa ito napag-aaralan at wala sa bokabularyo ko ang mamatay nang maaga habang di-ne-decode itong code.

Matulin ang pagpapatakbo niya at hindi rin ako makapag-focus dahil sa mga putok ng baril. Enough with those gunshot! Puta, ano ba ang kailangan nila sa'min at parati nila kaming pinupuntirya?

1 2 3 4 5

1 A B C D E

2 F G H I J K

3 L M N O P

4 Q R S T U

5 V W X Y Z

"It's Polybius square," Chase said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top