CHAPTER 27: CONFESSION
"Get the gun in my compartment now!" sigaw niya.
The gun? What the heck?!
"Gago ka ba? Ayokong humawak ulit ng baril!" galit kong sabi. Nasisiraan na yata ng ulo ang lalaking ito at lagi na lang ako napapahamak sa mga ginagawa niya.
"Shit! Lumalapit na sila," sambit niya.
Siya na mismo ang kumuha ng baril sa compartment at binuksan niya ang bintana ng kotse, saka ito nagsimulang magpaputok sa mga taong sumusunod sa'min.
Halos mapapikit ako at hindi makagalaw sa kinauupuan. Ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa magkabilang tainga habang patuloy pa rin ang pagbaril ni Chase sa mga lalaking armado. Nang idilat ko ang mga mata ay mas magulat ako dahil nasa gilid na namin ang isang kotse na humabol sa'min. Tangina, ang malas talaga!
Naglabas ito ng baril at pinaputukan ang kotseng sinasakyan namin.
"Yuko!" sigaw ni Chase. Ayoko na talaga masangkot sa kung anong gulong mayroon sila, tiyak akong mamatay ako ng wala sa oras kapag kasama ko siya. Fuck!
Sa bilis magpatakbo ng kotse ni Chase ay hindi ko na namalayan ang nangyari, huminto na lang ang sasakyan malapit sa isang 7/11 convenience store. Wala na ang mga sumusunod sa amin. Nang tingnan ko ang paligid ay kitang-kita ko na punong-puno ng pawis ang katawan ni Chase.
"Get up! Wala na sila," galit na sabi niya.
Mabuti na lang ay natakasan namin ang kaninang humahabol sa'min, saka lang ako nagkalakas ng loob at pinaghahampas ko siya dahil sa pagpahamak nito sa buhay ko.
"Stop it! Mabuti nga at buhay ka pa," Hirit pa niya.
See? A troubled jerk who's not concerned or even worried if I'm okay after what happened.
Nakita kong may bakas ng dugo ang kanang balikat niya. "M-May tama ka!" Mas nagulat pa ako dahil tumutulo na pababa sa kamay niya ang dugo.
"I-I know. Daplis lang 'to," sagot niya.
"May malapit na hospital dito, halika na." Dahil sa pag-aaligaga ko sa kanya habang paika-ika itong naglakad ay mabilis rin naman kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital.
"I'll take care of him," sabi ng nurse.
Inalalayan nitong umupo ang lalaki at kinuha ang katabing first aid kit. Halos mamula ang magkabilang pisngi ko nang hubarin niya ang pang-itaas niyang suot.
Nang magtama ang tingin namin ay ngumisi siya. "What? Ngayon ka lang ba nakikita ng abs?" sarkastikong tanong niya.
I mentally rolled my eyes on him.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko. Umiwas naman ako ng tingin at isinarado ang mahabang kurtina na napapagitnaan namin.
Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa tumutunog at nakitang rumehistro ang pangalan ni Xavien. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.
"Nasaan ka? Ayos ka lang ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"Nasa hospital kami ngayon," sagot ko.
"Nasugatan ka ba? Nabaril ka?"
"Ayos lang ako. Kasama ko ngayon si Chase dahil nadaplisan siya ng bala."
"I told you they were here." Narinig ko ang boses ni Athena sa kabilang linya.
"We're on our way, now. I-send mo sa akin ang location niyo ngayon," sabi niya. Pagbaba ko ng tawag ay ibinigay ko agad sa kanya ang address mismo ng hospital.
Ilang saglit pa ng paghihintay ay bumukas rin ang kurtina. Nakabenda na ngayon ang kanang balikat ni Chase, at muli niyang isinuot ang damit. Sa hindi kalayuan, natanaw ko sina Xavien at Athena na papalapit sa'min na akas ang pag-aalala sa mukha nila.
"Nakita ko ang mga tauhan ni Zander sa tapat ng eskwelahan kaya nag-alala ako dahil ang sabi ni Xavien sa'kin ay nakabalik ka na raw ng dorm pero hindi kita nakita sa kuwarto mo," paliwanag ni Athena.
"Someone chased us, and I think it's not Zander's men based on their neck. Wala silang signature na sumisimbolo sa organisasyon nila. They're not part of Valmoris Mafia," aniya ni Chase.
Napapangiwi pa ito sa sakit kaya inalalayan ko na siya.
"It's already safe at Amethy. I already told Morris about this, kaya nagpadala siya ng mga magbabantay sa eskwelahan," sambit ni Xavien.
Thank, God! Sana ay hindi na ito maulit pa dahil isang malaking bangungot ito sa'kin kung sakali.
Hinatid na ni Xavien si Chase pabalik ng Amores High matapos niya kaming inihatid ni Athena sa dorm. It's already 5:40 P.M at kailangan ko pang mag-review para sa upcoming preliminary exam.
Kinabukasan ay tumawag si Detective Mori at sinabihan kami na dumeretso sa ibibigay niyang address.
"Good morning!" bati ni Larken. Tila may iba sa ngiti niya ngayon. "Wala ba kayong gagawin ngayon?" Kauupo ko lang ay tinatanong niya na agad kami.
"Wala naman," sagot ko ng may paghikab pa. Dumating na rin si Xavien at Nova. Mayamaya lang ay maingay na ang buong paligid, puro chikahan at tawanan ang naririnig ko.
May iilan pa akong narinig na tungkol sa'min daw ni Xavien dahil lagi kaming magkasama. Nagmumukha na tuloy kaming mag-jowa. Dumating na nga rin ang adviser namin at may anunsyo siya.
"As you all know, papalapit na ang preliminary exam na'tin at pagkatapos nito ay magsisimula na rin ang huling quarter ng taong ito. Sanay pag-igihan ninyo ang pag-aaral nang maipasa niyo ang asignatura ko," sabi ng guro namin.
Nagbigay siya ng reviewer namin na magagamit para sa preliminary exam at pagkatapos noon ay konting lektura lang ang itinuro niya. Natapos din ang klase at break na namin. May dalawang oras pa kaming bakante kaya mapupuntahan namin kung nasaan ngayon si Detective Mori.
Sumakay na ako ng kotse ni Xavien at nagtungo kami sa ibinigay na address ni Detective Mori. Dala-dala ang ibang mga ebidensya ay napansin kong may kakaiba sa naging posisyon ng pagkamatay niya, tila hindi nga ito nanlaban at parang suicide ang nangyari. Pagdating namin ay sumalubong ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 30s na.
"Pasok kayo," paanyaya niya. Naabutan din namin ang sinasabing apprentice ni Faustino, ang magician na namatay.
Faustino Picasso Laurel is known for being the best illusionist and teleportation trick here in the Philippines. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung paano niya nagagawa ang mga trick na ito na laging ikinakamangha ng kanyang manonood.
Pumasok kami sa office ng kanyang asawa na si Beatrice Ruth Laurel. Hinintay na muna namin makarating dito si Detective Mori bago ilahad ng kanyang asawa ang buong pangyayari, ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwal non si Detective Mori na suot ang kanyang itim na jacket.
"Maari na tayong magsimula," sabi ng Detective.
"Hindi ako naniniwala na nagpakamatay ang asawa ko at ininom ang lason na nakita sa crime scene," pahayag ni Ruth. "Kung hindi ako nagkakamali isa itong lason na nakamamatay at tinatawag nila itong Aconitine." Teka, parang pamilyar ang nabanggit niya? Ah! Isa ito sa mga pinag-aralan namin sa Chemistry class kung hindi ako nagkakamali.
"Aconitine is an alkaloid toxin produced by various plant species belonging to the genus Aconitum and it can produce a ventricular dysrhythmia of the heart leading to death of your husband," sambit ko.
"Wala ngang bahid na isa itong suicide," ani ni Detective Mori.
"Malabong mangyari na magpakamatay ang asawa ko," protesta ni Mrs. Laurel
"Paano mo naman nasabi na hindi ito sucide?" tanong ng detective. Napakunot-noo naman kami ni Xavien na para bag may kakaiba sa kasong ito.
"Dahil tuwang-tuwa siya nang makauwi rito sa amin bukas na kasi ang kaarawan ng anak naming si Sabrina. Napagplanuhan naming mag-asawa na sa ibang bansa namin ipagdiriwang ang kaarawan ng anak namin at napaghandaan na niya ito, noong nakaraang buwan pa. Hindi maalis ang ngiti sa mga mata niya nang makita niya si Sabrina," paliwanag niya. Binigyan ni Xavien ng tissue ang babae dahil tumutulo na ang luha nito
"Pwede po ba naming makita ang pinangyarihan kung saan siya namatay?" Xavien asked.
Mrs. Laurel immediately nodded at pinangunahan na kami palabas ng silid niya. Hindi ko inaasahan ang sasalubong sa amin paglabas ng silid ay si Larken na komportable pang nakaupo sa sofa.
"Amie, your also here?" Hindi maipinta ang pagkagulat sa mukha niya ng makita ako. I know he will be here, kilalang-kilala ko na talaga ang dugo ng Amores. When it comes to case, they're always interested to it kahit na hindi nila sabihin sa'kin.
"Hindi pala interesado 'ah. 'Eh, bakit nandito ka ngayon?" tanong ko.
Hindi naman siya makasagot agad at kitang-kita ko ang pag-akyat baba ng adams apple niya.
"I-I'm here because Xavien called me to help him, I didn't know that he's referring to this magician case," sabi niya. Nagpapalusot pa, huling-huli na.
"Lumang style na 'yan. Alam ko naman na interesado ka, hindi mo naman kailangan itago," I said. He rolled his eyes on me at humalukipkip pa na parang isang batang ayaw sumama sa magulang.
"I called him here because we also need him, malaking tulong kung tatlo tayong aasikaso ng kasong ito," Xavien said. I bitterly smiled at him.
Bago pa kami tumungo sa silid kung saan namatay si Mr. Laurel ay may humarang na tatlong tao. Ito ata 'yung mga apprentice ng matanda bago siya namatay.
"Munting binibini," pagtawag sa'kin ng isang lalaki na nasa 30s na rin ang edad. "Tila yata napadpad ka rito. Gusto mo rin bang makakita ng mahika?"
Nagulat na lang ako nang lumapit siya at halos manlaki ang mata ko ng hawiin niya ang buhok ko at may lumabas dito na isang putting ibon. I'm impressed, yet he didn't convince me that he is a trustworthy guy.
"Oh, siya ba ang bagong apprentice natin, Mrs. Laurel?" tanong ng lalaki.
"Hindi, siya ang pinatawag ko na detective at kasama niya ang mga highschool detectives na tutulong sa kaso ng asawa ko," sagot niya.
"You mean 'yung tanyag na detective sa lugar na ito na si Detective Richard Morrison?" Nanlaki ang mata niya sa gulat habang poker face naman ang binigay sa kanya ng detective.
"Ito nga pala si Arthur Lopez," pagpapakilala ni Mrs. Laurel.
"Hindi na ako magtataka kung nandito sila para imbistigahan ang pagkamatay ng aming magaling na magician." Lumapit ang isang babae sa'min. Nasa mid-30s na rin ito at apprentice ni Mr. Laurel.
Si Naomi Avery Tuazon, isa rin itong illusionist na katulad lang ni Arthur. May napansin akong kakaiba sa kanya dahil sa pananalita nito at sa kung paano siya tumingin sa'min na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Hindi ba't klinaro na base sa imbistigasyon noong isang linggo na nagpakamatay si Mr. Laurel?" nagtatakang tanong ni Arthur.
Huh? Ang ibig sabihin ay si Morris mismo ang nagpaimbestiga matapos niyang ibigay sa'min ang file na hawak ko ngayon?
"Malamang ay humahanap sila ng butas dahil masyadong malabo na magpakamatay na lang si Picasso ng walang dahilan at isa pa, may nahanap kayong card na bumabagabag sa inyo, hindi ba?"
Tumingin ito sa lalaki na kadarating lang. May hawak itong baraha at maiging niya itong binabalasa gamit ang dalawang kamay.
"Bakit hindi mo ipakita sa kanila ang nahanap mo, Miguel?" tanong ni Naomi.
"Ito bang baraha ang tinutukoy mo?" pagtitiyak niya. May hawak siyang isang ace at jack of spades. Kinuha naman ito ni Detective Mori at ipinakita rin sa amin.
"Nakita namin ito na nakapatong sa desk ni Mr. Laurel noong oras na natagpuan namin siya sa kanyang silid. Tanging 'yan lang ang naiwang ebidensya na sa palagay ko ay may kinalaman sa pagkamatay niya," wika ni Miguel.
Kung pagbabasehan ay isang card illusionist si Miguel Padua at ang sabi sa amin ni Mrs. Laurel ay gusto niyang sumunod sa yapak ng isa sa pinakamagaling na magician, pero namuo ang galit nito ng matagpuang patay na sa silid si Faustino.
"Huwag niyo nang tangkain pang imbestigahan ito dahil tiyak akong malalagay lang kayo sa alanganin," sabi niya at umalis. Kitang-kita ko ang galit na namumuo sa kanya na epekto ng pagkamatay ni Faustino.
"Hindi niya pa matanggap na wala na ang asawa ko. Hayaan na muna natin siya," sabi ni Mrs. Laurel. Nagtungo na kami sa isang malaking silid kung saan namatay si Faustino.
"Mommy, b-bakit sila nandito? Kaibigan po ba sila ni Daddy?" tanong ng batang babae. Siya ang anim na taong gulang na anak ni Faustino.
"Hello, ikaw ba si Sabrina? Balita ko ay kaarawan mo na bukas, tama?" Magiliw akong ngumiti sa kanya para hindi siya matakot sa mga kasama kong laging mga salubong ang kilay.
"P-Paano niyo po nalaman?" tanong niya.
"Sinabi ng daddy mo sa amin." Bumakas ang ngiti sa labi ng bata at parang masaya ito kapag si Faustino ang naririnig niya.
"Uuwi na po ba si Daddy, Mommy?" tanong niya ng ibaling ang tingin sa kanyang ina.
"H-Hindi pa, anak. Naomi, mas maigi pang lumabas muna kayong dalawa saglit habang nag-iimbistiga sina Detective Mori," utos ni Mrs. Laurel.
"Halika na, Sabrina. Kakain muna tayo ng paborito mong ice cream sa labas," sabi ni Naomi at ngumiti naman ang batang babae kaya sumunod ito palabas ng bahay nila.
Nagtungo na nga kami sa silid kung saan namatay si Faustino. Kung susuriin ang buong silid ay malawak ito at napaliligiran ng mga ginagamit para sa tricks nito. Isa na riyan ang water escape trick at hindi mawawala ang Metamorphosis trick niya.
"Sino naman po sila?" tanong ko nang ituro ko ang ibat-ibang litrato ng tao na nakasabit sa pader at marahil ay konektado ito sa kaso.
"Ah, 'yan ang mga dating apprentice ng asawa ko, 'yung iba sumikat at 'yung iba naman ay wala na," aniya.
"How about that man?" Itinuro naman ni Xavien ang litrato ng lalaki na nakasuot ng itim na sombrero.
"Iyan naman si Geovanni Xavier Fuentes, isa sa mga pinakamagaling at henyong illusionist, pero kalaunan ay pumanaw rin ito," sagot ni Mrs. Laurel. Kung titingnan ay siya ang may pinakamalinis na litrato sa lahat at parang walang bahid ng alikabok ang mga ito.
"Nakakapagtaka na ganito ang posisyon ng pagkamatay ni Mr. Faustino," sabi ni Xavien. Napansin ko rin ang body marks na nakadikit sa sahig kung paano namatay ang matanda. Hindi kaya itinali siya ng kung sino?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mrs. Laurel.
"Kung titingnan niyo po ang posisyon ng kanyang pagkamatay ay mapapansin na parang nakatali ang dalawang kamay niya ng isang lubid, ibig sabihin ay hindi nga niya binalak na magpakamatay dahil paano niya mainom ang lason kung may tali ang kamay niya?" paliwanag ni Xavien.
"Hindi namin napansin dahil nataranta kami nang makita namin na wala na siyang buhay, at saka hindi naman gumagawa ng kahit anong escaped trick ang asawa ko na may kinalaman sa lubid," sambit ni Mrs. Laurel. Dito na kami kinituban na isa nga itong murder at hindi suicide. Pero paanong nangyaring bumaligtad ang sitwasyon na nagpakamatay si Faustino?
"Kung mamarapatin niyo, pwede ko bang itanong kung soundproof ba ang silid na ito?" Detective Mori asked. Tumango naman si Mrs. Laurel.
Doon na nagsimulang magsulat si Xavien sa nabuong deduction sa kasong ito. Tila iniisa-isa niya ang bawat detalye para maging mas malinaw ito sa'min. Sa kabilang banda, kahit na anong sigaw ni Mr. Faustino sa kuwartong ito ay walang makakarinig sa kanya. Lalo na't nang datnan nila ay sarado ang pintuan.
"Ano sa tingin mo, Xavien. May clue ka na ba kung sino ang gumawa nito sa kanya?" tanong ni Larken.
Xavien shook his head. "Hindi pa ako sigurado, I'm lacking some evidence at baka mayroon pa tayong mahanap sa silid na ito," sagot niya.
"Dahil hindi nanghingi ng tulong si Mr. Faustino noong araw na iyon ay nakatitiyak kami na may iniwan na ebidensya na makakatulong sa'min sa kaso," ani Detective Mori.
Kahit saang anggulo namin tingnan ay lumalabas na nagpakamatay siya pero agad na napukaw ang atensyon ko sa isang card na nakausli sa bookshelf niya agad ko itong kinuha at nagulat ako na may codes na nakalagay dito.
"I know this cipher, but I can't remember it," I said. Nabasa ko na ang cipher na ito sa mga librong pinahiram sa akin ni Larken noong baguhan pa lamang ako sa Amethy High.
"I can't remember it either pero nabasa ko na rin ito noon," sambit din ni Larken.
Naglalaman ang papel ng paulit-ulit na numero at kung mapapansin ay parang naka-pattern ito. Kinuha naman ni Xavien ang papel at pinatungan niya ito ng isa pang papel upang sulatan.
8 44 33
222 666 3 333
444 777
444 66
6 999
222 1 22 444 66 33 8
"This is a phone code, I know it." Xavien said. Sinimulan niya nang i-decipher ito at pati ako ay tumulong na rin. Makalipas lang ang ilang minuto ay nahulaan din namin ito.
8 44 33
THE
222 666 3 333
CODE
444 777
IS
444 66
IN
6 999
MY
222 1 22 444 66 33 8
CABINET
Agad naming tinungo ang nag-iisa niyang lumang kabinet at nang buksan namin ito ay tumambad lang ang isang telephone. Huh? Paano naman naikonekta ang telepono sa kasong ito?
Kung nakakatawag naman pala siya no'ng oras na 'yon, bakit pa siya nagtangka na mag-iwan ng code o sulatin ito kung pwede niya naman tawagan ang 911?
"Ang redial button!" Detective Mori exclaimed. "Gustong ipahiwatig ni Mr. Faustino na ito ang ebidensya kung paano siya namatay." Nang pindutin namin ito ang redial ay parang wala namang nangyari.
"Putol na ang linya nito, detective." ani Xavien. Ibig sabihin pala ay balewala lang ang mga codes na ito dahil nandito na sa telepono ang sagot sa pagkamatay niya.
"Kahit putol ang linya nito ay marerehistro pa rin ang mga numero na nai-dial niya no'ng mga oras na 'yun pero wala namang kakaiba bukod do'n," sabi ni Detective Mori.
"Oo, detective. Mayroon nga!" Larken exclaimed. Nang tingnan namin iyon ay puro numbero ito na may astesrisk.
126871*2579*23489*2579*1735*1397
Sinubukan kong i-decode ito gamit ang phone code cipher. May dalawang uri kasi nito tulad kanina na parehong numero ang ginamit pero ang nauna ay may pattern, habang dito naman ay asterisk ang kanyang naging pattern. Binuksan ko ang cellphome ko at maiging tiningnan ang mga numero sa phone app ko.
Nang pag-isaisahin ko ang mga numero ay may nabuong letra sa mga ito pero hindi ko alam ang ibig sabihin.
"D...A...C...A...P...O." 'Yan ang lumabas na letra base sa phone code cipher na ginamit ko. Kung pagmamasdan ay parang walang sense ang mga numerong ito, ngunit kung maigi nating susuriin ay nakakabuo ito ng mga letra na dahilan para mabuo namin ang salitang ito.
"It means repeat from the beginning," Larken mumbled. "Hindi kaya may nangyari na hindi nasama sa kasong ito matagal na panahon na?" Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi niya at hindi ko pa rin maintindihan.
"This may be lead us to end this case, may itinatago pa si Mr. Laurel." Xavien muttered.
"A-Anong ibig niyong sabihin na may tinatago pa ang asawa ko? Hindi ba't malinaw na pinatay siya?" tanong ni Mrs. Laurel. Ngayon ay pareho kaming naguguluhan kahit nasa harap na namin ang ebidensya at katotohanan.
"Tama kayo, Mrs. Laurel. Pinatay nga ang asawa niyo, pero malulutas lang na'tin ito kung-"
"Ako ang nakakaalam ng nakaraan ni Mr. Laurel." Biglang pumasok ang isang lalaki habang nagsasalita si Detective Mori kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. Si Arthur Lopez ang isa sa mga apprentice ng asawa ni Ruth.
"Bata, anong ibig mong sabihin?" tanong ni Detective Mori.
"Sinabi na sa akin ni Mr. Laurel ang lahat bago pa niya naging apprentice si Naomi," aniya. "Lahat ng ito'y dumederekta kay Naomi Avery Tuazon o mas kilala bilang kapatid ni Geovanni Xavier Fuentes na si Lianna Avery Fuentes." Ikinagulat nami ang nilahad niya.
Kapatid ni Naomi ang lalaking nasa litrato na namatay 15 years ago?
"Kailangan nating puntahan ang anak ni Mr. Faustino, nanganganib ang buhay nito!" sabi ni Xavien nagmadali itong lumabas kaya sinundan namin siya.
Hinanap namin kung saan-saan hanggang makarating sa pinakamalapit na convenient store, lakad-takbo pa ang ginawa namin pero hindi pa rin namin sila mahanap.
"Wala sila doon," sambit ni Larken.
"Hindi namin mahanap, walang tindahan na malapit dito kaya marahil ay matagalan tayong mahanap sila," sambit ni Arthur.
"Kailangan na nating ng backup, detective." Xavien said.
"Huwag muna tayong padalos-dalos," tutol ni Mori. "May posibilidad na hindi saktan ni Naomi ang bata."
Tiwala kami sa bawat salitang inilalabas ni Mori at nakakasigurado rin ako na hindi niya sasaktan ang bata. Dahil sa ngiti nito kanina ay parang napamahal na siya sa bata at nagkakasundo sila dahil sumasama agad siya sa kanya.
"Kahina-hinala na ang kilos niya sa umpisa pa lang kaya nagtaka na si Mr. Laurel at doon namin nalaman na kapatid niya si Geovanni dahil sa litratong mayroon sila ng kuya niya na iningatan niya magpahanggang ngayon," sambit ni Arthur.
"Mahusay at napagtagpi-tagpi niyo na rin ang mga piraso ng ebidensya laban sa'kin," sabi ni Naomi. Dala-dala niya ang bata pero mukhang tulog na ito at may bahid pa ng ice cream sa labi niya.
"Sabrina!" Agad na lumapit ang ina at ibinigay naman iyon ni Naomi.
"Nalaman niyo na rin kung sino ako sa simula pa lang," she said with a cold voice.
"Hindi ko binalak na saktan ang bata dahil sa umpisa pa lang ay wala na siyang kinalaman sa nangyari. Sinabotahe ng asawa mo ang magic trick na matagal niyang pinaghandaan, pero nauwi ito sa bangungot."
"Hindi totoo 'yan! Aksidente ang nangyari noon, hindi nagtagumpay na makatakas si Geovanni sa 15 feet na nakalubog sa tubig habang nakakulong ang buong katawan niya ng kadena, sinubukang tulungan ng asawa ko si Geovanni pero wala na siyang buhay nang maiahon niya ito," wika ni Mrs. Laurel.
"Dahil 'yan ang lumabas sa imbestigasyon na aksidente at hindi murder ang nangyari. He fabricated my brother's case, sinuhulan niya ng malaking halaga ang may hawak ng kaso upang manahimik ito at sunugin ang ibang ibedensya." May bahid ng pait ang mga salita ni Naomi na para bang kasalanan niya kung bakit namatay ang kapatid niya. "Iyan ang mapait na katotohan at kailangan niya ring pagdusahan. Pinalabas ko na suicide ang nangyari, pero dahil sa magaling mong mga detective natapos na rin ng perpekto ang plano ko."
"Pero paano mo siya pinatay? Hindi ba't nakatali siya noong mga oras na 'yun at walang bahid ng sugat ang katawan niya? Tanging paglason lang ang naging sanhi ng pagkamatay ni Faustino," sabi ni Xavien.
"Inamin ko na sa kanya ang lahat na kapatid ko si Geovanni pero ginantihan niya lang ito ng malakas na halakhak at doon na namuo sa isipan ko na patayin siya bago ang kaarawan ng anak niya. Wala akong planong patayin ang bata. Ang kasalanan ng kanyang ama ay hindi niya kasalanan. Masyadong masakit sa akin ang ginawa ng kanyang asawa, kaya't nararapat lang na maranasan niya kung ano ang pinaranas niya sa kapatid ko."
"Alam ni Laurel na papatayin mo siya at naghihintay lang siya ng tamang oras na gawin mo ito, kaya't hindi na ako nabigla na namatay siya dahil planado niya na iyo bago mo pa gawin ito sa kanya. Pati na ang mga codes na itinago niya sa mga sulok ng silid ay nagawa na niya dahil alam niyang kahit anong oras ay pwede mo siyang patayin o lasunin," pahayag ni Arthur.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga pulis at hindi na nagtangka pang tumakas si Naomi-este Lianna.
"Sarado na ang kaso, mga bata. Maraming salamat sa tulong niyo," sabi ni Detective Mori. Medyo late kami ng ilang minuto nang makabalik kami sa Amethy High.
Nauna nang pumasok si Larken at naiwan na lang kaming dalawa ni Xavien sa Hallway.
"Amie." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Bakit ba kasi six-foot ang height niya? Ang sakit tuloy sa leeg tumingala parati.
"Hmm?" May sasabihin yata siya pero may pumipigil sa kanya. Is he asking me on a date? God! Napaka-assumera ko talaga para namang yayayain niya ang isang tulad ko.
He has own standards when it comes to girls. Gusto niya 'yung matalino at maganda. Samantalang ako, heto ganda lang ang ambag sa mundo.
"Malapit na ang birthday ko. Do you mind if I ask you for a date to celebrate with me?"
Did I just hear a DATE?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top