CHAPTER 26: TROUBLE WITH A JERK
Sinuri namin ang buong kuwarto at nagkalat sa labas ng banyo ang dugo ni Samantha. Napalunok ako nang madiin dahil sa sinapit niya. Halos wala na itong buhok at mukhang nalapnos ang balat dahil sariwa pa ang mga namumuong sugat.
Napapikit na lang ako dahil ang balat niya ay halos tuklap na. Masangsang kasi na amoy ang bumalot sa buong kuwarto niya. The smell is like muriatic acid, but I can't tell.
"Walang lalabas sa buong girl's dormitory," sambit ni Xavien. Tumawag na si Chase ng pulis at ilang saglit lang ay dumating na ito ng pasado ala-una ng madaling araw.
Marami pa ring nakikiusyoso, pero hindi nila kayang tingnan ang bangkay. Kahit ako ay halos masuka dahil sa hitsura nito na hindi na gaanong makilala. Lahat ng gamit ni Samantha ay tiningnan pati na ang banyo kung saan huli siyang pumasok.
Nakita namin doon ang ilang mga ginagamit niyang panligo, pati na ang mga mamahaling skincare niya na galing pa sa ibang bansa. Pero mas napukaw ang atensyon ko sa isang kahina-hinalang maliit na lalagyan, may magkatabing shampoo at conditioner doon. Ibang-iba ang hitsura nito kaysa sa pangkaraniwan na ginagamit ni Samantha.
Samantha Reyes, 19 years old at galing sa STEM-2. Kinuha ko ang I'd niya nakalapag sa desk. Nakakatiyak ako na alam na ng mga kaibigan niya ang nangyari at baka tinatawagan na rin ang kamag-anak nito para ipaalam na wala na siya. Hindi ko rin naman maiwasan na tumulo ang luha dahil sa nangyari.
"Take this," Xavien said and handed me his handkerchief. "It's getting late, you should rest now. Kami na ang bahala rito," sambit niya.
"H-Hindi, kaya ko pa. Tutulong ako," pagpupumilit ko. Pinunasan ko ang luha at nagtungo ulit sa banyo, kinuha ko ang kahina-hinalang shampoo na kanina ko pa gustong kunin.
"What's this?" Xavien asked.
"I'm not sure, but I think that's what the killer used to kill Samantha," he stated.
Nagsuot nang gloves si Xavien at dahan-dahang binuksan ang plastic nang bote ng shampoo. He slowly transferred it into a transparent lidded dish called petridish, that biologists use when they are testing some chemicals or used for the culture of microorganisms.
Pagbukas niya ay kumalat ang masangsang na amoy sa buong kuwarto kaya napatakip kami ng bibig. To ensure our safety, nagsuot kami ng face mask. Ang ilang mga crime operatives naman ay patuloy pa rin sa paghahanap ng mga ebidensya sa buong kuwarto.
"I didn't expect that this case would be hard for us," sambit ni Detective Mori.
"This isn't some kind of any murder case," Xavien said. Napakunot-noo naman kaming apat pati na si Detective Mori.
"What do you mean?" I asked.
"This is a serious case that we need to handle dahil hindi natin alam kung sino ang killer. Baka gumagawa na ito ng susunod niyang hakbang sa kung sino ang bibiktimahin niya."
"We have three suspects here. Based on their fingerprint nakita ito sa mga ebidensiyang nahanap naming, kaya agad na namin itong pinasuri," sabi ni Detective Mori.
Kahit madaling-araw na ay kinatok ng ilang mga pulis ang boy's dorm. Wait! Bakit sa boy's dormitory nila nahanap ang mga suspect sa pagpatay? Ibig sabihin ay iilan sa kanila ay namamalagi rito? Kinabahan naman ako dahil akala ko isang babae ang may gawa nito pero puro kalalakihan pala ang suspect. What a fucking pervert!
"Oh, by the way, may isang babae na nag-match ang fingerprint sa ebidensya na mayroon kami. Do you mind, Athena, if we ask you some questions?" Mas kumabog pa nang mabilis ang puso ko dahil sa sinabi ni Detective Mori.
What does it mean? May kinalaman din si Athena sa pagkamatay ni Samantha?
Napatingin kaming tatlo sa kanya at itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang susuko. "I need some time to explain. Nagkita kami kanina ni Samantha, but it was for our research wala ng iba," she explained. Mahirap man paniwalaan pero kailangan muna siyang mainteroga ni Detective Mori. Just to make sure that she's stating facts, then we'll believe in her.
Alam kong hindi niya kayang pumatay ng isang inosenteng babae. She may be hiding a big secret from us, but we know that everytime we need help—even if it's for school or cases, she's always available.
"I have a deduction on this case. Now, I know you're not the culprit," Xavien said. Ngumiti naman nang mapait si Athena.
We all know that she's not the one who killed Samantha, but the culprit is trying to play a game with us na para bang pinapa-ikot niya muna kami, bago namin mahulaan kung sino siya. The evidence might not be clear, even if we are not seeing the big picture here. Kailangan naming tingnan ang ibat-ibang anggulo para maresolba ang kaso na ito.
Nagkukusot nang mata habang papalapit sa amin ang tatlong lalaki. "Is this some kind of joke? In the middle of the night, you accused us of being a murderer ng hindi man lang tinitingnan ang mga ebidensya?" inis na sabi ng isang lalaki.
Nagpakilala itong si Angelo Rayle Servencio. Kinuha ko ang bitbit nilang I'd at tiningnan ang pangalan ng dalawa pang lalaki. Jaive Ace Veneracion at Clyde Lawrence Revillo. Kahit pahikab-hikab ay sinubukan nilang sagutin ang mga tanong ni Detective Mori.
"We can test all the evidence we've found in this room in the morning. Sa ngayon ay mas mabuti pang magpahinga na muna kayo," sambit ni Detective Mori.
Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay pasado alas-tres na pala at may pasok pa kami bukas, o baka isuspinde muna nila dahil sa nangyari ngayon.
"We will update you about this case by morning. Matapos niyon baka maresolba na natin ang kaso at mahuli na ang may gawa nito," dagdag pa ni Mori.
Bumalik na ako sa kuwarto at medyo malayo naman ito sa kung saan namatay si Samantha, pero halos buong katawan ko ang kinilabutan dahil sa sinapit nito.
Pagsapit ng umaga ay lahat kami pinapunta sa hall para sa isang anunsyo, pahikab-hikab pa ako ng makailang beses dahil ilang oras lang ang itinulog ko.
"Coffee?" Xavien offered and handed me a hot coffee espresso. Hindi ko na man ito paborito, pero tama lang ang lasa nito at nagustuhan ko naman.
Nagpasalamat na rin ako sa palibre niyang kape.
"It's better to focus on acads than this case, Amie. Malapit na ang preliminary exam, baka bumagsak ka niyan." May pag-aalala sa tono ng boses ni Larken habang sumisimsim din ng kapeng dala niya. Ilang saglit lang ay dumating ang guro namin na mag-aanunsyo. I know this is about the murder case of Samantha.
"As you all know, Samantha's family is mourning, and we are making sure to act as quickly as possible and bring justice to her death. We will cancel our class for today and to all departments. You may now go back to your respective dorm. Have a blessed day, everyone," anunsyo ni Mrs. Gonzales, ang head ng STEM department.
Matapos ang anunsyo ng guro ay tumayo na kami. Nagpaalam sa amin sina Athena na lalabas raw muna kasama si Larken dahil may importante silang pupuntahan.
"Kita na lang tayo mamaya!" paalam ni Athena habang pasakay ng kotse ni Larken. Kumaway naman ako sa kanya hanggang sa lumisan na ang sasakyan.
Kami naman ni Xavien ay dumeretso sa Office ni Mr. Morris dahil may mahalaga raw siyang ibibigay na file sa'min. Pagpasok ay tila aligaga si Morris sa daming nakakalat na gabundok na folder sa desk niya. Nang makita kami ay lumapit siya at pinaupo kami.
"Oh! Here's the file that I've been talking about. Dapat kahapon ko pa talaga 'yan naibigay sa inyo pero hindi naman kayo pumunta rito kahapon," aniya. "That's the case file about the famous magician here in the Philippines. Nabalitaan niyo naman siguro ang nangyari sa kanya, hindi ba?"
Naalala ko pala kahapon habang kumakain ako ay may napabalitang isang sikat na magician ang namatay at inaalam pa ng mga awtoridad kung suicide o murder ang nangyari.
"Yes, we heard about it yesterday. What about this case? Kami ba ang hahawak nito?" Xavien asked.
Tumango naman si Morris sa kanya. "I told Larken about that case pero mukhang hindi siya interesado.
Nakalagay sa folder o file nito ang mga iilang ebidensya, pati na ang mga larawan ng lalaking magician no'ng oras na namatay ito.
"We'll try our best, Mr. Morris. Nabalitaan niyo rin naman po siguro ang nangyari sa girl's dormitory," aniya ni Xavien. "Kami rin ang may hawak sa kasong ito ngayon at mas maiging maresolba muna ito bago namin lutasin ang ibinigay mo."
"I get it. We are all busy, pero sana paglaanan niyo ng dalawa ng oras ang kasong iyan dahil malaking bahagi ito bilang isang highschool detectives ang maitutulong niyo sa kasong iyan," Morris stated.
"The preliminary exam is coming in a few weeks pero susubukan pa rin po namin na makatulong sa kasong ito," wika ko. Kinuha ko kay Xavien ang file. "Kami na po ang bahala para malutas ito, mauna na po kami."
Lumabas na kami ni Xavien nang office habang hawak-hawak ang ibinigay ni Morris na file.
Sunod-sunod ang mga nangyayari. Sana lang ay malutas namin ng mas mabilis ang nangyari kay Samantha.
Nang makabalik kami sa hall ay nakita kong papalapit sa amin si Nova. Ngumiti ito at kumaway saka naman hinampas ang balikat ko.
"Aray! Bakit ba? Manggulo ka naman dito, hindi ba't busy ka sa girlfriend mo?" tanong ko.
"She's on her vacation at bakit naman kayo nag-ghost hunting kagabi? Alam nyong delikado," aniya. "I heard what happened last night, nahuli niyo na ba ang salarin kung sino ang gumawa ng krimen na 'yon?"
"Not yet, we haven't figured it out pero may tatlong suspect na base sa naging imbistigasyon ni Mori," sagot ni Xavien.
Binawian ko naman siya ng kurot dahil sa lakas ng hampas niya sa balikat ko. Nagtungo na nga kami sa pinangyarihan at nakuha na ang katawan ni Samantha. Kung ano ang dinatnan namin nitong madaling-araw ay gano'n pa rin ito.
Bakas ang mga dugo niya sa sahig pati sa mismong banyo at naglagay na rin sila ng notice ro'n na "Police ine do not cross" sign. Mabuti ay walang nagtangkang pumasok at suriin ang buong kuwarto. Tanging kami lang nina Xavien at iba kong mga kaibigan ang may lakas ng loob para imbestigahan ito lalo na't sa mismong girl's dormitory ito nangyari.
Naalala ko na isa pala sa naging suspect si Athena at sigurado naman akong inosente siya, sabi nga nila "We're always innocent till proven guilty". Habang inilalagi ko ang paningin sa buong kuwarto ay may napansin akong kakaiba, pero nakuha ng isang lalaki ang atensyon namin ng mag-ingay ito.
Nakangisi siya at masama ang tingin sa'min. "Highschool Detectives, huh?" Tinapunan din ni Xavien at Nova ng masamang tingin ang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya si Jaive Ace Veneracion, isa sa mga suspect.
"You're not allowed here," Xavien said.
"I should be the one telling you that. You shouldn't be here in the first place," sabi niya. May pagkainis sa tono ng boses niya na ikinakuyom naman ng kamao ni Nova. What the heck is wrong with this guy?
I saw Xavien flashed his mischievous smile. "It's weird to see you around here, takot ka bang malaman ng lahat ang ginawa mo kay Samantha? I heard that she's your ex-girlfriend," Xavien said.
Tila may nabuong konklusyon sa kanyang isipan. Hindi ko ito mahinuha agad, pero palagay ko ay si Jaive ang pumatay kay Samantha.
"You're accusing me without concrete evidence, narinig ko na isa rin sa mga suspect si Athena. Natatakot din ba kayo na kapag lumabas na siya ang pumatay kay Samantha—" I immediately cut him off.
"That would never happen!" I shouted at him. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya.
"See? Sino ngayon sa'tin ang natatakot?" pambabara niya pa. "Kung ako sa inyo, mas mabuti pang ipaubaya niyo na lang ito sa mga pulis."
"Call Athena and other suspects, we need to end this case as soon as possible," sabi sa'min ni Xavien. Dahil wala akong load ay ibinigay ko ang number ni Athena kay Nova at tinawagan niya ito.
Tinawag ko na rin ang iba pang sangkot sa krimen na ito. Alam kong nasa boy's dormitory lang sila at tama nga ako, makaraan lang ang bente minuto ay nasa kuwarto na rin si Athena at iba pang tinawagan kong lalaki na sina Angelo Rayle Servencio at si Clyde Lawrence Revillo
"What's with this meeting at dito pa talaga? Don't you have some respect for Samantha?" naiiritang tanong ni Clyde.
"A wise deduction must be done here, Clyde. Para makasigurado tayong tama ang taong—" Pinutol ni Xavien ang sasabihin ni Athena.
"I got this, Athena. I'm sure of my deduction about this case at mareresolba rin ito agad," aniya. Isa-isa namin silang tinanong kung nasaan sila noong mga oras na may nangyari kay Samantha.
Ang paliwanag sa'kin ni Clyde ay nasa dorm daw siya noong mga oras na 'yun at naglalaro ng video games niya. Nabalitaan niya na lang daw sa kaklase ang nangyari kay Samantha. They're both friends since elementary, pero hindi na raw sila nag-uusap nitong mga nakaraang buwan simula ng malaman niya na jowa na pala ni Samantha si Jaive. Clyde immediately distance himself after that, para raw hindi na pagmulan pa ng selos nilang dalawa, but they are here now. One of the suspects of his friend's murder case.
Sumunod naman ay si Angelo Rayle Servencio, 18 years old at kaklase rin namin. Based on his personality, he's an introvert person. Lagi lang daw siyang nagkukulong sa dorm at kapag kinakatok lang daw siya ni Samantha ay doon lang siya nagkakaroon ng ganang lumalabas para sumabay sa kanya sa pagkain nila sa Canteen o hindi kaya ay pumunta sa malapit na cafeteria sa school namin.
Malinaw ko naman na narinig ang paliwanag ni Jaive habang kausap siya ni Nova. Detalyado rin ang mga isinusulat ni Nova sa papel na hawak niya habang ine-enterrogate si Jaive. Ang sabi ng lalaki ay matapos raw nilang maghiwalay ni Samantha ay wala na raw siyang balita dahil blinock niya na raw sa lahat ng social media ang babae. Doon na rin ako naghinala sa ibat-ibang mga palusot niya dahil hindi akma sa nakuhang impormasyon ni Xavien mula kay Detective Mori
"Their conversation can't be retrieved because someone deleted it on Samantha's phone," bulong ni Xavien.
"I can sense that he's the killer," mahinang sambit ni Athena. Nagbigay na rin siya ng paliwanag at lahat kami ay nakinig sa kanya.
"Go on tell them that you killed her," pambabara ni Jaive sa kanya kaya sinamaan ito ng tingin ni Athena.
"Shut up!" saway ni Xavien.
"9 hours before Samantha died, we met at the cafeteria to finish chapter 3 of our research." Inilapag ni Athena ang isang makapal na manuscript. Ito ay ang printed na research nila at isang ebidensya na magkasama sila noong mga oras na 'yun kasama ng huling litrato nila sa cellphone niya. "Wala akong napansin sa kanya na kahit anong bahid na kahina-hinala dahil masaya kami hanggang sa matapos ito, pero ang nakakapagtaka lang ay based on Mori's investigation between 2:30 A.M, the victim's body is already cold, even her blood is dry. Which means that the killer entered Samantha's room 5 hours ago or 9:30 P.M to be exact. There's also a stain of blood here, look!" Binuksan ko nang maluwag ang bintana at may nakita nga kaming bakas ng dugo.
Marahil ay diyan pumasok at lumabas ang salarin matapos niyang patayin si Samantha. Everything is getting clearer now, but I can't be sure who among them.
"I hear a loud footstep that night, 9:30 P.M to be exact dahil nag-re-review ako para sa upcoming preliminary exam natin, malakas iyon pero pinagwalang-bahala ko lang ito," dagdag ni Athena.
"Then who among you is telling the truth?" Xavien stated. Kinabahan naman silang tatlo dahil nagiging mas malinaw na sa'min ang lahat.
"We didn't kill her. That's the truth!"
"You didn't kill her, but you're the one who help the killer to perfectly do his crime. Tama ba, Mr. Ferrel?" Dinereksyon ni Xavien ang tingin niya sa pintuan at isang lalaki ang pumasok.
"Well, Well, Well. Look what we have here, a genius detective exposing my great plan," sabi ng nakangising guro habang pumapalakpak ito.
"You've just exposed yourself for not letting us see the other way around. You just poured your victim a Hydrofluoric acid, it's a chemical compound that contains fluorine. It can exist as a colorless gas, as a fuming liquid, or it can be dissolved in water," ani Xavien.
"That's what he used and secretly put it in the bottle of shampoo used by Samantha. The acid immediately reacts that cause a severe pain at the point of contact; a rash; and deep, slow healing burns she felt at that moment." Huminga muna siya ng malalim bago ipagpatuloy ang deduction niya.
"Severe pain can occur even if no burns can be seen, sumisigaw siya noong mga oras na 'yun hanggang sa makalabas siya ng banyo pero hindi na niya nakayanan ang sakit. Dahil bukod sa buhok, pati na ang mga mata nito at bibig ay nadapuan na ng Hydrofluoric acid," Xavien stated.
Lahat kami ay gulat na gulat sa sinabi niya at halos hindi makapaniwala dahil sa galing niya ay nakita niya ang bawat anggulo ng nangyari, mula sa fingerprints, evidence pati na ang ibang bakas ng dugo na hindi namin napansin o ng kahit isa sa mga crime operatives.
"You can't escape now because of what you did," nakangising sabi ni Xavien.
Sinubukan pang tumakas ni Mr. Ferrel at ni Jaive, pero huli na dahil maagang nakarating sina Mori sa eskwelahan.
"I'll make sure that everything is recorded, Mr. Ferrel," I added. I handed my phone to one of the police officer para ma-review nila ulit ang voice record na kanina ko pa ginawa bago pa kami pumasok dito.
I know that the killer is here because of the on-going investigation, kaya hindi iyon papayag na maunahan namin siyang mahanap ang iba pang ebidensya laban sa kanya.
"Fuck you! Pagbabayaran niyo ito, kung akala mong ikaw na ang pinakamagaling na detective, puwes nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang tayo," hirit pa niya. Pinosasan na ng mga pulis ang guro at halos lahat ng babae sa dorm ay gulat na gulat dahil sa nangyari.
"Tabi!" Sabi ng isang pulis habang ibinababa ang guro pati na si Jaive na sangkot sa pagtulong niya para patayin si Samantha. Hinampas at sinaktan ng mga kamag-anak at kaibigan ni Samantha ang dalawa habang papalabas ng gate.
"You're such a genius detective, Xavien. Hindi na ako magtataka kung bakit ka nila inilipat dito," sambit ni Nova.
"That's from our past, don't ever try to dig it up again. You might have end up hurting someone," Xavien replied.
Hindi ko alam ang ibig njyang sabihin sa mga salitang iyon na parang ako ang tinutukoy niya. Who knows?
"That is a tough case. Akala ko makukulong na 'ko, putcha!" sabi ni Athena. "Anyway, thanks for clearing my name at dahil diyan treat ko na ang meryenda na'tin!"
NASA istasyon kami ngayon ng pulis at kaharap si Detective Mori, ibinigay namin sa kanya ang tungkol sa Magician case na nangyari kamakailan lang at mukhang nabalitaan niya nga iyon. Ang kabilang departamento nga ang gustong humawak ng kaso, pero ipinaubaya ito kay Morris para sana maghanap ng isang magaling na detective na kayang tingnan at lutasin ang ganitong klaseng kaso.
"I know you are capable enough to solve this case, Xavien. We've been working for almost 2 years. Masasabing kong isa ka sa magaling na detective na nakilala ko," sabi ni Detective Mori.
It was a compliment, yet he didn't even bother to smile at seryoso lang ang mukha niya. Huminga siya nang malalim at muling kinuha ang brown file na naglalaman pa ng ibang ebidensya.
"We'll figure this out before the preliminary exam, I hope we deduce it and find the culprit," Xavien said.
Nagsisimula na nga rin akong mag-review para sa prelim namin at ang focus ko lagi ay mga major subject. Hindi ko lang alam kung nakapaghanda na ba si Xavien dahil ilang linggo na lang ay magsisimula na ito.
"Mauna na kami, detective," sabi ni Xavien. Tumango ang huli at lumabas na kami ng opisina.
Nauna na akong bumalik sa eskwelahan dahil may dadaanan pa raw si Xavien kaya nag-taxi na lang ako kaysa samahan pa siya. Wala pa rin namang klase ngayon at bukas pa ang balik kaya may panahon ako ngayon para mag-review.
Pagbaba ko ng taxi ay nakasalubong ko ang taong ayaw ko na ulit makita dahil sa mga kalokohang ginagawa niya, I can't even forget what he did. Ano naman kaya ang ginagawa ng lokong ito rito?
"Where's Xavien? I need to talk to him about his request," he said. Wow, wala man lang 'hi' or 'hello' diyan? At dineretsa talaga ako.
"Is this how you interact with every person you've met?" I asked.
"I don't have time for you to play. Nasaan ba ang loko mong jowa?" sagot nito. Ano raw? Tama ba 'yung narinig ko o natulig lang ako sa sinabi niya? Jowa?
"Just to clear this out. I'm not his girlfriend!" I exclaimed. "At saka bakit ka ba nandito? 'Eh, 'di ba dapat nasa klase ka ngayon?"
"I ditch class, happy?" pabalang na sagot niya. I can't stand him for being a jerk in front of me and it pisses me everytime.
"Umuwi ka na nga!" pagtutulak ko sa kanya paalis sa gate ng Amethy. "Wala siya rito, busy siya kaya masasayang lang ang oras mo kahihintay."
"I'll call him—fuck!" Sabay kaming napalingon dalawa at nakita ko na naman ang mga armadong tao na nagtangka sa buhay namin. Lintik na 'yan! Kahit kailan talaga ang malas ko kapag kadikit ko itong lalaking 'toh!
"Run!" sigaw niya.
Nagulat pa ako sa lakas ng boses niya at dumeretso kami papasok ng kotse. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malalakas na putok ng baril.
Putangina! Katapusan ko na talaga!
"Ayoko na talagang dumikit sa'yo loko ka!" Pinaghahampas ko siya habang mabilis pa itong nagmamaneho. Nang igawi ko sa side mirror ang tingin ko ay may tatlong itim na kotse ang humahabol sa amin.
I hate being in trouble with a jerk!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top