CHAPTER 25: GHOST IN AMETHY
"What are you doing here?" May inis sa tono ang boses ni Xavien nang itanong niya ito sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Nasa Cafeteria kami malapit sa Amethy.
"You didn't tell me you have a girlfriend. She should meet the other members-" Napatikom agad ang lalaki ng tumaas ang boses ni Xavien.
"I'm not her boyfriend!" he exclaimed. Natapon pa nang kaunti ang kape niya kaya agad ko itong pinunasan.
"I came by just to inform you that we need you in Valmoris. You can't change the fact that I'm your father," sambit ng lalaki. Tila ako lang yata ang nagulat sa aming tatlo na para bang isang malaking sikreto ang naibunyag.
Ibig sabihin ang tinutukoy nilang Zander na sinubukang ipapatay kami noong gabi na 'yun ay ang tatay niya?
What the hell?!
"I don't have time to talk about being part of your own misery and for your information, I don't owe you anything." Hinila na lang bigla ni Xavien ang kamay ko palabas ng Cafeteria. He didn't say a word hanggang sa makabalik kami sa Amethy.
"Saan kayo galing?" tanong ni Athena.
"Cafeteria," tipid na sagot ni Larken.
"Do something," I mumbled to Larken.
Kumibit-balikat lang ito. Nagsimula na nga ang susunod na klase namin at ilang saglit lang ay lumapit sa'kin ang vice president ng section namin at may ibinulong.
"Go to Mr. Morris room, after your class. May ipapagawa raw sa inyo ni Xavien," aniya. Tumango naman ako sa kanya sabay kalabit ni Larken sa likuran ko.
"Ano raw sabi?" Xavien mumbled.
"Sasabihin ko na lang after class," sagot ko. Pumasok na ang guro namin sa Physics at nagisimulang magturo.
Gano'n din ang nangyari sa huling klase namin, nagkaroon ng mahabang pagsusulit. Buti na lang ay nakapag-review ako kahit ilang saglit lang.
"I'll announce your scores tomorrow. Goodbye, class!" paalam ng guro. Lahat kami ay tumayo na as usual maingay na naman dahil maraming estudyante ang naglabasan.
"Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ni Larken. "Si Ms. Sungit gutom na rin, 'di ba?" He plastered a smile at me.
Siniko-siko niya pa ako para lang mapa-oo ako kahit hindi naman ako gutom. Tumango na lang ako sa kanila at nagpunta na kami sa Canteen. Kanina pa sana kami nakakain kung hindi lang dahil do'n sa babaeng nagbigay ng sulat.
"What's your plan, Xavien?" tanong ni Larken. Nandito kami para kumain pero hindi niya naman ginagalaw ito at pinaglalaruan lang gamit ang tinidor.
"If you don't like it, I'll take it." Umupo sa tabi ni Xavien si Nova at kinuha ang kinakain nitong spaghetti. Hindi naman na kinuha ulit ni Xavien dahil wala talaga itong ganang kumain.
"I didn't see you in days. Saan ka galing?" tanong ni Xavien.
"I've been working on cases. Some of them are brutal like they treat humans as an animal," aniya. Kaya naman pala wala ito at hindi alam ang nangyari lalo na no'ng summer camp. Well, may excuse naman siya sa mga guro namin kaya hindi maapektuhan ang grades niya this quarter.
"How about you, Amie? Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyaring engkwentro," sambit ni Nova.
"A-Anong engkwentro?" tanong ni Athena.
I wanted to tell them what happened, but my thoughts kept preventing me from doing it. Napalunok ako nang madiin dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanila. So, I just need to keep my mouth shut. That's what I'm good at, lying to them for their own good.
Mariin kong tinapakan ang sapatos ni Nova dahil sa ginawa niya. "By the way, have you heard of the ghost case of Amethy High?" tanong ni Xavien sa lahat. Thank God! He immediately changed the topic at napukaw lahat ng atensyon sa kanya.
He's always a life saver.
"Really? A ghost case, Xavien?" Larken said. He doesn't seem convinced to believe that there is a ghost in this school.
"I don't believe in such, ghost or haunted places na pinamumugaran daw ng mga masasamang elemento," Nova added.
"Then, why don't we investigate if ghosts are true? Nabalitaan kong usap-usapan 'yun dito noong nakaraan. They heard a loud footstep which is peculiar because it's coming from the library and they once hear a girl crying in the middle of the night sa katabi nitong restroom," He mumbled.
Nakatuon ang atensyon naming lahat sa kanya at halos kilabutan naman ako nang marinig ito. God! Why do they need to talk about ghost? Ayoko pa namang pinag-uusapan 'yan.
"I'm down to that. I hate ghost hunting," Larken said.
"You hate it because you're afraid," pang-aasar ni Xavien kay Larken. Natawan naman kaming tatlo. I bet he's scared.
"No, I'm not!" protesta niya. Huminga siya nang malalim at tumayo para ligpitin ang pinagkainan. "Fine, I'll tag along." Umirap pa siya sa huli.
Bumalik na ako sa dorm kasama si Athena. Nauna na siyang pumasok sa dorm habang ako naman ay patungo sa kabilang kuwarto, sabay katok ng pinto. Nang bumukas ito ay bumungad ang mukha ni Jayjay. Siya lang naman ang isa sa mga P.R.O ng seksyon namin.
"Amie, napadaan ka? Pasok ka," sabi niya. She's wearing her bathrobe. I guess, katatapos lang niya maligo. Pagpasok ko ay napakabango ng kuwarto niya maayos rin ang mga gamit, hindi tulad sa'kin na kung saan-saan na lang inilalagay ang make-up at ibang gamit ko.
"May kailangan ka ba?" tanong niya muli.
"Oo may itatanong sana ako sa'yo. Nabalitaan mo ba 'yung tungkol sa ghost case dito sa Amethy?" Tila napukaw rin ang atensyon niya at napailing kaya napalapit siya sa'kin.
"Bali-balita rito 'yan kahit sa ibang department na may multo raw silang nakita malapit sa library tuwing alas-onse ng gabi. Kahit ang mga security guard na naglalagi sa lugar ay may nakikita rin, kaya ibinabalita ito sa'min sa Journalism Club," aniya. Umupo siya at tila interesado pang magkuwento. "Isang gabi raw habang inuutusan ang mga ABM students para mag-ayos ng gamit sa library ay biglang nag lock ang pinto at ang mga gamit sa loob ay bumagsak. Parang wala raw nakaririnig sa sigaw nila noong mga oras na 'yun." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.
Nagpaalam na ako at lumabas ng kuwarto niya sabay mabilis na sarado ng pintuan ko. When it comes to mystery, I know Xavien is interested to it kaya sisigurahin niya na malalaman niya kung may multo nga ba sa library o gawa-gawa lang ang mga kwentong ito.
Nang dumaan ang takip-silim ay pilit akong hinihila ni Athena palabas nang dorm. Nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil ang buong hall ay nababalot na ng dilim at wala pa kaming dalang flashlight, kaya tumakbo ako nang mabilis palabas.
"Scared of ghosts," Larken said and let out a soft chuckle. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ghost doesn't exist."
"This might be a real case that's been rumored for so long and thought it's a ghost case," Xavien said. Bakit ba kasi pinilit pa akong lumabas ni Athena kahit alam naman niyang takot ako sa multo.
"Both of you will investigate the library. Athena and I will handle the restroom where there is a girl crying. It might not be a real ghost," sabi ni Larken.
Nauna nang umalis ang dalawa at nagmasid sa buong second floor habang kami naman ni Xavien ay papunta pa lang sa Library. I know it's sounds selfish, but if I see a real ghost here iiwan ko talaga siyang mag-isa rito.
"Walk quietly baka marinig tayo ng security guard. Ayaw mo naman sigurong ma-detention," bulong niya.
Nasa likuran niya lang ako at nanginginig pa rin ang tuhod ko sa takot. Siya lang kasi ang may dalang flashlight in case na may mangyari. Ilang saglit pa ng paglalakad namin ay may narinig akong mga yabag galing sa hagdan na malapit sa library, nanlaki ang mata ko nang may makita kaming anino na nagmumula doon.
"M-May multo!" Napalakas ang sigaw ko kaya biglang tinakpan ni Xavien ang bibig ko.
"Keep quiet, we need to follow that shadow over there," bulong niya.
"I can't, ikaw na lang!" riin kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makapasok sa library. I know he could feel my hand's cold dahil sa takot.
"I asked some ABM students earlier. Ang sabi nila ay may mga gamit daw na ipinupuslit dito sa STEM department na dinadala sa kanila dahil pati ang nagbabantay sa library ay nagulat sa dami ng gamit na hindi naman sa kanila and I think this isn't some sort of ghost. Mga estudyante sila na nagnanakaw ng gamit," paliwanag ni Xavien. Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.
"We heard some footsteps from the restroom at sinundan namin ang yapak galing iyon dito. I think there are students here and not a ghost," mahinang sambit ni Larken. Kakabalik lang nila at wala naman silang nakitang kababalaghan sa CR ng girls.
"I saw a girl crying in the bathroom and she's from other strand, I didn't get her name pero namukhaan ko siya. She's crying there everyday because of her boyfriend, nilinaw niya na rin na wala naman talagang multo rito," sabi pa ni Athena.
That made us all clear that there isn't a ghost in Amethy, bagkus ay haka-haka nga lang ang mga ito.
"B-But I saw a shadow. Nakita ko itong papasok sa library nang mabilis," sambit ko. Hinampas ni Xavien ang mahabang table na inuupuan namin kapag nadito kami Library, nagbigay iyon ng malakas na ingay sa buong silid. What the fuck is he doing? Pinapahamak niya ba kami?
"I think you need to explanation for this, Ms. Valdez?" Lumabas ang kanina pang nagtatago na guro may hawak itong kung anong bagay. It must have been drugs.
"I see you caught me, Mr. Detective." Dahan-dahan pa itong lumalabas ng pinto pero hinarangan agad siya ni Athena. "We can talk about this, all of you can get a good grade kung ititikom niyo lang ang bibig ninyo," aniya.
"We do not accept bribes, Ms. Valdez. Makakarating ito sa Chancellor ng Amethy High and you can have your license revoked, as well as the teachers who are complicit in this," Xavien exclaimed.
"Well, that would never happen." Bigla na lang niya kaming tinutukan ng baril. I couldn't imagine a cheerful teacher doing such things like this.
"Ms. Valdez, we can talk about this. Put your gun down," nanginginig ang boses kong sambit sa kanya. Tila wala na sa huwisyo ang babae dahil namumula ang mga mata nito.
Lumapit ito sa pinto para tumakas pero bago niya pa nabuksan ang pinto ay may bumukas nito na siyang tumama sa guro.
"Late na ba ako?" tanong ni Chase. God! Thank him! Nawalan ng malay ang guro dahil sa lakas ng tama ng baril at bigla na lang bumukas ang ilaw.
"Mga bata anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Mr. Ferrel na may kasamang mga guards, isang babae at lalaki. Nakita nila na walang malay si Ms. Valdez at may hawak itong baril.
Pinaliwanag naman ni Xavien ang nangyari and after that, they seized her. Habang hawak siya ng mga guard palabas ay bigla niya na lang hinila si Xavien at sinakal ito sa leeg. Nakuha niya rin ang baril na mayroon ang isang babaeng guard.
"Walang kikilos sa inyo kung ayaw nyong mamatay ang lalaking ito!" sigaw ni Ms. Valdez. I saw Xavien flashed his mischievous smile.
"You're doomed, Ms. Valdez. Walang mapapala 'yang pagtakbo mo. I already called the police before we did this, alam kong isa ka sa mga nagpupuslit ng drugs dito, and one of your students confirmed it," Xavien said.
"Do you really want to die, Kid?" tanong niya at itinutok sa sintido ang baril.
"I bet you can't pull the trigger." He flashed his mischievous smile again. "You can't kill such student like me." Tila mas lalo pang nainis ang guro sa sinabi niya.
"Larken, help him!" I said. Walang kibo naman ang loko at hinahayaan lang, like it was a normal to them to see Xavien being a hostage.
"He put himself to danger. Alam kong malulusutan niya 'yan," Chase said.
Nang aakmang babarilin na ni Ms. Valdez si Xavien ay ginamit nito ang ulo niya para ihampas sa mukha ng guro at nang lumuwag ang pagkakapit nito, he took the advantage to take the gun and kicked her beside her chest. Napangiwi ako dahil feeling ko naramdaman ko ang ganong sakit ng sipa niya.
"That's what I'm talking about," Chase smirked. Hindi na nakapalag pa ang guro nang pinosasan ito ng dalawang security guard, dumating na rin ang ibang mga pulis.
"Yup. We didn't expect that because they tend to show us what they wanted to show. That's why be careful who you trust," Xavien quoted.
"Better to go back to your dorm, we will report this to chancellor tomorrow," sambit ni Mr. Ferrel. Sumunod naman kami sa sinabi niya. Nakita ng mga pulis ang ibat-ibang uri ng drugs, pati na ang ibang mga gamit na nawawala ay nahanap na rin at ibabalik bukas sa ABM Department.
Pabalik na sana kami ng makarinig kami ng sigaw sa girl's dormitory. Lahat ng babae na nasa dorm ay nabulabog sa ingay kaya agad namin itong tiningnan. Halos mapatakip ako ng bibig nang makitang wala ng buhay ang isa sa mga roommate namin.
"The killer might be here," Xavien mumbled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top