CHAPTER 24: THE GREAT TRIUMVIRATE
Pinilit ko ang driver na sundan ang itim na kotseng sinakyan nina Xavien at Chase, at sa kalagitnaan ng pagsunod namin ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Napaigtad ako nang may biglang tumamang bala sa likod ng kotse kaya nataranta ako, pero kalmado lang ang lalaking nagmamaneho.
What the hell?!
Ilang saglit pa ay nakita ko ang mabilis na pagdaan ng isang pulang kotse. Binuksan nito ang bintana at tinapat ang hawak niyang baril sa'min kaya napayuko ako at napapikit nang walang sa oras. God! Bakit ba ako ang hinahabol ng mga lalaking 'toh?!
Hanggang sa huminto na lang ang sinasakyan namin at tumambad ang apat na kotse sa harapan namin, kasama na ang isa pang pulang sasakyan. May sakay na apat na lalaking na may hawak din na mga baril. They must be the mafia that Xavien is talking about.
Hindi ko alam ang pangalan ng kung anong organisasyon ang mayroon sila at ang tanging alam ko lang ay sina Venom at Ortheus na kasama sa organisasyon, pero hindi ko sila nakita ngayon.
May lalaking bumaba sa kotse at tinutukan kami ng baril. I was shocked when the man with a mask pulls the trigger and shoot the old driver, halos hindi ako makagalaw nang makitang wala ng buhay ang lalaki.
Binuksan ng isang matangkad na lalaki ang pintuan nang kotse at hinila ako palabas, habang nakatutok sa sintido ko ang baril. Lahat ng dasal na pwede kong dasalin ay binibigkas ko na nang mahina at paulit-ulit.
Katapusan ko na ba? Hindi na ba ako ulit makakabalik ng ligtas sa Amethy? Makikita ko pa kaya si Xavien at ang mga kaibigan ko? Binalot ng maraming tanong ang isipan habang mahinang pinagdadasal ang buhay ko.
"Where's your ally?" tanong ng lalaki. Hindi naman ako makakibo dahil nakatutok mismo sa noo ko ang baril niya at maling galaw ko lang ay tiyak na patay ako. "Where is that goddamn detective?!"
"I-I don't know," mahinang sambit ko. Nanginginig na ang tuhod ko sa takot. Bukod sa malalim niyang boses ay mahigpit pa siyang nakahawak sa damit ko. Come on, Amie! Labanan mo siya! You can't just die in someone's dirty hand! Marami ka pang pangarap na kailangang tuparin.
I keep asking myself if there is someone who will save me at this moment. Hindi ko pa rin maiwasang maiyak dahil nasa gilid ko lang ang walang buhay na driver at marahil ay ako na ang isusunod niya.
"If you don't tell me where he is, pasasabungin ko ang bungo mo!" sigaw niya. I'm eager to know their organization and yet I'm afraid to die in his arms.
"I'm here, jerk!" sigaw ng kung sino kaya napalingon ako.
I saw Xavien flashes his mischievous smile habang may hawak na baril. Nakasakay ito sa isang motor at pinaandar ito nang mabilis habang pinapuputukan sila ng baril.
Tumama ang bala sa balikat at paa ng lalaki kaya agad akong nakawala sa mahigpit niyang paghawak. Mabibilang lang sa daliri ang taong gustong pumatay sa'min, kaya mabilis lang kaming makakatakas sa kanila.
"Grab the gun!" Xavien shouted. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kinuha ang baril ng nanutok sa'kin. He even tried to wrap his arm around me kahit na sugatan ito, pero nang may lakas ako ay sinipa ko siya at hindi na ito muling nakatayo pa.
"Sumakay ka na!" sambit ni Xavien. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang baril. Shit! I'm fucking holding a mafia's gun!
"I can't use this, ilayo mo 'yan sa' kin!" wika ko at agad na ibinigay sa kanya ang nakuha kong baril. Sa likod namin ay may nakaantabay pa ring itim na kotse. Hindi ako pwedeng magkamali ang kotseng nasa likuran namin ay ang ginamit ni Xavien at Chase.
Nang makalayo na kami ay hininto ni Xavien ang motor at pinatay ang makina nito. "Okay ka lang-fuck!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis at sinikmuraan ko siya.
Bakit ko pa nga ba kasi naisipan na sundan sila? Ah, for the sake of an information abou their organization at malaman kung sino ang mga taong tinutukoy nila, but I ended up in a worst situation that I couldn't ever imagine for.
"I fucking hate you!" I shouted. "Hindi mo ba alam na muntik na akong patayin no'ng lalaking 'yun, tapos 'yung driver binaril niya na lang ng walang kalaban-laban," saad ko. Hindi ko maramdaman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil na rin siguro sa dami ng emosyon ko kanina.
May ilaw na sumilaw sa harapan namin at nakita kong pumarada ang itim na kotse. Iniluwal nito ang lalaking patuloy kong kaiinisan hanggang sa mamatay ako.
"You're not safe to go back to Amethy nor Amores High," sabi ni Chase. "Sigurado akong nakaabang pa ang mga tauhan ni Zander do'n. We can't risk everything,"
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag siyang sapakin sa mukha at sinusubukang kumalma sa mga nangyayari ngayon.
"Can you please just explain to me kung ano ba talaga ang nangyayari? Sino naman si Zander? Siya ba ang founder ng mafia at gusto niya kayong ipapataying dalawa, kasama na ako?" tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi man lang ito kumibo at tanging pag-aalala lang ang bumakas sa mukha nila.
"We can't give you any confidential information about that organization because once it leaks, we are all doomed. Hindi mo alam kung paano magalit ang isang Valmoris."
"S-So, they are Valmoris Mafia?" I asked again. Tumango naman si Xavien habang nakayuko ito.
"That's what you need to know for now and first we need to spend the night in a hotel to make sure that Zander's henchmen can't follow or track us," Chase stated.
Hindi ko kayang sumakay sa motor ni Xavien dahil sa pagod, kaya naman sa kotse ni Chase ako sumakay. Naging tahimik ang buong biyahe at wala ni isa sa'min ang nagsalita tungkol sa barilan na naganap kanina. I can't imagine being killed in someone's arms, lalo na sa mga katulad nila na walang-awang pumapatay.
Nang marating na namin ang isang five-star grand hotel ay nauna na akong bumaba sa kanya. Ilang saglit lang na paghihintay sa front desk ay agad din nakuha ni Chase ang susi ng magiging kuwarto. He also ensured that no one could track our location until tomorrow.
"There is only one room left," ani Chase. What? Ibig sabihin ay magsasama kaming tatlo sa iisang kuwarto? Hell, no!
"Is there no other option?" Xavien asked and Chase shook his head. Now, we are really doomed.
"Wala akong tiwala kay Chase, he should book in another hotel," bulong ko kay Xavien.
"You know that I can hear you," sambit ni Chase. Nang lingunin ko siya ay sinamaan ko ito ng tingin sabay bigay nito ng susi kay Xavien.
"We need him here. It's for our safety as well. So, you don't have a choice. Let's go!" Hinila niya ako papasok ng elevator at naiwan naman si Chase sa ibaba.
Ayokong makatabi matulog ang isang demonyong katulad niya. I hate him because of what he did to me, and I will hate him until the rest of my life!
Pagdating namin sa room 302 ay agad ko siyang kompronta. "Tell me everything, Xavien. Who's Zander?"
He just gave me a poker face habang mahigpit ang kapit ko sa braso niya. We just stared at each other for a moment bago ko narinig ang malakas na pagbuntong-hininga niya.
"Amie, this isn't some sort of a joke. You just intruded on Valmoris' transaction that day," he said. That's when I realized that he was at that moment when I got kidnapped by Venom.
"Y-You were there?" I asked in a lower tone of my voice. I was a bit shocked after I realized it. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya no'ng mga oras na 'yun. Bakit hindi niya ako tinulungan?
"I tried to help you. I saw you crying kaya gumawa ako ng paraan para makuha ang atensyon ng mga tauhan ni Zander at doon na nga nagsimulang magkagulo sa loob," he stated. Wala ng umimik pa sa'ming dalawa matapos pumasok ng kuwarto si Chase. Now, everything feels awkward now.
Ilang saglit pa ay inayos na ni Xavien ang gamit namin at binasag ang katahimikan. "Sleep in the bed, sa sofa na lang ako matutulog," aniya. Kinuha niya ang malaking puting kumot at umupo sa mahabang sofa.
I can see him uncomfortably sleeping on the couch.
"D-Dito ka na lang," mahinang sambit ko. He refused my offer as his eyes were focused on his phone. Hindi man lang ako pinansin o kinausap.
"I'm sleeping in the car. Goodnight," wika ni Chase. Just to make sure na ligtas kaming makakauwi bukas, sa kotse na siya natulog para masiguro niyang walang kahit na sino ang magtangkang sundan kami kung saang hotel man kami nanuluyan buong gabi.
Kinabukasan ay maaga rin kaming nagising, hindi na ako nakaligo dahil nagmamadali na rin kami. Nag-aayos na lang ako ng buhok at naghilamos bago lumabas ng kuwarto.
"Faster, please," Xavien said. Binilisan ko na ang kilos ko hanggang sa makababa na kami sa unang palapag ng hotel. Nakita ko ang pagkaway ni Chase na kanina pa naghihintay sa'min.
"You're late for your first class, bilisan niyo!" saad niya. Sumakay na kami ng kotse niya at inihatid kami pabalik ng Amores High.
Ngayong oras ko pa lang mabubuksan ang cellphone ko dahil namatay ito sa kalagitnaan ng pakikipagbarilan ni Xavien sa mga armadong lalaki na humabol sa'min kagabi. Sobrang daming pumasok na message mula kina Athena, Quade at Larken, maging ang punong-guro namin ay nag-message rin sa mga nawawalang estudyante at kabilang na ako do'n.
It's already past 8 o'clock at late na nga kami sa unang asignatura namin. Naabutan ko na nasa gate sina Athena at Quade na nakikipag-usap sa guard.
"Amie!" sigaw ni Athena. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. "Saan ka ba galing kagabi?"
"I'm fine, Athena. Kasama ko si Xavien at Chase. Nabalitaan namin 'yung nangyari sa gymnasium kagabi," sambit ko.
"The chancellor announced earlier about the incident and they're taking action as well as the principal of Amores High," ani Larken na kadarating lang.
"We're both fine and there is nothing to worry about," Xavien said. Nauna na itong pumasok at luminga-linga ako sa paligid, nakita kong wala na ang kotseng sinakyan namin mukhang bumalik na ito sa Amores.
We just had a long quiz in our major subjects at wala naman masyadong ginawa. Next week na rin ang kuhaan ng card namin. Kinakabahan ako dahil nakakaramdam ako na bagsak ako sa iba kong subjects, habang si Xavien naman ay walang halong kaba matapos ianunsyo sa'min kung kailan ang kuhaan nito.
Habang naglalakad kami papuntang Canteen ay may babaeng lumapit kay Xavien. Based on her I'd lace, she's a Cookery Student. Iba-iba kasi ang I'd lace na mayroon kami kada strand kaya hindi kami malilito kung anong department ang pumupunta rito.
"Nabalitaan ko na magaling ka raw humawak ng kaso kaya pumunta ako rito para manghingi ng tulong," sambit niya.
"I'm glad to help. Ano bang nangyari?" tanong ni Xavien sa kanya. May binigay ang babae na isang papel na naglalaman ng kung anong mga letra.
"M-May nagpadala kasi sa'kin niyan at hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Naiwan 'yan sa mismong silid namin noong oras na mawala si Katherine," aniya.
"We will do our best to help you. Sa ngayon ay mas maiging bumalik ka muna sa silid niyo at pupuntahan ka na lang namin kapag nalaman namin kung kanino galing ang mensaheng iyan," sabi ko.
Tila may kakaiba sa tingin ng babae at parang malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari. "I have a gut feeling that this might be a trap," Larken said. Napakunot-noo naman kami ni Xavien.
"A trap?" sabay pa naming tanong. Pareho lang pala kami ng iniisip ni Larken. Hindi kaya may kinalaman ito sa nangyari kagabi?
"I guess. But I'm not sure, tara na," sambit niya. Imbis na dumeretso kami papuntang Canteen para kumain ay nanatili kami sa Library. It is also my safe place lalo na kapag stress ako sa mga schoolworks na ibinigay sa'min.
"Akin na nga!" Kinuha ko kay Xavien ang ibinigay ng babae kanina sa kanya. Naglalaman ito ng ibat-ibang letra.
Isa na naman itong cipher, pero hindi gano'n kadali sa inaakala ko. It's jumbled.
Sinubukan na namin ang ibat-ibang cipher na nahanap ko sa internet pero hindi ito nakatulong para malaman namin kung ano ang nasa likod ng mensaheng ito.
"It's been two hours of searching, but it's no use. We can't decipher this within a day," sambit ni Larken.
Nakita ko na seryoso ang mukha ni Xavien habang may isinusulat sa notebook niya. Kanina ko pa nakikita na ilang-punit na ang ginawa niya pero hindi niya pa rin makuha ang mensahe.
Malaking ngiti ang ibinigay ni Xavien sa'min na para bang nahulaan na niya ang nasa papel. "It's caesar box cipher, look!" sabi niya. Lumapit naman kami ni Larken sa kinauupuan niya at maiging sinuri ang mga letra. Kumuha ako ng librong may kinalaman sa cipher na ito.
This is a cipher that is based on a transposition method.
The words scramble in the positions of characters without changing the characters themselves. Transposition ciphers reorder units of plaintext according to a regular system to produce a ciphertext which is a permutation of the plaintext.
We arrange the letter to downward and that's when we decipher the code at natuptop ang bibig ko ng mabasa ang code na ito.
"ITS NICE TO FINALLY MEET YOU, XAVIEN." Nagkatinginan kaming tatlo matapos mabasa ang mga letra.
Sino ang nagpadala ng mensaheng ito?
Agad kaming nagtungo sa Cookery department, pero pagdating namin sa silid kung nasaan ang babae na kaninang nanghihingi ng tulong, isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang bumungad at may salamin ito ngunit nakayuko siya. Tinatakpan ang mukha nito ng suot niyang sombrero.
"Z-Zander!" sabay na sambit nila ni Larken.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top