CHAPTER 23: GUARDING THE MAFIA

Maaga akong nagising at naghanda na bago bumaba para dumeretso sa gymnasium ng Amores High. Ilang saglit lang matapos kong maligo ay kinuha ko na ang uniporme sa malaking cabinet.

Kung mapapansin sa kuwarto na ito ay mas malawak siya kaysa sa dorm ng Amethy. Marami ring mga pagkain at iba pang necessities na kailangan namin dahil nakahanda na ito bago pa kami nakarating dito.

Narinig kong may kumatok sa pintuan kaya agad akong lumapit habang nag-blower ng buhok at nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang magandang ngiti ni Athena.

"Good morning!" bati niya at pumasok sa kuwarto ko. Umupo lang siya sa kama hanggang sa matapos akong mag-make up.

"Wala pa ba sila Xavien?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Paparating na raw sila rito, paakyat na 'yun for sure," sagot niya habang nagtitipa sa cellphone. Busy chatting with her boyfriend, 'eh?

"Good morning, ladies." Isang pamilyar na boses ang narinig ko na ayaw na ayaw kong makita lalo na at umagang-umaga pa. Si Chase, Xavien's brother. "I'm here to pick-up the both of you dahil nasa baba na sila," aniya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero nginitian niya naman ako. 'Yung ngiting nakasisira sa umaga ko!

Now, my mood is off because of him. Bakit ba kasi siya nandito? I forgot, eskwelahan nga pala ng pamilya niya ito. So, I don't have a choice but to see him until the end of this trip.

Pagbaba namin ay sumalubong agad ang mga mukha ng loko. Halatang walang tulog kagabi si Larken dahil bagsak ang mga mata niya, habang sina Xavien at Quade naman ay basa pa ang buhok.

"Morning, sungit." Napahikab pa nga si Larken nang sabihin ito at tila hindi rin naging maayos ang tulog niya buong gabi.

"Let's go!" Quade exclaimed in excitement. Kahit maaga pa ay marami na ring mga estudyante ang nakakalat sa buong gymnasium. Naupo na muna ako sa bench at naiwang mag-isa habang ang mga loko ay panay ang kausap sa mga Amores High students.

Lahat sila ay excited sa gaganapin na Battle of the Brains. Habang ako ay masamang tingin ang nakapupukol sa mga babaeng umaaligid kay Xavien.

Para silang mga linta na panay ang kapit sa kamay niya. Ang isa pa ay sinusubukang kunin ang kamay ni Xavien pero umiiwas naman agad siya. They're literally entertaining him. Ang haharot naman pala ng mga estudyante rito sa Amores High.

"I bet you like him."

Napalingon ako sa kung sino ang nagsalita at sinamaan ko ng tingin nang makita ko ang mukha niya. Fine! Another jerk to pesty day, Qurie.

"You just made your own conclusion that I like him, paano mo naman nasabi, huh?" I asked.

Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko. "I may not be a matchmaker, but I can see the sparks between the two of you. I know that I'm not gonna win in this game of 'Battle of the Brains' this year." He emphasized the word and continued. "But having him by your side is enough. Xavien has been my greatest rivalry since elementary and junior high. He is competitive, yet soft hearted person," saad niya.

"So, what's your point?" I asked. I don't understand what he's saying. It may be clear, but there is a missing piece that I should look for.

"Somehow you wil like him. Kahit pa masungit siya sa paningin mo," aniya.

That's not true. Me and Xavien is not a good match, at saka ano naman ang mga panama ko sa magaganda niyang manliligaw?

God! Bakit ba kasi ako pumasok sa school na ito? What was the real reason why I was invited to study in this school? Is it for money or is there something that I need to unravel?

Ayokong makulong sa magulong tanong na bumabagabag sa'kin araw-araw. I need to look for the answer.

"May nagseselos," pang-aasar ni Larken. I gave him a death stare and he immediately zipped his mouth.

"I'm not jealous. He's not even a boyfriend material," I said. Based on their facial expressions, I know they're disagreeing with me.

Totally disagree.

"Oo nga, nasa in denial stage ka pa." Sabay halakhak ng dalawang loko. "Tingnan mo naman kasi 'yung mga umaaligid sa kanya ang gaganda na at sexy pa." Ibinaba ko naman agad ang daliri niya dahil panay ang duro sa mga babae.

"Who cares? Hindi naman papatulan 'yan ni Xavien, I know him." saad ko. Tumayo ako at lumabas muna para magpahangin masyado pa namang maaga para sa laro, it's still 6:30 o'clock when I look at my watch samantalang 9:00 o'clock pa ang simula ng laro namin.

Ang mga ibang estudyante ay pinayagan naman makalabas ng Amores High, kaya naman naisipan kong lumbas na muna at puntahan ang pinakamalapit na water falls dito. Nang palabas na sana ako ay may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako. It wasn't Xavien contrast to what I expected, it was his jerk brother.

"Where are you going? Delikadong lumabas ng eskwelahan lalo na kung wala kang kasama," turan niya.

Sinuntok ko siya sa dibdib at napangiwi siya. He deserves that!

"What was that for?" inis niyang tanong.

"That was for being mean to me. Lalo na sa ginawa mo sa'kin, buti nga nakatulog pa ako nang mahimbing kagabi," sabi ko.

"It was for Xavien's safety. Hindi mo alam ang pinasok mo," he said. "I even saw you at the mansion. Anong ginagawa mo no'ng mga oras na 'yun?"

"You saw me? Ibig sabihin ay isa ka sa mga mafia na dumakip sa'kin?"

"We cannot share any information about that pero parang gano'n na nga," sabi niya. "Especially the Valmoris codes, expect nothing to me about that organization. You better keep your mouth shut if you want to stay alive." Nakita ko ang pangpingot ni Xavien sa tainga ni Chase na dahilan upang dumaing ito.

"Stop pestering her," saway ni Xavien sa kanya. Chase mentally rolled his eyes to him.

Kung pagtatabihin silang dalawa ay mukhang magkapatid talaga sila. Their face has a quite similarities lalo na sa mata at labi, but Xavien's took all his father's genes kaya mas guwapo ito kumpara kay Chase.

"Aalis na 'ko," sabi ko at naglakad palayo. Nang makalabas na ako sa Amores High ay napadpad ako sa isang bahay. Medyo weird lang dahil ito lang ang nag-iisang bahay sa buong lugar at napaliligiran pa ito ng marami at malalaking mga halaman.

"I know you're following me, Xavien." Lumingon ako at nakita ko nga siyang nagkakamot ng ulo, kaya lumapit na rin siya.

"I'm just ensuring your safety," he answered. Hindi ko naman nakitang sumusunod din si Chase kaya palagay ko ay nasa gymnasium na iyon at naghihintay na magsimula ang laro.

I turn around and slowly walked towards the small house, medyo creepy nga ito. Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng malakas na sigaw. Nagkatinginan pa kami ni Xavien at nagturuan pa kung sino ang unang papasok, pero sa huli ay pinangunanhan na niya.

Pagbukas niya ng pintuan ay sumunod naman ako, sa sala ng bahay ay tumambad sa amin ang wala ng buhay na matandang lalaki. Hindi naman makagalaw sa kinatatayuan ang isang matandang babae pati na ang pagkagulat ng dalawang lalaki na nakaupo.

"Anong nangyari?" gulat na tanong ng isang babae na bumaba mula sa hagdan at napasigaw na lang siya ng makita ang lalaking wala ng buhay.

"B-Bigla na lang bumula ang bibig niya," sabi ng matandang babae. Halos takot na takot ang pakiramdam niya at hindi alam ang gagawin.

Xavien immediately touch the man's pulse and confirmed that he's already dead.

"He's dead." Pagkatapos sabihin ni Xavien iyon ay napahagulgol na lang ang matandang babae na kanina ay nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Hilario, bakit? Bakit ka nagpakamatay?" Hindi maubos ang luha sa mga mata niya, habang sa tatlong kasama niya ay parang wala lang ito sa kanila, na tanging pagkagulat lang ang makikita sa mga mata nila.

Lumapit ulit si Xavien sa bangkay at parang may sinusuri siya. Is he smelling the body? Nang tingnan ko ay 'yun nga ang ginagawa niya.

"This is Cyanide Poisoning. Walang lalabas sa bahay na ito hanggat wala ang pahintulot ng mga awtoridad, tumawag kayo ng pulis!" Xavien said in an authoritative voice.

Walang signal sa lugar kaya nahirapan kaming makahingi ng tulong sa mga pulis, kaya naisipan kong bumalik sa Amores High at humingi ng tulong sa sundalo para magpadala ng mga pulis sa lugar kung saan namatay ang matandang lalaki.

Kasabay ng pagdating ng mga pulis ay nakita ko ang nakangising mukha ni Chase. "So, this is the secret that you've been telling me," he said.

Wala naman akong kaalam-alam sa sinasabi niya. What was they're talking about?

"Shut up, Chase." saway ni Xavien.

Nang makapasok ang mga pulis sa pinangyarihan ay kinausap nito ang mga kamag-anak. We didn't see Mori at baka marahil ay sa ibang departament galing ang mga pulis, mga baguhan kasi.

The victim was Hilario De Jesus, a business tycoon and often identified in industries that have economic prominence. Sa madaling salita ay mayamang tao ang biktima. It must be some sort of disputed inheritance. Hindi na nakakapagtaka kung isa sa kanila ang pumatay dahil sa pansariling interes.

"Ikaw ba ang asawa ng biktima?" tanong ng pulis. Tumango naman ang babae at nagpakilalang si Amelita Pascual-De Jesus. Lumapit naman ang tatlong matanda at nagpakilala, Si Susan Pascual, Renaldo Lucas David at Caesar Alvarez.

Nagbigay sila ng kanilang pahayag sa mga pulis at sinabi ni Susan ay naggagantsilyo raw siya nang nakita niyang papasok ng banyo ang biktima. Naglalaro naman ang dalawang matandang lalaki ng chess at pinakita iyon sa mga pulis. Magluluto na sana ng umagahan si Susan nang biglang lumabas ng banyo ang biktima at bumulagta na lang sa sahig ang lalaki na bumubula pa ang bibig.

"This is impossible to be a suicide, hindi naman pwedeng magpakamatay ang isang tao nang walang rason. It could be a psychological problem kung bakit niya nagawa ito? Pero base sa pahayag ni Susan ay malabong magpakamatay ang biktima," sabi ni Xavien.

"Hindi ako naniniwalang gustong magpakamatay ni Hilario. Malabong mangyari ito dahil gusto niya pang makasama kami, pati na ang mga anak namin na nasa maynila," wika ni Amelita, asawa ng biktima.

"He is a business tycoon, ibig sabihin ay mahalaga ang bawat oras sa kanya kaya marahil nandito siya ngayon upang magbakasyon lang. Tama po ba?" tanong ni Xavien kay Amelita at tumango naman ang huli.

"Isa pa, kahina-hinala na nasa kaliwang bahagi ang boteng ininom ng biktima, kung ang basang lason na dumampi sa palad niya ay nasa kanan," sabi ni Chase. Sinang-ayunan naman ito ng mga pulis at sinuri agad ang bangkay.

"Maaring isa kina Susan, Ronaldo at Caesar ang pumatay sa kanya," Xavien said. "The evidence is clear that the motive of the killer is the victim's money, and the forensics can check the body if the poison was covered on the victim's right hand."

"Impossible! Hindi namin siya nilason, basta na lang siyang bumagsak sa sahig matapos niyang lumabas ng banyo," Protesta ni Susan. "This nonsense evidence can't prove that this is a murder."

"This might be a frame up or something. H-Hindi kami ang pumatay sa kanya!" Renaldo exclaimed. Nanginginig pa ang boses niya at puno na ng pawis ang buong katawan sa kaba.

Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sa kasong ito. I'm sure that this isn't a frame up at sinadya talaga nilang patayin ang biktima dahil alam nilang may mamanahin sila.

Their selfishness leads them to their own karma.

"Frame up is impossible, besides the evidence is here, and all the crime operatives are working to solve this case. It might be a sucide, don't you think?" tanong ng isang pulis at iginawi ang tingin kay Xavien.

Mukhang magkakilala silang dalawa base pa lang sa mga tingin nila.

"The evidence is clear, but something is missing. We need to find that missing piece," saad ni Xavien at lumapit kay Susan. "Ang sabi mo kanina ay busy ka na naggagantsilyo habang nasa palikuran si Mr. Hilario, can you show me where it is?"

Hindi naman agad makakibo ang babae at parang nagyelo ang buong katawan niya. "Ms. Susan, pwede niyo po bang ipakita sa akin ang ginagawa niyo?" ulit na tanong ni Xavien.

"S-Sige," Ngumiti ang babae at kinuha ang ginagantilyo niya. Nanlalambot niya pang iniabot ito kay Xavien na parang may itinatago siya.

Nagulat ang lahat ng makita naming may inilabas si Xavien sa isang damit na ginagantilyo ni Susan. "This is the missing piece that I'm looking for."

"Give me that!" sigaw ni Susan at pilit na kinuha kay Xavien ang isang kapareho na gamot na nakita namin na nasa palad ng biktima. Ibig sabihin ay pinagpalit niya ang gamot?

"You're the one who tried to kill him by mixing his medicine," Xavien stated. "Ginawa mo 'yun dahil alam mong sa pamilya n'yo mapupunta ang mana at kaya mong manipulahin ang asawa niya para ilipat ang mana sa'yo."

Lumapit si Chase sa matandang babae at ngumisi pa ito.

"Amelita can't read the prescription kaya marahil sa'yo ipinaubaya ang gamot ni Hilario, and you took that advantage to poison him. I can smell a scent of almond and soy. Marahil ay pinagsabay-sabay mo ang pagkain sa kanya nito kasabay ng gamot na pinalitan mo ng pesticides na dahilan ng pagkamatay niya," paliwanag ni Chase. I'm impressed on his deduction in this case, hindi ko alam na masyado siyang naghahanap ng detalyadong konklusyon bago ilabas ang alas niya.

Halos masampal ni Amelita si Susan dahil sa ginawa nito sa asawa niya. "Pinagkatiwalaan kita, Susan! Mabubulok ka na sa kulungan dahil sa kawalangyaan na ginawa mo sa asawa ko!" Nilabas ni Amelita ang lahat ng hinanakit niya kay Susan.

Ang dalawang lalaki naman ay sasailalim pa sa interrogation para sa ibang mga katanungan.

Nagpasalamat ang mga pulis at ipinaalam kay Mori na dumaan kami sa departament nila para tumulong sa kaso. Sila na rin ag naghatid sa'min pabalik sa Amores High. It's already 8:57 o'clock nang makarating kami sa school, kaya tumakbo na kami papasok ng gymnasium.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"THE GAME WILL START IN A MINUTE. Back to your groups, now!" Announcement ng punong-guro ng Amores High.

"It was a fun case to solve with such a great detective," Chase said.

'Eh? What's fun about solving crimes? Is he also a detective like Xavien?

"Cut that crap, Chase. You didn't even look for other evidence. Kung hindi ko pa kinuha ang ginagantilyo niya ay hindi agad malulutas ang kaso," ani Xavien, nagmamayabang.

Chase mentally rolled his eyes and crossed his arms.

"Where did you guys go? Kanina pa namin kayo hinahanap," tanong ni Athena.

"May dinaanan lang kami," pagdadahilan ko.

I don't want them to know what happened. Baka kasi makaabala pa iyon sa mangyayaring laro mamaya, kaya mas magandang kami na lang ang nakakaalam.

I don't want to lie to them, but it's good that they don't know about some cases we solved. Hinila naman ni Athena si Chase papunta sa side namin ni Xavien dahil magsisimula na ang laro. "And now we're down on the last game. The Battle of the Brains!" Hiyawan ang bumalot sa buong gymnasium at daan-daang estudyante ang dumalo, may ilan pa na galing sa Crimson High School na nakasuot ng pulang t-shirt na may tatak ng eskwelahan nila.

"Go, Amethy! Go! Go! Amethy High!"

All the strand departments shouted their teams and some of them shouted Xavien and Qurie's name. It was unexpected to call our section and Qurie's section to be our opponent team. "STEM-1 and ABM-1 ang unang maglalaro sa araw na ito. The team who will win, will get their reward later," Mr. Linangan said.

Isa-isa kaming binigyan ng papel na naglalaman ng clues tungkol sa isang pekeng bangkay na kailangan naming bigyan ng deduction, at ang team na tama ang hula ang siyang mananalo.

Pinatalikod ang magkabilang team at may ibat-ibang kulay ng papel ang ibinigay sa'min. Rosas ang nakuha ko, habang si Athena ay orange, si Larken naman ay asul at ang kay Xavien ay pula.

Ang kulay ang magiging basehan kung sino ang magiging kalaban namin. Sa kamalasan naman, pagharap ko ay bumungad ang mukha ni Freya. Nakangisi ito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nagsimula na nga ang laban at ang una ay si Xavien at Qurie.

What a very unlucky day for us.

Lahat ng nasa papel na ibinigay sa'min ang magbubuo ng sagot para malaman kung sino at paano namatay ang pekeng biktima. Tumakbo na nga sina Xavien sa mismong crime scene, they tried to deduce everything that they could possibly deduce in this crime scene.

We only have twenty minutes to have our best deduction. Marami ang nanonood kaya't mas kinakabahan kami ngayon.

Ang babae ay natagpuang patay sa girl's dormitory at may saksak siya dibdib, mayroon din itong sugatan ang katawan. Marahil ay nanlaban ang biktima bago ito pinatay. She's Althea Faye Rodriguez, based on the given clue. Pangalan lang ng biktima ang nasa akin at ang ibang clue sa deduction ay nasa kagroup ko.

Ang mga naging suspect sa pagpatay ay tatlong estudyante na si Ramon, Miguel, at Florence. Batay sa mga ebidensyang mayroon kami ay dakong 3:27 A.M nang May 28 namatay ang biktima at ang huling nakausap nito ay si Miguel.

Isa-isang nagbigay ng testimonya ang mga suspect. Gumagawa raw ng project si Ramon noong mga oras na 'yun dahil hindi niya ito nagawa sa itinakdang araw ng pagpasa nito. Nabalitaan niya na lang daw kinabukasan na patay na si Althea.

Sunod ay si Miguel, nagkausap sila kagabi bandang 7:40 P.M at ang pinag-usapan lang nila ay patungkol din sa kasal ng kapatid niya, ngunit wala naman silang naging pag-aaway.

Si Florence naman ay nasa night club no'ng mga oras na pinatay si Althea. Kahit sobrang lasing niya no'ng mga gabing 'yun ay nakauwi naman agad siya ng bahay nila. Kinabukasan, pagpasok na lang niya nabalitaan na pinatay na si Althea.

"We're done on our deduction, Xavien. You might as well call yourself a loser by now," Qurie said confidently.

Hindi naman pinansin ni Xavien ito at nakita ko pa ang paghampas sa kanya ni Freya dahil sa pang-aasar nito.

"I think we are lacking evidence here," bulong ko kay Xavien. He nodded and agreed with me.

"Yes. Like how the killer did the crime," he replied and exactly what I'm thinking about. Palagay ko ay hindi lang isa ang salarin, kung hindi ay silang tatlo mismo.

"We need to find the missing piece of this case. Just like what happened earlier. Mapapadali nito ang pagresolba natin sa kaso," aniya. Lahat kami ay nagtutulungan sa mga clues na mayroon kami, until we got the right deduction on this case dahil isang mali lang ay talo na kami agad.

I have the names, Larken got the time of death, Xavien have dilapidated clothes found at the crime scene. Si Keira naman ay conversation ng biktima, at ang iba gaya ni Athena ay puro weapons na ginamit ng salarin, bukod sa kutsilyong nakita sa crime scene.

"The missing piece might be this," sabi ni Keira at iniabot ang clues na mayroon siya. Isa itong huling conversation ng biktima at salarin. Lumawak naman ang ngiti sa mukha ni Xavien na para bang nanalo siya sa lotto. I know he have his own deduction on this at nagtitiwala naman kami na tama ito.

"This is the missing piece that we need. Thank you, Keira. You're a lifesaver," Xavien mumbled. "We're also done on our deduction." Xavien and Qurie ring the bell, it is the signal that the battle of the brains deduction will start now.

"3...2...1 and the time is over," Mr. Linangan said. "Let's hear the opposing teams' deduction!" Napuno muli ng hiyawan sa buong gymnasium. Rinig na rinig ko ang sigaw ng Athena High at Amores High. Tila nangingibabaw naman ang boses ng mga STEM strand dahil alam nilang magagaling kami.

"Go Xavien! Go Amie!" sigaw ng kampo namin. They were too loud to let us start our deduction, hanggang sa pinatahimik na sila ng punong-guro.

"Do you know who killed the girl?" Mr. Linangan asked. Tumingin muna si Qurie sa mga kasamahan na parang nagbigay ng go signal sa kanila bago magsalita.

"The killer is Miguel," Qurie said.

"Can you prove that he is the killer?" Xavien said and smirked at him.

"Based on the given clues and evidence, they both have a past relationship and Miguel wanted her back. His statement is full of lies, and that's when he tried to sneak into her dorm and tried to kill her," aniya.

"Saan galing ang weapons na natagpuan sa crime scene?" Xavien asked.

"Based on the information provided in Miguel and Ramon's conversation on May 26, 9:00 o'clock in the evening, nag-text ng paulit-ulit si Miguel kay Ramon pero hindi niya ito sinasagot kaya naman kusa nang pumunta si Miguel sa dorm ni Ramon para kunin ang gamit na hinihingi nito."

"But the weapon he tried to borrow doesn't appear in the crime scene. Tanging kutsilyo lang ang nakita, and the rest is after the investigation." Kita ko ang inis sa mukha ni Qurie dahil sa pambabara ni Xavien sa kanya. Hindi siya nakasagot agad kaya nabalot ng bulungan ang buong gymnasium.

"But Jealousy is his motive, that's why he killed Althea," Qurie stated.

"I think revenge is the killer's motive. I'm quite impress with your deduction, but all of it was in a wrong way," Xavien stated. He was fully confident in what he said and we trust him.

"Then prove it," inis na sabi ni Qurie.

"All of them killed her, how? By faking all of their conversation and trying to threaten the victim, until they decided to kill her." Malawak na ngumiti si Xavien habang seryosong nakikinig ang lahat. I also want to know if we have the same thoughts of deduction.

"First one is the date. May 27, doing homework? We all know that this month means it's our summer vacation at lahat ng estudyante ay hindi nananatili sa dormitory, kaya nakapagtataka na sa dorm ng girls natagpuan ang bangkay niya at hindi sa mismong bahay nila. It's suspicious." Everyone seems surprised on Xavien's deduction, even Querie was surprised.

"Second is the weapon used. There are seven known weapons that killers used while doing their crime. Miguel used the knife, Ramon used the baseball bat, while Florence used gun while raping the victim," sabi ni Larken.

"Three of them did the crime and pretend that nothing happened. Miguel stab the victim's stomach, pero nanlaban pa ito kaya naman hinampas ni Ramon ng baseball bat dahilan para tuluyang mawalan ng malay ang biktima. Kaya naman naisipan ni Florence na hubaran ito at pagsamantalahan," Xavien explained. Everyone's attention is on him and Qurie just gave him a death stare while continuing his deduction.

"There are traces of blood in Miguel's hand kaya marahil ay sa bahay niya mismo nangyari ang krimen at pinalabas na nasaksak ito sa dorm niya," Larken added.

"If this is a real case, we can test the blood and semen samples of them to prove that the three of them did the crime, and not just Miguel," aniya ko.

"The case is now closed," I said confidently.

Everyone clapped and cheered for us until we realized that we've won the competition, after Linangan confirmed that all of them were the killers based on the provided evidence and clues we have. Hindi ko na nakita ang mukha ni Qurie matapos ng competition, we just celebrated with other Amores High students.

"STEM-1 is the champion of the year in Amores High summer camp competition, congrats sa'tin!" Hindi mapigilan ang ngiti ni Athena nang matawag ang seksyon namin. Even Mrs. Valdez is so proud of us for winning this year. Kahit na naging mahirap sa buong STEM-1 team ay nagawa pa rin naming manalo.

ABM-1 got the second place, while HUMSS-4 got the third and last place. Still, we are also proud of them doing their best. Binati naman ako ni Freya matapos naming manalo. I can see her fake smile she plastered to me, but I didn't care it and just enjoyed our victory.

Habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa loob ay lumabas na muna ako dahil napansin kong wala si Xavien kanina pa. Sinubukan ko siyang hanapin hanggang sa mapadpad ako malapit sa boy's dormitory at nang magtama ang tingin namin ay hinila niya ako agad.

Nagulat ako ng biglang may bumaril na lang ng sunod-sunod. "S-Sino 'yun?" mahinang tanong ko sa kanya.

"I don't have time for questions, Amie. Kanina pa nila ako sinusundan. I bet they're part of the mafia's organization," sambit niya.

What? Hanggang dito ba naman ay hinahabol kami? Lintik na yan!

Agad kaming dumaan sa likod papalabas ng Amores High at hindi ko inaasahan na makikita ko ang mukha ng isang nakakainis na lalaki. Jerk!

"Why did you fucking bring her, Xavien. Nasisiraan ka na ba ng bait?" galit na tanong ni Chase. "You can't let her in the V's mansion, dad will be fucking upset."

"Can you please put your gun down? Baka kung saan pa tumama 'yan!" sabi ko. Nanginginig pa ang boses ko sa takot dahil patuloy pa rin ang pagputok ng baril. I keep on flinching because of the gunshots, mabuti na lang ay malayo na kami.

"Amie, where are you?"

"Nasaan ka, Amie? Nagkakagulo sa buong gymnasium. I can't find you here."

"Amie, text me back immediately!"

"Where the hell are you?" My phone keeps on vibrating and my notifications are flodding.

Ano bang nangyayari?

"Go back to your dorm and lock the door immediately. We will explain tomorrow," utos ni Xavien at isinakay na lang ako sa itim na kotse. "Bring him to Amethy High."

Nakita ko silang sumakay sa itim na kotse at sinabi ko sa driver na sundan sila, kaysa ihatid ako sa Amethy High.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top