CHAPTER 19: MORRIS IDENTITY
"What?!" gulat kong sabi. Tila bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may masamang mangyayari.
"We checked all the cctv footage at nakita namin na bago siya kumatok sa pintuan mo ay may mga kalalakihan na dumakip sa kanya," ani Larken. Mas lalo ko pa itong kinagulat, pero bakit naman nila dadakipin si Athena?
Wait! Is she part of a mafia organization? Sana ay hindi at mali ang nasa isip ko. I remembered Valerie, baka may kinalaman siya rito? Kahit madilim pa ang paligid sa buong campus ay bumaba kami agad.
"We need to find her, baka kung ano ang gawin nila sa kanya," nanginginig ang boses ko nang sabihin ito. I clasp my hand as my heart beats faster.
Pinakalma naman ako nina Larken at Xavien.
"Kami na ang maghahanap sa kanya sa labas. Stay here, Amie. Delikado na at baka puntiryahin ka rin nila," saad ni Larken.
"Hindi pwedeng wala akong gawin. Nanganganib ang buhay ni Athena," wika ko. I tried to calm myself and breathe deeply.
Hinawakan ni Xavien ang magkabilang balikat ko. "You need to stay here and listen to us, Amie. It's too dangerous if you come with us." Wala naman akong nagawa kung hindi ang manatili sa labas ng campus at hintayin sila na makabalik.
A gust of wind sprayed me with freezing air kaya napayakap ako sa sarili. Tanging ilaw lang mula sa ibabaw ko ang nakabukas at ang buong paligid ay madilim pa, there were no cars around. Malayo naman ako kung nasaan ang guard na nagbabantay kaya hindi niya ako makikita. I walk around and stop for a moment when I heard a man's voice.
Dahan-dahan kong pinuntahan ang pinanggagalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na presentable ang suot. His wearing a black suit and shoes with a golden watch on his wrist. May katangkaran ito at may maskarang pula na suot.
"I'm on my way there, Ortheus. We got the girl you want, you need to prepare the money as soon as possible," he said with an authoritative voice.
Sino si Ortheus at ano ang kinalaman dito ni Athena? I'm certain that the mafia organization is involved.
Nagtago ako sa malaking pader nang lumingon ang lalaki sa gawi kung nasaan ako, pagkatapos nitong ibaba ang tawag. I need to follow him, that's the only way to find Athena. Malakas ang kutob ko na ang tinutukoy nitong 'girl' ay si Athena.
Dahan-dahan kong iginawi ang tingin ko sa paligid. Madilim naman kaya hindi niya ako makikita agad kung sundan ko man siya. Palihim siyang lumabas sa likod ng campus gamit ang isang kahoy na hagdan. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako umakyat at lumabas rin. Tanaw ko pa siya mula sa kalayuan nang may dumating na isang itim na sasakyan.
It was a Porsche 911 GT3, tumingin pa sa paligid ang lalaki bago ito sumakay nang kotse. Paalis na sana ako para sundan siya ng biglang may tumakip nang bibig ko mula sa likuran. Sinubukan ko pang tingnan ito at lingunin ngunit unti-unti ng binalot ng dilim ang paligid ko at nawalan na lang ako ng malay.
Natagpuan ko na lang ang sarili na nakahandusay sa malamig na sahig at nakaposas ang mga kamay. Hindi ko maaninag ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko.
"Why did you fucking bring her here, Venom! Hindi ka nag-iisip," galit na sabi ng lalaki na nakapula ang suot.
Hindi ko masyado matukoy ang boses niya. Sa sobrang takot ko ay pinilit kong kalasin ang posas ngunit naging maingay lang ito, kaya napukaw ko ang atensyon nila. Shit! May mga baril pa silang hawak. Lumapit ang isang nakapulang lalaki sa 'kin at itinayo ako. Napalunok na lang ako nang madiin.
Katapusan ko na ba?
Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. Sino si Ortheus at ngayon naman ay Venom?!
"You saw him, right?" tanong ng lalaki at tinanggal niya ang tape sa bibig ko. Itinutok niya ang hawak na baril sa sintido ko. Hindi ako makapagsalita halos manginig ang buong katawan ko sa takot at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ang nasa harapan ko ngayon ay ang nakita ko bago ako nawalan ng malay, sinubukan ko pa siyang sundan pero nabigo rin ako. I got caught immediately dahil may mga nakasunod pa lang mga tauhan niya.
"I'll handle him, Apollo. Just leave her alone," sabi ng lalaki na nasa gilid ko. He's also wearing a red mask like it was a symbol for their organization.
A red mask, huh? It's a bit familiar to me, but I can't remember it.
"You better kill her as soon as possible bago pa tayo mahuli ni Ortheus na nagdala ka rito ng isang malaking daga," sabi ni Apollo. Nang makaalis ang lalaki at isinara ang pinto ay hinarap naman ako ni Venom.
This place is really for a devil like them—pitch black. Walang buhay ang buong paligid, tanging ilaw na sumisinag lang sa'kin ang nangingibabaw ngayon.
"You knew about our plan. Why are you sticking in someone's business? Sino ka ba? Isa ka ba sa mga daga na pinadala ng Feir just to spy on us?" sunod-sunod na tanong niya.
Now, he's referring to Fier? Isa na naman ba itong mafia organization? God! Nanatili na lang sana akong nakaupo kanina at hindi na pinuntahan pa ang lalaking iyon.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Sino ka rin ba at bakit may mga alagad ka?" pabalik kong tanong sa kanya.
Kahit may takip ang mukha niya alam kong napangisi ito sa sinabi ko.
"You don't need to know my identity, Miss—whatever your names is," he said, seriously. Pakiramdam ko ay kilala ko kung sino siya base sa postura ng kanyang katawan.
His voice is also familiar. Parang boses ni Xavien.
"Nasaan si Athena? Saan niyo siya dinala? Pakawalan mo ako rito!" sigaw ko pa.
"Huh? I'm surprised you know her?" tanong nito. "Sino ka ba talaga?" Matalim ang tingin niya sa'kin ng sabihin ito.
"I'm her friend!" sigaw ko. Kahit may takip ang mukha niya ay parang nakangisi na ito ngayon sa'kin.
"Well, both of you will die tonight. You just got in our way, Ms—whatever your name is." Ibinaba nito ang baril niya at binuksan ang pintuan, I saw Athena!
Nakita ko pang may hawak-hawak ang dalawang kalalakihan. I knew it was her kahit may nakatakip buong ulo nito.
"You better not try to escape if you want to to be alive tonight, Ms. whatever your name is," mahinang sambit niya bago isinara ang pinto.
Naririnig ko ang bawat halakhak ng mga kalalakihan sa kabilang pinto. They are talking about money and drugs. God! Ano ba itong pinasukan kong gulo? Hindi ko na alam kung makakaalis pa ako ng buhay dito ngayon. Ilang saglit lang ay nakarinig ako nang malalakas na putok ng mga baril.
I panicked. Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. Mukhang huling araw ko na talaga, Gosh! I really need a saver right now! Nagkakagulo na sa labas at sunod-sunod pa rin ang putok ng baril.
"Feir!" sigaw ng isang lalaki mula sa kabilang pinto. I fucking don't know what was going on, napaluha na lang ako na para bang kahit anong oras ay mamamatay na ako.
"Amie!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko nang pumasok ito sa kuwarto kung nasaan ako. Agad niyang inalis ang posas na nasa kamay ko.
"We need to get out of here, now!" sambit ni Venom na nakabantay sa pintuan. "Athena, faster!"
"I'll explain to you everything kapag nakabalik na tayo sa Amethy," ani Athena.
"A-Athena..." Nanginginig ang boses ko ng tawagin ko siya. Sa oras na 'to ay parang ibang-iba siya, she's not the person I used to know. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon.
Hinila na lang ako ng lalaki palabas ng mansyon pero habang tumatakbo kami papunta sa nakaparadang sasakyan ay may namukhaan akong isang lalaki.
His face and even his voice are familiar. It can't be Morris?!
Sana mali ako ng akala na siya 'yon. Isinakay na ako ng lalaki sa nakaparadang kotse. Mabilis rin naman silang sumakay ni Athena at mabilis na pinaandar ang kotse.
"Ano ba talagang nangyayari, Athena?" tanong ko. Walang imik ang dalawa at seryosong pakaliwat-kanan ang tingin ni Athena na parang may susunod sa'min na kung sino man.
Hininto ng lalaki ang kotse sa tapat ng Amethy, nauna nang bumaba ng kotse si Athena at binuksan ang unahang pinto.
"Just sealed your lips about what happened, they might track our location," sabi ni Venom.
Tumango naman si Athena. Nang makaalis na ang kotse ay agad kaming pumasok sa campus. Nakita namin sina Quade, Larken, at Zeiro sa pintuan na nakaupo at naghihintay.
"Amie!" I heard Xavien worrying tone of voice. Nang makalapit siya at agad akong niyakap. Nanghina na lang ang buong katawan ko, pasikat na ang araw pero mukhang hindi ko kayang pumasok ngayon.
"She needs to rest first," sabi ni Athena.
"Where have you been, Athena? Akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo. May mga kalalakihan na dumukot sa'yo," Quade said. He's also worrying about her.
She just smiled like nothing happened.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
MY BRAIN can't still function well about the mafia last night. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi ni Athena ang tungkol sa mafia or anything about those men with guns.
Parte ba siya ng organisasyon na 'yun? Isa rin ba siyang mafia? I can't think clearly. And who the hell is Venom?
Sobrang daming tanong ang bumabagabag sa isip ko ngayon.
It's Chemistry class today and our topic is writing and balancing chemicals. Wala akong gana makinig ngayon dahil sa mga nangyari kanina.
"Paano mo nahanap si Athena? Bakit magkasama kayo?" Quade whispered to me.
"I'm not in the mood today, Quade. Ayokong pag-usapan 'yan," sabi ko. Hindi niya na ako kinulit hanggang sa matapos ang klase.
Nasa canteen kami ngayon. "You're not eating your food, Amie. May problema ba?" tanong ni Xavien.
I just shook my head.
"W-Wala," sagot ko.
"Are you sure? Wala ka bang dapat sabihin sa amin?" muli niyang tanong. "Makikinig naman kami."
"I-I'm just tired. Siguro ay hindi na muna ako papasok sa susunod na klase at didiretso na lang ako sa dorm," wika ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari, I need answers and it that bothered me. Ilang saglit lang ay may kumatok sa pintuan. Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at binuksan ito. Bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Athena.
"A-Athena," I uttered.
"About what happened." Bigla na lang siyang pumasok sa kuwarto at dahan-dahan itong sinara.
"Is it true that you're part of their organization, Athena? Bakit mo sa'min tinago 'to?" tanong ko.
"You don't understand, Amie. Kapag nakalabas ito baka pati sila ay madamay at ayokong mangyari 'yun," sambit niya.
Tila nagmamakaawa sa'kin na huwag ko itong ipaalam sa iba.
"Sino sila at bakit ka nila dinukot?"
"They're Valerie's bodyguard, but I can't give you such an important information about this. You need to keep this secret or else this might be our last conversation," seryosong sabi ni Athena.
I hesitantly nodded at her. Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na siya. Natulog na ako and went back to my usual routine, kinabukasan ay naging masigla naman ang araw ko.
"Good morning!" bati ni Athena, like what she usually does. Napansin ko na wala pa si Xavien and it's already past 8 o'clock, hindi naman siya laging late pumasok.
"Nasaan si Xavien?" tanong ko kay Zeiro. He's busy doing his homework at hindi man lang ako nilingon.
"He's at the gymnasium. Practicing for their play tomorrow, Ms. Sungit." ani Larken na kakarating lang.
"Oh! By the way, The Iliad book has been brought back to its own case. Sinigurado na rin ni Morris na hindi na ito muling maiwawala," saad ni Zeiro. I remember the blood stain that stayed in that book, marahil ay maigi nila iyong nilinis.
"How about the reward?" I asked. "Hindi ba't may ipinangako siya?" Zeiro immediately nodded.
"Yes, mamaya raw ay kakausapin niya tayo. 3 PM sharp in his office," Ibinigay niya sa'kin ang sulat na galing kay Mr. Morris.
"To those students who found the book you may proceed to my office, 3 P.M sharp, I would be glad to see you and give a token for finding the book of The Iliad."
Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta sa office ni Mr. Morris and we didn't expect to see him. Lagi kasing codes and mesages ang natatanggap namin kapag pinapatawag kami.
"I'm glad to see the three of you," nakangiting bati niya sa'min. Umupo kaming dalawa ni Xavien habang nasa likuran ko naman si Zeiro.
May bigla naman pumasok na estudyante, mukhang baguhan din ito dahil sa hawak niyang papel na parehas sa nakuha ko no'ng una kong natanggap ang ang imbitasyon nila.
"Oh! Great timing, Qurie!" aniya. Pumasok naman ang lalaking nakasalamin habang bitbit ang malaking bag nito.
He's not a typical nerd-type boy. Kung titingnan ay parang bad boy look pa nga ito.
"Is this some sort of joke? Ito lang ang makukuha ko after decoding a multiple cipher?" Base sa tono ng pananalita niya ay parang galit siyang makita kaming tatlo ngayon.
"Qurie Hunter Maxwell," Xavien mentioned his full name.
Magkakilala sila?
"What a coincidence to see you again, Val—" Hindi na naituloy ni Qurie ang sasabihin nang pangunahan ni Morris.
"I think we should focus on the reward of these three, hintayin mo na lang kami rIyan. Take a seat while we discuss it," utos ni Mr. Morris. Hindi naman pinansin ito ni Xavien at itinuon ang atensyon kay Mr. Morris.
"You will be going to have a trip to London at the end of the school year." Hindi naman matawaran ang ngiti ko nang marinig ang mga salitang iyon. It will be my first time visiting other countries—especially London.
"What with the catch, Morris? Hindi mo naman kami bibigyan ng offer without a favor, tama?" Xavien asked.
"Nothing," Morris said. Based on the tone of his voice ay parang may tinatago ito.
Sinamaan naman ng tingin ni Xavien ang huli at bumuntong-hininga ito.
"Fine, the reason why I want you to be there is because there would be an investigation. It's about the murder case of a woman named Ali Salvacion," pag-amin niya.
I'm excited, yet nervous of what would be the case of the named he mentioned. Pero mas pipiliin kong mamasyal muna sa magagandang lugar doon. Pagkatapos ng usapan ay mabilis rin akong bumalik sa silid. Nagpaiwan si Xavien dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan nila ng bagong dating na estudyante.
Sa kilos kanina ni Mr. Morris ay hindi ko maiwasang mailang. Sigurado ako na siya ang nakita ko no'ng mga oras na 'yun. I notice him frequently holding his chest na para bang may tama ito ng bala, pati na ang pasimpleng pag-iling nito sa sakit.
"We are going to London!" I announced to them.
Hindi naman nila maiwasang mainggit dahil hindi sila kasama at nanghinayang na sana tumulong din sila sa paghahanap ng libro.
I also need to investigate further about what happened yesterday.
Sino si Ortheus at Venom? Anong koneksyon nila kay Athena at bakit niya kami timulungang makatakas noong mga oras na iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top