CHAPTER 18: DARE WITH ME
We found the Iliad book—we also found a student's dead body. Sariwa pa ang dugo nito at mukhang pinatay bago pa kami nakarating dito sa silid. Tumawag agad ng pulis si Zeiro at makaraan ang dalampung minuto ay nakarating din sila.
"Police line do not cross!" sigaw ng isang pulis.
Maraming mga estudyante ang nabigla sa pangyayari, even the three of us couldn't think well.
What the hell is going on in this school?!
Lagi na lang may patayang nagaganap. Mr. Morris can't even do anything about it, kahit na ang anino niya ay hindi nagpapakita kapag may gulong nangyayari sa school na ito. I know his hiding something from us, pati ang pagpasok ko sa Amethy High ay isa pa ring misteryo.
"What are the three of you doing here in the middle of the night? Hindi niyo ba alam na delikadong lumabas sa dorm ng ganitong oras?" tanong ni Ms. Villanueva habang nakahalukipkip at nakataas ang kanang kilay.
Isa lang naman siya sa mga pinakaistriktong guro dito sa buong Amethy, kaya naman lahat ng seksyon na nahahawakan niya o estudyante ay ayaw sa kanya.
Ako na sana ang magsasalita ng biglang pangunahan ni Xavien.
"Ma'am, we're here because Mr. Morris needs our help. We found out that the Iliad book is missing in his office, at inatasan niya po kami na hanapin ito, pero nahanap po namin ang bangkay sa hindi inaasahan," wika niya.
"Mr. Morris told me about it pero hindi sa ganitong oras kayo dapat pakalat-kalat," sermon pa niya.
Nakayuko lang kaming tatlo at mariin ko pang kinukurot si Xavien dahil siya ang nagdala sa'kin sa Library.
Natanaw ko ang isang anino na parang pamilyar sa'kin at nang mag-angat ako ng tingin ay papalapit sa amin si Detective Mori.
"Pwede ba namin makausap ang mga bata?" tanong niya kay Ms. Villanueva.
Tumango naman ang guro at iniwan na muna kami.
Bumalik na rin ang mga estudyante sa kani-kanilang dorm pagkatapos maki-chismis sa nangyari. Ang dami pa nilang bulungan tungkol sa'min ni Xavien, pero pinagwalang bahala ko na lang ito. Pagpasok namin ulit sa silid kung saan nakita ang bangkay ng isang estudyante, pinakita sa'min ni Detective Mori ang I'd nito na nakalagay sa isang plastic bag.
"Ang biktima ay si Arya Romero, 17 years old at isang HUMSS student, ang nakakapagtaka ay kung paanong ang isang estudyante na mula sa HUMSS Department ay natagpuan walang buhay dito sa 304 STEM Department ng ganitong oras," aniya at humarap ito kay Xavien.
Nilapitan naman agad ni Xavien ang bangkay at sinuri ito, gano'n din si Zeiro. They're looking for some clues for deductions if this is a murder, kaya malalim ang naging pag-iisip ng dalawa at inabot pa nga ito ng ilang minuto.
"Based on the wounds that she had, hindi namin matukoy kung pinatay nga ba siya o isa itong aksidente," Detective Mori added.
"I'm pretty sure this is not a murder case," Xavien confirmed.
"I object. This is a murder case or perhaps, they tried to eavesdrop on us earlier about the reward," Zeiro said.
"He has a point," saad ko. "Baka napadaan lang sila kanina dito at narinig ang usapan natin, hindi ba't may mga HUMSS student dito kanina because of Mr. Morris' announcement?" I clearly said.
"Then why don't we have a battle of deduction to see who can spot if this is a murder case or just an accident?" Zeiro suggested.
"I agreed," mabilis na sagot ni Xavien. "I know you would lose in your game for the nth time."
"Not today, Xavien," ani ni Zeiro. He was confident that this is a murder.
Nagkasukatan pa ng tingin ang dalawa. Ilang saglit pa ay dumating ang tatlong estudyante, mukhang mga kaibigan ito ni Arya Romero. Isang lalaki at dalawang babae. Ito ay sina Hazel Dela Peña, Jeremy Sandovan at Gianna Mae Estrella
"Wala ba kayong nakitang kahina-hinalang kilos niya na humantong sa ganitong pangyayari?" tanong ni Zeiro sa dalawang babae.
They both shook their heads. "Wala naman dahil pagkatapos namin kumain sa Canteen kanina ay dumeretso agad kami sa hall dahil may announcement ang punong-guro, pagkatapos niyon ay bumalik na kami sa klase," paliwanag ni Hazel.
Nakita ko pa ang pagngisi sa gilid ni Xavien pero umiwas din ako ng tingin nang magtama ang mata namin.
Isa-isa na nga silang kinausap ni Xavien at Zeiro, habang ako ay nakikinig lang. Alam ko namang na wala akong ambag sa kasong ito, pero 'wag naman sana nilang ipamukha masyado. Nang matapos ang paliwanag ng tatlo ay doon na nagsimulang magbigay ng sarili nilang deduction sa kaso.
Nagsimula sila kay Hazel at inulit lang ang kanyang paliwanag, galing sila sa canteen dumeretso sa hall at bumalik na ulit sa klase nila. Si Jeremy naman ay medyo kahina-hinala ang mga sagot, hindi niya raw kasama si Arya dahil busy siya sa group study nila noong mga oras na 'yun dahil kailangan daw nila matapos agad ang ginawang research. Habang si Gianna naman daw ay hindi mapakali kanina dahil sa pag-aalala. Napansin niya rin na kanina pa wala si Arya pero dahil nasa klase nga sila ay hindi agad siya makalabas para hanapin ito.
Nang tingnan ko silang tatlo, I notice something, but I'm not sure about it. Baka wala naman iyong kinalaman sa kaso, but my intrusive thoughts urge me to know why there's a stain in Jeremy's collar.
"It's like blood," I mumbled. Lumapit si Xavien sa tatlo at mulo silang tiningnan.
"There is no murder weapon at the crime scene," Xavien said.
"But there is multiple evidence, this is a murder case," saad ni Zeiro. "There are three pieces of evidence found here. Una ay ang isang butones, pangalawa ay fake nails, at pangatlo ay ang The Iliad's book." Base sa ekspresyon ng kanilang mukha ay alam na nila kung sino ang gumawa nito.
"Kung titingnan ang bangkay sa kung paano siya namatay, parang nagilitan ang kanyang leeg gamit ang isang wire."
"I think I know who did it. I'm just lacking my deduction," saad ko.
"You know who did it? Sino kaba sa akala mo para mang-akusa kung sino ang pumatay?" galit na sambit ng lalaki at bigla na lang akong hinila ni Xavien at hinarap si Jeremy.
"Don't ever lay a finger on her." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Xavien at matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalaki.
"She's not a detective. Ano pang ginagawa niya rito?" Mataas na tono ng boses ang isinagot niya kay Xavien.
Well, I'm also a detective gaya nina Xavien at Zeiro. "Yes, she's a detective and we now know who's the main suspect of this crime," sabi ni Detective Mori.
"Admit that you did it, Jeremy. We all know you did it," nakangising sabi ni Xavien.
"I didn't kill, Arya. You can't just accuse me! My dad is a lawyer kaya niya kayong ipakulong!" sigaw ni Jeremy.
"Jeremy, stop!" Pilit na pinipigilan ni Hazel ang lalaki dahil nakaamba na ang kamao nito para idampi sa mukha ni Xavien.
"What is your proof then? If I'm the one who killed Arya?" galit na tanong ni Jeremy.
"I have circumstantial proof and I'm sure about it, but I know this crime is just an accident. Why? Because of the book Aryan had before she died," paliwanag ni Xavien. Hindi naman nakapagsalita agad ang lalaki at napaatras.
"Prove it!" He raised his brows and smirked.
Mas lalo pang lumalim ang pagngisi ni Xavien at naging kalmado na sila.
"The stain on your collar. Napansin ko na kanina ka pa hindi mapakali no'ng tinatanong ka ni Zeiro. You even tried to gaslight him, but you didn't succeed doing it." Tumigil siya at lumapit kay Jeremy. "It's impossible that the killer is Hazel dahil dress ang suot niya, same as Gianna walang kahit na isang butones ang nakasabit sa kanila, tanging sa'yo lang."
"Anong kinalaman ng butones sa pagkamatay ni Arya? Your accusation is nonsense!" he exclaimed, still trying to prove that he's innocent.
"Nonsense? The missing button on your collar is matched on the evidence of the crime operatives. We can test it in the lab, and if the results matched, it's your loss," saad ni Xavien at muling ngumisi.
"As for your stain, hindi mo namalayan na kumapit ang sariwang dugo sa damit mo and you didn't notice that one of your buttons is missing dahil sa pagmamadali mo na makaalis. You killed her using the wire and push her, hindi mo na kinuha ang libro dahil alam mong pwedeng maging ebidensya ito para hindi ka mahuli, but it's no use. You've fall on your own trap," Zeiro commented.
"T-Totoo ba ito, Jeremy?" nanginginig ang boses ni Gianna nang magtanong ito. Hindi ito makapaniwala nang magtama ang tingin nilang dalawa.
Unti-unting napaluhod si Jeremy habang tinitingnan ang walang buhay na si Arya. Nagbagsakan na lang ang mga luha sa mga mata nilang tatlo.
"I-It was an accident. Hindi ko sinasadya na patayin siya, natakot ako kaya umalis agad ako at hindi na siya binalikan. Naging makasarili ako kaya napatay ko siya." Hagulgol lang nila ang bumalot sa buong paligid.
"It was confirmed that it's an accident, there's also a blood stain on wire just before I entered the storage room, nasugatan pa nga ako," wika ni Xavien.
"Jeremy was with Arya all this time. They knew about the big prize if they found the Iliad book, kinumpirma ko na rin kina Luke and Steven na nakita ka nila kanina na sumilip sa silid namin at nagtagal ka pa ng ilang minuto, bago mo hilahin paalis si Arya para hanapin ang libro." Saglit na napatigil si Zeiro at lumapit kung saan ang tinutukoy niya na wire na kapag nasa direksyon namin ay mapapansin na hindi halata na may wire na nakasabit doon.
"But when Arya accidentally found the book in this storage room, you took advantage of it. Alam mong kapag nag-away kayong dalawa, she could end up dead because of the wire. Siya ang unang pumasok kaya hindi niya nakita at 'yun nga ang nangyari kaya tumama ang wire sa leeg ni Arya na ikinamatay niya."
Hindi na nakayanan ni Hazel at bigla na lang itong nahimatay. Agad naman siyang naisugod sa clinic at pinatawag si Ms. Villanueva para alalayan ito. Lahat ng estudyante ay gulat na gulat nang dalhin na si Jeremy palabas ng eskwelahan ng nakaposas na ang dalawang kamay. It's already past 12 o'clock kaya napagpasyahan na nga namin na bumalik sa dorm.
"Totoo ba na si Jeremy ang pumatay sa kaibigan niya?" tanong ni Athena na gulat na gulat. Tumango ako at ipinaliwanag sa kanila kahit konti na lang ay babagsak na ang mga talukap ko sa mata.
I nodded. I just sighed at isinalampak ang sarili sa malambot kong higaan. Sa haba ng sinabi ni Athena ay hindi ko na namalayan na napahimbing ang tulog ko.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
"I WON the game you've started. So, you can't disobey me, Zero." Pagpasok ko pa lang ay boses agad ni Xavien ang naririnig ko. Panay naman ang daldalan ng ibang kaklase namin patungkol pa rin sa nangyari kagabi.
"For the nth time it's not Zero, its Zeiro!" Mas lalo tuloy lumakas ang ingay ng sumigaw siya. Napaka-ingay naman, ang aga-aga!
"Good morning, bes— 'oh, ba't parang ang haggard mo? Hindi ka nag-make up ngayon?" bungad ni Athena.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya agad akong kumuha ng salamin. Mukhang zombie nga ang hitsura ko ngayon. "God! ang kapal na nga ng nilagay ko na foundation hindi pa rin tumalab," mahinang reklamo ko.
"You're still beautiful, even without makeup," Xavien said.
Wait! Did he just compliment me even though I know I look like a zombie? Ano naman kaya ang nakain ng lokong 'to?
"Thank you!" I smiled bitterly.
Humarap agad ako kay Athena at napakagat labi pa ako dahil hindi ko mapigilang kiligin.
"Morning," walang siglang bati ni Nova.
"Oh, ba't mukha ka ring zombie? Saan ka ba galing kahapon?" tanong ko.
Buong araw ko siyang hindi nakita. He's also ditching classes kahit baguhan pa lang siya rito. Marahil uminom ito ng alak kagabi dahil sa hitsura pa lang ay mukhang may hangover.
"Hangover," sambit niya.
"Lakas mo, pre. Hindi ka man lang nag-aaya, sa susunod isama mo kami para may chix naman kaming maiuwi–Aray! Joke lang naman!" pilyong sambit ni Quade kaya agad kong kinurot ang tagiliran niya na ikinadaing nito.
"Umiinom ka na?" tanong ko. "Hindi mo naman gawain 'yan 'di ba?"
Hindi niya ako sinagot at tinulugan lang ako. Gago talaga!
"Ms. Sungit, ako kaya tanungin mo kung umiinom ako." Isang demonyong boses na naman ang sisira ng araw ko.
"Manahimik ka! I hate being with a devil like you, puro pahamak ang dala mo!" wika ko.
Totoo naman! The last time I'm with him muntik pa kami mamatay kung hindi ako namukhaan ni Valerie.
"At least we're alive," hirit niya pa.
"Magkakaroon daw ng Aquitance party next week so be ready!" Announcement ng president na sumilip lang sa room namin. May meeting din kasi sila, since SSG president din siya maraming ganap sa office ngayon.
Natapos ang klase at wala naman kami masyadong gawain bukod sa festival na gaganapin next month at sa play ni Xavien. Nakalimutan ko nga pa lang may play sila this weekend, isa sa mga requirements 'yun na kailangan nilang gawin.
"Baka hindi ako makasama," malamyang sambit ni Xavien habang naglalakad kami. Napansin ko ang sugat na natamo niya dahil sa killer. Mukhang hindi pa rin ito magaling.
"Huh? Ikaw pa naman ang inaasahan namin na dadalo sa Acquaintance dahil naging maganda ang kinalabasan nito last year," ani ni Athena.
"We have a role play this weekend baka sumabay ito sa Acquaintance party na magaganap, but I'll try my best to attend," wika niya.
We both parted ways at dumeretso na sa dorm.
Pagpasok ko pa lang ay hindi na ako nagpalit at agad na isinalampak ang sarili ko sa malambot na kama. Ugali ko talagang matulog parati, lalo na kapag medyo stress sa academic.
Naalimpungatan na lang ako dahil sa malakas na katok ng pintuan, hindi ko ito pinansin pero sa sobrang lakas ay napatayo ako nang wala sa oras. Agad kong tiningnan ang phone ko.
It's already 3:27 A.M, really? In the middle of the night?
Bumangon ako at nag-unat bago tinungo ang pintuan. "Sino ba kasi 'yung katok nang katok?" Pagbukas ko ay bumungad si Quade, Xavien, Nova at Larken.
"Athena is Missing!" Xavien shouted.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top