CHAPTER 16: PARALLEL CASE

It's been two months since the bomb incident happened at Amethy High. Akala ko tapos na. Akala ko, mawawala na siya. He tried to defuse it just before the bomb explode. No'ng mga oras na 'yun ay parang sasabog din ang puso ko sa kaba.

Chloe is fine now, and everything just went back to normal na parang walang nangyari. That shit stalker has been sentenced to be in prison until his death.

Nasa Laboratory kami at katatapos lang ng Chemistry. Wala naman masyadong gagawin ngayon dahil mas maaga namin tinapos ang mga on-going project sa ibang subjects, lalo na sa calculus. Sina Athena at Quade ay lumabas para bumili ng makakain.

As usual, wala na naman si Larken. Ginawi ko ang tingin sa paligid pero wala siya at hindi na naman pumasok. It's already past 10 o'clock.

Is he up to something again?

Tanging mga daldalan lang ng mga katabi ko ang bumubuhay sa buong silid. Si Zeiro naman ay natutulog sa kabilang table at bahagya akong natawa dahil ang mga babaeng katabi niya ay ginugulo ang buhok niya at sinusulatan ang mukha gamit ang permanent marker.

"Where the hell is my book?" kunot-noong tanong ni Xavien habang kinakalkal ang bag niya at nakalabas ang iba pa niyang gamit.

"What book?" I asked. He didn't respond and just continued to find his things.

I think he's referring to the Sherlock Holmes books? Dahil madalas niyang hawak ang librong iyon nitong mga nakaraang araw.

"The Hound of the Baskervilles, that's my favorite book. Ang mahal pa naman ng bili ko sa librong 'yun," Dismayadong sabi niya. "I hope I didn't misplace it."

Lumabas na kami at tutungo sana sa library para kumuha ng kakailanganin na libro sa susunod na asignatura nang makarinig kami ng hiyawan ng kababaihan sa hindi kalayuan.

Anong mayroon at naghihiyawan sila? May artista ba na dumating?

Agad naman kaming kumaripas nang takbo para umisyoso kung anong nangyayari. Hindi naman gano'n karami ang tao kaya nakita namin agad kung sino ito.

"What the fu-" Hindi na naituloy ni Xavien ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Nanlaki na lang ang mata ko sa kung sino ang nasa harap namin ngayon.

"N-Nova?" hindi ko makapaniwalang sabi. Ano naman ang ginagawa niya rito at paanong nakapasok siya ng gano'n kadali?

"It's been a long time, Xavien," he said and smirked at him.

Wait! Magkakilala na sila noon pa? At saka bakit suot niya ang uniporme ng Amethy? I was really confused as of the moment.

"T-Teka, anong ginagawa mo rito? Hindi ka naman estudyante rito," usal ko. Biglang hinila ni Xavien ang kamay ko na parang nilalayo niya ako kay Nova.

"After what you did, you really have the guts to come back here?" Tila nagdilim ang paningin ni Xavien at nabigla na lang ako sa ginawa niya.

Did he just punch Nova in front of me without hesitation?! Mabuti na lang ay hindi natumba si Nova dahil agad ko siyang tinulungan. May bahid ng dugo ang kanyang labi.

"Xavien, stop! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko. Nakita kong paparating sina Athena at Quade, gano'n din si Zeiro.

"Dude, what happened?" Zeiro Asked.

Hindi nagsalita si Xavien at umalis na lang. Nakita ko pa ang pagkuyom nIya sa kamao na parang kulang pa ang ginawa niya kay Nova. Rinig ko pa ang bulong-bulungan sa paligid kaya umalis na kami at dinala siya sa clinic.

Anong problema ni Xavien? Bakit niya ginawa 'yun kay Nova? Napaisip na lang ako sa nangyari kanina. I'm sure they have a conflict from their past, pero wala akong naalala na naging estudyante rito si Nova.

Kaya paano sila nagkakilalang dalawa? Everything is not adding up in my thoughts.

"Anong nangyari sa mukha mo, Zei?" Quade Asked. Napakunot-noo na lang si Zeiro sa sinabi niya.

"May dumi ba sa mukha-fuck! Sinong gumawa nito?" galit na tanong niya ng makita sa salamin ang mga sulat sa kanyang mukha. Ang dalawa naman ay natawa na lang sa hitsura niya na may pekeng mustache pa.

Ginawi ko ang tingin kay Nova habang marahang ginagamot ang sugat sa labi niya.

"Ikaw naman kasi! Ano bang ginagawa mo rito, ha?" Medyo napataas ang boses ko dahil sobrang bilis ng pangyayari kanina. Kung ako lang ang kasama nila kanina, tiyak akong hindi ko sila maaawat dalawa.

"Kinausap ako kahapon ni Mr. Morris and he offered me again a scholarship here at Amethy High. Hindi naman ako nakatanggi sa alok niya dahil kapag pumasok ako ulit dito, mababantayan kita," paliwanag niya.

"What?!" sabay-sabay naming sigaw. Nagulat tuloy ang ibang mga nurse na nasa loob at napaigtad pa.

"Alam mo kung ano ang nangyari dito noon at sa inyo ni Xavien. He will do everything just to expelled you again," Athena Stated.

"Teka, Xavien expelled him?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Tumango si Athena habang wala namang kibo sa gilid sina Zeiro at Quade.

"Past is past, Athena. Get the goddamn over it, that was just a mistake, and you knew that. Hindi niya lang matanggap na ako ang sumalo sa kaso," Nova remarked.

"It's not just a simple case, Nova. It's a parallel case at alam nating lahat na si Xavien lang ang nakakaalam niyon," saad ni Athena.

What? A parallel case?

Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nila ngayon. Ang nasa isip ko lang ay kung anong ugnayan nilang dalawa noon at bakit gano'n na lang ang naging galit ni Xavien kay Nova.

May dapat pa ba akong malaman, bukod sa blue orchid? There are still mysteries in this school that I can't fully understand, because there's no a single answer for it.

Pagkatapos kong gamutin si Nova ay agad akong lumabas ng clinic at tumungo sa dorm ni Xavien. Pagbukas ko ng pinto ay magulong mga gamit ang nadatnan ko. Nagbakasakali ako na nasa Library siya pero wala rin.

I immediately texted Larken.

Nag-abang ako malapit sa gate ng school at wala pang limang minuto ay pumarada na ang sasakyan niya sa harapan ko.

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko. What happened?" Larken asked when he arrived. Napalunok ako nang madiin bago sabihin sa kanya.

"N-Nova is here," I said. Nanginginig pa ang boses ko.

"What? H-How did he get here?"

"Mr. Morris called him yesterday and gave him a scholarship." Hindi na siya nagsalita pa at binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Get in. I know where he is," sabi niya. Sumakay kami at mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.

"Sinira niya ba ulit ang mga gamit niya?" Larken seriously asked, his eyes are fixated on the road.

Tumango naman ako nang may pagkagat sa ibabang labi ko. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.

"We're here." Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid. Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa sementeryo at sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Xavien, he is sitting beside a tombstone.

"X-Xavien!" Malakas kong binanggit ang pangalan niya at agad naman siyang napalingon nang makita ako.

"A-Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?" I can tell that he was crying. Hindi ko maiwasang mag-alala kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Ako ang nagdala sa kanya rito. Alam kong dito ka pupunta, I'm sorry kung wala ako kanina," sambit niya. "I have some errands to do." Mula sa likuran ko ay narinig ko ang boses ni Larken kaya napabitaw ako agad.

Lumapit siya kay Xavien at may ibinulong. Hindi ko 'yun narinig pero parang napagaan nito ang loob niya. Nang makita ko kung sino ang nasa lapida ay napakunot-noo ako.

Stella Amores

March 21, 2005 - May 7, 2018

May kapatid pala na babae si Xavien?

Nakita ko ang dalawa na masinsinang nag-uusap, kaya hindi ko na sila inabala pa. Naging mahaba ri ang usapan ng dalawa. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makabalik kami sa Amethy.

"Good night." Huling paalam ni Xavien bago pumasok ng dorm.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"KANINA pa ako kumakatok, hindi ba papasok si Xavien?" tanong ko kay Larken na kalalabas lang ng kuwarto niya. Dala-dala ko pa naman ang librong hinahanap niya kahapon, lutang kasi ako at nakalimutan kong hiniram ko nga pala sa kanya iyon.

"Hindi yata. Sabi niya masama ang pakiramdam niya," sagot ng huli.

"May sakit siya o ayaw niya lang talagang makita si Nova ngayon?" I asked.

Umirap siya at napasinghal pa. "Both."

Binigay ko sa kanya ang librong hawak ko. "Pakibigay na lang 'to sa kanya," aniya ko.

Dumeretso na ako sa unang klase dahil late na ako. Pagpasok mo ay bungad sa akin sina Athena at Zeiro.

"Good morning!" masiglang bati ni Athena.

"You're two minutes late, Amie," Zeiro said.

Inirapan ko lang ito at mabilis na umupo. Binigay niya ang test paper ko sa Stats and Probability. Ang bilis naman yata nila mag-check ngayon, himala?

"Congrats, you're the highest!" Hindi naman matawaran ang ngiti sa labi ni Athena at niyakap ako.

"Salamat," sambit ko. Nang tingnan ko ang test paper, isang puntos lang ang naging lamang ni Xavien sa'kin dahil mali ang computation ko sa huling part, pero okay lang naman dahil mataas na rin.

I sighed in relief. Kaya ko naman pa lang makapasa kahit busy palagi.

Ilang saglit lang ay dumating na ang guro namin. "We will be posting your grade at the hall together with the list of our top 10 for this school year," Mrs. Valdez Announced.

Lahat naman kami ay natuwa dahil pagkatapos ng naging exam namin ay makikita na rin namin ang resulta.

"'Absent si Xavien?" bulong ni Quade. Tumango naman ako sa kanya.

"Ayaw nga lumabas ng kwarto niya," litanya ko na ikinagulat naman niya. Dahil mas nauuna pa kasi si Xavien magising kaysa sa kanya.

Dahil sa nangyari kahapon ay parang nag-iba ang ihip ng hangin. Pagkatapos ng klase ay nagkumpulan ang mga estudyante sa buong hall para tingnan ang mga nakapaskil na listahan.

Hindi na ako nakipagsiksikan pa at dumeretso papunta sa locker ko para kunin ang tinagong reaction paper. Ipapasa namin ito sa susunod na subject, pero hindi ko pa ito nabubuksan ay may napansin na akong kakaiba sa katabing locker.

Napansin ko na may tumutulo sa loob ng locker, saktong wala itong padlock kaya naglakas loob akong buksan. Halos mapatakip ako ng bibig ng bumungad sa akin ang putol-putol na piraso ng ibat-ibang parte ng katawan ng babae.

Napantig na lang ang tainga ko ng magsigawan ang mga estudyanteng dumaan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang takot.

"A-Amie!" Narinig ko ang sigaw ni Xavien mula sa gilid ko at agad na lumapit sa'kin.

Dahil sa panlalambot ng katawan ko at pagkagulat ay napasandal na lang ako sa katawan niya.

"We need you here, ASAP!" sambit niya sa kabilang linya. Pinaupo niya muna ako at marahang pinunasan ang nahawakan kong dugo.

"I'll take care of this case, okay." Hinaplos niya ang buhok ko, sabay tango lang sa kanya.

I didn't expect that my Hemophobia would trigger this way. I have an intense and irrational fear of blood where the symptoms are shaking, palpitations, sweating, and panic.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga pulis at si Detective Mori, kasama niya rin ang iba pang mga crime operatives.

"We will handle this. As of now, you should take care of your girlfriend," Detective Mori said. Napatayo naman ako nang wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"I'm not his girlfriend," I corrected him. Medyo nahihilo pa ako at napasandal sa pader nang sabihin ito.

"I will help in this case," dagdag ko.

"No. You should rest, Amie," Xavien said. "Ako na ang maghahatid sa'yo sa dorm mo." Hindi ako nakinig sa kanya at tumayo ng matuwid.

"Kaya ko pa. And I think this case is some sort of like parallel case," wika ko.

Nang sabihin ko ito ay hindi maipinta ang pagkagulat ni Xavien, kahit na si Detective Mori ay gano'n din ang naging reaksyon.

"She's right. This is a parallel case of a 17-year-old girl named Alena Del Capaz from ABM Department," sabi ng isang lalaking nakasalamin.

Ngayon ko lang siya nakita rito. If I'm not mistaken, he's a transferee student.

"How do you say that this is a parallel case, Mr...?" Detective Mori Asked him. Hindi niya rin kilala ang taong nasa harap namin ngayon.

"I'm Detective Theorem Alvaro Madrigal," he introduced himself as he fixed his eyeglasses.

May hitsura siya, 'ah. Gwapo.

Dumating na rin ang limang suspect na estudyante. "One of them is the killer...or all of them is the killer," Theorem said. Tila napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Isa sa mga kaibigan ni Alena ang marahil gumawa nito sa kanya," sambit ni Xavien. "This crime could be planned because there were no traces of evidence left in the scene."

"Sinisisi nyo ba kami sa pagkamatay ni Alena? Hindi namin kayang gawin 'yan sa kanya. You should investigate further; we are not the killer!" giit ni Aaron, isa sa mga suspect sa pagpatay kay Alena.

"We are just looking for a possible deduction in this case," sabi ko. Matalim ang tingin niya sa'min na para bang kasama kami sa mga pumatay.

"Possible deduction? Do you think this is a game, Ms..." Tumingin siya sa I'd ko. "Mendoza? Are you part of this?" Sunod-sunod niyang banat.

Aaron Louie Pangilinan, Jaden Ferrel Sanchez, Cyrex Kyle Alfaro, Sierra Natasha Abalos, and Curie Denzel Pereira. They all came from the ABM Department.

"Why are you acting like you didn't know who killed her? It's obvious from your behavior that you're covering up this person?" Xavien muttered. Tila nanlamig sa kinatatayuan ang lalaki at hindi na nakaimik.

"H-Hindi 'yan totoo!" he exclaimed.

"Sir, there are still no traces of evidence. We've checked everything in the crime scene," sabi ng isang crime operatives.

"I-I think, these could help as e-evidence." Nanginginig na iniabot ni Natasha ang isang notebook kay Detective Mori.

We immediately look at it, puro suicidal notes ang nakalagay dito. Mori compared it to Alena's handwritten, pero hindi ito nagtugma. They proceed to interrogating them one by one.

Aaron admitted that he had a past relationship with Alena, maayos naman daw silang naghiwalay pero hindi ito pinaniwalaan ni Mori. Si Jaden ang pinakamalapit na kaibigan ni Alena at wala naman daw silang naging pagtatalo no'ng mga nakaraang araw.

Salungat naman ito sa nangyari kay Curie. Ilang araw na kasi silang hindi nag-uusap at nag-re-reply sa isa't-isa matapos malaman ni Alena na sinisiraan siya nito. Si Cyrex ang huling nakakita kay Alena na pumunta sa banyo malapit sa locker nila kasama si Natasha. At nang makalabas ito ay mag-isa na lamang siya.

Ang huli ay si Natasha. Lahat sila ay sabay-sabay lumabas ng silid at nagpaalam ang dalawa na gagawi sa palikuran para sana mag-retouch ng make-up pero nang bumalik si Natasha para tingnan si Alena ay hindi niya ito nakita kaya akala niya ay nasa locker area na ito.

Base sa mga testimonya nila ay malaki ang tiyansang si Natasha ang pumatay kay Alena, pero nang kuhaan nila ito ng DNA ay hindi ito nag-match.

"There is only one way to know who's the murderer of this case," Theorem said.

"H-How?" I asked.

"Earlier, we gave them a fake question and all of their answer are the same."

"WHAT?" Lahat sila ay nagtaka sa sinabi ni Theo.

"What was the question, Theo?" Xavien Asked him and Theo immediately gave the folded question.

"Did you kill her?" That was a simple question, yet they all revealed themselves.

"Now, why did all of you killed her?"

Tiningnan ni Theo nang masama ang limang estudyante. Lahat sila ay nagsasalubong ang kilay at hindi maipinta ang mapanlinlang na tingin sa'min.

"Here's the evidence. The notebook matches all your DNA that means..."

"FUCK!" Jaden shouted.

"The plan is over, Jaden. They caught us, we can't escape now," sabi ni Natasha habang pinipigilan ang luha. Si Curie ay halos mapadapa sa sahig dahil sa takot na makukulong siya.

"Y-Yes, we killed her because she threatened us that she will leak the s*x video if we didn't follow her," paliwanag ni Natasha.

"All of you commit a serious crime. She already deleted the video just before you killed her, based on the CCTV footage we found," Xavien stated.

I was speechless on how they killed her like an animal. "Pagkatapos ng klase nila ay sabay-sabay silang lumabas at dinala ni Natasha si Alena sa palikuran. At doon na ginawa ni Natasha ang krimen, habang lookout sa labas si Jaden at Curie." Xavien is reading his own deduction and came out that it is how they killed her.

"Cyrex even raped her while cutting her breast and other parts, base sa autopsy report. She also has a 14-stab wounds in the left part of her stomach and proceeded to hide her body in her own locker at 10:47 o'clock," dagdag pa ni Xavien.

Hindi ko kinaya ang mga naririnig ko at bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Lahat sila ay isa-isang inamin ang kasalanan at agad na pinosasan ng mga pulis ang mga ito.

"The case is closed, Ms. Mendoza." Theo said. Bigla na lang itong umalis ng walang pasabi o paalam man lang.

Malugod naman na nagpaalam sa'min si Detective Mori at nagpasalamat na rin dahil malaki ang naging tulong ng dalawang lalaki sa kaso.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"SAAN ba kayo galing kahapon? Nabalitaan namin 'yung nangyari sa estudyanteng babae na si Alena. Did Xavien tell you about her?" Athena asked. Hindi ko sinabi sa kanila na naroon kami noong nireresolba ang kaso at ibinaling sa ibang dahilan.

"Hindi 'eh," tipid kong sagot.

"It was the most brutal case here at Amethy high, hindi ko maisip na may ganoong klaseng mga estudyante," baling ni Quade.

"A-Amie!" Someone called my name. Nabosesan ko naman agad siya kaya napalingon ako. It's Xavien.

"Una na kami sa loob," sambit ni Athena. Hinila niya papasok nang silid si Quade.

"Good morning!" bati ko sa kanya at bahagyang ngumiti, gano'n din siya.

"C-Can we talk for a second?" he asked. Malapit na kami sa silid pero napahinto ako at napakunot-noo. "It's about what happened to Nova. I'm sorry for being hotheaded, nabigla lang ako dahil-"

I quickly pat his shoulder, hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko nang matigil ang sinasabi niya.

"You don't need to explain, Xavien. Apology accepted daw sabi Nova." Pinakita ko sa kanya ang last message sa'kin ni Nova bago kami nakauwi galing sementeryo.

Natigil naman kami saglit nang may biglang tumawag sa kanya. Nakita ko kung sino ito.

"Detective Mori, may problema po ba?" Xavien asked and touched the loudspeaker button, so I could also hear their conversation.

"I need you here with Amie, I think this case is related to your sister based on the evidence that we found."

His eyes completely widened.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top