CHAPTER 15: STALKER

"It's not a fucking accident, hindi ko ito palalagpasin. He hurt the girl I-" Napatigil siya sa pagsasalita nang magtama ang tingin namin.

I'm fully awake now. Kinapa ko ang ulo ko at ramdam ko ang nakapalupot na bandage.

"Don't move." Ang kaninang tigreng boses nito ay kaagad na napalitan ng maamong at mahinahong tono.

Nasa hospital ako ngayon at hindi ko alam ang nangyari. Ang huling naalala ko lang ay ang malakas na pagsigaw ni Chloe, then my eyes went completely shut.

"W-Where's Chloe?" I asked.

Lumapit siya at hinaplos nang marahan ang buhok ko. My heart just pumps faster when his face gets close to mine. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga niya sa sobrang lapit namin sa isat-isa.

"S-She's fine. She will file a case against his ex for leaking her explicit photos to the public. As for you, you should get rest first. Kami na ang bahala sa kaso ni Quade." Bakas pa rin ang pagaalala sa boses niya.

His voice became soft and gently, parang ibang tao ang kausap ko ngayon. Medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa malakas na paghampas sa akin no'ng lokong lalaki.

Lintik na lalaking 'yan!

Pagdating nina Larken, Quade, Athena, at Zeiro sa kuwarto ko ay napuno nang halakhak at ingay. Naririnig ko ang mga kuwento nila sa nangyari kahit hindi naman nasaksihan. Nang ma-discharge ako ay inabisuhan ako ni Mr. Morris na magpahinga muna kahit dalawang araw, hindi naman ako nakatanggi dahil kailangan ko rin 'yun bago ko makita muli sila inay sa maynila.

Makabibisita na ako ulit sa kanila, dala ang perang ipinangako ni Mr. Morris sa akin.

Habang nasa kuwarto ako ay may biglang kumatok, binuksan ko naman agad iyon at bumungad ang gwapo-este mukha ni Xavien.

"Asungot ka! 'di ba may klase kayo ngayon?" nagtataka kong tanong. May dala siyang patong-patong na notebook.

"Oh, para sa'yo!" Muntikan pa mabali ang braso ko sa dami ng notebook. "I wrote all the notes for you, para hindi ka na mahirapan," he said.

Tila naging maamong tupa yata siya ngayon? Sana araw-araw na 'yan.

"May ginawa ka na naman bang kasalanan?" I asked. Inilapag ko ang notebook sa desk at lumapit sa kanya. "Wala ka namang sakit?" I check his temperature pero normal naman ito.

He let out a soft chuckle. "Wala akong sakit. I'm just helping you, don't assume too much," walang ekspresyon niyang sagot.

Ano raw?

"Don't assume ka r'yan, feeling ka. Hindi naman kita gusto!"

Gustong-gusto lang. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"I-I need to go back, may klase pa ako 'di ba," nauutal niyang wika.

"Oo, kaya pumasok ka na," sagot ko. Nagmamadaling umalis ang huli at mabilis ko ring sinara ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko ng walang sa oras, ang lakas ng tibok nito. Did I just fall in love with him?

That goddamn look of him tells everything or am I just really assuming?

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

AFTER two days, masigla na ulit ang lagay ko. Nagpaalam na rin ako sa adviser ko na uuwi ako sa amin, she knew about that because Mr. Morris informed her before I even started my class here at Amethy High. Marami akong natutuhan sa mga nagdaan na buwan.

For me, it was really a rollercoaster adventure as we discovered and solved cases together with Xavien, Larken, and Zeiro. While on the other hand, Athena is also trying her best. She also wanted to follow in his father's footsteps to be a genius detective.

Gusto ko pa sanang ma-meet ang dad niya kaso nasa ibang bansa ito.

"So, you really did disobey me, you little Amie?" dismayadong pagsalubong ni Nova. Umupo muna kami at masaya akong sinalubong ni Inay.

Mahigit tatlong buwan ko rin silang hindi nasilayan simula no'ng ipinaalam ko sa kanila na may dormitory na akong nahanap. Hindi ko sinabi ang buong detalye pero alam ni Nova ang mga patakaran sa Amethy. Walang lusot ang mga pagsisinungaling ko kay inay, mabuti na lang ay wala siyang sinabi tungkol sa eskwelahan na pinasukan ko.

"Did you see him around?" Nilapag niya ang cake sa mesa. "Parati ba kayong nagkikita?" I know he's referring to Xavien, naalala ko pa ang huling pag-uusap namin bago ako tumuntong sa Amethy High.

Tumango ako. "I met him on my first day at Amethy, pati na rin si Larken. But he's too busy, parating hindi pumapasok at bigla-bigla na lang lilitaw," sabi ko. Nang tingnan ko siya ay seryso ang tingin niya.

"May sinabi ba sila sa'yo na tungkol sa 'kin?" muli niyang tanong.

Umiling ako at ibinaba ang hawak kong kape. Now, this conversation is getting weird. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ito o hindi na.

"I didn't mention your name to them, pero may isang nakakakilala sa'yo," wika ko.

Napukaw naman ang atensyon niya at lumapit sa'kin. "Sino?"

Bago ko sabihin ang pangalan ay dumating si inay at umupo sa tabi namin.

"Si Athena," bulong ko.

Dahil nga sabik na sabik siya sa pagbabalik ko ay buong araw lang kami nagkwentuhan at nagtawanan, doon lang umikot ang araw ko. Kinabukasan ay babalik na naman ako sa gawi ko, makikita ko na naman ang asungot na laging nagsasalubong ang kilay.

Gusto pa sanang makipag-usap sa'kin ni Nova, madami rin sana akong ikukwento sa kanya sa mga nangyari, pero sa susunod ko na lang na dalaw. Naipatago ko na rin ang allowance na natanggap ko kay Mr. Morris, kahit singko ay wala akong ibinawas at buo ko itong ibinigay kay inay.

"Mag-ingat ka, ha. 'Wag laging magpupuyat at 'wag mong pababayaan ang sarili mo ro'n," bilin niya bago ako umalis.

Nginitian ko siya na may pagtango at bahagyang natawa dahil tono ng pananalita niya ay parang sermon na ito.

"Opo, nay!" I said as before I bid my goodbye to them.

Pinagbaunan pa nga ako ng maraming pagkain na niluto niya, siyempre hindi mawawala ang paborito kong adobo. Alam niya na hindi ako makakatanggi kapag adobo na ang usapan. Lakas talaga!

"Isa lang naman ang bilin ko sa'yo, don't trust someone who will repeat the same mistake they did," he said. Niyakap niya ako nang mahigpit bago lumihis sa paningin ko.

Habang nasa sasakyan ay may natanaw akong mga bata na naglalaro sa isang malaking playground, hudyat ito na malapit na ako sa eskwelahan ng Amethy High. Medyo may kalumaan na pero nalalaro pa rin nang maayos ng mga bata.

"Nandito na tayo ma'am," sabi ng driver habang pinapatay ang makina ng sasakyan. Bumaba na ako at nagpasalamat kay manong driver, sobrang haba pa naman ng biyahe papunta rito mahigit apat na oras din.

Bumalik na ako sa dorm at hindi na muna kinamusta sina Xavien, Athena at Quade dahil sa pagod, siguro bukas na lang. Hindi na ako nagpalit o naligo, agad kong niyakap ang malambot na kama.

I need some sleep and peace of mind for now.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

WALANG klase ngayon dahil may meeting daw sila Mrs. Valdez sa faculty room. Naiwan na naman kami rito sa silid dahil hindi kami pinahintulutan lumabas. Panay tsismis ang naririnig ko tungkol sa mga mag-dyowa, kesyo may kabit daw, nahuli at iba pa.

"Si Athena hindi pa bumabalik?" tanong ko kay Quade habang nilalaro niya ang hawak na rubik's cube gamit ang isang kamay.

Sa paningin ko, hindi na nakakabigla o bago 'yun. Araw-araw ba naman siyang naglalaro niyan. He's also good at everything, especially in sports.

Umiling lang siya at hindi man lang tumingin sa 'kin kaya pinanliitan ko siya ng mata. Ginawi ko ang tingin kay Xavien, his head is lying down on the chair-sleeping, hindi ko na siya inabala pa. Mukhang puyat din ata.

"What happened yesterday? I didn't see you around," Zeiro asked.

"I just visited my family in Manila, 'yun kasi ang napagkasunduan dito sa school na pwede ka umuwi ng isang beses kada buwan. Ang kaso lang naging busy ako nitong nakaraan kaya hindi ako nakadalaw sa kanila," paliwanag ko.

"I thought you're an orphan?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Huh? Sino nagsabi niyan?" tanong ko.

"Larken told me." Baliw talaga 'yang lalaking iyan kung ano-ano ang sinasabi kay Zeiro tungkol sa'kin.

Sasapakin ko talaga siya kapag nagkita kami!

"Nawawala si Chloe!" sigaw ni Athena mula sa likuran ko. Pawis na pawis at sobrang gulo ng buhok niya.

"Ano?!" tangi kong sambit at tumayo ako para lapitan siya. Ang iba naman ay nagkikiusyoso dahil sa sigaw ni Athena.

"Hindi pa umuuwi sa dorm si Chloe dahil wala ang pangalan niya sa listahan," aniya. Bigla naman kumabog nang mabilis ang puso ko sa pag-aalala, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Kapag lagpas na sa oras umuwi ang mga estudyante ay kailangan nilang ilista ang pangalan nila at iwan ang I'd para isabit, pero sabi ni Athena ay walang kahit na anong gamit ang iniwan ni Chloe. Nagpaalam daw siya sa adviser na may pupuntahan lang pero hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik.

Hindi naman namin maabala agad ang mga guro dahil nga ang buong department ay may meeting ngayon.

"What happened?" tanong ni Xavien na nagkukusot ng mata. Isinandal niya pa ang kanang kamay sa balikat ko.

"Chloe is missing, we need to find her!" Tila nabusan ng malamig na tubig ang katawan ni Xavien dahil sa gulat ng sabihin muli ito ni Athena.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at sinundan si Xavien. Nang makarating kami sa kuwarto ni Chloe ay halos mapatakip ako ng bibig. Sobrang gulo ng kuwarto niya, lahat ng gamit ay nagkalat sa lapag at may mga sticky notes na nakalagay sa ibat-ibang sulok ng pader.

"You are delusional monster."

"I can see you."

"You can't escape no matter what you do."

"I will kill you!"

"'Till death do us part."

Ginalugad namin ang buong kuwarto niya para maghanap ng gamit o kung may naiwan na mahalaga si Chloe sa kanyang kuwarto.

"I found one!" sambit ni Xavien.

Nagkatinginan pa kami ni Athena bago lumapit kay Xavien. "A-Anong nahanap mo?" tanong ko. Ipinakita niya sa'min ang isang lukot na papel.

"This code. I don't know it," sabi ni Xavien. Kinuha ko sa kanya ang papel at maigi itong tiningnan.

Nakita kong may isang column na nakalagay may pagkaka-halintulad siya sa Vigenère cipher. I used it again, but I can't decipher this code. Masyadong detalyado at mahirap.

M B V A R

L G E W Z

O C Q X F

U H J D Y

N P S I K

"I can't decipher this. Magkatulad lang sila pero sobrang hirap intindihin," aniya ko.

Naghanap ako sa bookshelf ni Chloe, at iyon lang ang tanging gamit niyang hindi nagulo dahil sobrang taas. I quickly opened it and searched through some books. May mga Sherlock Holmes books din siya at kumpleto pa ito.

Sanaol!

Until I found something in one of her books, may nakasukbit na papel-bookmark pala. Nang buksan ko ay binigyan ako nito ng ideya dahil sa nakasulat.

"Playfair cipher?" Kumunot ang noo ko. Pilit kong inaalala ang mga nabasa ko dahil parang gumawi sa isip ko ang salitang ito.

Ilang saglit pa bago ko ito naalala. Nasa isa sa mga librong ibinigay ni Quade ang ganitong cipher, hindi ako pwedeng magkamali.

"Babalik ako!" bulalas ko.

Lumabas ako at bumalik sa kuwarto. Hinanap ko ang libro at mabuti na lang ay nasa table ko lang ito. Paglabas ko ay may nakasalubong ako na babae.

"Magsisimula na raw ang klase, bilisan niyo!" sambit ni Eya, Auditor ng seksyon namin. Tumango naman ako at bumalik sa kuwarto ni Chloe.

"It's playfair Cipher, kaya magkatulad ang dalawa." Dahil mabigat ang libro ay ginamit kong pantukod ang kaliwang hita ko at hinanap ang pahina. Nakita ko naman ito agad.

The Playfair cipher was the first practical digraph substitution cipher. The scheme was invented in 1854 by Charles Wheatstone but was named after Lord Playfair who promoted the use of the cipher.

It was used for tactical purposes by British forces in the Second Boer War and in World War I and for the same purpose by the Australians during World War II. This was because Playfair is reasonably fast to use and requires no special equipment.

Kung susuriin ay may nakasulat na key at plaintext. Walang nakalagay sa gilid ng key pero sa plaintext ay may ibat-ibang magkakahalong letra.

"S...E...Z...U...V...A...M...L...I...X" Inisa-isa kong basahin ito habang palipat-lipat ng tingin sa lukot na papel at sa instructions ng playfair cipher. Medyo mahirap ito at iisang column lang ang kailangan kong i-decipher.

"Based on the column it consists of ten letters, we should find the first two letters," Xavien said. We both nodded and looked back at the crumpled paper.

Halos pagpawisan na ako kakaintindi nito pero hindi pa rin namin mahanap, tiningnan ko ang orasan at may sampung minuto pa kaming natitira. Hindi na kami pwedeng mahuli sa susunod na klase dahil tiyak akong detention ang aabutin namin.

"I found the first letter." Kinuha ni Xavien ang isang katabing notebook na lukot din at ballpen. "P is the first letter, based on the cipher, and my understanding of it."

The initial alphabets in the key square are the unique alphabets of the key, in the order in which they appear, followed by the remaining letters of the alphabet in order.

"Plaintext is split into pairs of two letters of digraphs. If there is an odd number of letters, a Z is added to the last letter," sabi ni Athena. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Pair cannot be made with the same letter. We should first break the letter in single and add a bogus letter to the previous letter," aniya pa. Madali ko naman itong naintindihan dahil nagsusulat siya ng mga halimbawa.

"So, the next letter should be L, right?" I asked in confusion.

"Yes, if both the letters are in the same column, we should take each one of the letters below and go back to the top if at the bottom," Xavien said.

"But if both the letters are in the same row: Take the letter to the right of each one and going back to the leftmost if at the rightmost position." Napagawi naman ako kay Athena ng magsalita siya. Sumasakit na talaga ang ulo ko para lang intindihin ito.

"Then this should be the right code from it," sabi ko. Ilang saglit pa bago ko maiging naintindihan ito at isa-isang isinulat sa papel.

P-S

L-E

A-Z

Y-U

G-V

R-A

O-M

U-L

N-I

D-X

"Playground," sambit ko. I felt there is something wrong in this code. Nakita ko na lang ang sarili ko papalabas ng eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit hindi kami sinita ng guwardiya. Wala na akong pakialam pa.

I immediately went to the nearest playground, baka may kinalaman ito sa pagkawala ni Chloe. Nang makarating kami ay maraming tao na ang nagkukumpulan sa paligid ng sliding.

I was shocked to see Chloe's pitiful expression as Felix choked her while holding a knife aimed at Chloe's neck.

"Get back! I will kill her!" sigaw ni Felix.

Sa ekspresyon ng mukha niya ay sabog ito at parang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa mata niyang mugto at namumula pa.

"We need back up here, Mori! ASAP!" sambit ni Xavien nang tawagan agad ang detective.

Hindi kami makalapit sa kanya dahil ano mang oras ay pwede niyang gilitan ng leeg si Chloe. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa harap niya, hindi ko rin mapigilang mapaluha habang sinusubukang tulungan siya.

Mas ikinagulat ko ang bomba na nakapalupot sa katawan ni Chloe. He is really a fucking Psycho! Hindi na dapat siya pinayagang mag-aral dito.

"Sa'kin ka lang, Chloe!" sigaw niya. "Kung hindi ka mapapasakin, sabay tayong mamatay!" Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng ugat sa sintido ko dahil sa inis sa kanya at nakuha pa nitong humalakhak.

Mabilis naman nakarating si Detective Mori. "There is a bomb attached in her waist we can't just-" Nagulat ako ng agawin ni Xavien ang baril na hawak ng isang pulis at ipinutok ito. Sa sobrang lakas ay napapikit ako. I was shocked.

Fuck?! Did he just pull the trigger?

Tumama ito sa kaliwang braso ni Felix na nagpatumba sa kanya. Mabuti na lang ay napigilan agad siya nang dumating ang limang lalaki na nakausap namin, napag-alaman din nila ang nangyari.

"Sasabog na ang bomba!" sigaw ni Felix at sinabayan ng malakas na halakhak. Lahat kami ay napaatras.

"Xavien, do something!" Athena shouted. "Alam kong magaling ka sa bagay na 'yan, you can detonate that bomb." Sunod-sunod ang pagkagulat ko sa mga nangyayari ngayon.

Nilapitan ni Xavien si Chloe at sinusubukang pakalmahin ito. Nanginginig na ang kamay ko at punong-puno na ng pawis ang katawan ko sa kaba.

"Xavien, you can do it," bulong ko, sapat na ang lakas niyon para marinig niya.

"2 Minutes left!" sigaw ni Xavien. Lahat kami ay lumayo pero tanaw ko pa rin ang pagputol niya ng wire nito.

Mas lalo akong kinakabahan dahil maling putol niya lang nito ay siguradong patay silang dalawa.

"3 wires left, isang minuto na lang ang natitira!" Kinagat-kagat ko na ang kuko sa kaba. "Ten seconds," sambit niya pa.

Bakit nagdadalawang-isip pa siya kung ano ang puputulin? Kitang-kita ko ang kaba niya base sa panginginig ng kamay at hindi alam kung ano ang puputuling wire kung 'yung asul ba o pula.

"5...4...3...2...1..." He completely cut the last wire.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top