CHAPTER 14: DEATH NOTE

"Wait! Anong ibig sabihin ng code na 'yan? Dante and Virgil?" tanong ni Xavien.

"The painting depicts Dante and Virgil looking on as two damned souls that are entwined in combat," sabi ko habang may binabasa sa libro. I look at the page where the codes are connected to it.

Page 172.

"One of the souls is an alchemist and heretic named Capocchio. In this depiction, Capocchio is being bitten on the neck by Gianni Schicchi who had used fraud to claim another man's inheritance."

"Then this might be..." I was wondering if our thoughts are the same behind the painting. "A portrait of what it means to be in Hell," Xavien stated.

"I was checking on the information about this lately and what I got is that Dante and Virgil were painted in 1850 on canvas by the French academic William-Adolphe Bouguereau," aniya.

Nakuha ko naman agad 'yun, pero bakit nagpadala ng ganito si Quade? How do Dante and Virgil connect in his deductive disappearance?

"I know where he is," Xavien said. Nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan siya palabas ng school.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Athena.

"At the Museum," Xavien answered him. Sumakay na kami sa pumaradang taxi at nagtungo sa isang sikat na Museum. Nagbayad kami at bumaba.

Unang beses ko pa lang makapunta sa ganitong klaseng lugar. Agad naman kaming pinahintulutan na pumasok ng guard kahit na gabi na, kilala rin pala ni Xavien ang mismong naka-duty ngayon. Hindi nga namin inaasahan na makikita namin si Quade. He's looking at one of the most known paintings in the Philippines, the Spoliarium.

"It took you about 9 minutes and 24 seconds to arrive here. That's a record breaking, Xavien." Mahinang pumalakpak si Quade at lumapit sa amin.

"It's just a piece of pie to me," pagyayabang niya na may pagngisi pa.

Piece of pie raw, 'eh, halos ako nga ang nakahula niyon. Ang yabang talaga.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Niyakap ni Athena si Quade ng mahigpit at siya namang tinapik ang likod nito.

"That's just a part of a death note," Quade mumbled. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Death note?

Nakita ko ang paglunok ni Xavien ng madiin at tila maraming pumapasok sa isip niya ngayon. "H-Hindi ka nagbibiro? You took that fucking case?" Hindi makapaniwalang sabi Xavien.

"I don't have a fucking choice. If I don't solve it within a month, I would end up like them," sabi niya. May pagtaas ang boses niya na parang galit.

Ano ang ibig niyang sabihin do'n at parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan?

"That will never happen," Xavien exclaimed. Bago pa sila magkainitan ay lumabas na kami ng museum at bumalik sa kanya-kanyang dorm. Wala na akong lakas ng loob na tanungin siya sa bagay 'yun.

It's already midnight at may pasok pa kami bukas. Naligo ako at pinatay na ang ilaw saka ipinikit ang mata.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

"IKAW ba si Xavien?" tanong ng isang babae habang kumakain kami sa Canteen. Nakasalamin ito at may hawak pa na mga libro. Pamilyar ang hitsura niya kaya namukhaan ko agad.

Tumingin ako kay Athena at tumango siya na senyales na naalala ko ang pinag-usapan namin sa telepono bago kami nakabalik dito sa Amethy.

It was a hell adventure; I didn't expect the island would sunk like that. Hindi pa rin nag-sink-in sa utak ko ang mga nangyayari noong mga oras na 'yun.

Tumingin ako sa babaeng nasa harapan namin. She is one of the top students here at Amethy High and I heard that she's also an influencer. Chloe Amelia Madison. 17 years old. Tumango naman si Xavien sa kanya habang may sinusubong pagkain.

"Can I talk to both of you, privately?" She sincerely asked our permission. Tinapos na muna namin ang kinakain saka siya sinamahan para pag-usapan ang pito niyang stalker.

I can't imagine having seven different stalkers, this isn't just a typical case. Palala ito nang palala.

Nasa tapat kami ng green garden, isang study open area. Katapat lang nito ang Library kaya bihira lang talaga na may estudyante rito.

"Amber told me about the seven stalker, kilala mo ba silang lahat?" Xavien asked. Tumango naman ang huli at may ibinigay sa kanyang mga litrato.

Nanlaki na lang ang mga mata ko at agad na tinakpan ang mata ni Xavien saka kinuha ang mga litrato sa kanya dahil may iilan na kita ang maseselan na parte ng katawan ng babae. Tinanggal naman agad ni Xavien ang kamay ko at tumingin sa akin nang masama.

"I saw a lot of girls naked. Kaya hindi na bago sa akin 'to, you don't have to cover my eyes. I'm not a child, Amie," anas niya.

Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya.

"They've been stalking me for month at palala nang palala ang mga natatanggap kong mga litrato. I have to stop my vlogging because of this," sabi ni Chloe na takot na takot.

Nanginginig ang mga kamay niya at panay ang punas sa tumutulong pawis nito sa noo.

"I even got a death threat from one of them. Kapag hindi raw nila ako pinagbigyan sa gusto nila, they will expose all my photos they'd took," she explained, still her voice is shaking.

Ibig sabihin ay mabigat na kaso ito at hindi basta-bastang stalker lang.

Maybe one of them is also influential and rich, kaya kahit mabahiran siya o nang kanyang pagkatao ay malilinis din niya ito agad ng hindi man lang kumikilos. I know them, they easily manipulate you with their words. At kapag nakuha ka na nila bilang pain ay paglalaruan ka na sina sa mga kamay nila na parang isang puppet.

"Don't worry, we will help you." I gave her a reassuring smile. "You just need to cooperate with us to catch those seven stalkers at kung sino sa kanila ang nagpadala sa'yo ng death threats."

Sa ganitong paraan, sana ay gumaan ang loob niya. Bumalik na kami sa silid kung saan ang susunod na klase naming. Hawak-hawak ko pa rin ang binigay ni Chloe na mga litrato at isa-isang pinakita ito kina Quade, Athena at Zeiro.

Larken is nowhere to be found. Nasaan na naman ba ang lalaking iyon? Did he ditch me again? I told him not to cut class, but he never listens to me. Patay talaga sa'kin 'yon!

"We need to get some information. Kailangan natin makilala ang pitong lalaki na umaaligid kay Chloe," Xavien said. Tumango ako habang may isinusulat.

Kung isang stalker pa lang ay creepy na paano pa kaya kung may anim pang dumagdag? It could lead her to heavy trauma and anxiety.

"Hindi niyo kaya ito kung kayo lang dalawa ang lulutas nito, baka isa sa kanila ay may koneksyon sa may kapangyarihan," Zeiro added. Tumango kami na may pagsang-ayon sa sinabi niya.

Halos hindi kami maubusan ng problema. Una ay ang death note case ni Quade, sunod naman ang seven stalker ni Chloe.

Pagkatapos ng klase namin sa chemistry ay nagtungo agad kami sa Green Garden. Nakita namin na naghihintay si Chloe roon at tila hindi mapakali.

"Sinusundan pa rin nila ako," bulong ni Chloe. Nanginginig ang boses niya at may ipinakitang larawan sa amin. 'Yun ang larawan na kinuhaan ng isa sa kanila habang nag-uusap kami rito kanina.

Ibig sabihin ay nandito nga lang sila sa paligid at palihim kaming pinagmamasdan. Inilagi ko ang mata sa paligid, pero wala naman akong makita na sumusulyap sa amin.

"Sino-sino ba ang pitong lalaking ito?" tanong ni Xavien.

May inilabas na notebook si Chloe at ibinigay ito sa amin.

Nang ibuklat ko ang unang pahina nito ay nakasulat ang mga pangalan nila. Una ay ang basketball player na si Kyree Josh Clemente. 18 years old, and a grade 12 student here at Amethy High.

He's a STEM student. Magiging madali lang sa amin ang paghahanap sa kanya dahil nasa department na namin siya. Sa sumunod na pahina ay si Felix Aaron De Silva, 17 years old. ABM student.

Ang sabi sa amin ni Chloe, ex-boyfriend niya raw si Felix at isang beses ay nakita niya na sumusulyap ito sa kuwarto niya at palihim na pumapasok sa bintana tuwing madaling-araw. Nakuhaan pa 'yun ng cctv sa bahay nila.

Ang creepy naman! Pero he could be our lead suspect.

May lima pang mga lalaki, sina Dylan Toledo, Alonzo Galvez, Jayden Cleo Villegas, Josh Martin Sison, and Lawrence Sebastian Ledezma. Silang lima ay mula sa HUMSS Department, nakapagtataka lang kung bakit ganito karami ang mga kalalakihan na obsessed sa kanya.

At hindi magandang bagay ito lalo na kapag mag-isa lang si Chloe, who knows what they can do to her?

I get it. She's pretty, smart, and talented. Kumbaga nasa kanya na ang isang standard ng babae na hinahanap ng isang lalaki. However, because of that, she also experienced anxiety and depression from her seven stalkers.

Kahit ako ay mababaliw kung ako ang nasa kalagayan niya.

"We will get back to you as soon as possible, kailangan lang namin ng konting oras–" Bigla na lang tumunog ng sabay-sabay ang phone namin. Nagtaka kami at tiningnan ito.

Halos mapatakip ako ng bibig. One of the stalkers exposed all Chloe's photos, nanginginig ang kamay niya nang makita ito. Buti na lang ay nasalo ni Xavien ang cellphone niyang nahulog.

Napaupo siya habang tumutulo ang luha sa magkabilang pisngi. Tiningnan ko maigi ang mga larawan, napansin ko na sa dulo nito ay makikita ang anino ng isang lalaki, hindi ito malinaw pero ang postura ng katawan nito ay parang hindi katangkaran ang lalaki.

Kinuha ko ang cellphone ni Chloe kay Xavien at pumunta sa gallery niya. Napakarami niyang litrato na halos nasa sampung libo na yata. Sinubukan kong maghanap ng kahit na anong larawan ni Chloe at habang nag-swipe ako nang mabilis ay napabalik ako sa isang picture. Mag-isa lang si Chloe ro'n pero kung susuriin ng maigi ay parang may isang lalaki na nakatayo sa puno.

Ang larawan ni Chloe ay naka-peace sign siya, suot ang kanyang uniporme at ang kulay rosas na bilugan niyang salamin. Nang i-zoom ko ito ay makikitang may isang lalaki na sumusunod sa kanya. Ilang litrato pa ang nakita ko na siya rin ang pasulyap-sulyap. Hindi yata ito napansin ni Chloe sa dami niyang litrato.

Nakasuot ito ng pulang jacket, isang clue na ito sa stalker ni Chloe. Masyadong blur ang litrato kaya mahihirapan kaming makilala kung sino ito.

Nag-ring na nga ang bell at hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak si Chloe.

"Gagawin namin ang lahat para maparusahan kung sino man ang nagpakalat ng maselang litrato mo," sambit ni Xavien. Sinamahan niya ito na makabalik sa klase at inalalayan naman siya ng kaibigan nitong babae.

Si Noemi Buenavidez, kaklase at kaibigan ni Chloe. Mukhang wala rin siyang alam patungkol sa stalker na laging nakamasid sa kaibigan niya at mukhang walang balak na ipaalam ni Chloe ito sa kanya.

"S-Salamat," tanging sambit ni Chloe habang nakayuko at nagpupunas ng luha. Nagpaalam at dumeretso na kami pareho sa susunod naming klase.

Matapos ang mahabang lektura sa amin ay nag-unat ako. Nakaramdam ako ng biglaang may kumalabit sa'kin.

"Did you find who the stalker is?" Larken asked.

I shook my head. Tumayo ako at binitbit na ang bag kong sobrang bigat. "Hindi pa, we don't have enough evidence to prove which among them is the stalker. Xavien and I need to talk to seven boys," I said. Hinila na lang bigla ni Xavien ang dulong bahagi ng bag ko papalabas ng silid.

Pumunta kami sa Library kasama si Chloe, mahigpit ang kapit niya sa palda ko na konti na lang ay mahuhubo na ito. Takot na takot pa rin siya. Nakahinga naman kami nang maluwag dahil parang normal pa rin at wala raw kahit na isa sa mga kaklase niya ang nakakita ng kinalat na litrato.

"I took an action on it. Pinadala ko ang link ng litrato na pinakalat ng stalker kay Larken, and he took the post down already, but we couldn't see the coordinates to find that little shit." Xavien's jaw clenched.

Hindi maitago ang galit at panlilisik ng mata niya nang makaharap ang pitong lalaki. Nagtataka sila bakit sabay-sabay silang pinatawag.

"One of you is Chloe's stalker," pangunang sabi ni Xavien. "Did you all know that it's illegal to post someone's picture or leak their personal information?"

Hindi nakakibo ang mga huli at ang isa ay ngumisi sa kanya saka marahang lumapit.

"There's a law from that at magsisisi kayo kung isa man sa inyo ang mo gumawa nito," he added.

"Stop playing with your shit, dude. What do you want?" Sinamaan siya ng tingin ng lalaki at ngumisi ito, pero napaatras din dahil sa sinabi ni Xavien.

"Do you want me to leak your scandal video?" Nanlaki rin ang mga mata namin ni Chloe dahil sa sinabi niya. Natikhim naman ang lalaki at napaatras.

"Don't say nonsense thing, Xavien. I don't know what you're talking about." Nagsukatan muli sila ng tingin.

"We'll see about that."

Pumasok na kami sa Library at tahimik na naupo. Isa-isa niyang tinanong ang mga lalaki at pagkatapos niyon ay may nabuong konklusyon sa kanyang isip.

"A-Alam mo na ba kung sino ang stalker?" Nanginginig ang boses ni Chloe nang magtanong siya.

May dalampung minuto pa kami bago matapos ang lunch break, medyo nahihirapan akong intindihin ang mga paliwanag nila dahil paligoy-ligoy ang mga sinasabi.

Si Kyree ay busy raw siya sa practice nila, habang si Felix naman ay tinutulungan niya ang dad niya sa company nila.

Si Daylan at Alonzo ay inaming isang beses daw nilang in-i-stalk si Chloe, pero noong nakaraang taon pa raw 'yun, but that also counts. Sina Jayden at Josh naman ay nag-eensayo para sa darating na kompetisyon nila ng Arnis sa ibang bansa, kaya impossible na sila ang stalker nito. At isang beses lang naman daw sila nakipag-usap kay Chloe.

Nothing more, nothing less.

Ang huli ay si Lawrence Sebastian, he's busy making a research study dahil malapit na ang defense nila. Base sa mata niya ay puyat na puyat ito. Pinatunayan niya pa ito nang maglabas siya ng mga litrato ng barkada niya. Tiningnan namin ang date kung kailan nila ito kinunan. Wala namang kahina-hinala, isa lang ang sigurado ako pero nagdadalawang-isip ako kung siya nga ba 'yun.

Si Felix—her ex.

"You said you're helping Mr. De Silva Sr. At his company, right?" tanong ni Xavien kay Felix.

He nodded immediately and looked away. "He said, he's in a business trip for almost a month, and you didn't even reply to him once?" Xavien added.

"B-But how, Imposible 'yun!" Napalunok siya nang madiin at agad na nagpunas ng tumutulong pawis.

"You're really testing my patience, De Silva." Pumagitna na ako. I think Xavien is out of control in his words, kaya hinigit ko ang braso niya at napatingin naman ang huli. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pagtitig kong iyon.

Bumuntong-hininga ito at umatras sa lalaki.

I also sighed heavily. "You're the one who stalked Chloe and post her sexual photos in public. The evidence is clear that you're no longer connected to your father nor his company," galit kong saad.

"I did that because I fucking loved her!" sigaw niya. Nagtitinginan na ang mga estudyante at rinig ko ang mga bulong nila.

Shit! I can't believe she trusted her obsessed ex-boyfriend.

Agad kong itinago sa likod ko si Chloe at hinarang naman ni Xavien ang kamay niya. Hindi naman magawang lapitan ni Felix si Chloe dahil marami nang estudyante ang nagkukumpulan sa harap namin at nakikiusyoso.

Nagwala na lang siya at pilit na hinahatak sa amin si Chloe. Lumayo ang ilang lalaki, habang ang iba ay pinipigilan siya. Wala kaming nagawa kung hindi ang tumawag agad ng pulis.

Nahawakan niya si Chloe sa braso na takot na takot. I have a chance to kick him in his private part at ginawa ko nga iyon. Napaluhod na lang siya sa sakit. Saka kami tumakbo paalis, pero napahinto kami dahil bigla akong nakaramdam ng mabigat na bagay na tumama sa ulo ko at natumba.

I heard Chloe's scream before my eyes completely closed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top