CHAPTER 13: DANTE AND VIRGIL
Sinamahan kami ng ginang patungo sa sinasabi niyang isang babae na wala na raw buhay at labas pa ang mga lamang-loob. Kahit isang bar lang ang signal na mayroon sa mga phone namin ay gumawa pa rin kami ng paraan para matawagan agad ang mga pulis.
Malayo kasi ang bayan kung saan nakadestino si Detective Mori at ang iba pang mga kasamahan niyang detective. Ilang oras pa bago sila makakarating dito, pero dahil nga galing na sila rito kanina ay baka mapabilis ang pagpunta nila.
"Papunta na raw sila," sabi ni Xavien. "Medyo matatagalan lang, kaya kailangan nating alamin kung totoo nga ba na aswang ang pumatay sa babae."
Pagdating namin doon ay maraming tao ang nagkukumpulan, kaya naman sa tulong ni Manong Protacio ay napalayo namin ang mga taong nasa pinangyarihan. Para na rin sa kaligtasan nila. Nakakairita ang daming marites sa paligid!
Ang biktima ay isang babae na si Genna Cuenca, 22 years old. Buntis ito, pero nang matagpuan nila ay wala nang buhay at halos hindi ko masikmurang tingnan ang bangkay niya na nilalangaw pa.
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot, pero kailangan naming mapatunayan na hindi aswang ang may gawa nito. Sa may bandang tiyan niya ay labas ang bituka nito na nakapagpasuka sa akin.
Worst trip and my worst nightmare.
"Okay ka lang?" tanong ni Xavien. Hindi ko masasabi kung okay ako pero tumango pa rin ako. "Mas maigi na magpasama ka muna kay Manong Protacio pabalik sa bungalow house."
Tumanggi naman ako. "Hindi na, kaya ko 'to," sabi ko at mapait na ngumiti. Naupo muna ako sa isang mahabang kahoy na upuan habang sinusuri nila Zeiro at Xavien ang bangkay, pinaalam na rin nila sa mga taong naroon na mga detective kami.
Medyo madilim na ang paligid. Tanging nag-iisang ilaw lang ang nagpapaliwanag sa pinangyarihan, ilaw mula sa sa tindahan ni Aling Nena.
"May nakakita po ba sa pangyayari?" tanong ni Zeiro. May isang babae na lumapit sa kanya. Naka bestida ito at buntis rin, medyo bata siya at parang nasa bente anyos pa lang.
"A-Ako ang nakakita. Kaibigan ko si Genna, h-hindi ko alam na ganito ang sasapitin niya sa aswang." Halos maghumpasay siya sa sahig at umiiyak. Dinamayan naman siya ng mga matatanda.
Ilang saglit pa ay dumating na rin si Mr. Mori agad akong nagtungo sa pinangyarihan, kinuha na nila ang gutay-gutay na katawan ni Genna para sa autopsy na gagawin.
"Impossible na isang aswang ang may gawa nito, masyadong planado ang pagkakapatay sa babae at marahil ay kakilala niya lang ang gumawa nito," pagsasalaysay ni Detective Mori.
Sinuri pa nila ang buong lugar kung may mahahanap silang kahit anong ebidensya para mapatunayan na tao ang pumatay sa kanya at hindi isang aswang.
"Pero nakita namin ang aswang, nanggaling siya ro'n." Tinuro niya ang isang madilim na lugar. Pinuntahan 'yon ng mga SOCO pero nagulat sila sa nakita nila.
"May isa pang bangkay dito!" sigaw ng isa sa mga detective. Lumapit kami at tiningnan ito. Nakita namin na wala ng buhay ang isang lalaki.
Nagkatinginan kami ni Xavien at nanlaki ang mata ko sa hawak ng bangkay. Isang bulaklak. It's Vanda Coerulea, also called as blue orchid.
Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam ang magiging susunod kong reaksyon ng makita ito. My heart started to beat faster and beads of sweats are flowing down on my face.
"N-Nasundan niya tayo," wika ko. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.
Inilagi ko ang tingin sa paligid. Nakatitiyak akong nandito siya ngayon at pinagmamasdan kami.
"We need some evidence, maghanap pa tayo," bulong ni Xavien sa akin.
May tatlo pang saksi na nakakita ng pagpatay kay Genna. Nagbigay sila ng statement tungkol sa nakita nila.
Una ay si Jerome Lemuente, 19 years old. Bibili raw sana siya sa tindahan ng may mapansin siyang kakaiba. Habang naglalakad ang biktima, may sumusunod daw sa kanya pero pinagwalang-bahala niya lang ito.
"Pwede mo bang ilarawan sa amin ang nakita mo?" tanong ni Xavien.
"Mahaba ang buhok niya hanggang baywang, maliit lang ang katawan, at malalapad ang kanyang mga kamay," pagsasalaysay niya.
Sumunod naman si Feurel Jacinto, apo ni Aling Nena Jacinto na may-ari ng tindahan. Napansin niya rin daw ang babae na kanina pa pabalik-balik at parang may hinihintay, pero dahil nga busy siya sa paggawa ng proyekto hindi na niya ito pinansin.
Ang huli ay si Sheira Valdez, papunta raw sana siya sa bayan para mamalengke, gawain niya na raw ito dahil madaling-araw pa raw sila naghahanda ng iluluto para sa ititinda nila kinabukasan.
"Hindi niyo rin ba napansin ang lalaking namatay sa damuhan?" tanong ni Detective Mori. Lahat sila ay iisa ang sagot, hindi raw.
"Do you think one of them is the murderer?" Narinig ko ang sinabi ni Zeiro kay Xavien habang nakatalikod ako sa kanila.
Humarap ako agad at nakita ko ang pagtango niya. "Hindi aswang ang pumatay sa kanila," sabi ni Xavien.
"Nakita ko ang aswang, imposible! Kitang-kita nang dalawa kong mga mata kung paano niya nilapa si Genna kanina at si Christopher," saad ni Sheira.
Bigla na lang lumawak ang ngiti nilang dalawa na para bang alam na nila kung sino ang salarin sa pagpatay.
"Nilapa? We did not figure it out or say that they are both killed by a mythical creature, since the autopsy is on-going," sabi ni Zeiro. "Mukhang may alam ka sa pagkamatay ni Genna at ng isa pang lalaki. Are you...the killer?" Ngumisi si Xavien ng nakaloloko kay Sheira.
"Hindi ako ang pumatay sa kanila!" sigaw niya. Kinuyom pa niya ang kamao at parang handa itong saktan si Zeiro.
"How can you possibly know the dead man's name; we didn't mention any name?" Lumapit ito at nagsukatan sila ng tingin.
"Isa ka rin ba sa nagpadala ng bulaklak na ito?" Matalim siyang tumingin na may pagngisi kay Sheira. Hindi ito makasagot at takot na takot.
Napatingin ako sa isang papalapit na lalaki na may dalang supot na parang may kung anong tumutulo dito.
"Nahanap na po namin ang mga nawawalang parte ng katawan nila," saad ng isang detective.
"Sa akin 'yan!" sigaw ni Sheira. Agad niyang inagaw ito na kinabigla naman naming lahat.
Ang ibang mga tao ay nag-alisan at bumalik sa kani-kanilang tirahan dahil sa takot. "Now, we know that humans are scarier than a tale of a mythical creature," wika ni Xavien.
Dito ko lang napagtanto kung paano nila nalaman na siya ang pumatay. Una ay ang dahilan niyang pagpunta sa palengke, walang pumupunta ng dis-oras ng gabi para mamalengke dahil sa lugar na ito ay aabutin ka pa ng tatlong oras at kalahati bago ka makapunta sa bayan kung saan ang pamilihan sa palengke.
"Hindi pwede! Sa akin 'yan!" sigaw nang sigaw ang babae habang kinukuha sa mga awtoridad ang mga ebidensyang nakuha nila.
Wala kaming nagawa kung hindi ang tulungan si Mr. Mori na maposasan si Sheira. Nang tumino na ang kalagayan niya, inamin ni Sheira na ginagamit niya ang mga parte ng katawan nila para lutuin at ibenta. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa mga inilahad niyang detalye sa amin.
Mukhang suko na talaga ako sa mga nangyari sa akin ngayong araw. Hinding-hindi na talaga ako babalik sa ganitong lugar. Nakaka-trauma!
Para naman kina Jerome at Feurel ay pinasalamatan sila ni Detective Mori sa pagtulong na mapaamin si Sheira sa kanyang karumal-dumal na ginawa.
Nagkaroon pa ng konting away dahil halos humarantado sa iyak ang inay ng dalawang biktima, at handa raw silang magsampa ng kaso laban kay Sheira. Kailangan din siyang ipatingin sa isang psychiatrist dahil hindi naman daw siya ganito noon.
Dulot ng trauma na naranasan niya ng mawala ang magulang ay nag-iba na ang pag-uugali niya, napansin din kasi ng lolo at lola niya na parating wala sa gabi si Sheira. Kaya nakatityak sila na hindi aswang ang may kagagawan ng mga namamatay rito sa baryo.
"Sorry..." 'Yan ang naging huling salita ni Sheira na nakabalik na sa kanyang huwisyo. Hinatid na rin kami ni Detective Mori sa bungalow house bago kami sumakay sa van pauwi.
"Mag-aalas-dose na ng madaling araw mga bata. Saan kayo galing?" nag-aalalang tanong sa amin ni Morris.
Hindi pa namin naitatanong sa kanya kung bakit natagalan siya sa pagbalik at nagtungo na lang kaming tatlo sa kuwarto at natulog.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
PUTANGINA!
Nagising na lang ako na may nakayakap sa akin at kung minamalas nga naman ay ang dalawang loko pa at talagang sa kuwarto ko pa sila natulog. Nakakainis!
Ginising ko silang dalawa sa mahimbing nilang pagtulog, pero si Xavien basta lang hinigpitan ang yakap sa akin. Mukha ba akong unan?! Dahil sa inis ay pinitik ko parehas ang tainga nila at hinila ang patilya para lang magising.
"Bakit nandito kayo sa kuwarto ko?!" tanong ko. Bumalikwas agad ako ng higaan. "Labas!"
"Fuck! Ang aga-aga ang ingay ng bunganga mo!" reklamo ni Zeiro. Nagsalubong tuloy ang dalawa kong kilay. Inayos ko ag damit ko at lumabas ng kuwarto.
Nakita ko na malakas ang signal nang tingnan ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Athena para kamustahin sila bago kami bumalik sa Amethy.
"Quade, si Amie tumatawag," sigaw nito mula sa kabilang linya. "Saglit lang ilalagay ko sa loudspeaker para marinig din nila." Sa palagay ko ay nagkukumpulan sila ngayon at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"What a hell vacation here, gusto ko nang makauwi agad," pagyayamot ko.
"What happened? Hindi ba kayo nag-enjoy r'yan?" tanong ni Quade.
"This is not the vacation I want, sobrang daming nangyari at hindi ko na talaga kaya," reklamo ko pa.
"I hope you won't get tired solving cases dahil may naghahanap sa inyo rito ni Xavien. She is one of the top students here at Amethy High. Sana raw ay makausap niya kayo agad," Athena said.
"Another case?" I asked. "Mukhang mapapasabak na naman kami nito."
Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa.
"It's not a typical case," Biglang humina ang boses niya sa sunod niyang sinabi, mukhang tinanggal niya na ang loudspeaker nito. "She has seven stalkers."
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. What?! As in seven stalkers? Is she a fucking celebrirty? "Artista ba siya o baka naman obsessed lang sila sa kanya?" sagot ko
Yet, this is a serious case that we need to resolve once we get back.
"I don't know. It's for both of you to find out, I don't want to solve this kind of case, I hate it. Hindi ko kaya," reklamo niya rin.
"Fine. Ipapaalam ko na lang kay Xavien ang tungkol dito." Ibinaba ko na ang tawag at nagtungo sa living area.
Tapos na rin naman ang paghahanap namin sa isang treasure hunt at hindi na ako makapaghintay na makapunta sa ibang bansa. What would look like if I was in front of Eiffel Tower: The most known historical landmark in Paris, France.
I simply giggled because of the excitement I felt.
"Oh! You're awake, have a breakfast first before we leave," sabi ni Mr. Morris. Kumakain siya sa hapag kainan at mukhang patapos na rin dahil paubos na ang sinisimsim niyang kape.
Narinig ko mula sa likuran ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwal nito ang dalawang loko na nagkukusot pa ng mata nila.
"Good morning!" sabay pa nilang bati. Nag-agahan na kami at pagkatapos nito ay kinuha na namin ang kanya-kanyang gamit saka inilagay sa likod ng van.
It's time to go home.
SA WAKAS, pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakabalik na rin kami sa Amethy High. Sinalubong naman kami nina Athena at Quade sa gate ng Amethy.
"Welcome back!" masiglang sabi ni Athena. Si Xavien na ang nagpasok ng gamit ko sa dorm at agad naman akong nagpasalamat pagkatapos.
"Akala ko tatagal pa kayo ro'n ng isang linggo," ani ni Quade habang nakaakbay kina Xavien at Zeiro.
Kahit isa pang araw ay hindi ko na talaga kaya!
Teka, kilala ni Quade si Zeiro?
Bumalik na kami sa dorm at nagpahinga. Hindi ko namalayan na mahimbing na pala ang pagtulog ko at nakaramdam na lang ako na may malakas na tumatapik sa akin, kaya napamulat ako ng wala sa oras.
"Amie, wake up!" sigaw ni Athena. Naalimpungatan tuloy ako dahil sa kanya.
"B-Bakit?" tanong ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano kaya mabilis akong napabalikwas kahit wala pa sa huwisyo. Nakita ko kasi na takot na takot si Athena.
"S-Si Quade, nawawala!" sambit niya na nanginginig ang boses. Agad kaming pumunta sa dormitory ng mga kalalakihan at tinungo ang kuwarto ni Xavien.
"I saw him, pero lintik na 'yan hindi ko maalala kung saan ko siya nakita!" inis niyang sabi. Tiningnan ko ang oras, it's quarter to ten. Medyo madilim na ang paligid.
"Do you notice something weird?" I asked.
Bigla na lang siyang may inabot sa akin na isang papel. Nag-iwan siya ng isang code.
May mga naka-highlight dito na mga letra. Another hellish code.
ADVIDNEOVUSB
COAHENFIVJD
PNOWJEVFIDOS
LFJCNETEPAP
WRQGSBVKEOIL
"A crossword?" Xavien asked in confusion. Kung susuriin ito ay parang crossword nga dahil sa mga letrang naka-bold.
Bumalik ako sa dorm para kuhain ang pinahiram sa'kin ni Quade na libro at nagdala na rin ako ng ballpen at papel. Sinubukan kong pag-isa-isahin ang mga highlight na letra.
"D. A. N. D. N. V. I. T. G. E. I. L?" Nang makarating ako sa dulo ng letra ay hindi ko pa rin mahulaan ang cipher na ginamit dito. Hanggang si Xavien na ang mismong tumingin nito. I don't see any words that can be interpreted in it.
Napakahirap naman nito, suko na 'ko! It took me a few minutes to stare before I realized there's a hidden word, and I intently came up with an idea.
"DANTE AND VIRGIL!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top