CHAPTER 12: WHERE'S THE X? (PART 2)

Sandali pa kaming nagkatitigan ni Xavien bago siya nagsalita. Paano niya nahanap nang gano'n kabilis ang isang treasure?

"Treasure? Saan?" tanong ni Xavien kay Zeiro.

"Here at the Isla Hermana. Natanaw ko ito kaya sinubukan kong pumunta upang tingnan kung anong mayroon dito pero..." Bigla na lang nagpuputol-putol ang sinasabi niya kaya naman dinalian namin ang pagbalik sa bungalow.

"We are on our way. Hintayin mo kami riyan," sambit ko at tuluyan ng naputol ang linya.

Nang makabalik na kami ay ginamit namin ang nakitang speed boat sa gilid ng bungalow. Dalawa ito kanina at mukhang ang isa ay 'yung ginamit ni Zeiro patungo sa natatanaw namin ngayon na Isla.

Marahan na hinawakan ni Xavien ang kamay ko hanggang sa makasampa sa maliit na speed boat.

"Kumapit ka," sabi niya. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa baywang niya. Nang paandarin niya ito ay napakapit ako nang mahigpit.

Sinasadya niya yata ito para mayakap ko siya. Pangiti-ngiti pa siya matapos gawin ito, pero mas lalong nagniningning sa matirik na araw ang kagwapuhan niya na sinamahan pa niya ito ng pagsuot ng itim na sunglasses.

Ilang saglit pa ay pinahinto niya na ang makina, nandito na nga kami sa Isla Hermana. Puro puno ang natatanaw namin. Palagay ko kami pa lang ata ang taong bumibisita sa lugar na ito, pero ang pakay namin ngayon ay mahanap kung nasaan man si Zeiro.

Nang tingnan ko ang cellphone ay walang signal, gano'n din kay Xavien. Kaya nakapagtataka kung paano niya kami natawagan. Parang isang misteryong detective naman ang lalaking 'to!

"I think he went there," Xavien said and pointed his finger at the small cave. Hindi naman kami nagsayang ng oras at pinuntahan na iyon.

Habang paakyat kami sa bako-bako na mga bato ay hindi ko maiwasang madulas kaya hinigpitan ko ang kapit, gano'n din ang ginawa ni Xavien.

"Be careful," paalala niya. Tumango naman ako. Sa sunod kong pagtapak sa bato ay hindi ko inaasahan muktikan na akong mahulog, matarik pa naman ang inakyatan namin.

Buti na lang ay agad akong sinaklolohan ni Xavien at mahigpit akong kumapit sa kamay niya. Halos manginig ang kamay ko sa taas ng inakyat namin.

"X-Xavien..." Lintik lang talaga ang walang ganti kung dumaplis ang kamay niya sa pagkakakapit sa'kin. Hindi na talaga ako babalik sa lugar na'to!

"Kumapit ka nang mahigpit at hihilahin kita pataas," sabi niya.

Nagulat na lang ako ng biglang ay isa pa na humawak sa kamay ko ng tingnan ko ito ay si Zeiro ang nakita ko.

"Kumapit ka kung ayaw mong maghiwalay 'yang mga buto mo!" sigaw ni Zeiro.

Agad naman akong kumapit nang mablis sa kanila at naiakyat ako. Makapigil hininga ang sinapit ko dahil sa pesteng isla na 'to!

Hinding-hindi na talaga ako uulit! I have enough with all this stuff.

Basang-basa pa ang palad ko dahil sa nangyari pero napukaw ang atensyon sa isang kakaibang kweba. Ang loob nito ay hindi luma, kung hindi ay binabalot ito ng mga nagniningning na ginto.

"I-Ito ba 'yung sinasabi ni Mr. Morris na Treasure?" Halos manlaki pa rin ang mata ko sa nasasaksihan ko. Tumango naman si Zeiro ng may pagngiti pa.

"We found the long-lost cave treasure, at dito lang din pala matatagpuan 'yun. It's just Morris finding us a step through this Island. Isa pa, baliktad ang mapa na sinusundan niyo."

Tiningnan namin muli ang mapa at napagtantong mali nga ito kaya malakas na batok ang binigay ko kay Xavien.

"Aw! What was that for?" he said with an irritated voice. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa katangahan niya. Sana pala ay ako na lang ang naghawak ng mapa.

"That's for being dumb. Halatang hindi mo sinuri ang mapa at basta na lang naglakad at sinundan 'yun. We ended up solving a case, instead of finding that treasure," I said.

Tinawanan lang ako ng loko at napakamot pa sa ulo niya.

I heaved a deep sighed because of frustration.

"Now we need to inform Morris about this cave treasure. Malaking bahagi ang natuklasan natin," wika ni Zeiro.

Sinuri namin ang loob at sa bawat hakbang ay hindi namin maiwasang mamangha, kahit kasi ang tinatapakan namin na mga bato ay may balot rin ng totoong ginto.

"Totoo ba ang mga ito?" tanong ko kay Zeiro. He picked a small piece of gold before answering my question.

"That's what we need to find out," sabi niya. "We need to do a scratch test to see if this is a real gold. Gold is a very soft metal, so scratching it with a hard object like ceramic will leave a golden or a yellowish streak."

Kaso lang wala kaming dala na kahit ano para mapatunayan na ginto nga ang hawak ngayon ni Zeiro.

"I have Nitric acid here. It can help to determine if that is a real gold," sambit ni Xavien. Inilabas niya ang maliit na bote na may tatak na Nitric acid.

Sumang-ayon naman si Zeiro sa kanya. Nang ikaskas na nga ang maliit na ginto ay halos magkaparehas ang reaksyon nilang dalawa habang ako naman ay gulong-gulo sa acid testing na ginagawa nila.

"This is a real gold!" bulyaw ni Zeiro na umalingawngaw sa buong kuweba.

Nanlaki na rin ang mata ko sa sinabi niya. Ginto? As in ginto talaga?! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Acid testing focuses on the fact that gold is a noble metal which is resistant to change by corrosion, oxidation, or acid," sabi niya. Medyo naguguluhan ako sa paliwanag niya at maiging iniintindi ito.

"If the scratch disappeared after dropping a nitric acid to a gold, then it is fake, and if the scratch doesn't it is genuine gold," paliwanag ni Xavien.

So that's how we determine a real gold? Ang galing niya talaga!

"This place shouldn't be controlled under the government. Mas maiging ipaalam natin ito kay Morris," saad ni Zeiro.

Hindi naman siya makatawag agad kay Mr. Morris dahil sobrang hina ng signal dito. "Paano mo kami natawagan kanina lang kung dead zone ang lugar na ito?" tanong ko sa kanya.

"A friend gave me his prototype invention, nasasagap nito ang frequency kahit na gaano pa kalayo pero mukhang palpak ang nagawa niya," aniya. Base sa dismayado niyang mukha ay tila gusto niya na rin makaalis sa lugar na ito.

Wala kaming mahihingan ng tulong dahil matarik ang lugar na ito at delikadong bumaba. Bukod sa gintong kweba, natuklasan din namin ang ganda ng loob at labas nito. Sa likod nito ay ang humahampas na pababang tubig, o isang tagong talon. Sinubukan namin babain ang lugar na iyon at pagmasdan ito.

Nagtampisaw pa kami sa tubig pero sinigurado muna namin na hindi delikado ito bukod sa mainit o kung tawagin nila na hot spring. Baka kasi may mga kemikal na nakahalo sa tubig at nang tingnan namin ay wala naman.

Halos mamula ang buong mukha ko nang bigla na lang sila naghubad ng pang itaas nilang damit. Bigla naman silang tumingin sa'kin at ngumisi kaya naman napatalikod ako agad.

Pervert!

"First time mo lang ba makakita ng abs?" pabirong sabi ni Xavien.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at halos mapalunok ako nang madiin dahil sa kagwapuhan niya, plus points na lang talaga ang abs niya.

Hindi ko rin maiwasan na mapatingin sa six pack abs ni Zeiro. Napakatikas ng katawan niya, halatang laging nasa gym. Teka? Bakit ko nga ba sila tinitingnan?

Ginawi ko agad ang tingin ko sa matataas na bato hanggang sa may napansin akong mga letrang nakaukit malapit sa kinatatayuan ko, lumapit ako rito at Tiningnan ito.

"Xavien, Zeiro..." pagtawag ko sa kanila. Inalis ko ang mga nakaharang na mga dahon. "La Cueva De Oro." Binasa ko ang buong pangalang nakalagay dito.

"That is a spanish language," sabi ni Zeiro at hinaplos ang mga nakaukit na letra. "I think it means, 'The Cave of Gold'. Mukhang ito ang tawag sa lugar na ito."

"The Cave of Gold?" I asked. "Hindi ba't isang kathang-isip lang ang lugar na 'yun?" Xavien immediately shook his head, gano'n din si Zeiro.

"Do you think this Island would exist if this weren't true?" usal niya. May punto nga naman siya. Nakaramdam na lang kami ng isang malakas na pagyanig na halos ikahilo ko na.

Nagulat kami ng biglang magbagsakan ang mga bato. "We need to get out of here. Lulubog na ang isla!" sigaw ni Xavien. Pataas nang pataas ang tubig habang may bumabagsak na mga bato, buti na lang ay maliliit lang ang tumatama sa ulo namin.

"Walang daan palabas!" sigaw ni Zeiro nang makaakyat. Napansin ko na puro sugat na ang kaliwang braso niya dahil sa mga bato.

"We need to do the plan B," sabi ni Xavien.

Huh? Anong plan B?! Bakit parang napag-isipan na nilang dalawa ang tungkol sa bagay na ito?

Hinawakan ni Xavien ang kamay ko. "Sundin mo lang ako, okay? Just hold your breath for a while, makakaalis rin tayo!" Napatigil siya dahil palaki nang palaki ang mga batong nagbabagsakan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Sumisid kami sa ilalim ng tubig hanggang sa may nakita kaming isang lagusan kahit pa masyadong malabo para makita ang daan dahil sa mga bato.

Bigla namang sumenyas si Xavien kaya sinundan ko lang siya, hindi ko nakitang sumusunod sa amin si Zeiro. Gusto ko man siyang balikan pero hinihila ako ni Xavien patungo sa maliit na kweba, ang lagusan palabas sa lugar na ito.

Hanggang sa maaninag ko na lang ang ilaw at nang makaahon kami ay agad na may tumulong sa'ming dalawang taong namamangka. Kahit na kapos ang hininga ko ay pinilit ko na magsalita.

"N-Nasaan si Zeiro?" tanong ko kay Xavien. Pumapatak na ang mga luha sa mga mata ko dahil baka natabunan na ang katawan niya nang malalaki at nagbagsakang mga bato.

Xavien caressed my cheeks and comforted me; he immediately gave me the towel the man had. "He will be fine. Buhay siya, huwag kang mag-alala," sabi niya habang mapait na ngumiti.

Napahinga naman ako ng maluwag. This trip is the most unforgettable experience, sigurado akong hindi ako makakatulog ng maayos nito.

Hindi na namin alam kung saan napunta ang lintik na speed boat na 'yan dahil pag-ahon namin sa tubig ay malayo na kami sa palubog na isla. Nang makabalik kami sa bungalow ay nanlaki ang mata ko.

Si Mr. Morris ay kausap si Zeiro habang walang pang-itaas na damit at may nakasukbit na puting tuwalya sa kanyang leeg. Agad niya kaming nilapitan pagpasok naming dalawa.

"Ayos lang ba kayo?" pag-aalala niyang tanong. Niyakap ko siya nang mahigpit na parang matagal na kaming hindi nagkikita.

Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Kinalas ko naman agad ang pagyakap ko at pinunasan ang luha saka ko hinampas ang dibdib niya.

"Lintik ka! May pa plan b pa kayong nalalaman halos atakihin na ako sa puso habang lumubog 'yung isla," sabi ko.

"I just followed his plan b, I jump through the water since it's rising, kaya't sinisid ko ito hanggang sa makita ko lagusan palabas at ginamit ko ang speed boat para hanapin kayo. When I saw the both of you safe, I immediately went back here," aniya.

"Galing kayo sa Isla Hermana? That is a dangerous Island, hindi n'yo ba nabasa ang sign bago niyo ginamit ang speed boat?" Three of us shook our heads habang nakayuko.

"Hindi namin napansin dahil wala na 'yun bago pa namin ginamit ang speed boat," sabi ko. Bigla na lang pumalakpak sa harap namin si Mr. Morris kaya nagtaka kaming tatlo.

"If there were no sign, then you found out that the map you've all been holding is upside down. You've all completed the first task and found the treasure before it disappears. Sayang lang dahil matagal na no'ng huli kong masaksihan ang La Cueva De Oro," wika niya.

Tila napakunot-noo kaming tatlo habang nagtitinginan sa isa't-isa. So, he knew it all along? The treasure map is just a task that we need to complete.

"It seems that you've learned a lot in your journey dahil basang-basa pa kayong tatlo. Ako na ang magpapaliwanag sa mga mangingisda na tumulong sa inyo. Makababalik na rin kayo bukas sa Amethy High," sabi niya at tumayo sa kinauupuan.

Akala ko magtatagal kami rito, pero hindi pala. Halos dalawang araw nga lang ang nasulit namin pero makapigil-hininga ang naranasan namin sa Isla Hermana. Nang makaalis si Morris ay naiwan na naman kaming tatlo, nagpalit na rin kami ng suot namin at nagpatuyo.

"It was a fun adven—" Bago pa mabuo ni Zeiro ang sasabihin niya ay binatukan ko na siya. "Again?"

"Fun ka riyan! 'Eh, halos mamatay na nga tayo dahil sa mamalaking bato na nahulog," saad ko. Tinawanan niya lang ang sinabi ko habang nag-aayos ng gamit.

"What I meant is the adventure we went through just to find that heavenly cave that is full of gold," palusot niya pa.

Tinakpan ko ang tainga ko sabay sabi ng kung ano-ano na parang isang batang ayaw makinig sa magulang.

"We now know that there is a true treasure hunt there, but the Island is nowhere to be found now after it sank," sabi ni Xavien.

Inayos na namin ang lahat ng gamit para makapaghanda pabalik sa Amethy High. Ilang oras pa ang lumipas ay nakapaghapunan na kami pero hindi pa rin namin nakikita si Morris kaya naman ay lumabas ako at tinanong si Manong Protacio na sumisimsim ng kape habang nasa loob ng van.

"Manong, bakit hindi pa rin po bumabalik si Mr. Morris, hindi po ba ang sabi niya kakausapin niya lang ang mangingisda na tumulong sa'min?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Oo, hija. Nagtataka nga rin ako dahil takip-silim na at hindi pa siya bumabalik. Masyado pa namang delikado sa lugar na ito dahil ang sabi-sabi ay may aswang daw na pagala-gala," aniya. Tumaas naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sinabi niya.

Nakita ko na nakikinig din sina Zeiro at Xavien sa usapan namin at napahalukipkip ako.

"I don't think that kind of creatures really exist at all," buwelta ni Xavien. "Since wala pa namang napapatunayan na talagang mayroon nito at mga haka-haka lang nila na nakakita sila ng ganito."

Lumaki ako na naniniwala na sa mga ganitong bagay kaya interesado akong malaman kung totoo nga ba ito. Kahit tinatayuan na ako ng balahibo sa takot, gusto ko pa rin na masaksihan ang mga ito at hindi lang puro haka-haka.

"These are one-dimensional monsters and inherently evil by nature with no explicable motives beyond harming and devouring other creatures. Their overtly evil behaviour may be described as an inversion of our traditional Filipino values," biglang sumingit sa usapan namin si Zeiro na nakapukaw ng atensyon ko ang sinabi niya.

"Hindi mo malalaman sa pisikal na hitsura kung aswang nga ba ito. Kailangan mong tingnan ang mga mata nila at kapag nakita mo na baliktad ang repleksyon mo, masasamang elemento sila. May kakayahang magpalit ng wangis ang isang aswang kaya't marahil ay hindi mo agad masasabi na isa siyang aswang," sabi pa ni Manong Protacio na pukaw atensyon rin.

Ilang saglit pa ng pag-uusap namin ay may narinig na lang kaming isang babae na sumisigaw at humihingi ng tulong. Hingal na hingal itong lumapit sa'min.

Halo-halong takot ang bunalot sa katawan ko at halos manlamig ako.

"Ano pong nangyari?" tanong ni Xavien sa babae. Inalalayan ko siya sa haba ng tinakbo niya papunta sa kinaroroonan namin.

"M-May biktima na naman ang aswang. M-May nakita kaming katawan ng babae na labas ang lamang-loob!" wika niya na halos aligaga at takot na takot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top