CHAPTER 11: WHERE'S THE X? (PART 1)

20-8-5

THE

8-21-14-20

HUNT

23-9-12-12

WILL

2-5-7-9-14

BEGIN

20-15-4-1-25

TODAY

'Yan ang nakalagay sa naiwang sulat mula sa table ni Mr. Morris. Nasabi niya na rin kay Xavien habang kausap ito sa telepono na magsisimula raw ang paghahanap namin kapag nakarating na kami sa isang bungalow house niya sa Baguio.

Parang ilang-araw na staycation ang magaganap doon at hindi na ako makapaghintay dahil kahit papaano ay wala kaming iisipin na project or assignment.

Agad kaming bumalik sa cafeteria para ipaalam kina Athena at Zeiro ang nahanap namin.

"We need to pack things now. Tumawag din sa'kin si Morris kanina at ang sabi niya ay may maghihintay daw sa'tin na itim na van mamayang alas-diyes 'y medya ng gabi," ani Zeiro saka inilapag ang mga pagkain na hawak niya.

"So, you're saying that the three of you will stay at his house, just for a treasure hunt?" hindi makapaniwalang sabi ni Athena.

"We don't know what he's up to, but this will gonna be an exciting treasure adventure." Xavien gave us a mischevous smile. Tila tuwang-tuwa na ito kahit hindi pa nagsisimula ang paghahanap namin.

Hindi na namin ipinaalam kina Quade at Larken ang pag-alis namin mamaya at bumalik na sa kanya-kanyang dormitory para ayusin na ang mga gamit.

It will be two hell weeks for me, kasama ko pa ang isang bagong detective. Mabait naman siya, guwapo, mukhang matalino, pero wala akong tiwala sa kanya.

"Call me if there's a problem, I don't also know what he's up to by sending the three of you to his bungalow house," sabi ni Athena. "Kung may mangyari mang masama sa inyo, just used this." May binigay siya sa akin na isang maliit na device.

"Ano 'to?" tanong ko. Pinagmamasdan ko pa ang pagpapalit ng ilaw nito mula sa asul at pula.

"This is a location device. I invented it before I even got accepted here at Amethy high," she said. Namangha naman ako sa ibinigay niya.

How the hell did she invent it? Is she a freaking genius inventor or something?

Nagpasalamat ako at nagpaalam na saka lumabas ng kuwarto. Nakita kong nakahanda na ang dalawa at mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

"Bumalik ka na sa dorm mo," utos ni Xavien kay Athena. Sumunod naman siya ng may pagkaway pa bago pumasok sa loob.

Hinihintay na lang namin ngayon ang van na maghahatid sa amin, pero kalahating oras na ay wala pa ring pumaparadang sasakyan sa mismong gate ng school. Tanging ang paghampas lang ng malakas na hangin ang naririnig ko.

"We've been waiting here for half an hour, hindi ba't ang call time ay 10:00 PM?" Zeiro asked in irritated voice. Napaka mainipin naman niya.

Umiling ako dahil hindi ko rin alam. Silang dalawa lang kasi ang nakausap ni Mr. Morris sa telepono kanina, wala rin akong natanggap na mensahe mula sa kanya.

"We should wait for more minutes, marahil ay nagka-problema lang sa sinasakyan nila," wika ni Xavien.

I agreed to him. Itong si Zeiro lang talaga ang napakamainipin na tao, his patience is too short for this trip. Is he really a detective? Bakit parang isang isip bata ang kasama namin ngayon? Isa pang malakas na pagbuntong-hininga ang pinakawalan niya, buti na lang ay hindi naiirita si Xavien.

Ilang saglit pa ay may napansin kaming ilaw at tunog ng isang van, mukhang ito na ang sundo namin. Nang maaninag na namin ang van na papalapit sa gate ay agad kaming lumapit sa sasakyan at nakita ang pagbaba ng isang lalaki. Si Mr. Morris, nakasuot siya ng itim na coat at elegante kung tingnan ang hitsura.

Like a crazy rich asian.

Ngumiti siya at kumaway sa'min, habang ang dalawa ay sungit na nakahalukipkip pa. Natawa tuloy ako sa reaksyon nila dahil para silang magkapatid na kakatapos lang mag-away.

"We've been waiting here for so long," reklamo ni Zeiro. Binuksan niya ang likod ng sasakyan at isa-isang inilagay ang gamit namin.

"Stop complaining. I think kaya sila natagalan dahil tumirik ang sasakyan sa daan, tama ba ako?" Xavien Asked.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Nahulaan niya pa 'yun?

Tumingin ako kay Mr. Morris ng tumango naman siya sa tanong ni Xavien.

"Yes. The driver already fixed it, I thought you wouldn't notice that." Morris answered him. Matapos ilagay ang gamit namin ay sumakay na si Zeiro sa van. Pinagigitnaan nila akong dalawa. Si Xavien ang nasa kanan ko, habang si Zeiro naman sa kaliwa.

"You should all rest dahil malayo ang biyahe natin," Morris said. Tumango naman kaming tatlo. Buti na lang ay nagdala ako ng travel pilliow kaya inilabas ko na ito, isinandal ko ang ulo sa malambot na unan at ipinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw, kaya ginamit ko ang kamay ko upang takpan ito. Nagulat ako dahil ang dalawang loko ay nakitulog rin sa maliit kong unan.

"Gising!" sigaw ko sa kanila.

Inalis naman nila agad ang ulo sa unan ko at sabay pang nagkusot ng mata nila. Nakakainis dahil may tulo pa ng laway ni Zeiro sa unan! Kadiri!

"Sorry for that," sabi ni Zeiro. Napansin niya rin ang basa sa unan ko. Tinanggal ko ito at lumabas na kami ng sasakyan.

Ginising ko pa ang driver dahil siya na lang ang tulog. Si Manong Protacio ang naghatid sa amin dito, siya rin pala ang nangangalaga ngayon sa mismong tutuluyan namin ng dalawang linggo.

Malaki at malawak ang bungalow na tinitingnan ko ngayon. Ang aga pa pero grabe na ang sikat ng araw at grabe rin ang lamig dito sa baguio. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ay alas-otso na pala.

"What a pleasant morning," umagang bati sa amin ni Mr. Morris. "Come in and have breakfast first." Pumasok kami at iginawi ko ang tingin sa paligid, may chimney sa gilid at puro antique ang mga gamit niya, may mga painting din na nakasabit.

Naupo muna kami sa dining area at nag-umagahan. Matapos nito ay kinuha ko ang jacket dahil masyadong malamig at giniginaw ako. Bigla akong nakaramdam ng malamig na humawak sa akin kaya napalingon ako. Si Xavien lang pala.

"It's so cold out here, take this." Ibinalot niya ang hawak niyang jacket sa'kin at kinuha niya ang jacket na hawak-hawak ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"Morris is calling us!" sigaw ni Zeiro. Nagkaiwasan kami ng tingin at bumalik sa loob. Umupo kaming tatlo sa isang one-seated wooden chair.

"I recieved a call from Amethy High. I wanted to help the three of you, but this is an emergency," sabi ni Mr. Morris. "Maiiwan ko muna kayong tatlo rito and I hope you solved this map before I can even come back here.

"You want us to solve this within a span of 24 hours? I think we can't do that since the map is lacking clues to find that treasure," Xavien said.

Zeiro and I agreed. Hindi detalyado ang nasa mapa at medyo may kalumaan na ito kaya marahil ay mas mahihirapan kami.

"You should have walk around outside by now. You'll never know what treasure you will find in this journey, good luck!" Lumabas na si Mr. Morris magtapos magpaalam sa'min, baka sa susunod na araw pa raw siya makabalik.

Napakunot-noo ako. Ano kaya ang nangyari sa Amethy High at biglaan siyang ipinatawag doon? I roamed my gaze around the house. May dalawang pintuan akong nakita at binuksan ko ito. There is a king size bed with a white bedsheet, napakaaliwalas ng kuwarto at gano'n din sa kabila nang buksan ko ito.

Halatang inaalagaan ni Mang Protacio nang maigi ang bahay na ito dahil kahit konting alikabok ay wala. Nagtungo ako sa likod ng bahay, mayroong pool 'do'n at sa kanang dulo ay may jacuzzi.

Parang ang sarap tuloy mag-enjoy ngayon sa dalawang pool sa lamig ng panahom dito sa Baguio.

"The ambiance and the design of this house is so beautiful. Parang gusto kong manirahan na lang dito kaysa sa mansyon niyo." Zeiro is referring to Xavien house and as much as I care, I don't want to visit that mansion again.

"This would be a perfect spot for my vacation trip." Then he smiled.

Xavien rolled his eyes. "For me, there is something wrong at this house," sabi niya na ikinakunot-noo naman naming dalawa.

"What do you mean?" I asked.

"Parang may tinatago si Morris sa atin."

Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya. He doesn't have a simple explanation to us, as to why we are looking for that treasure hunt, but we just ignored it.

Kami lang tatlo ang naiwan dahil kasama ni Mr. Morris. Si Manong Protacio naman ang naghatid sa'min dito.

"Inaantok pa 'ko," humihikab pang sabi ni Zeiro. Nagtungo siya sa master's bedroom at iniwan kaming dalawa sa sala.

Things have been turned into a little bit of awkward. So, I broke the silence.

"Should we find the treasure now?" I asked. Kumibit-balikat lang siya at inilabas ang cellphone. "Walang signal dito kaya hindi tayo makatatawag kina Quade at Athena," saad ko.

He deeply sighed. "Fine, we should find those treasure before sunset," aniya.

We have no choice but to look for the X sign. Kailangan lang namin sundan ang mapang binigay sa'min ni Mr. Morris. Lumabas muna kaming dalawa at naglibot-libot hanggang sa makarating kami malapit sa isang three-star hotel, medyo may pagkalumaan na pero marami pa rin ang taong dumarayo rito.

Natanaw namin na maraming tao ang nagkukumpulan doon kaya agad kaming lumapit. Kinalabit ko ang isang matandang babae na may hawak na isang plastik na puno ng gulay.

"Ale, ano pong mayroon?" tanong ko. Lumingon naman siya at tila nababahala ang ekspresyon ng mukha.

"May babae raw na natagpuang patay sa loob ng hotel at isang lalaki ang tumalon mula sa bintana," kuwento ng ale.

Nagulat ako ng biglang lumapit si Xavien at tiningnan ang bangkay ng isang lalake, basa ito at marahil ay sa mismong dagat siya bumagsak pagkatapos nitong mahulog. Katabi lang kasi ng hotel ang isang dagat at sa hindi kalayuan ay may isla pa roon na delikadong puntahan.

Nagulat na lang ako nang biglang i-perform ni Xavien ang CPR at sinubukan i-revive ang lalaki. Pati ang matandang babae ay nagulat rin.

Ilang saglit pa ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Hanggang sa napanghinaan na lang ng lakas si Xavien.

I wanted to help but my fear dominates me.

"He's dead," sabi ni Xavien at tumayo. "You should call the police and ambulance." Agad akong kumilos at inilabas ang phone ko. Buti na lang ay may signal sa lugar na ito, kung wala ay hindi kami makakahingi ng tulong.

Mayamaya lang ay dumating na rin ang mga pulis at ambulansya. Sinimulan na rin nila ang kanilang pag-iimbestiga pati sa isang babae.

Bumaba ang tatlong kasabwat sa pagpatay sa kanila, dalawang babae at isang lalaki. Lima silang magkakaibigan at ngayon ay patay na ang dalawa.

Ang biktima ay sina Dante Del Rosario, 22 years old at Felicia Cortez, 23 years old. Ang salaysay ng isa sa mga kaibigan nila ay nagbabakasyon lang daw sila rito para sa isang research study, pero hindi raw nila inasahan na ganito ang mangyayari dahil nagkaroon ng alitan sina Dante at ang boyfriend ni Felicia na si Louie Alvaran.

"Xavien?" Nakarinig kami ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin namin ito ay nanlaki ang mata namin.

Si Detective Mori ang naka-assign sa kasong ito?

"What a coincidence, Mori." Xavien said. Kinamayan niya ito at ngumiti.

"A-Ano po ang ginagawa n'yo rito?" tanong ko. Hindi ko alam kung coincidence ba ito o parang may mali sa mga nangyayari.

"Dito ako naka-assign matapos akong tawagan ni Detective Viero kanina lang, matagal din ang naging biyahe ko bago nakarating dito," aniya. Pinahintulutan naman kaming makita ang babaeng bangkay para tingnan at suriin ito.

Nakahandusay ang babae at ang mga gamit sa loob ay nakakalat. May mga nakita naman silang ebidensiya tulad ng cellphone at isang kutsilyo sa banyo.

"Wala ba kayong nakitang kahina-hinala sa mga pangyayari kanina bago ito naganap?" tanong ni Xavien.

Sumagot ang isang babae. Mahaba ang buhok niya, blonde, maputi at balingkinitan. Si Irish Lei Hermosa, ang pinakabata sa kanila, she's 20 years old and graduating student.

"Nagkaroon po ng bangayan sa pagitan ni Dante at Louie, nasa first floor po kaming dalawa ni Irish no'ng nangyari iyon," paliwanag ni Andrea Valeria. Isa sa mga kaibigan ni Felicia

"We just argue, but I didn't kill them," singit ni Louie. Hindi naniwala si Xavien sa sinabi niya. He's the main suspect of this crime.

Kahit ako ay hindi maniniwala sa kanya. Kung nandito ngayon si Zeiro malamang ay nag-aalitan na iyong dalawa dahil sa kasong ito.

Based on the police autopsy, isang oras at kalahati na raw simula nang mamatay ang dalawang biktima.

Walang nakakita sa pangyayari sa pagkamatay ng babae. There are bruises on her neck kaya marahil ay ginamitan ito ng kumot o kahit anong bagay na pwedeng ipulupot sa kanyang leeg.

Habang sa lalaki na nahulog ay nakita na lang daw na palutang-lutang ng isang matandang lalaki kaya sumigaw ito at humingi ng tulong para iahon siya, doon na nagkumpulan ang mga tao. At isang oras ang lumipas, ito na ang pagdating namin ni Xavien sa pinangyarihan.

Kaya pala hindi na magawang maisalba ni Xavien ang buhay nito.

He's already dead. Napalunok na lang ako ng madiin dahil naalala ko ang pag-CPR niya.

Ang unang nakakita sa biktima na si Felicia ay si Andrea. Babalik na raw sana siya sa kuwarto para tingnan si Felicia dahil sumasakit daw ang ulo niya bago pa sila makarating sa hotel, kaya napagpasyahan niya na magpahinga muna. Si Irish naman ay naiwan sa first floor at nagtitipa sa kanyang laptop. Nagulat na lang siya ng biglang bumaba si Andrea na duguan at nanghihingi ng tulong sa receptionist.

"Kung ikaw ang nanghingi ng tulong sa receptionist, nasaan si Louie? Hindi ba't magkasama sila sa kuwarto bago nangyari ang insidente?" Xavien asked. Idinerekta niya ang tingin kay Andrea.

"Are you saying that I'm the one who killed Felicia? Hindi ko magagawa 'yon," iritang sabi niya. Nagsukatan sila ng tingin ni Xavien.

"No. I am saying that there are two murderers," direktang sabi ni Xavien.

"Two?" hindi makapaniwalang sabi ni Irish. "S-Sino?" Sunod niyang tanong na nanginginig ang boses. Mukhang may alam siya kung sino ang tinutukoy ni Xavien na dalawang tao.

Hindi ko rin naisip kung sino sila dahil sa paghahanap ko ng mga clues at iba pang ebidensya, wala namang gamit na nawawala sa biktima tulad ng cellphone or alahas na mayroon sila. Ibig sabihin, iba ang motibo kaya nila pinatay ang dalawang biktima.

"May pasa ka sa kanang mata, sino ang gumawa niyan?" tanong ko kay Louie. Nanlilisik niya akong tiningnan. "Wala itong kinalaman sa pagkamatay nila, and why do you care? Hindi ba dapat mga pulis ang mga nag-imbestiga sa'min at hindi mga kung sino-sinong bata."

Bata? He's referring to us like we're kids playing in a serious crime.

Napasinghal ako nang wala sa oras at nagsalubong ang kilay.

Xavien rolled his eyes. Hindi niya rin nagustuhan ang sinabi ni Louie at lumapit pa ito. "Natatakot ka bang malaman na isa ka sa mga pumatay sa kanila?" He flashed his mischievous smile.

"Are you accusing me of being a murderer?" galit nitong sabi.

Nakakuyom na ang kamay niya at handang idapo sa mukha ni Xavien pero hindi niya ginawa dahil pinigilan siya ni Irish.

Si Detective Mori ay nanonood lang. He knows what Xavien's capable of as a detective. Alam niya kung kailan pipigilan si Xavien when deduction is on-going.

"Louie is your boyfriend, right?" tanong ko kay Irish. Tumango naman siya.

"Your boyfriend is a cheater and killer," sambit ni Xavien na ikinalaki ng mata ni Irish. Hindi na ako nagulat dahil alam kong isa siya sa mga pumatay.

"Prove it!" bulyaw ni Louie. Gusto na niyang saktan si Xavien, pero ang mga tingin ni Detective Mori ang pumipigil sa kanya at si Irish ay wala rin namang magawa. Si Andrea ay takot na takot din.

"You and Andrea planned to kill them. There is evidence of poison that has been found in the toilet along with the knife Andrea used," sabi niya. "Look at her dirty hand, mayroon pa ring bakas ng dugo ng biktima." Nang makita ko iyon ay mayroon ngang mga bakas ngunit pinipilit niyang itago ang kamay sa bulsa.

"Andrea killed Felicia because she's jealous of her and she wanted you to be her boyfriend, para wala na siyang kaagaw sa'yo. She took the chance to kill her dahil lahat sila ay wala sa kuwarto. Agad niyang kinuha ang kumot at ipinulupot nito sa leeg ni Felicia, pero hindi siya nagtagumpay sa unang pagkakataon kaya kinuha niya ang kutsilyo na nasa table at sinaksak niya ito."

Huminga muna siya nang malalim bago ito ipagpatuloy. "When she realized what she had done, doon na pumasok si Dante at nagulat sa nasaksihan niya. Agad na lumabas si Dante upang humingi ng tulong pero pinigilan siya ni Louie. Base rin sa autopsy report may tama ang ulo niya, ibig sabihin may humampas sa kanya gamit ang matigas na bagay."

Lumapit si Xavien sa kama at itinaas ito, sa una ay wala naman kakaiba. Nang bigla na lang itinaas ni Xavien ang isang kahoy. Sa loob ng isang patagong kahoy ay bumungad ang ginamit ng salarin sa pagpatay—isang mahabang bakal, hindi ko alam kung saan niya ito kinuha.

"P-Paanong..." Halos nanginginig ang boses ni Irish at napaluhod na lang. Tumutulo na rin ang luha niya.

"Nakabangon pa niyon si Dante at nanghihina na. You also took the chances to killed him, saktong nakabukas ang bintana kaya doon mo siya tinapat at sinakal hanggang sa hindi ka niya nalabanan dahil sa panghihina," paliwanag niya.

Halos umagos na ang luha sa mga mata ni Andrea at Irish. Maging ako ay napaluha. Lumuhod si Andrea at nakatakip ang palad sa mukha habang umiiyak.

"Oo, inaamin ko na! Pinatay namin sila. Naging makasarili kami dahil sa pagmamahal. Kung maibabalik ko lang ang buhay ni F-Felicia...." Tumingin siya kay Irish habang nakaluhod, "I-I-m sorry Irish."

Hinawakan niya ang palad nito at nagmamakaawa.

Wala na rin nagawa si Louie at inaamin na rin ang kasalanang nagawa. Pinosasan na silang dalawa at inilabas sa hotel habang si Irish ay sasamahan ni Detective Mori pabalik sa Police station para sa iba pang mga katanungan.

Kahit ako ay napabilib sa deduction na ginawa ni Xavien. He is a fucking genius because he examines every facet of the case not just the clues and evidence, but as well as the possibility on how the murderer do the crime. Napalawak ang ngiti ni Detective Mori sa kakayahan ni Xavien. Kahit na wala ako masyadong naitulong nagpasalamat pa rin siya sa amin.

Pabalik na kami sa bungalow house nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko na may naka-register na unknown number.

Sino naman kaya ito?

Nagdadalawang-isip pa akong sagutin ito pero kinuha iyon ni Xavien at siya na ang sumagot. Pinindot niya ang loudspeaker para marinig ko rin ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

"Where the hell did you two go? Kanina pa ako naghihintay sa inyo sa bungalow. Lumabas pa ako at hinanap kayo, but I think I have found the treasure that we're looking for."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top