CHAPTER 1: AMETHY HIGH

Trigger Warining/Author's Note: Please be reminded before reading this story that the character's solving is based on a true cases events here in the Philippines and it's been reported, televised decades or years ago.

AGAIN, THEIR CASES ARE BASED ON A TRUE STORY AND REAL LIFE EVENTS. Enjoy Reading!

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Narito ako ngayon sa library tumitingin ng iba pang mga libro bukod sa hawak ko, nang makapili ay umupo ako at ibinuklat ang libro. Maaga pa naman at mahaba pa ang oras kaya pumunta muna ako rito. Ito kasi ang tanging safe space ko kapag may problema.

I need to escape from reality.

Sometimes, nakasasakal na rin. 'Yung tipong gusto mong sumuko pero hindi mo naman magawa, hanggang salita lang ako.

Anyway, ang paborito ko lang naman na libro na aking hawak ngayon at inilathala ni Sir Arthur Conan Doyle's ay ang "A Scandal in Bohemia." Dahil sa naantig ako at nahasa sa storya niya ay hiniram ko pa nga sa kaibigan ko ang iba pang mga libro na tungkol kay Sherlock Holmes. Lahat yata ng collection ay mayroon siya kaya libre ko lang ito na nababasa at naiuuwi.

Ang bait talaga ni Quade!

Hindi ko nga alam kung bakit ko nahiligan ang mga detective books, basta ang alam ko ay nahahasa nito ang memorya ko at marami akong natututuhan. Hindi lang sa deduction, kung hindi rin sa kung paano naglalaro ang mga letra at numero sa isip ko tulad ng ibat-ibang mga codes.

I am Amie Celeste Mendoza, a Grade 11 student at Amethy High. A school where detectives train and hone their skills. Ilang buwan na ako rito pero parang normal lang na eskwelahan ito. Kagaya lang din sa pinapasukan ko noong nasa elementarya ako. Alam kong may dahilan kaya nila ako pinasok dito at 'yun ang pinakamahirap na bagay na dapat kong lutasin.

Sino nga ba siya at bakit niya ako pinasok sa ganitong klaseng prehistiyosong paaralan?

Mayamaya ay nakarinig ako nang malakas na padyak patungo sa inuupuan ko. Alam ko kung sino ito, iniangat ko ang tingin nang maramdaman ang presensya niya.

It's Xavien.

"Are you really fucking ignoring me, Amie? It's been three weeks since that incident happened. Can you just fucking forgive me?" Xavien muttered with his baritone voice.

Ang boses nito ay kasing lalim nang balon, pero malakas kung umalingawngaw sa buong silid.

I sighed deeply. Malakas kong itiniklop ang hawak kong libro habang naka-ipit ang bookmark sa naiwang pahina. Tumingin ako sa kanya nang masama.

"Forgive your ass! Hindi mo ba alam na muntik na akong mapatay ng lalaking iyon? And the fact that you knew him? It all makes sense now," I stated.

"I get it, Amie. You're upset because of that case but please, forgive me," he begged. There's a hint of sincerity in his eyes.

Ang init ng kamay niya ay dumapo sa malamig kong palad. He's cute, and his bunny face seems so real. Minsan lang siya maging ganito kaya sinusulit ko na ang pang-aasar ko.

"Amie Celeste Mendoza," pagtawag niya sa buong pangalan ko nang may kalakasan kaya nairita ako. Pero agad iyon napalitan nang mahinang halakhak matapos siyang sitahin ng librarian.

Napatikhim tuloy ito habang ako ay kagat-labing pinipigilan na matawa.

Hanggang sa kinurot niya ang tagiliran ko dahilan para mapatayo ako.

"F-Fine! Okay, pinapatawad na kita. You don't need to say my full name," mahinang wika ko. Hindi naman ito narinig ng librarian kaya tuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

"Kung gusto mo baby na lang," pagbibiro niya. Mapaglaro ang pagtaas-baba ng kanyang makapal na mga kilay. Mahina kong hinampas ang balikat niya nang maging kamatis na ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Ikaw talaga," duro ko at hindi niya naman mapigilang tumawa.

Lagi na lang akong asar-talo sa mga biro niya, kainis!

Lumabas na ako nang Library pero sumusunod pa rin siya. Para tuloy akong may alagang pusa. Wala naman akong choice kaya kumain muna kami sa cafeteria, pagkatapos niyon ay tumunog na ang bell na hudyat ng pagsisimula ng sumunod na klase.

Pero paano nga ba ako nakapasok sa ganitong eskwelahan kahit na wala naman akong kakayahan? I'm not rich and my family is not that wealthy to afford this kind of school.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

KASALUKUYAN akong nasa loob ng kuwarto at naghahanda ng mga gamit dahil isang linggo na lang ay darating na ang resulta kung natanggap nga ba ako sa gusto kong pasukan na eskwelahan. Kailangan ko na rin makahanap ng malapit na boarding house, kahit magastos ay kakayanin ko.

Independent kaya ako!

Marahang bumukas ang pinto at iniluwal naman nito ang aking ina, saktong tapos na ako sa ginagawa kaya nang lumingon ako ay napukaw ng aking atensyon sa hawak niyang sobre.

"Nak! May sulat na dumating para sa'yo," sabi ni inay kasabay ng pag-abot niya nang puting sobre.

Tila parehas kami ng reaksyong dalawa dahil wala naman akong inaasahan na sulat na darating. We're now in the 21st century at hindi na uso ang sulat dahil may social media na ngayon.

"Sulat?" nagtatakang sambit ko.

Tiningnan ko ang nasa loob nito at napakunot-noo rin dahil may halo-halong letra na nakalagay sa sulat. Sino naman kaya ang nagpadala nito?

M-C-I

O-F-S

W-B-J-W-H-S-R

H-C

O-A-S-H-V-M

V-W-U-V

From,
Cleo Morris.

"Huh?" Tanging 'yun lang ang salitang lumabas sa aking bibig. Tiningnan ko ito nang maigi habang nakaupo. Hindi kaya isang code ito na kailangan kong alamin?

Dali-dali kong binuksan ang computer and I search on google how to decode this kind of letter or something. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang pag-aksayahan ng oras itong sobre na naglalaman lang naman ng halo-halong letra.

But it piqued my interest, parang may kung anong bagay akong naramdaman at naisip na kailangan kong alamin ito. Lumabas nga sa search ang ibat-ibang tawag sa pag-decipher ng code. Hindi naman ako magaling sa ganito, ang tanging alam ko lang ay ang Morse code.

Kaya naman isa-isa kong binasa ang mga detalyeng nakalagay sa nahanap kong website. Sinubukan kong gamitin ang una kong nahanap na Vigenère cipher, pero hindi naging sakto ang mga letra sa hinahanap ko.

Mayroong binary, columnar at combination cipher pero hindi pa rin ito tama. Susuko na talaga ako!

Pinagmasdan ko maigi ang mga letrang nakalagay. Kung hindi ito ang mga code sa nahanap ko, isa lang ang naiisip ko. Binalikan ko muli ang huling code na nahanap ko sa isang website.

The Caesar Cipher.

The Caesar Cipher is a simple method of encoding messages. It uses a substitution method where letters in the alphabet are shifted by some fixed number of spaces to yield an encoding alphabet.

Napansin kong nasa Shift 14 o sa letrang O ang simula kung pagmamasdan ito ng maigi.

"Tama nga!" sagot kong may malawak na ngiti sa aking labi.

Kumuha ako ng notebook at ballpen para isa-isahin ang mga letra. Mukhang tamang cipher na ang nakuha ko sa pagkakataong ito.

Sino nga kaya ang nagpadala ng sulat na'to?

"O-P-Q-R-S-T-U-V-W-X-Y-Z," banggit ko isa-isa sa mga letra habang nakatutok ang tip ng ballpen dito. Tapos uulit lang sa letrang A hanggang sa N upang mabuo ang alphabet nito, hanggang sa nabuo ko ang nilalaman ng liham.

Y-O-U

A-R-E

I-N-V-I-T-E-D

T-O

A-M-E-T-H-Y

H-I-G-H.

Nanlaki ang mata ko nang malaman ko ang nasa likod ng mga letra.

Amethy High?

Agad kong itinipa ang pangalan ng eskwelahan na ito, pero walang resulta na lumalabas. Hindi kaya nagkamali sila sa pagbigay ng liham?

Walang pangalan ang nakaindika sa sobre at tanging address lang namin.

Hindi ako pwedeng magkamali, pero hindi ito ang eskwelahan na gusto kong pasukan. Wala akong natatandaan na nagpasa ako ng kahit ano sa eskwelahan na ito. Napansin ko ang mga do's and don'ts sa likod at napukaw ang atensyon ko sa laki ng allowance na ibibigay nila.

"150,000 monthly allowance?!"

Napalunok tuloy ako nang madiin at nagdalawang-isip kung kukunin ko ba ang ganitong klaseng oportunidad, pero kapag lumabag daw ako sa kanilang tungkulin ay malaki ang parusang pwede kong matanggap.

"Wala na akong pake! Makatutulong ang allowance na ito para makapamuhay kami nang maayos at makatutulong ito ng malaki sa amin. Hindi ko na dapat pang palampasin 'to," sambit ko.

Nakalagay sa ilalim ng do's and don'ts ang numerong kailangan kong tawagan, medyo maliit ang pagkakalagay nito kaya kailangan kong tingnan nang maigi.

Tumawag ako at isang malalim na boses ang nagsalita sa kabilang linya. Base sa boses niya ay nasa 40's na ata ang edad niya. Hindi kaya siya si Mr. Cleo Morris, ang kausap ko ngayon?

"Maraming salamat sa pagtanggap ng aming imbitasyon upang maging parte ng Amethy High School," galak nitong sabi. "Magpapadala kami muli ng sulat kung saan nakalagay ang address na iyong pupuntahan. Good luck!" At ibinaba na nito ang tawag.

"Amie, natanggap ka?" Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko.

"Nova!" napataas ang tono ng boses ko nang makita siya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kinuha niya sa kamay ko ang sobre na may liham ng pagtanggap sa'kin sa Amethy High.

"Ikaw ang nakapasa sa Amethy High?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya ang tungkol sa prehistiyosong eskwelahan na iyon?

"Wait. Alam mo ang tungkol sa Amethy High?"

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan at rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga.

"Huwag mo nang ituloy, Amie. 'Wag mong tanggapin ang alok nila sa'yo," wika niya at hinawakan nang mahigpit ang braso ko.

Alam kong nag-aalala siya base sa tono ng boses niya. Ibig sabihin may alam nga siya. "N-Nova, ano ba n-nasaktan ako!" saad ko.

Binitawan niya naman agad ako.

"A-Ano bang problema mo?!" pagtataas ko ng boses sa kanya.

"I'm just trying to protect you from Xavien, hindi dapat kayo magkita at higit sa lahat huwag kang makikipagkaibigan sa kanya," paalala niya sa'kin.

Lumakas naman ang tibok ng puso ko.

Sino si Xavien? At bakit ko siya dapat layuan? Nang huminahon si Nova ay nagpaalam na siya sa'kin, hindi rin niya sinagot ang mga tanong ko.

Paulit-ulit niyang binabanggit na huwag kong tanggapin ang alok, pero hindi pwede! Malaking pera ang matatangap ko na makakapagpagaan ng buhay namin. Kung susundin ko siya, patuloy kaming maghihirap at baka hindi ko na rin maipagpatuloy pa ang pag-aaral ko.

Kinabukasan, nakatanggap muli ako ng isang sulat mula kay Mr. Cleo Morris. Medyo naging mahirap ang pag-decipher ko dahil iba ito sa nauna kong natanggap na liham.

"Mukhang ito na nga 'yung tinutukoy sa sulat." Tiningnan ko muli ang address na nakalagay.

Nakatayo ako ngayon sa malaking gate at nakita ko ang malawak na football field na puno ng berdeng damo. Tanaw ko rin sa itaas ang pangalan ng eskwelahan sa taas ng gate na kinatatayuan ko ngayon.

Sarado pa ito.

May biglang lumapit sa akin na isang guwardya. "Bakit ka narito? Pinatawag ka ba ni Professor Morris?" tanong niya.

"O-Opo," utal kong sagot. Iniabot ko sa kanya ang sulat at hindi man lang siya umimik habang tinitingnan ito.

Ang sungit naman ng guwardyang 'to!

"Ikaw ang bagong estudyante rito? Sumunod ka sa'kin," utos niya.

Awtomatikong bumukas ang malaking gate at habang naglalakad ako pasunod sa likuran ng lalaking gwardiya ay napatigil siya. "And by the way, I'm not the guard here. It's just a fucking substitute—no, punishment for me," inis na sabi niya.

Tumango naman ako. Mukha ngang bata pa ito at marahil kasing edad ko lang, mayroon din itong hitsura na siguradong kahuhumalingan ng mga kababaihan, pero ibahin niya ako. Hindi niya ako makukuha sa matatamis niya ngiti.

Bigla akong napaigtad at lumingon nang makarinig ako ng malakas busina. Anak ng tokwa naman!

"Get out of the way!" sigaw ng isang lalaki na dumugaw sa bintana ng kanyang kotse.

Gago ba siya? Napakalawak naman ng daan at sa likuran ko pa talaga! Nang dumaan ang kotse niya sa harapan ko ay tumigil ito at binuksan ang bintana.

"Next time use your fucking eyes," saad niya at umalis na.

"Don't mind him, he's not in his mood right now," sabi ng guwardya—este ng lalaking katabi ko.

"Sino siya?" tanong ko. He gave me a wide smile with a deadly look.

"Xavien Vince Amores."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top