PROM

PROM

 

Ano ang Prom? Bakit may Prom? Ok lang ba kung hindi mag-attend? Masaya ba 'yon? Eh dagdag gasto 'yon eh.

Peron bakit nga ba sa buhay ng isang High Schooler, Prom ang pinakahihintay? Kasi 'yon ang panahon na pwede kang magpropose sa nililigawan mo. 'Yon ang chance na pwede mong isayaw ang crush mo. At 'yon ang huling pagkakataon na makasama mo ang mga kaibigan mo, na hindi iniisip ang school projects.

"Trish, samahan ka namin magpasukat ng gown mo ah!" sabi ni Ashi pagpasok pa lang ng room. kakatapos pa lang ng break time namin at kay Leslie at Macy ako sumabay. Hindi naman nagseselos si Ashi at Thea. Sakatunayan, sila pa nag-push sa akin na sakanila sumama ngayon. Dapat daw close ako sa kaibigan ng manliligaw ko.

Oo, manliligaw ko na si Bryck. Kinikilig nga ako kapag naalala ko 'yung sa ilog eh. Parang hindi kapani-paniwala. Parang isang panaginip na masarap ulit-ulitin.

"Sa Saturday pa naman eh." Sabi ko.

"Hala? Hindi pwede! 2 weeks na lang Prom na! Kailangan mo ng magpasukat. Mamaya magpasukat ka na ah?" tumango na lang ako. Itetext ko na lang tuloy si Mama na mamayang uwian ako magpapasukat. May design na naman kasi ako sa gown. 'Yung kaibigan kasi ni Mama na bakla ang nag-sketch.

Filipino na ang next subject namin. El Fili ata kami ngayon kasi tatapusin na namin ang kwento ni Simoun.

Nag-sscan ako nang libro ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Bryck. Nakangiti siya sa akin. Lagi naman eh.

"Bakit?" ani ko. Umiling naman siya.

"Tabi na lang tayo." Sabi niya.

"Baka mapagalitan ka ni Ma'am eh." Dalaga pa ang teacher namin sa Filipino pero may pagka-istrikta kaya takot kami.

"Wala 'yon si Ma'am. Takot 'yon sa muscles ko." Pinakita niya 'yung payat niyang braso kaya natawa ako. Si Bryck kasi hindi naman siya macho. Payat siya na maputi na singkit. 'Yung mukha niya pang anime eh. Kaya siguro marami din nagkakagusto sakanya kasi ganyan siya. Naalala ko pa noong 3rd year ako, walking Rukawa ang tawag sakanya noon. Siya daw ang bumuhay sa katauhan ni Rukawa sa Slam Dunk.

"Talaga lang ha? Eh si Cassy ang nakaupo dyan." Sabi ko lang. nakita ko naman na ngumuso siya at parang nalungkot.

"Samahan mo na lang ako mamaya." Sabi ko para makabawi sa lungkot niyang pinapakita.

"Talaga? Saan?" masaya niyang tanong.

"Sa *** fashion house. Magpapasukat ako ng gown eh."

"Ayaw ko." Sabi niya. Napasimangot naman ako. Bago pa ako makapagsalita inunahan na niya ako. "Naniniwala kasi ako na bawal makita ng Groom ang susuotin ng Bride sa kasal." Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa. Ganyan si Bryck sa akin. Kengkoy on his own unique way. Mas nakilala ko siya ngayon. Ibang-iba sa Bryck na alam ko. Akala ko he's a man of few words. Hindi pala. Ang dami niyang kwento. Nakakahawa ang kakulitan niya.

Lunch break na at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen nila Ashi at Thea kasama si Bryck at ang barkada nito.

Maingay kami habang kumakain. Mas naging maingay nga kasi doble trouble na kami. Mga kengkoy itong kasama naming lalaki. Pati si Adrian nahawa na. kaya ito namang si Ashi halatang mas naiinlove.

Nakita kong naglabas ng ipod si Bryck sa bulsa niya. Sa school namin, bawal ang cellphone, ipod, at shuffle kaya bawal ipakita. (hindi pa uso noon 'yung ipad at tablet)

Kinabit niya yung headphone at nag-scan. "Bawal 'yan." Puna ko. Nagkibit lang siya.

"Pakinggan mo 'to." nilagay niya yung headphones sa tenga ko.

"Ano ba 'yan?"

"Basta pakinggan mo. Tapos magsasalita ako. Tignan natin kung marinig mo ah?" nakakamot na lang ako ng batok. Ang labo naman ni Bryck. Malamang hindi ko 'yon maririnig unless kung mahina ang volume.

"Ok, eto." Nag-play na 'yung kanta.

♫♪ There's somethin' that

I've got to say

You're always with me

Even though, you're far away

Talkin' to you on my cell

Just the sound of your voice

Makes my heart melt

Oh girl, well it's true♪♫

Ang lakas nung volume. Nakakabingi. Pero keri lang kasi maganda naman 'yung kanta. Tinapik naman ako ni Bryck kaya napatingin ako sakanya.

Tapos bumuka bibig niya at nagsasalita. Tatanggalin ko sana 'yung headphones sa tenga ko kaso pinigilan niya.

Kinakausap n'ya ako pero hindi ko naman marinig. Ano naman kaya 'yon?

♪♫I'm all about you

I'm all about us

No, baby, you never have

To question my love♫♪

'Yung kamay niya nakalagay sa tenga ko para pigilan ako sa pagtanggal ng headphones. Minumura na ba ako ni Bryck? Napatingin naman ako kela Ashi at Thea na parang kinikiliti. Ano problema nila? Para silang addict dyan.

♫♪And every night

There's a new crowd

But it's always you

That I'm singing about

There is only one these words

Are going out to

Oh girl, I'm all about you♫♪

Napatulala na lang ako sakanya habang nagsasalita. Ano ba kasing sinasabi niya? Hindi ko ba pwedeng marinig? Para kasi 'kong tanga dito eh.

♫♪I know you worry sometimes,

Some other girl will make me forget you're mine

There's not a doubt in this world

That anyone could take the

Place of my number one girl♫♪

Natapos ang kanta... At nagsasalita pa din siya. Hindi niya ba alam na tapos na ang kanta?

"—ang sarap manligaw sayo eh. Naisip ko nga, maswerte ko sayo, kahit nililigawan pa lang kita. Pero naisip ko din, mas maswerte ka sa akin. Kasi walang lalaki ang makakaisip ng ginagawa ko sayo. Plus gwapo na, macho pa. Marami pa akong surpresa sayo. Gusto mo bang malaman?"

Gusto kong matawa. Hihintayin ko bang sabihin niya at magpapanggap na may music pa? eh wala na 'yon thrill kung malalaman ko.

"Gusto ko sumakay sa biseklata at sakay ka sa unahan. Gusto ko ako ang first and last dance mo sa Prom. Gusto ko—" napahinto siya ng ngumiti ako. Luh? Alam na ata niya.

"Naririnig mo na ako?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Kanina pa." sabi ko sabay tawa. Tinignan naman niya ipod niya at napapikit.

"What exactly did you hear?" kabado n'yang sabi. Natawa naman ako. Si Ron at Mico naman nagpipigil ng tawa.

"Minura mo ko." Sabi kong seryoso. Nagulat naman siya.

"U-uy hindi ah!"

"Sabi mo hindi mo ko gusto!"

"Hala? Hindi ko yu—"

"Sabi mo ang panget ko!"

"Wala akong—"

"Ayaw mo kong isakay sa bike!"

"What? I—"

"Ayaw mo kong isayaw sa Prom!"

"Hindi naman 'yon—"

"Basted ka na!" sabi ko sabay tumayo. Dali-dali akong lumabas ng canteen habang natatawa. 'Yung mukha niya parang nawalan ng dugo. Ang sarap picture'an.

"Triciaaa~ Uy! Wait! Tricia!" napatingin sakanya 'yung mga studyante sa labas ng canteen. Nakagat ko labi ko para itago ang ngiti. Gusto ko nang humagalpak sa tawa eh.

"Bakit?! 'Yun ang narinig ko eh!" nakapameywang kong sabi.

"Hindi tama ang narinig mo. Ang sabi ko masyado kitang mahal kaya gusto kong araw-araw kitang ligawan kahit dumating ang araw na sagutin mo na ako. Pinakagusto kong parte ng mukha mo ay mata. Kasi napaka expressive niya. Kung malaman ko man na hindi pala tayo para sa isa't-isa, kasi iba na ang gusto mo. Matatanggap ko 'yon. Kasi gusto ko masaya ka. Pero pangako na hindi ako maghahanap ng iba. Mas gugustohin kong tumanda ng mag-isa kesa magpanggap na hindi na kita mahal." Nakita ko sa likod niya ang mga barkada niya pati si Ashi at Thea pati si Adrian. 'Yung mga studyante nakatingin sa amin na animo'y nanunuod ng shooting.

"Alam ko naman na 'yon eh! Binaligtad ko lang para marinig ko mismo sa bibig mo." Nakangiti kong sabi. Nag-hiyawan naman ang mga studyante. Nakita kong namumula ang tenga ni Bryck.

"Putspa kinikilig ako!"

"Ikaw na, Trish!"

"Mommy ko 'yan!"

"Anak ko 'yan!"

Natawa lang ako sa mga feedback ng studyante at ng mga kaibigan ko.

"T-totoo ba 'yan?" he said. Tumango naman ako.

Kasabay nang paglapit niya sa akin ay tumunog na ang bell. Sabay-sabay kaming bumalik sa room.

Usap-usapan sa buong third floor ang scene kanina kaya pati mga taga ibang section inaasar kami. Para ngang naging instant celebrity couple kami ni Bryck dahil do'n sa kanina. May mga nagsasabing kinikilig. May nagsasabing ang OA daw namin kasi kailangan pang ipakita sa lahat. May mga nagseselos at may mga naiinggit.

Kagaya na lang nitong babae sa unahan ko na kanina pa ako tinatapunan ng masamang tingin. Si Avy.

Pero kahit ganyan 'yan, hindi ko siya kinompronta. Hindi kasi ako gano'ng klase ng tao. Tsaka alam kong nagkakaganyan siya dahil kay Bryck.

-=-

The day before nang Prom, nasa school kami para magpractice at para na din kunin ang invitation. Lahat nga excited eh. 'Yung mga kaklase kong babae nagparebond ng buhok kaya ang gaganda nila. Ang saya pala ng ganito. Practice pa lang nag-eenjoy na.

Bale kaming dalawa ni Adrian ang partner kasi siya ang escort ko. No'ng nalaman nung adviser namin na nanliligaw sa akin si Bryck, gusto niya sanang ipalit ito na escort ko. Kaso hindi na pumayag ang student council kasi gawa na daw 'yung invitation.

Kung sinong partner ni Bryck sa waltz? Eh di si Avy. Ang swerte niya. Pero paano matutupad 'yung gusto niyang maging first dance namin ang isa'isa?

Lahat ng seniors nakalinya sa gitna ng gym at nagsasayaw ng waltz. Kami kasing muse ang huli. Ewan. 'Yun yung sa choreograph eh.

Hapon na nang matapos ang practice. Hindi kami gaanong nagkausap ni Bryck kasi laging hinihiwalay ay Muse at escort sa grupo kaya kami lang ni Adrian ang magkasama.

Palabas na kaming Gym nang tumambad sa akin ang familiar ng sasakyan.

"Tricia!" lumabas si Mommy. Ang kapatid ng aking Papa. Mommy tawag ko sakanya kasi 'yun ang gusto niya. Wala kasi siyang anak kaya gano'n.

Iniwan ko na si Adrian at nagpaalam sakanya na sabihin na nauna na ako. Sumama na ako kay Mommy. Alam ko kung bakit siya umuwi. Kasi magpoprom na ako. Alam kong excited na din siya para sa akin kasi siya nag-sponsor ng gown ko.

Umuwi kami sa bahay at nakita ko do'n yung dalawa kong kapatid at si Lola. Ang saya, nandito silang lahat.

Dumating naman si Mama at Papa at dala na ang gown ko. Pinagkaguluhan nga nila eh. Parang may fiesta lagi sa bahay kapag nakukumpleto kami. Sana laging ganito.

-=-

Tanghali na nang magising ako. Late na din kasi ako nakatulog kagabi kasi nag movie marathon kaming pamilya. Ang kukulit nga ng bunso kong kapatid eh.

So yun, bumangon ako at naligo. Nagbihis lang ako ng cotton shorts at putting blouse. Napatingin ako sa gown ko na nakaupo sa upuan. Ang ganda niya. Hindi siya ballgown, medusa gown siya kasi yun daw ang bagay sa mga matatangkad.

Pakatapos akong kumain ng tanghalian, saka naman dumating 'yung magme-make up sa akin. Mas lalo tuloy akong na-excite ng bongga. 'Yung excitement ko na parang sasabog na kasi nagkahalo-halo lahat ng emosyon ko?

Nagkaro'n pa ng konting picturan bago habang inaayusan ako. Feeling ko tuloy ikakasal na ako. Eh kasi inayos pa nila susuotin ko at pinatong sa kama ko kasama no'ng shoes, invitation, wrist garland at accessories ko.

Namangha ako sa sarili ko nang makita ko sa salaming ang repleksyon ko. Nakataas ang buhok ko at may bun sa gitna tapos pinatungan ng maliit ng tiara.

Hindi ko ine-expect na ganito ka-revealing ang gown ko. Medyo kita ng slight ang cleavage tapos halata yung kurba ng katawan ko. Nakakahiya naman ata. Hindi ako 'to. Pero shet! Ang ganda ko. HAHAHA

-=-

Alas syete ang simula ng Prom. Nakita kong nagsisimula na pero na loob pa din ako ng sasakyan. Wala akong guts lumabas. Nakita ko din 'yung mga kasamahan kong muse  at nasa waiting area na sila. Napabuntong hininga muna ako bago tuluyang lumabas sa sasakyan.

Mabuti na lang at pumasok na yung mga bisita sa Gymnasium kaya konti lang ang mga nakakita paglabas ko.

Dahil 12 ang section ng Seniors, ika second to the last akong papaso kasi 2nd section ako. Oo gano'n kadami ang section naming.

Kinakabahan ako habang papalapit ako sa entrance  ng Gym. May canope kasi do'n tapos do'n kami papasok papuntang gitna habang naghihintay ang escort hanggang sa makapunta kami sa stage.

Mabuti na lang pala at may gloves akong suot. Nagpapawis na talaga kamay ko eh.

Nang tawagin ang pangalan ko, saka ako umunahan. Katahimikan. 'Yun ang sumalubong sa akin. Hanggang sa dahan-dahan pinapatugtug ang kantang God must have spent by Nsync.

Napapikit ako ng konti ng sa akin mapunta ang Spotlight. Medyo nawala 'yung kaba ko kasi wala akong nakikita.

Mabagal akong naglakad paunahan. Nakita ko si Adrian nakasuot ng Black Suit habang nakangiti sa akin.

Pero habang papalapit siya, parang nag-iiba ang mukha niya at nagiging si Bryck. Hala? Gano'n na ba ako ka-inlove kay Bryck at pati si Adrian nagiging kamukha na niya sa paningin ko?

Pero hindi eh. Si Bryck talaga ang sa harapan ko at nakangiti sa akin habang hawak ang isang piraso ng red rose.

"Hi." Bati niya habang nakatingin lang sa akin.

"B-Bryck?" tumango siya.

Gaya kanina, nag-dim ang ilaw kaya kita ko na ang lahat. Napalingon ako sa pwesto ng mga classmates ko at nakita ko do'n si Adrian na nag-thumbs up.

"Hindi kailangang nasa invitation ang pangalan ko. Ang importante, ikaw ang kapartner ko sa Prom." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang stage.

Kaba, saya, at overwhelmed ang nararamdaman ko habang nagkakasiyahan kami sa Prom. Halos hindi ko na nga maubos 'tong pagkain na inihain sa amin eh. May kanya-kanyang table per section at tapos na ang seremony. Awarding na lang saka party party na.

Nagpipicture-picture kami nila Ashi at Thea nang mapatingin sa akin ang mga kaklase ko. Tinawag pala kami ni Bryck para sa awarding. Nakuha niya Mr. Dreamboy at ako naman ay Face of the Night. Nakakagulat nga eh. Ok lang kahit hindi ako ang naging Prom Queen. Masaya na ako sa ganito.

Habang masaya kami sa table at nag-aasaran kasi yung mga classmate kong hindi maporma naka-make up na. Yung mga classmate ko naman na tombski at gayski ay nagrereklamo kasi dapat daw nagpalit sila ng gown at tuxedo.

Prom indeed is the happiest day/night of my life. Walang makakapantay dito. Masarap maging high school eh. Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataon na balikan ang masasayang araw sa buhay ko, pipiliin ko ang high school. Kasi dito ako nabuo. Dito ko nahanap ang sarili ko.

Kaya ang masasabi ko sa mga tutuntong sa high school, treasure every moments. Kasi hindi na 'yan mauulit pa. hanggang alaala na lang 'yan kapag pinalagpas mo.


xxx

A.N: Sana nagustuhan niyo :'>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: