Chapter 4: Secreto ni Angelo

Chapter 4:

Secreto ni Angelo

*Chester*

   Masaya narin naman maging Class Queen, ilang months narin naman at nakakayanan ko naman. Pero ganun parin asot’ pusa parin kami ni Justine. Grabe pero ewan ko, init talaga ng dugo ko sa kanya, kaya sorry nalang siya.

   Niyayon, sa locker nakakatangap nanaman ako ng letter from my “secret admirer” daw. Nako gustong gusto ko talagang malaman kung sino yon, kaya kahapon, inagahan ko ang pasok,ung tipong naghihilek parin ang teacher namin andun na ako. Pero pag bukas ng locker ko “tadah!” andun na agad. Kinwento ko yun sa barkada.

“naks naman Chester! Nakakakilig naman tong secret admirer mo!” sabi ni Allyson

“buti ka pa may secret admirer, ako kaya kelan ako magkakaroon ng ganyan?” sabay isip naman tong si Cecilia

“nako po! Asa ka pa! teh! Try mong tignan ang itchura mo sa salamin, try mo lang” pag asar ni bakla

“hoi! Ang sama mo naman, di naman ganun ka panget si Cecilia eh,…. I mean no offence pero tama din si Angel, gusto mo tulungan ka naming?” tanung ko

“hindi wag na, okay lang ako, alam ko namang pangit ako eh, ayus lang to masaya naman ako eh” sabi niya

   Actually, di naman talaga pangit si Cecilia, pumapangit lang siya dahil sa suot niya, kayang kaya naman namin siyang baguhin pero diba kung ayaw naman niya, wala kaming magagawa. Hindi ko sinabi sa kanila pero may plano ako. Kung hindi niya nilalagay yon tuwing umaga, ibig sabihin tuwing dismissal niya nilalagay yun. Kaya nag hintay ako hangang dismissal.

“sigurado ka? Hindi ka sasabay samin pauwi?” tanung ni Cecilia

“Oo, may ichcheck parin kasi ako”

“wait, nasan si bakla?” pagtataka ni Allyson

Nagtaka rin naman ako, “baka nauna na sa inyo, sige na! ingat kayo ha!” sabay akyat ko sa classroom.

   Naghihintay ako pero nakatago, medyo kinakabahan ako kasi madilim na salabas tapos may narinig akong mga footsteps na parang papasok, nagtago ako dun sa hindi niya ako makikita, pero siya makikita ko. Grabe! Kabadong kabado ako eh, pero parang ako familiar sa lalaking ito. Hinulog niya sa locker ko ang probably bago niyang note. Tapos biglang nag ring yung phone niya

“hello pa? opo sige po, bababa na po ako”

HOLY PEPPERONI! Si Angel? Si Angel bakla ang secret admirer ko?! Bakit boses lalaki siya? Baka tama ang kutob ko, nagbabakla baklaan lang ang loko. Di muna ako lumabas galling sa pagtatago ko, bigla siyang naghubad ng yellow niyang polo, tapos nag palit ng black polo, tinaas ang buhok at OMG! Ang gwapo gwapo niya! Kahawig niya si Miguell Tanfelix! Kaya di ko na napigilan ang sarili ko.

“hoy!!’ sigaw ko

“Chester? Late na ah? Bakit andito kapa” tanung niya na parang gulat na gulat

“ikaw? Ikaw ang secret admirer ko?” tanung ko na takang taka ako

“umhhh… hindi ah! Pinapabigay lang yan sakin” sagot niya

“talaga? Nino naman?”

“ni…. Ni ano… si….” Di siya nakasagot

“Bakit? Akala ko bakla ka?” tanong ko sa kanya

“nagbakla baklaan lang ako para mapalapit sayo,,, nahihiya akong aminin sayo kasi alam ko mainit ang dugo mo sa boys, kaya yun, nagbakla baklaan ako… sorry, pero promise! Hindi talaga ako bakla, straight ako” pageexplain niya

“Sus, kaya pala”  natatawa tawa kong sinabi

“sorry talaga ha… tinago ko pa pagkatao ko, bistado mo naman ako” malungkot niyang sinabi

“Ok lang, at least, ang sweet mo ha! May pa secret secret admirer ka pang nalalaman! Alam mo, masgwapo ka pala pag lalaking lalaki ka, lalo na sa porma mo” pabiro kong sinabi, pero seryoso, ang gwapo pala ni bakla

“ganun? Salamat, ikaw naman kahit ano pang suot mo, maganda ka talaga” (LOL) nang bola pa eh no?!

   Sabay kaming bumaba, andun na ang papa niya. Grabe! Ang yaman pala ni bakla! Naka Porsche ang tatay niya.

“Sumabay ka na, ihahatid ka na naming, gabi na eh, mangaabala ka pa” sabi niya

“wag na! nakakahiya sa papa mo,” pakipot pa ako, kung tutuusin gusto ko na talagang sumakay

“hindi yan! Ayus lang, at least makikita ko kung sn ka nakatira diba?”

“O’sige na nga!” sabay sakay sa car ng papa niya

*Angelo*

   Bistado na ako, pero at least di siya nailang. Sana nga di talaga siya mailang. Ayoko naman kasing masira ang friendship naming kaya I kept myself as “anonymous”. Nahatid na namin ni papa si Chester. Pag uwi dumeretcho ako agad sa gwarto ko, nag online sa facebook tapos nakita kong online si Chester, nahihiya pa ako kaya di ko muna siya chinachat. Nag online naman ako sa school website. Tinignan ko kung sino sinong online sa klase namin, si Justine na nyayon ay crush ng bayan, ang sulit na kambal, si Christian the class president, si Allyson daldal, si Cecilia at si Jasmine Iyakin. (HAHA!) nagulat nalang ako kasi biglang nag pop-out ung chat box naming ni Chester sa school’s web site.

Chester Antonio: Hii!!! :)))

Angelo Villanueva: Hello :)

Chester Antonio: Angel, gusto ko sana magpasalamat dun sa mga letters mo, na appreciate ko naman, di lang

siguro yun yung priority ko now days, sana maintindihan mo

Angelo Villanueva: ahh… oo ok lang naman, sus yun lang pala

Chester Antonio: kasi diba? Di ko pwedeng tangalin ung focus ko sa pakikipag kompitensya kay yabang

Angelo Villanueva: anu ka ba! Ok lang talaga, alam ko naman ang priorities mo eh

Chester Antonio: sure? Ayus lang?

Angelo Villanueva: Oo naman! Ay sige mag didinner na daw kami eh, text text nalang bye!

Chester Antonio: sige thanks sa time, see you tomorrow! :)

   Tama ang sinabi ni Chester, siguro nga masyado pa kaming bata na hindi muna dapat un ang prinapriority naming kung di ang pag-aaral muna. Ayos naman ako, masaya dahil hindi siya naging snob. Sana mas maging close pa kami at maging masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: